OSEAS
1 Ito ang salita ni Jehova na dumating kay Oseas* na anak ni Beeri noong panahon nina Uzias,+ Jotam,+ Ahaz,+ at Hezekias,+ na mga hari ng Juda,+ at noong panahon ng anak ni Joas+ na si Jeroboam,+ na hari ng Israel. 2 Nang simulang ipaalám ni Jehova ang kaniyang salita sa pamamagitan ni Oseas, sinabi ni Jehova kay Oseas: “Kumuha ka ng isang babaeng mapakiapid* bilang asawa, at magkaroon ka ng mga anak na bunga ng pakikiapid.* Dahil sa pamamagitan ng pakikiapid,* lubusang tinalikuran ng lupain ang pagsunod kay Jehova.”+
3 Kaya kinuha niya bilang asawa si Gomer na anak ni Diblaim. Nagdalang-tao ito, at nagkaanak sila ng lalaki.
4 At sinabi ni Jehova sa kaniya: “Pangalanan mo siyang Jezreel,* dahil sandali na lang at pananagutin ko ang sambahayan ni Jehu+ dahil sa pagpapadanak nila ng dugo sa Jezreel, at wawakasan ko ang pamamahala ng sambahayan ng Israel.+ 5 Sa araw na iyon, babaliin ko ang pana ng Israel sa Lambak* ng Jezreel.”
6 Muling nagdalang-tao si Gomer at nagsilang ng babae. At sinabi Niya kay Oseas: “Pangalanan mo siyang Lo-ruhama,* dahil hindi ko na kaaawaan+ ang sambahayan ng Israel; itataboy ko sila.+ 7 Pero kaaawaan ko ang sambahayan ng Juda,+ at ako mismong si Jehova na kanilang Diyos ang magliligtas sa kanila;+ hindi ako gagamit ng pana, espada, digmaan, mga kabayo, o mga mangangabayo para iligtas sila.”+
8 Nang maawat na sa pagsuso si Lo-ruhama, nagdalang-tao ulit si Gomer at nagsilang ng lalaki. 9 At sinabi Niya: “Pangalanan mo siyang Lo-ami,* dahil hindi ko kayo bayan at ako ay hindi magiging sa inyo.
10 “At ang bayang Israel ay magiging kasindami ng mga butil ng buhangin sa dagat, na hindi matatakal o mabibilang.+ At sa lugar kung saan sinabi ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo bayan,’+ doon ay sasabihin ko sa kanila, ‘Kayo ang mga anak ng Diyos na buháy.’+ 11 At ang mga taga-Juda at taga-Israel ay titipunin at pagkakaisahin,+ at pipili sila ng isang pinuno* at aalis sila sa lupain, dahil magiging dakila ang araw ng Jezreel.+
2 “Sabihin ninyo sa mga kapatid ninyong lalaki, ‘O bayan ko!’*+
At sa mga kapatid ninyong babae, ‘O mga babaeng pinagpakitaan ng awa!’*+
Dapat niyang itigil ang pakikiapid* niya
At alisin ang pangangalunya sa pagitan ng kaniyang mga suso,
3 Dahil kung hindi ay huhubaran ko siya gaya noong araw na ipanganak siya,
Kaya magiging gaya siya ng ilang
At lupaing walang tubig,
At mamamatay siya sa uhaw.
5 Dahil nakiapid* ang kanilang ina.+
Ang nagdalang-tao sa kanila ay gumawi nang kahiya-hiya,+ dahil sinabi niya,
‘Hahabulin ko ang mga kalaguyo ko,+
Ang mga nagbibigay sa akin ng tinapay at tubig,
Lana at lino, at langis at inumin.’
6 Kaya lalagyan ko ng matitinik na harang ang iyong daan;
At magtatayo ako ng batong pader
Para hindi niya makita ang mga dadaanan niya.
7 Hahabulin niya ang mga kalaguyo niya, pero hindi niya sila maaabutan;+
Hahanapin niya sila, pero hindi niya sila makikita.
At sasabihin niya, ‘Babalik ako sa una kong asawa,+
Dahil mas maganda ang kalagayan ko noon kaysa ngayon.’+
8 Hindi niya kinilala na ako ang nagbigay sa kaniya ng butil,+ bagong alak, at langis,
Pati ng maraming pilak at ng ginto,
Na ginamit nila para kay Baal.+
9 ‘Kaya babalik ako at kukunin ko ang aking butil sa panahon ng pag-aani
At ang aking bagong alak sa panahon ng pagtitipon,+
At aagawin ko ang aking lana at lino na pantakip niya sa hubad niyang katawan.
10 Ilalantad ko ngayon sa mga kalaguyo niya ang kaniyang pribadong mga bahagi,
At walang magliligtas sa kaniya mula sa kamay ko.+
11 Wawakasan ko ang lahat ng kaniyang pagsasaya,
Kapistahan,+ bagong buwan, sabbath, at lahat ng kaniyang masasayang pagtitipon.
12 At sisirain ko ang kaniyang mga puno ng ubas at igos, na tungkol sa mga ito ay sinabi niya:
“Ito ang bayad sa akin ng mga kalaguyo ko”;
Gagawin kong kagubatan ang taniman ng mga iyon,
At ang mga iyon ay lalamunin ng mababangis na hayop sa parang.
