Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • nwt Job 1:1-42:17
  • Job

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Job
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Job

JOB

1 May isang lalaki sa lupain ng Uz na ang pangalan ay Job.*+ Siya ay matuwid at tapat;*+ natatakot siya sa Diyos, at itinatakwil niya ang kasamaan.+ 2 Mayroon siyang pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae. 3 Ang mga alaga niyang hayop ay 7,000 tupa, 3,000 kamelyo, 1,000 baka,* at 500 asno.* Napakarami rin niyang tagapaglingkod, kaya siya ang pinakaprominente* sa lahat ng taga-Silangan.

4 Nagsasalitan* sa paghahanda ng salusalo ang mga anak niyang lalaki sa kani-kanilang bahay. At inaanyayahan nilang kumain at uminom ang tatlo nilang kapatid na babae. 5 Kapag nakapaghanda na silang lahat ng salusalo, ipinapatawag sila ni Job para pabanalin. At gumigising siya nang maaga at naghahandog ng haing sinusunog+ para sa bawat isa sa kanila. Dahil sinasabi ni Job: “Baka nagkasala ang mga anak ko at isinumpa nila ang Diyos sa puso nila.” Iyan ang laging ginagawa ni Job.+

6 At dumating ang araw na ang mga anak ng tunay na Diyos*+ ay tumayo sa harap ni Jehova,+ at sumama rin si Satanas.+

7 Sinabi ni Jehova kay Satanas: “Saan ka nanggaling?” Sumagot si Satanas kay Jehova: “Lumibot-libot ako sa lupa at nagpagala-gala roon.”+ 8 Sinabi ni Jehova kay Satanas: “Napansin mo ba ang* lingkod kong si Job? Wala siyang katulad sa lupa. Siya ay matuwid at tapat,*+ natatakot siya sa Diyos, at itinatakwil niya ang kasamaan.” 9 Sumagot si Satanas kay Jehova: “Natatakot ba si Job sa Diyos nang walang dahilan?+ 10 Hindi ba naglagay ka ng bakod sa palibot niya+ at sa palibot ng sambahayan niya at sa lahat ng pag-aari niya? Pinagpala mo ang mga ginagawa niya,+ at dumami nang husto ang alaga niyang hayop sa lupain. 11 Pero para mapaiba naman, iunat mo ang kamay mo at kunin ang lahat sa kaniya, at tiyak na susumpain ka niya nang mukhaan.” 12 Sinabi ni Jehova kay Satanas: “Nasa kamay* mo ang lahat ng kaniya. Pero huwag mo siyang sasaktan!” Kaya umalis si Satanas sa harap* ni Jehova.+

13 Isang araw, habang kumakain at umiinom ng alak ang mga anak niyang lalaki at babae sa bahay ng panganay nilang kapatid,+ 14 isang mensahero ang pumunta kay Job at sinabi nito: “Nag-aararo ang mga baka at nanginginain sa tabi ang mga asno 15 nang lumusob ang mga Sabeano at kinuha ang mga iyon, at pinatay nila ang mga tagapaglingkod gamit ang espada. Ako lang ang nakatakas para magsabi sa iyo.”

16 Habang nagsasalita pa ito, may isa pang dumating at nagsabi: “May apoy ng Diyos* mula sa langit na lumagablab sa gitna ng mga tupa at mga tagapaglingkod at tinupok ang mga iyon! Ako lang ang nakatakas para magsabi sa iyo.”

17 Habang nagsasalita pa ito, may isa pang dumating at nagsabi: “Ang mga Caldeo+ ay bumuo ng tatlong pangkat at sumalakay, at kinuha nila ang mga kamelyo at pinatay ang mga tagapaglingkod gamit ang espada. Ako lang ang nakatakas para magsabi sa iyo.”

18 Habang nagsasalita pa ito, may isa pa ulit na dumating at nagsabi: “Kumakain at umiinom ng alak ang mga anak mong lalaki at babae sa bahay ng panganay nilang kapatid 19 nang biglang humampas sa bahay* ang malakas na hangin mula sa ilang. Gumuho ito at nabagsakan ang mga anak mo kaya namatay sila. Ako lang ang nakatakas para magsabi sa iyo.”

20 Kaya tumayo si Job, pinunit ang damit niya, at kinalbo ang ulo niya; pagkatapos, lumuhod siya at sumubsob sa lupa, 21 at sinabi niya:

“Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina,

At hubad akong babalik.+

Si Jehova ang nagbigay,+ at si Jehova ang nag-alis.

Patuloy nawang purihin ang pangalan ni Jehova.”

22 Sa lahat ng ito, hindi nagkasala si Job at hindi niya sinisi* ang Diyos.

2 At dumating ang araw na ang mga anak ng tunay na Diyos*+ ay tumayo sa harap ni Jehova,+ at sumama rin si Satanas para tumayo sa harap ni Jehova.+

2 Sinabi ni Jehova kay Satanas: “Saan ka nanggaling?” Sumagot si Satanas kay Jehova: “Lumibot-libot ako sa lupa at nagpagala-gala roon.”+ 3 Sinabi ni Jehova kay Satanas: “Napansin mo ba ang* lingkod kong si Job? Wala siyang katulad sa lupa. Siya ay matuwid at tapat,*+ natatakot siya sa Diyos, at itinatakwil niya ang kasamaan. Tapat pa rin siya+ kahit inuudyukan mo akong pahirapan* siya+ nang walang dahilan.” 4 Pero sumagot si Satanas kay Jehova: “Balat para sa balat. Ibibigay ng isang tao ang lahat ng kaniya para sa buhay niya. 5 Kaya para mapaiba naman, iunat mo ang kamay mo at saktan ang kaniyang buto at laman, at tiyak na susumpain ka niya nang mukhaan.”+

