Tanong
◼ Sino ang dapat na tumanggap ng isang lapel badge card ng pandistritong kombensiyon?
Ang mga lapel badge card ng kombensiyon ay nakatutulong na mabuti sa pagkilala sa ating mga kapatid at sa pag-aanunsiyo ng kombensiyon. Gayunman, ang mga ito ay hindi dapat ipamahagi nang walang patumangga. Ipinakikilala nito ang may suot bilang isa na may mabuting katayuan sa isang partikular na kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova.
Ang card ay may espasyo para sa pangalan ng indibiduwal at sa pangalan ng kongregasyon. Kaya, ang indibiduwal ay kailangang kaugnay roon sa binanggit na kongregasyon sa isang makatuwirang haba ng panahon. Ang Samahan ay nagpapadala ng suplay ng mga card sa bawat kongregasyon batay sa pididong ipinadala sa Special Order Blank for forms. Kapag pumipidido, dapat isaisip ng mga kongregasyon na angkop na bigyan ng card ang bawat bautisado at di-bautisadong mamamahayag na dadalo sa kombensiyon. Gayundin, ang mga anak at iba pa na regular na dumadalo sa mga pulong ng kongregasyon na sumusulong na tungo sa pakikibahagi sa ministeryo sa larangan ay maaaring tumanggap nito. Hindi wastong magbigay ng lapel badge card ng kombensiyon sa isang taong tiwalag.
Kapag puwede nang kunin ang mga card, titiyakin ng matatanda na ang mga ito ay naipamamahagi kasuwato ng mga tagubiling ito.