Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/06 p. 5
  • Bagong Programa ng Araw ng Pantanging Asamblea

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bagong Programa ng Araw ng Pantanging Asamblea
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Kaparehong Materyal
  • “Pagkain sa Tamang Panahon”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Programa Para sa Araw ng Pantanging Asamblea sa 2010
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Bagong Programa ng Pantanging Araw ng Asamblea
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Bagong Programa sa Pantanging Araw ng Asamblea
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 12/06 p. 5

Bagong Programa ng Araw ng Pantanging Asamblea

Palibhasa’y pinalakas ng banal na espiritu, masiglang-masigla ang sinaunang mga Kristiyano sa paghahayag ng mabuting balita sa pinakamalawak na paraang magagawa nila. (Gawa 1:8; Col. 1:23) Ang bagong programa ng araw ng pantanging asamblea, “Maging Lubhang Abala sa Salita,” ay tutulong sa atin na tularan ang kanilang napakainam na halimbawa. (Gawa 18:5) Sa Pilipinas, magsisimula ang programang ito sa Pebrero 2007.

Sinabi ni Haring David tungkol sa salita ng Diyos: “Ang paalaala ni Jehova ay mapagkakatiwalaan, na nagpaparunong sa walang-karanasan.” (Awit 19:7) Ang programang maingat na inihanda para sa 2007 araw ng pantanging asamblea ay magtatampok sa kahalagahan ng Kasulatan “sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay” at hihimok sa atin na gamitin ang Salita ng Diyos sa pangangaral at pagtuturo nang may pagkaapurahan. (2 Tim. 3:16, 17) Ipakikita ng bagong programa kung paano tayo makaiiwas sa mga patibong at makikinabang sa pagkakapit ng mga simulain ng Bibliya sa araw-araw na pamumuhay. Tutulungan din tayo nitong gamitin ang Salita ng Diyos upang alalayan ang mga kabataan at mga baguhan na sumulong sa espirituwal.

Tiyakin mong naroroon ka kapag nagsimula na ang programa, at makinig nang mabuti. Isulat ang mga puntong magagamit mo mismo. Ipakitang pinahahalagahan mo ang tagubilin at paalaala na tinanggap, at bulay-bulayin kung paano mo gagamitin ang mga bagay na iyong natutuhan.

Ang programa ng araw ng pantanging asamblea ay magpapasidhi ng ating pagpapahalaga sa Salita ng Diyos, magpapaalaala sa atin na manatiling matatag sa masigasig na pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian, at magpapakita sa atin kung paano tutulungan ang iba na gayon din ang gawin. Kaya ipasiya mong huwag palampasin ang anumang espirituwal na patnubay at tagubilin na inilalaan ni Jehova sa ganitong paraan!—Isa. 30:20b, 21.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share