6 Sinabi ni Jehova kay Satanas: “Nasa kamay* mo siya! Huwag mo lang siyang papatayin!” 7 Kaya umalis si Satanas sa harap* ni Jehova at binigyan si Job ng makikirot na bukol*+ mula sa talampakan hanggang sa tuktok ng ulo niya. 8 At kumuha si Job ng isang piraso ng basag na palayok para ipangkayod sa sarili niya, at naupo siya sa abo.+

9 Sinabi sa kaniya ng asawa niya: “Nananatili ka pa rin bang tapat? Sumpain mo ang Diyos para mamatay ka na!” 10 Pero sumagot siya: “Para kang babaeng mangmang kung magsalita. Mabuti lang ba ang tatanggapin natin mula sa tunay na Diyos at hindi ang masama?”+ Sa kabila ng lahat ng dinanas ni Job, hindi siya nagsalita ng masama.*+

11 Nabalitaan ng tatlong kasamahan* ni Job—sina Elipaz+ na Temanita, Bildad+ na Shuhita,+ at Zopar+ na Naamatita—ang lahat ng trahedyang nangyari sa kaniya. Kaya umalis sila sa kani-kaniyang lugar at nagkita-kita para damayan at aliwin si Job. 12 Nang makita nila siya mula sa malayo, hindi nila siya nakilala. At umiyak sila nang malakas at pinunit ang damit nila, at nagsaboy sila ng alabok sa ulo nila.+ 13 Umupo sila sa lupa kasama niya nang pitong araw at pitong gabi. Wala silang anumang sinabi sa kaniya, dahil nakita nilang napakatindi ng paghihirap niya.+

3 Pagkatapos nito, nagsalita si Job at isinumpa niya ang araw na ipinanganak siya.*+ 2 Sinabi ni Job:

 3 “Maglaho nawa ang araw na ipinanganak ako,+

At ang gabi nang may nagsabi: ‘Isang lalaki ang ipinaglihi!’

 4 Maging kadiliman nawa ang araw na iyon.

Bale-walain sana iyon ng Diyos sa itaas;

Huwag nawang sinagan iyon ng liwanag.

 5 Bawiin nawa iyon ng matinding kadiliman.*

Mabalot sana iyon ng maitim na ulap.

Takutin nawa iyon ng anumang nagpapadilim sa umaga.

 6 Ang gabing iyon—balutin sana iyon ng kadiliman;+

Huwag sanang magsaya iyon kasama ng mga araw ng taon,

At huwag sanang mapabilang iyon sa anumang buwan.

 7 Maging baog nawa ang gabing iyon,

At wala sanang marinig na hiyaw ng kagalakan.

 8 Sumpain nawa iyon ng mga sumusumpa sa araw,

Ng mga taong nanggigising ng Leviatan.*+

 9 Magdilim nawa ang mga bituin ng takipsilim nito;

Hindi sana dumating ang hinihintay nitong umaga,

At huwag nawa nitong makita ang mga sinag ng bukang-liwayway.

10 Dahil hindi nito isinara ang sinapupunan ng aking ina;+

Hindi nito itinago sa paningin ko ang paghihirap.

11 Bakit hindi pa ako namatay nang ipanganak ako?

Bakit hindi ako namatay paglabas ko sa sinapupunan?+

12 Bakit pa may kandungan na kumalong sa akin

At dibdib na nagpasuso sa akin?

13 Payapa na sana akong nakahiga ngayon,+

Natutulog at nagpapahinga+

14 Kasama ng mga hari sa lupa at ng mga tagapayo nila,

Na nagtayo para sa sarili nila ng mga gusaling gumuho na ngayon,

15 O ng mga prinsipeng may ginto,

Na ang mga bahay ay punô ng pilak.

16 O bakit hindi na lang ako namatay sa sinapupunan,

Tulad ng mga batang hindi nakakita ng liwanag?

17 Sa libingan, kahit ang masasama ay hindi na naliligalig,

At ang nanghihina ay nagpapahinga roon.+

18 Doon, ang mga bilanggo ay magkakasama at payapa;

Hindi nila naririnig ang boses ng nagpapatrabaho sa kanila.

19 Ang hamak at ang prominente ay pantay roon,+

At ang alipin ay malaya sa kaniyang panginoon.

20 Bakit siya nagbibigay ng liwanag sa nagdurusa

At ng buhay sa mga labis na naghihirap?+

21 Bakit ang mga gustong mamatay ay hindi namamatay?+

Mas inaasam pa nila iyon kaysa sa nakatagong kayamanan.

22 Magsasaya sila nang husto

At matutuwa kapag nahanap na nila ang libingan.

23 Bakit siya nagbibigay ng liwanag sa taong naligaw,

Sa taong ikinulong* ng Diyos?+

24 Dahil nagbubuntonghininga ako sa halip na kumain,+

At bumubuhos na gaya ng tubig ang pagdaing ko.+

25 Dahil dumating sa akin ang pinangangambahan ko,

At nangyari sa akin ang kinatatakutan ko.

26 Wala akong kapayapaan, katahimikan, at kapahingahan,

At tuloy-tuloy ang pagdating ng problema.”

4 At sinabi ni Elipaz+ na Temanita:

 2 “Kung may makipag-usap sa iyo, mauubos ba ang pasensiya mo?

Dahil sino ang makakatiis na hindi magsalita?

 3 Totoo, marami kang itinuwid,

At pinalalakas mo noon ang mahihina.*

 4 Naibabangon ng iyong salita ang sinumang natisod,

At pinalalakas mo ang mga tuhod na nanlalambot.

