Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • nwt Josue 1:1-24:33
  • Josue

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Josue
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Josue

JOSUE

1 Pagkamatay ni Moises na lingkod ni Jehova, sinabi ni Jehova kay Josue*+ na anak ni Nun at lingkod+ ni Moises: 2 “Ang lingkod kong si Moises ay patay na.+ Ngayon, maghanda ka, tawirin ninyo ang Jordan, ikaw at ang buong bayang ito, papunta sa lupain na ibibigay ko sa kanila, sa bayan ng Israel.+ 3 Ibibigay ko sa inyo ang lahat ng lupaing lalakaran ninyo, gaya ng ipinangako ko kay Moises.+ 4 Ang magiging teritoryo ninyo ay mula sa ilang hanggang sa Lebanon at sa malaking ilog, ang Eufrates—ang buong lupain ng mga Hiteo+—at hanggang sa Malaking Dagat* sa kanluran.*+ 5 Walang sinuman ang magtatagumpay laban sa iyo habang nabubuhay ka.+ Kung paanong tinulungan ko si Moises, tutulungan din kita.+ Hindi kita iiwan o pababayaan.+ 6 Lakasan mo ang loob mo at magpakatatag ka,+ dahil ikaw ang aakay sa bayang ito para manahin ang lupaing ipinangako* ko sa kanilang mga ninuno.+

7 “Lakasan mo lang ang loob mo at magpakatatag ka, at sundin mong mabuti ang buong Kautusan na ibinigay sa iyo ng lingkod kong si Moises. Huwag kang lilihis doon,*+ para maging marunong ka sa mga gagawin mo saan ka man magpunta.+ 8 Ang aklat na ito ng Kautusan ay dapat na maging bukambibig mo,+ at dapat mo itong basahin nang pabulong* araw at gabi, para masunod mong mabuti ang lahat ng nakasulat dito;+ sa gayon ay magtatagumpay ka at magiging marunong ka sa mga gagawin mo.+ 9 Hindi ba inutusan na kita? Lakasan mo ang loob mo at magpakatatag ka. Huwag kang masindak o matakot, dahil kasama mo si Jehova na iyong Diyos saan ka man magpunta.”+

10 Pagkatapos, inutusan ni Josue ang mga opisyal ng bayan: 11 “Lumibot kayo sa kampo at utusan ang bayan, ‘Maghanda kayo ng mga kailangan ninyo, dahil tatlong araw mula ngayon ay tatawirin ninyo ang Jordan para pasukin at kunin ang lupain na ibibigay sa inyo ni Jehova na inyong Diyos.’”+

12 At sa mga Rubenita, mga Gadita, at sa kalahati ng tribo ni Manases ay sinabi ni Josue: 13 “Alalahanin ninyo ang iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ni Jehova:+ ‘Binibigyan kayo ni Jehova na inyong Diyos ng kapahingahan at ibinigay na niya sa inyo ang lupaing ito. 14 Ang inyong mga asawa, mga anak, at mga alagang hayop ay titira sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises sa panig* na ito ng Jordan;+ pero lahat kayong malalakas na mandirigma+ ay tatawid na nakahanay gaya ng isang hukbo sa unahan ng inyong mga kapatid.+ Tutulungan ninyo sila 15 hanggang sa bigyan ni Jehova ng kapahingahan ang mga kapatid ninyo, gaya ng ibinigay niya sa inyo, at makuha rin nila ang lupaing ibibigay sa kanila ni Jehova na inyong Diyos. Pagkatapos, bumalik kayo sa lupaing ibinigay sa inyo para tirhan at ariin ninyo iyon, ang lupain sa silangan ng Jordan na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Jehova.’”+

16 Sumagot sila kay Josue: “Gagawin namin ang lahat ng iniutos mo, at pupunta kami saan mo man kami isugo.+ 17 Kung paanong nakinig kami sa lahat ng sinabi ni Moises, makikinig din kami sa iyo. Tulungan ka nawa ni Jehova na iyong Diyos gaya ng pagtulong niya kay Moises.+ 18 Sinumang sasalungat sa salita mo at susuway sa bawat iutos mo sa kaniya ay papatayin.+ Lakasan mo lang ang loob mo at magpakatatag ka.”+

2 At si Josue na anak ni Nun ay palihim na nagsugo ng dalawang lalaki mula sa Sitim+ bilang mga espiya. Sinabi niya sa kanila: “Umalis kayo at manmanan ninyo ang lupain, lalo na ang Jerico.” Kaya umalis sila at nakarating sa bahay ng isang babaeng bayaran na ang pangalan ay Rahab,+ at nanatili sila roon. 2 May nagsabi sa hari ng Jerico: “May mga lalaking Israelita na dumating ngayong gabi para manmanan ang lupain.” 3 Kaya ipinasabi ng hari ng Jerico kay Rahab: “Ilabas mo ang mga lalaking dumating at tumutuloy sa bahay mo, dahil nandito sila para manmanan ang buong lupain.”

4 Pero itinago ng babae ang dalawang lalaki. At sinabi niya: “Oo, pumunta rito ang mga lalaki, pero hindi ko alam kung saan sila galing. 5 At nang madilim na, bago magsara ang pintuang-daan ng lunsod, umalis ang mga lalaki. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta, pero kung hahabulin ninyo sila ngayon, maaabutan pa ninyo sila.” 6 (Pero pinaakyat niya sila sa bubong at itinago sa mga tangkay ng lino na nakasalansan doon.) 7 Kaya hinabol sila ng mga lalaki papunta sa Jordan sa may mga tawiran nito,+ at agad na isinara ang pintuang-daan ng lunsod pagkalabas ng mga humahabol.

8 Bago makatulog ang mga lalaki, pinuntahan sila ni Rahab sa bubong. 9 Sinabi niya sa kanila: “Alam kong ibibigay sa inyo ni Jehova ang lupain.+ Takot na takot kami sa inyo.+ Ang lahat ng nakatira sa lupain ay pinanghihinaan ng loob dahil sa inyo.+ 10 Narinig namin kung paano tinuyo ni Jehova ang tubig ng Dagat na Pula sa harap ninyo nang lumabas kayo mula sa Ehipto,+ at kung ano ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng mga Amorita na sina Sihon+ at Og,+ na pinuksa ninyo sa kabilang ibayo* ng Jordan. 11 Nang mabalitaan namin iyon, natakot kami,* at walang isa man ang may lakas ng loob* na lumaban sa inyo, dahil si Jehova na inyong Diyos ay Diyos sa langit at sa lupa.+ 12 Ngayon, pakisuyo, sumumpa kayo sa akin sa harap ni Jehova na dahil nagpakita ako sa inyo ng tapat na pag-ibig, magpapakita rin kayo ng tapat na pag-ibig sa sambahayan ng aking ama, at bigyan ninyo ako ng garantiya.* 13 Iligtas ninyo ang aking ama at ina, ang aking mga kapatid na lalaki at babae, at ang lahat ng nasa sambahayan nila. Iligtas ninyo kami* sa kamatayan.”+

14 Sinabi sa kaniya ng mga lalaki: “Ibibigay namin ang buhay* namin para sa iyo! Kung ililihim mo ang misyon namin, magpapakita kami sa iyo ng tapat na pag-ibig at katapatan kapag ibinigay na sa amin ni Jehova ang lupain.” 15 Pagkatapos, pinababa niya sila sa bintana gamit ang isang lubid, dahil ang bahay niya ay nasa gilid ng pader ng lunsod. Sa katunayan, ang tinitirhan niya ay nasa bandang itaas ng pader.+ 16 At sinabi niya sa kanila: “Pumunta kayo sa kabundukan at magtago roon nang tatlong araw para hindi kayo makita ng mga humahabol sa inyo. Pagbalik nila rito, saka kayo umalis.”

17 Sinabi sa kaniya ng mga lalaki: “Tutuparin namin ang panatang ipinasumpa mo sa amin+ at mananatiling malinis ang konsensiya namin. 18 Basta’t pagdating namin sa lupain ay itatali mo sa bintana ang pulang lubid na ipinagamit mo sa amin para makababa kami. Dapat mong tipunin sa loob ng bahay mo ang iyong ama, ina, mga kapatid, at ang buong sambahayan ng iyong ama.+ 19 Kung may sinumang lumabas ng bahay mo at mapatay, siya ang may kasalanan sa pagkamatay niya at hindi kami mananagot doon. Pero kung may masamang mangyari* sa sinumang nasa loob ng bahay mo, kami ang mananagot. 20 Pero kapag sinabi mo sa iba ang misyon namin,+ mababale-wala ang panatang ipinasumpa mo sa amin.” 21 Sinabi naman niya: “Pumapayag ako sa sinabi ninyo.”

Saka niya sila pinaalis. Pagkatapos, itinali niya sa bintana ang pulang lubid. 22 Pumunta ang mga espiya sa kabundukan at nanatili roon nang tatlong araw hanggang sa makabalik sa lunsod ang mga humahabol sa kanila. Hinanap sila ng mga ito sa lahat ng daan pero hindi sila nakita. 23 At ang dalawang lalaki ay bumaba mula sa kabundukan at tumawid sa ilog at pumunta kay Josue na anak ni Nun. Iniulat nila sa kaniya ang lahat ng nangyari sa kanila. 24 Pagkatapos, sinabi nila kay Josue: “Ibinigay na ni Jehova sa atin ang buong lupain.+ Sa katunayan, pinanghihinaan ng loob ang lahat ng nakatira sa lupain dahil sa atin.”+

3 Kinabukasan, maagang bumangon si Josue, at siya at ang lahat ng Israelita ay umalis sa Sitim+ at nakarating sa Jordan. Nagpalipas sila ng gabi roon bago sila tumawid.

2 Pagkalipas ng tatlong araw, ang mga opisyal+ ay lumibot sa kampo 3 at nag-utos sa bayan: “Kapag nakita ninyo ang kaban ng tipan ni Jehova na inyong Diyos na buhat-buhat ng mga saserdoteng Levita,+ umalis kayo sa kinaroroonan ninyo at sundan ninyo iyon. 4 Pero dapat na mga 2,000 siko* ang distansiya ninyo mula sa Kaban at huwag mas malapit pa roon para malaman ninyo kung saan ang daan, dahil hindi pa kayo nakadaan doon kahit minsan.”

5 Sinabi ngayon ni Josue sa bayan: “Pabanalin ninyo ang inyong sarili,+ dahil bukas ay may kamangha-manghang mga bagay na gagawin si Jehova para sa inyo.”+

6 Pagkatapos, sinabi ni Josue sa mga saserdote: “Buhatin ninyo ang kaban+ ng tipan at mauna kayo sa mga tao.” Kaya binuhat nila ang kaban ng tipan at nauna sila sa mga tao.

7 At sinabi ni Jehova kay Josue: “Simula sa araw na ito, gagawin kitang dakila sa paningin ng buong Israel,+ para malaman nila na tutulungan kita+ gaya ng ginawa ko kay Moises.+ 8 Iutos mo ito sa mga saserdoteng nagdadala ng kaban ng tipan: ‘Kapag nakarating na kayo sa pampang ng Jordan, lumusong kayo sa tubig at tumayo roon.’”+

9 At sinabi ni Josue sa mga Israelita: “Lumapit kayo rito at pakinggan ninyo ang mga sinabi ni Jehova na inyong Diyos.” 10 Sinabi ni Josue: “Sa ganitong paraan ninyo malalaman na isang Diyos na buháy ang nasa gitna ninyo+ at tiyak na palalayasin niya mula sa harap ninyo ang mga Canaanita, mga Hiteo, mga Hivita, mga Perizita, mga Girgasita, mga Amorita, at ang mga Jebusita.+ 11 Ang kaban ng tipan ng Panginoon ng buong lupa ay mauuna sa inyo papunta sa Jordan. 12 Pumili kayo ngayon ng 12 lalaki mula sa mga tribo ng Israel, isang lalaki sa bawat tribo.+ 13 At sa sandaling ang mga talampakan ng mga saserdoteng nagdadala ng Kaban ni Jehova, na Panginoon ng buong lupa, ay sumayad sa tubig ng Jordan, titigil ang tubig na umaagos mula sa itaas at matitipong gaya ng tubig sa isang dam.”*+

14 Kaya nang umalis ang mga tao mula sa mga tolda nila para tumawid sa Jordan, ang mga saserdoteng nagdadala ng kaban+ ng tipan ay nauna sa mga tao. 15 At nang makarating sa Jordan ang mga tagapagdala ng Kaban at mailusong ng mga saserdote na nagdadala ng Kaban ang mga paa nila sa gilid ng ilog (umaapaw ang Jordan sa mga pampang nito+ sa buong panahon ng pag-aani), 16 ang tubig na umaagos mula sa itaas ay tumigil sa Adan, isang napakalayong lunsod malapit sa Zaretan. Naipon ito roon at naging gaya ng tubig sa isang dam,* samantalang ang tubig na pababa sa Dagat ng Araba, ang Dagat Asin,* ay patuloy na umagos hanggang sa matuyo ang ilog. Tumigil sa pag-agos ang ilog, at tumawid ang bayan sa tapat ng Jerico. 17 Habang nakatayo sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan ang mga saserdoteng nagdadala ng kaban ng tipan ni Jehova,+ ang mga Israelita naman ay tumawid sa tuyong lupa+ hanggang sa makatawid ng Jordan ang buong bansa.

4 Pagkatawid ng buong bansa sa Jordan, sinabi ni Jehova kay Josue: 2 “Pumili ka ng 12 lalaki mula sa bayan, isang lalaki mula sa bawat tribo,+ 3 at iutos mo sa kanila: ‘Kumuha kayo ng 12 bato mula sa gitna ng Jordan, sa lugar na tinayuan ng mga saserdote,+ at dalhin ninyo iyon at ilagay sa lugar kung saan kayo magpapalipas ng gabi.’”+

4 Kaya tinawag ni Josue ang 12 lalaking inatasan niya mula sa mga Israelita, isang lalaki mula sa bawat tribo, 5 at sinabi ni Josue sa kanila: “Pumunta kayo sa unahan ng Kaban ni Jehova na inyong Diyos sa gitna ng Jordan, at pumasan ang bawat isa sa inyo ng tig-iisang bato, ayon sa bilang ng mga tribo ng Israel, 6 para magsilbing paalaala sa inyo. Sa hinaharap, kapag tinanong kayo ng mga anak ninyo, ‘Bakit po mayroon kayo ng mga batong ito?’+ 7 sabihin ninyo sa kanila: ‘Dahil ang tubig ng Jordan ay tumigil sa harap ng kaban+ ng tipan ni Jehova. Nang dumaan ito sa Jordan, huminto ang tubig ng Jordan. Ang mga batong ito ay magsisilbing paalaala sa mga Israelita magpakailanman.’”+

8 At ginawa ng mga Israelita ang iniutos ni Josue. Kumuha sila ng 12 bato mula sa gitna ng Jordan, gaya ng ibinilin ni Jehova kay Josue, katumbas ng bilang ng mga tribo ng Israel. Dinala nila ang mga iyon at inilagay kung saan sila magpapalipas ng gabi.

9 Naglagay rin si Josue ng 12 bato sa gitna ng Jordan kung saan tumayo ang mga saserdoteng nagdadala ng kaban ng tipan,+ at nandoon pa ang mga batong iyon hanggang ngayon.

10 Ang mga saserdoteng nagdadala ng Kaban ay nanatiling nakatayo sa gitna ng Jordan hanggang sa matapos ang lahat ng iniutos ni Jehova kay Josue na ipagawa sa bayan, kaayon ng lahat ng iniutos ni Moises kay Josue. Samantala, ang bayan ay nagmadaling tumawid. 11 Pagkatawid ng buong bayan, itinawid ng mga saserdote ang Kaban ni Jehova habang nakatingin ang bayan.+ 12 At ang mga Rubenita, mga Gadita, at ang kalahati ng tribo ni Manases ay tumawid na nakahanay gaya ng isang hukbo+ sa unahan ng iba pang Israelita, ayon sa iniutos ni Moises sa kanila.+ 13 Mga 40,000 sundalong nasasandatahan ang tumawid sa harapan ni Jehova papunta sa mga tigang na kapatagan ng Jerico.

14 Nang araw na iyon, ginawang dakila ni Jehova si Josue sa paningin ng buong Israel,+ at iginalang nila siya nang husto* habang siya ay nabubuhay, gaya ng naging paggalang nila kay Moises.+

15 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Josue: 16 “Utusan mo ang mga saserdoteng nagdadala ng kaban+ ng Patotoo na umahon mula sa Jordan.” 17 Kaya inutusan ni Josue ang mga saserdote: “Umahon kayo mula sa Jordan.” 18 Nang umahon mula sa gitna ng Jordan ang mga saserdoteng nagdadala ng kaban+ ng tipan ni Jehova at ang paa ng mga saserdote ay tumapak sa pampang, muling umagos ang tubig ng Jordan at umapaw ito sa pampang+ gaya ng dati.

19 Ang bayan ay umahon mula sa Jordan noong ika-10 araw ng unang buwan at nagkampo sa Gilgal+ sa hangganan ng Jerico sa silangan.

20 Ang 12 bato na kinuha nila sa Jordan ay iniayos ni Josue sa Gilgal.+ 21 At sinabi niya sa mga Israelita: “Sa hinaharap, kapag nagtanong ang mga anak ninyo, ‘Para saan po ang mga batong ito?’+ 22 ipaliwanag ninyo sa mga anak ninyo: ‘Lumakad ang Israel sa tuyong lupa noong tumawid sila sa Jordan+ 23 nang tuyuin ni Jehova na inyong Diyos ang tubig ng Jordan sa harap nila hanggang sa makatawid sila, gaya ng ginawa ni Jehova na inyong Diyos sa Dagat na Pula nang tuyuin niya iyon sa harap namin hanggang sa makatawid kami.+ 24 Ginawa niya iyon para malaman ng lahat ng tao sa lupa kung gaano kalakas ang kamay ni Jehova+ at para lagi kayong matakot kay Jehova na inyong Diyos.’”

