Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG ABRIL 10-16
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang mga may karanasang mamamahayag at payunir na tumulong sa hindi pa nakakabahagi sa paglilingkod sa buwang ito.
15 min: “Pagpapamalas ng Pag-ibig sa Diyos at sa Kapuwa.” Tanong-sagot na pagsasaalang-alang sa artikulo.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Itinatampok Ang Bantayan.” Pahayag na may pakikibahagi ang mga tagapakinig. May kaugnayan sa parapo 3, itatanghal ng isang mamamahayag ang 30–hanggang 60–segundong presentasyon ng magasin. Idiin na mga magasin lamang ang dapat na iharap. Sa parapo 4, itatanghal ng isang mamamahayag ang paggamit ng Abril 15 ng Bantayan sa gawain sa lansangan. Sa pagtalakay sa mga parapo 5 at 6, idiin na ang paghaharap ng magasin ay hindi kailangang lumampas pa sa 60 segundo; kapag naghaharap ng suskripsiyon, ang Paksang Mapag-uusapan ay dapat gamitin.
Awit 3 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ABRIL 17-23
10 min: Lokal na mga patalastas. Ilakip ang ulat ng kuwenta, masiglang ipahayag ang pagpapahalaga ng Samahan sa tinanggap na mga abuloy. Itawag-pansin ang artikulong, “Ang Pagkakakilanlan Natin Bilang mga Saksi ni Jehova.” Magbigay ng pangwakas na paalaala sa mga hindi pa nakakabahagi sa paglilingkod sa buwang ito.
15 min: “Pagtatakda ng Panahon para sa mga Teokratikong Paglalaan.” Pahayag na may pakikibahagi ang tagapakinig. Kumuha ng mga komento mula sa tagapakinig kung papaano mapasisigla ang mga baguhang interesado na maghanda nang lubusan para sa kanilang lingguhang pag-aaral ng Bibliya. Ilakip sa mga komento ang tungkol sa mga binabanggit na kasulatan.
20 min: “Magbigay Nang Maingat na Pansin sa Personal na Organisasyon.” Tanong-sagot na pagtalakay sa mga parapo 1-9 ng insert. Ikapit sa lokal, marahil ay makipanayam sa mga mamamahayag o mga payunir na ginawang simple ang kanilang pamumuhay upang unahin ang Kaharian sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting personal na organisasyon.
Awit 214 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ABRIL 24-30
8 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla para sa patuloy na pagdalaw sa mga dumalo sa Memoryal nang nakaraang buwan, maging yao’y mga baguhan o mga bihirang dumalo sa mga pulong. Himukin ang lahat na mag-ulat kaagad ng kanilang gawain sa Abril sa katapusan ng buwan, at magbigay din ng pampatibay-loob sa mga nag-auxiliary payunir na isiping maipagpatuloy iyon sa buwan ng Mayo. Ipaalaala sa lahat ang pagpapatotoo sa araw ng Linggo ng Mayo 7.
17 min: “Hinahanap ba Ninyo ang Maka-Diyos na Karunungan?” Nirepaso sa maikli ng matanda ang artikulo at pagkatapos ay inanyayahan ang isang grupo ng mga mamamahayag na sumama sa kaniya sa pagtalakay kung papaanong ang personal na pagbabasa ng aklat na Apocalipsis ay nagpatibay sa kanilang pananampalataya. Itampok ang bagong kaunawaan sa “malaking pulutong” bilang kasama sa sagisag ng ‘makalawang sampung libong tig-sasampung libong mga kabayo’ na inilarawan ng Apocalipsis 9:16-19. Himukin ang lahat na lubusang makinabang mula sa pag-aaral ng aklat na ito sa mga pag-aaral sa aklat ng kongregasyon.
20 min: “Magbigay Nang Maingat na Pansin sa Personal na Organisasyon.” Tanong-sagot na pagsaklaw sa mga parapo 10-16 ng insert. Ipakita na sa pamamagitan ng mabuting organisasyon ay mas malaki ang magagawa at magagamit ang panahon sa mas matalinong paraan. Kapanayamin ang isang matanda na, sa kabila ng maraming pananagutan ay nailalagay nang una ang “higit na mahahalagang mga bagay”.
Awit 174 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MAYO 1-7
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Itanghal ng payunir ang paggamit ng Paksang Mapag-uusapan, na iniuugnay ito sa alok na suskripsiyon. Pasiglahin ang lahat na itaguyod ang gawain sa magasin sa Mayo 14.
20 min: “Isinasagawa ba Ninyo ang Inyong mga Pagdalaw-muli?” Tanong-sagot. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 4, ilakip ang pagtatanghal kung papaano pasisimulan ang isang pag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng aklat na Mabuhay Magpakailanman.
15 min: Pahayag salig sa artikulong, “Ang mga Ito’y Makatutulong sa Iyo na Mangaral” sa Pebrero 15, 1989 ng Bantayan, pahina 22-4.
Awit 63 at pansarang panalangin.