Paglalathala ng Kaligtasan sa Pamamagitan ng Pambihirang mga Magasin
1 Ang Bantayan at Gumising!—mga pambihira at makapangyarihang magasin na inilagay ni Jehova sa ating mga kamay! At pasimula sa Enero 1, 1986 ng Bantayan, ang mga artikulo sa Cebuano, Hiligaynon, Iloko at Tagalog na edisyon ay makakatulad ng nasa Ingles. Tayo ay interesado dito yamang ating gagamiting lubusan ang Bantayan sa kampanya ng suskripsiyon sa Enero at Pebrero.
PAGKILALA SA KANILANG KAHALAGAHAN
2 Ang kahalagahan ng isang magasin ay nasusukat sa nagagawa nito sa kaniyang mambabasa. Mahigit sa 140 makasanlibutang magasin na inilathala sa Ingles ang may sirkulasyon mula sa 300,000 hanggang sa mahigit pa sa 17 milyon bawa’t isyu. Kabilang dito ang mga magasin na tigmak ng pornograpiya at kahalayan. Itinatanghal ng ilan ang pinakabagong estilo ng pananamit. Dinadakila ng iba ang manlalaro o kaya’y ang mga artista sa pelikula. Ang karamihan ay walang gaanong kahalagahan, samantalang ang iba ay tuwirang umaatake sa inyong espirituwalidad.—Ecles. 12:12; 1 Tim. 6:20, 21.
3 Subali’t si Jehova ay naglaan ng bangan ng mahahalagang impormasyon sa Ang Bantayan at Gumising!, isang suplay ng espirituwal na mga katotohanan na madaling makukuha upang sangkapan yaong mga ‘nakatala bilang mga sundalo’ ni Kristo. (2 Tim. 2:4) Ang ating pambihirang pakikipagbaka “laban sa mga balakyot na puwersa sa makalangit na dako” ay humihiling ng pambihirang mga sandata.—Efe. 6:12.
4 Walang makasanlibutang mga magasin ang makakaparis sa kahalagahan ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag nakikipag-usap sa maaaring sumuskribe, ating maitatampok ang pagkakaiba sa pamamagitan ng pagtukoy sa “Ang Layunin ng Ang Bantayan” sa loob ng pambungad na takip. Ito lamang ang mga magasin sa lupa na naglalathala ng kaligtasan! Tayo na nagkapribilehiyo na dalhin ang mga ito sa mga tao ay isa rin namang pambihirang bayan. Pansinin kung ano ang sinasabi hinggil sa tagapaglathala ng kaligtasan sa Isaias 52:7.
MAKIBAHAGI SA PAGLALATHALA NG KALIGTASAN
5 Sa pagkilala sa kanilang kahalagahan, maaari tayong maging masigla sa pag-aalok ng suskripsiyon ng Ang Bantayan sa Enero at Pebrero. Ang mga artikulo sa bawa’t labas ay tutulong sa atin na magpasimula ng palakaibigang pakikipag-usap upang makapagbigay ng patotoo. Sabihin sa mga tao kung gaano ang kahalagahan para sa inyo ng Ang Bantayan at kung papaano nabago nito ang inyong buhay. Sa ganitong paraan ay makikilala nila ang kahalagahan nito sa pagtatamo ng kaligtasan. Huwag mag-atubili sa pag-aalok ng suskripsiyon sa bawa’t pagkakataon. Kayo ay may pambihirang pribilehiyo na makibahagi sa paglalathala ng kaligtasan!—Kaw. 3:27, 28.