5 Nang marinig ng lahat ng hari ng mga Amorita+ sa kanluran* ng Jordan at ng lahat ng hari ng mga Canaanita,+ na malapit sa dagat, na tinuyo ni Jehova ang tubig ng Jordan sa harap ng mga Israelita hanggang sa makatawid ang mga ito, natakot sila*+ at pinanghinaan ng loob* dahil sa mga Israelita.+

2 Nang panahong iyon, sinabi ni Jehova kay Josue: “Gumawa ka ng mga kutsilyong bato at tuliin+ mo ang mga lalaki ng Israel, sa ikalawang pagkakataon.” 3 Kaya gumawa si Josue ng mga kutsilyong bato at tinuli niya ang mga lalaki ng Israel sa Gibeat-haaralot.*+ 4 Ito ang dahilan kung bakit sila tinuli ni Josue: Ang lahat ng lalaking Israelita na umalis sa Ehipto, ang lahat ng lalaking mandirigma,* ay namatay na sa ilang habang naglalakbay sila matapos umalis sa Ehipto.+ 5 Ang buong bayan na umalis sa Ehipto ay natuli, pero ang lahat ng ipinanganak sa ilang habang naglalakbay sila matapos umalis sa Ehipto ay hindi natuli. 6 Ang mga Israelita ay lumakad nang 40 taon+ sa ilang hanggang sa maubos ang buong bansa—ang mga lalaking mandirigma na umalis sa Ehipto na hindi nakinig sa tinig ni Jehova.+ Sumumpa sa kanila si Jehova na hindi niya sila papahintulutang makita ang lupaing+ ipinangako ni Jehova sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa kaniyang bayan,*+ isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.+ 7 Kaya ipinalit niya sa kanila ang mga anak nila.+ Ang mga ito ang tinuli ni Josue; hindi sila tuli dahil hindi sila tinuli sa panahon ng paglalakbay.

8 Matapos matuli ang buong bansa, hindi sila umalis sa kampo hanggang sa gumaling sila.

9 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Josue: “Inalis ko* sa iyo ngayon ang panghahamak ng Ehipto.” Kaya ang pangalan ng lugar na iyon ay tinawag na Gilgal*+ hanggang sa araw na ito.

10 Ang mga Israelita ay patuloy na nagkampo sa Gilgal, at ipinagdiwang nila ang Paskuwa noong gabi ng ika-14 na araw ng buwan,+ sa mga tigang na kapatagan ng Jerico. 11 Kinabukasan, pagkaraan ng Paskuwa, kumain sila ng ani ng lupain, mga tinapay na walang pampaalsa+ at binusang butil. 12 Nang makakain na sila ng ani ng lupain, hindi na nagkaroon ng manna nang sumunod na araw; wala nang manna para sa mga Israelita,+ pero nagsimula silang kumain ng ani ng lupain ng Canaan nang taóng iyon.+

13 Minsan, nang si Josue ay malapit sa Jerico, bigla siyang nakakita ng isang lalaking+ nakatayo sa harap niya na may hawak na espada.+ Nilapitan ito ni Josue at tinanong: “Kakampi ka ba namin o kalaban?” 14 Sumagot ito: “Hindi, kundi dumating ako bilang pinuno* ng hukbo ni Jehova.”+ Kaya sumubsob si Josue sa lupa tanda ng matinding paggalang at sinabi niya rito: “Ano ang sasabihin ng panginoon ko sa lingkod niya?” 15 Sinabi naman kay Josue ng pinuno ng hukbo ni Jehova: “Hubarin mo ang iyong mga sandalyas, dahil banal ang lugar na kinatatayuan mo.” Ginawa agad iyon ni Josue.+

6 Ang mga pintuang-daan ng Jerico ay nakasaradong mabuti dahil sa mga Israelita; walang lumalabas at walang pumapasok.+

2 Sinabi ni Jehova kay Josue: “Tingnan mo, ibinigay ko na sa iyo ang Jerico, ang hari nito, at ang malalakas nitong mandirigma.+ 3 Lahat kayo na mga lalaking mandirigma ay magmamartsa nang isang beses sa palibot ng lunsod. Ganiyan ang gagawin ninyo sa loob ng anim na araw. 4 Pitong saserdote ang magdadala ng pitong tambuli na gawa sa sungay ng lalaking tupa at mauuna sila sa Kaban. Pero sa ikapitong araw, magmamartsa kayo nang pitong beses sa palibot ng lunsod at hihipan ng mga saserdote ang mga tambuli.+ 5 Kapag hinipan ang tambuling gawa sa sungay ng lalaking tupa—pagkarinig ninyo sa tunog* ng tambuli—ang buong bayan ay sisigaw ng isang malakas na hiyaw para sa pakikipagdigma. Pagkatapos, ang pader ng lunsod ay guguho,+ at lulusob ang bayan, ang bawat isa, deretso sa lunsod.”

6 Kaya tinawag ni Josue, na anak ni Nun, ang mga saserdote at sinabi sa kanila: “Buhatin ninyo ang kaban ng tipan, at pitong saserdote ang magdadala ng pitong tambuli na gawa sa sungay ng lalaking tupa sa unahan ng Kaban ni Jehova.”+ 7 Pagkatapos, sinabi niya sa bayan: “Magmartsa kayo sa palibot ng lunsod, at ang hukbong nasasandatahan+ ay mauuna sa Kaban ni Jehova.” 8 At gaya ng sinabi ni Josue sa bayan, ang pitong saserdote na nasa harap ni Jehova at may dalang pitong tambuli na gawa sa sungay ng lalaking tupa ay lumakad at hinipan nila ang mga tambuli, at ang kaban ng tipan ni Jehova ay kasunod nila. 9 At ang hukbong nasasandatahan ay nauuna sa mga saserdote na humihihip ng mga tambuli, at ang mga bantay sa likuran ay sumusunod sa Kaban habang patuloy na hinihipan ng mga saserdote ang mga tambuli.

10 Iniutos ngayon ni Josue sa bayan: “Huwag kayong sisigaw. Manatili kayong tahimik. Walang salitang lalabas sa bibig ninyo hanggang sa araw na sabihin ko sa inyo, ‘Sigaw!’ At sisigaw kayo.” 11 Ipinaikot niya sa lunsod ang Kaban ni Jehova nang isang beses. Pagkatapos, bumalik sila sa kampo at nagpalipas ng gabi roon.

12 Kinabukasan, maagang bumangon si Josue, at binuhat ng mga saserdote ang Kaban+ ni Jehova, 13 at pitong saserdote na may dalang pitong tambuli na gawa sa sungay ng lalaking tupa ang lumakad sa unahan ng Kaban ni Jehova, habang patuloy na humihihip sa mga tambuli. Ang hukbong nasasandatahan ay naglalakad sa unahan nila, at ang mga bantay sa likuran ay sumusunod sa Kaban ni Jehova, habang patuloy na hinihipan ng mga saserdote ang mga tambuli. 14 Nang ikalawang araw, nagmartsa sila nang isang beses sa palibot ng lunsod, at pagkatapos ay bumalik sila sa kampo. Ganiyan ang ginawa nila sa loob ng anim na araw.+

15 Nang ikapitong araw, bumangon na sila sa pagbubukang-liwayway pa lang. Nagmartsa sila sa palibot ng lunsod tulad ng una nilang ginawa, at ginawa nila ito nang pitong beses. Nang araw na iyon lang sila nagmartsa sa palibot ng lunsod nang pitong beses.+ 16 At sa ikapitong beses ay hinipan ng mga saserdote ang mga tambuli, at sinabi ni Josue sa bayan: “Sigaw!+ Ibinigay na ni Jehova sa inyo ang lunsod! 17 Ang lunsod at ang lahat ng naroon ay dapat puksain at wasakin;+ lahat ng iyon ay kay Jehova. Si Rahab+ lang na babaeng bayaran ang ititirang buháy, siya at ang lahat ng kasama niya sa bahay, dahil itinago niya ang mga mensaherong ipinadala natin.+ 18 Pero lumayo kayo sa mga dapat puksain at wasakin,+ dahil baka hangarin at kunin ninyo ang mga ito,+ at sa gayon ay gawing karapat-dapat sa pagkapuksa ang kampo ng Israel at magdala kayo rito ng kapahamakan.+ 19 Pero ang lahat ng pilak at ginto at kagamitang tanso at bakal ay banal kay Jehova.+ Dapat ilagay ang mga iyon sa kabang-yaman ni Jehova.”+

20 At sumigaw ang bayan nang hipan ang mga tambuli.+ Pagkarinig ng bayan sa tunog ng tambuli at pagkasigaw ng malakas na hiyaw para sa pakikipagdigma, gumuho ang mga pader.+ Pagkatapos, lumusob ang bayan, ang bawat isa, deretso sa lunsod, at sinakop nila ito. 21 Pinuksa nila ang lahat ng nasa lunsod sa pamamagitan ng espada, ang mga lalaki at babae, mga bata at matanda, mga toro, tupa, at asno.+

22 Sinabi ni Josue sa dalawang lalaki na nag-espiya sa lupain: “Pumasok kayo sa bahay ng babaeng bayaran, at ilabas ninyo siya at ang lahat ng kasama niya sa bahay, gaya ng ipinangako ninyo sa kaniya.”+ 23 Kaya pumasok ang mga espiya at inilabas si Rahab, kasama ang kaniyang ama, ina, at mga kapatid, at ang lahat ng kasama niya sa bahay. Inilabas nila ang buong pamilya niya,+ at dinala sila nang ligtas sa labas ng kampo ng Israel.

24 At sinunog nila ang lunsod at ang lahat ng bagay na naroon. Pero ang pilak, ginto, at mga kagamitang tanso at bakal ay dinala nila sa kabang-yaman ng bahay ni Jehova.+ 25 Si Rahab lang na babaeng bayaran at ang sambahayan ng kaniyang ama at ang lahat ng kasama niya sa bahay ang iniligtas ni Josue.+ Naninirahan si Rahab sa Israel hanggang sa araw na ito,+ dahil itinago niya ang mga mensahero na ipinadala ni Josue para mag-espiya sa Jerico.+

26 Nang panahong iyon, binigkas ni Josue* ang sumpang ito: “Sumpain sa harap ni Jehova ang tao na muling magtatayo ng lunsod na ito ng Jerico. Mamamatay ang panganay niya kapag itinayo niya ang pundasyon nito, at mamamatay ang bunso niya kapag inilagay niya ang mga pintuang-daan nito.”+

27 Tinulungan ni Jehova si Josue,+ at nakilala siya sa buong lupa.+

7 Pero ang mga Israelita ay hindi naging tapat may kinalaman sa mga bagay na dapat wasakin. Si Acan+ na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, mula sa tribo ni Juda ay kumuha ng ilang bagay na dapat wasakin.+ Kaya nag-init ang galit ni Jehova sa mga Israelita.+

2 At si Josue ay nagpadala ng mga lalaki mula sa Jerico papunta sa Ai,+ na malapit sa Bet-aven at nasa silangan ng Bethel.+ Sinabi niya sa kanila: “Pumunta* kayo sa lupain at mag-espiya roon.” Kaya pumunta ang mga lalaki at nag-espiya sa Ai. 3 Pagbalik nila kay Josue, sinabi nila sa kaniya: “Hindi mo kailangang papuntahin doon ang buong bayan. Sapat na ang mga dalawa o tatlong libong lalaki para matalo ang Ai. Huwag mong pagurin sa pagpunta roon ang buong bayan, dahil kaunti lang sila.”

4 Kaya mga 3,000 lalaki ang nagpunta roon, pero tumakas sila mula sa mga lalaki ng Ai.+ 5 Nakapagpabagsak ang mga lalaki ng Ai ng 36 na lalaki, at hinabol nila ang mga Israelita sa labas ng pintuang-daan pababa ng burol hanggang sa Sebarim,* at patuloy nilang pinabagsak ang mga ito. Kaya natakot ang bayan at pinanghinaan ng loob.*

6 Kaya pinunit ni Josue ang damit niya at sumubsob siya sa lupa sa harap ng Kaban ni Jehova hanggang gabi, siya at ang matatandang lalaki ng Israel, at patuloy silang naglalagay ng alabok sa ulo nila. 7 Sinabi ni Josue: “O Kataas-taasang Panginoong Jehova, bakit mo pa itinawid ang bayang ito sa Jordan para ibigay lang kami sa mga Amorita at mapuksa? Nakontento na lang sana kami sa kabilang ibayo* ng Jordan at nanatili roon! 8 Pagpasensiyahan mo ako, O Jehova, ano ang masasabi ko ngayong umatras ang Israel sa mga kaaway niya? 9 Kapag narinig ng mga Canaanita at ng lahat ng nakatira sa lupain ang tungkol dito, papalibutan nila kami at buburahin ang pangalan namin sa lupa; at ano ang gagawin mo para sa iyong dakilang pangalan?”+

10 Sumagot si Jehova kay Josue: “Tumayo ka! Bakit ka nakasubsob sa lupa? 11 Nagkasala ang Israel. Lumabag sila sa ipinakipagtipan ko+ sa kanila. Kumuha sila ng mga bagay na dapat wasakin,+ ninakaw+ nila iyon at palihim na isinama sa mga pag-aari nila.+ 12 Kaya hindi magtatagumpay ang mga Israelita laban sa mga kaaway nila. Aatras sila at tatakas mula sa mga kaaway nila, dahil naging karapat-dapat sila sa pagkapuksa. Hindi ko kayo tutulungan malibang puksain ninyo mula sa gitna ninyo ang mga karapat-dapat sa pagkapuksa.+ 13 Kumilos ka at pabanalin mo ang bayan!+ Sabihin mo sa kanila, ‘Pabanalin ninyo ang sarili ninyo para bukas, dahil sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel: “Mayroong nasa gitna mo na dapat puksain, O Israel. Hindi ka magtatagumpay laban sa mga kaaway mo hanggang sa maalis mo sa gitna mo ang dapat puksain. 14 Bukas ng umaga, haharap kayo nang tribo-tribo, at sa tribong pipiliin ni Jehova+ ay lalapit ang bawat angkan, at sa angkang pipiliin ni Jehova ay lalapit ang bawat pamilya, at sa pamilyang pipiliin ni Jehova ay lalapit ang bawat lalaki. 15 At ang matutuklasang kumuha ng bagay na dapat wasakin ay susunugin,+ siya at ang lahat ng sa kaniya, dahil nilabag niya ang tipan+ ni Jehova at dahil gumawa siya ng kahiya-hiyang bagay sa Israel.”’”

16 Kaya kinabukasan, maagang bumangon si Josue at pinalapit ang Israel ayon sa mga tribo nila, at ang tribo ni Juda ang napili. 17 Pinalapit niya ang mga angkan ni Juda at ang angkan ng mga Zerahita+ ang napili, at saka niya pinalapit ang angkan ng mga Zerahita, ang bawat lalaki, at si Zabdi ang napili. 18 Kahuli-hulihan, pinalapit niya ang pamilya ni Zabdi, ang bawat lalaki, at si Acan na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, mula sa tribo ni Juda, ang napili.+ 19 Pagkatapos, sinabi ni Josue kay Acan: “Anak ko, pakisuyo, parangalan mo si Jehova na Diyos ng Israel at magtapat ka sa kaniya. Pakisuyo, sabihin mo sa akin kung ano ang ginawa mo. Huwag mong ilihim iyon sa akin.”

20 Sinabi ni Acan kay Josue: “Ako nga po ang nagkasala kay Jehova na Diyos ng Israel, at ito ang ginawa ko. 21 Nang makita ko sa samsam ang isang maganda at mamahaling damit* mula sa Sinar+ at ang 200 siklong* pilak at isang bara ng ginto, na 50 siklo ang bigat, nagustuhan ko ang mga iyon, kaya kinuha ko. Nakabaon ang mga iyon sa lupa sa loob ng tolda ko at ang pera ay nasa ilalim.”

22 Agad na nagpadala si Josue ng mga mensahero, at tumakbo sila sa tolda. Nakatago nga doon sa tolda niya ang damit, at ang pera ay nasa ilalim nito. 23 Kaya kinuha nila ang mga iyon mula sa tolda at dinala kay Josue at sa lahat ng Israelita, at inilagay nila ang mga iyon sa harap ni Jehova. 24 At kinuha ni Josue, kasama ng buong Israel, si Acan+ na anak ni Zera, ang pilak, ang mamahaling damit, at ang bara ng ginto,+ at ang kaniyang mga anak na lalaki at babae, ang kaniyang toro, asno, kawan, tolda, at ang lahat ng sa kaniya, at dinala nila ang mga ito sa Lambak* ng Acor.+ 25 Sinabi ni Josue: “Bakit mo kami ipinahamak?+ Ipapahamak ka ni Jehova sa araw na ito.” Pagkatapos, pinagbabato siya ng buong Israel;+ at pinagbabato rin nila ang iba pang kasama niya, at saka sila sinunog lahat.+ 26 At tinabunan nila siya ng napakaraming bato, na naroon pa hanggang ngayon. Pagkatapos ay humupa ang galit ni Jehova.+ Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na Lambak ng Acor,* hanggang sa araw na ito.

