Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
Nakasara-aklat na repaso sa materyal na saklaw ng mga aralin sa mga linggo ng Setyembre 6 hanggang Disyembre 20, 1999. Gumamit ng isang bukod na pilyego ng papel na susulatan ng mga sagot sa pinakamaraming mga tanong na masasagot mo sa panahong takda.
[Pansinin: Sa panahon ng nasusulat na repaso, tanging ang Bibliya lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot sa anumang tanong. Ang mga reperensiya na kasunod ng mga tanong ay para sa iyong personal na pagsasaliksik. Ang numero ng pahina at ang parapo ay maaaring hindi lumilitaw sa lahat ng reperensiya sa Ang Bantayan.]
Sagutin ang bawat pangungusap ng Tama o Mali:
1. Pinahintulutan ni Jehova ang malayang pamamahala ng tao upang patunayan na ang Kaniyang paraan ng pamamahala ang laging tama at makatuwiran. (Deut. 32:4; Job 34:10-12; Jer. 10:23) [w97 2/15 p. 5 par. 3]
2. Ipinakikita ng Bibliya na hinahatulan ng Diyos ang lahat ng pagrereklamo. [w97 12/1 p. 30 par. 3-4]
3. Iniingatan ng mga magulang ang wastong pangmalas sa kaugnayan sa kanilang mga anak na may asawa sa pamamagitan ng pagkilala sa makadiyos na mga simulain ng pagka-ulo at ng pagiging maayos. (Gen. 2:24; 1 Cor. 11:3; 14:33, 40) [fy p. 164 par. 6]
4. Ang Marcos 6:31-34 ay nagpapakita na si Jesus ay naantig ng pagkahabag sa pulutong dahilan lamang sa kanilang sakit at karukhaan. [w97 12/15 p. 29 par. 1]
5. Kung ang isang Kristiyano na kabilang sa uring ibang tupa ay hindi nakadalo sa Memoryal ng kamatayan ni Jesus, dapat niyang ipagdiwang ito pagkalipas ng isang buwan kasuwato ng simulaing binabanggit sa Bilang 9:10, 11. (Juan 10:16) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w93 2/1 p. 31 par. 9.]
6. Bagaman hindi kinukuha ng mga lolo’t lola sa ama at ina ang pananagutang ikintal ang mga katotohanan ng Bibliya sa kanilang mga anak, maaaring makapagbigay ang mga lolo’t lola ng mahalagang tulong sa espirituwal na paglaki ng isang bata. (Deut. 6:7; 2 Tim. 1:5; 3:14, 15) [fy p. 168 par. 15]
7. Ang Kawikaan 6:30 ay nagpapakita na ang pagnanakaw ay maaaring mapatawad o mabigyang-katuwiran sa ilalim ng ilang kalagayan. [g97 11/8 p. 19 par. 2]
8. Noong 1530, si William Tyndale ang unang gumamit ng pangalan ng Diyos, Jehova, sa saling Ingles ng Kasulatang Hebreo. [w97 9/15 p. 28 par. 3]
9. Sa ngayon, ang antitipikong kanlungang lunsod ay paglalaan ng Diyos para ipagsanggalang tayo mula sa kamatayan dahilan sa paglabag sa kaniyang utos hinggil sa kabanalan ng dugo. (Bil. 35:11) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 11/15 p. 17 par. 8.]
10. Ang pangalang Deuteronomio, na nangangahulugang “Ikalawang Batas,” ay angkop dahilan sa ang aklat na ito ay isa lamang pag-uulit ng Kautusan. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang si p. 36 par. 4.]
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
11. Ano ang inilalarawan ng dalawang tinapay na may lebadura na inihahandog ng mataas ng saserdote sa panahon ng Kapistahan ng Pentecostes? (Lev. 23:15-17) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w98 3/1 p. 13 par. 21.]
12. Kailan nagpasimula ang Kristiyanong Jubileo, at anong uri ng kalayaan ang idinulot nito sa panahong iyon? (Lev. 25:10) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 5/15 p. 24 par. 14.]
13. Ayon sa ulat ng aklat ng Bilang, ang kaligtasan ay depende sa anong tatlong bagay? [si p. 30 par. 1]
14. Sa anong paraan isang mainam na halimbawa si Moises sa pagpapamalas na wala siyang espiritu ng pagkainggit? (Bil. 11:29) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 9/15 p. 18 par. 11.]
15. Paanong ang kaso nina Kora, Datan, at Abiram ay nagpapakita na ang pagkakita ay hindi laging umaakay sa paniniwala? [w97 3/15 p. 4 par. 2]
16. Anong dalawang aspekto ng paggalang sa matatanda nang magulang ang itinatampok sa Mateo 15:3-6 at 1 Timoteo 5:4? [fy p. 173-5 par. 2-5]
17. Anong mahalagang leksiyon ang itinampok sa Bilang 26:64, 65? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang g95 8/8 p. 10-11 par. 5-8.]
18. Paano nakatutulong sa atin ang halimbawa ni Pinehas upang mahalagahan kung ano ang kahulugan ng pag-aalay kay Jehova? (Bilang 25:11) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 3/1 p. 16 par. 12-13.]
19. Paanong ang isa na nasa antitipikong kanlungang lunsod ay maaaring ‘lumabas sa hangganan’ ng lunsod? (Bil. 35:26) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 11/15 p. 20 par. 20.]