13 Pananagutin ko siya dahil sa mga panahong naghandog siya sa mga imahen ni Baal,+
Noong nagsusuot siya ng mga singsing at palamuti para magpaganda at hinahabol niya ang mga kalaguyo niya,
At ako ang kinalimutan niya,’+ ang sabi ni Jehova.
14 ‘Kaya hihimukin ko siyang bumalik,
Aakayin ko siya sa ilang,
At kakausapin ko siya para makuha ang loob niya.
15 Mula sa panahong iyon, ibabalik ko sa kaniya ang mga ubasan niya+
At ibibigay ko sa kaniya ang Lambak* ng Acor+ bilang daan tungo sa pag-asa;
Sasagot siya sa akin doon gaya noong panahon ng kabataan niya,
Gaya noong araw na lumabas siya sa Ehipto.+
16 At sa araw na iyon,’ ang sabi ni Jehova,
‘Tatawagin mo akong Aking asawa, at hindi mo na ako tatawaging Aking panginoon.’*
17 ‘Hindi ko hahayaang banggitin niya ang pangalan ng mga imahen ni Baal,+
At malilimutan na ang pangalan nila.+
18 Sa araw na iyon, makikipagtipan ako sa mababangis na hayop sa parang alang-alang sa bayan ko,+
Pati sa mga ibon sa langit at gumagapang na nilikha sa lupa;+
Aalisin ko sa lupain ang pana at espada at digmaan,+
19 Makikipagtipan ako sa iyo para maging asawa kita magpakailanman;
At makikipagtipan ako sa iyo nang may katuwiran at katarungan
At tapat na pag-ibig at awa.+
21 ‘Tutugon ako sa araw na iyon,’ ang sabi ni Jehova,
‘Ibibigay ko ang kahilingan ng langit,
At ibibigay naman nito ang kahilingan ng lupa;+
22 At ibibigay ng lupa ang kahilingan ng butil at bagong alak at langis;
At tatanggapin ng Jezreel* ang mga ito bilang sagot sa kahilingan nito.+
At sasabihin nila: “Ikaw ang Diyos namin.”’”*+
3 At sinabi ni Jehova sa akin: “Mahalin mong muli ang babaeng iniibig ng ibang lalaki at nangangalunya,+ kung paanong iniibig ni Jehova ang bayang Israel+ kahit bumabaling sila sa ibang mga diyos+ at gustong-gusto nilang maghandog sa mga ito ng kakaning pasas.”
2 Kaya binili ko siya sa halagang 15 pirasong pilak at isa’t kalahating takal na homer* ng sebada. 3 Sinabi ko sa kaniya: “Mananatili kang akin sa loob ng maraming araw. Huwag kang makikiapid,* at huwag kang makikipagtalik sa ibang lalaki, at hindi rin ako makikipagtalik sa iyo.”
4 Dahil ang bayang Israel ay matagal* na mawawalan ng hari,+ pinuno,* hain, haligi, at epod*+ at mga rebultong terapim.*+ 5 Pagkatapos, babalik ang bayang Israel, at hahanapin nila ang Diyos nilang si Jehova+ at ang hari nilang si David,+ at lalapit sila nang nanginginig kay Jehova para matamo ang kaniyang kabutihan sa huling bahagi ng mga araw.+
4 Pakinggan ninyo ang salita ni Jehova, O bayang Israel,
Dahil si Jehova ay may kaso laban sa mga nakatira sa lupain,+
Dahil wala sa lupain ang katotohanan o tapat na pag-ibig o kaalaman sa Diyos.+
2 Laganap ang mga panatang di-totoo, pagsisinungaling,+ pagpatay,+
Pagnanakaw, at pangangalunya;+
At walang tigil ang pagdanak ng dugo.+
3 Kaya ang lupain ay magdadalamhati+
At ang lahat ng naninirahan doon ay manghihina;
Ang maiilap na hayop sa parang at ang mga ibon sa langit,
Kahit ang mga isda sa dagat, ay mamamatay.
4 “Pero huwag nang makipagtalo o sumaway+ ang sinuman,
Dahil ang iyong bayan ay gaya ng mga nakikipagtalo sa isang saserdote.+
5 Kaya matitisod ka habang maliwanag ang araw,
At ang propeta ay matitisod ding kasama mo, na parang gabi.
At patatahimikin* ko ang iyong ina.
6 Patatahimikin* ang bayan ko dahil hindi nila ako kilala.
Dahil ayaw mo akong kilalanin,+
Itatakwil din kita bilang saserdote ko;
At dahil nilimot mo ang kautusan* ng iyong Diyos,+
Lilimutin ko ang mga anak mo.
7 Habang dumarami sila, dumarami rin ang kasalanan nila sa akin.+
Gagawin kong kahihiyan ang kaluwalhatian nila.*
8 Kumakain sila mula sa kasalanan ng aking bayan,
At gustong-gusto nilang magkasala ang mga ito.