8 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Josue: “Huwag kang matakot o masindak.+ Isama mo ang lahat ng lalaking mandirigma at lumaban kayo sa Ai. Ibinigay ko na sa iyo ang hari ng Ai, ang kaniyang bayan, ang kaniyang lunsod, at ang kaniyang lupain.+ 2 Gawin mo sa Ai at sa hari nito ang ginawa mo sa Jerico at sa hari nito.+ Pero puwede ninyong kunin para sa inyong sarili ang mga samsam at ang mga alagang hayop doon. Maglagay kayo ng mga sasalakay sa likuran ng lunsod.”

3 Kaya si Josue at ang lahat ng lalaking mandirigma ay pumunta sa Ai para makipaglaban dito. Pumili si Josue ng 30,000 malalakas na mandirigma at isinugo sila nang gabing iyon. 4 Iniutos niya sa kanila: “Sasalakay kayo sa likuran ng lunsod. Huwag kayong gaanong lumayo sa lunsod, at maging alisto kayong lahat. 5 Ako at ang lahat ng kasama ko ay lalapit sa lunsod, at kapag lumabas sila para lusubin kami gaya noong una,+ aatras kami. 6 Kaya sasabihin nila, ‘Umaatras sila gaya noong una.’+ Kapag hinabol nila kami, ilalayo namin sila sa lunsod. Pag-atras namin, 7 lumusob na kayo at sakupin ang lunsod; ibibigay iyon sa inyo ni Jehova na inyong Diyos. 8 Kapag nasakop na ninyo ang lunsod, sunugin ninyo iyon.+ Dapat ninyong sundin ang sinabi ni Jehova. Sinabi ko na sa inyo ang utos.”

9 Pagkatapos, pinaalis na sila ni Josue, at nagpunta sila sa lugar kung saan sila mag-aabang bago sumalakay; pumuwesto sila sa pagitan ng Bethel at ng Ai, sa kanluran ng Ai. Si Josue naman ay nagpalipas ng gabi kasama ng iba pang mandirigma.

10 Kinabukasan, maagang bumangon si Josue at tinipon ang hukbo. Pagkatapos, pinangunahan niya at ng matatandang lalaki ng Israel ang hukbo papunta sa Ai. 11 Lahat ng lalaking mandirigma+ na kasama niya ay nagpunta sa harap ng lunsod. Nagkampo sila sa hilaga ng Ai, at isang lambak ang nasa pagitan nila at ng Ai. 12 Samantala, mga 5,000 lalaki ang nakapuwesto sa pagitan ng Bethel+ at ng Ai, sa kanluran ng lunsod, at nakahandang sumalakay,+ gaya ng iniutos ni Josue. 13 Kaya ang karamihan sa mga mandirigma ay nasa hilaga ng lunsod+ at ang iba pa ay nakatago sa kanluran ng lunsod,+ at nang gabing iyon, pumunta si Josue sa gitna ng lambak.*

14 At nang makita ito ng hari ng Ai, siya at ang mga lalaki ng lunsod ay bumangon nang maaga at nagmadali para makipaglaban sa Israel sa isang lugar kung saan matatanaw ang tigang na kapatagan. Pero hindi niya alam na may mga nakahandang sumalakay mula sa likuran ng lunsod. 15 Nang sumalakay ang mga lalaki ng Ai, si Josue at ang buong Israel ay tumakas papunta sa ilang.+ 16 At inutusan ang lahat ng lalaki sa lunsod na habulin sila; at habang hinahabol nila si Josue, napalayo sila sa lunsod. 17 Walang lalaking naiwan sa Ai at sa Bethel. Lahat ay humabol sa Israel. Iniwan nilang bukas na bukas ang lunsod habang hinahabol ang Israel.

18 Sinabi ngayon ni Jehova kay Josue: “Itaas mo ang hawak mong diyabelin* at ituro sa direksiyon ng Ai,+ dahil ibibigay ko iyon sa kamay mo.”+ Kaya itinaas ni Josue ang hawak niyang diyabelin at itinuro sa direksiyon ng lunsod. 19 Nang itaas niya ang kamay niya, ang nakaabang na mga mandirigma ay agad na lumusob sa lunsod at sinakop ito. Agad nilang sinunog ang lunsod.+

20 Nang lumingon ang mga lalaki ng Ai, nakita nila ang makapal na usok mula sa lunsod, at nawalan sila ng lakas na tumakas saanmang direksiyon. Hinarap sila ngayon ng mga lalaking hinahabol nila papunta sa ilang. 21 Nang makita ni Josue at ng buong Israel na nasakop na ng mga kasamahan nila ang lunsod, at nang makita nila ang makapal na usok mula sa lunsod, sila naman ang sumalakay sa mga lalaki ng Ai. 22 At ang mga lalaking nakasakop sa lunsod ay lumabas para salakayin din ang mga ito. Kaya naipit sa gitna ang mga lalaki ng Ai—ang ilang Israelita ay nasa isang panig at ang iba naman ay nasa kabilang panig. At pinabagsak nila ang mga ito hanggang sa wala nang natira, at wala ring nakatakas.+ 23 Pero ang hari ng Ai+ ay hinuli nila nang buháy at dinala kay Josue.

24 Matapos patayin ng Israel ang lahat ng taga-Ai na humabol sa kanila sa ilang at mapabagsak ang lahat ng ito sa pamamagitan ng espada, bumalik ang buong Israel sa Ai at pinatay ang lahat ng naroon sa pamamagitan ng espada. 25 Ang lahat ng namatay nang araw na iyon, mula sa lalaki hanggang sa babae, ay umabot nang 12,000, ang lahat ng tao sa Ai. 26 Hindi ibinaba ni Josue ang kamay niya na may hawak na diyabelin+ hanggang sa mapuksa ang lahat ng nakatira sa Ai.+ 27 Pero ang mga alagang hayop at ang iba pang mga bagay sa lunsod na iyon ay kinuha ng Israel para sa kanilang sarili, gaya ng iniutos ni Jehova kay Josue.+

28 Pagkatapos, sinunog ni Josue ang Ai at ginawa itong isang permanenteng bunton ng guho,+ gaya ng makikita pa rin hanggang sa ngayon. 29 Ibinitin niya sa isang tulos* ang hari ng Ai hanggang bago dumilim, at nang papalubog na ang araw, nag-utos si Josue na ibaba ang bangkay nito mula sa tulos.+ Inihagis nila iyon sa pasukan ng pintuang-daan ng lunsod at tinabunan ng napakaraming bato, na naroon pa rin hanggang sa ngayon.

30 Noon nagtayo si Josue ng isang altar sa Bundok Ebal+ para kay Jehova na Diyos ng Israel, 31 gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ni Jehova sa mga Israelita at gaya ng nakasulat sa aklat ng Kautusan+ ni Moises: “Isang altar na gawa sa mga buong bato na hindi pa nagamitan ng kasangkapang bakal.”+ Dito sila nag-alay ng mga handog na sinusunog para kay Jehova at ng mga haing pansalo-salo.+

32 Pagkatapos, isinulat niya sa mga bato ang isang kopya ng Kautusan+ na isinulat ni Moises sa harap ng mga Israelita.+ 33 Ang buong Israel, ang matatandang lalaki nila, ang mga opisyal, at ang mga hukom nila, pati ang mga dayuhang naninirahang kasama nila,+ ay nakatayo sa magkabilang panig ng Kaban sa harap ng mga saserdoteng Levita na nagdadala ng kaban ng tipan ni Jehova. Ang kalahati sa kanila ay nakatayo sa harap ng Bundok Gerizim, at ang kalahati ay nasa harap ng Bundok Ebal+ (gaya ng iniutos noon ni Moises na lingkod ni Jehova),+ para tumanggap ng pagpapala ang bayang Israel. 34 Pagkatapos nito, binasa niya nang malakas ang buong Kautusan,+ ang pagpapala+ at ang sumpa,+ ayon sa mismong nakasulat sa aklat ng Kautusan. 35 Walang isa mang salita sa lahat ng iniutos ni Moises ang hindi binasa ni Josue nang malakas sa harap ng buong kongregasyon ng Israel,+ kasama ang mga babae, ang mga bata, at ang mga dayuhan+ na naninirahang* kasama nila.+

9 Ang mga nangyari ay nabalitaan ng lahat ng hari na nasa gawing kanluran ng Jordan+ sa mabundok na rehiyon at sa Sepela at sa buong baybayin ng Malaking Dagat*+ at sa tapat ng Lebanon. Sila ay mga hari ng mga Hiteo, mga Amorita, mga Canaanita, mga Perizita, mga Hivita, at mga Jebusita.+ 2 Kaya bumuo sila ng alyansa para labanan si Josue at ang Israel.+

3 Narinig din ng mga nakatira sa Gibeon+ ang ginawa ni Josue sa Jerico+ at sa Ai.+ 4 Kaya kumilos sila nang may katalinuhan at naglagay ng pagkain sa lumang mga sako na ikinarga nila sa mga asno. Nagdala sila ng lumang mga sisidlan ng alak na gawa sa balat, na pumutok na at may mga tagpi; 5 nagsuot din sila ng luma at may-tagping mga sandalyas at ng sira-sirang damit. Lahat ng dala nilang tinapay ay tuyo na at madaling madurog. 6 Pumunta sila kay Josue sa kampo sa Gilgal,+ at sinabi nila sa kaniya at sa mga lalaki ng Israel: “Galing kami sa isang malayong lupain. Gusto naming makipagkasundo sa inyo.” 7 Pero sinabi ng mga lalaki ng Israel sa mga Hivita:+ “Baka sa malapit lang kayo nakatira. Kaya bakit kami makikipagkasundo sa inyo?”+ 8 Sinabi nila kay Josue: “Mga lingkod* mo kami.”

Sinabi naman ni Josue sa kanila: “Sino kayo, at saan kayo nanggaling?” 9 Sumagot sila: “Galing pa sa napakalayong lupain+ ang mga lingkod mo, at nagpunta kami rito bilang pagkilala sa pangalan ni Jehova na iyong Diyos, dahil nabalitaan namin ang katanyagan niya at ang lahat ng ginawa niya sa Ehipto,+ 10 at ang lahat ng ginawa niya sa dalawang hari ng mga Amorita na nasa kabilang ibayo* ng Jordan, si Haring Sihon+ ng Hesbon at si Haring Og+ ng Basan, na nasa Astarot. 11 Kaya ganito ang sinabi sa amin ng aming matatandang lalaki at ng lahat ng nakatira sa lupain namin, ‘Magdala kayo ng pagkain para sa paglalakbay at puntahan ninyo sila. Sabihin ninyo sa kanila: “Magiging lingkod ninyo kami;+ gusto naming makipagkasundo sa inyo.”’+ 12 Itong tinapay na dala namin ay mainit pa nang umalis kami ng bahay para magpunta rito. Ngayon, tingnan ninyo, tuyo na ito at madaling madurog.+ 13 At itong mga sisidlan ng alak na gawa sa balat, bago pa nang punuin namin, pero ngayon, pumutok na.+ At ang mga damit at sandalyas namin, naluma na dahil sa haba ng paglalakbay.”

14 Kaya kinuha* ng mga lalaki ang ilan sa mga dala nila, pero hindi sila sumangguni kay Jehova.+ 15 At si Josue ay nakipagpayapaan sa kanila+ at nakipagkasundo na hahayaan niya silang mabuhay, at iyan ang ipinangako sa kanila ng mga pinuno ng bayan.+

16 Pagkalipas ng tatlong araw mula nang gumawa sila ng kasunduan, nalaman nila na sa malapit lang pala nakatira ang mga iyon. 17 Kaya naglakbay ang mga Israelita at nakarating sa mga lunsod nila nang ikatlong araw; ang mga lunsod nila ay ang Gibeon,+ Kepira, Beerot, at Kiriat-jearim.+ 18 Pero hindi sila sinalakay ng mga Israelita, dahil nangako sa kanila ang mga pinuno ng bayan sa ngalan ni Jehova+ na Diyos ng Israel. Kaya ang mga Israelita ay nagbulong-bulungan laban sa mga pinuno. 19 Sinabi ng lahat ng pinuno sa mga Israelita: “Nangako kami sa kanila sa ngalan ni Jehova na Diyos ng Israel, kaya hindi natin sila puwedeng saktan. 20 Ito ang gagawin natin: Hahayaan natin silang mabuhay para hindi magalit sa atin ang Diyos, dahil nangako kami sa kanila.”+ 21 At sinabi pa ng mga pinuno: “Hayaan natin silang mabuhay, pero sila ay magiging tagakuha ng kahoy at tagaigib ng tubig para sa buong Israel.” Ito ang ipinangako sa kanila ng mga pinuno.

22 Tinawag sila ngayon ni Josue, at sinabi niya sa kanila: “Bakit ninyo kami dinaya? Bakit ninyo sinabi, ‘Galing kami sa napakalayong lugar,’ samantalang tagarito lang pala kayo?+ 23 Mula ngayon ay isinumpa na kayo,+ at habambuhay kayong magiging alipin—tagakuha ng kahoy at tagaigib ng tubig para sa bahay ng aking Diyos.” 24 Sinabi nila kay Josue: “Malinaw na sinabi sa mga lingkod mo na si Jehova na iyong Diyos ay nag-utos sa lingkod niyang si Moises na ibigay sa inyo ang buong lupain at lipulin sa harap ninyo ang lahat ng nakatira dito.+ Natakot kami sa inyo at ayaw naming mamatay,+ kaya ginawa namin ito.+ 25 Ngayon, ikaw na ang bahala sa amin.* Gawin mo sa amin kung ano ang tingin mong mabuti at tama.” 26 At gayon ang ginawa niya sa kanila; iniligtas niya sila mula sa mga kamay ng mga Israelita, at hindi nila sila pinatay. 27 Pero nang araw na iyon, ginawa sila ni Josue na mga tagakuha ng kahoy at tagaigib ng tubig para sa mga Israelita+ at para sa altar ni Jehova sa lugar na pipiliin Niya,+ at ganiyan pa rin sila hanggang sa araw na ito.+

10 Nang mabalitaan ni Haring Adoni-zedek ng Jerusalem na sinakop ni Josue ang Ai at lubusan itong winasak, na ginawa niya sa Ai at sa hari nito+ ang gaya ng ginawa niya sa Jerico at sa hari nito+ at nakipagpayapaan sa Israel ang mga taga-Gibeon+ at sumama na sa kanila, 2 takot na takot siya,+ dahil ang Gibeon ay isang malaking* lunsod, tulad ng maharlikang mga lunsod. Mas malaki ito kaysa sa Ai,+ at ang lahat ng lalaki nito ay mandirigma. 3 Dahil dito, si Adoni-zedek na hari ng Jerusalem ay nagpadala ng ganitong mensahe kay Hoham na hari ng Hebron,+ kay Piram na hari ng Jarmut, kay Japia na hari ng Lakis, at kay Debir na hari ng Eglon:+ 4 “Tulungan ninyo ako at salakayin natin ang Gibeon, dahil nakipagpayapaan ito kay Josue at sa mga Israelita.”+ 5 Kaya ang limang hari ng mga Amorita+—ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Hebron, ang hari ng Jarmut, ang hari ng Lakis, at ang hari ng Eglon—ay nagsama-sama pati ang mga hukbo nila. Lumusob sila sa Gibeon at pinalibutan ito para makipagdigma rito.

6 Pagkatapos, ang mga lalaki ng Gibeon ay nagpadala ng mensahe kay Josue sa kampo sa Gilgal.+ Sinabi nila: “Huwag mong pabayaan ang mga alipin mo.*+ Pumunta ka rito agad! Iligtas mo kami at tulungan mo kami! Ang lahat ng hari ng mga Amorita mula sa mabundok na rehiyon ay nagsama-sama para salakayin kami.” 7 Kaya umalis si Josue sa Gilgal kasama ang buong hukbo at ang pinakamahuhusay na mandirigma.+

8 At sinabi ni Jehova kay Josue: “Huwag kang matakot sa kanila,+ dahil ibinigay ko na sila sa iyo.+ Walang isa man sa kanila ang magtatagumpay laban sa iyo.”+ 9 Naglakbay si Josue nang buong gabi mula sa Gilgal at bigla nilang sinalakay ang mga kaaway. 10 Nilito ni Jehova ang mga ito sa harap ng Israel,+ at marami sa kanila ang pinatay ng mga Israelita sa Gibeon; hinabol sila ng mga Israelita sa paakyat na daan ng Bet-horon at pinatay sila hanggang sa Azeka at Makeda. 11 Habang tumatakas sila sa mga Israelita at bumababa ng Bet-horon, nagpabagsak si Jehova ng malalaking tipak ng yelo* mula sa langit hanggang sa Azeka, at namatay sila. Sa katunayan, mas marami ang namatay sa pag-ulan ng yelo kaysa sa napatay ng mga Israelita sa pamamagitan ng espada.

12 Nang araw na iyon, kung kailan ibinigay ni Jehova ang mga Amorita sa kamay ng mga Israelita, sinabi ni Josue kay Jehova sa harap ng mga Israelita:

“Araw, huminto ka+ sa Gibeon,+

At buwan, sa Lambak* ng Aijalon!”

