Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG MARSO 7-13
8 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Paghahanda Para sa Isang Pantanging Okasyon.” Tanong-sagot na pagkubre ng punong tagapangasiwa. Ipatalastas ang oras ng Memoryal at repasuhin ang mga lokal na kaayusan. Banggitin ang bilang ng dumalo nang nakaraang taon at kung sino lalo na ang maaari nating anyayahan sa mga nalalabing araw.
17 min: Pahayag sa “Paano Ka Magkakaroon ng mga Tunay na Kaibigan?” salig sa Bantayan ng Setyembre 15, 1987, pahina 5-7.
Awit 115 at panalangin.
LINGGO NG MARSO 14-20
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Ulat ng kuwenta, lakip na ang sagot ng Samahan para sa mga abuloy. Magpasigla para sa pagtangkilik sa gawain sa magasin lalo na sa ika-4 na Sabado, Marso 26.
20 min: “Itaguyod ang Pantanging Gawain sa Abril.” Tanong-sagot sa pamamagitan ng tagapangasiwa sa paglilingkod.
15 min: Kapanayamin ng konduktor sa pag-aaral ang mga indibiduwal o ang isang pamilya na nasa kaniyang grupo. Alamin kung gaano na sila katagal sa katotohanan, ano ang nakaakit sa kanila sa katotohanan, anong mga pagsubok ang kanilang napagtagumpayan upang sumapit sa katotohanan, atb.
Awit 10 at panalangin.
LINGGO NG MARSO 21-27
12 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat ang pagbasa ng Bibliya sa Memoryal na magpapasimula sa Marso 27. Pasiglahin din ang lahat na makibahagi sa paglilingkod sa araw ng Memoryal yamang ito ay araw ng pangilin, at magpapatuloy hanggang sa Linggo, Abril 3. Hindi pa huli upang magpatala bilang auxiliary payunir para sa Abril. Sabihin kung ilan na ang nagpatala.
18 min: “Pagtulong sa mga Bagong Mamamahayag.” Tanong-sagot. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 4, ilakip ang isang maikling pagtatanghal ng sesyon sa pagsasanay sa pagitan ng payunir at estudiyante sa Bibliya na ngayo’y kuwalipikado na para sa paglilingkod sa larangan.
15 min: Anyayahan ang mga Tao sa Pagdiriwang ng Memoryal. Isaayos ang mga pagtatanghal kung papaano aanyayahan ang mga kamag-anak at mga interesado sa Memoryal. Maaaring gamitin ang materyal sa ilalim ng “Memoryal” sa mga pahina 239-43 ng aklat na Nangangatuwiran (p. 266-9 sa Ingles). Pasiglahin ang mga mamamahayag na gumawa ng listahan ng mga kamag-anak at mga interesado na kanilang aanyayahan sa Memoryal.
Awit 115 at panalangin.
LINGGO NG MAR. 28–ABR. 3
10 min: Lokal na mga patalastas. Yaong mga hindi nakabahagi sa Abril 3 ay dapat na anyayahang makibahagi sa Abril 10. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa ika-2 Sabado ng Abril, Abril 9. Anyayahan ang mga interesado sa pantanging pahayag pangmadla sa Abril 10.
17 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Suskripsiyon.” Tanong-sagot na may maikling pagtatanghal kung papaano iaalok ang suskripsiyon sa pamamagitan ng paggamit sa Abril 1 ng Bantayan o Abril 8 ng Gumising!
18 min: “Mga Suskripsiyon—‘Ang Karunungan ay Nananawagan’!” Pahayag salig sa Abril, 1983 insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian, parapo 6-22.
Awit 209 at panalangin.
LINGGO NG ABRIL 4-10
10 min: Lokal na mga patalastas. Himukin ang mga payunir at maygulang na mga mamamahayag na mag-alok ng tulong sa mga hindi pa nakakabahagi sa paglilingkod sa buwang ito.
15 min: “May Pagkakaisang Sumasamba kay Jehova.” Tanong-sagot.
20 min: Pahayag sa “Ano ba ang Kahulugan ng Pagiging Matapat?” salig sa Bantayan ng Pebrero 15, 1988, pahina 4-7. Ikapit sa lokal na paraan.
Awit 78 at panalangin.