Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hunyo 15
“Napapansin mo ba na ang mga tao na ngayon ang pumipili ng kanilang sariling pamantayan kung ano ang tama at mali? [Hayaang sumagot.] Narito ang isang halimbawa ng di-kumukupas na patnubay na masusumpungan sa Bibliya. [Basahin ang isang teksto na nasa kahon sa pahina 6-7.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung paano tayo makikinabang kung tatanggapin natin ang mga pamantayang moral ng Bibliya.”
Gumising! Hunyo
“Kailangan nating lahat ng pera para mabuhay. Sa palagay mo, puwede kayang umabot sa punto na puro paghahanap na lamang ng pera ang iniisip ng isang tao? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi rito na mga resulta ng paghahangad ng kayamanan. [Basahin ang 1 Timoteo 6:10.] Ang magasing ito ay nagbibigay ng ilang praktikal na mungkahi kung paano mapasisimple ang buhay para makaraos kahit na kaunti lamang ang pera ng isa.”
Ang Bantayan Hulyo 1
“Napag-isip-isip mo na ba kung bakit pinagmamalupitan ang mga tao dahil lamang sa iba ang kanilang lahi o nasyonalidad o dahil iba ang kanilang wika? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang binabanggit ditong dahilan. [Basahin ang 1 Juan 4:20.] Sinasagot ng magasing ito ang tanong na, Posible ba ang pagkakaisa ng mga lahi?”
Gumising! Hulyo
“Di-tulad ng mga hayop na kumikilos ayon sa likas na ugali, ang mga tao ay may kakayahang pumili ng mga pamantayan na susundin nila sa buhay. Sa palagay mo, saan kaya tayo makakakuha ng maaasahang patnubay? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Awit 119:105.] Ipinaliliwanag ng magasing ito ang kahigitan ng patnubay ng Bibliya.”