Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/98 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Marso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Marso
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Subtitulo
  • Linggo ng Marso 2-8
  • Linggo ng Marso 9-15
  • Linggo ng Marso 16-22
  • Linggo ng Marso 23-29
  • Linggo ng Mar. 30–Abr. 5
Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
km 3/98 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Marso

Linggo ng Marso 2-8

Awit 3

8 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: “Patuloy Ninyong Gawin Ito Bilang Pag-alaala sa Akin.” Pahayag ng isang matanda. Magbigay ng maikling komento sa aklat na Ating Ministeryo, mga pahina 80-1, na idiniriin ang kahalagahan ng pagdalo sa Memoryal.

22 min: “Ikintal sa Iba ang Pag-asa sa Buhay na Walang Hanggan.” Pagtalakay ng artikulo sa tagapakinig. Ipaliwanag sa maikli kung paano mabisang magagamit ang mga tanong upang maipagpatuloy ang pag-uusap. Magbigay ng ilang halimbawa ng kapuwa umaakay at punto-de-vistang mga tanong na maaaring gamitin sa isang presentasyon. (Tingnan ang Giya sa Paaralan, mga pahina 51-2, mga parapo 10-12.) Ipatanghal sa isang may kakayahang mamamahayag ang isa sa mga iminungkahing presentasyon sa unang pagdalaw pati na sa pagdalaw-muli, na nagpapakitang napasisimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya.

Awit 88 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 9-15

Awit 60

8 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: Makinabang Nang Lubusan Mula sa 1998 Yearbook. Nirerepaso ng ama ang mga pahina 3-6, 31 sa kaniyang pamilya, na itinatampok ang pambuong daigdig na mga teokratikong tagumpay sa nakaraang taon. (Kung wala pang Yearbook, gamitin ang mga numero sa tsart ng Enero 1, 1998 Bantayan.) Isaalang-alang ang mga kapakinabangang tinamasa ng pamilya sa magkakasamang pagbabasa at pagtalakay ng pang-araw-araw na teksto at ng mga bahagi ng Yearbook sa panahon ng pagkain, na determinadong gawin iyon sa buong taon.

22 min: “Magagawa ba Natin Uli Iyon?” (Mga parapo 1-11) Tanong-sagot. Ilahad ang mga tampok na bahagi ng kampanya nang nakaraang taon para makapag-auxiliary pioneer, gaya ng iniulat sa 1998 Yearbook. Banggitin ang bilang ng nag-auxiliary pioneer sa inyo sa panahong iyon. Talakayin ang mga personal na kapakinabangan na kagyat nating natatamo sa pagpapayunir, at ipakita kung paanong ang ekstrang pagsisikap na ito ay nakaaabuloy sa pagsulong ng kongregasyon. Balangkasin ang mga kaayusan sa paglilingkod na isinasaayos para sa Abril at Mayo upang tulungan ang marami pa na makapagpayunir. Maaaring kumuha ng mga aplikasyon ang mga mamamahayag pagkatapos ng pulong.

Awit 195 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 16-22

Awit 43

8 min: Lokal na mga patalastas. Anyayahan ang lahat ng interesado na dumalo sa pantanging pahayag pangmadla sa Marso 29. Ang pahayag ay pinamagatang “Kung Bakit Ka Makapagtitiwala sa Bibliya.”

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

22 min: “Magagawa ba Natin Uli Iyon?” (Mga parapo 12-19) Tanong-sagot. Repasuhin ang mga kuwalipikasyong nakabalangkas sa aklat na Ating Ministeryo, mga pahina 113-14. Ipaliwanag kung paanong ang pag-o-auxiliary pioneer ay naghahanda sa isa sa paglilingkod bilang regular pioneer. Anyayahan ang ilang nag-auxiliary pioneer noong nakaraang taon upang sabihin kung paano nila naisaayos ang kanilang iskedyul upang maabot ang kahilingang 60 oras. Alin sa mga halimbawang iskedyul na nasa huling pahina ng insert ang naging pinakamabuti para sa kanila? Habang ipinahihintulot ng panahon, ilahad ang mga karanasan sa 1987 Yearbook, mga pahina 48-9, 245-6. Pasiglahin ang mga mamamahayag na kumuha ng mga aplikasyon pagkatapos ng pulong.

Awit 224 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 23-29

Awit 94

10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na pasimulan na ang pag-anyaya sa mga interesado sa Memoryal, sa Abril 11. Ipakita ang isang kopya ng paanyaya, at himukin ang lahat na kumuha ng suplay at magpasimula nang mamahagi sa linggong ito. Ipatalastas ang mga pangalan ng lahat ng auxiliary pioneer sa Abril. Ipaliwanag na hindi pa naman huli upang isumite ang aplikasyon. Balangkasin ang buong iskedyul ng isinaplanong mga pagtitipon bago maglingkod sa Abril.

20 min: Ihanda ang mga Baguhan sa Paglilingkod sa Larangan. Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Dapat isaalang-alang ng mga nagdaraos ng pag-aaral sa aklat na Kaalaman ang paghahanda sa kanilang estudyante na makibahagi sa paglilingkod sa larangan. Ipakita kung ano ang sinasabi ng aklat na Kaalaman sa mga pahina 105-6, parapo 14, at pahina 179, parapo 20. Repasuhin ang paraan sa Nobyembre 15, 1988, Bantayan, mga pahina 16-17, mga parapo 7-10, para maging mga di-bautisadong mamamahayag ang mga baguhan. Isaalang-alang ang mga mungkahi sa Hunyo 1996 sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian, parapo 19, sa pagtulong sa mga bagong di-bautisadong mamamahayag na makapagsimula sa paglilingkod.

15 min: “Tanong.” Tanong-sagot. Rerepasuhin ng matanda ang materyal sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 131, mga parapo 1 at 2.

Awit 47 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mar. 30–Abr. 5

Awit 29

12 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan sa Marso. Ipakita ang mga kasalukuyang labas ng mga magasin, imungkahi kung anong mga artikulo ang maaari ninyong itampok kapag iniaalok ang mga ito, at banggitin ang ilang espesipikong paksang mapag-uusapan. Repasuhin ang “Mga Paalaala sa Memoryal,” at balangkasin ang lokal na mga kaayusan sa Memoryal. Ang lahat ay dapat na gumawa ng pangwakas na mga plano upang tulungan ang mga estudyante sa Bibliya at iba pang mga interesado na makadalo. Ipagunita sa lahat na tiyaking masubaybayan ang iskedyul ng pagbasa ng Bibliya sa Memoryal para sa Abril 6-11, gaya ng nakabalangkas sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw.

13 min: “Mga Anak​—Kayo ang Aming Kagalakan!” Tanong-sagot. Ilahad ang karanasan sa Agosto 1, 1987, Bantayan, pahina 25.

20 min: Mga Paraan Upang Daigin ang Espirituwal na Pagod. Dalawang matanda ang tatalakay sa kahon ng Enero 15, 1986, Bantayan, pahina 19. Para sa bawat “Sintoma ng Pagkapagod,” ipaliwanag sa maka-Kasulatang paraan kung paano makikinabang ang isa mula sa kaukulang “Mga Tulong Upang Tayo’y Makapagtiis.” Pagkatapos ay kapanayamin ang dalawang mamamahayag na nagkomento kung paanong ang pagkakapit ng gayong mga punto ay nakatulong sa kanila na mapanatili ang kanilang espirituwal na lakas.

Awit 140 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share