Sampol na Presentasyon
Para makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang Sabado ng Setyembre
“Dumadalaw kami sa inyo para tulungan ang mga mag-asawa na malaman kung saan sila makakakuha ng pantulong para maging matagumpay ang pagsasama nila. Sa tingin mo, bakit kaya maraming mag-asawa ang hindi maligaya?” [Hayaang sumagot.] Ipakita ang huling pahina ng Setyembre 1 ng Bantayan, at talakayin ang unang tanong at kahit isa sa mga binanggit na teksto. Ialok ang mga magasin, at sabihing babalik ka para talakayin ang susunod na tanong.
Ang Bantayan Setyembre 1
“Dumadalaw kami kasi marami ang nagtatanong kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang labis na pagdurusa. Naitanong mo na rin ba iyan? [Hayaang sumagot.] Ipinapangako ng Bibliya na darating ang panahon na wala nang dalamhati at kirot. [Basahin ang Apocalipsis 21:4.] Tinatalakay sa magasing ito ang limang dahilan kung bakit napakaraming pagdurusa. Ipinapakita rin dito kung paano wawakasan ng Diyos ang pagdurusa ayon sa Bibliya.”
Gumising! Setyembre
“Narito kami ngayon para ipakipag-usap ang tungkol sa isang nalalapit na okasyon—ang Halloween. Ang ilan ay hindi nagdiriwang ng Halloween dahil sa mga babalang binabanggit sa Bibliya gaya nito. [Basahin ang Levitico 19:31.] Ang iba naman ay hindi naniniwala sa makapangyarihang mga espiritu at para sa kanila, katuwaan lang ang Halloween. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay sa magasing ito kung saan nagmula ang Halloween.”