20. Sa paanong paraan na ang Codex Sinaiticus ay naging isang napapanahong pantulong sa pagsasalin ng Bibliya? [w97 10/15 p. 11 par. 2]
Ibagay ang kinakailangang (mga) salita o parirala upang buuin ang sumusunod na mga pangungusap:
21. Pinahintulutan ni Jehova na umiral ang kasamaan upang maitatag minsan at magpakailanman ang saligang katotohanan na siya lamang ang ․․․․․․․․ at na ang ․․․․․․․․ sa kaniyang mga kautusan ay kailangan para sa patuloy na kapayapaan at kaligayahan ng lahat ng kaniyang mga nilalang. (Awit 1:1-3; Kaw. 3:5, 6; Ecles. 8:9) [w97 2/15 p. 5 par. 4]
22. Ang aklat ng Levitico ay namumukod-tangi sa pagtatampok sa ․․․․․․․ ng dugo, anupat ipinapakita na ipinahintulot lamang ang paggamit dito bilang ․․․․․․․․ [si p. 29 par. 33]
23. Kasuwato ng Awit 144:15b, ang tunay na kaligayahan ay isang kalagayan ng puso, salig sa tunay na ․․․․․․․․ at isang mabuting ․․․․․․․․ kay Jehova. [w97 3/15 p. 23 par. 7]
24. Ang Bibliya na nagawa dahil sa isinalin ang Hebreong Bibliya sa karaniwang Griego, at natapos noong bandang 150 B.C.E., ay nakilala bilang ․․․․․․․․. Ang Bibliya na salin ni Jerome sa Latin ay nakilala bilang ang ․․․․․․․․, na nakumpleto noong bandang 400 C.E. [w97 8/15 p. 9 par. 1; p. 10 par. 4]
25. Sa pamamagitan ng pagsipi sa mga ulat hinggil kina Balaam at Kora gaya ng nakaulat sa aklat ng Bilang, binalaan ni Judas ang mga Kristiyano na magbantay laban sa mga silo ng ․․․․․․․․ at ․․․․․․․․. [si p. 35 par. 35]
Piliin ang tamang sagot sa sumusunod na mga pangungusap:
26. Minsan sa isang taon, sa (Kapistahan ng mga Kubol; Araw ng pagbabayad-sala; Paskuwa), ang buong bansang Israel, lakip na ang taga-ibang bayan na sumasamba kay Jehova, ay dapat na (huminto sa lahat ng gawain; magbayad ng ikapu; maghandog ng unang bunga) at mag-ayuno. (Lev. 16:29-31) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w96 7/1 p. 10 par. 12.]
27. Ang isa sa mga tunguhin ng New World Bible Translation Committee ay ang makagawa ng isang salin na (literal hangga’t maaari; isang pagpapakahulugan ng orihinal na mga wika; kasuwato ng isang partikular na pagkaunawa sa doktrina) upang mas madaling maunawaan ng mambabasa ang kahulugan ng orihinal na mga wika at kaugnay na diwa nito. [w97 10/15 p. 11 par. 5]
28. Ayon sa Hebreo 13:19, ang matiyagang pananalangin ng mga kapananampalataya ay maaaring makapagpabago sa kung (ano ang pahihintulutan ng Diyos; kailan kikilos ang Diyos; paano mamaniobrahin ng Diyos ang mga bagay-bagay). [w97 4/15 p. 6 par. 1]
29. Ang “panaling asul sa ibabaw ng panggilid na palawit ng laylayan” ng mga Israelita ay kahilingan bilang isang (sagradong dekorasyon; tanda ng kahinhinan; nakikitang paalaala na dapat na maging hiwalay sa sanlibutan bilang bayan ni Jehova). (Bil. 15:38, 39) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w83-E 10/15 p. 20 par. 16.]
30. Ang sinaklaw na yugto ng panahon ng aklat ng Deuteronomio ay (dalawang buwan; isang taon; dalawang taon), at ang pagsulat dito ay natapos nang maaga noong (1513; 1473; 1467) B.C.E. [si p. 36 par. 6]
Ibagay ang sumusunod na mga kasulatan sa mga pangungusap na nasa ibaba:
Bil. 16:41, 49; Mat. 19:9; Luc. 2:36-38; Col. 2:8; 3:14
31. Ang asetisismo ay hindi umaakay sa pantanging kabanalan o tunay na kaliwanagan. [g97 10/8 p. 21 par. 3]
32. Ang pakikiapid ang tanging maka-Kasulatang saligan ng diborsiyo taglay ang posibilidad na makapag-asawang muli. [fy p. 158-9 par. 15]
33. Ang pagiging napakaaktibo sa teokratikong mga gawain, kahit na pagkaraan ng mga taon, ay makatutulong sa isa upang makayanan ang pagkawala ng asawa. [fy p. 170-1 par. 21]
34. Ang paghahanap ng kamalian sa paraan ng paglalapat ni Jehova ng katarungan sa pamamagitan ng kaniyang hinirang na mga lingkod ay maaaring magdulot ng kapaha-pahamak na resulta. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w96 6/15 p. 21 par. 13.]
35. Ang walang pag-iimbot na pag-ibig ay nagbubuklod sa mag-asawa at nagpapangyaring sila’y magnais na gawin ang pinakamabuti para sa isa’t isa at para sa kanilang mga anak. [fy p. 187 par. 11]