Talaga Bang ang Bibliya ay Isang Regalo Buhat sa Diyos?
“AKO’Y naniniwala na ang Bibliya ang pinakamagaling na regalo na naibigay kailanman ng Diyos sa tao.” Iyan ang sabi ni Abraham Lincoln, ang ika-16 na pangulo ng Estados Unidos.a Siya’y hindi nag-iisa sa kaniyang pagpapahalaga sa antigong aklat na ito.
Ang estadistang Britano noong ika-19 na siglo na si William E. Gladstone ay nagsabi: “Ang Bibliya ay may katangian na isang Pantanging Pinagmulan, at isang di-masusukat na agwat ang nagbubukod nito buhat sa lahat ng iba pang mga aklat.” Kasuwato ng nakakatulad na kaisipan, ang ika-18 siglong estadistang Amerikano na si Patrick Henry ay nagsabi: “Ang Bibliya ay katumbas ng lahat ng iba pang mga aklat na nalimbag kailanman.” Maliwanag na humanga sa Kasulatan, ang emperador Pranses na si Napoléon Bonaparte ay nagkomento: “Ang Bibliya ay hindi basta isang aklat, kundi ito’y Buháy, taglay ang kapangyarihan na dumaraig sa lahat ng sumasalansang dito.”
Para sa iba, ang Bibliya ay isang mapagkukunan ng tulong at kaaliwan. Ang Amerikanong Confederate general na si Robert E. Lee ay nagsabi: “Sa lahat ng aking kagulumihanan at kagipitan, ang Bibliya ay hindi kailanman nabigo ng pagbibigay sa akin ng liwanag at kalakasan.” At dahilan sa kaniyang pagpapahalaga sa aklat na ito, ang pangulo ng E.U. na si John Quincy Adams ay nagsabi: “Sa loob ng maraming taon ay inugali ko na ang basahin ang Bibliya minsan sa bawat taon.”
Kung ang Bibliya ay ibinigay sa tao ng Kataas-taasan, dapat na may katibayan na ito ay kinasihan ng Diyos. Dapat na ito ay lalong dakila kaysa anumang aklat. At upang ang Bibliya ay maging isang tunay na pinagmumulan ng lakas at turo, ito ay kailangang lubos na mapanghahawakan. Kung gayon, ang tanong ay, Talaga bang ang Bibliya ay isang regalo buhat sa Diyos? Ang isunod natin ay ang hanapin ang sagot sa tanong na iyan.
[Talababa]
[Mga larawan sa pahina 3]
William E. Gladstone
[Credit Line]
U.S. National Archives photo
Abraham Lincoln
[Credit Line]
U.S. National Archives photo
Patrick Henry
[Credit Line]
Harper’s U.S. History
Napoléon Bonaparte
[Credit Line]
Iginuhit ni E. Ronjat
John Quincy Adams
[Credit Line]
Harper’s U.S. History
Robert E. Lee
[Credit Line]
U.S. National Archives photo