9 Pareho ang mangyayari sa bayan at sa saserdote;
Pananagutin ko sila dahil sa landasin nila,
At ipararanas ko sa kanila ang resulta ng mga ginagawa nila.+
10 Kakain sila pero hindi mabubusog.+
Makikiapid sila sa marami,* pero hindi sila magkakaanak at darami,+
Dahil binale-wala nila si Jehova.
12 Kumokonsulta ang bayan ko sa kanilang kahoy na idolo,
At ginagawa nila kung ano ang sinasabi ng baston* nila;
Dahil inililigaw sila ng pagnanasa nilang makiapid,
At sa pakikiapid nila ay tumatanggi silang magpasakop sa kanilang Diyos.
13 Naghahain sila sa tuktok ng mga bundok+
At nagsusunog ng handog sa mga burol,
Sa ilalim ng mga puno ng ensina at estorake at bawat malaking puno+
Dahil malilim sa mga iyon.
Kaya naman nakikiapid* ang inyong mga anak na babae
At nangangalunya ang inyong mga manugang na babae.
14 Hindi ko pananagutin ang inyong mga anak na babae sa pakikiapid* nila,
At ang inyong mga manugang na babae sa pangangalunya nila.
Dahil ang mga lalaki ay sumama sa mga babaeng bayaran
At naghandog kasama ng mga babaeng bayaran sa templo;
Ang gayong mga tao na walang unawa+ ay malilipol.
Huwag kayong pumunta sa Gilgal+ o sa Bet-aven,+
At huwag ninyong sabihin, ‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova!’+
16 Dahil gaya ng sutil na baka, ang Israel ay nagpakasutil.+
Kaya papastulan ba sila ni Jehova na gaya ng batang lalaking tupa sa malawak na pastulan?*
17 Hindi maiwan ng Efraim ang mga idolo.+
Pabayaan ninyo siya!
At gustong-gusto ng mga pinuno* niya ang kasiraang-puri.+
5 “Pakinggan ninyo ito, mga saserdote,+
Magbigay-pansin kayo, O sambahayan ng Israel,
Makinig kayo, O sambahayan ng hari,
Dahil para sa inyo ang hatol;
Dahil kayo ay isang bitag sa Mizpa
At isang lambat na nakalatag sa ibabaw ng Tabor.+
3 Kilala ko ang Efraim,
At hindi makapagtatago sa akin ang Israel.
4 Dahil sa pakikitungo nila, hindi sila makapanunumbalik sa Diyos nila,
Dahil gusto nilang makiapid;+
At hindi nila kinikilala si Jehova.
5 Ang pagmamataas ng Israel ay naging ebidensiya laban sa kaniya;*+
Ang Israel at Efraim ay natisod dahil sa kasalanan nila,
At ang Juda ay natisod kasama nila.+
6 Hinanap nila si Jehova kasama ang kanilang kawan at bakahan,
Pero hindi nila siya nakita.
Lumayo siya sa kanila.+
Kaya mauubos sila sa loob ng isang buwan pati na ang mga lupain* nila.
8 Hipan ninyo ang tambuli+ sa Gibeah, ang trumpeta sa Rama!+
Sumigaw kayo ng hiyaw para sa pakikipagdigma sa Bet-aven+—manguna ka, O Benjamin!
9 O Efraim, matatakot ang mga tao dahil sa mangyayari sa iyo sa araw ng pagpaparusa.+
Ang mangyayari sa mga tribo ng Israel ay inihayag ko na.
10 Ang mga pinuno* ng Juda ay naging gaya ng mga nag-uusod ng hangganan.+
Ibubuhos kong parang tubig ang galit ko sa kanila.
11 Ang Efraim ay nahirapan at nadurog dahil sa hatol sa kaniya,
Dahil determinado siyang sumunod sa kalaban niya.+
12 Kaya ako ay naging gaya ng mapaminsalang insekto sa Efraim
At gaya ng kabulukan sa sambahayan ng Juda.
13 Nang makita ng Efraim ang sakit niya at ng Juda ang sugat nito,
Ang Efraim ay pumunta sa Asirya+ at nagsugo ng mga mensahero sa isang dakilang hari.
Pero hindi ka niya napagaling,
At hindi niya kayang gamutin ang sugat mo.
14 Ako ay magiging gaya ng leon sa Efraim
At gaya ng malakas na leon sa sambahayan ng Juda.
15 Aalis ako at babalik sa sarili kong lugar hanggang sa anihin nila ang bunga ng kasalanan nila,
Kapag nasa kagipitan sila, hahanapin nila ako.”+
Sinaktan niya tayo, pero bebendahan niya ang mga sugat natin.
2 Palalakasin niya tayo pagkaraan ng dalawang araw.
Ibabangon niya tayo sa ikatlong araw,
At mabubuhay tayo sa harap niya.
3 Makikilala natin si Jehova; pagsisikapan nating makilala siya.
Tiyak ang paglapit niya sa atin, gaya ng pagsikat ng araw sa umaga;
Lalapit siya sa atin na gaya ng bumubuhos na ulan,
Gaya ng ulan sa tagsibol na dumidilig sa lupa.”
4 “Ano ang dapat kong gawin sa iyo, Efraim?
Ano ang dapat kong gawin sa iyo, Juda?
Dahil ang tapat na pag-ibig mo ay parang ulap sa umaga,
Parang hamog na madaling naglalaho.
