Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 10/1 p. 30-31
  • Mga Saksi ni Jehova—Ang Organisasyon sa Likod ng Pangalan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Saksi ni Jehova—Ang Organisasyon sa Likod ng Pangalan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Naging Tugon?
  • Jehovah’s Witnesses—Organized to Share the Good News
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Epekto ng mga Video na Nagbibigay ng Patotoo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Mga Kasangkapang Nagtuturo, Gumaganyak, at Nagpapalakas
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Ginantimpalaan ang Kaniyang Pagkukusa
    Gumising!—2002
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 10/1 p. 30-31

Mga Saksi ni Jehova​—Ang Organisasyon sa Likod ng Pangalan

NOONG Oktubre 6, 1990, ang halos 5,000 nagkatipon sa Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses sa Jersey City, New Jersey, E.U.A., para sa taunang pulong ng Watch Tower Bible and Tract Society ay tatanggap na ng isang sorpresa. Ang chairman, si John E. Barr, ay nagpatalastas sa mga naroroon ng paglalabas ng isang 55-minutong video na pinamagatang Jehovah’s Witnesses​—The Organization Behind the Name (Mga Saksi ni Jehova​—Ang Organisasyon sa Likod ng Pangalan). Ito ang unang video na nayari ng Society, ngunit tiyak na hindi ang huli.

Mapapanood sa video kung papaano organisado ang bayan ni Jehova upang magpatotoo tungkol sa banal na pangalan at maglathala ng “mabuting balita ng kaharian.” (Mateo 24:14) Ang punong-tanggapan sa Brooklyn, New York, at ang mga pasilidad sa Watchtower Farms ay itinampok. Mahigit na 500,000 kopya sa Ingles ang nayari, at ito ngayon ay (o malapit nang) makuha sa 26 na iba pang mga wika.a

Ano ang Naging Tugon?

Papaano tumugon sa video ang mga taong hindi naman mga Saksi ni Jehova? Isang mangangalakal ang sumulat:

“Napatunayan kong ang tape ay ekselente. Ako’y partikular na humanga sa katalinuhan at propesyonal na kahusayan ng mga editor ng video. Mayroon akong tendensiya na malimutan na iyon ay isang tape at naisip ko na iyon ay mas mukhang isang pelikula. Ang tape na ito ay dapat makatulong sa pagpapaliwanag ng layunin ng inyong punong-tanggapan sa New York. Maligayang bati dahil sa namumukod-tanging piyesang ito.”​—J. J.

Yaong mga nakikipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova ay nakinabang sa panonood ng video. Ang sumusunod ang nagpapaliwanag kung bakit:

“Ako’y nakikipag-aral ng Bibliya sa isang binata na 20 taóng gulang at nag-aaral sa lokal na pamantasan. Siya’y may pagkabahala tungkol sa lumalalang kalagayan ng daigdig. Subalit pagkatapos na panoorin ang tape at makita ang lahat ng maiinam na kabataang lalaki sa Bethel na may tunay na layunin sa buhay, nagbago ang kaniyang buong saloobin. Siya’y dumalo sa aming Special Assembly Day at humiling na aralan ng Bibliya makalawa sa isang linggo. Isa pang estudyante ng Bibliya, isang guro sa high school, ang humiram ng video upang mapanood ng kaniyang mga kamag-anak. Ang akala nila ay kung ano lamang mahina, di-popular, maliit na organisasyon ang mga Saksi ni Jehova. Sila’y nagitla sa pandaigdig na laki ng ating gawain at sa tagumpay natin, salamat kay Jehova.”​—J. B.

“Hindi maihayag ng mga salita ang kagalakang nadama ko nang isang babae na aking inaaralan ng Bibliya ay mapaluha sa kagalakan at pagpapasalamat pagkatapos na mapanood ang videong ito. Sinabi niya habang lumuluha: ‘Papaanong hindi makikita ng sinuman na ito ay siyang organisasyon ng tunay na Diyos, si Jehova? Ngayon ko lamang napag-alaman na may ganiyang mga tao.’ At pagkatapos ay sinabi niya: ‘Ibig kong pabautismo.’ ”​—C. D.