 5 Pero ngayong nangyari ito sa iyo, halos hindi mo ito makayanan;*

Nararanasan mo ito ngayon, at nasisiraan ka ng loob.

 6 Hindi ka ba nabibigyan ng kumpiyansa ng takot mo sa Diyos?

Hindi ka ba nabibigyan ng pag-asa ng pananatili mong tapat?+

 7 Isipin mo, pakisuyo: Sinong inosente ang namatay?

Kailan ba nalipol ang mga matuwid?

 8 Sa nakikita ko, kapag ang isa ay nagtanim* ng nakasasakit

At naghasik ng problema, iyon din ang aanihin niya.

 9 Sa pamamagitan ng hininga ng Diyos ay namamatay sila,

At sa silakbo ng galit niya ay nalilipol sila.

10 Umuungal ang leon, at umuungol ang batang leon,

Pero kahit ang mga ngipin ng malalakas na leon ay nababali rin.

11 Namamatay ang leon kapag walang mabiktima,

At ang mga anak ng leon ay nagkakahiwa-hiwalay.

12 May salitang nakarating sa akin nang palihim,

At may narinig akong isang bulong.

13 Sa gabi, habang mahimbing na natutulog ang mga tao,

May nakita akong mga pangitain na gumulo sa isip ko.

14 Nanginig ako sa takot;

Nanuot sa mga buto ko ang panghihilakbot.

15 Isang espiritu ang dumaan sa mukha ko;

Tumindig ang mga balahibo ko.

16 At huminto ito sa harap ko,

Pero hindi ko ito nakilala.

Isang anyo ang nakita ko.

Nagkaroon ng katahimikan, at isang tinig ang narinig ko:

17 ‘Puwede bang maging mas matuwid ang taong mortal kaysa sa Diyos?

Puwede bang maging mas malinis ang isang tao kaysa sa kaniyang Maylikha?’

18 Wala siyang tiwala sa mga lingkod niya,

At hinahanapan niya ng mali ang mga anghel* niya.

19 Gaano pa kaya ang mga nakatira sa bahay na gawa sa putik,

Na ang pundasyon ay galing sa alabok,+

Na madaling pisain na gaya ng insekto!*

20 Sa pagitan ng umaga at gabi, nadurog sila nang lubusan;

Naglaho na sila magpakailanman at wala man lang nakapansin.

21 Hindi ba gaya sila ng toldang bumagsak dahil hinila ang tali nito?

Namamatay sila nang walang karunungan.

5 “Tumawag ka, pakisuyo! May sumasagot ba sa iyo?

Sino sa mga banal ang hihingan mo ng tulong?

 2 Dahil sama ng loob ang papatay sa mangmang,

At inggit ang papatay sa mga madaling maniwala.

 3 Nakita kong naging matatag ang mangmang,

Pero biglang nawasak* ang tirahan niya.

 4 Malayo sa kaligtasan ang mga anak niya,

At inaapi* sila sa pintuang-daan ng lunsod,+ at walang nagtatanggol sa kanila.

 5 Ang ani niya ay kinakain ng gutom,

At kinukuha nito kahit ang tumutubo sa tinikan.

Inaagaw sa kanila ang mga pag-aari nila.

 6 Dahil hindi sa alabok nagmumula ang nakapipinsalang mga bagay,

At hindi sa lupa nanggagaling ang problema.

 7 Dahil ang buhay ng tao ay talagang punô ng problema

Kung paanong talagang pataas ang tilamsik ng apoy.

 8 Pero dudulog ako sa Diyos,

At ihaharap ko sa Diyos ang usapin ko,

 9 Sa Diyos na gumagawa ng dakila at di-masaliksik na mga bagay,

Ng di-mabilang at kamangha-manghang mga bagay.

10 Nagpapaulan siya sa lupa

At nagpapadala ng tubig sa lupain.

11 Itinataas niya ang mabababa

At inililigtas ang mga nasisiraan ng loob.

12 Binibigo niya ang pakana ng mga tuso

Para hindi magtagumpay ang ginagawa nila.

13 Ang marurunong ay hinuhuli niya sa sarili nilang bitag*+

Para mabigo ang mga plano nila.

14 Sa umaga ay nababalot sila ng kadiliman,

At sa katanghaliang-tapat ay nangangapa sila na para bang gabi.

15 Inililigtas niya ang mga tao mula sa dila na kasintalas ng espada

At inililigtas ang mga dukha mula sa kamay ng malalakas,

16 Kaya may pag-asa para sa mabababa,

Pero itinitikom niya ang bibig ng mga di-matuwid.

17 Maligaya ang tao na sinasaway ng Diyos;

Kaya huwag mong itakwil ang disiplina ng Makapangyarihan-sa-Lahat!

18 Dahil nananakit siya pero tinatalian niya ang sugat;

Namiminsala siya pero nagpapagaling gamit ang sarili niyang kamay.

19 Ililigtas ka niya mula sa anim na kapahamakan;

Kahit ang ikapito ay hindi makapipinsala sa iyo.

20 Sa taggutom ay ililigtas* ka niya mula sa kamatayan,

At sa talim ng espada kapag may digmaan.

21 Maiingatan ka mula sa dilang gaya ng hagupit,+

At hindi mo katatakutan ang kapahamakan kapag dumating ito.

22 Pagtatawanan mo ang pagkawasak at gutom,

At hindi mo katatakutan ang mababangis na hayop sa lupa.

23 Dahil hindi ka sasaktan ng* mga bato sa parang,

At magiging maamo sa iyo ang mababangis na hayop sa parang.

24 Titira ka nang panatag* sa iyong tolda;

Kapag tinitingnan mo ang iyong pastulan, walang isa man ang nawawala.

