Bagong Programa ng Pantanging Araw ng Asamblea
Ang paglalaan ng pantanging mga araw ng asamblea ay nagsimula noong 1987. Ang isang-araw na mga pagtitipong ito ay napatunayang nakapagpapatibay sa mga lingkod ni Jehova at sa mga interesadong dumadalo. Pasimula sa Pebrero, 1999, isang bagong programa ng pantanging araw ng asamblea ang ihaharap. Masusumpungan ninyo na kapaki-pakinabang sa espirituwal na paraan ang siyam na pahayag at ang maraming panayam at mga karanasan.
Ang tema ng bagong programa ay “Magpakita ng Taos-Pusong Pagpapahalaga sa Mesa ni Jehova.” (Isa. 65:14; 1 Cor. 10:21) Patitibayin nito ang ating kapasiyahan na dapat na maging pangunahin sa ating buhay ang pagsamba kay Jehova. (Awit 27:4) Ang bahagi ng tagapangasiwa ng sirkito ay tatalakay sa “Pagsusuri sa Hilig ng Ating Puso” hinggil sa pagdalo sa pulong. Ang inanyayahang tagapagsalita (o isang lokal na kapatid kung walang dumadalaw na tagapagsalita) ang magpapakita sa atin kung paano “Panatilihin ang Espirituwalidad sa Pamamagitan ng Pagkain sa Mesa ni Jehova.” Magbibigay rin ng praktikal na pampatibay-loob sa mga kabataan sa organisasyon ni Jehova upang mapanatili ang katatagan sa paglilingkod sa Diyos. Ang pangunahing pahayag ng dumadalaw na tagapagsalita na pinamagatang “Pinatibay sa Espirituwal na Paraan Upang Makapagpatotoo Nang May Katapangan,” ay magpapakita kung paano tayo sinasangkapan ng mga paglalaang ibinibigay sa pamamagitan ng kongregasyon upang makapagpatotoo nang may katapangan tungkol sa Kaharian. Sino ang tatangging makinabang mula sa programang ito?
Ang mga bagong nag-alay na nagnanais magpabautismo ay dapat magsabi sa punong tagapangasiwa sa lalong madaling panahon. Tayo ay nagtitiwala na sa pagsisimula ng ika-12 taon ng kaayusan sa pantanging araw ng asamblea, ang lahat ng dadalo ay mapatitibay sa espirituwal para sa gawain sa hinaharap.