Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Nob. 15
“Narinig na natin ang mga salitang ‘si Jesus ay namatay para sa atin.’ [Sipiin ang Juan 3:16.] Naisip na ba ninyo kung paanong ang kamatayan ng isang tao ay makapagliligtas sa ating lahat? [Hayaang sumagot.] Ang Bibliya ay nagbibigay ng simpleng sagot. Ang artikulong ito, ‘Si Jesus ay Nagliligtas—Paano?,’ ay malinaw na nagpapaliwanag nito.”
Gumising! Nob. 22
“Ginagawa ba ng mga tao ang lahat ng kanilang makakaya upang ipagsanggalang ang kapaligiran? [Hayaang sumagot.] Marami ang nag-iisip kung ang delikadong balanse ng buhay at ng kapaligiran nito ay tatagal nang walang hanggan. Mabuti na lamang, ang Diyos ay lubhang interesado rito. [Basahin ang Nehemias 9:6.] Tinatalakay ng Gumising! kung ano ang kinabukasan ng buhay sa lupa.”
Ang Bantayan Dis. 1
“Sa panahong ito, maraming tao ang abala sa pagbibigay ng regalo at paggawa ng iba pang uri ng kabaitan. Naiisip tuloy natin ang Ginintuang Alituntunin. [Basahin ang Mateo 7:12.] Sa palagay ba ninyo’y posibleng mamuhay alinsunod sa alituntuning iyan sa buong taon? [Hayaang sumagot.] Ang magasing ito ay nagbibigay ng saganang pagkain para sa kaisipan sa ‘Ang Ginintuang Alituntunin—Praktikal Pa ba Ito?’”
Gumising! Dis. 8
“Ang Bibliya ay nangangako na darating ang araw na walang sinuman ang magsasabing, ‘Ako ay may sakit.’ [Basahin ang Isaias 33:24.] Kasuwato ng pangakong iyan, ang isyung ito ng Gumising! ay nagtutuon ng pansin sa isang karamdaman na nagpapahirap sa milyun-milyong tao, bata at matanda. Ito ay pinamagatang ‘Pag-asa Para sa mga Pinahihirapan ng Artritis.’ Ako’y nakatitiyak na masusumpungan ninyong nakapagtuturo ang mga artikulong ito.”