13 Kaya ang araw ay huminto at ang buwan ay hindi gumalaw hanggang sa makapaghiganti ang bansa sa mga kaaway nito. Hindi ba nakasulat ito sa aklat na Jasar?+ Ang araw ay huminto sa gitna ng langit at hindi lumubog sa loob ng halos isang araw. 14 Ngayon lang nangyari at hindi na naulit pa na nakinig si Jehova sa tinig ng tao+ sa ganoong paraan, dahil si Jehova ang nakikipaglaban para sa Israel.+

15 Pagkatapos, bumalik si Josue kasama ang buong Israel sa kampo sa Gilgal.+

16 Samantala, tumakas ang limang hari at nagtago sa kuweba sa Makeda.+ 17 May nagbalita kay Josue: “Ang limang hari ay nakitang nagtatago sa kuweba sa Makeda.”+ 18 Kaya sinabi ni Josue: “Magpagulong kayo ng malalaking bato sa pasukan ng kuweba at mag-atas kayo ng mga lalaking magbabantay sa kanila. 19 Pero ang lahat ng iba pa ay huwag tumigil. Habulin ninyo ang mga kaaway at pabagsakin sila.+ Huwag ninyo silang hayaang makapasok sa mga lunsod nila, dahil ibinigay na sila ni Jehova na inyong Diyos sa inyong kamay.”

20 Matapos mapatay ni Josue at ng mga Israelita ang marami sa kanila hanggang sa halos maubos silang lahat maliban sa mga nakatakas at nakapasok sa mga napapaderang* lunsod, 21 ang buong bayan ay ligtas na bumalik kay Josue sa kampo sa Makeda. Walang isa man ang nagtangkang magsalita* laban sa mga Israelita. 22 Pagkatapos, sinabi ni Josue: “Buksan ninyo ang pasukan ng kuweba at ilabas ninyo ang limang hari mula sa kuweba at dalhin sa akin.” 23 Kaya dinala nila sa kaniya ang limang haring ito mula sa kuweba: ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Hebron, ang hari ng Jarmut, ang hari ng Lakis, at ang hari ng Eglon.+ 24 Nang dalhin nila ang limang haring ito kay Josue, tinawag ni Josue ang lahat ng lalaki ng Israel at sinabi sa mga kumandante ng mga lalaking mandirigma na sumama sa kaniya: “Lumapit kayo. Ilagay ninyo ang inyong mga paa sa mga batok ng mga haring ito.” Kaya lumapit sila at inilagay ang mga paa nila sa mga batok ng mga iyon.+ 25 At sinabi ni Josue sa kanila: “Huwag kayong matakot o masindak.+ Lakasan ninyo ang loob ninyo at magpakatatag kayo, dahil ganito ang gagawin ni Jehova sa lahat ng kaaway na lalabanan ninyo.”+

26 Pagkatapos, pinatay sila ni Josue at ibinitin sa limang tulos;* nakabitin sila sa mga tulos hanggang bago dumilim. 27 Paglubog ng araw, iniutos ni Josue na ibaba ang mga ito mula sa mga tulos+ at ihagis sa kuweba na pinagtaguan ng mga ito. Pagkatapos, naglagay sila ng malalaking bato sa pasukan ng kuweba, at naroon pa rin ang mga iyon hanggang sa mismong araw na ito.

28 Sinakop ni Josue ang Makeda+ nang araw na iyon at pinabagsak ito sa pamamagitan ng espada. Pinuksa niya ang hari nito at ang lahat* ng naroon. Wala siyang itinirang buháy.+ Ginawa niya sa hari ng Makeda+ ang gaya ng ginawa niya sa hari ng Jerico.

29 Pagkatapos, si Josue at ang buong Israel ay umalis sa Makeda at pumunta sa Libna+ para makipagdigma rito. 30 Ang Libna at ang hari nito+ ay ibinigay rin ni Jehova sa kamay ng Israel, at pinabagsak nila ito at ang lahat* ng naroon sa pamamagitan ng espada, at wala silang itinirang buháy. Ginawa nila sa hari nito ang gaya ng ginawa nila sa hari ng Jerico.+

31 Pagkatapos, si Josue at ang buong Israel ay umalis sa Libna at nagpunta sa Lakis.+ Nagkampo sila roon at nakipagdigma. 32 Ibinigay ni Jehova ang Lakis sa kamay ng Israel, at nasakop nila ito nang ikalawang araw. Pinabagsak nila ito at ang lahat* ng tagaroon sa pamamagitan ng espada,+ gaya ng ginawa nila sa Libna.

33 Si Horam na hari ng Gezer+ at ang hukbo niya ay pumunta sa Lakis para tulungan ito, pero pinabagsak sila ni Josue at wala siyang itinirang buháy.

34 Pagkatapos, si Josue at ang buong Israel ay umalis sa Lakis at nagpunta sa Eglon.+ Nagkampo sila sa Eglon at nakipagdigma rito. 35 Sinakop nila ito nang araw na iyon at pinabagsak ito sa pamamagitan ng espada. Pinuksa nila ang lahat* ng tagaroon nang araw na iyon, gaya ng ginawa nila sa Lakis.+

36 Pagkatapos, si Josue at ang buong Israel ay umalis sa Eglon at nagpunta sa Hebron+ at nakipagdigma rito. 37 Sinakop nila ang Hebron. Ang hari nito, ang mga bayan nito, at ang lahat* ng naroon ay pinabagsak nila sa pamamagitan ng espada, at wala silang itinirang buháy. Winasak niya ito at pinuksa ang lahat* ng tagaroon, gaya ng ginawa niya sa Eglon.

38 Panghuli, si Josue at ang buong Israel ay bumaling sa Debir+ at nakipagdigma rito. 39 Sinakop niya ang Debir at ang lahat ng bayan nito. Pinuksa nila ang hari nito at ang lahat* ng naroon sa pamamagitan ng espada,+ at wala silang itinirang buháy.+ Ginawa niya sa Debir at sa hari nito ang gaya ng ginawa niya sa Hebron at sa Libna at sa hari nito.

40 Sinakop ni Josue ang buong lupain ng mabundok na rehiyon, ang Negeb, ang Sepela,+ at ang mga dalisdis, at tinalo ang lahat ng kanilang hari, at wala siyang itinirang buháy; pinuksa niya ang lahat ng humihinga,+ gaya ng iniutos ni Jehova na Diyos ng Israel.+ 41 Sinakop ni Josue ang mga lupain mula sa Kades-barnea+ hanggang sa Gaza+ at ang buong lupain ng Gosen+ hanggang sa Gibeon.+ 42 Nabihag ni Josue ang lahat ng haring ito at nasakop ang lahat ng lupain nila sa iisang kampanya ng pakikipagdigma, dahil si Jehova na Diyos ng Israel ang nakikipaglaban para sa Israel.+ 43 Pagkatapos nito, si Josue at ang buong Israel ay bumalik sa kampo sa Gilgal.+

11 Nang marinig ni Jabin na hari ng Hazor ang tungkol dito, nagpadala siya ng mensahe kay Jobab na hari ng Madon,+ sa hari ng Simron at hari ng Acsap,+ 2 sa mga hari na nasa mabundok na rehiyon sa hilaga, sa mga nasa kapatagan* sa timog ng Kineret, sa mga nasa Sepela at mga dalisdis ng Dor+ sa kanluran, 3 sa mga Canaanita+ sa silangan at kanluran, sa mga Amorita,+ mga Hiteo, mga Perizita, at mga Jebusita sa mabundok na rehiyon, at sa mga Hivita+ sa paanan ng Hermon+ sa lupain ng Mizpa. 4 Kaya lumabas sila kasama ang lahat ng hukbo nila, na kasindami ng mga butil ng buhangin sa baybayin ng dagat; at napakarami nilang kabayo at karwaheng* pandigma. 5 Ang lahat ng haring ito ay nagkasundong magtagpo, at sama-sama silang nagkampo malapit sa sapa ng Merom para makipagdigma sa Israel.

6 Dahil dito ay sinabi ni Jehova kay Josue: “Huwag kang matakot sa kanila,+ dahil bukas sa ganitong oras, ibibigay ko sila sa Israel para patayin. Puputulan mo ng litid sa binti ang mga kabayo nila para malumpo,+ at susunugin mo ang mga karwahe nila.” 7 At si Josue at ang lahat ng mandirigma ay biglang sumalakay sa kanila sa may sapa ng Merom. 8 Ibinigay sila ni Jehova sa kamay ng Israel,+ at tinalo sila ng Israel at hinabol sila hanggang sa dakilang lunsod ng Sidon+ at sa Misrepot-maim+ at sa Lambak ng Mizpe sa silangan; pinabagsak sila ng mga ito at walang natirang buháy sa kanila.+ 9 Pagkatapos, ginawa ni Josue sa kanila ang gaya ng sinabi ni Jehova sa kaniya; pinutulan niya ng litid sa binti ang mga kabayo nila, at sinunog niya ang mga karwahe nila.+

10 Pagkatapos, bumalik si Josue at sinakop ang Hazor, at pinatay niya ang hari nito sa pamamagitan ng espada,+ dahil ang Hazor ang dating pinakamakapangyarihan sa lahat ng kahariang ito. 11 Pinuksa nila ang lahat* ng naroon sa pamamagitan ng espada.+ Wala silang itinirang buháy.+ Pagkatapos, sinunog niya ang Hazor. 12 Sinakop ni Josue ang lahat ng lunsod ng mga haring ito at tinalo ang lahat ng hari nila sa pamamagitan ng espada.+ Pinuksa niya ang mga ito,+ gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ni Jehova. 13 Pero hindi sinunog ng Israel ang anumang lunsod na nakatayo sa burol maliban sa Hazor; ito lang ang sinunog ni Josue. 14 Ang lahat ng ari-arian at alagang hayop sa mga lunsod na ito ay kinuha ng mga Israelita para sa kanilang sarili.+ Pero pinatay nila ang lahat ng tao sa pamamagitan ng espada.+ Wala silang itinirang buháy.+ 15 Kung ano ang iniutos ni Jehova sa lingkod niyang si Moises, iyon ang iniutos ni Moises kay Josue,+ at iyon ang ginawa ni Josue. Ginawa niya ang lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises.+

16 Sinakop ni Josue ang buong lupaing ito, ang mabundok na rehiyon, ang buong Negeb,+ ang buong lupain ng Gosen, ang Sepela,+ ang Araba,+ at ang mabundok na rehiyon ng Israel at ang mga burol sa paanan* nito, 17 mula sa Bundok Halak, na katapat ng Seir, at hanggang sa Baal-gad+ sa Lambak ng Lebanon sa paanan ng Bundok Hermon,+ at binihag niya ang lahat ng hari nila at tinalo ang mga ito at pinatay. 18 Matagal na nakipagdigma si Josue sa lahat ng haring ito. 19 Walang ibang lunsod na nakipagpayapaan sa mga Israelita maliban sa mga Hivita na nakatira sa Gibeon.+ Ang lahat ng iba pang lunsod ay dinigma at sinakop ng mga Israelita.+ 20 Hinayaan ni Jehova na magmatigas sila+ at makipagdigma sa Israel para mapuksa niya sila nang hindi kinahahabagan.+ Sila ay lilipulin, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.+

21 Nang panahong iyon, nilipol ni Josue ang mga Anakim+ mula sa mabundok na rehiyon, mula sa Hebron, Debir, Anab, at sa buong mabundok na rehiyon ng Juda at sa buong mabundok na rehiyon ng Israel. Pinuksa sila ni Josue at ang mga lunsod nila.+ 22 Walang Anakim na natira sa lupain ng mga Israelita; nanatili lang sila+ sa Gaza,+ sa Gat,+ at sa Asdod.+ 23 Kaya nasakop ni Josue ang buong lupain, gaya ng ipinangako ni Jehova kay Moises,+ at pagkatapos ay ibinigay ito ni Josue sa Israel bilang mana ayon sa kani-kanilang parte, at pinaghati-hatian ito ng bawat tribo.+ At natigil ang digmaan sa lupain.+

12 Ito ang mga haring natalo ng mga Israelita sa sinakop nilang lupain sa silangan ng Jordan, mula sa Lambak* ng Arnon+ hanggang sa Bundok Hermon+ at sa buong silangan ng Araba:+ 2 si Haring Sihon+ ng mga Amorita, na nakatira sa Hesbon at namahala mula sa Aroer,+ na nasa pampang ng Lambak* ng Arnon,+ at mula sa gitna ng lambak, at sa kalahati ng Gilead hanggang sa Lambak* ng Jabok, na hangganan ng mga Ammonita. 3 Namahala rin siya sa silangang bahagi ng Araba hanggang sa Lawa ng Kineret*+ at hanggang sa silangan ng Dagat ng Araba, ang Dagat Asin,* papunta sa direksiyon ng Bet-jesimot, at patimog sa ibaba ng mga dalisdis ng Pisga.+

4 Sinakop din ng mga Israelita ang teritoryo ni Haring Og+ ng Basan, na isa sa mga huling Repaim,+ na tumira sa Astarot at sa Edrei, 5 at namahala sa Bundok Hermon, sa Saleca, at sa buong Basan,+ hanggang sa hangganan ng mga Gesurita at ng mga Maacateo,+ at sa kalahati ng Gilead, sa hangganan ng teritoryo ni Haring Sihon ng Hesbon.+

6 Tinalo sila ng lingkod ni Jehova na si Moises at ng mga Israelita;+ pagkatapos, ang lupain nila ay ibinigay ni Moises na lingkod ni Jehova sa mga Rubenita, mga Gadita, at sa kalahati ng tribo ni Manases bilang mana.+

7 Ito ang mga hari sa lupain na tinalo ni Josue at ng mga Israelita sa kanluran ng Jordan, mula sa Baal-gad+ sa Lambak ng Lebanon+ at hanggang sa Bundok Halak,+ na katapat ng Seir,+ na ang lupain ay ibinigay ni Josue sa mga tribo ng Israel bilang pag-aari ayon sa kani-kanilang parte,+ 8 sa mabundok na rehiyon, sa Sepela, sa Araba, sa mga dalisdis, sa ilang, at sa Negeb+—ang lupain ng mga Hiteo, mga Amorita,+ mga Canaanita, mga Perizita, mga Hivita, at mga Jebusita:+

 9 Ang hari ng Jerico,+ isa; ang hari ng Ai,+ na nasa tabi ng Bethel, isa;

10 ang hari ng Jerusalem, isa; ang hari ng Hebron,+ isa;

11 ang hari ng Jarmut, isa; ang hari ng Lakis, isa;

12 ang hari ng Eglon, isa; ang hari ng Gezer,+ isa;

13 ang hari ng Debir,+ isa; ang hari ng Geder, isa;

14 ang hari ng Horma, isa; ang hari ng Arad, isa;

15 ang hari ng Libna,+ isa; ang hari ng Adulam, isa;

16 ang hari ng Makeda,+ isa; ang hari ng Bethel,+ isa;

17 ang hari ng Tapua, isa; ang hari ng Heper, isa;

18 ang hari ng Apek, isa; ang hari ng Lasaron, isa;

19 ang hari ng Madon, isa; ang hari ng Hazor,+ isa;

20 ang hari ng Simron-meron, isa; ang hari ng Acsap, isa;

21 ang hari ng Taanac, isa; ang hari ng Megido, isa;

22 ang hari ng Kedes, isa; ang hari ng Jokneam+ sa Carmel, isa;

23 ang hari ng Dor+ sa mga dalisdis ng Dor, isa; ang hari ng Goiim sa Gilgal, isa;

24 ang hari ng Tirza, isa; lahat-lahat, 31 hari.

13 Ngayon ay matanda na si Josue at malapit nang mamatay.+ Kaya sinabi ni Jehova sa kaniya: “May-edad ka na at ilang taon na lang ang natitira sa buhay mo; pero malaking bahagi ng lupain ang hindi pa nasasakop. 2 Ito pa ang lupaing natitira:+ ang lahat ng rehiyon ng mga Filisteo at ng lahat ng Gesurita+ 3 (mula sa sanga ng Nilo* na nasa silangan* ng Ehipto hanggang sa hangganan ng Ekron sa hilaga, na dating itinuturing na teritoryo ng mga Canaanita)+ kasama ang rehiyon ng limang panginoon ng mga Filisteo+—mga Gazita, mga Asdodita,+ mga Askelonita,+ mga Giteo,+ at mga Ekronita;+ ang rehiyon ng mga Avim+ 4 sa timog; ang buong lupain ng mga Canaanita; ang Meara, na pag-aari ng mga Sidonio,+ hanggang sa Apek, sa hangganan ng mga Amorita; 5 ang lupain ng mga Gebalita+ at ang buong silangan ng Lebanon, mula sa Baal-gad sa paanan ng Bundok Hermon hanggang sa Lebo-hamat;*+ 6 ang lahat ng nakatira sa mabundok na rehiyon mula sa Lebanon+ hanggang sa Misrepot-maim;+ at ang lahat ng Sidonio.+ Itataboy ko sila mula* sa harap ng mga Israelita.+ Ang gagawin mo lang ay hati-hatiin ang lupain para sa Israel bilang mana, gaya ng iniutos ko sa iyo.+ 7 Ngayon ay hati-hatiin mo ang lupaing ito bilang mana para sa siyam na tribo at sa kalahati ng tribo ni Manases.”+

8 Kasama ng kalahati pang tribo,* kinuha ng mga Rubenita at ng mga Gadita ang mana nila na ibinigay sa kanila ni Moises sa silangan ng Jordan, gaya ng itinakda sa kanila ni Moises na lingkod ni Jehova:+ 9 mula sa Aroer,+ na nasa gilid ng Lambak* ng Arnon,+ at ang lunsod na nasa gitna ng lambak, at ang buong talampas ng Medeba hanggang sa Dibon; 10 at ang lahat ng lunsod ni Haring Sihon ng mga Amorita, na namahala sa Hesbon, hanggang sa hangganan ng mga Ammonita;+ 11 pati ang Gilead at ang teritoryo ng mga Gesurita at ng mga Maacateo+ at ang buong Bundok Hermon at ang buong Basan+ hanggang sa Saleca;+ 12 ang buong kaharian ni Og sa Basan, na namahala sa Astarot at sa Edrei. (Isa siya sa mga huling Repaim.)+ Tinalo sila ni Moises at itinaboy.*+ 13 Pero hindi itinaboy ng mga Israelita+ ang mga Gesurita at ang mga Maacateo, kaya naninirahan ang mga ito sa gitna ng Israel hanggang sa araw na ito.

