Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/02 p. 1
  • Magtakda ng Espirituwal na mga Tunguhin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magtakda ng Espirituwal na mga Tunguhin
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Maglagay ng Personal na mga Tunguhin Para sa Bagong Taon ng Paglilingkod
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Mga Kabataan—Ano ang Inyong Espirituwal na mga Tunguhin?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Mga Kabataan—Abutin ang Kapakipakinabang na mga Tunguhin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Kung Paano Aabutin ang Iyong Espirituwal na mga Tunguhin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 8/02 p. 1

Magtakda ng Espirituwal na mga Tunguhin

1 Isa ngang tunay na pribilehiyo na purihin si Jehova nang walang hanggan! Upang matulungan tayong makamit ang tunguhing iyan, maaari tayong magtakda ng espirituwal na mga tunguhin sa ngayon at pagsikapang maabot ang mga iyon. Pinangyayari nito na gamitin natin ang ating lakas nang may karunungan. (1 Cor. 9:26) Anong mga tunguhin ang maaaring mong abutin?

2 Pag-aaral sa Bibliya: Naghahanda ka ba para sa bawat pulong ng kongregasyon? Kung gayon, naglalaan ka ba ng panahon para sa pagsasaliksik at pagbubulay-bulay kapag nag-aaral ka? Halimbawa, kapag naghahanda para sa lingguhang Pag-aaral sa Bantayan at Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, sinasalungguhitan mo lamang ba ang mga sagot o tinitingnan mo ang binanggit na mga kasulatan at binubulay-bulay mo rin ang mga dahilan ng mga paliwanag na ibinigay? Maaari mo bang gawing tunguhin na saliksikin ang ilang punto bawat linggo mula sa iniatas na pagbasa sa Bibliya para sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo? Ang gayong pagsasaliksik sa espirituwal na mga bagay ay nangangailangan ng panahon at pagsisikap, ngunit nagbubunga naman ito ng saganang gantimpala.​—Kaw. 2:​4, 5.

3 Mga Pulong ng Kongregasyon: Ang isa pang tunguhin ay ang regular na pagdalo sa lahat ng limang pulong ng kongregasyon. Ang pagdating nang maaga upang makisalamuha sa mga kapananampalataya at upang makibahagi sa pambukas na awit at panalangin ay tumutulong sa pagpapalakas sa espiritu ng kongregasyon. Maaari rin nating pagsikapang magkomento sa bawat pulong at pasulungin ang ating mga komento. Marahil ay maaari mong ipakita ang kaugnayan ng isang kasulatang nasa parapo sa talakayan o ipakita kung paano kumakapit ang materyal sa pang-araw-araw na buhay.​—Heb. 10:​24, 25.

4 Paglilingkod sa Larangan: Malaki ang isusulong ng ating ministeryo kapag nagtatakda tayo ng mga tunguhin. May personal ka bang tunguhin sa dami ng oras na plano mong gugulin sa paglilingkod bawat buwan? Nasusumpungan ng ilan na nakatutulong ito. O maaari mo bang pasulungin ang isang pitak ng iyong ministeryo, gaya ng paggamit ng Bibliya sa gawaing pagbabahay-bahay, paggawa ng mas makabuluhang mga pagdalaw-muli, pagsisikap na makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya, o pagtuturo nang mas mabisa sa mga inaaralan sa Bibliya?

5 Mga magulang, pinasisigla ba ninyo ang inyong mga anak na magtakda ng mga tunguhin sa paglilingkuran kay Jehova? Tulungan silang maunawaan na ang paglilingkod bilang payunir, misyonero, o miyembro ng pamilyang Bethel ay isang napakahusay na paraan upang ipakita ang lalim ng kanilang pagpapahalaga kay Jehova.​—Ecles. 12:1.

6 Habang sinusuri natin ang ating mga gawain, nagtatakda ng espirituwal na mga tunguhin, at pagkatapos ay pinagsisikapang abutin ang mga ito, makasusumpong tayo ng mas malaking kagalakan sa ating paglilingkod at magiging isang pinagmumulan ng pampatibay-loob sa iba.​—Roma 1:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share