Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/15 p. 4-5
  • Mga Paalaala sa Kombensiyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Paalaala sa Kombensiyon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
  • Kaparehong Materyal
  • “Panatilihing Mainam ang Inyong Paggawi sa Gitna ng mga Bansa”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Mga Paggawi na Lumuluwalhati sa Diyos
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Tatlong Araw ng Espirituwal na Kaginhawahan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Ang Ating mga Pandistritong Kombensiyon—Mapuwersang Patotoo sa Katotohanan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
km 8/15 p. 4-5

Mga Paalaala sa Kombensiyon

  • Oras ng Programa: Ang pasilidad ay magbubukas nang 7:00 n.u. Magsisimula ang programa nang 8:20 n.u. sa tatlong araw. Sa oras na iyan, lahat tayo ay dapat nang maupo para makapagpasimula nang maayos ang programa. Magtatapos ito sa awit at panalangin sa ganap na 3:55 n.h. sa Biyernes at Sabado, at 2:45 n.h. sa Linggo.

  • ‘Sa Pamamagitan ng Awit ay Purihin si Jehova’: Ang bayan ng Diyos noong sinaunang panahon ay pumuri kay Jehova sa pamamagitan ng pag-awit, at ang musika ay mahalagang bahagi pa rin ng tunay na pagsamba ngayon. (Awit 28:7) Ang bawat sesyon ng ating panrehiyong kombensiyon ay sinisimulan sa pamamagitan ng musika. Hindi lang ito basta background music. Inihahanda ito para matuto tayo at sambahin si Jehova. Kaya kapag ipinatalastas ng chairman na magsisimula na ang musika, oras na para maupo tayo at pakinggan nang may pagpapahalaga ang musika. Kung gagawin natin ito, ipinakikita nating pinahahalagahan natin ang mga pagsisikap ng mga miyembro ng orkestra ng Watchtower. Dalawang beses sa isang taon, ang mga kapatid na ito ay gumagastos para maglakbay patungong Patterson, New York, at magrekord ng magagandang musika na mae-enjoy natin. Matapos pakinggan ang musika, ang lahat ay dapat sumali sa pagpuri kay Jehova sa pamamagitan ng pag-awit ng mga awiting pang-Kaharian.

  • Paradahan: Sa mga lugar ng kombensiyon, ang kaayusan sa paradahan ay “first-come, first-served.” Dahil karaniwan nang limitado ang mapaparadahan, hangga’t maaari ay magsama-sama na lamang sa mga sasakyan sa halip na magdala ng kani-kaniyang sasakyan. Kailangang tiyakin ng mga inatasang brother na ang mga sasakyan lang na may pasaherong may-kapansanan ang puwedeng pumarada sa lugar na inireserba para sa kanila.

  • Pagrereserba ng Upuan: Kapag nagbukas ang pasilidad sa umaga, pakisuyong huwag magmadali sa pagpunta sa gusto mong upuan na parang nakikipag-unahan. Pakisuyong maging makonsiderasyon sa iba, at magparaya pa nga alang-alang sa ating mga kapatid. Ipinakikita ng mapagsakripisyong espiritu na tayo’y mga tunay na Kristiyano at mauudyukan nito ang iba na purihin ang Diyos. (Juan 13:34, 35; 1 Cor. 13:5; 1 Ped. 2:12) Maaari lang magreserba ng upuan para sa mga kasama mo sa bahay o sasakyan, pati na sa mga tinuturuan mo sa Bibliya. Huwag maglagay ng mga gamit sa mga upuang hindi mo naman inirereserba. Makatutulong ito para makita ng iba na bakante pa ang mga upuang iyon. May mga upuan na inireserba para sa mga may-edad at may kapansanan. Dahil limitado lang ang mga upuang ito, isa o dalawang kasama lang ang puwedeng umupo sa tabi nila.

