Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 5/15 p. 27
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Komikero Para kay Kristo?
  • “Pasanin ng Budhi”
  • Selyo na “Nakasasakit ng Damdamin”
  • Sino ang Kukumberti sa Britaniya?
    Gumising!—1995
  • Pangongolekta ng Selyo—Kawili-wiling Libangan at Malaking Negosyo
    Gumising!—1995
  • Ang Kinabukasan ng Protestantismo—At ang sa Iyo!
    Gumising!—1987
  • May Espirituwal na Taggutom Ba sa Nigeria?
    Gumising!—1985
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 5/15 p. 27

Ang Kahulugan ng mga Balita

Mga Komikero Para kay Kristo?

“Mga Komikero ng Ebanghelyo na Nasa Lansangan” ang paulo na nasa Church Times, isang pahayagan ng Simbahan ng Inglatera. Ibinabalita niyaon ang taunang pagdalaw ng Church Army Roadshow upang pumili ng mga bakasyunan sa tabing-dagat sa Inglatera at Wales. Mahigit lamang na isang daang taon ngayon ang nakalipas bilang isang sangay ng Simbahan ng Inglatera, ang Church Army ay itinakdang mangaral ng ebanghelyo “sa gitna ng mga sukal ng lipunan at mga kriminal sa mga barungbarong ng Westminster.”

Sa ngayon, ang mga lider ng Church Army ay nababahala pa rin sa bagay na ang “ebanghelismo ay dapat bigyan ng kaniyang nararapat na dako.” Ang layunin ng kanilang Roadshow ay upang itanghal ang ebanghelyo sa isang “katawa-tawang paraan sa mga tao na bahagya lamang ang mga dating karanasan tungkol sa Diyos, at hindi mangangarap man lamang na dumalo sa isang pagtatanghal sa isang simbahan o bulwagan ng isang simbahan.” Ang nakagayak pang mga “Komikero ng Ebanghelyo” na kasali sa pagtatanghal ay umaasang “ang kanilang pagtatanghal ay magpapahinto man lamang sa mga dumaraan at makikinig sandali,” ang banggit ng Church Times.

Gayunman, samantalang ang kanilang mga kasuotang komiko, pagkokomika, at libreng pamimigay ng mga lobo ay umakit ng maraming mga bata, ang mga adulto naman ay nagtataka at nag-iisip kung ang ganitong pamamaraan ay may kinalaman sa ebanghelismo na pinasimulan ni Jesu-Kristo.

Totoo, si apostol Pablo ay sumulat: “Kami’y naging isang panoorin sa dulaan ng sanlibutan . . . Kami’y mga mangmang dahil kay Kristo.” (1 Corinto 4:9, 10) Subalit ano ba ang nasa isip niya? Ang paglalabas ba ng kanilang kalokohan o “pagkokomika” upang makaakit ng mga dumaraan? Hindi. Ipinaghahalimbawa ni Pablo kung papaano itinuturing ng sanlibutan na ang mga Kristiyano ay mga mangmang, “nakahantad sa pangmadlang paglibak at sa kahihiyan,” gaya ng pagkasabi ng The New International Dictionary of New Testament Theology, nang dahil sa kanilang pananampalataya at mga turo.

Kabaligtaran ng mga “Komikero ng Ebanghelyo” ng Church Army, si Jesus ay nagturo sa lubhang karamihan “na gaya ng isang taong may awtoridad.” Ang kaniyang ministeryo ay prangka at walang daya. Gaya ng kaniyang ipinaliwanag, “Gaya ng pagkaturo sa akin ng aking Ama ganoon ko sinasalita ang mga bagay na ito.” Ano ba ang ibinunga? “Marami ang sumampalataya sa kaniya.”​—Mateo 7:29; Juan 8:28, 30.