5 Kaya naman pababagsakin ko sila sa pamamagitan ng mga propeta;+
Papatayin ko sila sa pamamagitan ng mga pananalita ng bibig ko.+
At ang mga hatol sa iyo ay sisinag na gaya ng liwanag.+
6 Dahil tapat na pag-ibig* ang gusto ko at hindi hain,
At kaalaman sa Diyos, sa halip na mga buong handog na sinusunog.+
7 Pero sumira sila sa tipan, gaya ng karaniwang tao.+
Pinagtaksilan nila ako sa lupain nila.
9 Ang grupo ng mga saserdote ay gaya ng grupo ng mga mandarambong na nag-aabang sa isang tao.
Pumapatay sila sa lansangan sa Sikem,+
Dahil masama talaga ang ginagawa nila.
10 May nakita akong kakila-kilabot na bagay sa sambahayan ng Israel.
11 At isang pag-aani ang itinakda para sa iyo, O Juda,
Kapag tinipon kong muli ang mga nabihag sa aking bayan.”+
7 “Noong panahong pagagalingin ko ang Israel,
Nalantad ang kasalanan ng Efraim+
At ang kasamaan ng Samaria.+
2 Pero hindi nila sinasabi sa sarili nila na matatandaan ko ang lahat ng kasamaan nila.+
Ngayon ay nakapalibot sa kanila ang mga ginawa nila;
Ang mga iyon ay nasa harap ng mukha ko.
4 Lahat sila ay mapangalunya,
Gaya ng pugon na pinaaapoy ng isang panadero
At hindi na kailangang painitin habang nagmamasa siya at naghihintay na umalsa ang masa.
Iniabot niya ang kamay niya sa mga manlalait.
6 Dahil lumapit sila habang nag-aapoy ang mga puso nila na gaya ng pugon.*
Magdamag na natulog ang panadero;
Sa kinaumagahan, nagliliyab ang pugon gaya ng malaking apoy.
8 Nakikisama ang Efraim sa ibang bansa.+
Ang Efraim ay gaya ng bilog na tinapay na hindi naibaligtad habang niluluto.
9 Inubos ng mga estranghero ang lakas niya,+ pero hindi niya ito alam.
At namuti ang buhok niya pero hindi niya napansin.
10 Ang ipinagmamalaki ng Israel ay tumestigo laban sa kaniya,+
Pero hindi sila nanumbalik sa Diyos nilang si Jehova,+
At hindi nila siya hinanap sa kabila ng lahat ng ito.
11 Ang Efraim ay gaya ng kalapati na mangmang at kulang sa unawa.*+
Humingi sila ng tulong sa Ehipto;+ lumapit sila sa Asirya.+
12 Saanman sila pumunta, ihahagis ko sa kanila ang lambat ko.
Pababagsakin ko silang gaya ng mga ibon sa langit.
Didisiplinahin ko sila ayon sa babalang ibinigay sa kapulungan nila.+
13 Kawawa sila, dahil tinakasan nila ako!
Mapapahamak sila, dahil nagkasala sila sa akin!
Nakahanda na akong tubusin sila, pero nagsabi sila ng mga kasinungalingan tungkol sa akin.+
14 Hindi mula sa puso ang paghingi nila ng tulong sa akin,+
Kahit tumatangis sila sa mga higaan nila.
Hinihiwaan nila ang sarili nila para sa butil at bagong alak;
Nilalabanan nila ako.
15 Kahit dinisiplina ko sila at pinalakas ang mga bisig nila,
Nilalabanan nila ako at nagpaplano sila ng masama.
16 Nagbago sila ng landas, pero hindi tungo sa mas mataas;*
Hindi sila maaasahan, gaya ng panang maluwag ang bagting.+
Ang mga pinuno nila ay mamamatay sa espada dahil palaban ang dila nila.
Dahil dito, magiging tampulan sila ng panlalait sa Ehipto.”+
May dumarating na gaya ng agila laban sa bahay ni Jehova,+
Dahil sumira sila sa tipan ko+ at nilabag nila ang kautusan ko.+
2 Sumisigaw sila sa akin, ‘Diyos ko, kilala ka namin, kaming Israel!’+
3 Itinakwil ng Israel ang mabuti.+
Hahabulin siya ng isang kaaway.
4 Nagluklok sila ng mga hari na hindi mula sa akin.
Nag-atas sila ng mga pinuno* na hindi ko kinikilala.
5 Ang iyong guya* ay itinakwil, O Samaria.+
Lumalagablab ang galit ko sa kanila.+
Hanggang kailan sila mananatiling marumi?
6 Dahil mula iyon sa Israel.
Gawa lang iyon ng isang bihasang manggagawa, at hindi iyon ang Diyos;
Ang guya ng Samaria ay dudurugin.
Walang hinog na butil ang mga tangkay;+
Anumang sumisibol ay hindi puwedeng gawing harina.
Kung mayroon mang maging bunga, lalamunin iyon ng mga dayuhan.*+
Ngayon ay mapapasama sila sa mga bansa,+
Gaya ng sisidlang inaayawan.
