Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 9/15 p. 3-4
  • Ang Babalang Hindi Pinahalagahan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Babalang Hindi Pinahalagahan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pakikinig sa Babala ay Maaaring Magligtas ng Iyong Buhay
    Gumising!—1987
  • Gising Ka ba Kung Tungkol sa Ating Panahon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Mga Sirkero sa mga Dalisdis ng Bundok
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Tarawera—Malaking Kapahamakan ng Bulkan sa New Zealand
    Gumising!—1992
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 9/15 p. 3-4

Ang Babalang Hindi Pinahalagahan

NOONG Mayo 18, 1980, ang Mount St. Helens sa Estados Unidos ay sumabog pagkatapos ng pananahimik na may 123 taon. Nagkaroon ng pagkalakas-lakas na pagsabog buhat sa taas na 1,300 piye, sinalanta nito ang mayroong 230 milya kuwadrado ng magagandang kapaligiran, at mayroong mahigit na 60 katao ang nangasawi.a

Ang pagsabog na iyon ay may babala. Halos dalawang buwan na patiuna, isang malakas-lakas na lindol ang yumanig sa lugar na iyon, at sinundan pa ng sunud-sunod na lalong madalas. Noong Marso 27, ang bulkan ay nagbuga ng maraming abo at singaw na humagis ng apat na milya ang taas sa hangin.b Bagamat ang bulkan ay medyo kumalma nang sumapit ang Abril, may napormang kapansin-pansin na umbok sa bandang norte nito at sa araw-araw ang bilis ng paglaki niyaon ay limang piye sa maghapon.

Para sa mga siyentipiko ang mga palatandaang ito ay malinaw na nagpapakilala na may napipintong pagsabog niyaon. Nagbigay ng mga babala upang ang mga tao ay lumayo sa bulkan. Subalit ang babala ay hindi pinahalagahan ng marami.

Si Harry Truman, may-ari ng isang tirahan sa Spirit Lake malapit sa paanan ng bundok, ay tumangging ilikas. Siya’y naninirahan na doon nang may 50 taon at hindi siya makapaniwala na ang kaniyang kinagigiliwang bundok na ito ay maninira ng katahimikan ng kaniyang paligid. Ang iba naman ay nagsikap na pagtagumpayan ang mga sagwil sa daan upang makapagkampo sa palibot at makapagmasid sa bundok sa wari mo’y mapayapang kagubatan.

Nang magsimula na ang malakas na pagsabog, sumusubong mga gas at abo ang humagis buhat sa bulkan sa bilis na 200 milya por ora! Angaw-angaw na mga punong abeto ang nangabuwal, at nasawi ang mga taong hindi nagpahalaga sa babala. Ang mga iba’y namatay na sumisilip pa sa kanilang mga kamera. Apatnapung piye ng sumusubong putik ang tumabon kay Harry Truman at sa kaniyang bahay-bakasyunan.

Singbilis ng 50 milya por ora ang pag-agos ng putik. Nang isang piloto ng helicopter ang mag-abiso sa mga tao na umalis sa landas ng umaagos na putik, ang iba’y hindi tumalima. Sinabi niya: “Hindi ako makapaniwala. Sinabi ko sa kanila kung ano ang darating at nagtawa lamang sila at kinawayan ako.” Hindi nagtagal at ang kanilang pagtatawa ay napauwi sa pagpapanic.

Ang ganitong pagtanggi na makinig sa mapanghahawakang mga babala ay karaniwan na, lalo na pagka iyon ay tungkol sa isang bagay na hindi pa nararanasan ng tao. Sila’y nangangatuwiran na wala namang magbabago yamang ang palibot na mga kalagayan ay nagpapatuloy sa mula’t sapol ng kaarawan ng kanilang mga ninuno. Ang gayong kaisipan ay hahantong sa kapahamakan pagka ipinagwalang-bahala ng isang tao ang isang sinaunang babala tungkol sa napipintong kapahamakan na makapupong malaki kay sa sumabog na Mount St. Helens. Ano ba ang kapahamakang iyon? At ano ang iyong saloobin tungkol doon? Ikaw ba ay hindi maniniwala, o pakikinggan mo ang babala upang mabuhay ka? Alamin kung ano ito sa susunod na artikulo.

[Mga talababa]

a Isang piye = 0.3 metro; isang milya kuwadrado = 2.6 kilometro kuwadrado

b Isang milya = 1.6 kilometro.

[Picture Credit Line sa pahina 3]

H. Armstrong Roberts

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share