-
Iskedyul ng Pulong sa PaglilingkodMinisteryo sa Kaharian—2004 | Agosto
-
-
Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Agosto 9
10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 8 upang ipakita kung paano ihaharap ang Agosto 15 ng Bantayan at ang Agosto 22 ng Gumising! Banggitin sa presentasyon ang kaayusan hinggil sa donasyon. Ipaalaala sa mga tagapakinig na magdala ng kopya ng brosyur na Hinihiling sa susunod na linggo.
15 min: “Ginagantimpalaan ang Pagbabata.”a Ilakip ang maiikling komento sa Disyembre 15, 2000, Bantayan, pahina 22-3, parapo 15-18.
20 min: Paggamit ng mga Tract Upang Magpasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa Disyembre 2001 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 3-4. Idiin na handa tayong gumawa ng mga pagbabago ayon sa kalagayan ng bawat estudyante, gaya ng binanggit sa parapo 5. Itanghal ang isa o dalawang maiikling presentasyon salig sa parapo 8-10. Anyayahan ang mga tagapakinig na maglahad ng kanilang mga karanasan sa paggamit ng tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya?
Awit 74 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 16
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Ikintal ang Katotohanan sa Inyong mga Anak. Pahayag salig sa aklat na Kaligayahan sa Pamilya, pahina 55-9. Talakayin ang apat na paraan upang matulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na maglinang ng malapít at personal na kaugnayan kay Jehova, anupat ikinakapit ang materyal sa praktikal na paraan.
20 min: “Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya—Bahagi 2”b Magtanghal ng limang-minutong presentasyon. Itatanong ng mamamahayag sa elder kung paano tutulungang sumulong ang isang estudyante sa Bibliya. Babanggitin ng elder na isang karaniwang suliranin ang paggugol ng labis na panahon sa pagtalakay sa di-gaanong mahahalagang detalye at mga punto kapag panahon ng pag-aaral. Gamit ang aralin 9 ng brosyur na Hinihiling, ipakikita niya sa mamamahayag kung paano (1) itutuon ang pansin sa pangunahing mga punto ng materyal, (2) gagamitin nang mabisa ang binanggit na mga kasulatan, at (3) ibabagay ang aralin sa mga pangangailangan ng estudyante. Babanggitin niya na kailangan ang patiuna at mabuting paghahanda sa tuwing magdaraos ng pag-aaral.
Awit 85 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 23
15 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipakita kung paano ihaharap ang Setyembre 1 ng Bantayan at ang Setyembre 8 ng Gumising!
10 min: Pag-aalok ng Aklat na Creation sa Setyembre. Pahayag at pagtatanghal. Buurin ang mga nilalaman ng aklat, at itampok ang ilang espesipikong punto na makaaakit sa mga tao sa inyong teritoryo. Banggitin ang isang simpleng presentasyon na binubuo ng isang introduksiyon mula sa aklat na Nangangatuwiran o sa Ating Ministeryo sa Kaharian, isang kasulatan, at isang punto o kabanata mula sa aklat na Creation. Ipatanghal sa isang may-kakayahang mamamahayag ang presentasyon.
20 min: “Kinokontrol ba ng mga Kalagayan Mo ang Iyong Buhay?” Pahayag salig sa artikulo ng Hunyo 1, 2004, Bantayan, pahina 20-3.
Awit 220 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 30
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa buwan ng Agosto.
20 min: Nakikinabang Ka Ba? Pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Repasuhin ang sumusunod na mga mungkahi na lumitaw sa Ating Ministeryo sa Kaharian noong nakalipas na taon ng paglilingkod: Isulat sa isang maliit na papel ang iyong introduksiyon. (km 10/03 p. 8) Magbigay ng personal, espesipiko, at taimtim na komendasyon. (km 11/03 p. 1) Magpatotoo kung kailan malamang na nasa bahay ang mga tao. (km 12/03 p. 1) Magtakda ng tiyak na panahon para sa pagbabasa ng Bibliya, paghahanda sa pulong, at ministeryo sa larangan. (km 1/04 p. 4) Gamitin ang brosyur na ‘Mabuting Lupain’ kapag nagsasagawa ng personal na pag-aaral at nagbabasa ng Bibliya. (km 3/04 p. 2) Magtakda ng tunguhing basahin ang buong Bibliya. (km 4/04 p. 1) Magpatotoo sa lugar ng negosyo. (km 7/04 p. 4) Gamitin ang mga tract upang makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. (km 8/04 p. 2) Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento hinggil sa mga kapakinabangang natanggap nila mula sa pagkakapit ng mga mungkahing ito.
15 min: “Pinipigilan ba ng Neutralidad ang Kristiyanong Pag-ibig?” Pahayag ng isang elder salig sa artikulo sa Mayo 1, 2004, Bantayan, pahina 5-7.
Awit 145 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 6
5 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
25 min: “Ipamalas ang Espiritu ng Pagpapayunir.”c Kapanayamin sa maikli ang isa o dalawang payunir. Pagkomentuhin sila kung paano sila napasigla ng halimbawa ng mga magulang, elder, o ng iba pa na itaguyod ang buong-panahong ministeryo.
Awit 142 at pansarang panalangin.
-
-
Ulat ng Paglilingkod Noong AbrilMinisteryo sa Kaharian—2004 | Agosto
-
-
Ulat ng Paglilingkod Noong Abril
Abe. Abe. Abe. Abe.
Bilang ng: Oras Mag. P-M. P.B.
Sp. Pio. 333 115.9 32.6 43.9 7.1
Reg. Pio. 22,296 55.0 12.3 15.2 2.6
Aux. Pio. 16,271 41.8 11.6 8.1 1.3
Mam. 105,506 8.6 2.9 2.1 0.4
KAB. BLG. 144,406 Nabautismuhan: 271
-