14 Ang tribo lang ng mga Levita ang hindi niya binigyan ng mana.+ Ang mga handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova na Diyos ng Israel ang kanilang mana,+ gaya ng ipinangako niya sa kanila.+

15 Pagkatapos, ang tribo ng mga Rubenita ay binigyan ni Moises ng mana na hinati sa kani-kanilang pamilya, 16 at ang teritoryo nila ay mula sa Aroer, na nasa pampang ng Lambak* ng Arnon, at ang lunsod na nasa gitna ng lambak, at ang buong talampas malapit sa Medeba; 17 ang Hesbon at ang lahat ng bayan nito+ na nasa talampas, ang Dibon, ang Bamot-baal, at ang Bet-baal-meon,+ 18 ang Jahaz,+ ang Kedemot,+ ang Mepaat,+ 19 ang Kiriataim, ang Sibma,+ at ang Zeret-sahar sa bundok malapit sa lambak,* 20 ang Bet-peor, ang mga dalisdis ng Pisga,+ ang Bet-jesimot,+ 21 ang lahat ng lunsod na nasa talampas, at ang buong nasasakupan ni Haring Sihon ng mga Amorita, na namahala sa Hesbon.+ Tinalo siya ni Moises,+ pati ang mga pinunong Midianita na sina Evi, Rekem, Zur, Hur, at Reba,+ na mga basalyo* ni Sihon na nakatira sa lupain. 22 Si Balaam+ na anak ni Beor, ang manghuhula,+ ay kasama sa mga pinatay ng mga Israelita sa pamamagitan ng espada. 23 Ang hangganan ng mga Rubenita ay ang Jordan; at ang teritoryong ito ang mana ng mga Rubenita na hinati sa kani-kanilang pamilya, kasama ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

24 Karagdagan pa, ang tribo ni Gad, ang mga Gadita, ay binigyan ni Moises ng mana na hinati sa kani-kanilang pamilya, 25 at kasama sa teritoryo nila ang Jazer+ at ang lahat ng lunsod ng Gilead at ang kalahati ng lupain ng mga Ammonita+ hanggang sa Aroer, na nasa tapat ng Raba;+ 26 at mula sa Hesbon+ hanggang sa Ramat-mizpe at Betonim, at mula sa Mahanaim+ hanggang sa hangganan ng Debir; 27 at sa lambak,* ang Bet-haram, Bet-nimra,+ Sucot,+ at Zapon, na natitira sa nasasakupan ni Haring Sihon ng Hesbon+ at ang hangganan ay ang Jordan mula sa timog ng Lawa ng Kineret*+ sa silangan ng Jordan. 28 Ito ang mana ng mga Gadita na hinati sa kani-kanilang pamilya, kasama ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

29 Karagdagan pa, ang kalahati ng tribo ni Manases ay binigyan ni Moises ng mana, na hinati sa kani-kanilang pamilya.+ 30 At ang teritoryo nila ay mula sa Mahanaim+ at ang buong Basan, ang buong nasasakupan ni Haring Og ng Basan, at ang lahat ng nayon* ng Jair+ sa Basan, 60 bayan. 31 At ang kalahati ng Gilead, at ang Astarot at ang Edrei,+ mga lunsod sa kaharian ni Og sa Basan, ay napunta sa mga anak ni Makir+ na anak ni Manases. Napunta ang mga ito sa kalahati ng mga anak ni Makir at hinati sa kani-kanilang pamilya.

32 Ang mga ito ang mana na ibinigay sa kanila ni Moises sa mga tigang na kapatagan ng Moab sa kabilang ibayo ng Jordan, sa silangan ng Jerico.+

33 Pero hindi binigyan ni Moises ng mana ang tribo ng mga Levita.+ Si Jehova na Diyos ng Israel ang kanilang mana, gaya ng ipinangako niya sa kanila.+

14 At ito ang kinuha ng mga Israelita bilang mana sa lupain ng Canaan, na ibinigay sa kanila ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun at ng mga ulo ng angkan* sa mga tribo ng Israel para manahin.+ 2 Ibinigay sa kanila ang kani-kanilang mana sa pamamagitan ng palabunutan,+ gaya ng iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises para sa siyam at kalahating tribo.+ 3 Ibinigay na ni Moises ang mana ng dalawa at kalahating tribo sa kabilang ibayo* ng Jordan,+ pero ang mga Levita ay hindi niya binigyan ng lupain bilang mana.+ 4 Ang mga inapo ni Jose ay itinuturing na dalawang tribo,+ ang Manases at ang Efraim;+ at hindi nila binigyan ng parte sa lupain ang mga Levita, maliban sa mga lunsod+ na titirhan ng mga ito at lupa para sa mga alagang hayop at pag-aari ng mga ito.+ 5 Hinati-hati ng mga Israelita ang lupain gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.

6 Lumapit ang mga lalaki ng Juda kay Josue sa Gilgal,+ at sinabi sa kaniya ni Caleb+ na anak ni Jepune na Kenizita: “Alam na alam mo ang sinabi ni Jehova+ kay Moises na lingkod ng tunay na Diyos+ tungkol sa akin at sa iyo sa Kades-barnea.+ 7 Ako ay 40 taóng gulang nang isugo ako ng lingkod ni Jehova na si Moises mula sa Kades-barnea para mag-espiya sa lupain,+ at pagbalik ko, iniulat ko sa kaniya ang lahat ng nakita ko.*+ 8 Kahit na ang mga kapatid kong kasama kong nag-espiya ay nagpahina ng loob* ng bayan, sinunod ko nang buong puso* si Jehova na aking Diyos.+ 9 Nang araw na iyon, nangako si Moises: ‘Ang lupain na nilakaran mo ay magiging permanenteng mana mo at ng iyong mga anak, dahil sumunod ka nang buong puso kay Jehova na aking Diyos.’+ 10 Ngayon, gaya ng ipinangako ni Jehova,+ iningatan niya akong buháy+ nitong 45 taon mula nang bitiwan ni Jehova ang pangakong ito kay Moises noong naglalakbay sa ilang ang Israel;+ buháy pa rin ako ngayon at 85 taóng gulang na. 11 Hindi pa nagbabago ang lakas ko mula nang isugo ako ni Moises. Kung gaano ako kalakas noon, ganoon pa rin ako kalakas ngayon, para sa digmaan at sa iba pang gawain. 12 Kaya ibigay mo sa akin ang mabundok na rehiyong ito na ipinangako ni Jehova nang araw na iyon. Nalaman mo nang araw na iyon na may mga Anakim+ doon na may malalaki at napapaderang* lunsod,+ pero tiyak* na tutulungan ako ni Jehova,+ at itataboy ko sila,* gaya ng ipinangako ni Jehova.”+

13 Kaya pinagpala ni Josue si Caleb na anak ni Jepune at ibinigay sa kaniya ang Hebron bilang mana.+ 14 Ang Hebron ay naging pag-aari ni Caleb na anak ni Jepune na Kenizita bilang mana hanggang sa araw na ito, dahil sumunod siya nang buong puso kay Jehova na Diyos ng Israel.+ 15 Ang dating pangalan ng Hebron ay Kiriat-arba.+ (Si Arba ang pinakaprominente sa mga Anakim.) At natigil ang digmaan sa lupain.+

15 Ang lupaing ibinigay+ sa tribo ni Juda* para sa kanilang mga pamilya ay hanggang sa hangganan ng Edom,+ ilang ng Zin, at hanggang sa Negeb sa dulo nito sa timog. 2 Ang hangganan nila sa timog ay mula sa dulo ng Dagat Asin,*+ sa look nito sa timog, 3 at patimog pa sa paakyat na daan ng Akrabim,+ lalampas ng Zin, at mula sa timog ay paahon sa Kades-barnea,+ patawid ng Hezron, hanggang sa Addar, at paikot sa Karka. 4 Lalampas ito sa Azmon+ hanggang sa Wadi* ng Ehipto,+ at ang dulo ay sa Dagat.* Ito ang kanilang hangganan sa timog.

5 Ang hangganan sa silangan ay ang Dagat Asin* hanggang sa dulo ng Jordan, at ang hangganan sa hilaga ay mula sa look ng dagat, sa dulo ng Jordan.+ 6 Ang hangganan ay paahon sa Bet-hogla+ at lalampas sa hilaga ng Bet-araba+ at paahon sa bato ni Bohan+ na anak ni Ruben. 7 Ang hangganan ay paakyat sa Debir sa Lambak* ng Acor+ at liliko pahilaga sa Gilgal,+ na nasa tapat ng paakyat na daan ng Adumim sa timog ng wadi, at ang hangganan ay patawid sa bukal ng En-semes,+ at ang dulo nito ay sa En-rogel.+ 8 Ang hangganan ay paahon pa ng Lambak ng Anak ni Hinom+ papunta sa dalisdis ng mga Jebusita+ sa timog, ang Jerusalem,+ at paakyat sa tuktok ng bundok, na nasa tapat ng Lambak ng Hinom sa kanluran at nasa dulo ng Lambak* ng Repaim sa hilaga. 9 Mula sa tuktok ng bundok, ang hangganan ay nagpatuloy sa bukal ng tubig ng Neptoa+ at hanggang sa mga lunsod ng Bundok Epron at hanggang sa Baala, na tinatawag ding Kiriat-jearim.+ 10 At ang hangganan ay umikot mula sa Baala pakanluran sa Bundok Seir, tumawid sa Kesalon na nasa dalisdis ng Bundok Jearim sa hilaga, bumaba sa Bet-semes,+ at tumawid sa Timnah.+ 11 Ang hangganan ay nagpatuloy sa dalisdis ng Ekron+ sa hilaga hanggang sa Sikeron at tumawid sa Bundok Baala at nagpatuloy sa Jabneel, at ang dulo ng hangganan ay sa dagat.

12 Ang hangganan sa kanluran ay sa Malaking Dagat*+ at ang baybayin nito. Ito ang mga hangganan sa palibot ng teritoryo ng mga pamilya ng tribo ni Juda.

13 At si Caleb+ na anak ni Jepune ay binigyan ni Josue ng isang bahagi sa lupain ng mga inapo ni Juda, gaya ng iniutos sa kaniya ni Jehova: ang Kiriat-arba (si Arba ay ama ni Anak), na tinatawag ding Hebron.+ 14 Kaya itinaboy ni Caleb mula roon ang tatlong anak ni Anak:+ sina Sesai, Ahiman, at Talmai.+ 15 Pagkatapos, umalis siya roon para makipagdigma sa mga nakatira sa Debir.+ (Ang Debir ay dating tinatawag na Kiriat-seper.) 16 Sinabi ni Caleb: “Ibibigay ko ang anak kong si Acsa para maging asawa ng lalaking makapagpapabagsak at makasasakop sa Kiriat-seper.” 17 At nasakop iyon ni Otniel+ na anak ni Kenaz,+ na kapatid ni Caleb. Kaya ibinigay niya rito ang anak niyang si Acsa+ para maging asawa nito. 18 Habang pauwi si Acsa, hinimok niya ang asawa niya na humingi ng bukid sa ama* niya. Pagkatapos, bumaba si Acsa sa kaniyang asno.* Tinanong siya ni Caleb: “Ano ang gusto mo?”+ 19 Sinabi ni Acsa: “Pakisuyo, bigyan ninyo ako ng pagpapala. Isang lupain sa timog* ang ibinigay ninyo sa akin, kaya ibigay rin ninyo sa akin ang Gulot-maim.”* Kaya ibinigay niya rito ang Mataas na Gulot at ang Mababang Gulot.

20 Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Juda.

21 Ito ang mga lunsod sa dulong timog ng lupain ng tribo ni Juda sa may hangganan ng Edom:+ Kabzeel, Eder, Jagur, 22 Kina, Dimona, Adada, 23 Kedes, Hazor, Itnan, 24 Zip, Telem, Bealot, 25 Hazor-hadata, at Keriot-hezron, na tinatawag ding Hazor, 26 Amam, Sema, Molada,+ 27 Hazar-gada, Hesmon, Bet-pelet,+ 28 Hazar-sual, Beer-sheba,+ Biziotias, 29 Baala, Iim, Ezem, 30 Eltolad, Khesil, Horma,+ 31 Ziklag,+ Madmana, Sansana, 32 Lebaot, Silhim, Ain, at Rimon+—lahat-lahat, 29 na lunsod kasama ang mga pamayanan ng mga ito.

33 Ito ang mga lunsod sa Sepela:+ Estaol, Zora,+ Asna, 34 Zanoa, En-ganim, Tapua, Enam, 35 Jarmut, Adulam,+ Socoh, Azeka,+ 36 Saaraim,+ Aditaim, at Gedera at Gederotaim*—14 na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

37 Ang Zenan, Hadasha, Migdal-gad, 38 Dilean, Mizpe, Jokteel, 39 Lakis,+ Bozkat, Eglon, 40 Cabon, Lamam, Kitlis, 41 Gederot, Bet-dagon, Naama, at Makeda+—16 na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

42 Ang Libna,+ Eter, Asan,+ 43 Ipta, Asna, Nezib, 44 Keila, Aczib, at Maresa—siyam na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

45 Ang Ekron, ang katabing mga nayon nito,* at ang mga pamayanan nito; 46 mula sa Ekron pakanluran, ang lahat ng nasa tabi ng Asdod at ang mga pamayanan ng mga ito.

47 Ang Asdod,+ ang katabing mga nayon nito, at ang mga pamayanan nito; ang Gaza,+ ang katabing mga nayon nito, at ang mga pamayanan nito, pababa sa Wadi ng Ehipto, sa Malaking Dagat,* at sa katabing rehiyon.+

48 At sa mabundok na rehiyon, ang Samir, Jatir,+ Socoh, 49 Dana, Kiriat-sana, na tinatawag ding Debir, 50 Anab, Estemo,+ Anim, 51 Gosen,+ Holon, at Gilo+—11 lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

52 Ang Arab, Duma, Esan, 53 Janim, Bet-tapua, Apeka, 54 Humta, Kiriat-arba, na tinatawag ding Hebron,+ at Zior—siyam na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

55 Ang Maon,+ Carmel, Zip,+ Juta, 56 Jezreel, Jokdeam, Zanoa, 57 Kain, Gibeah, at Timnah+—10 lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

58 Ang Halhul, Bet-zur, Gedor, 59 Maarat, Bet-anot, at Eltekon—anim na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

60 Ang Kiriat-baal, na tinatawag ding Kiriat-jearim,+ at Raba—dalawang lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

61 Sa ilang ay ang Bet-araba,+ Midin, Secaca, 62 Nibsan, Lunsod ng Asin, at ang En-gedi+—anim na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

63 Ang mga Jebusita+ na nakatira sa Jerusalem+ ay hindi naitaboy ng mga lalaki ng Juda,+ kaya ang mga Jebusita ay nakatira pa rin sa Jerusalem kasama ng bayan ng Juda hanggang sa araw na ito.

16 At ang lupaing napunta sa mga inapo ni Jose+ sa pamamagitan ng palabunutan*+ ay mula sa Jordan sa Jerico hanggang sa bukal sa silangan ng Jerico, at tatawid ng ilang sa tapat ng Jerico papunta sa mabundok na rehiyon ng Bethel.+ 2 At mula sa Bethel na malapit sa Luz, nagpatuloy ito sa Atarot, na hangganan ng mga Arkita, 3 at ito ay nagpatuloy pababa sa kanluran sa hangganan ng mga Japleteo hanggang sa hangganan ng Mababang Bet-horon+ at ng Gezer,+ at ang dulo nito ay sa dagat.

4 Kaya kinuha ng tribo ni Manases at ng tribo ni Efraim, mga inapo ni Jose,+ ang kanilang lupain.+ 5 Ito ang hangganan ng mga pamilya sa tribo ni Efraim: Ang hangganan ng kanilang mana sa silangan ay ang Atarot-addar,+ hanggang sa Mataas na Bet-horon,+ 6 at hanggang sa dagat. Ang Micmetat+ ay nasa hilaga, at ang hangganan ay umikot pasilangan sa Taanat-shilo, at tumawid pasilangan sa Janoa. 7 At mula sa Janoa, bumaba ito papuntang Atarot at Naara hanggang sa Jerico+ at umabot sa Jordan. 8 Mula sa Tapua,+ ang hangganan ay nagpatuloy pakanluran sa Wadi ng Kana, at ang dulo nito ay sa dagat.+ Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Efraim; 9 ang mga inapo ni Efraim ay nagkaroon din ng mga lunsod sa loob ng minanang lupain ni Manases,+ ang lahat ng lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

10 Pero hindi nila itinaboy ang mga Canaanita na nakatira sa Gezer,+ kaya ang mga Canaanita ay naninirahang kasama ng tribo ni Efraim hanggang sa araw na ito,+ at ang mga ito ay puwersahang pinagtrabaho.+

17 Ito naman ang napunta+ sa tribo ni Manases,+ na panganay ni Jose.+ Dahil si Makir,+ na panganay ni Manases at ama ni Gilead, ay isang mandirigma, ibinigay sa kaniya ang Gilead at ang Basan.+ 2 Ang iba pang pamilya sa tribo ni Manases ay binigyan ng lupain sa pamamagitan ng palabunutan: ang mga anak ni Abi-ezer,+ ang mga anak ni Helek, ang mga anak ni Asriel, ang mga anak ni Sikem, ang mga anak ni Heper, at ang mga anak ni Semida. Ito ang mga ulo ng pamilya sa mga inapo ni Manases na anak ni Jose.+ 3 Pero si Zelopehad+ na anak ni Heper, na anak ni Gilead, na anak ni Makir, na anak ni Manases, ay walang anak na lalaki, kundi mga anak na babae lang, at ito ang mga pangalan nila: Maala, Noa, Hogla, Milca, at Tirza. 4 Kaya pumunta sila kay Eleazar+ na saserdote, kay Josue na anak ni Nun, at sa mga pinuno at nagsabi: “Si Jehova ang nag-utos kay Moises na bigyan kami ng mana gaya ng mga kamag-anak naming lalaki.”+ Kaya sa utos ni Jehova, binigyan niya sila ng mana gaya ng mga kapatid ng kanilang ama.+

5 Mayroon pang 10 bahagi na napunta kay Manases, bukod sa lupain ng Gilead at Basan na nasa kabilang ibayo* ng Jordan,+ 6 dahil ang mga anak na babae ni Manases ay tumanggap ng mana katulad ng mga anak niyang lalaki, at ang lupain ng Gilead ay naging pag-aari ng iba pang inapo ni Manases.