9 Dahil pumunta sila sa Asirya,+ gaya ng isang mailap na asnong nag-iisa.
Ang Efraim ay umupa ng mga kalaguyo.+
10 Kahit na mula sa mga bansa sila umuupa ng mga kalaguyo,
Ngayon ay titipunin ko sila;
Magsisimula silang magdusa+ dahil sa pasaning galing sa hari at mga pinuno.
11 Dahil ang Efraim ay nagparami ng mga altar at nagkasala.+
Ginamit niya ang mga altar na iyon para magkasala.+
13 Naghahandog sila sa akin ng mga kaloob, at kinakain nila ang karne,
Pero hindi nalulugod si Jehova sa mga iyon.+
Ngayon ay aalalahanin niya ang mga kasalanan nila at paparusahan sila dahil sa mga iyon.+
Pero magpapadala ako ng apoy sa kaniyang mga lunsod,
At tutupukin nito ang mga tore ng bawat lunsod.”+
Dahil sa pamamagitan ng prostitusyon* ay lumayo ka sa iyong Diyos.+
Nagustuhan mo ang bayad para sa isang babaeng bayaran na tinanggap mo mula sa bawat giikan ng butil.+
3 Hindi sila patuloy na maninirahan sa lupain ni Jehova;+
Babalik sa Ehipto ang Efraim,
At kakain sila ng marumi sa Asirya.+
4 Hindi na sila magbubuhos ng alak bilang handog kay Jehova;+
Hindi siya masisiyahan sa mga hain nila.+
Ang mga iyon ay gaya ng tinapay ng pagdadalamhati;
Ang lahat ng kumakain nito ay magiging marumi.
Dahil sila lang ang makikinabang sa tinapay nila;
Hindi iyon papasok sa bahay ni Jehova.
6 Dahil may magaganap na pagwasak at kakailanganin nilang tumakas.+
Titipunin sila ng Ehipto,+ at ililibing sila ng Memfis.+
Mapupunta sa halamang kulitis ang mahahalagang pag-aari nila na gawa sa pilak,
At magkakaroon ng matitinik na halaman sa tolda nila.
7 Darating ang mga araw ng pagtutuos,+
Darating ang mga araw ng paniningil,
At malalaman iyon ng Israel.
Magiging mangmang ang propeta nila, at mababaliw ang nag-aangking tagapagsalita ng Diyos;
Kinapopootan ka nang husto dahil napakarami ng kasalanan mo.”
8 Kasama noon ng aking Diyos+ ang bantay+ ng Efraim.
Pero ngayon, ang lahat ng ginagawa ng mga propeta niya+ ay gaya ng mga bitag ng manghuhuli ng ibon;
May matinding poot sa bahay ng kaniyang Diyos.
9 Nagpakasasa sila sa mga gawaing aakay sa kapahamakan, gaya noong mga araw ng Gibeah.+
Aalalahanin niya ang kasalanan nila at paparusahan sila dahil sa mga ito.+
10 “Natagpuan ko ang Israel na gaya ng ubas sa ilang.+
Nakita ko ang iyong mga ninuno na gaya ng unang bunga ng puno ng igos.
Pero lumapit sila sa Baal ng Peor;+
Inialay nila ang kanilang sarili sa kahiya-hiyang bagay,*+
At naging kasuklam-suklam sila gaya ng bagay na iniibig nila.
11 Naglaho ang kaluwalhatian ng Efraim gaya ng isang ibong lumipad;
Walang nanganganak, walang nagdadalang-tao, at walang naglilihi.+
12 Kahit makapagpalaki sila ng mga anak,
Uubusin ko ang mga ito hanggang sa wala nang matira;+
Oo, magiging kaawa-awa sila kapag tinalikuran ko sila!+
13 Para sa akin, gaya ng Tiro+ ang Efraim, na nakatanim sa isang pastulan;
Ngayon, kailangang ilabas ng Efraim ang kaniyang mga anak para patayin.”
14 Ibigay mo sa kanila, O Jehova, kung ano ang dapat mong ibigay;
Isang sinapupunang nakukunan at dibdib na tuyot.*
15 “Sa Gilgal nila ginawa ang lahat ng kasamaan nila,+ kaya doon ako napoot sa kanila.
Palalayasin ko sila sa bahay ko dahil sa masasamang gawa nila.+
Matutuyo ang ugat nila, at hindi sila mamumunga.
Kahit manganak sila, papatayin ko ang minamahal nilang mga supling.”
17 Itatakwil sila ng aking Diyos,
Dahil hindi sila nakinig sa kaniya,+
At magiging mga takas sila sa gitna ng mga bansa.+
10 “Ang Israel ay nabubulok* na punong ubas na namumunga.+
Habang dumarami ang bunga niya, pinararami niya rin ang altar niya;+
Habang gumaganda ang ani sa lupain niya, gumaganda rin ang mga sagradong haligi niya.+
2 Mapagpanggap ang puso nila;
Ngayon ay mapatutunayan silang may-sala.
May sisira sa mga altar nila at wawasak sa mga haligi nila.
3 At sasabihin nila, ‘Wala kaming hari+ dahil hindi kami natakot kay Jehova.
At ano ang magagawa ng hari para sa amin?’
