Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Abr. 15
“Saanman sila nakatira, ang mga tao ay interesado sa katiwasayan, gaya ng pagkakaroon at pananatili sa isang kasiya-siyang trabaho. Subalit naisaalang-alang mo na ba na may isang pinagmumulan ng namamalaging katiwasayan, na magpapangyaring maging matiwasay ka magpakailanman? [Basahin ang Awit 16:8, 9.] Sinusuri ng labas na ito ng Ang Bantayan kung saan masusumpungan ang tunay na katiwasayan.”
Gumising! Abr. 22
“Marami sa ngayon ang umaalis sa organisadong relihiyon upang sumamba sa Diyos sa kanilang sariling paraan. Ano ang masasabi mo sa kalakarang iyan? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita ng Bibliya na talagang mahalaga sa Diyos kung paano natin siya sinasamba. [Basahin ang Juan 4:24.] Ang labas na ito ng Gumising! ay nagsasabi ng tungkol sa pinakamabuting paraan upang masapatan ang iyong espirituwal na mga pangangailangan.”
Ang Bantayan Mayo 1
“May kakilala ka ba na may malubhang karamdaman o nakararanas ng kapansanan? Walang pagsalang sasang-ayon ka na ang gayong mga tao ay nangangailangan ng pampatibay-loob. Subalit ano ang maaari nating sabihin upang mapatibay sila? Ang Bibliya ay nagbibigay ng mga salita ng pag-asa. [Basahin ang Isaias 35:5, 6.] Ang labas na ito ng Ang Bantayan ay nagpapaliwanag kung bakit tayo makatitiyak na matutupad ang hulang ito.”
Gumising! Mayo 8
“Noong nakaraang taon, ang kapayapaan ay naisapanganib nang higit kailanman. Sa palagay mo ba ay nasa kapangyarihan ng mga pamahalaan ng tao ang magtatag ng pandaigdig na kapayapaan? [Pagkatapos tumugon, basahin ang Isaias 2:4.] Ang labas na ito ng Gumising! ay nagpapakita kung bakit tayo makatitiyak na malapit nang magkatotoo ang pandaigdig na kapayapaan.”