25 Magkakaroon ka ng maraming anak,

At ang iyong mga inapo ay magiging kasindami ng pananim sa lupa.

26 Magiging malakas ka hanggang sa kamatayan,

Gaya ng mga tungkos ng butil na tinitipon sa kanilang kapanahunan.

27 Sinuri namin ito at nakitang totoo.

Pakinggan mo ito at tanggapin.”

6 Sumagot si Job:

2 “Kung matitimbang lang sana ang paghihirap ko+

At mailalagay sa timbangan kasama ng mga trahedyang dinaranas ko!

 3 Dahil ngayon ay mas mabigat pa ito kaysa sa mga buhangin sa dagat.

Kaya naman naging padalos-dalos ako sa pagsasalita.+

 4 Dahil pinana ako ng Makapangyarihan-sa-Lahat,

At kumakalat sa katawan ko ang lason ng mga palaso;+

Nakahanay laban sa akin ang nakakatakot na mga pagsalakay ng Diyos.

 5 Mag-iingay ba ang mailap na asno+ kung may damo ito,

O uunga ba ang toro kung may pagkain ito?

 6 Kinakain ba nang walang asin ang matabang na pagkain,

O may lasa ba ang katas ng halamang malvavisco?

 7 Ayokong hipuin ang mga iyon.

Gaya iyon ng sirang pagkain.

 8 Mangyari sana ang kahilingan ko

At ibigay sana ng Diyos ang kagustuhan ko!

 9 Na durugin ako ng Diyos,

At iunat niya ang kaniyang kamay at patayin ako!+

10 Magpapaginhawa pa iyon sa akin;

Tatalon ako sa tuwa sa kabila ng napakatinding* kirot,

Dahil hindi ko itinakwil ang mga pananalita ng Banal na Diyos.+

11 May lakas pa ba ako para patuloy na maghintay?+

At ano pa ba ang inaasahan ko para patuloy na mabuhay?

12 Kasintibay ba ako ng bato?

O gawa ba sa tanso ang laman ko?

13 May magagawa ba ako para tulungan ang sarili ko

Ngayong wala nang sumusuporta sa akin?

14 Ang taong ayaw magpakita ng tapat na pag-ibig sa kapuwa niya+

Ay mawawalan ng takot sa Makapangyarihan-sa-Lahat.+

15 Ang sarili kong mga kapatid* ay mapandayang+ gaya ng sapa sa taglamig,

Gaya ng sapa sa taglamig na natutuyo.

16 Maitim ito dahil sa yelo,

At nakatago rito ang natutunaw na niyebe.

17 Pero sa tag-init, nawawala ang tubig nito at naglalaho;

Natutuyo ito kapag uminit.

18 Nalilihis ang daloy nito;

Dumadaloy ito sa disyerto at naglalaho.

19 Hinahanap ito ng mga pangkat mula sa Tema;+

Hinihintay ito ng mga manlalakbay mula sa Sheba.*+

20 Napahiya sila dahil umasa sila sa wala;

Nabigo lang sila pagdating doon.

21 Naging ganiyan kayo sa akin;+

Nakita ninyo ang kakila-kilabot na trahedyang sinapit ko, at natakot kayo.+

22 Nanghingi ba ako sa inyo

O humiling na bigyan ninyo ako ng regalo mula sa kayamanan ninyo?

23 Humingi ba ako sa inyo ng saklolo mula sa kamay ng kalaban

O mula sa mga umaapi sa akin?*

24 Turuan ninyo ako, at tatahimik ako;+

Tulungan ninyo akong maintindihan ang pagkakamali ko.

25 Hindi masakit ang tapat na pananalita!+

Pero ano ang pakinabang sa saway ninyo?+

26 Gusto ba ninyong ituwid ang mga sinabi ko,

Ang pananalita ng isang desperado,+ na tinatangay ng hangin?

27 Pagpapalabunutan din ninyo ang isang ulila+

At ibebenta* ang sarili ninyong kaibigan!+

28 Kaya ngayon ay humarap kayo at tumingin sa akin,

Dahil hindi ako magsisinungaling sa inyo.

29 Pakisuyo, pag-isipan ninyo itong muli—huwag ninyo akong hatulan agad—

Oo, pag-isipan ninyo itong muli, dahil nananatili pa rin akong tapat.*

30 Iniisip ba ninyong wala sa katuwiran ang dila ko?

Hindi ba malalaman ng ngalangala ko kung may mali?

7 “Hindi ba ang buhay ng taong mortal sa lupa ay gaya ng sapilitang pagtatrabaho,

At ang mga araw niya ay gaya ng sa upahang trabahador?+

 2 Gaya ng alipin, gustong-gusto niya ng lilim,

At gaya ng upahang trabahador, hinihintay niya ang suweldo niya.+

 3 Kaya sa loob ng maraming buwan ay naging walang kabuluhan ang buhay ko,

At maraming gabi na akong nagdurusa.+

 4 Itinatanong ko kapag humihiga ako, ‘Kailan ako babangon?’+

Pero napakahaba ng gabi at hindi ako nakakatulog* hanggang sa magbukang-liwayway.

 5 Ang laman ko ay nababalot ng uod at dumi;+

Ang balat ko ay punô ng langib at nana.+

 6 Ang paglipas ng mga araw ko ay mas mabilis pa sa pag-ikot ng panghabi,+

At nagwawakas ang mga iyon sa kawalang-pag-asa.+

 7 Alalahanin mong ang buhay ko ay maikli,*+

Na hindi na muling makakakita ng kaligayahan* ang mata ko.

