Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 8/8 p. 31
  • “Ang Trahedya ng Patas na Oportunidad”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ang Trahedya ng Patas na Oportunidad”
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Milyun-Milyong Buhay ang Naging Abó
    Gumising!—1995
  • Sigarilyo—Tinatanggihan Mo ba Ito?
    Gumising!—1996
  • Mga Ahente ng Kamatayan—Parokyano Ka Ba?
    Gumising!—1989
  • Ikinakalat Ba Nila ang Kamatayan?
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 8/8 p. 31

“Ang Trahedya ng Patas na Oportunidad”

“HINDI nauunawaan ng mga tin-edyer na babae ang mensahe,” ulat ng The Toronto Star. Anong mensahe? Na ang paninigarilyo ay isang nakamamatay na bisyo. Isinisiwalat ng isang pag-aaral noong 1991 na 25 porsiyento ng mga babaing taga-Canada sa pagitan ng mga edad na 15 at 19 ay mga maninigarilyo, kung ihahambing sa 19 na porsiyento ng mga lalaki sa gayong pangkat din ng edad. Kahit na sa gitna ng mga adulto, nahihigitan ng mga babaing maninigarilyo ang mga lalaking maninigarilyo. “Ang paninigarilyo sa gitna ng kababaihan ay naging isang trahedya ng patas na oportunidad,” sabi ng Physicians for a Smoke-Free Canada.

Bakit nagsisimulang manigarilyo ang mga babaing tin-edyer? Pagkausyoso, panggigipit ng mga kasama, at paghihimagsik ay gumaganap ng bahagi. Gayunman, hindi rin dapat kaligtaan ang industriya ng pag-aanunsiyo, na naglalarawan sa mga babaing maninigarilyo na balingkinitan. Oo, ang marami ay naninigarilyo upang iwasan ang labis na pagkain, at natatakot silang tumaba kung hihinto sila sa paninigarilyo. Kalunus-lunos nga, ang mga babaing ito ay maaaring mas nababahala tungkol sa banta ng pagtaba kaysa banta ng kanser. Si Robert Coambs, isang kasamang propesor sa University of Toronto, ay nagbuod ng kanilang saloobin: “Ang kanser sa bagà ay 20 taon pa ang layo. Ang pagtaba ay madali.”

Pinupuntirya rin ng industriya ng sigarilyo ang mga babae sa pamamagitan ng pag-uugnay ng paninigarilyo sa kalayaan. Gayunman, si Jean Kilbourne, dating tagapayo sa dalawang U.S. surgeon general, ay may katalinuhang nagsabi: “Maituturing lamang ng isa ang paninigarilyo na nakapagpapalaya kung itinuturing ng isa ang kamatayan na sukdulang kalayaan.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share