Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/01 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Subtitulo
  • Linggo ng Nobyembre 12
  • Linggo ng Nobyembre 19
  • Linggo ng Nobyembre 26
  • Linggo ng Disyembre 3
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 11/01 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

PANSININ: Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay mag-iiskedyul ng isang Pulong sa Paglilingkod para sa bawat linggo ng Nobyembre, Disyembre, at Enero. Ang mga kongregasyon ay maaaring gumawa ng mga pagbabago kung kinakailangan upang makadalo sa “Mga Guro ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon. Gamitin ang 15 minuto ng huling Pulong sa Paglilingkod bago sumapit ang inyong kombensiyon upang ulitin ang mariing payo mula sa insert sa buwang ito na kumakapit sa inyong kalagayan. Sa buwan ng Pebrero, gagamitin ang buong Pulong sa Paglilingkod upang repasuhin ang mga tampok na bahagi ng kombensiyon. Bilang paghahanda para sa talakayang iyon, dapat na kumuha tayong lahat ng makabuluhang mga nota sa kombensiyon, lakip na ang listahan ng mga punto na nanaisin nating ikapit nang personal sa ating sariling buhay at sa ministeryo sa larangan. Sa gayo’y magiging handa tayong magpaliwanag kung paano natin ikinapit ang mga mungkahing ito mula nang tayo’y dumalo sa kombensiyon. Magiging nakapagpapatibay sa lahat na marinig ang pagsasalaysay ng bawat isa kung paano tayo nakinabang mula sa natanggap na mabubuting tagubilin.

Linggo ng Nobyembre 12

Awit 170

12 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ilakip ang pagtatanghal ng dalawang presentasyon, na ginagamit ang kahong “Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin.” Ihaharap ng isang mamamahayag ang Nobyembre 15 ng Bantayan, at ihaharap naman ng isa pa ang Nobyembre 22 ng Gumising!

15 min: “Magtiwala kay Jehova Ukol sa Kalakasan.”a Ilakip ang maiikling komento sa Oktubre 1, 1999, Bantayan, pahina 18-19, parapo 6-8.

18 min: “Mga Kombensiyon​—Panahon Upang Magsaya!” Pahayag ng isang matanda.

Awit 191 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 19

Awit 172

8 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: “Mga Magulang​—Sanayin ang Inyong mga Anak na Mangaral.”b Hilingin sa mga magulang na ilahad kung ano ang kanilang ginawa upang tulungan ang kanilang mga anak na matutong mag-alok ng mga magasin at gumamit ng Bibliya sa bahay-bahay.

22 min: “Makinig at Kumuha ng Higit Pang Turo.” Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig.

Awit 195 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 26

Awit 177

10 min: Lokal na mga patalastas. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga mungkahi sa “Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin,” itanghal ang dalawang presentasyon sa magasin​—ang isa ay ginagamit ang Disyembre 1 ng Bantayan at ang isa naman ay ginagamit ang Disyembre 8 ng Gumising!

15 min: “Saan Ako Makasusumpong ng Panahon?” Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Ilakip ang mga pangunahing punto mula sa Oktubre 1, 2000, Bantayan, pahina 20-1, parapo 9-10, sa ilalim ng subtitulong “Kung Paano Nabibigyang-Daan ng Ilan ang Pag-aaral.” Anyayahan ang tagapakinig na ilahad ang praktikal na mga paraan na nakasumpong sila ng panahon para sa higit na mahahalagang bagay sa pamamagitan ng pag-aalis ng di-kinakailangang mga gawain.

20 min: “Gumawa ng Mabuti at Tumanggap ng Papuri.”c Ipakita ang espesipikong mga bagay na kailangan nating gawin kapag dumadalo upang maipakita na tayo ay nagtataglay ng mga katangiang Kristiyano lakip na ang tunay na pagmamalasakit sa iba.

Awit 198 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 3

Awit 179

8 min: Lokal na mga patalastas.

17 min: Mga tampok na bahagi ng Aklat na Nangangatuwiran. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Isaalang-alang ang sumusunod na halimbawa kung paanong ang iba’t ibang tampok na bahagi ng aklat ay lubhang nakatutulong upang maipaliwanag ang mga turo ng Bibliya: Mga katuturan, gaya niyaong sa “Kaharian” (rs p. 87; p. 225-6 sa Ingles) o “espiritu” (rs p. 158; p. 380 sa Ingles); paghahambing ng iba’t ibang salin, na nagpapakita kung saan at kung paano ginamit sa Bibliya ang pangalan ng Diyos (rs p. 190-2; p. 191-3 sa Ingles) o ang katotohanan hinggil sa impiyerno (rs p. 183-4; p. 169-70 sa Ingles); mga talaan ng detalyadong paniniwala na naghihiwalay sa atin mula sa ibang mga relihiyon (rs p. 377-9; p. 199-201 sa Ingles) o nagpapakita kung paano malalaman ng isang tao kung ano ang tamang relihiyon (rs p. 365-7; p. 328-30 sa Ingles); makasaysayang pinagmulan, na nagsisiwalat sa pinanggalingan ng Pasko (rs p. 111-13; p. 176-8 sa Ingles) o sa pagiging neutral ng sinaunang mga Kristiyano (rs p. 251-3; p. 273-5 sa Ingles); makasiyensiyang patotoo, na umaalalay sa paglalang (rs p. 291-3; p. 85-6 sa Ingles) o nagpapakita ng pinsalang idinudulot ng paggamit ng marijuana at tabako (rs p. 135-8; p. 108-11 sa Ingles). Pasiglahin ang mga mamamahayag na gamitin ang mainam na pantulong na ito sa pagtuturo kapag may bumangong mga pagkakataon sa ministeryo sa larangan.

20 min: “Mga Pagpapala Dahil sa Pagpapakita ng Pagpapahalaga sa Pag-ibig ni Jehova​—Bahagi 1.”d Kapag tinatalakay ang parapo 3-6, anyayahan ang kongregasyon na maglahad ng kanilang nakapagpapatibay na mga karanasan sa pagbabahay-bahay, pagpapatotoo sa lansangan, mga pagdalaw-muli at mga pag-aaral sa Bibliya.

Awit 200 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share