 8 Hindi na ako muling makikita ng matang nakakakita sa akin ngayon;

Hahanapin ako ng mga mata mo, pero wala na ako.+

 9 Gaya ng ulap na unti-unting naglalaho at tuluyang nawawala,

Ang napupunta sa Libingan* ay hindi na bumabalik.+

10 Hindi na siya babalik pa sa bahay niya,

At hindi na siya kikilalanin sa lugar niya.+

11 Kaya hindi ko pipigilan ang bibig ko.

Magsasalita ako dahil sa sakit na nadarama ng puso* ko;

Daraing ako dahil sa paghihirap ng kalooban ko!+

12 Ako ba ang dagat o isa ba akong malaking hayop sa dagat

Kaya kailangan mo pa akong pabantayan?

13 Nang sabihin ko, ‘Aaliwin ako ng higaan ko;

Maiibsan ng kama ko ang pagdurusa ko,’

14 Sinindak mo naman ako ng mga panaginip

At tinakot ng mga pangitain,

15 Kaya pinili kong* huwag nang makahinga,

Oo, pinili ko ang kamatayan kaysa sa katawan kong ito.*+

16 Kinamumuhian ko ang buhay ko;+ ayoko nang mabuhay pa.

Iwan mo na ako, dahil gaya lang ng hininga ang mga araw ko.+

17 Ano ba ang taong mortal para pansinin mo pa siya

At ituon sa kaniya ang iyong atensiyon?*+

18 Bakit mo siya iniinspeksiyon tuwing umaga

At sinusubok bawat sandali?+

19 Puwede mo bang alisin ang tingin mo sa akin

At pabayaan ako para malunok ko man lang ang laway ko?+

20 Kung nagkasala ako, ano ba ang epekto nito sa iyo, ang Tagapagmasid ng sangkatauhan?+

Bakit mo ako pinupuntirya?

Naging pabigat ba ako sa iyo?

21 Bakit hindi mo pinatatawad ang kasalanan ko

At pinalalampas ang pagkakamali ko?

Dahil malapit na akong humiga sa alabok,+

At hahanapin mo ako, pero wala na ako.”

8 At sinabi ni Bildad+ na Shuhita:+

 2 “Hanggang kailan ka magsasalita nang ganito?+

Gaya lang ng malakas na hangin ang pananalita mo!

 3 Babaluktutin ba ng Diyos ang katarungan,

O ng Makapangyarihan-sa-Lahat ang katuwiran?

 4 Kung nagkasala sa kaniya ang mga anak mo,

Hinayaan lang niya silang maparusahan dahil sa pagrerebelde nila;*

 5 Pero kung lalapit ka sa Diyos+

At makikiusap sa Makapangyarihan-sa-Lahat,

 6 At kung talagang malinis ka at matuwid,+

Bibigyang-pansin ka niya*

At ibabalik ka sa dati mong kalagayan.*

 7 At kahit hamak ang pasimula mo,

Magiging sagana ka sa hinaharap.+

 8 Pakisuyo, magtanong ka sa naunang henerasyon,

At bigyang-pansin mo ang mga natuklasan ng mga ama nila.+

 9 Dahil kahapon lang tayo ipinanganak, at wala tayong alam,

Dahil gaya lang ng anino ang mga araw natin sa lupa.

10 Hindi ba tuturuan ka nila

At sasabihin sa iyo ang alam nila?*

11 Tataas ba ang halamang papiro kung walang latian?

Tutubo ba ang tambo kung walang tubig?

12 Kahit pa may usbong ito at hindi pa pinuputol,

Mas una itong matutuyo kaysa sa ibang halaman.

13 Ito ang mangyayari sa* lahat ng nakakalimot sa Diyos,

Dahil ang pag-asa ng di-makadiyos* ay maglalaho.

14 Hindi maaasahan ang pinagtitiwalaan niya;

Kasinrupok ito ng sapot* ng gagamba.

15 Sasandal siya sa bahay niya, pero babagsak ito;

Kakapit siya rito, pero hindi ito tatagal.

16 Gaya siya ng nadidiligang halaman sa ilalim ng araw,

Na nagsasanga at kumakalat sa hardin.+

17 Pumulupot sa bunton ng mga bato ang mga ugat niya;

Naghahanap siya ng bahay sa mga bato.*

18 Pero kapag binunot* siya sa pinagtaniman sa kaniya,

Ikakaila siya nito at sasabihin, ‘Hindi kita kailanman nakita.’+

19 Ganiyan siya maglalaho;*+

At iba naman ang sisibol mula sa alabok.

20 Tiyak na hindi itatakwil ng Diyos ang mga nananatiling tapat;*

Hindi rin niya susuportahan ang* masasama.

21 Patatawanin kang muli ng Diyos

At hihiyaw ka sa tuwa.

22 Ang mga napopoot sa iyo ay mababalot ng kahihiyan,

At mawawala na ang tolda ng masasama.”

9 Sumagot si Job:

2 “Alam kong tama ang sinabi mo.

Pero paano magiging tama ang isang taong mortal kung ang Diyos ang kalaban niya sa usapin?+

 3 Kung may gustong makipagtalo sa Kaniya,*+

Hindi nito masasagot kahit isa sa sanlibong tanong Niya.

 4 Marunong siya* at makapangyarihan.+

Sino ang makalalaban sa kaniya nang hindi nasasaktan?+

 5 Naililipat* niya ang mga bundok nang hindi namamalayan ng sinuman;

Ibinabaligtad niya ang mga ito dahil sa kaniyang galit.

