Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 5/15 p. 24-25
  • “Mga Kayamanan ng Banal na Lupain”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Mga Kayamanan ng Banal na Lupain”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Ang “Awit sa Karagatan”—Isang Manuskritong Nagdurugtong sa Dalawang Yugto sa Kasaysayan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Ang Cesarea at ang mga Sinaunang Kristiyano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Mga “Dead Sea Scroll”—Ang Mahalagang mga Tuklas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 5/15 p. 24-25

“Mga Kayamanan ng Banal na Lupain”

ANG Manhattan, na kung saan walang tigil ang pagmamadalian, ay isang pambihirang dako para sa isang koleksiyon ng sining na umaalalay sa kasaysayan sa Bibliya. Gayunman, naroon sa Central Park ng New York City ang The Metropolitan Museum of Art, na kamakailan ay naging punung-abala sa “Mga Kayamanan ng Banal na Lupain: Sinaunang Sining Buhat sa Museo ng Israel.” Ang eksibisyong ito ay binubuo ng halos 200 mga bagay na ipinahiram galing sa Israel Museum sa Jerusalem.

Ang mga sinaunang nanirahan sa lupain ng Bibliya ay naglalahad ng kanilang istorya sa pamamagitan ng mga gawang-sining na ito. Halikayo, tayo’y magmasid, makinig, at matuto. Unang-una, umakyat ka sa 28 baitang ng hagdanan na patungo sa may pagkalalaki-haliging entrada ng Metropolitan Museum. Minsang nasa loob ka na, handa ka nang magsimula ng iyong pagliliwaliw sa gitna ng libu-libong taóng kasaysayan ng Bibliya. Ganito ang iyong makikita:

Ang Komentaryo ng Habacuc​—isang rolyong pergamino na halos limang-piye-ang-haba (1.5 m), at dito’y lumilitaw nang maraming beses ang banal na pangalan ng Diyos. Ang balumbong ito ay isa sa unang nadiskubre at ang pinakamahusay na naingatan sa mga Dead Sea Scrolls, na ang tinatawag na “ang pinakadakilang tuklas sa siglong ito ng mga arkeologo.” (Naroon sa mga balumbon ang mga bahagi ng bawat aklat ng Hebreong Kasulatan maliban sa Esther at ang petsa’y noon pang ikalawang siglo B.C.E. Samakatuwid, maliban sa mga pira-pirasong manuskrito, ang mga ito’y mas una pa ng mga isang libong taon sa pinakamatandang-kilalang mga sipi ng Bibliya.) Ang Komentaryo ng Habacuc ay katatagpuan ng halos dalawang-katlo ng aklat ni Habacuc (1:4–​2:20), at kinopya sa block script na Aramaico noong may katapusan ng unang siglo B.C.E., at sinalitan ng komentaryo. “Subalit ang apat-na-letrang pangalan ni Jehova, ang tetragrammaton ay nakasulat sa lahat ng dako sa sinaunang sulat Hebreo,” ang sabi ng information card ng museo. Oo, makikita mong malinaw ang Tetragrammaton!

“Bahay ng Diyos” na Ostracon​—isang kapirasong bibinga (pottery) na kung saan makalawang makikita ang pangalan ng Diyos sa anyong Tetragrammaton. Ang bibingang ito na matatagpuan sa timugang Israel ay isang liham na ukol sa isang lalaking nagngangalang Eliasib at ang petsa’y noon pang ikalawang kakalahatian ng ikapitong siglo B.C.E. “Sa aking panginoong si Eliasib: Harinawang hilingin ni Jehova ang iyong kapayapaan,” ang pasimula ng liham. Ito’y nagtatapos: “Siya’y tumatahan sa bahay ni Jehova.”​—Tingnan ang pahina 12 ng brosyur na Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman, lathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

Inskripsiyon ni Poncio Pilato​—isang pambihirang makasaysayang dokumento mula noong unang siglo na natuklasan sa Caesarea. Bago noong 1961 ang tanging pagbanggit kay Poncio Pilato ay sa mga pahina ng Bibliya at sa mga isinulat ng mga historyador na mga Romano at Judio noong unang siglo. Bueno, ngayon, makikita mong nakasulat sa kati-katiting na Latin sa isang bloke ng yeso ang mga salitang “Pontius Pilate Prefect of Judea.” Pinatutunayan nito na mayroon ngang isang awtorisadong tao na nagpapatay kay Jesu-Kristo.

Inskripsiyon ng “Dako ng Pinaghihipan ng Trumpeta”​—minsan ay naging bahagi ng timog-kanlurang parapeto ng bakod ng templo sa Jerusalem. Nang ang templo’y mawasak noong 70 C.E., ang pirasong ito ng bato ay nahulog sa lansangan sa ibaba. Ang mga salitang “sa dako na pinaghihipan ng trumpeta” ay nakaukit sa Hebreo sa batong ito na halos paribaha, tatlong-piye-ang-haba (1 m) at tumutukoy sa dako na kung saan nakatayo ang isang trumpetero, marahil pagka naghuhudyat ng pasimula at ng katapusan ng Sabbath sa pamamagitan ng pagpapatunog ng kaniyang trumpeta. May kinalaman sa mga gusali na naroon sa looban ng templo, ang inskripsiyong ito ang tanging makabuluhang bagay na natitira pa, sa gayo’y pinatutunayan ang katuparan ng hula ni Jesus sa Mateo 24:1, 2.

