Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 6/1 p. 29
  • Nagbunga ang Impormal na Pagpapatotoo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagbunga ang Impormal na Pagpapatotoo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Bahagi 2—Samantalahin ang Bawa’t Pagkakataong Makapagpatotoo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Magsalita Tungkol sa Kaluwalhatian ng Paghahari ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Handa Ka Bang Magpatotoo Nang Di-pormal?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Makapagpapatotoo Ka Nang Di-pormal!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 6/1 p. 29

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Nagbunga ang Impormal na Pagpapatotoo

PINASIMULAN ni Jesus ang isang usapan na humantong sa isang impormal ngunit napakaepektibong pagpapatotoo nang kaniyang sabihin sa isang babaing Samaritano: “Painumin mo ako.” (Juan 4:7) Tayo sa ngayon ay maaari ring maging mabisa sa ating pagsasalita kung tayo’y alerto sa lahat ng pagkakataon para sa impormal na pagpapatotoo. Isang kapatid na lalaki sa Australia ang nagbigay-daan sa isang impormal na usapan sa pamamagitan ng pagbabasa sa pang-araw-araw na teksto nang siya’y nakaupo sa bangkô sa isang parke. Isang taong mausyoso ang nakapuna sa lathalain at sinabi niya na siya man ay interesado sa Kasulatan. Siya’y isang Katoliko sa pangalan lamang at naturuan ng ebolusyon sa paaralang Katoliko at ngayon hindi niya alam kung ano ang dapat paniwalaan. Isinaayos ng kapatid na ikuha siya ng aklat na Life​—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? a Pagkalipas ng dalawang araw ay dinala na niya ang aklat sa pinagtatrabahuhan ng taong iyon, ngunit ito ay wala roon. Ang aklat ay halos sunggaban na ng kaniyang sekretarya, na ang sabi: “Itong aklat na ito ang aming hinihintay.”

Makalipas ang dalawang oras ang kapatid ay tumanggap ng isang tawag sa telepono buhat sa taong humihingi ng dalawa pang kopya ng aklat na Creation at hinihiling sa Saksi na siya’y bisitahin sa kaniyang opisina. Nang ang kapatid ay pumaroon sa opisinang iyon nadatnan niya ang taong iyon at dalawa pang iba. Sinimulan ang isang pakikipag-aral sa Bibliya sa kanila, kasali na rito ang sekretarya, at isinaayos na ang kapatid ay makalawang dadalaw roon sa isang linggo. Nang sumunod na mga sanlinggo, ang nobya ng lalaki, isang ‘Kristiyanong born-again,’ ay patuloy na nagpadala ng kalatas na nagtatanong tungkol sa Bibliya. Sa wakas, siya’y sumali na sa pag-aaral, pati na rin ang kasosyo ng lalaki sa negosyo at ang kaniyang kaibigan, na isang ebolusyonista.

Sila’y nagpatuloy ng regular na pag-aaral ng Bibliya nang may limang buwan, samantalang ang ikalawang pag-aaral bawat sanlinggo ay idinaraos sa parke. Ang nobyo ng sekretarya ay nakisama na sa panggrupong pag-aaral. Hindi nagluwat pagkatapos, ang kasosyo ng unang lalaki at ang kaniyang kaibigan ay lumipat sa Idaho sa Estados Unidos, at doo’y nagpatuloy sila ng pag-aaral. Mga ilang linggo ang nakalipas, ang unang lalaki ay nilapitan ng isang taong hindi niya kilala, na nagtanong kung ano ang nangyari sa mga talakayan sa Bibliya sa parke. Marahil, siya’y nakikinig sa kanilang mga pag-aaral. Nagsaayos na siya’y aralan din.

Ano ba ang naging resulta ng lahat ng ito? Labing walong buwan mula nang unang pagkikita sa parke, ang unang lalaki at ang kaniyang nobya, na dating ‘Kristiyanong born-again,’ ay nakasal at nabautismuhan. Ang sekretarya at ang kaniyang nobyo ay nakasal na rin at nabautismuhan. Ang kasosyo sa negosyo at ang kaniyang kaibigan na lumipat sa Estados Unidos ay nabautismuhan, at isa sa kanila ang ngayo’y naglilingkod nang palagian bilang isang auxiliary payunir. Yaong taong nakinig sa mga talakayan sa Bibliya sa parke ay nagpatuloy sa kaniyang pag-aaral. Pagkatapos ay lumipat siya sa Ireland, at siya’y umaasang siya’y mababautismuhan!

Lahat na ito’y nangyari dahil sa sinamantala ng isang kapatid ang oras ng pananghalian upang magsagawa ng impormal na pagpapatotoo, at pinagpala naman ni Jehova ang kaniyang pagsisikap. Harinawang tayo man ay magsamantala sa bawat pagkakataon na maihatid ang mabuting balita sa mga nauuhaw sa mensahe ng Kaharian ni Jehova!

[Talababa]

a Lathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share