Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/90 p. 3
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Mga Kaayusan Para sa mga Lugar ng Pagsamba
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Tulungan ang mga Anak na Higit na Makinabang sa mga Pulong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 1/90 p. 3

Tanong

● Ano ang mga tungkulin ng mga naglilingkod bilang attendant sa mga pulong ng kongregasyon?

Ang mga attendant ay nagpapaabot ng magiliw ng pagbati sa lahat ng dumadalo sa pulong. Ang kanilang tungkulin ay naglalakip sa pagpapaupo sa mga dumating nang huli, pagtatala ng bilang ng dumadalo, pagpapanatili sa kaayusan, at pangangalaga sa bentilasyon ng Kingdom Hall. Ang mga attendant ay dapat na palakaibigan, responsableng mga kapatid na lalake na may pagkukusang nagsasagawa ng kanilang mga pananagutan.—om p. 63-4.

Dapat na alisto ang mga attendant sa pangangailangan ng mga baguhan, ipadamang sila’y buong-lugod na tinatanggap, at tulungan silang makakita ng upuan. Kapag inihahatid ang mga baguhan sa upuan, dapat ingatan ng mga attendant na hindi magambala ang mga nakaupo na. Sa pana-panahon sila’y naglalaan sa mga baguhan ng mga magasing pinag-aaralan.

Ang pagpapanatili sa kaayusan sa panahon ng pulong ay mahalaga. Yamang pinasisigla natin ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa pulong, sa pana-panahon ay maaaring magkaroon ng ilang kagambalaan. Subali’t kapag ang mga anak ay patuloy na nagiging magulo o hindi mapalagay, may kabaitang tutulong ang attendant, marahil ay imumungkahi sa magulang na ilabas muna ang bata nang ilang sandali. Kapag ang mga magulang na may maliliit na anak ay uupo sa lugar na madaling makalabas kung kailangan, ito ay magagawa nang hindi masyadong makagagambala sa iba.

Sa mga lugar na may suliranin sa katiwasayan, ang mga attendant ay dapat na atasan upang magsanggalang laban sa bandalismo o panggugulo ng mga sumasalangsang. Kung mayroong sinuman sa loob ng Kingdom Hall na magsisikap na guluhin ang pulong, dapat na hilinging siya’y lumabas. Kung siya’y tumanggi at magpatuloy sa paglikha ng kaguluhan, maaaring ipagbigay-alam ito ng mga matatanda sa mga awtoridad. Sa ilang dako ay maaaring kailangang bantayan ang nakaparadang mga sasakyan sa labas ng Kingdom Hall ng mga inatasang kapatid na lalake habang may pulong upang maiwasan ang paninira o pagnanakaw.

Kapag binibilang ang mga dumalo, ang lahat ng mga matatanda at batang nakikinig at nakikinabang kahit na sa limitadong paraan lamang ay dapat bilangin.—km 9/79, p. 4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share