Kapag Kailangan Ninyo Agad ng Literatura sa Banyagang Wika
Kung minsan, may natatagpuan tayong mga tao na mas gustong magbasa ng ating literatura sa banyagang wika na wala naman sa stock ng kongregasyon. Alam mo bang puwedeng ma-access sa Internet ang ating literatura sa 400 wika at mai-print ito? Paano?
• Pumunta sa www.watchtower.org, ang ating opisyal na Web site.
• Sa kanang bahagi ng home page, may listahan ng ilang mga wika. I-click ang icon na globo para makita ang listahan ng lahat ng wika.
• I-click ang wika na kailangan mo. Lilitaw ang page na nagpapakita ng literaturang puwedeng i-print, gaya ng mga tract, brosyur, at artikulo. Yamang iba ang wika na pinili mo, huwag mag-alala kung hindi mo maintindihan ang mga pamagat.
• I-click ang alinman sa mga ito. Lilitaw sa screen ang materyal at puwede mo na itong i-print.
Mga sample na publikasyon lamang ang nasa Web site natin. Kapag naging interesado ang may-bahay, puwedeng mag-order ng iba pang publikasyon sa pamamagitan ng kongregasyon.