4 Nagsasalita sila ng walang kabuluhan, sumusumpa ng kasinungalingan,+ at nakikipagtipan;
Kaya ang paghatol nila ay gaya ng nakalalasong panirang-damo sa mga tudling* sa bukid.+
5 Matatakot ang mga nakatira sa Samaria para sa idolong guya* ng Bet-aven.+
Magdadalamhati ang mga mananamba nito,
Pati ang mga saserdote ng huwad na diyos na ito na dating nagsasaya dahil dito at sa kaluwalhatian nito,
Dahil magiging tapon ito at malalayo sa kanila.
6 Dadalhin ito sa Asirya bilang regalo sa isang dakilang hari.+
Mapapahiya ang Efraim,
At mahihiya ang Israel dahil sa payong sinunod nito.+
8 Wawasakin ang matataas na lugar ng Bet-aven,+ ang kasalanan ng Israel.+
Tutubuan ng damo at matitinik na halaman ang mga altar nila.+
Sasabihin ng mga tao sa mga bundok, ‘Takpan ninyo kami!’
At sa mga burol, ‘Itago ninyo kami!’+
9 Nagkasala ka, O Israel, mula pa noong panahon ng Gibeah.+
Hindi sila nagbago.
Ang mga anak ng kalikuan ay hindi lubusang nalipol ng digmaan sa Gibeah.
10 Didisiplinahin ko sila kung kailan ko gusto.
At titipunin ang mga bayan laban sa kanila
Kapag ikinabit sa kanila ang dalawa nilang kasalanan.*
11 Ang Efraim noon ay isang sinanay na dumalagang baka na gustong-gustong maggiik,
Kaya hindi ko nilagyan ng pamatok ang maganda niyang leeg.
Pero ngayon ay may pasasakayin ako sa Efraim.+
Mag-aararo ang Juda; magsusuyod ng lupa ang Jacob para sa isang iyon.
12 Maghasik kayo ng binhi ng katuwiran* at umani ng tapat na pag-ibig.
Mag-araro kayo sa mabungang lupain para sa inyong sarili+
Habang may panahon pa para hanapin si Jehova,+
Hanggang sa dumating siya at turuan kayo ayon sa katuwiran.+
13 Pero nag-araro kayo ng kasamaan,
Umani ng kalikuan,+
At kumain ng bunga ng panlilinlang;
Dahil nagtiwala ka sa sarili mo,
Sa marami mong mandirigma.
14 Maririnig ang ingay ng pakikipagdigma laban sa iyong bayan,
At wawasakin ang lahat ng iyong napapaderang* lunsod,+
Gaya ng pagwasak ni Salman sa bahay ni Arbel,
Nang pagluray-lurayin ang mga ina kasama ang mga anak noong araw ng labanan.
15 Ganiyan ang gagawin sa iyo, O Bethel,+ dahil sa sobrang kasamaan ninyo.
Sa pagbubukang-liwayway, papatayin* ang hari ng Israel.”+
3 Pero ako ang nagturo sa Efraim na lumakad,+ at binubuhat ko sila sa mga bisig ko;+
At hindi nila kinilala na pinagaling ko sila.
4 Inaakay ko sila gamit ang mga lubid ng tao,* ang mga panali ng pag-ibig;+
At naging gaya ako ng nag-aalis ng pamatok sa leeg* nila,
At maingat kong pinakain ang bawat isa sa kanila.
5 Hindi sila babalik sa Ehipto, pero Asirya ang maghahari sa kanila,+
Dahil ayaw nilang manumbalik sa akin.+
6 At isang espada ang iwawasiwas sa mga lunsod niya,+
At wawasakin nito ang mga halang niya at lalamunin sila dahil sa mga pakana nila.+
7 Napakadali para sa bayan ko na magtaksil sa akin.+
Kahit tinawag nila sila paitaas,* walang tumatayo.
8 Paano ko magagawang pabayaan ka, O Efraim?+
Paano ko magagawang ibigay ka sa iba, O Israel?
Paano ko magagawang tratuhin kang gaya ng Adma
O gawin sa iyo ang ginawa ko sa Zeboiim?+
9 Hindi ko ilalabas ang nag-aapoy kong galit.
Hindi ko na muling wawasakin ang Efraim,+
Dahil ako ay Diyos at hindi tao,
Ang Banal sa gitna ninyo;
At hindi ko kayo haharapin nang galit na galit.
10 Lalakad silang kasunod ni Jehova, at uungal siyang gaya ng leon;+
Kapag umungal siya, ang mga anak niya ay darating mula sa kanluran na nanginginig.+
11 Manginginig silang gaya ng ibon kapag umalis sila sa Ehipto,
Gaya ng isang kalapati kapag umalis sila sa Asirya;+
At patitirahin ko sila sa mga bahay nila,” ang sabi ni Jehova.+
Pero ang Juda ay lumalakad pa ring kasama ng Diyos,
At tapat siya sa Kabanal-banalan.”+
12 “Hangin ang kinakain ng Efraim.
Buong araw siyang naghahabol sa hanging silangan.
Paulit-ulit siyang nagsisinungaling at gumagawa ng karahasan.
