Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/89 p. 1-7
  • Kayo Ba’y Nangangaral na May Layunin?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kayo Ba’y Nangangaral na May Layunin?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAGDALAW MULI NA MAY LAYUNIN
  • MAG-ESKEDYUL NG MGA PAGDALAW
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng mga Pagdalaw-muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Pag-aalok ng Suskripsiyon sa mga Pagdalaw-Muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa mga Pagdalaw-muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Ang mga Pagdalaw-Muli ay Umaakay sa mga Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
km 10/89 p. 1-7

Kayo Ba’y Nangangaral na May Layunin?

1 Si Jehova ay isang Diyos ng layunin, at ang kaniyang mga gawa ay may layunin. Ito’y dapat na maging totoo rin sa atin, lalo na kung tungkol sa ating ministeryo. Inatasan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na mangaral ng mabuting balita sa layuning magpatotoo. (Mat. 24:14) Habang umaabuloy tayo sa ikatutupad ng atas na ito, tayo ay dapat na maging masipag sa pagsubaybay sa mga nagpakita ng interes. Ito ay maliwanag sa mga sumunod na salita ni Jesus sa Mateo 28:19, 20.

2 Ang mga ulat ng paglilingkod sa larangan ay nagpapakita na hindi naisasagawa ang mga pagdalaw muli sa lahat ng mga tumanggap ng literatura. Ang iba ay nag-aatubili, nag-iisip na ang mga bihasang mamamahayag lamang ang kuwalipikadong gumawa ng mga pagdalaw muli. Gayumpaman, ito’y hindi naman mahirap gaya ng maaaring iniisip ng mga mamamahayag na ito. Subali’t kailangan nating gawing may layunin ang mga pagdalaw muli.

PAGDALAW MULI NA MAY LAYUNIN

3 Kapag nakasumpong kayo ng interesadong tao, makabubuting ilatag karakaraka ang saligan ng inyong pagdalaw muli. Papaano? Nasumpungan ng iba na mabisang mag-iwan sa maybahay ng isang katanungan na maaaring sagutin sa susunod na pagdalaw. Ang iba ay nagtatampok sa isang espesipikong punto sa literatura na kanilang nailagay na maaaring pag-usapan sa kanilang pagbabalik. Tiyaking itala ang pangalan ng maybahay, ang paksang napag-usapan, ang kaniyang pagtugon, at anumang literatura na nailagay. Pagkatapos, bago gawin ang pagdalaw muli, repasuhin ang impormasyong ito at may pananalanging isipin kung ano ang inyong sasabihin.

4 Sa Oktubre tayo ay may mainam na pagkakataong ialok ang suskripsiyon sa Gumising! sa mga pagdalaw muli. Maraming mamamahayag ang naging matagumpay sa pagkuha ng mga suskripsiyon sa mga pagdalaw muli. Ang ilan na tumanggap ng mga magasin sa unang pagdalaw ay maaaring nagpahiwatig na sila’y nagnanais na sumuskribe. Naririyan din ang mga tao na marahil ay taglay natin ang kanilang Expiring Subscription slips, ang ating mga indibiduwal na ruta ng magasin, o ang mga tao na tinuruan natin noong una. Ang isang suskripsiyon ay makatutulong upang mapunan ang kanilang espirituwal na pangangailangan.—Mat. 5:3.

5 Kapag binabalikan ninyo ang mga ginamitan ninyo ng kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan, maaari ninyong sabihin: “Noong nakausap ko kayo, ating napag-usapan ang tungkol sa kapayapaan at katiwasayan at kung papaanong ang mga pagsisikap ng tao ay waring hindi nagtatagal. Bagaman ang Nagkakaisang mga Bansa ay nag-aangkin na tumutupad sa Isaias 2:4, napatunayang hindi niya naisasagawa iyon. [Basahin ang teksto at talakayin.] Ang magasing Gumising! sa buwang ito ay tumatalakay sa mismong puntong ito kung papaanong ang mga digmaan ay titigil sa pamamagitan ng paraan ng Diyos.” Pagkatapos ay ipakita ang isyu ng Oktubre 8 at ialok ang suskripsiyon, na ipinakikita ang espesipikong punto sa magasin.

MAG-ESKEDYUL NG MGA PAGDALAW

6 Ang ilan ay hindi gumagawa ng mga pagdalaw muli dahilan sa wala silang eskedyul ukol sa isang tiyak na panahon para dito. Ang mga pagdalaw muli ay maaaring gawin sa gabi, sa dulong sanlinggo, o sa iba pang kombeniyenteng panahon. Bakit hindi magtakda ng personal na tunguhin na gumawa ng kahit na isang pagdalaw muli bawa’t linggo? Hilingin ang tulong niyaong mga may karanasan sa gawaing ito. Malayang humiling ng mga mungkahi mula sa inyong mga konduktor sa pag-aaral ng aklat.

7 Binanggit ni apostol Pablo ang pagtatanim at pagdidilig may kaugnayan sa ministeryong Kristiyano. (1 Cor. 3:6, 7) Kaya may pananagutan tayong dumalaw muli sa mga indibiduwal na may layuning magbukas ng isang pag-araal sa Bibliya. Tiyak na lalaki ang ating kagalakan kung tayo’y mangangaral na may layunin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share