Bagong Programa ng Pantanging Araw ng Asamblea
1 “Maging mga Taong Naturuan ni Jehova” ang tema ng bagong programa ng pantanging araw ng asamblea na magsisimula sa Pebrero. (Juan 6:45) Ang banal na pagtuturo mula kay Jehova ay tunay na tumutulong sa atin na magkaroon ng kasiya-siyang buhay. Pinangyayari nito na magkaroon tayo ng malalim na pagpapahalaga sa ating espirituwal na pamana. Ang ating mga pagsisikap na tulungan ang iba na makarinig ng mabuting balita ay nagpapangyari sa atin na maging kapaki-pakinabang na mga miyembro ng lipunan. Ang pantanging araw na ito ng asamblea ay magtatampok sa mga pagpapala na tatamasahin ng mga taong naturuan ni Jehova.
2 Ipakikita ng programa ang kaibahan ng mga kapakinabangan ng banal na pagtuturo sa mga panganib ng makasanlibutang kaalaman. Makikita natin nang higit na maliwanag kung paano naglalaan si Jehova ng pinakamataas na anyo ng edukasyon—edukasyon na salig sa kaniyang Salita, ang Bibliya. Idiriin nito ang tatlong larangan ng pagsamba na doo’y nararanasan natin ang kasiyahan ng pagiging naturuan ng Diyos. Bukod rito, ang mga kabataan ay mapatitibay na tularan ang namumukod-tanging mga halimbawa nina David at Timoteo at maisaayos ang kanilang buhay sa palibot ng espirituwal na mga aktibidad. Ang ating pananampalataya ay mapatitibay habang itinatampok ang katapatan ng mga may edad na. Ang bagong mga nag-alay na naging kuwalipikado ay maaaring mabautismuhan. Patiuna bago ang araw ng asamblea, dapat nilang ipabatid ang kanilang pagnanais na ito sa punong tagapangasiwa.
3 Ang tampok na pahayag sa pantanging araw ng asamblea ay pinamagatang “Tinuruan ni Jehova Upang Gawin ang Kaniyang Kalooban.” Idiriin nito ang mga dahilan kung bakit tayong lahat ay kailangang patuloy na matuto, maging matatag sa pananampalataya, at patuloy na makagawa ng pagsulong. Ilalakip din ang nakapagpapatibay na mga karanasan upang ipakita kung paanong ang mga publikasyon ng Samahan ay nakatulong sa marami na maturuan ni Jehova.
4 Gumawa ng tiyak na mga plano upang makadalo. Asám-asamin na maturuan ng maraming mabubuting bagay ng ating Dakilang Instruktor.—Isa. 30:20.