Nakipagtipan sila sa Asirya+ at nagdala ng langis sa Ehipto.+
2 May kaso si Jehova laban sa Juda;+
Paparusahan Niya ang Jacob dahil sa landasin niya,
At gagantihan Niya siya ayon sa mga ginagawa niya.+
3 Habang nasa sinapupunan, hinawakan niya sa sakong ang kapatid niya,+
At buong lakas siyang nakipagbuno sa Diyos.+
4 Patuloy siyang nakipagbuno sa isang anghel at nanalo.
Umiyak siya at humingi ng pagpapala.”+
Nakita Niya siya sa Bethel, at doon Siya nakipag-usap sa atin,+
5 Si Jehova na Diyos ng mga hukbo,+
Jehova ang kaniyang pangalan na dapat tandaan.+
6 “Kaya manumbalik ka sa iyong Diyos,+
Panatilihin mo ang iyong tapat na pag-ibig at katarungan,+
At lagi kang umasa sa iyong Diyos.
At wala silang makikitang mali o masama sa lahat ng ginagawa ko.’
9 Pero ako si Jehova na iyong Diyos mula pa sa lupain ng Ehipto.+
Patitirahin kitang muli sa mga tolda
Gaya noong mga araw ng isang itinakdang panahon.*
10 Nakipag-usap ako sa mga propeta,+
Pinarami ko ang mga pangitain nila,
At naglahad ako ng mga ilustrasyon* sa pamamagitan ng mga propeta.
11 May panlilinlang* at kasinungalingan sa Gilead.+
Naghandog sila ng mga toro sa Gilgal,+
At ang mga altar nila ay gaya ng mga bunton ng bato sa mga tudling* ng bukid.+
12 Tumakas si Jacob papunta sa teritoryo* ng Aram;*+
Naglingkod doon si Israel+ para sa isang asawa,+
At para sa isang asawa ay nagbantay siya ng mga tupa.+
13 Sa pamamagitan ng isang propeta, inilabas ni Jehova ang Israel sa Ehipto,+
At sa pamamagitan ng isang propeta ay binantayan niya ito.+
14 Napakasama ng nagawang kasalanan ng Efraim;+
Mananatili siyang may-sala dahil sa pagpapadanak niya ng dugo;
Pagbabayarin siya ng kaniyang Panginoon dahil sa kahihiyang idinulot niya.”+
Pero nagkasala siya dahil sa pagsamba kay Baal+ at namatay.
2 Ngayon ay dinaragdagan pa nila ang kasalanan nila,
At gumagawa sila ng mga metal na estatuwa mula sa kanilang pilak;+
Magaling sila sa paggawa ng mga idolo, lahat ng gawa ng mga bihasang manggagawa.
Sinasabi nila, ‘Halikan ng mga naghahain ang mga guya.’*+
3 Kaya sila ay magiging gaya ng mga ulap sa umaga,
Gaya ng hamog na madaling nawawala,
Gaya ng ipa sa giikan na tinatangay ng bagyo,
At gaya ng usok na lumalabas sa tsiminea.
4 Pero ako si Jehova na iyong Diyos mula pa sa lupain ng Ehipto;+
Wala kang nakilalang ibang Diyos maliban sa akin,
At walang ibang tagapagligtas kundi ako.+
5 Nakilala kita sa ilang,+ sa tuyot na lupain.
Kaya naman nalimutan nila ako.+
8 Haharapin ko silang gaya ng oso na nawalan ng mga anak,
At wawakwakin ko ang dibdib nila.
Doon ay lalapain ko silang gaya ng leon;
Luluray-lurayin sila ng isang mabangis na hayop sa parang.
9 Lilipulin ka nito, O Israel,
Dahil tinalikuran mo ako, ang tumutulong sa iyo.
10 Nasaan ngayon ang iyong hari, na dapat sanang magligtas sa lahat ng lunsod mo,+
At ang iyong mga tagapamahala,* na hiniling mo nang sabihin mo,
13 Mararanasan niya ang kirot ng panganganak.
Pero siya ay mangmang na anak;
Hindi siya lumalabas kapag panahon na para ipanganak siya.
Nasaan ang iyong kamandag, O Kamatayan?+
Nasaan ang iyong pagiging mapamuksa, O Libingan?+
Pero hindi pa rin maaawa ang mga mata ko.
15 Kahit lumago siyang gaya ng mga tambo,
May darating na hanging silangan, ang hangin ni Jehova.
Darating ito mula sa disyerto, para tuyuin ang balon niya at sairin ang bukal niya.
Sasamsamin ng isang iyon ang kabang-yaman ng lahat ng magaganda niyang gamit.+
16 Hahatulang may-sala ang Samaria,+ dahil nagrebelde siya sa kaniyang Diyos.+
Mamamatay sila sa espada,+
Pagluluray-lurayin ang mga anak nila,
At wawakwakin ang tiyan ng mga nagdadalang-tao.”
2 Manumbalik kayo kay Jehova,
At sabihin ninyo sa kaniya, ‘Patawarin mo nawa ang kasalanan namin+ at tanggapin ang mabuti,
At ihahandog namin ang papuri ng aming labi+ na gaya ng mga batang toro.*
3 Hindi kami ililigtas ng Asirya.+
Hindi kami sasakay sa mga kabayo,+
At hindi na namin sasabihin sa gawa ng mga kamay namin, “O aming Diyos!”
