Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/03 p. 4
  • Maging Halimbawa sa Maiinam na Gawa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Halimbawa sa Maiinam na Gawa
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Kaparehong Materyal
  • “Panatilihing Mainam ang Inyong Paggawi sa Gitna ng mga Bansa”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Magpakabanal sa Lahat ng Iyong Paggawi
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Patuloy na Hintayin si Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Ang Ating mga Pandistritong Kombensiyon—Mapuwersang Patotoo sa Katotohanan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 11/03 p. 4

Maging Halimbawa sa Maiinam na Gawa

1. Bakit kailangan tayong maging lalong palaisip sa ating paggawi sa pandistritong kombensiyon?

1 Kapag nagtitipon tayo nang malakihan sa mga pandistritong kombensiyon, ang paraan ng ating pagkilos at pakikitungo sa iba ay lalo nang nagiging kapansin-pansin sa mga nagmamasid. Kung gayon, ang bawat isa sa atin ay kailangang magbigay ng pantanging pansin sa paalaala ng Bibliya: “Maging matino ang pag-iisip, na sa lahat ng bagay ay ipinakikita mo ang iyong sarili bilang halimbawa ng maiinam na gawa.” (Tito 2:​6, 7) Baka kailangan ang karagdagang pagsisikap na ‘maituon ang mata, hindi lamang sa personal na kapakanan ng inyong sariling mga bagay-bagay, kundi sa personal na kapakanan din ng iba.’ (Fil. 2:4) Isaalang-alang natin ang ilang dako kung saan maaari nating ikapit ito sa ating dumarating na “Magbigay ng Kaluwalhatian sa Diyos” na Pandistritong Kombensiyon.

2. Ano ang dapat nating tandaan may kaugnayan sa mga kaayusan sa pagkain?

2 Mga Kaayusan sa Pagkain: Nagpapakita tayo ng maiinam na gawa kapag ang ating dala ay simpleng pananghalian at hindi natin naiistorbo ang ating mga katabi sa upuan kapag nanananghalian tayo. Pagpapakita ng konsiderasyon kapag iniingatan nating huwag makatapon ng tubig o juice habang kumakain at, kung di-sinasadyang mangyari ito, dapat natin itong punasan kaagad. Bago umalis sa pinagdausan ng kombensiyon, dapat nating tiyakin na walang naiwang kalat sa ating upuan o sa tabi ng ating upuan, sa gayo’y maiiwan nating malinis ang bulwagan gaya nang datnan natin ito sa umaga.

3. Paano tayo ‘makagagawa ng mabuti sa lahat’ sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga attendant?

3 Paradahan at mga Attendant: Kung may sasakyan kayo, lubusang makipagtulungan sa mga attendant sa paradahan, anupat sinusunod ang kanilang mga instruksiyon kung saan dapat pumarada, kahit na ito ay waring hindi gaanong maalwan sa inyo. Sundin ang tagubilin ng mga attendant hinggil sa mauupuan, na inaalaalang ang ilang mga upuan ay kadalasang inilalaan sa mga may-edad na at may-kapansanan. Gayundin, kapag kumukuha ng bagong inilabas na mga publikasyon, iwasan ang pagmamadali kahit hindi pa tapos ang sesyon upang mauna lamang sa pila, sa halip ay maghintay nang may pagtitiis na matapos ang sesyon at pagkatapos ay sundin ang mga tagubilin ng tsirman ng sesyon at ng mga attendant. Sa ganitong mga paraan ay ‘gumagawa tayo ng mabuti sa lahat.’​—Gal. 6:10.

4, 5. Paano makapagdudulot ng kapurihan kay Jehova ang mga anak, at ano ang pananagutan ng mga magulang?

4 Mga Magulang at mga Anak: Sa isang daigdig kung saan maraming kabataan ang walang modo, kapansin-pansin ang pagiging kakaiba ng ating mga anak, at nagdudulot ito ng kapurihan kay Jehova at sa kaniyang organisasyon. Gayunman, nagkakaroon ng mga problema kung minsan kapag hindi wastong napangasiwaan ang mga bata. (Kaw. 29:15) Hindi dapat pabayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa panahon ng mga intermisyon.

5 Bago ang kombensiyon, nasumpungan ng ilang magulang na nakatutulong na repasuhin sa kanilang mga anak ang uri ng paggawi na inaasahan sa kanila. (Efe. 6:4) Tinutulungan nila ang kanilang mga anak na maunawaan na ang tunay na Kristiyanong pag-ibig ay “hindi gumagawi nang hindi disente” o “naghahanap ng sarili nitong kapakanan.” (1 Cor. 13:5) Ang pandistritong kombensiyon ay isang panahon na inilaan upang maturuan ni Jehova, at makapagpapakita ng paggalang sa kaayusang ito ang mga bata gayundin ang mga adulto sa pamamagitan ng kanilang paggawi sa dako ng kombensiyon at sa iba pang lugar.​—Isa. 54:13.

6. Ano ang maaaring maging epekto sa iba ng ating mainam na paggawi?

6 Malaki ang magagawa ng ating mainam na paggawi upang pasinungalingan ang maling pala-palagay at upang maakit ang mga tao sa tunay na pagsamba. (Mat. 5:16; 1 Ped. 2:12) Nawa’y lahat ng makatagpo natin sa ating pandistritong kombensiyon ay tumanggap ng kaayaayang patotoo sa pamamagitan ng paraan ng ating pagkilos at pakikitungo sa kanila. Sa ganitong paraan ay ‘maipakikita natin ang ating sarili bilang halimbawa ng maiinam na gawa’ at maluluwalhati natin si Jehova.​—Tito 2:7.

[Kahon sa pahina 4]

Maging Makonsiderasyon sa Iba

▪ Linisin ang lugar na inyong inupuan bago umalis

▪ Maging matiisin kapag kumukuha ng bagong mga inilabas na publikasyon

▪ Makipagtulungan sa mga attendant

▪ Pangasiwaan nang wasto ang inyong mga anak

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share