Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hunyo 15
“Sa palagay mo ba ay makikita pa natin ang wakas sa mga problemang tulad nito? [Basahin ang pambungad na pagsipi ng unang artikulo, at hayaang sumagot.] Tinitiyak sa atin ng kinasihang Salita ng Diyos na ang gayong mga problema ay malapit nang magwakas. [Basahin ang Awit 72:12-14.] Ipaliliwanag ng isyung ito ng Ang Bantayan kung paano ito magaganap.”
Gumising! Hunyo 22
“Sa palagay mo ba ay magiging posible pa na tamasahin ang tunay na kalayaan ng lahat ng nasa lupa? [Hayaang sumagot.] Pansinin mo ang napakagandang pangakong ito ng Diyos. [Basahin ang Roma 8:21.] Upang matupad ang pangakong iyan, ang lahat ng pang-aalipin ay kailangang magwakas, hindi ba? Ipinakikita ng isyung ito ng Gumising! kung paano mangyayari iyan.”
Ang Bantayan Hulyo 1
“Milyun-milyong tao ang gumagamit ng mga larawan o imahen sa kanilang pagsamba, samantalang milyun-milyong iba pa ang nagsasabi namang mali ang paggawa ng gayon. Napag-isipan mo na ba kung ano naman ang palagay ng Diyos? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Juan 4:24.] Ipinakikita ng mga artikulong ito kung paano nagpasimula ang paggamit ng mga imahen at kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagsamba sa mga larawan.”
Gumising! Hulyo 8
“Inihula ng Bibliya na magkakaroon ng mahirap na mga panahon sa mga huling araw. [Basahin ang 2 Timoteo 3:1, 3.] Sa buong daigdig, ang bilang ng krimen ay nagpapatotoo rito. Lalo nang mas malubha ang mga kalagayan kung walang mga pulis! Tinatalakay ng isyung ito ng Gumising! ang mga hamon na napapaharap sa mga pulis sa buong daigdig.”