Dahil ikaw ang nagpapakita ng awa sa batang walang ama.’+
4 Pagagalingin ko sila, at hindi na sila magiging taksil.+
5 Magiging gaya ako ng hamog sa Israel;
Mamumulaklak siyang gaya ng liryo,
At palalalimin niya ang mga ugat niya na gaya ng sa mga puno ng Lebanon.
7 Maninirahan ulit sila sa lilim niya.
Magpapatubo sila ng butil, at mamumulaklak silang gaya ng punong ubas.+
Ang katanyagan niya* ay magiging gaya ng alak ng Lebanon.
8 Sasabihin ng Efraim, ‘Ano pa ba ang kinalaman ko sa mga idolo?’+
Sasagot ako at babantayan ko siya.+
Magiging gaya ako ng mayabong na puno ng enebro.
Ako ang magbibigay sa iyo ng bunga.”
9 Sino ang marunong? Unawain niya ang mga bagay na ito.
Sino ang matalino? Alamin niya ang mga ito.
Dahil matuwid ang daan ni Jehova,+
At lalakad doon ang mga matuwid;
Pero matitisod doon ang mga masuwayin.
Pinaikling anyo ng Hosaias na ang ibig sabihin ay “Iniligtas ni Jah; Si Jah ay Nagligtas.”
O “bayaran; imoral.”
O “prostitusyon; imoralidad.”
O “prostitusyon; imoralidad.”
Ibig sabihin, “Ang Diyos ay Maghahasik ng Binhi.”
O “Mababang Kapatagan.”
Ibig sabihin, “Hindi Kinaawaan.”
Ibig sabihin, “Hindi Ko Bayan.”
Lit., “ulo.”
Tingnan ang tlb. sa Os 1:9.
Tingnan ang tlb. sa Os 1:6.
O “prostitusyon; imoralidad.”
O “prostitusyon; imoralidad.”
O “naging babaeng bayaran; naging imoral.”
O “Mababang Kapatagan.”
O “Aking Baal.”
O “mamumuhay.”
Ibig sabihin, “Ang Diyos ay Maghahasik ng Binhi.”
Tingnan ang tlb. sa Os 1:6.
Tingnan ang tlb. sa Os 1:9.
Lit., “ko.”
Ang isang homer ay 220 L. Tingnan ang Ap. B14.
O “Hindi ka puwedeng maging babaeng bayaran.”
Lit., “maraming araw.”
O “prinsipe.”
Tingnan sa Glosari.
O “mga diyos ng pamilya; mga idolo.”
O “pupuksain.”
O “Pupuksain.”
O “tagubilin.”
O posibleng “Ipinagpalit nila sa kahihiyan ang kaluwalhatian ko.”
O “Magiging napakaimoral nila.”
O “Prostitusyon; Imoralidad.”
Lit., “Ang nag-aalis sa puso.”
O “tungkod ng manghuhula.”
O “naging babaeng bayaran; naging imoral.”
O “prostitusyon; imoralidad.”
O “babaeng bayaran; imoral.”
Lit., “lugar.”
O “serbesang trigo.”
O “Nagiging napakaimoral nila.”
Lit., “kalasag.”
O “Tatangayin.”
O “humihiwalay.”
O “didisiplinahin.”
O “babaeng bayaran.”
Lit., “mukha niya.”
O “bahagi.”
O “prinsipe.”
Lit., “At hahanapin nila ang mukha ko.”
O “Dahil awa.”
O “naging babaeng bayaran.”
O “prinsipe.”
O posibleng “Dahil ang mga puso nila ay gaya ng pugon kapag lumalapit sila nang may pakana.”
Lit., “hukom.”
Lit., “at walang puso.”
Hindi sa nakatataas na anyo ng pagsamba.
O “prinsipe.”
O “batang baka.”
O “estranghero.”
O “tagubilin.”
O posibleng “Babalik.”
O “nakukutaang.”
O “imoralidad.”
O “ng inyong nakatakdang kapistahan.”
O “diyos.”
Lit., “mga susong nangunguluntoy.”
O “prinsipe.”
O posibleng “lumalago.”
Makitid na hukay sa inararong lupa.
O “batang baka.”
Lit., “Patatahimikin.”
Ibig sabihin, kapag pinasan nilang gaya ng pamatok ang parusa sa kanila.
Tingnan sa Glosari.
O “nakukutaang.”
Lit., “patatahimikin.”
Ang mga propeta at ang iba pang isinugo para magturo sa Israel.
O “mga lubid ng kabaitan,” gaya ng ginagamit ng isang magulang.
Lit., “mga panga.”
Isang nakatataas na anyo ng pagsamba.
Lit., “Uminit ang aking.”
O posibleng “isang kapistahan.”
O “talinghaga.”
O “hiwaga; mahika.”
Makitid na hukay sa inararong lupa.
Lit., “parang.”
O “Sirya.”
O “batang baka.”
Lit., “hukom.”
O “prinsipe.”
O “Iniingatan.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “ihahandog namin bilang ganti ang mga guyang toro ng aming labi.”
O “nang bukal sa loob.”
Lit., “Ang alaala sa kaniya.”