Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 8/22 p. 24-25
  • Determinado Silang Hindi Susuko

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Determinado Silang Hindi Susuko
  • Gumising!—1999
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pinalakas ng Pag-asa sa Pagkabuhay-Muli
  • Hindi Siya Sumuko
    Gumising!—1998
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1999
  • Naimpluwensiyahan Niya ang Buhay ng Marami
    Gumising!—1995
  • Tiyak ang Pag-asa sa Pagkabuhay-Muli!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 8/22 p. 24-25

Determinado Silang Hindi Susuko

ANG Oktubre 22, 1998 na labas ng Gumising! ay may maikling artikulo tungkol sa matagal na pakikibaka sa kanser ng 17-anyos na si Matt Tapio. Ito ay pinamagatang “Hindi Siya Sumuko.” Namatay si Matt nang dakong huli noong Abril 19, 1998, samantalang inihahanda ang artikulo.

Sinipi ng artikulo ang sinabi ni Matt sa isang inirekord na panayam na ipinarinig sa isang pulong ng mga Saksi ni Jehova, at tunay na nakaantig ito lalo na sa mga kabataang mambabasa. Narito ang ilan sa kanilang nadama.

Si Deseree, isang 20-taóng-gulang mula sa Canada, ay sumulat hinggil sa naging epekto nito nang mabasa niya at ng kaniyang kapareha sa buong-panahong ministeryo kung gaano kamahal ni Matt si Jehova: “Napaluha kami. Matagal-tagal din kaming umiyak. . . . Tunay na tayong lahat, lalo na ang mga kabataan, ay matututo mula kay Matt upang ‘gawin ang iyong magagawa ngayon! . . . Anuman ang mangyari, huwag kailanman hihinto sa pagpapatotoo tungkol kay Jehova’!”

Si Erin, mula sa Kentucky, E.U.A., ay sumulat: “Hindi ko mapigil ang pag-iyak habang binabasa ko ang kaniyang karanasan. Bilang isang malusog na 16-anyos na batang babae, ibig kong gawin ang pinakamarami hangga’t maaari para kay Jehova habang kaya ko pa, para balang araw, kapag siya’y binuhay-muli, masasabi ko mismo kay Matt kung gaano ako napatibay ng kaniyang karanasan.” Gayundin naman, si Maria, isang 15-taóng-gulang mula sa Texas, E.U.A., ay nagpaliwanag: “Determinado po ako na gawin ang lahat ng magagawa ko para kay Jehova samantalang ako’y malusog pa. Talaga pong napakalaki ng naitulong ng payo ni Matt.”

Si Jessica, isang kabataan mula sa South Carolina, E.U.A., ay sumulat: “Ako po’y 13 taong gulang, at ako mismo’y napasigla nang husto nang makitang may isang kabataan na puspos ng sigasig at pag-ibig kay Jehova. Ang pagbabasa lamang sa naging kalagayan ni Matt Tapio ay nagpangyari na matanto ko kung gaano ako kapalad na maging malusog. Idinagdag ko ang pangalan ni Matt sa talaan ng mga kapatid na ibig kong batiin sa bagong sistema!”

Si Sara, mula sa San Severino, Marche, Italya, ay sumulat: “Napaiyak po ako sa artikulo. Ako ay 17, kasing-edad ni Matt. Yamang ako ay may mabuting kalusugan, nais ko na huwag huminto kailanman sa pagsasalita tungkol kay Jehova, gaya ni Matt na hindi kailanman huminto, maging sa pinakamahirap na yugto ng kaniyang buhay. Salamat po sa paglalathala ninyo ng mga karanasang gaya nito, na nag-uudyok sa amin na ibigay kay Jehova ang pinakamainam sa aming buhay, sa aming panahon, at sa aming lakas.​—Eclesiastes 12:1.”

Pinalakas ng Pag-asa sa Pagkabuhay-Muli

Bata man o matanda, karaniwan na ngayon na mapaharap sa katotohanan ng kamatayan. Ganito ang sinabi ng isang 19-anyos na nagngangalang Heidi: “Nitong huling dalawang linggo, namatay ang dalawang tao na minamahal ko, at ang tanging bagay na nagpapalakas sa akin ay ang pag-asa na makita sila sa pagkabuhay-muli.

