Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Peb. 15
“Napag-isipan mo na ba kung paano mapapatnubayan ang iyong buhay sa pinakamabuting paraan at makagagawa ng mahahalagang desisyon? [Hayaang sumagot.] Ang ilan sa pinakamabuting patnubay, tulad ng Ginintuang Alituntunin, ay masusumpungan sa Bibliya. [Basahin ang Mateo 7:12.] Anong iba pang makadiyos na mga simulain ang tuwirang mapapakinabangan natin? Makikita mo ang sagot sa magasing ito.”
Gumising! Peb. 22
“Maaaring napansin mo na maraming lugar ng trabaho ang nagiging higit na mapanganib. Ang magasing ito ay may maiinam na mungkahi kung paano gagawing mas ligtas ang mga ito. Ipinakikita rin nito kung ang ating kapakanan ay nauugnay sa pagkakaroon natin ng timbang na pangmalas sa sekular na trabaho. Pakisuyong basahin ito.”
Ang Bantayan Mar. 1
“Dahilan sa lahat ng nangyayari sa ngayon, ang karamihan sa atin ay nag-iisip kung ano ang taglay ng kinabukasan. Sa isang bantog na panalangin, isiniwalat ni Jesu-Kristo ang dahilan kung bakit maaari tayong umasa sa kinabukasan taglay ang pagtitiwala. [Basahin ang Mateo 6:9, 10.] Inuulit ng sangkatauhan ang mga pagkakamaling nagawa nila noong matagal nang panahon. Subalit noon, ang mga naglingkod sa Diyos ay nagkaroon ng maligayang kinabukasan. Ipinakikita ng magasing ito kung paano tayo magkakaroon ng gayunding kinabukasan.”
Gumising! Mar. 8
“Idiniriin ng Bibliya ang kahalagahan ng mabuting edukasyon. [Basahin ang Kawikaan 2:10, 11.] Nababatid ng karamihan sa atin kung gaano kahalaga para sa mga anak na magkaroon ng kuwalipikadong mga guro. Itinatampok ng Gumising! ang mahalagang papel ng mga guro, kung paano tayo dapat magpahalaga sa kanilang mga sakripisyo, at kung ano ang magagawa ng mga magulang upang tulungan sila sa mahirap na hamong napapaharap sa kanila.”