Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 6/22 p. 8-9
  • Bakit ang mga Pagkakabaha-bahagi?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit ang mga Pagkakabaha-bahagi?
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Teolohiya o ang Katotohanan ng Bibliya?
  • Isang Nababahaging Herarkiya
  • Nababahagi sa Pulitika
  • Bakit ang Matinding “Pagkabalisa?”
    Gumising!—1990
  • Ang Bagong Pagkakabahagi
    Gumising!—1990
  • Ang Rebeldeng Arsobispo
    Gumising!—1987
  • Bakit Ba Nahahati ang Aking Relihiyon?
    Gumising!—1987
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 6/22 p. 8-9

Bakit ang mga Pagkakabaha-bahagi?

ANG saligang dahilan ng relihiyosong pagkakabahagi, o pagkakahati, ay itinatala sa isang ensayklopedia ng relihiyon na tatlo: sa doktrina, organisasyon, at pulitika. Tingnan natin kung ang pagsusuring ito ay angkop sa kalagayan sa Iglesya Katolika.

Teolohiya o ang Katotohanan ng Bibliya?

Sa kaniyang sariling pagsusuri tungkol sa dahilan ng kasalukuyang mga pagkakabaha-bahagi sa Iglesya Katolika, ang paring si René Laurentin ay sumulat: “Waring maliwanag na sa akin ang dahilan. Ito’y ang iba’t ibang ideolohiya.” Binabanggit niya ang tungkol sa progresibong ideolohiya. Ito’y salungat sa tradisyon, yaon ay, ang konserbatismo na kinakatawan ni Arsobispo Lefebvre. Ang Dominicanong superyór na si Jean-Pierre Lintanf ay nagsabi: “Ang pananampalataya ay isa, iba’t iba nga lang ang teolohiya.”

Ang iba’t ibang ideolohiya, na siyang dahilan ng pagkakabaha-bahagi sa loob ng simbahan, ay maaari sanang naiwasan kung ang simbahan ay nanghawakan sa Bibliya bilang ang pinagmumulan ng mga turo nito. Oo, ang Ikalawang Konsehong Vaticano ay nag-uutos: “Ang banal na Salita ay isang mahalagang instrumento sa makapangyarihang kamay ng Diyos upang makamit ang pagkakaisang iyon na iniharap ng Manunubos sa lahat ng tao.” Gayunman, pinahihina ang kahalagahan ng Bibliya sa pagkakaisa, ang Konsehong Vaticano ring iyon ay nagsabi: “Ang Simbahan ay hindi kumukuha ng kaniyang katiyakan tungkol sa lahat ng isiniwalat na katotohanan mula sa banal na Kasulatan lamang. Kaya, kapuwa ang Kasulatan at ang Tradisyon ay dapat tanggapin at igalang na may magkatulad na damdamin ng debosyon at pagpipitagan.” At muli: “Ang sagradong teolohiya ay nagtitiwala sa nasusulat na Salita ng Diyos, kasama ng sagradong Tradisyon.”

Ang mga salita ni Jesus sa mga Fariseo ay angkop na maikakapit sa magisterium ng Iglesya Katolika: “Ginagawa ninyong walang bisa ang salita ng Diyos dahil sa inyong tradisyon.” (Mateo 15:​6, The New Jerusalem Bible) Isang taimtim na babaing Katoliko ay sumulat sa isang pahayagang Katoliko sa Pransiya: “Kung ang mga klero ay hindi na nagaganyak na ipangaral ang Mabuting Salita, kataka-taka ba na ang mga tapat ay kakaunti ang bilang, o naghahanap sa ibang dako? (Kung tungkol sa mga Saksi ni Jehova at sa mga tradisyunalista, ang kanilang pananampalataya ay gumagawa sa kanila na kakaiba.)”

Isang Nababahaging Herarkiya

Isaalang-alang ngayon ang organisasyunal na sanhi ng pagkakabaha-bahagi sa loob ng simbahan. Ang pagkabahagi na pinangyari ni Arsobispo Lefebvre ay tuwirang nauugnay sa mga doktrinang Katoliko ng “Apostolikong Paghalili” at ng kataas-taasang kapangyarihan ng papa. Sinasabi ni Lefebvre na ang “kapangyarihan na magturo, mamahala, at magkonsagra na ipinagkaloob ni Kristo sa Kaniyang mga Apostol ay . . . pinananatili sa kolehiyo ng mga obispo ng Simbahan.” Sa kabilang dako, sinasabing ang obispo ng Roma, ang papa, ang “una sa lahat ng mga obispo, hindi lamang sa ranggo o dignidad, kundi sa pastoral na autoridad.”​—New Catholic Encyclopedia.