“Marami kaming tagumpay sa paggamit ng video sa mga estudyante ng Bibliya. Kagabi ang asawa ng isa sa mga inaaralan ng Bibliya ng aking maybahay ay naparito. Siya’y isang mahigpit na mananalansang. Kaniyang pinanood ang video. Pagkatapos siya ay may mga tanong at saka umalis dito na taglay ang isang Bibliya at ang aklat-aralan sa Bibliya na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Noong nakaraan ay kaniyang sinunog ang lahat ng literatura sa Bibliya ng kaniyang maybahay!”​—D. H.

Ang mga kabataan ay wiling-wili rin sa panonood ng video, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na mga komento:

“Ako po ay anim at kalahating taóng gulang. Nagustuhan ko ang tungkol sa mga Bibliya at mabilis na galaw ng mga kahon.”​—K. W.

“Sinabi ng aming maliliit na anak na mas magaling ito kaysa anumang palabas na kanilang napanood sa T.V.”​—R. C.

“Pagkatapos mapanood ang video ng ikalawang beses, ang aming limang-taóng-gulang na anak na lalaki, na wiling-wili sa panonood hanggang katapusan, ay nagtanong, ‘Maaari bang mapanood natin ito araw-araw?’ Ang aking tatlong-taóng-gulang na anak na babae ay pakantang bumulalas ng, ‘Ibig kong pumunta sa Bethel at gumawa ng mga aklat!’ ”​—M. E.

“Ang aking mga anak, si Robin at si Shannan, 12 at 9 na taóng gulang, ay laging pinanonood ang tape na ito nang paulit-ulit. Ang aking pinakabunsong babae pagkatapos mapanood ang tape ay bumulalas, ‘Gusto kong lumabas sa paglilingkod sa larangan. Masaya.’ Inaakala namin na ang videong ito ay may tuwirang epekto sa aming buhay bilang isang pamilya. Anong nakagiginhawa na magbukas ng telebisyon sa isang programa na inaakala mong ligtas na panoorin!”​—N. B.

“Ako po’y 131/2 taóng gulang. Sa panonood ng bagong video ay aking natalos kung papaano ko ipinagwawalang-bahala ang kahanga-hangang mga paglalaan mula kay Jehova. Isang pribilehiyo ang maging isa sa mga lingkod ng Diyos.”​—K. W.

“Ako po’y 16 na taóng gulang, at ang video na ito ay tumulong sa akin upang pagtibayin sa aking isip na ito ay isang pandaigdig na gawain.”​—A. M.

“Sinabi ng aming mga anak na ang regular na mga programa sa TV ay hindi na gaanong kaakit-akit sa kanila dahilan sa pagkakita nila kung ano ang tunay na teokratikong libangan. Pinatibay rin ang kanilang hangarin na pumasok sa buong-panahong paglilingkuran.”​—L. M.

Maging iyon mang mga Saksi na ni Jehova nang maraming taon ay nabagbag ang damdamin sa kanilang nakita.

“Kung ang video ay may malaking epekto sa atin bilang mga lingkod ni Jehova, gaano pa nga maaapektuhan nito ang iba? Pagka ang sistemang ito ay naging napakahirap pakitunguhan, naglalaan ako ng isang oras ng panahon ko at dumadalaw sa Bethel sa aking maginhawang salas!”​—K. B.

“Pagkatapos na makita ko ang ingat at pag-aasikaso sa bawat piraso ng nayayaring trabaho, gusto kong pumunta sa aking kuwarto at yakapin ang aking literatura sa Bibliya.”​—L. P.

Ikaw man ay hinihimok namin na maglaan ng panahon upang mapanood ang video na Mga Saksi ni Jehova​—Ang Organisasyon sa Likod ng Pangalan. Bibigyan ka nito ng isang naiibang pananaw sa buhay at tutulungan ka na magkaroon ng pagtitiwala sa isang matatag na kinabukasan.

[Talababa]

a Pasenyas na wikang Amerikano, Arabiko, Basque, Cantonese, Catalan, Croatiano, Czech (Bohemiano), Danes, Olandes, Pinlandes, Pranses, Aleman, Griego, Hungaryo, Italiano, Hapones, Koreano, Mandarin, Norwego, Polako, Portuges (Brazil), Portuges (Europa), Romaniano, Slovako, Kastila, Sweko.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share