  • Mahinhing Pananamit: Sa panahon ng kombensiyon, dapat na angkop at mahinhin ang pananamit natin at hindi kapareho ng mga kakaibang istilo na uso sa sanlibutan. (1 Tim. 2:9) Kahit nagbibiyahe papunta at paalis sa tuluyan at sa panahon ng pamamasyal bago at pagkatapos ng sesyon, iniiwasan nating maging sobrang casual o di-maayos ang ating hitsura. Kaya hindi tayo mahihiyang isuot ang convention badge natin at magpatotoo kapag nagkaroon ng pagkakataon. Ang hitsura at mabuting paggawi natin sa panahon ng kombensiyon ay hindi lang makaaakit sa tapat-pusong mga tao na tanggapin ang nagliligtas-buhay na mensahe ng Bibliya kundi magpapasaya rin ito kay Jehova.​—Zef. 3:17.

  • Kagandahang-Asal sa Paggamit ng mga Gadyet: Maipakikita natin ang kagandahang-asal sa panahon ng programa kung ia-adjust natin ang ating cellphone at iba pang mga gadyet sa setting na hindi makagagambala sa iba. Kapag gumagamit ng camera, video recorder, tablet, o iba pang katulad na gadyet, gusto nating maging makonsiderasyon sa pamamagitan ng hindi paggambala o pagharang sa kanila. Maipakikita rin natin ang kagandahang-asal kung hindi tayo magpapadala ng di-kinakailangang text o e-mail sa panahon ng programa.

  • Pananghalian: Pakisuyong magbaon ng pananghalian sa halip na kumain sa labas. Maaaring gumamit ng maliit na cooler na mailalagay sa ilalim ng upuan. Ang malalaking picnic cooler at babasagíng mga lalagyan ay hindi pinapayagan sa pasilidad ng kombensiyon.

  • Donasyon: Maipakikita natin ang ating pagpapahalaga sa pagsasaayos ng kombensiyon sa pamamagitan ng boluntaryong kontribusyon para sa pambuong-daigdig na gawain. Anumang tseke na iaabuloy sa kombensiyon ay dapat ipangalan sa Watch Tower. Ang mga donasyon ay puwedeng sa pamamagitan ng debit o credit card.

  • Mga Gamot: Kung may iniinom kang iniresetang gamot, pakisuyong magdala ng sapat na suplay dahil wala nito sa kombensiyon. Ang mga pang-iniksiyon na gamit ng mga diyabetiko ay dapat itapon sa tapunan ng hazardous waste at hindi sa ibang mga basurahan sa kombensiyon.

  • Pag-iingat: Pakisuyong maging lalong palaisip sa pinsalang maidudulot ng pagkadulas o pagkatapilok. Bawat taon, marami ang naaaksidente dahil sa kanilang sapatos, lalo na ang may matataas na takong. Makabubuting magsuot ng sapatos na simple at sukát sa iyo para makaiwas sa aksidente kapag dumaraan sa mga rampa, hagdanan, at iba pa.

  • Mahihina ang Pandinig: Sa ilang kombensiyon, ang programa ay isasahimpapawid sa palibot ng awditoryum sa isang FM radio frequency. Para marinig ito, kailangang magdala ng maliit at de-batiryang radyong FM na may earphone.

  • Please Follow Up (S-43) Form: Dapat isulat sa Please Follow Up form ang impormasyon tungkol sa sinumang nagpakita ng interes sa ating di-pormal na pagpapatotoo sa panahon ng kombensiyon. Ang mga form na napunan ay maaaring ibigay sa Book Room o sa inyong kalihim pagbalik sa kongregasyon.

  • Restawran: Parangalan ang pangalan ni Jehova sa pamamagitan ng iyong mainam na paggawi kapag nasa mga restawran. Manamit nang angkop sa isang Kristiyanong ministro. Magbigay ng tip kung ito ang kaugalian.

  • Pagboboluntaryo: Sinumang nagnanais na magboluntaryo ay dapat magpunta sa Volunteer Service Department sa kombensiyon. Ang mga batang wala pang 16 anyos ay maaari ding magboluntaryo kung kasama ang magulang, guardian, o iba pang adultong pinahintulutang magbantay sa kanila.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share