7 At ang hangganan ng Manases ay mula sa Aser hanggang sa Micmetat,+ na nasa tapat ng Sikem,+ at ang hangganan ay nagpatuloy patimog* hanggang sa lupain ng mga nakatira sa En-Tapua. 8 Ang lupain ng Tapua+ ay napunta kay Manases, pero ang lunsod ng Tapua sa may hangganan ng Manases ay sa mga inapo ni Efraim. 9 At ang hangganan ay pababa sa Wadi ng Kana, sa timog ng wadi. May mga lunsod ang Efraim sa teritoryo ng Manases,+ at ang hangganan ng Manases ay nasa hilaga ng wadi, at ang dulo nito ay sa dagat.+ 10 Ang timog ay pag-aari ni Efraim at ang hilaga ay pag-aari ni Manases, at sa dagat ang kaniyang hangganan,+ at sa hilaga ay umaabot sila* sa Aser, at sa silangan ay sa Isacar.

11 Ibinigay kay Manases ang mga lunsod na ito na nasa mga teritoryo ni Isacar at ni Aser: ang Bet-sean at ang Ibleam,+ kasama ang katabing mga nayon;* ang mga nakatira sa Dor,+ En-dor,+ Taanac,+ at Megido, kasama ang katabing mga nayon. Sa kaniya ang tatlo sa maburol na mga rehiyon.

12 Pero hindi nakuha ng mga inapo ni Manases ang mga lunsod na ito; patuloy na nanirahan sa lupaing ito ang mga Canaanita.+ 13 Nang lumakas ang mga Israelita, puwersahan nilang pinagtrabaho ang mga Canaanita,+ pero hindi nila itinaboy ang mga ito* nang lubusan.+

14 Sinabi ng mga inapo ni Jose kay Josue: “Bakit isang bahagi* lang ng lupain ang ibinigay mo sa amin* bilang mana?+ Napakarami namin dahil pinagpapala kami ni Jehova hanggang ngayon.”+ 15 Sinabi sa kanila ni Josue: “Kung napakarami ninyo at masikip na para sa inyo ang mabundok na rehiyon ng Efraim,+ umakyat kayo sa kagubatan sa lupain ng mga Perizita+ at ng mga Repaim+ at hawanin ninyo ang isang lugar doon para matirhan ninyo.” 16 Sumagot ang mga inapo ni Jose: “Hindi sapat sa amin ang mabundok na rehiyon, at ang lahat ng Canaanita na nakatira sa lambak* ay may mga karwaheng pandigma+ na may mga patalim sa gulong,* kapuwa ang mga nasa Bet-sean,+ kasama na ang katabing mga nayon nito, at ang mga nasa Lambak* ng Jezreel.”+ 17 Kaya ganito ang sinabi ni Josue sa sambahayan ni Jose, sa Efraim at sa Manases: “Isa kang malaki at makapangyarihang bayan. Hindi lang isang bahagi ng lupain ang mapupunta sa iyo.+ 18 Magiging sa iyo rin ang mabundok na rehiyon.+ Iyon ay isang kagubatan, pero hahawanin mo iyon, at iyon ang magiging dulo ng teritoryo mo. Dahil itataboy mo ang mga Canaanita, kahit na malalakas sila at may mga karwaheng pandigma na may mga patalim sa gulong.”*+

18 At ang buong Israel ay nagtipon sa Shilo,+ at itinayo nila roon ang tolda ng pagpupulong,+ dahil nasakop na nila ang lupain.+ 2 Pero may pitong tribo sa Israel na hindi pa nabibigyan ng mana. 3 Kaya sinabi ni Josue sa mga Israelita: “Gaano katagal pa bago ninyo kunin ang lupain na ibinigay sa inyo ni Jehova na Diyos ng inyong mga ninuno?+ 4 Magbigay kayo ng tatlong lalaki sa bawat tribo at isusugo ko sila; lilibutin nila ang buong lupain at gagawan ito ng mapa para mahati ito ayon sa kanilang mana. Pagkatapos, babalik sila sa akin. 5 Hahatiin nila iyon sa pitong bahagi.+ Ang Juda ay mananatili sa teritoryo niya sa timog,+ at ang sambahayan ni Jose ay mananatili sa teritoryo nila sa hilaga.+ 6 Gumawa kayo ng mapa ng lupain na hinati sa pitong bahagi, at dalhin ninyo iyon sa akin, at magpapapalabunutan+ ako rito para sa inyo sa harap ni Jehova na Diyos natin. 7 Pero ang mga Levita ay hindi bibigyan ng bahagi sa lupain ninyo,+ dahil ang paglilingkod kay Jehova bilang saserdote ang mana nila;+ at nakuha na ng Gad, Ruben, at ng kalahati ng tribo ni Manases+ ang mana nila sa silangan ng Jordan, na ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ni Jehova.”

8 Naghanda sa pag-alis ang mga lalaking gagawa ng mapa ng lupain. Inutusan sila ni Josue: “Libutin ninyo ang buong lupain at gawan ito ng mapa at bumalik kayo sa akin, at magpapapalabunutan ako rito para sa inyo sa harap ni Jehova sa Shilo.”+ 9 Kaya ang mga lalaki ay umalis at lumibot sa buong lupain. Ginawan nila ito ng mapa ayon sa mga lunsod at hinati sa pitong bahagi, at inilagay nila ang mga detalyeng ito sa isang aklat. Pagkatapos, bumalik sila kay Josue sa kampo sa Shilo. 10 At nagpalabunutan si Josue para sa kanila sa Shilo sa harap ni Jehova.+ Hinati-hati roon ni Josue ang lupain para sa mga Israelita ayon sa kani-kanilang parte.+

11 Sa unang palabunutan, ang mana ay napunta sa mga pamilya sa tribo ni Benjamin, at ang lupain nila ay nasa pagitan ng teritoryo ni Juda+ at ng teritoryo ni Jose.+ 12 Sa hilaga, ang hangganan nila ay mula sa Jordan papunta sa dalisdis ng Jerico+ sa hilaga, aakyat sa bundok pakanluran, at aabot sa ilang ng Bet-aven.+ 13 Mula roon, ang hangganan ay magpapatuloy sa Luz, sa timugang dalisdis ng Luz, ang Bethel;+ ang hangganan ay bababa sa Atarot-addar+ sa bundok na nasa timog ng Mababang Bet-horon.+ 14 At ang hangganan sa kanluran ay mula sa bundok na nasa tapat ng Bet-horon, magpapatuloy patimog at magtatapos sa Kiriat-baal, na tinatawag ding Kiriat-jearim,+ isang lunsod ni Juda. Ito ang hangganan sa kanluran.

15 Ang hangganan sa timog ay mula sa dulo ng Kiriat-jearim pakanluran at magpapatuloy sa bukal ng tubig ng Neptoa.+ 16 Ang hangganan ay pababa sa dulo ng bundok na nakaharap sa Lambak ng Anak ni Hinom,+ na nasa Lambak* ng Repaim+ sa hilaga, at bababa sa Lambak ng Hinom, papunta sa dalisdis ng Jebusita+ sa timog, at bababa sa En-rogel.+ 17 Ang hangganan ay liliko pahilaga sa En-semes at sa Gelilot, na nasa tapat ng paakyat na daan ng Adumim,+ at bababa sa bato+ ni Bohan+ na anak ni Ruben. 18 At magpapatuloy ito sa hilagang dalisdis sa tapat ng Araba at bababa sa Araba. 19 At ang hangganan ay magpapatuloy sa hilagang dalisdis ng Bet-hogla+ at magtatapos sa hilagang look ng Dagat Asin*+ sa dulo ng Jordan sa timog. Ito ang hangganan sa timog. 20 Ang Jordan naman ang hangganan sa silangan. Ito ang mana ng mga pamilya ng tribo ni Benjamin at ang mga hangganan nito.

21 At ito ang mga lunsod ng tribo ni Benjamin na hinati sa kani-kanilang pamilya: Jerico, Bet-hogla, Emek-keziz, 22 Bet-araba,+ Zemaraim, Bethel,+ 23 Avim, Para, Opra, 24 Kepar-ammoni, Opni, at Geba+—12 lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

25 Ang Gibeon,+ Rama, Beerot, 26 Mizpe, Kepira, Moza, 27 Rekem, Irpeel, Tarala, 28 Zelah,+ Ha-elep, Jebusi, na tinatawag ding Jerusalem,+ Gibeah,+ at Kiriat—14 na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Benjamin.

19 Sa ikalawang palabunutan,+ ang mana ay napunta kay Simeon,+ sa mga pamilya sa tribo ni Simeon. At ang kanilang mana ay nasa loob ng lupaing minana ng tribo ni Juda.+ 2 Ang mana nila ay ang Beer-sheba+ kasama ang Sheba, Molada,+ 3 Hazar-sual,+ Bala, Ezem,+ 4 Eltolad,+ Betul, Horma, 5 Ziklag,+ Bet-marcabot, Hazar-susa, 6 Bet-lebaot,+ at Saruhen—13 lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito; 7 ang Ain, Rimon, Eter, at Asan+—apat na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito; 8 at ang lahat ng pamayanang nasa palibot ng mga lunsod na ito hanggang sa Baalat-beer, ang Rama ng timog. Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Simeon. 9 Ang mana ng mga inapo ni Simeon ay kinuha sa parte ni Juda dahil ang napunta sa tribo ni Juda ay napakalaki para sa kanila. Kaya ang mga inapo ni Simeon ay tumanggap ng lupa sa loob ng teritoryong minana nila.+

10 Sa ikatlong palabunutan,+ ang mana ay napunta sa mga pamilya sa tribo ni Zebulon,+ at ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid. 11 Ang hangganan nila ay aakyat pakanluran sa Mareal at aabot sa Dabeset papunta sa lambak* sa tapat ng Jokneam. 12 At mula sa Sarid, pasilangan ito sa sikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Kislot-tabor papuntang Daberat+ at paakyat ng Japia. 13 At mula roon, magpapatuloy ito pasilangan sa sikatan ng araw sa Gat-heper,+ papuntang Et-kazin at Rimon hanggang sa Nea. 14 Mula sa hilaga, ang hangganan ay liliko sa Hanaton, at ang dulo nito ay sa Lambak ng Ipta-el, 15 at sa Katat, Nahalal, Simron,+ Idala, at Betlehem+—12 lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 16 Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Zebulon.+ Ito ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

17 Sa ikaapat na palabunutan,+ ang mana ay napunta kay Isacar,+ sa mga pamilya sa tribo ni Isacar. 18 At ang kanilang hangganan ay ang Jezreel,+ Kesulot, Sunem,+ 19 Haparaim, Shion, Anaharat, 20 Rabit, Kision, Ebez, 21 Remet, En-ganim,+ En-hada, at Bet-pazez. 22 At ang hangganan ay umabot sa Tabor+ at Sahazuma at Bet-semes, at ang dulo ng hangganan nila ay ang Jordan—16 na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 23 Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Isacar,+ ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

24 Sa ikalimang palabunutan,+ ang mana ay napunta sa mga pamilya sa tribo ni Aser.+ 25 At ang kanilang hangganan ay ang Helkat,+ Hali, Beten, Acsap, 26 Alamelec, Amad, at Misal. Aabot ito sa kanluran sa Carmel+ at sa Sihor-libnat, 27 at babalik ito pasilangan sa Bet-dagon at aabot sa Zebulon at sa Lambak ng Ipta-el sa hilaga, hanggang sa Bet-emek at sa Neiel, at kakaliwa sa Cabul, 28 at sa Ebron, Rehob, Hammon, at Kana hanggang sa dakilang lunsod ng Sidon.+ 29 At ang hangganan ay babalik sa Rama hanggang sa napapaderang* lunsod ng Tiro.+ Pagkatapos, ang hangganan ay babalik sa Hosa, at ang dulo nito ay sa dagat sa rehiyon ng Aczib, 30 Uma, Apek,+ Rehob+—22 lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 31 Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Aser.+ Ito ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

32 Sa ikaanim na palabunutan,+ ang mana ay napunta sa mga inapo ni Neptali, sa mga pamilya sa tribo ni Neptali. 33 Ang hangganan nila ay mula sa Helep, mula sa malaking puno sa Zaananim,+ at sa Adami-nekeb at sa Jabneel hanggang sa Lakum; at ang dulo nito ay sa Jordan. 34 Ang hangganan ay babalik pakanluran sa Aznot-tabor at magpapatuloy sa Hukkok at aabot sa Zebulon sa timog. Ang hangganan nila sa kanluran ay aabot sa Aser at ang hangganan nila sa silangan ay aabot sa Juda sa Jordan. 35 At ang mga napapaderang lunsod ay ang Zidim, Zer, Hammat,+ Rakat, Kineret, 36 Adama, Rama, Hazor,+ 37 Kedes,+ Edrei, En-hazor, 38 Yiron, Migdal-el, Horem, Bet-anat, at Bet-semes+—19 na lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito. 39 Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Neptali,+ ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

40 Sa ikapitong palabunutan,+ ang mana ay napunta sa mga pamilya sa tribo ni Dan.+ 41 At ang hangganan ng kanilang mana ay ang Zora,+ Estaol, Ir-semes, 42 Saalabin,+ Aijalon,+ Itla, 43 Elon, Timnah,+ Ekron,+ 44 Eltekeh, Gibeton,+ Baalat, 45 Jehud, Bene-berak, Gat-rimon,+ 46 Me-jarkon, at Rakon, na ang hangganan ay nasa tapat ng Jope.+ 47 Pero ang teritoryo ni Dan ay napakasikip para sa kanila.+ Kaya nakipagdigma sila sa Lesem+ at sinakop iyon at pinabagsak iyon sa pamamagitan ng espada. Pagkatapos, kinuha nila iyon at nanirahan sila roon, at ang Lesem ay pinalitan nila ng pangalang Dan, ayon sa pangalan ni Dan na kanilang ninuno.+ 48 Ito ang mana ng mga pamilya sa tribo ni Dan. Ito ang mga lunsod at ang mga pamayanan ng mga ito.

49 Natapos nilang hati-hatiin ang minana nilang lupain. Pagkatapos, binigyan ng mga Israelita si Josue na anak ni Nun ng mana sa lupain nila. 50 Sa utos ni Jehova ay ibinigay nila sa kaniya ang lunsod na hiningi niya, ang Timnat-sera,+ sa mabundok na rehiyon ng Efraim. Itinayo niya ang lunsod at dito siya tumira.

51 Ito ang mga mana na ipinamahagi ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun at ng mga ulo ng angkan sa mga tribo ni Israel+ sa pamamagitan ng palabunutan sa Shilo+ sa harap ni Jehova, sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.+ Kaya natapos nila ang paghahati-hati ng lupain.

