Mabisang Ginagamit ang mga Brochure sa Agosto
1 Upang mapabilis ang paggawa ng mga alagad, ang organisasyon ay naglaan ng maraming brochure na may iba’t ibang tema, gaya ng layunin ng Diyos para sa lupa, ang Trinidad, pangalan ng Diyos, ang pamamahala ng Kaharian, at ang pagpapahintulot ng Diyos sa kabalakyutan. Papaano natin magagamit na mabisa ang mga brochure?
2 Ang brochure na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? ay nagpapaliwanag na ang isang bagong sanlibutang malaya sa pagdurusa ay malapit na. Papaano natin ihaharap ito? Ang mga mungkahi ay masusumpungan sa aklat na Nangangatuwiran sa ilalim ng “Pagdurusa,” pasimula sa pahina 284 (p. 393 sa Ingles), o marahil ay mas gusto ninyo ang pambungad sa pahina 14 (p. 12 sa Ingles) sa ilalim ng uluhang “Pang-aapi/Pagdurusa.”
3 Maaari ninyong sabihin:
◼ “Naisip na ba ninyo: ‘Talaga bang may pagmamalasakit ang Diyos sa nararanasan ng mga taong pang-aapi at pagdurusa?’” Hayaang sumagot. Basahin ang Awit 72:12-14. Pagkatapos ay bumaling sa pahina 22 ng brochure na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? at talakayin ang uluhan sa bahagi 10, at ang ilustrasyon sa pahina 23. Kung tanggihan ang brochure, ialok ang isang tract, gaya ng Kaaliwan para sa Nanlulumo o Ang Buhay sa Mapayapang Bagong Sanlibutan.
4 May malaking pagkabahala ngayon para sa isang mabuting pamahalaan. Marami ang nag-iisip kung kaya bang pagkaisahin ng pamamahala ng tao ang daigdig. Mainam na impormasyon ang masusumpungan sa ilalim ng “Pamahalaan,” pasimula sa pahina 306 ng aklat na Nangangatuwiran (p. 152 sa Ingles).
5 Maaari ninyong itanong:
◼ “Posible kayang makapagtatag ang mga tao ng isang pamahalaang magdadala ng namamalaging kaligayahan?” Hayaang sumagot, pagkatapos ay magtanong: “Ano ang ipinakikita ng rekord ng kasaysayan ng tao?” Bumaling sa Jeremias 10:23, o bumaling sa pahina 306 ng aklat na Nangangatuwiran (p. 152 sa Ingles) at basahin ang angkop na mga teksto at mga komento. Pagkatapos ay bumaling sa mga pahina 24 at 25 ng brochure na Pamahalaan at isaalang-alang ang mga ilustrasyon at mga teksto. Kung hindi kunin ng maybahay ang brochure, ialok ang tract na Ang Sanlibutan Bang ito’y Makaliligtas?
6 Kung may umiiral na pagkatakot sa krimen sa inyong komunidad, ang sumusunod na pambungad ay maaaring makatawag ng pansin.
7 Maaari ninyong sabihin:
◼ “Maraming tao ang nag-iisip, ‘Kung ang Diyos ay pag-ibig, bakit niya pinahihintulutan ang kabalakyutan?’ Ganito rin ba ang inyong iniisip?” Hayaang magkomento, pagkatapos ay sabihin: “Pansinin na ang Kawikaan 19:3 ay nagbibigay-babala na huwag sisihin ang Diyos sa masasamang mga bagay na ginagawa ng mga tao.” Pagkatapos na basahin ang teksto, akayin ang pansin sa pahina 15 ng brochure na “Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay” at basahin ang parapo 27.
8 Ang paggamit sa mga brochure upang turuan ang mga tao ay magagawa nating lahat. Hayaang gamitin natin ito nang mabisa sa Agosto.