Bagong Programa sa Pantanging Araw ng Asamblea
1 Ang ating programa sa pantanging araw ng asamblea pasimula sa ikalawang linggo ng Pebrero ay magtatampok sa temang “Patuloy na Magpatotoo sa Katotohanan.” Ang buong programa ay magtutuon ng pansin sa halimbawa na iniwan sa atin ni Jesus at kung papaano niya ginamit ang bawat pagkakataon upang ibahagi ang katotohanan sa iba. Ito’y magdiriin sa ating pananagutan bilang mga alagad ni Kristo na tularan siya sa pagpapatotoo sa katotohanan.—1 Cor. 11:1.
2 Ang papel na ginagampanan ng kongregasyon sa pagtataguyod ng katotohanan ay isasaalang-alang. Ang mabuting paggamit ng ating mga magasin at iba pang mga publikasyon ay idiriin din.
3 Ang pangunahing pahayag ng dumadalaw na tagapagsalita kung mayroon nito ay pinamagatang “Pagpapatotoo sa Katotohanan—Kung Ano ang Naisagawa Nito.” (Juan 8:32) Ang programa sa pantanging araw ng asamblea ay tiyak na magpapalalim sa ating pagpapahalaga sa katotohanan at tutulong sa atin na manatiling matatag at “matibay na nakatatag sa katotohanan.”—2 Ped. 1:12; 1 Cor. 15:58.