20 At sinabi ni Jehova kay Josue: 2 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Pumili kayo ng mga kanlungang lunsod+ gaya ng sinabi ko sa inyo sa pamamagitan ni Moises, 3 para ang nakapatay nang di-sinasadya* ay makatakbo roon. At ang mga iyon ay magiging kanlungan ninyo mula sa tagapaghiganti ng dugo.+ 4 Dapat siyang tumakas papunta sa isa sa mga lunsod na ito+ at tumayo sa pasukan ng pintuang-daan ng lunsod+ at sabihin sa matatandang lalaki ng lunsod ang nangyari. Pagkatapos, tatanggapin nila siya sa lunsod at bibigyan siya ng lugar doon at maninirahan siyang kasama nila. 5 Kung habulin siya ng tagapaghiganti ng dugo, hindi nila isusuko rito ang nakapatay, dahil hindi niya sinasadya ang pagpatay,* at wala siyang galit sa napatay niya.+ 6 Titira siya sa lunsod na iyon hanggang sa litisin siya sa harap ng kapulungan,+ at mananatili siya roon hanggang sa mamatay ang mataas na saserdote+ na nanunungkulan nang panahong iyon. Saka pa lang siya makababalik sa lunsod na pinanggalingan niya at makakauwi sa bahay niya.’”+

7 Kaya binigyan nila ng sagradong katayuan* ang mga lunsod na ito: ang Kedes+ sa Galilea sa mabundok na rehiyon ng Neptali, ang Sikem+ sa mabundok na rehiyon ng Efraim, at ang Kiriat-arba,+ na tinatawag ding Hebron, sa mabundok na rehiyon ng Juda. 8 Sa rehiyon ng Jordan, sa silangan ng Jerico, pinili nila ang Bezer+ sa ilang na nasa talampas mula sa tribo ni Ruben, ang Ramot+ sa Gilead mula sa tribo ni Gad, at ang Golan+ sa Basan mula sa tribo ni Manases.+

9 Ito ang mga lunsod na maaaring takbuhan ng sinumang Israelita o dayuhang naninirahang kasama nila na nakapatay nang di-sinasadya,+ para hindi siya mapatay ng tagapaghiganti ng dugo bago pa siya litisin sa harap ng kapulungan.+

21 Ang mga ulo ng mga angkan ng mga Levita ay lumapit ngayon kay Eleazar+ na saserdote, kay Josue na anak ni Nun, at sa mga ulo ng angkan sa mga tribo ng Israel, 2 at sinabi nila sa mga ito sa Shilo+ sa lupain ng Canaan: “Iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises na bigyan kami ng mga lunsod na titirhan at ng mga pastulan para sa mga alaga naming hayop.”+ 3 Kaya sa utos ni Jehova, ang mga Israelita ay nagbigay sa mga Levita ng mga lunsod+ at ng mga pastulan mula sa kanilang mana.+

4 Sa pamamagitan ng palabunutan, ang mga pamilya ng mga Kohatita+ ay binigyan ng mga lunsod, at ang mga Levita na mga inapo ni Aaron na saserdote ay binigyan ng 13 lunsod mula sa tribo ni Juda,+ tribo ni Simeon,+ at tribo ni Benjamin.+

5 At ang iba pang Kohatita ay binigyan* ng 10 lunsod mula sa mga pamilya ng tribo ni Efraim,+ tribo ni Dan, at kalahati ng tribo ni Manases.+

6 Ang mga Gersonita+ naman ay binigyan ng 13 lunsod mula sa mga pamilya ng tribo ni Isacar, tribo ni Aser, tribo ni Neptali, at kalahati ng tribo ni Manases sa Basan.+

7 Ang mga pamilya ng mga Merarita+ ay binigyan ng 12 lunsod mula sa tribo ni Ruben, tribo ni Gad, at tribo ni Zebulon.+

8 Ibinigay ng mga Israelita sa mga Levita ang mga lunsod na ito at ang mga pastulan nito sa pamamagitan ng palabunutan, gaya ng iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises.+

9 Ito ang mga pangalan ng mga lunsod na ibinigay nila mula sa tribo ni Juda at tribo ni Simeon,+ 10 at ibinigay ang mga ito sa mga anak ni Aaron na mula sa mga pamilya ng mga Kohatita na mga Levita. Sila ang unang nabigyan batay sa palabunutan. 11 Ibinigay nila sa kanila ang Kiriat-arba+ (si Arba ay ama ni Anak), na tinatawag ding Hebron,+ sa mabundok na rehiyon ng Juda, at ang mga pastulan sa palibot nito. 12 Pero ang lupain ng lunsod at ang mga pamayanan nito ay ibinigay nila kay Caleb na anak ni Jepune.+

13 At sa mga anak ni Aaron na saserdote, ibinigay nila ang Hebron+ na kanlungang lunsod para sa mga nakapatay+ at ang mga pastulan nito, pati na ang Libna+ at ang mga pastulan nito, 14 ang Jatir+ at ang mga pastulan nito, ang Estemoa+ at ang mga pastulan nito, 15 ang Holon+ at ang mga pastulan nito, ang Debir+ at ang mga pastulan nito, 16 ang Ain+ at ang mga pastulan nito, ang Juta+ at ang mga pastulan nito, ang Bet-semes at ang mga pastulan nito—siyam na lunsod mula sa dalawang tribong ito.

17 At mula sa tribo ni Benjamin: ang Gibeon+ at ang mga pastulan nito, ang Geba at ang mga pastulan nito,+ 18 ang Anatot+ at ang mga pastulan nito, at ang Almon at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.

19 Ang lahat ng lunsod na ibinigay sa mga inapo ni Aaron, na mga saserdote, ay 13 lunsod kasama ang mga pastulan nito.+

20 At ang iba pa sa mga pamilya ng mga Kohatita na mga Levita ay binigyan ng mga lunsod mula sa tribo ni Efraim sa pamamagitan ng palabunutan. 21 Ibinigay sa kanila ang Sikem,+ na kanlungang lunsod para sa mga nakapatay,+ at ang mga pastulan nito sa mabundok na rehiyon ng Efraim, ang Gezer+ at ang mga pastulan nito, 22 ang Kibzaim at ang mga pastulan nito, at ang Bet-horon+ at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.

23 At mula sa tribo ni Dan: ang Elteke at ang mga pastulan nito, ang Gibeton at ang mga pastulan nito, 24 ang Aijalon+ at ang mga pastulan nito, at ang Gat-rimon at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.

25 At mula sa kalahati ng tribo ni Manases: ang Taanac+ at ang mga pastulan nito at ang Gat-rimon at ang mga pastulan nito—dalawang lunsod.

26 Ang lahat ng lunsod kasama ang mga pastulan ng mga ito na natanggap ng iba pang pamilya ng mga Kohatita ay 10.

27 At ang mga Gersonita,+ na mula sa mga pamilya ng mga Levita, ay tumanggap ng mga lunsod mula sa kalahati ng tribo ni Manases. Ibinigay sa kanila ang isang kanlungang lunsod para sa mga nakapatay, ang Golan+ sa Basan, at ang mga pastulan nito, pati ang Beestera at ang mga pastulan nito—dalawang lunsod.

28 At mula sa tribo ni Isacar:+ ang Kision at ang mga pastulan nito, ang Daberat+ at ang mga pastulan nito, 29 ang Jarmut at ang mga pastulan nito, at ang En-ganim at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.

30 At mula sa tribo ni Aser:+ ang Misal at ang mga pastulan nito, ang Abdon at ang mga pastulan nito, 31 ang Helkat+ at ang mga pastulan nito, at ang Rehob+ at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.

32 At mula sa tribo ni Neptali: isang kanlungang lunsod+ para sa mga nakapatay, ang Kedes+ sa Galilea, at ang mga pastulan nito, ang Hamot-dor at ang mga pastulan nito, at ang Kartan at ang mga pastulan nito—tatlong lunsod.

33 Ang lahat ng lunsod ng mga pamilya ng mga Gersonita ay 13 lunsod kasama ang mga pastulan ng mga ito.

34 At ang mga pamilya ng mga Merarita,+ na kabilang din sa mga Levita, ay tumanggap ng mga lunsod mula sa tribo ni Zebulon:+ ang Jokneam+ at ang mga pastulan nito, ang Karta at ang mga pastulan nito, 35 ang Dimna at ang mga pastulan nito, at ang Nahalal+ at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.

36 At mula sa tribo ni Ruben: ang Bezer+ at ang mga pastulan nito, ang Jahaz at ang mga pastulan nito,+ 37 ang Kedemot at ang mga pastulan nito, at ang Mepaat at ang mga pastulan nito—apat na lunsod.

38 At mula sa tribo ni Gad:+ isang kanlungang lunsod para sa mga nakapatay, ang Ramot sa Gilead,+ at ang mga pastulan nito, ang Mahanaim+ at ang mga pastulan nito, 39 ang Hesbon+ at ang mga pastulan nito, at ang Jazer+ at ang mga pastulan nito—lahat-lahat, apat na lunsod.

40 Ang lahat ng lunsod na ibinigay sa mga pamilya ng mga Merarita, na kabilang din sa mga pamilya ng mga Levita, ay 12 lunsod.

41 Ang lahat ng lunsod ng mga Levita sa loob ng lupaing pag-aari ng mga Israelita ay 48 lunsod kasama ang mga pastulan ng mga ito.+ 42 Ang bawat lunsod na ito ay may mga pastulan sa palibot nito—gayon sa lahat ng lunsod na ito.

43 Kaya ibinigay ni Jehova sa Israel ang buong lupain na ipinangako niyang ibibigay sa kanilang mga ninuno,+ at kinuha nila iyon at nanirahan sila roon.+ 44 Bukod diyan, binigyan sila ni Jehova ng kapahingahan sa buong lupain, gaya ng ipinangako niya sa kanilang mga ninuno,+ at walang isa man sa mga kaaway nila ang nagtagumpay laban sa kanila.+ Ibinigay ni Jehova ang lahat ng kaaway nila sa kanilang kamay.+ 45 Walang nabigo sa lahat ng mabuting pangako* ni Jehova sa sambahayan ng Israel; ang lahat ng iyon ay nagkatotoo.+

22 Pagkatapos, ipinatawag ni Josue ang mga Rubenita, mga Gadita, at ang kalahati ng tribo ni Manases 2 at sinabi sa kanila: “Ginawa ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ni Jehova,+ at sinunod ninyo ang lahat ng iniutos ko sa inyo.+ 3 Hindi ninyo iniwan ang mga kapatid ninyo hanggang sa araw na ito;+ at sinunod ninyo ang utos ni Jehova na inyong Diyos.+ 4 Ngayon ay binigyan ni Jehova na inyong Diyos ng kapahingahan ang mga kapatid ninyo, gaya ng ipinangako niya sa kanila.+ Kaya ngayon ay makababalik na kayo sa inyong mga tolda sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Jehova sa kabilang ibayo* ng Jordan.+ 5 Sundin lang ninyong mabuti ang mga utos at ang Kautusan na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Jehova,+ sa pamamagitan ng pagmamahal kay Jehova na inyong Diyos,+ paglakad sa lahat ng kaniyang daan,+ pagtupad sa mga utos niya,+ pananatiling tapat sa kaniya,+ at paglilingkod sa kaniya+ nang inyong buong puso at nang inyong buong kaluluwa.”+

6 Pagkatapos, pinagpala sila ni Josue at pinauwi, at nagpunta sila sa mga tolda nila. 7 At ang kalahati ng tribo ni Manases ay binigyan ni Moises ng mana sa Basan,+ at ang kalahati pa ng tribo nito ay binigyan ni Josue ng lupain sa kanluran ng Jordan,+ kasama ng mga kapatid nila. At nang pauwiin sila ni Josue sa mga tolda nila, pinagpala niya sila 8 at sinabi sa kanila: “Bumalik kayo sa mga tolda ninyo dala ang maraming kayamanan at napakaraming alagang hayop, pilak at ginto, tanso at bakal, at napakaraming damit.+ Kunin ninyo ang parte ninyo sa mga nakuha sa inyong mga kaaway,+ at hatian ninyo ang mga kapatid ninyo.”

9 Pagkatapos, ang mga Rubenita, mga Gadita, at ang kalahati ng tribo ni Manases ay humiwalay sa iba pang Israelita at umalis sa Shilo sa lupain ng Canaan. At bumalik sila sa Gilead,+ ang lupaing ibinigay sa kanila para tirahan gaya ng iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises.+ 10 Pagdating nila sa mga rehiyon ng Jordan sa lupain ng Canaan, ang mga Rubenita, mga Gadita, at ang kalahati ng tribo ni Manases ay nagtayo ng altar doon sa may Jordan, isang malaki at kahanga-hangang altar. 11 Nang maglaon, narinig ng ibang mga Israelita na sinabi:+ “Ang mga Rubenita, mga Gadita, at ang kalahati ng tribo ni Manases ay nagtayo ng altar sa hangganan ng lupain ng Canaan sa mga rehiyon ng Jordan sa bahaging pag-aari natin.” 12 Nang marinig ito ng mga Israelita, ang buong Israel ay nagtipon sa Shilo+ para makipagdigma sa kanila.

13 Pagkatapos, isinugo ng mga Israelita si Pinehas,+ na anak ni Eleazar na saserdote, sa mga Rubenita, mga Gadita, at sa kalahati ng tribo ni Manases sa lupain ng Gilead, 14 at may kasama siyang 10 pinuno, isang pinuno sa bawat angkan ng lahat ng tribo ng Israel; ang bawat isa sa kanila ay ulo ng angkan sa libo-libo* ng Israel.+ 15 Nang makarating sila sa mga Rubenita, mga Gadita, at sa kalahati ng tribo ni Manases sa lupain ng Gilead, sinabi nila sa mga ito:

16 “Ito ang sinabi ng buong bayan ni Jehova: ‘Paano ninyo nagawang magtaksil+ sa Diyos ng Israel? Tinalikuran ninyo ngayon si Jehova nang magtayo kayo ng isang altar at magrebelde kay Jehova.+ 17 Hindi pa ba sapat ang kasalanang nagawa natin sa Peor? Pinagdurusahan pa rin natin ang epekto ng pagkakamaling iyon, kahit dumanas na ng salot ang bayan ni Jehova.+ 18 At ngayon, gusto ninyong tumalikod kay Jehova! Kung magrerebelde kayo ngayon kay Jehova, bukas ay magagalit siya sa buong bayan ng Israel.+ 19 Ngayon, kung marumi ang lupaing pag-aari ninyo, tumawid kayo sa lupaing pag-aari ni Jehova+ kung saan naroon ang tabernakulo ni Jehova+ at tumira kayong kasama namin, pero huwag kayong magrebelde kay Jehova at huwag ninyo kaming gawing mga rebelde dahil sa pagtatayo ninyo ng altar bukod pa sa altar ni Jehova na Diyos natin.+ 20 Nang si Acan+ na anak ni Zera ay hindi naging tapat may kinalaman sa mga bagay na dapat wasakin, hindi ba’t nagalit ang Diyos sa buong Israel?+ At hindi lang siya ang namatay dahil sa kamalian niya.’”+

21 Sumagot ang mga Rubenita, ang mga Gadita, at ang kalahati ng tribo ni Manases sa mga ulo ng libo-libo ng Israel:+ 22 “Ang Diyos ng mga diyos,* si Jehova! Ang Diyos ng mga diyos, si Jehova!+ Alam niya, at malalaman din ng Israel. Kung nagrebelde kami at nagtaksil kay Jehova, huwag niya nawa kaming iligtas sa araw na ito. 23 Kung nagtayo kami ng altar para magrebelde kay Jehova at mag-alay ng mga handog na sinusunog, handog na mga butil, at mga haing pansalo-salo sa ibabaw nito, si Jehova ang magpaparusa sa amin.+ 24 Pero iba ang dahilan kaya namin ito ginawa. Naisip namin na sa hinaharap, baka sabihin ng mga anak ninyo sa mga anak namin: ‘Ano ang kinalaman ninyo kay Jehova na Diyos ng Israel? 25 Inilagay ni Jehova ang Jordan na hangganan sa pagitan namin at ninyo, ng mga Rubenita, at ng mga Gadita. Wala kayong kinalaman kay Jehova.’ At hahadlangan ng mga anak ninyo ang mga anak namin sa pagsamba* kay Jehova.

26 “Kaya sinabi namin, ‘Kumilos tayo at gumawa ng altar, hindi para sa mga handog na sinusunog o sa mga hain, 27 kundi para maging saksi sa pagitan namin at ninyo+ at ng ating mga inapo* na maglilingkod kami sa harap ni Jehova sa pamamagitan ng aming mga handog na sinusunog at ng aming mga hain at ng aming mga haing pansalo-salo,+ para hindi sabihin ng mga anak ninyo sa mga anak namin sa hinaharap: “Wala kayong kinalaman kay Jehova.”’ 28 Naisip namin, ‘Kung sasabihin nila iyan sa amin at sa mga inapo* namin sa hinaharap, sasabihin naman namin: “Tingnan ninyo ang altar na ginawa namin na kagaya ng altar ni Jehova na ginawa ng mga ninuno namin, hindi para sa mga handog na sinusunog o para sa mga hain, kundi para maging saksi sa pagitan namin at ninyo.”’ 29 Hindi namin magagawang magrebelde kay Jehova at tumalikod kay Jehova+ sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang altar para sa mga handog na sinusunog, handog na mga butil, at mga hain. Maghahandog lang kami sa altar ni Jehova na ating Diyos na nasa harap ng kaniyang tabernakulo!”+

30 Nang marinig ni Pinehas na saserdote at ng kasama niyang mga pinuno ng bayan at mga ulo ng libo-libo ng Israel ang sinabi ng mga inapo ni Ruben, Gad, at Manases, natuwa sila.+ 31 Kaya sinabi ni Pinehas, na anak ni Eleazar na saserdote, sa mga inapo ni Ruben, Gad, at Manases: “Alam na namin ngayon na si Jehova ay nasa gitna natin, dahil hindi kayo nagtaksil kay Jehova. Iniligtas ninyo ang mga Israelita mula sa kamay ni Jehova.”

32 Matapos kausapin ni Pinehas na anak ni Eleazar na saserdote at ng mga pinuno ang mga Rubenita at mga Gadita sa lupain ng Gilead, nagbalik sila sa lupain ng Canaan, at sinabi nila sa iba pang Israelita ang nangyari. 33 At natuwa ang mga Israelita sa ulat. Pagkatapos, pinuri ng mga Israelita ang Diyos, at hindi na nila muling pinag-usapan ang tungkol sa pakikipagdigma sa mga Rubenita at mga Gadita at sa pagwasak sa lupaing tinitirhan ng mga ito.

34 At pinangalanan ng mga Rubenita at mga Gadita ang altar,* dahil “iyon ay saksi sa pagitan natin na si Jehova ang tunay na Diyos.”

