Tanong
● Wasto ba para sa mga matatanda na repasuhin ang mga tanong kasama ng higit pa sa isang kandidato sa bautismo sa isang pagkakataon, at kailangang gaano katagal ang bawa’t sesyon?
May mga bentaha sa pagrerepaso ng mga tanong sa Ating Ministeryo nang isahan sa mga kandidato sa bautismo. Kapag hinayaan ang bawa’t kandidato na sumagot sa bawa’t tanong, malalamang mabuti ng mga matatanda ang lalim ng kaniyang kaunawaan. Karagdagan pa, higit na makasasagot ang kandidato kung siya’y nakikipagpulong nang pribado sa isang matanda.
Gayumpaman, maaaring may mga kalagayan na angkop na makipagpulong kasama ng higit pa sa isang kandidato. Maaaring praktikal na makipagpulong kasama ng mag-asawa o ng iba pang miyembro ng pamilya bilang isang grupo, lalo na’t kung sila’y nagpaplanong magpabautismo nang samasama. O kung may iilan lamang mga matatanda at marami ang nagpaplanong magpabautismo, marahil ay kakailanganing makipagpulong sa mga kandidato bilang grupo na hindi lalampas sa dalawa o tatlo.
Sa pangkalahatan, ang bawa’t sesyon ay magtatagal ng mga isang oras, subali’t hindi naman masama kung gumamit ng karagdagang panahon kung kinakailangan. (Ito marahil ay sa kaso ng isang grupo ng dalawa o tatlo o kung nangangailangan ng higit pang panahon upang matiyak na ang kandidato ay handa na sa bautismo.)
Hindi na kailangang may magrepaso muna sa kaniya sa mga tanong bago siya makipagkita sa mga matatanda. Ang LAHAT ng numeradong tanong ay dapat na isaalang-alang. Tatalakayin din ng mga matatanda ang katanungang opsyonal na angkop sa kandidato.