Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/15 p. 2
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Paggamit ng Internet—Maging Alisto sa mga Panganib Nito!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Ang Internet—Bakit Dapat Mag-ingat?
    Gumising!—1997
  • Mga Serbisyo at Pinagkukunan ng Impormasyon ng Internet
    Gumising!—1997
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
km 7/15 p. 2

Tanong

◼ Dapat bang gamitin ng mga mamamahayag ang Internet sa pagpapatotoo o pagdaraos ng Bible study sa mga estrangherong naninirahan sa ibang bansa?

May mga mamamahayag na gumagamit ng Internet para magkaroon ng mga Bible study sa mga lupaing ipinagbabawal ang ating gawain o iilan lang ang mamamahayag. Sa ilang kaso, maganda naman ang naging resulta. Pero mapanganib kung ang mga mamamahayag ay makikipag-e-mail o makikipag-usap sa mga estranghero sa chat room. (Tingnan ang Hulyo 2007 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, p. 3.) Bagaman ang layunin ay para mapaabutan ng mensahe ng Kaharian ang mga tapat-puso, ang gayong pakikipag-usap ng mga kapatid ay posibleng humantong sa pakikipag-ugnayan sa masasamang kasama, pati na sa mga apostata. (1 Cor. 1:19-25; Col. 2:8) Bukod diyan, sa mga lupaing may paghihigpit o pagbabawal sa ating gawain, baka subaybayan ng mga awtoridad ang pag-uusap sa Internet. Ang gayong komunikasyon ay maaaring magsapanganib sa mga kapatid doon. Kung gayon, ang mga mamamahayag ay hindi dapat gumamit ng Internet para maghanap ng mga tao mula sa ibang bansa at ibahagi sa kanila ang mabuting balita.

Kapag nagpapatotoo tayo nang di-pormal sa isang estrangherong bumibisita sa ating bansa, hindi na natin kailangang linangin ang kaniyang interes pagkauwi niya, malibang may ibang tagubilin ang lokal na tanggapang pansangay. Sa halip, maaari nating ipakita kung paano niya magagamit ang jw.org para makakuha ng higit pang impormasyon o makakontak sa tanggapang pansangay sa kanilang lugar. Puwede rin natin siyang himuking pumunta sa Kingdom Hall na malapit sa kaniyang bahay. Siyempre pa, may mga bansang walang Kingdom Hall. Kung gusto niyang dalawin siya ng mga Saksi sa kanilang lugar, dapat nating punan ang Please Follow Up (S-43) form at ibigay iyon sa kalihim, na magpapadala nito gamit ang jw.org. Ang tanggapang pansangay na nangangasiwa sa gawain sa bansang pinanggalingan ng interesado ay pamilyar sa sitwasyon doon, kaya sila ang mas nasa kalagayang magbigay ng espirituwal na tulong.—Tingnan ang Hunyo 2014 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, p. 7, at ang Nobyembre 2011 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, p. 2.

Kapag ang taong dinadalaw natin ay lumipat sa ibang bansa o kapag nagdaraos tayo ng pag-aaral sa Bibliya sa isang tagaibang lupain na nakilala lang natin sa Internet, dapat nating sundin ang tagubilin sa itaas. Pero puwede pa rin nating linangin ang interes ng taong iyon hangga’t hindi pa siya nakokontak ng mga mamamahayag na tagaroon. Gayunman, kung nakatira siya sa lupaing may paghihigpit o pagbabawal sa ating gawain, dapat na mag-ingat nang husto kapag ipinakikipag-usap ang mga paksa sa Bibliya gamit ang liham, telepono, o Internet.—Mat. 10:16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share