23 Pagkalipas ng mahabang panahon matapos bigyan ni Jehova ng kapahingahan ang Israel+ mula sa lahat ng kaaway nila sa palibot, nang si Josue ay matanda na at malapit nang mamatay,+ 2 ipinatawag ni Josue ang buong Israel,+ ang matatandang lalaki, mga ulo, mga hukom, at ang mga opisyal+ at sinabi sa kanila: “Matanda na ako at hindi na ako magtatagal. 3 At nakita ninyo mismo ang lahat ng ginawa ni Jehova na inyong Diyos sa lahat ng bansang ito alang-alang sa inyo dahil si Jehova na inyong Diyos ang nakikipaglaban para sa inyo.+ 4 Hinati-hati ko sa inyo sa pamamagitan ng palabunutan+ ang lupain ng mga bansang ito na natitira bilang mana para sa inyong mga tribo,+ pati ang lupain ng lahat ng bansang nilipol ko,+ mula sa Jordan hanggang sa Malaking Dagat* sa kanluran.* 5 At si Jehova na inyong Diyos ang patuloy na nagtataboy sa kanila sa harap ninyo,+ at pinalayas niya sila* para sa inyo, at kinuha ninyo ang lupain nila bilang pag-aari, gaya ng ipinangako sa inyo ni Jehova na inyong Diyos.+

6 “Ngayon ay lakasan ninyo ang inyong loob at magpakatatag kayo. Gawin ninyo ang lahat ng nakasulat sa aklat ng Kautusan+ ni Moises at huwag kayong lumihis doon.*+ 7 Huwag kayong makikisalamuha sa mga bansang ito+ na naninirahan pang kasama ninyo. Huwag man lang ninyong babanggitin ang pangalan ng mga diyos nila,+ huwag kayong susumpa sa pamamagitan ng mga ito, at huwag kayong maglilingkod o yuyukod sa mga ito.+ 8 Kundi manatili kayong tapat kay Jehova na inyong Diyos,+ gaya ng ginagawa ninyo hanggang sa araw na ito. 9 Tiyak na itataboy ni Jehova ang malalaki at malalakas na bansa mula sa harap ninyo,+ dahil walang sinuman ang nagtagumpay laban sa inyo hanggang sa araw na ito.+ 10 Isa lang sa inyo ang hahabol sa isang libo,+ dahil si Jehova na inyong Diyos ang nakikipaglaban para sa inyo,+ gaya ng ipinangako niya sa inyo.+ 11 Dapat ninyong ibigin si Jehova na inyong Diyos—sa gayon ay lagi ninyong maiingatan ang inyong buhay.+

12 “Pero kung tatalikod kayo sa Diyos at makikiisa sa mga bansang naninirahan pang kasama ninyo,+ mag-aasawa ng sinuman mula sa kanila,+ at makikipagkaibigan sa kanila, 13 makakatiyak kayong hindi na itataboy ni Jehova na inyong Diyos ang mga bansang ito* para sa inyo.+ Sila ay magiging bitag at silo sa inyo at hagupit sa mga tagiliran ninyo+ at tinik sa mga mata ninyo hanggang sa malipol kayo mula sa magandang lupaing ito na ibinigay sa inyo ni Jehova na inyong Diyos.

14 “Makinig kayo, malapit na akong mamatay, at alam na alam ninyo* na walang isa man sa lahat ng mabubuting bagay na ipinangako sa inyo ni Jehova na inyong Diyos ang nabigo. Ang mga iyon ay nagkatotoong lahat para sa inyo. Walang isa mang salita sa mga iyon ang nabigo.+ 15 Pero kung paanong natupad ang lahat ng mabubuting bagay na ipinangako sa inyo ni Jehova na inyong Diyos,+ ipararanas din sa inyo ni Jehova ang lahat ng kapahamakang sinabi niya sa inyo at lilipulin niya kayo mula sa magandang lupaing ito na ibinigay sa inyo ni Jehova na inyong Diyos.+ 16 Kung lalabag kayo sa tipan na sinabi ni Jehova na inyong Diyos na sundin ninyo at kung maglilingkod kayo sa ibang mga diyos at yuyukod sa mga iyon, lalagablab ang galit ni Jehova sa inyo+ at agad kayong malilipol mula sa magandang lupain na ibinigay niya sa inyo.”+

24 At tinipon ni Josue sa Sikem ang lahat ng tribo ng Israel at ipinatawag ang matatandang lalaki ng Israel, ang mga ulo nito, ang mga hukom nito, at ang mga opisyal nito,+ at tumayo sila sa harap ng tunay na Diyos. 2 Sinabi ni Josue sa buong bayan: “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Sa kabilang ibayo ng Ilog* nakatira noon+ ang inyong mga ninuno+—si Tera na ama nina Abraham at Nahor—at dati silang naglilingkod sa ibang mga diyos.+

3 “‘Pero kinuha ko ang inyong ninunong si Abraham+ mula sa kabilang ibayo ng Ilog* at pinalakad ko siya sa buong lupain ng Canaan at pinarami ang kaniyang mga supling.*+ Ibinigay ko sa kaniya si Isaac.+ 4 Pagkatapos ay ibinigay ko kay Isaac sina Jacob at Esau.+ At ibinigay ko kay Esau ang Bundok Seir;+ at si Jacob at ang mga anak niya ay bumaba sa Ehipto.+ 5 Pagkatapos, isinugo ko sina Moises at Aaron,+ at pinasapitan ko ng mga salot ang Ehipto;+ at saka ko kayo inilabas doon. 6 Nang inilalabas ko ang inyong mga ama mula sa Ehipto+ at nakarating kayo sa dagat, ang inyong mga ama ay hinabol ng mga Ehipsiyo na may mga karwaheng pandigma at mga kabalyero hanggang sa Dagat na Pula.+ 7 Nagsimula silang humingi ng tulong kay Jehova,+ kaya naglagay siya ng kadiliman sa pagitan ninyo at ng mga Ehipsiyo at itinabon niya sa kanila ang dagat at tinakpan sila,+ at nakita ng sarili ninyong mga mata kung ano ang ginawa ko sa Ehipto.+ At tumira kayo sa ilang nang maraming taon.*+

8 “‘At dinala ko kayo sa lupain ng mga Amorita na nakatira sa kabilang ibayo* ng Jordan, at nakipaglaban sila sa inyo.+ Pero ibinigay ko sila sa inyong kamay para masakop ninyo ang lupain nila, at nilipol ko sila sa harap ninyo.+ 9 At si Balak na anak ni Zipor, na hari ng Moab, ay nakipaglaban sa Israel. Ipinatawag niya si Balaam na anak ni Beor para sumpain kayo.+ 10 Pero hindi ko pinakinggan si Balaam.+ Kaya pinagpala niya kayo nang paulit-ulit,+ at iniligtas ko kayo mula sa kamay niya.+

11 “‘At tumawid kayo sa Jordan+ at nakarating sa Jerico.+ At ang mga pinuno* ng Jerico, ang mga Amorita, mga Perizita, mga Canaanita, mga Hiteo, mga Girgasita, mga Hivita, at ang mga Jebusita ay nakipaglaban sa inyo, pero ibinigay ko sila sa kamay ninyo.+ 12 Sinira ko ang loob nila,* kaya tumakas sila mula sa harap ninyo+—ang dalawang hari ng mga Amorita. Hindi iyon dahil sa inyong espada at pana.+ 13 Sa gayon ay binigyan ko kayo ng isang lupain na hindi ninyo pinagpaguran at ng mga lunsod na hindi ninyo itinayo,+ at tumira kayo sa mga ito. Kumakain kayo ng bunga mula sa mga ubasan at taniman ng olibo na hindi ninyo itinanim.’+

14 “Kaya matakot kayo kay Jehova at maglingkod sa kaniya nang buong katapatan,*+ at alisin ninyo ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa kabilang ibayo ng Ilog* at sa Ehipto,+ at maglingkod kayo kay Jehova. 15 Pero kung ayaw ninyong maglingkod kay Jehova, pumili kayo ngayon kung sino ang paglilingkuran ninyo,+ kung ang mga diyos na pinaglingkuran ng mga ninuno ninyo sa kabilang ibayo ng Ilog*+ o ang mga diyos ng mga Amorita sa lupaing tinitirhan ninyo.+ Pero para sa akin at sa sambahayan ko, maglilingkod kami kay Jehova.”

16 Sumagot ang bayan: “Malayong mangyari na iwan namin si Jehova at maglingkod kami sa ibang diyos. 17 Si Jehova na Diyos natin ang naglabas sa atin at sa ating mga ama mula sa lupain ng Ehipto,+ kung saan tayo inalipin;*+ siya ang gumawa ng kamangha-manghang mga himalang ito na nakita natin+ at ang nagbantay sa atin sa buong paglalakbay natin at sa lahat ng bayang dinaanan natin.+ 18 Pinalayas ni Jehova ang lahat ng bayan, kasama ang mga Amorita na dating naninirahan sa lupaing ito. Kaya kami rin ay maglilingkod kay Jehova, dahil siya ang Diyos namin.”

19 Sinabi ni Josue sa bayan: “Hindi kayo makapaglilingkod kay Jehova, dahil siya ay isang banal na Diyos;+ siya ay isang Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon.*+ Hindi niya pagpapaumanhinan ang pagsuway* at ang mga kasalanan ninyo.+ 20 Kung iiwan ninyo si Jehova at maglilingkod kayo sa mga diyos ng mga banyaga, tatalikuran din niya kayo at lilipulin kahit gumawa siya noon ng mabuti sa inyo.”+

21 Sinabi naman ng bayan kay Josue: “Hindi. Si Jehova ang paglilingkuran namin!”+ 22 Kaya sinabi ni Josue sa bayan: “Kayo ay mga saksi laban sa inyong sarili na sa sarili ninyong kagustuhan ay pinili ninyong paglingkuran si Jehova.”+ Sinabi naman nila: “Mga saksi kami.”

23 “Kung gayon, alisin ninyo ang mga diyos ng mga banyaga sa gitna ninyo, at maglingkod kayo nang buong puso kay Jehova na Diyos ng Israel.” 24 Sinabi ng bayan kay Josue: “Maglilingkod kami kay Jehova na aming Diyos, at makikinig kami sa tinig niya!”

25 Kaya si Josue ay nakipagtipan sa bayan nang araw na iyon at nagbigay sa kanila ng tuntunin at kautusan sa Sikem. 26 Pagkatapos, isinulat ni Josue ang mga salitang ito sa aklat ng Kautusan ng Diyos+ at kumuha siya ng malaking bato+ at inilagay iyon sa ilalim ng malaking puno na nasa tabi ng santuwaryo ni Jehova.

27 Sinabi ni Josue sa buong bayan: “Ang batong ito ang magsisilbing saksi laban sa atin,+ dahil narinig nito ang lahat ng sinabi sa atin ni Jehova, at magsisilbi itong saksi laban sa inyo, para hindi ninyo maikaila ang inyong Diyos.” 28 Pagkatapos, pinauwi ni Josue ang bayan, bawat isa sa kaniyang minanang lupain.+

29 Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Josue na anak ni Nun, na lingkod ni Jehova, ay namatay sa edad na 110.+ 30 Kaya inilibing nila siya sa minana niyang lupain, ang Timnat-sera,+ na nasa mabundok na rehiyon ng Efraim, sa hilaga ng Bundok Gaas. 31 Patuloy na naglingkod kay Jehova ang Israel habang nabubuhay si Josue at habang nabubuhay ang matatandang lalaki na mas huling namatay kaysa kay Josue at nakaaalam ng lahat ng ginawa ni Jehova para sa Israel.+

32 Ang mga buto ni Jose,+ na dinala ng mga Israelita mula sa Ehipto, ay inilibing sa Sikem sa bahagi ng parang na binili ni Jacob mula sa mga anak ni Hamor,+ na ama ni Sikem, sa halagang 100 piraso ng salapi;*+ at naging mana iyon ng mga anak ni Jose.+

33 Gayundin, si Eleazar na anak ni Aaron ay namatay.+ Inilibing nila siya sa Burol ni Pinehas na kaniyang anak,+ na ibinigay sa kaniya sa mabundok na rehiyon ng Efraim.

O “Jehosua,” ibig sabihin, “Si Jehova ay Kaligtasan.”

Dagat Mediteraneo.

O “lubugan ng araw.”

O “isinumpa.”

Lit., “lilihis doon, papunta sa kanan o sa kaliwa.”

O “bulay-bulayin.”

Sa silangan.

Sa silangan.

Lit., “natunaw ang puso namin.”

Lit., “may espiritu.”

O “mapananaligang tanda.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “kung may manakit.”

Mga 890 m (2,920 ft). Tingnan ang Ap. B14.

O “gaya ng isang pader.”

O “gaya ng isang pader.”

Dagat na Patay.

Lit., “at natakot sila sa kaniya.”

Lit., “sa panig na papunta sa dagat.”

Lit., “natunaw ang puso nila.”

Lit., “at nawalan na ng espiritu.”

Ibig sabihin, “Burol ng mga Dulong-Balat.”

O “lalaking nasa edad na para magsundalo.”

Lit., “sa atin.”

Lit., “Iginulong ko palayo.”

Ibig sabihin, “Iginulong; Iginulong Palayo.”

O “prinsipe.”

O “mahabang tunog.”

O posibleng “pinabigkas ni Josue sa bayan.”

O “Umakyat.”

Ibig sabihin, “Mga Tibagan.”

Lit., “natunaw ang puso ng bayan at naging gaya ng tubig.”

Sa silangan.

O “damit ng opisyal.”

Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.

O “Mababang Kapatagan.”

Ibig sabihin, “Kapahamakan.”

O “mababang kapatagan.”

Maikling sibat.

O “puno.”

Lit., “lumalakad na.”

Dagat Mediteraneo.

O “alipin.”

Sa silangan.

O “sinuri.”

Lit., “kami ay nasa mga kamay mo.”

O “dakilang.”

Lit., “Huwag mong ibaba ang kamay mo mula sa iyong mga alipin.”

O “malalaking graniso.”

O “Mababang Kapatagan.”

O “nakukutaang.”

Lit., “ang nagpatalas ng dila.”

O “puno.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “Araba.”

O “karong.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Lit., “ang Sepela.”

O “Wadi.”

O “Wadi.”

O “Wadi.”

Lawa ng Genesaret, o Lawa ng Galilea.

Dagat na Patay.

O “mula sa Sihor.”

Lit., “tapat.”

O “pasukan ng Hamat.”

O “Kukunin ko ang lupain nila.”

Tribo ni Manases.

O “Wadi.”

O “kinuha ang lupain nila.”

O “Wadi.”

O “mababang kapatagan.”

Mga haring sakop ni Sihon.

O “mababang kapatagan.”

Lawa ng Genesaret, o Lawa ng Galilea.

Sa orihinal na wika, ang salitang ginamit dito ay tumutukoy sa mga nayon kung saan ang mga tao ay nakatira sa mga tolda.

O “angkan ng ama.”

Sa silangan.

Lit., “may dala akong salita ayon sa nasa puso ko.”

Lit., “ay naging dahilan para matunaw ang puso.”

Lit., “nang lubusan.”

O “nakukutaang.”

O “malamang.”

O “kukunin ko ang lupain nila.”

O “napunta sa tribo ni Juda sa pamamagitan ng palabunutan.”

Dagat na Patay.

Tingnan sa Glosari.

Malaking Dagat, ang Mediteraneo.

Dagat na Patay.

O “Mababang Kapatagan.”

O “Mababang Kapatagan.”

Dagat Mediteraneo.

Si Caleb.

O posibleng “ipinalakpak niya ang mga kamay niya habang nakasakay sa asno.”

O “Negeb,” isang tuyot na lupain.

Posibleng nangangahulugang “Mga Bukal ng Tubig.”

O posibleng “ang Gedera at ang mga kulungan nito ng tupa.”

O “ang mga nayong nakadepende rito.”

Dagat Mediteraneo.

O “ang lupaing ibinigay sa mga inapo ni Jose.”

Sa silangan.

Lit., “pakanan.”

Ang mga tao o ang teritoryo ng Manases.

O “ang mga nayong nakadepende rito.”

O “hindi nila kinuha ang lupain ng mga ito.”

Ang literal na pananalitang ginamit ay tumutukoy sa teritoryong sinukat at ibinigay sa pamamagitan ng palabunutan.

Lit., “akin.”

O “mababang kapatagan.”

Lit., “karwaheng bakal.”

O “Mababang Kapatagan.”

Lit., “karwaheng bakal.”

O “Mababang Kapatagan.”

Dagat na Patay.

O “wadi.”

O “nakukutaang.”

Walang intensiyong pumatay o nakapatay nang di-namamalayan.

O “dahil nakapatay siya nang di-namamalayan.”

O “Kaya ibinukod nila.”

O “binigyan sa pamamagitan ng palabunutan.”

O “salita.”

Sa silangan.

Tumutukoy sa mga dibisyon ng mga tribo na binubuo ng libo-libong lalaki.

O “Ang Banal na Diyos.”

Lit., “pagkatakot.”

Lit., “henerasyon.”

Lit., “henerasyon.”

Batay sa ibinigay na paliwanag, ang altar ay malamang na pinangalanang Saksi.

Dagat Mediteraneo.

O “sa lubugan ng araw.”

O “kinuha niya ang lupain nila.”

Lit., “lumihis doon, papunta sa kanan o sa kaliwa.”

O “hindi na kukunin ni Jehova na inyong Diyos ang lupain ng mga bansang ito.”

Lit., “alam na alam ninyo nang inyong buong puso at buong kaluluwa.”

Eufrates.

Eufrates.

Lit., “kaniyang binhi.”

Lit., “araw.”

Sa silangan.

O posibleng “may-ari ng lupain.”

O posibleng “Tinakot ko sila; tinaranta ko sila.”

O “nang walang pagkukulang at sa katotohanan.”

Eufrates.

Eufrates.

Lit., “sa bahay ng mga alipin.”

O “na hindi pumapayag na magkaroon ng kahati.”

O “pagrerebelde.”

Lit., “kesitah.” Isang uri ng sinaunang pera na di-alam ang halaga.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share