Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/04 p. 4
  • Gamitin Nang Mabisa ang Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gamitin Nang Mabisa ang Bibliya
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Ginaganap Mo Ba Nang Lubos ang Iyong Ministeryo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Kung Paano Maghahanda ng Presentasyon sa Pag-aalok ng Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Bahagi 3—Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Mabisang Pagpapakilala sa Kasulatan
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 9/04 p. 4

Gamitin Nang Mabisa ang Bibliya

1. Ano ang maaari mong gawin bilang paghahanda sa ministeryo sa larangan?

1 Anumang literatura ang pinaplano nating ialok sa ministeryo, makabubuting pumili ng isang nakapupukaw-kaisipang kasulatan na maibabahagi natin sa mga makikinig. (Heb. 4:12) Magiging mabisa ang paghaharap natin ng publikasyon kung pipili tayo ng kasulatang ginamit sa publikasyong iaalok natin. Sa ilang lugar, nasumpungan ng mga mamamahayag na makabubuti kung hawak na nila ang Bibliya kapag lumalapit sa isang tao o kapag nagbabahay-bahay.

2. (a) Paano natin masisimulan ang ating presentasyon sa pamamagitan ng isang kasulatan? (b) Anong maka-Kasulatang mga paksa ang nakapupukaw sa interes ng mga tao sa inyong teritoryo?

2 Magsimula sa Pamamagitan ng Isang Kasulatan: Pinasisimulan ng ilang mamamahayag ang kanilang presentasyon sa may-bahay sa pamamagitan ng isang simpleng punto de vistang tanong hinggil sa isang teksto sa Bibliya na babasahin nila. Ang pamamaraang ito ay kaagad umaakay ng pansin sa Salita ng Diyos. Magiging mabisa kaya sa inyong teritoryo ang sumusunod na mga introduksiyong ito?

◼ “Kung may kapangyarihan ka, gagawin mo ba ang ganitong mga pagbabago?” Basahin ang Apocalipsis 21: 4.

◼ “Bakit kaya tayo nabubuhay sa ganito kapanganib na mga panahon?” Basahin ang 2 Timoteo 3:1-5.

◼ “Sa palagay mo kaya ay magiging mas mabuting dako ang ating komunidad kung susundin ng lahat ang payong ito?” Basahin ang Mateo 7:12.

◼ “Sa palagay mo kaya ay matatamasa ng iyong mga anak ang mga kalagayang inilarawan dito?” Basahin ang Awit 37:​10, 11.

◼ “Sa palagay mo kaya ay magkakatotoo ang mga salitang ito balang-araw?” Basahin ang Isaias 33:24.

◼ “Pamilyar ka ba sa bagong pamamahala na binabanggit dito?” Basahin ang Daniel 2:44.

◼ “Naisip mo na bang itanong sa Diyos ang bagay na ito?” Basahin ang Job 21:7.

◼ “Makikita pa kaya natin ang namatay na mga mahal natin sa buhay?” Basahin ang Juan 5:​28, 29.

◼ “Alam kaya ng mga patay kung ano ang ginagawa ng mga buháy?” Basahin ang Eclesiastes 9:5.

3. Paano natin matutulungan ang mga tao na maunawaan ang mga teksto sa Bibliya na binabasa natin?

3 Ipaliwanag, Ilarawan, Ikapit: Kapag handang makipag-usap ang isang tao, huwag madaliin ang pakikipagtalakayan. Gumugol ng panahon upang ipaliwanag, ilarawan, at ikapit ang kasulatang binasa mo para maunawaan ito ng iyong kausap. (Neh. 8:8) Kapag nauunawaan at tinatanggap ng mga tao ang itinuturo ng Salita ng Diyos, magbubunga ito ng kamangha-manghang mga pagbabago sa kanilang buhay.​—1 Tes. 2:13.

4. Paano mo magagamit nang mabisa ang Bibliya sa mga pagdalaw-muli?

4 Patuloy na gamitin nang mabisa ang Bibliya habang nililinang mo ang interes. Maaari mo ring gamitin ang ganitong pamamaraan kapag dumadalaw muli: (1) Pumili ng angkop na kasulatan. (2) Magbangon ng isang simpleng punto de vistang tanong hinggil sa teksto. Pagkatapos ay basahin ito. (3) Ipaliwanag, ilarawan, at ikapit ito. Sikaping dagdagan ang kaalaman ng isang tao hinggil sa Salita ng Diyos sa tuwing dadalaw ka. Di-magtatagal at nagdaraos ka na ng pag-aaral sa Bibliya!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share