Tanong
◼ Dapat bang magkaroon ang kongregasyon ng isang kumpletong mapa ng teritoryo na nakadispley sa Kingdom Hall?
Oo, ang isang kumpletong mapa ng teritoryo ay dapat na ilagay sa isang kuwadro at idispley sa dingding ng Kingdom Hall. Ang mapa ay hindi dapat na ilagay sa information board. Dapat na makita rito ang kabuuang mga hangganan ng nakaatas na teritoryo ng kongregasyon at ang mga hangganan ng bawat indibiduwal na teritoryo na may nakaatas na numero nito. Ang mga hangganan ng teritoryo ng lahat ng kongregasyong gumagamit ng iisang Kingdom Hall ay dapat na ipakita. Ang pagpapakita ng mga lokasyon ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa mapa ay tutulong din sa lahat na matukoy ang lugar ng pag-aaral sa aklat na nakaatas sa kanila.
Ang pagdidispley ng gayong mapa ay makatutulong sa mga nagnanais pumili ng isang teritoryong malapit sa kanilang tahanan. Kung minsan ay maaari itong makatipid ng oras sa mga pagtitipon bago maglingkod, na magpapangyaring madaling mapangunahan ng mga konduktor ang bawat grupo ng mga mamamahayag patungo sa dakong nakaatas sa kanila na gawin.
Nagbibigay rin ng patotoo ang mapa na ang kongregasyon ay organisado na lubusang ipangaral ang mensahe ng Kaharian sa nakaatas na teritoryo sa kanila.—Luc. 9:6.