 6 Pinayayanig niya ang lupa,

Kaya nauuga ang mga haligi nito.+

 7 Inuutusan niya ang araw na huwag sumikat

At tinatakpan ang liwanag ng mga bituin;+

 8 Mag-isa niyang inilalatag ang langit,+

At tinutuntungan niya ang matataas na alon sa dagat.+

 9 Ginawa niya ang mga konstelasyon ng Ash,* Kesil,* at Kima,*+

At ang mga konstelasyon ng kalangitan* sa timog;

10 Gumagawa siya ng dakila at di-masaliksik na mga bagay,+

Kamangha-manghang mga bagay na hindi mabilang.+

11 Dumadaan siya sa tabi ko, pero hindi ko siya nakikita;

Nilalampasan niya ako, pero hindi ko siya napapansin.

12 Kapag nang-agaw siya, sino ang makapipigil sa kaniya?

Sino ang magsasabi sa kaniya, ‘Ano ang ginagawa mo?’+

13 Hindi pipigilan ng Diyos ang galit niya;+

Kahit ang mga katulong ni Rahab*+ ay yuyukod sa kaniya.

14 Kaya kung sasagot ako sa kaniya,

Dapat kong piliing mabuti ang mga salita ko sa pakikipagtalo sa kaniya!

15 Kahit ako ang tama, hindi ko siya sasagutin.+

Ang magagawa ko lang ay magmakaawa sa aking hukom.*

16 Kung hihingi ako ng tulong sa kaniya, sasagot ba siya?

Hindi ako naniniwalang makikinig siya,

17 Dahil binabayo niya ako ng bagyo

At pinararami ang sugat ko nang walang dahilan.+

18 Hindi niya ako hinahayaang mahabol ang hininga* ko;

Patuloy niya akong binibigyan ng problema.

19 Kung tungkol sa kapangyarihan, siya ang pinakamalakas.+

Kung may usapin sa katarungan, sinasabi niya: ‘Sino ang makapagsasabing mali ako?’*

20 Kahit ako ang tama, hahatulan ako ng sarili kong bibig;

Kahit nananatili akong tapat,* ipahahayag niya akong may-sala.*

21 Kahit nananatili akong tapat,* hindi ako sigurado kung ano ang mangyayari sa akin;

Namumuhi ako sa* buhay ko.

22 Wala namang pinag-iba. Kaya nga sinasabi ko,

‘Pareho niyang pinupuksa ang walang-sala* at masama.’

23 Kung biglang rumagasa ang baha at may mamatay,

Matutuwa siya sa sinapit ng mga walang-sala.

24 Ang lupa ay ibinigay sa masasama;+

Tinatakpan niya ang mata* ng mga hukom nito.

Sino pa ba ang gagawa nito kundi siya?

25 Ang mga araw ko ay mas mabilis pa sa mananakbo;+

Lumilipas ang mga ito nang wala man lang nangyayaring mabuti.

26 Dumadaan ang mga iyon na gaya ng mga bangkang tambo,

Gaya ng agilang nandaragit ng biktima nito.

27 Kung sasabihin ko, ‘Kalilimutan ko ang hinaing ko,

Ngingiti na ako at babaguhin ang ekspresyon ng mukha ko,’

28 Matatakot pa rin ako dahil sa lahat ng hirap na dinaranas ko,+

At alam kong hindi mo ako ituturing na walang-sala.

29 Ituturing pa rin akong may-sala.*

Kaya bakit pa ako magpapakahirap?+

30 Kung maligo ako sa tubig ng natunaw na niyebe,

At sabunin ko* ang mga kamay ko,+

31 Ilulubog mo naman ako sa isang hukay,

Kaya kahit ang mga damit ko ay masusuklam sa akin.

32 Dahil hindi siya taong tulad ko na puwede kong sagutin

O makaharap sa korte.+

33 Walang sinuman na puwedeng mamagitan sa amin,*

Na puwedeng maging hukom namin.*

34 Kung titigil lang siya sa pananakit sa akin*

At hindi na niya ako sisindakin ng nakakatakot na mga bagay,+

35 Makikipag-usap ako sa kaniya nang hindi natatakot,

Dahil noon naman ay hindi ako takot makipag-usap sa kaniya.

10 “Kinamumuhian ko ang buhay ko.+

Sasabihin ko ang mga hinaing ko.

Daraing ako dahil sa paghihirap ng kalooban ko!

 2 Sasabihin ko sa Diyos: ‘Huwag mo akong hatulan.*

Sabihin mo kung bakit nakikipaglaban ka sa akin.

 3 Nakikinabang ka ba sa pang-aapi mo,

Sa paghamak sa gawa ng iyong mga kamay,+

Habang pinapaboran mo ang payo ng masasama?

 4 Mayroon ka bang mga mata ng tao,

O nakakakita ka bang gaya ng taong mortal?

 5 Ang mga araw mo ba ay gaya ng sa mga mortal,

O ang mga taon mo ba ay gaya ng sa tao,+

 6 Para alamin mo pa ang pagkakamali ko

At laging hanapin ang kasalanan ko?+

 7 Alam mong wala akong kasalanan;+

At walang makapagliligtas sa akin mula sa iyong kamay.+

 8 Sarili mong mga kamay ang humubog at gumawa sa akin,+

Pero ngayon ay dinudurog mo ako nang lubusan.

 9 Alalahanin mo, pakisuyo, na ginawa mo ako mula sa putik,*+

Pero ngayon ay ibinabalik mo ako sa alabok.+

10 Hindi mo ba ako ibinuhos na gaya ng gatas

At pinatigas na gaya ng keso?

11 Dinamtan mo ako ng balat at laman,

At hinabi mo ako sa pamamagitan ng mga buto at litid.+

12 Binigyan mo ako ng buhay at nagpakita ka ng tapat na pag-ibig;

Binantayan mo ako* at inalagaan.+

13 Pero palihim kang nagplano na gawin ang mga bagay na ito.*

Alam kong galing sa iyo ang mga ito.

