Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/13 p. 3-5
  • Mga Paggawi na Lumuluwalhati sa Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Paggawi na Lumuluwalhati sa Diyos
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Kaparehong Materyal
  • “Panatilihing Mainam ang Inyong Paggawi sa Gitna ng mga Bansa”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Mga Paalaala sa Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
  • Ang Ating mga Pandistritong Kombensiyon—Mapuwersang Patotoo sa Katotohanan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Tatlong Araw ng Espirituwal na Kaginhawahan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
km 9/13 p. 3-5

Mga Paggawi na Lumuluwalhati sa Diyos

1. Bakit madaling napapansin ang mga Saksi ni Jehova kapag dumadalo ng mga pandistritong kombensiyon?

1 Kapag dumadalo sa mga pandistritong kombensiyon, madali tayong napapansin ng iba. Nakasuot tayo ng badge card at magkakasamang naglalakbay bawat araw. Ang sumusunod ay ilang paalaala na tutulong sa atin na luwalhatiin ang Diyos sa pamamagitan ng ating mainam na paggawi habang nasa lunsod na pinagdarausan ng kombensiyon.​—1 Ped. 2:12.

2. Paano natin maluluwalhati ang Diyos sa pamamagitan ng mahinhing pananamit habang nasa lunsod na pinagdarausan ng kombensiyon?

2 Manamit Nang Mahinhin: Kadalasan nang humahanga ang mga nagmamasid sa ating mahinhing pananamit kapag dumadalo tayo sa kombensiyon. Pero ang istilo ng ating pananamit kapag kumakain tayo sa mga restawran o kapag nagsa-shopping ay puwedeng mag-iwan ng mas malalim na impresyon. Sa gayong mga pagkakataon, ang pananamit natin ay dapat na mahinhin at hindi sobrang kaswal. Dapat na makita ng mga nagmamasid ang kaibahan natin sa mga di-sumasampalataya. (Roma 12:2) Dapat nating isuot ang ating badge card para maipaalam sa iba ang tungkol sa ating kombensiyon, makapagbukas ng pagkakataon sa pangangaral, at makilala tayo ng ibang mga delegado.

3. Paano natin maipakikita na tayo ay mapagpasensiya at magalang?

3 Maging Mapagpasensiya at Magalang: Sa panahong ito na marami ang makasarili, talagang nakarerepresko para sa mga nagmamasid ang ating pagiging mapagpasensiya at magalang. (2 Tim. 3:1-5) Kapag nagrereserba ng mga upuan o kapag pumipila para kumuha ng bagong labas na mga publikasyon, unahin ang kapakanan ng iba, hindi ang sa iyong sarili. (1 Cor. 10:23, 24) Pagkatapos dumalo ng kombensiyon sa unang pagkakataon, sinabi ng isang interesadong lalaki, “Wala akong natandaan sa mga tinalakay sa programa, pero tumatak sa isip ko ang paggawi ng mga Saksi.”

4. Bakit dapat tayong magboluntaryo sa kombensiyon kung ipinahihintulot ng ating kalagayan?

4 Magboluntaryo: Ang pagboboluntaryo ay tanda ng mga tunay na Kristiyano. (Awit 110:3) Sa isang kombensiyon, mga 600 kapatid ang nagboluntaryo para maglinis ng pasilidad bago ang kombensiyon. Sinabi ng isang staff doon: “Hangang-hanga kami sa nakita namin! Hindi kami makapaniwalang boluntaryo lang ang lahat ng taong ito.” Nananabik na tayo sa 2013 na pandistritong kombensiyon at sa mga pagkakataong luwalhatiin ang Diyos sa pamamagitan ng ating paggawi.

[Kahon sa pahina 3-6]

Mga Paalaala sa 2013 na Pandistritong Kombensiyon

◼ Oras ng Programa: Magsisimula ang programa nang 8:20 n.u. sa tatlong araw. Sa oras na iyan, lahat tayo ay dapat nang maupo upang makapagpasimula nang maayos ang programa. Magtatapos ang programa sa awit at panalangin sa ganap na 3:50 n.h. sa Biyernes at Sabado, at 2:35 n.h. sa Linggo.

◼ Pagrereserba ng Upuan: Maaari lang magreserba ng upuan para sa mga kasama mo sa bahay o sasakyan, pati na sa mga inaaralan mo sa Bibliya.​—1 Cor. 13:5.

◼ Pananghalian: Pakisuyong magbaon ng simpleng pananghalian sa halip na kumain sa labas. Maaaring gumamit ng maliit na cooler na mailalagay sa ilalim ng upuan. Ang malalaking picnic cooler at babasagíng mga lalagyan ay hindi pinapayagan sa pasilidad ng kombensiyon.

◼ Donasyon: Maipakikita natin ang ating pagpapahalaga sa pagsasaayos ng kombensiyon sa pamamagitan ng boluntaryong kontribusyon para sa pambuong-daigdig na gawain. Anumang tseke na iaabuloy sa kombensiyon ay dapat ipangalan sa “Watch Tower.”

◼ Aksidente at Emergency: Kung may mangangailangan ng medikal na tulong, pakisuyong lumapit sa isang attendant, na kaagad namang magbibigay-alam nito sa First Aid para matingnan ng kuwalipikadong mga boluntaryo ang pasyente. Kung kailangan, tatawagan ng mga boluntaryo ang pinakamalapit na ospital.

◼ Mga Gamot: Kung may iniinom kang iniresetang gamot, pakisuyong magdala ng sapat na suplay dahil wala nito sa kombensiyon.

◼ Please Follow Up (S-43) Form: Dapat isulat sa Please Follow Up form ang impormasyon tungkol sa sinumang nagpakita ng interes sa ating di-pormal na pagpapatotoo sa panahon ng kombensiyon. Ang mga form na napunan ay maaaring ibigay sa Book Room o sa inyong kalihim pagbalik sa kongregasyon.

◼ Restawran: Parangalan ang pangalan ni Jehova sa pamamagitan ng iyong mainam na paggawi kapag nasa mga restawran. Manamit nang angkop sa isang Kristiyanong ministro. Magbigay ng tip kung ito ang kaugalian.

◼ Pagboboluntaryo: Sinumang nagnanais na magboluntaryo ay dapat magpunta sa Volunteer Service Department sa kombensiyon. Ang mga batang wala pang 16 anyos ay maaari ding magboluntaryo kung kasama ang magulang, guardian, o iba pang adultong pinahintulutang magbantay sa kanila.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share