Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/97 p. 2
  • Pulong sa Paglilingkod sa Setyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pulong sa Paglilingkod sa Setyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Subtitulo
  • Linggo ng Setyembre 1-7
  • Linggo ng Setyembre 8-14
  • Linggo ng Setyembre 15-21
  • Linggo ng Setyembre 22-28
  • Linggo ng Set. 29–Okt. 5
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 9/97 p. 2

Pulong sa Paglilingkod sa Setyembre

Linggo ng Setyembre 1-7

Awit 26

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: “Unahin ang Higit na Mahahalagang Bagay.” Tanong-sagot. Habang ipinahihintulot ng panahon, magbigay ng komento sa “Setting Proper Priorities” sa Pebrero 22, 1987 ng Awake! pahina 8-9.

20 min: “Ibahagi sa Iba Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.” Isang pahayag na sumasaklaw sa parapo 1 at 6-8. Itanghal ang parapo 2-5.

Awit 107 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 8-14

Awit 27

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: Lokal na mga pangangailangan. O isang pahayag sa “Mag-ingat sa Pagpaparatang ng Maling Motibo” sa Bantayan ng Mayo 15, 1997, pahina 26-9.

20 min: “Mga Pag-aaral sa Bibliya na Nagbubunga ng mga Alagad.” Pahayag at pagtalakay ng grupo. Nirepaso ng matanda ang artikulo. Pagkatapos ay tinalakay niya ang “Ganyakin ang mga Estudyante Tungo sa Pag-aalay at Bautismo” (Insert ng km 6/96, par. 20-2) kasama ng makaranasang mga mamamahayag na nagdaraos ng mga pag-aaral.

Awit 109 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 15-21

Awit 30

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Gamiting Mabuti ang mga Video. Repasuhin ang mga mungkahi sa paggamit ng mga video ng Samahan at ilahad ang lokal na mga karanasan na nagpapakita kung paano gagamiting mabuti ang mga video, kapuwa sa ating mga pamilya at sa ating ministeryo. Ang karagdagan pang reperensiya sa paggamit ng mga video ay masusumpungan sa 1996 Yearbook, pahina 6, sa Oktubre 1, 1992 ng Bantayan, pahina 30-1, at sa Abril, 1997 insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4, parapo 9.

20 min: Ginagamit ba Ninyo ang Brosyur na Edukasyon? Tatalakayin ng isang matanda ang Oktubre 1, 1985, ng Bantayan, pahina 30-1, kasama ng ilang magulang at mga anak. Bagaman ito’y tumatalakay sa dating School brochure, maaari nilang ilahad ang kanilang personal na karanasan na ginagamit ang pinakahuling brosyur na Edukasyon.

Awit 112 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 22-28

Awit 32

8 min: Lokal na mga patalastas.

17 min: Paano Pasisimulan ang Isang Pag-uusap. Ang kalakhang bahagi ng ating tagumpay sa ministeryo ay depende sa kung ating napasisimulan ang pakikipag-usap sa mga tao. Kapag may sinabi tayo na nakatawag ng pansin sa iba, ating napagtagumpayan ang isa sa pinakamalaking balakid na napapaharap sa atin sa pangangaral. Talakayin sa tagapakinig ang mga susing punto sa Giya sa Paaralan, aralin 16, parapo 11-14. Ipasalaysay sa mga mamamahayag na bihasa at mabisa sa pagpapasimula ng mga pakikipag-usap ang mga pambungad na pananalitang kanilang ginagamit kapag nakikipag-usap sa mga taong gaya ng (1) isang naglalakad sa lansangan, (2) isang pasahero sa bus, (3) isang taong nagtitinda, (4) isang mamimili na nasa paradahan, (5) isang tao sa isang bangkô sa parke, at (6) isang nakausap sa pagpapatotoo sa pamamagitan ng telepono.

20 min: Repasuhin ang 1997 Taunang Ulat sa Paglilingkod ng Kongregasyon. Pinapurihan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang kongregasyon sa mainam na pagsisikap, lalo na sa Marso, Abril, at Mayo. Magbigay ng mga mungkahi mula sa lupon ng matatanda at sa huling ulat ng tagapangasiwa ng sirkito upang mapasulong ang paglilingkod sa larangan at ang pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Balangkasin ang ilang praktikal na tunguhin para sa bagong taon ng paglilingkod, lakip na ang pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya at pagiging auxiliary pioneer sa mga buwan na may limang dulong sanlinggo—Nobyembre, Mayo, Agosto.

Awit 113 at pansarang panalangin.

Linggo ng Set. 29–Okt. 5

Awit 37

15 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin na tayo’y magpapasimula ng pag-aaral sa aklat na Kaligayahan sa Pamilya sa susunod na linggo sa pag-aaral ng aklat. Sa paghahanda para sa gawain sa magasin sa Oktubre, talakayin ang pangangailangang “Isaalang-alang na Mabuti ang Inyong Teritoryo,” “Alamin Ninyong Mabuti ang mga Magasin,” “Ihanda ang Inyong Pambungad na Pananalita,” “Iakma sa Maybahay,” at “Tulungan ang Isa’t Isa” mula sa Oktubre 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 8.

15 min: Pahayag ng isang matanda sa “Dinadakila ng Kahinaan ng Tao ang Kapangyarihan ni Jehova” salig sa Hunyo 1, 1997 ng Bantayan, pahina 24-7.

15 min: Luwalhatiin ang Inyong Ministeryo. Pagtalakay sa tagapakinig ng aklat na Ating Ministeryo, pahina 81-3. Iharap ang mga katanungang ito upang itampok ang mga pangunahing punto: (1) Paano tayo nakikinabang sa pagsunod sa halimbawa ni Jesus? (2) Gaano kahalaga ang ating pananagutang mangaral? (3) Anong motibo ang nag-udyok sa atin upang ialay ang ating buhay kay Jehova? (4) Anong uri ng paggawi ang hinihiling kung nais ng isang tao na maglingkod sa Diyos? (5) Ano ang matututuhan natin mula sa paraan ng pangangaral ni Jesus?

Awit 121 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share