Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/06 p. 8
  • Maibabagay Mo Ba ang Iyong Iskedyul?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maibabagay Mo Ba ang Iyong Iskedyul?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Kaparehong Materyal
  • Maaari Ka Bang Makibahagi sa Pagpapatotoo sa Gabi?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Nasubukan Mo Na Ba ang Pagpapatotoo sa Gabi?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Paghanap sa mga Karapat-dapat
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Gamitin Nang Husto ang Iyong Panahon sa Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 4/06 p. 8

Maibabagay Mo Ba ang Iyong Iskedyul?

1. Bakit natin dapat ibagay ang ating iskedyul sa pangangaral?

1 Bilang mga tunay na Kristiyano, tinanggap natin ang paanyaya na maging “mga mangingisda ng mga tao.” (Mat. 4:19) Tulad ng literal na mga mangingisda, malamang na magiging mas mabuti ang mga resulta ng ating pangingisda ng mga tao kung mag-iiskedyul tayo ng oras sa pangangaral kapag nasa bahay ang mga tao. Sa bandang hapon at pagkagat ng dilim, mas maraming tao ang nasa bahay. Karaniwan nang mas relaks sila at mas malamang na tumanggap ng mga bisita. Maibabagay mo ba ang iyong iskedyul upang mangaral sa mga oras na iyon?—1 Cor. 9:23.

2. Anu-ano ang ilang paraan upang mapaabutan natin ng mabuting balita ang mas maraming tao?

2 Pagpapatotoo sa Gabi: Ang patiunang pagpaplano na mangaral sa gabi ay tutulong sa atin na mapaabutan ng mabuting balita ang mas maraming tao. (Kaw. 21:5) Ang mga kabataan ay maaaring mangaral pagkatapos ng klase. Magagawa naman ito ng iba pagkatapos ng trabaho. Ang ilang grupo ng pag-aaral sa aklat ay maaaring magsaayos na mangaral sa loob ng isang oras bago ang lingguhang pag-aaral.

3. Sa anu-anong paraan maaari kang mangaral sa bandang hapon at pagkagat ng dilim sa inyong teritoryo?

3 Maaari nating makausap ang mga taong karaniwan nang wala sa tahanan kapag nangangaral tayo sa bahay-bahay sa bandang hapon at pagkagat ng dilim. Sa maraming teritoryo, ang pangangaral sa lansangan at iba pang anyo ng pagpapatotoo sa publiko ay magagawa rin sa gabi. At nasusumpungan ng marami na pinakamabuting magsagawa ng mga pagdalaw-muli at magsimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa gabi.

4. Bakit mahalagang magpakita ng kaunawaan at konsiderasyon kapag nagpapatotoo sa gabi?

4 Kailangan ang Kaunawaan: Kailangan ang mabuting pagpapasiya kapag nagpapatotoo sa gabi. Karaniwan na, pinakamabuting magpatotoo sa mga oras pagkagat ng dilim, sa halip na dumalaw kapag ang mga may-bahay ay baka matutulog na. (Fil. 4:5) Pagkatok mo sa pinto, tumayo kung saan makikita ka, at malinaw na ipakilala ang iyong sarili. Sabihin sa maikli ang layunin ng iyong pagdalaw. Kung dumadalaw ka sa di-kumbinyenteng panahon, gaya halimbawa kung kumakain ang pamilya, sabihing dadalaw ka na lamang sa ibang panahon. Laging maging makonsiderasyon.—Mat. 7:12.

5. Paano natin maiiwasan ang posibleng mapanganib na mga kalagayan habang nangangaral?

5 Kailangan ding maging alisto tayo sa posibleng mapanganib na mga kalagayan. Kung nagpapatotoo ka pagkagat ng dilim, makabubuting maglakad nang dala-dalawa o grupu-grupo. Maglakad sa maliliwanag na lansangan na may mga tao. Magpatotoo lamang sa mga lugar na alam mong ligtas. Iwasan ang mga lugar na maaaring di-ligtas sa gabi.—Kaw. 22:3.

6. Anong karagdagang kapakinabangan ang maaaring matamo sa pagpapatotoo sa bandang hapon at pagkagat ng dilim?

6 Ang pagpapatotoo sa bandang hapon at pagkagat ng dilim ay maaaring magbigay sa atin ng pagkakataong maglingkod kasama ng mga auxiliary at regular pioneer. (Roma 1:12) Maibabagay mo ba ang iyong iskedyul upang makibahagi sa pitak na ito ng paglilingkod?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share