14 Nakikita mo ako kapag nagkakasala ako,+

At hindi mo ako pinapawalang-sala.

15 Kung nagkasala ako, kaawa-awa ako!

At kahit inosente ako, hindi ko maitaas ang ulo ko+

Dahil puro na lang ako kahihiyan at problema.+

16 Kung itaas ko ang ulo ko, magiging gaya ka ng leon na tutugis sa akin+

At muli mong maipapakita kung gaano ka kalakas.

17 Nagdadala ka ng bagong mga testigo laban sa akin,

At pinatitindi mo pa ang galit mo sa akin,

Habang sunod-sunod na problema ang nararanasan ko.

18 Kaya bakit mo pa ako inilabas sa sinapupunan?+

Namatay na sana ako bago pa ako nakita ng sinuman.

19 Sa gayon, parang hindi na ako umiral;

Dinala na sana ako sa libingan mula sa sinapupunan.’

20 Hindi ba kakaunti na lang ang mga araw ko?+ Tigilan na niya sana ako;

Alisin na sana niya ang tingin niya sa akin para maginhawahan* naman ako+

21 Bago ako umalis—at hindi na ako babalik+—

Patungo sa lupain ng matinding kadiliman,*+

22 Patungo sa lupain ng pusikit na kadiliman,

Sa lupain ng napakaitim na anino at kaguluhan,

Kung saan ang liwanag ay gaya ng dilim.”

11 Sinabi ni Zopar+ na Naamatita:

 2 “Hindi ba sasagutin ang mga salitang ito,

O magiging tama ba ang isa dahil sa dami ng sinabi niya?*

 3 Mapatatahimik ba ang mga tao dahil sa walang-saysay na pananalita mo?

Wala bang sasaway sa iyo dahil sa panghahamak mo?+

 4 Dahil sinasabi mo, ‘Tama ang turo* ko,+

At malinis ako sa iyong paningin.’+

 5 Pero kung magsasalita lang ang Diyos

At sasagutin ka niya,+

 6 Isisiwalat niya ang mga bagay na magpaparunong sa iyo,*

Dahil ang tunay na karunungan ay hindi simpleng bagay.

Sa gayon, malalaman mong nilimot ng Diyos ang ilan sa kasalanan mo.

 7 Matutuklasan mo ba ang malalim na karunungan ng Diyos

O ang lahat ng tungkol sa* Makapangyarihan-sa-Lahat?

 8 Mas mataas iyon kaysa sa langit. Kaya ano ang magagawa mo?

Mas malalim iyon kaysa sa Libingan.* Kaya ano ang malalaman mo?

 9 Mas mahaba iyon kaysa sa lupa

At mas malawak kaysa sa dagat.

10 Kung dumating siya para hulihin at dalhin sa korte ang sinuman,

Sino ang makapipigil sa kaniya?

11 Dahil alam niya kapag nanlilinlang ang mga tao.

Kapag nakikita niya ang masama, hindi ba magbibigay-pansin siya?

12 Pero makakaintindi lang ang taong hungkag ang isip*

Kung ang mailap na asno ay manganak ng tao.*

13 Kung ihahanda mo lang sana ang iyong puso

At iuunat sa kaniya ang kamay mo.

14 Kung gumagawa ka ng masama, itigil mo na iyon,

At huwag mong hayaang tumira sa mga tolda mo ang kasamaan.

15 Sa gayon, maitataas mo ang iyong ulo* nang walang ikinahihiya;

Makatatayo kang matatag—walang ikinakatakot.

16 At malilimutan mo ang iyong problema,

Gaya ng umagos na tubig na hindi mo na naaalaala.

17 Ang buhay mo ay magiging mas maliwanag kaysa sa katanghaliang-tapat;

Kahit ang kadiliman ay magiging tulad ng umaga.

18 Magiging panatag ka dahil may pag-asa,

At titingin ka sa paligid at hihiga nang tiwasay.

19 Hihiga ka nang walang sinumang tatakot sa iyo,

At marami ang magsisikap na makuha ang pabor mo.

20 Pero manlalabo ang mga mata ng masasama;

At hindi sila makakahanap ng lugar na matatakasan,

At kamatayan lang ang pag-asa nila.”+

12 At sumagot si Job:

 2 “Kayo na ang matatalino,*

At kapag namatay kayo, wala nang karunungan!

 3 Pero may unawa* rin ako.

Hindi ako nakabababa sa inyo.

Sino ang hindi nakaaalam ng mga bagay na ito?

 4 Naging katatawanan ako sa mga kasamahan ko,+

Dahil tumatawag ako sa Diyos at naghihintay ng sagot.+

Isang katatawanan ang taong matuwid at walang kapintasan.

 5 Binabale-wala* ng taong panatag ang kapahamakan;

Iniisip niyang para lang iyon sa mga may paang sumusuray.*

 6 Ang mga tolda ng mga magnanakaw ay payapa,+

At ang mga gumagalit sa Diyos ay panatag,+

Gaya ng mga taong hawak sa kanilang kamay ang diyos nila.

 7 Pero pakisuyo, magtanong ka sa mga hayop, at tuturuan ka nila;

Pati sa mga ibon sa langit, at sasabihin nila iyon sa iyo.

 8 O bigyang-pansin* mo ang lupa, at tuturuan ka nito;

At ipaaalam iyon sa iyo ng mga isda sa dagat.

 9 Sino sa lahat ng ito ang hindi nakaaalam

Na ang kamay ni Jehova ang gumawa nito?

10 Nasa kamay niya ang buhay ng bawat nabubuhay na bagay

At ang hininga* ng bawat tao.*+

11 Hindi ba sinusubok ng tainga ang mga salita

Kung paanong nilalasahan ng dila* ang pagkain?+

12 Hindi ba taglay ng matatanda ang karunungan+

At nagkakaroon ng unawa ang may mahabang buhay?