“Ipinagmamalaki ko si Matt at ang kaniyang matatag na kapasiyahang manatiling nagpapatotoo sa iba sa kabila ng kaniyang karamdaman. Siya ay isang tunay na halimbawa para sa lahat, at inaasam ko na mayakap siya sa pagkabuhay-muli.”

Isang ina na nagngangalang Nancy ang lumiham: “Binasa ko ang artikulo habang ako’y lumuluha. Ang aming anak na si Rachelle ay namatay dahil sa tumor sa brain stem noong Enero 11, 1996, dalawang araw lamang bago naisakatuparan ni Matt ang kaniyang tunguhing magpabautismo. Anim na taon pa lamang si Rachelle nang mamatay siya dahil sa tumor, subalit gaya ni Matt, hindi siya sumuko, at lagi niyang sinisikap na gawin ang pinakamainam upang mapalugdan si Jehova.

“Magiging isang napakasayang araw kapag pinagpala kami ni Jehova na makitang malusog ang aming anak at maaari nang masiyahan nang lubusan sa kaniyang pagkabata. Gaya ni Jairo at ng kaniyang asawa, kami ay lubos na matutuwa ‘taglay ang napakasidhing kagalakan.’”​—Marcos 5:42.

Si Shannon, na taga-Georgia, E.U.A., ay sumulat: “Ipinakita sa akin ng salaysay na ito na maaari kang maging matatag sa panig ni Jehova kahit na ikaw ay may sakit. Bagaman wala akong malubhang karamdaman ngayon at laging may mabuting kalusugan, itatabi ko ito para mabasa sa ibang pagkakataon.

“Umaasa ako na ang mga magulang ni Matt ay makasusumpong ng kaaliwan sa pag-asa sa pagkabuhay-muli. Ako man ay namatayan ng isang napakalapit sa akin​—ang aking lola, noong 1995. Nagpapasalamat ako na nakilala ko si Jehova at taglay ko ang pag-asa na makitang muli ang aking mga minamahal.”

Isang tin-edyer na Kastila ang sumulat: “Ikinintal ng aking mga magulang sa aking apat na kapatid na babae at sa akin ang kahalagahan ng pagdalo sa mga pulong Kristiyano. Subalit pagkatapos na mabasa ang karanasang ito, natanto ko na maaaring mangyari na malasin namin ang mga ito bilang rutin. Gusto ko pong batiin ang mga magulang ni Matt sa pagbibigay sa kaniya ng gayong kahusay na espirituwal na edukasyon. Sila ay isang halimbawa sa aming lahat. Gusto ko pong ipaalam sa kanila na bagaman mahirap makayanan ang ganitong uri ng pangungulila, si Jehova ay laging nasa ating tabi.

“Umaasa ako na makita si Matt sa bagong sanlibutan. Gusto kong sabihin sa kaniya na siya ay isang dakilang halimbawa at na kaming lahat ay taos-pusong umaalaala sa kaniya. Si Jehova ay Diyos ng mga buháy, at si Matt ngayon ay naroon din sa dakong kinaroroonan ng aking kapatid na babae na namatay apat na taon na ang nakararaan​—sa alaala ni Jehova. (Lucas 20:38) Si Matt, ang aking kapatid na si Eva, at ang marami pang ibang tapat na lingkod ng Diyos ay naroroon. Si Jehova ay napakabuti, at hindi niya tayo pababayaan.”

Totoong-totoo, ang pag-asa ng pagkabuhay-muli ay kamangha-mangha. Nawa’y pakamahalin natin ito, at ipakita nawa natin ang ating pagpapahalaga sa dakilang pangakong ito sa pamamagitan ng araw-araw na pag-aalaala sa ating Maylalang, gaya ng ginawa ng kaniyang minamahal na Anak, si Jesu-Kristo.

[Larawan sa pahina 24]

Deseree

[Larawan sa pahina 24]

Erin

[Larawan sa pahina 24]

Maria

[Larawan sa pahina 24]

Jessica

[Larawan sa pahina 25]

Sara

[Larawan sa pahina 25]

Heidi

[Larawan sa pahina 25]

Si Nancy, kasama ang kaniyang asawa at anak na si Rachelle

[Larawan sa pahina 25]

Shannon

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share