Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Set. 15
“May mga umiibig sa katotohanan sa halos lahat ng relihiyon. Subalit, sa pangkalahatan, nakahilig ang mga relihiyon na paghiwa-hiwalayin ang mga tao. Ano ang kailangan upang pagkaisahin ang tapat-pusong mga tao? [Pagkatapos tumugon, basahin ang Zefanias 3:9.] Ang magasing ito ay nagpapakita kung paano pinagkakaisa ng kaalaman sa tunay na Diyos ang mga tao sa lahat ng dako.”
Gumising! Set. 22
“Inaakala ng karamihan sa atin na lagi na lamang marami ang pagkain. Subalit ngayon ay may mga agam-agam na maaaring isinasapanganib ng siyensiya ang suplay ng ating pagkain. Ipinaliliwanag ng magasing ito ang ilan sa mga pagkabahalang iyan at maging ang pag-asang nasa Bibliya para sa isang tunay na solusyon sa suliranin.”
Ang Bantayan Okt. 1
“Maaaring sumang-ayon kayo na ang pananampalataya sa Diyos ay naging isang di-popular na paksa sa maraming tao. Subalit bakit kaya ganito? [Pagkatapos tumugon, basahin ang Hebreo 11:1.] Tinatalakay ng magasing ito kung ano ang tunay na pananampalataya at kung mahalaga ba o hindi na magkaroon tayo ng pananampalataya.”
Gumising! Okt. 8
“Gaya ng alam ninyo, ang Todos Los Santos, kagaya ng Halloween, ay isang napakapopular na selebrasyon taun-taon. Nagkaroon na ba kayo ng pagkakataon na alamin ang pinagmulan ng mga selebrasyong ito? [Hayaang sumagot.] Masusumpungan ninyo na kawili-wiling basahin ang paksang ito.”