Ang Lapida ni Uzzias, Hari ng Juda​—isang tapyas ng bato na isang-piye-kuwadrado (0.3 m) na may ganitong sulat Aramaico: “Dito dinala ang mga buto ni Uzzias na Hari ng Juda. Huwag bubuksan.” Ang babalang iyan ay maaaring nagpapahiwatig ng kaniyang ketong, o maaari ring tumutukoy sa isang pangkalahatang pagbabawal na buksan ang mga nitso. (2 Cronica 26:16-23) Ang tapyas na ito ng bato, na ang petsa’y humigit-kumulang noong unang siglo B.C.E., ay natagpuan malapit sa Jerusalem at doon dinala at inilibing uli roon ang mga buto ng hari makalipas ang daan-daang taon pagkamatay niya, yamang hindi siya roon unang inilibing sa libingan ng mga hari sa lunsod na iyon.

Tayuan ng Kulto na May mga Musikero​—isang pambihirang tayuan na bibinga at humigit-kumulang isang piye (0.3 m) ang taas at malinaw na nakalarawan ang mga seremonya ng kulto ng mga Filisteo. Ang pedestal ay may limang musikero, bawat isa’y tumutugtog ng isang instrumento​—pompiyang, dalawang pito, isang instrumentong de kuwerdas, at isang tamburin. Ang tayuang ito ay natagpuan sa Ashdod at ang petsa’y nasa pagitan ng dulo ng ika-11 at ng may pasimula na ika-10 siglo B.C.E.

Tayuan ng Kulto ng mga Canaaneo​—isang guwang, kuwadradong tayuan na luwad at may dekorasyon na mga pigura ng tao at hayop. Kasali na rito ang mga diyus-diyosan ng mga Canaaneo na si Asera, isinaanyong-tao sa porma ng isang sagradong punungkahoy o tikin, at si Baal, sa anyong guya na pinaiibabawan ng isang may pakpak na sun disk. (Exodo 34:12-14; 2 Hari 23:4, 5) Ang tayuan na halos dalawang-piye-ang-taas (0.6 m), marahil para gamitin sa paghahandog o sa mga seremonya ng paghahandog, ay natagpuan malapit sa Megido at ang petsa nito’y mula pa noong may dulo ng ika-10 siglo B.C.E.​—Ihambing ang 2 Cronica 34:4.

Garing na Galing sa Samaria​—mga hinubog na larawan na galing sa Samaria at ang petsa’y nasa pagitan ng ika-9 at ika-8 siglo B.C.E. Ito’y nagpapagunita sa iyo ng “bahay na garing” na itinayo ni Ahab sa Samaria o ng mga palamuti ng “mga higaang garing” na tanda ng istilo ng pamumuhay sa kalayawan na tinuligsa ni propeta Amos. (1 Hari 22:39; Amos 3:15; 6:4) Yamang ang mga dalubhasang manggagawa sa Phoenicia ay mga espesyalista sa mga gawang-garing, sa mga iba ng mga mumunting gawang-sining na ito ay mababanaag ang paganong kulto ni Baal, marahil ay dala ito roon ng asawa ni Ahab na isang taga-Phoenicia, si Jezebel.

Marami sa mga nakaeksibit na mga bagay-bagay ang magaganda ang anyo at kulay. Subalit ang iba sa mga ito, tulad halimbawa ng mga estatuwa ng mga diyos sa pag-aanak, ay nagpapakita ng mga likong kaugaliang relihiyoso ng lupain. Ang mga iba naman ay nagpapakita ng kung paano mga impluwensiyang banyaga ang humubog sa karakter nito. Ang eksibisyon na “Mga Kayamanan ng Banal na Lupain” at ang iba pang mga katulad nito ay nagpapalawak sa unawa ng isa kung tungkol sa mga tao, sa pulitika, relihiyon, at sining ng lupain ng Bibliya.

[Mga larawan sa pahina 24, 25]

Ang Komentaryo ng Habacuc

[Credit Line]

Shrine of the Book, Israel Museum, Jerusalem

“Bahay ng Diyos” na ostracon

[Credit Line]

Israel Museum, Jerusalem

Inskripsiyon ni Poncio Pilato

[Credit Line]

Israel Museum, Jerusalem

Inskripsiyon ng “Dako na Pinaghihipan ng Trumpeta”

[Credit Line]

Israel Museum, Jerusalem

Lapida ni Uzzias

[Credit Line]

Israel Museum, Jerusalem

Tayuan ng kulto na may mga musikero

[Credit Line]

Israel Museum, Jerusalem

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share