“Pasanin ng Budhi”

Kamakailan ay inamin ni Eugene Stockwell, direktor ng Commission on World Mission and Evangelism of the World Council of Churches, ang paimbabaw na bahaging ginagampanan ng klero at ng mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan kapuwa noong dalawang nakalipas na digmaang pandaigdig. “Ito’y isang mabigat na pasanin ng budhi para sa Kristiyano na isipin ang dalawang malalaking digmaang pandaigdig sa loob ng siglong ito ay naganap sa gitna ng mga bansa na malaon nang may mga tradisyon ng Kristiyanismo sa gitna nila at ang mga paglusob militar ay kadalasan binabasbasan ng mga lider ng mga relihiyong Kristiyano,” ang pahayag niya sa isang ekumenikal na pagtitipon sa Warsaw, Poland.

Isinusog ni Stockwell: “Ang Diyos ay may silakbo ng damdaming ipinahayag na tumatangkilik sa isang panig ng digmaan o dili kaya’y sa iba. . . . Kay dali-dali na tayong mga Kristiyano ay naglalagak ng ating pananampalataya sa pagpapairal ng ating karahasan.” Sinabi niyang ang Digmaang Pandaigdig II ay “isang pagkalaki-laking katibayan ng ating pagkabigo bilang ‘mga bansang Kristiyano’ na patunayan ang ating pananampalataya, isang pananampalataya na lubhang madalas nating ipahayag sa mga salita at maliwanag naman na itinatatuwa sa gawa.”

Subalit ang ganito bang “mabigat na pasanin ng budhi” ay tumulong sa umano’y mga Kristiyano at sa kanilang klero na matuto ng isang aral? Sang-ayon sa Ecumenical Press Service, inamin ni Director Stockwell: “Ating sinasambit-sambit ang pag-ibig sa ating mga kaaway, at ating pinapatay sila. Ating sinasambit-sambit na ibigay pa ang kabilang pisngi, at tayo’y lubusang nagsasakbat ng sandata. Ating sinasambit-sambit ang kapayapaan na nakahihigit sa anumang unawa, at tayo’y lumalahok sa digmaan na nakahihigit sa anumang unawa. Ating sinasambit-sambit ang pananampalataya sa Diyos at ang ating tunay na pananampalataya ay inilalagak namin sa mga armas na pamuksa.”

Ang klero ng sumusuporta-sa-digmaang Sangkakristiyanuhan at ang kanilang mga tagasunod ay maliwanag na mistulang “walang kabuluhang madadaldal” noong mga kaarawan ni apostol Pablo. Tungkol sa kanila, kaniyang sinabi: “Kanilang ipinamamalita na kilala nila ang Diyos, ngunit ikinakaila naman siya sa pamamagitan ng kanilang mga gawa.”​—Tito 1:10, 16.

Selyo na “Nakasasakit ng Damdamin”

Noong Nobyembre 19, 1987, ang South African Postal Administration ay nagplano na maglalabas ng apat na pinaka-alaalang selyo tungkol sa Bibliya. Isa sa mga selyo ay mayroong pananalitang “Ang Salita ng Diyos” sa Griego at “Ang Salita ni Jehova” sa Hebreo. Nag-imprenta ng sa lahat-lahat ay 1,750,000 kopya ng selyong ito.

Subalit, nang mismong petsa na ilalabas ito, ang mga post office ay tumanggap ng telegrama na nagsasabing isauli nila ang ipinadala sa kanilang mga selyong ito. Ang dahilan? “Sapagkat natuklasan ng ortodoksong pamayanang Judio na ito’y nakasasakit ng damdamin” ayon sa pag-uulat ng The Star, isang pahayagan sa Johannesburg. Isinusog pa nito: “Si Rabbi David Hazdan ng Johannesburg ay nagsabi na ang pangalan ng Diyos na nakalimbag nang buo ayon sa pagkalimbag nito sa selyo ay karaniwan nang nakareserba para lamang sa natatanging mga okasyong relihiyoso.”

Sa ganiyan ding tradisyong Judio kung kaya maraming modernong mga tagapagsalin ng Bibliya ang umiwas sa paggamit sa pangalang Jehova at kanilang hinalinhan ito ng hamak na mga titulo lamang tulad halimbawa ng “Panginoon” o Diyos.” Hindi kataka-takang sabihin ni Jesus sa mga lider ng relihiyon ng kaniyang kaarawan: “Niwalang kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos dahilan sa inyong tradisyon”!​—Mateo 15:6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share