Subalit nasasalig ba sa Bibliya ang mga doktrinang ito? Inaamin ng ensayklopediang Katoliko ring iyon na “hindi masusumpungan ng isa sa Bagong Tipan ang anumang salita ni Kristo na nagpapahiwatig kung paano ipapasa ang apostolikong atas.” Sinasabi rin nito na “ang kataas-taasang kapangyarihan ng papa” ay hindi “naunawaang maigi o naipahahayag nang malinaw” sa “Simbahan sa Kanluran [Latin]” hanggang noong ikalimang siglo C.E.

Sa kasalukuyan ang sistema ng herarkiya ng Iglesya Katolika ay tinututulan mula sa itaas hanggang sa ibaba. Isa itong salik sa pagkakabaha-bahagi, habang ang mga obispo, teologo, pari, at mga karaniwang tao ay hayagang nagpapahayag ng kanilang di-pagsang-ayon sa papa sa mga bagay na may kaugnayan sa pananampalataya, wagas na asal, at pamamahala ng simbahan. Ang “Deklarasyon sa Cologne” ay nagsasabi: “Kung ginagawa ng papa ang mga bagay na walang kaugnayan sa kaniyang tungkulin, hindi niya maaaring hingin ang pagsunod sa ngalan ng Katolisismo.”

Nababahagi sa Pulitika

Ang Economist ng Britaniya ay sumulat: “Gaya ng pagkakita rito ni Lefebvre, ang kanilang simbahan ay naging biktima ng isang sabwatan na nagdala rito sa mga kamay ng mga Marxista, mga makabago at mga Protestante. Si Monsenyor Lefebvre ay naniniwala na ang Rebolusyong Pranses ay nagpakilala ng kahina-hinayang na modernismo at liberalismo sa daigdig, at na ang Vatican II ang nagpakilala ng Rebolusyong Pranses . . . sa simbahan.” Maraming makakanang Katoliko ang naniniwala sa pangmalas na ito. Sa kabilang panig, ang makakaliwang [left-wing] mga Katoliko ay sang-ayon naman sa mga repormang panlipunan, ang iba ay nagpapakalabis pa nga upang tanggapin ang simulain ng nasasandatahang rebolusyon. Kaya, ang pulitika ay isa pang bumabahaging salik sa gitna ng mga Katoliko.

Bilang konklusyon sa kaniyang artikulo tungkol sa “Bakit ang mga Pagkakabaha-bahaging Ito sa Gitna ng mga Kristiyano?” binanggit ng paring si Laurentin na ang kredibilidad ng Iglesya Katolika ay depende sa pagsunod nito sa mga salita ni Jesus: “Sa pamamagitan ng inyong pag-ibig sa isa’t isa, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.”​—Juan 13:​35, NJB.

Ginagamit ang pamantayang iyan, maraming taimtim na Katoliko sa buong daigdig ang maghihinuha na ang pag-aangkin ng Iglesya Katolika na siya ang isang tunay na iglesya ay hindi kapani-paniwala. Natatalos, gaya ng sinabi rin ni Jesus, na “walang sambahayan na nababahagi sa ganang sarili ang mananatili,” marami ang “dahan-dahang lumabas” ng simbahan.​—Mateo 12:​25, NJB.

Maraming Katoliko ang ngayo’y naghahanap ng isang “sambahayan” na binubuo ng tunay na mga Kristiyano, na pinagkakaisa ng tunay na pag-ibig pangkapatiran at na hindi nababahagi ng mga doktrinang wala sa Bibliya, nababahaging herarkiya, o ng nagkakasalungatang mga opinyon sa pulitika. Nasumpungan ng libu-libo ang hinahanap nila nang sila’y makisama sa mga Saksi ni Jehova.

[Larawan sa pahina 9]

Hinatulan ni Jesus ang mga Fariseo dahil sa inuuna nila ang kanilang mga tradisyon sa Salita ng Diyos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share