13 Marunong siya at malakas;+

May layunin* siya at unawa.+

14 Kapag may giniba siya, hindi na iyon maitatayo;+

Kapag may isinara siya, hindi iyon mabubuksan ng sinuman.

15 Kapag pinigil niya ang tubig, lahat ay natutuyo;+

Kapag pinakawalan niya ito, umaapaw ito sa buong lupa.+

16 Malakas siya at may praktikal na karunungan;+

Nasa kamay niya ang naliligaw at ang nanliligaw;

17 Pinaglalakad niya nang nakapaa ang* mga tagapayo

At pinagmumukhang baliw ang mga hukom.+

18 Inaalisan niya ng awtoridad ang mga hari+

At itinatali sa baywang nila ang sinturon ng alipin.

19 Pinaglalakad niya nang nakapaa ang mga saserdote+

At pinatatalsik ang mga matagal nang namamahala;+

20 Isinasara niya ang bibig ng pinagkakatiwalaang mga tagapayo

At inaalis ang karunungan ng matatandang lalaki;

21 Hinahamak niya ang mga prominente+

At pinahihina ang* mga makapangyarihan;

22 Isinisiwalat niya ang malalalim na bagay mula sa dilim+

At pinagliliwanag ang matinding kadiliman;

23 Pinalalakas niya ang mga bansa para puksain sila;

Pinalalaki niya ang mga bansa para maipatapon sila.

24 Inaalis niya ang unawa* ng mga pinuno ng bayan

At pinagagala-gala sila sa tiwangwang na mga lugar na walang mga daanan.+

25 Nangangapa sila sa dilim+ kung saan walang liwanag;

Pinagagala-gala niya silang gaya ng lasing.+

13 “Oo, nakita ng mata ko ang lahat ng ito,

Narinig ito ng tainga ko at naintindihan ito.

 2 Alam ko rin ang alam ninyo;

Hindi ako nakabababa sa inyo.

 3 Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto kong kausapin ang Makapangyarihan-sa-Lahat;

Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sa harap ng Diyos.+

 4 Pero dinurungisan ninyo ang reputasyon ko ng mga kasinungalingan ninyo;

Kayong lahat ay walang-silbing manggagamot.+

 5 Kung mananahimik lang sana kayo,

Makapagpapakita kayo ng karunungan.+

 6 Pakinggan ninyo, pakisuyo, ang mga argumento ko

At bigyang-pansin ang pakiusap ng mga labi ko.

 7 Magsasalita ba kayo ng masama alang-alang sa Diyos,

At magsasalita ba kayo nang may panlilinlang para sa kaniya?

 8 Papanig ba kayo sa kaniya?*

Ipaglalaban ba ninyo ang usapin ng tunay na Diyos?

 9 Maganda kaya ang makikita niya kung susuriin niya kayo?+

Malilinlang ba ninyo siya gaya ng taong mortal?

10 Tiyak na sasawayin niya kayo

Kung palihim kayong magpapakita ng paboritismo.+

11 Hindi ba kayo masisindak sa kaluwalhatian niya

At matatakot sa kaniya?

12 Ang inyong malalalim* na kasabihan ay parang abo;

Ang inyong mga pananggalang* ay kasinrupok ng luwad.

13 Tumahimik kayo para makapagsalita ako.

Pagkatapos, handa na ako anuman ang mangyari sa akin!

14 Bakit ko isinasapanganib ang sarili ko*

At itinataya* ang buhay ko?

15 Kahit na maaari niya akong patayin, maghihintay pa rin ako;+

Ipagtatanggol ko ang sarili* ko sa harap niya.

16 At siya ang magiging tagapagligtas ko,+

Dahil ang di-makadiyos na tao ay hindi* puwedeng humarap sa kaniya.+

17 Makinig kayong mabuti sa sasabihin ko;

Bigyang-pansin ninyo ang ipahahayag ko.

18 Tingnan ninyo, naihanda ko na ang usapin ko sa batas;

Alam kong ako ang tama.

19 Sino ang lalaban sa akin?

Mamamatay ako kung tatahimik lang ako!*

20 O Diyos, dalawang bagay lang ang hihilingin ko sa iyo*

Para hindi ako magtago sa iyo:

21 Ilayo mo sa akin ang mabigat mong kamay,

At huwag mo na akong takutin.+

22 Tumawag ka at sasagot ako,

O kaya ay pagsalitain mo ako at ikaw ang sumagot.

23 Ano ang mga pagkakamali at kasalanan ko?

Ipaalám mo sa akin ang pagsuway at kasalanan ko.

24 Bakit mo ako tinatalikuran*+

At itinuturing na kaaway?+

25 Tatakutin mo ba ang isang dahon na tinatangay ng hangin

O hahabulin ang tuyong pinaggapasan?

26 Dahil patuloy mong inililista ang mabibigat na akusasyon sa akin,

At pinagbabayad mo ako sa mga kasalanan ko noong kabataan pa ako.

27 Inilalagay mo ang mga paa ko sa pangawan,

Sinusuri mong mabuti ang lahat ng landas na nilalakaran ko,

At tinutunton mo ang bawat bakas ng paa ko.

28 Kaya ang tao* ay naging gaya ng bagay na nabubulok,

Gaya ng damit na inuubos ng insekto.*

14 “Ang buhay ng tao na ipinanganak ng babae

Ay maikli+ at punô ng problema.*+

 2 Sumisibol siyang gaya ng bulaklak at pagkatapos ay nalalanta;*+

Gaya siya ng aninong mabilis na nawawala.+

 3 Oo, itinuon mo ang iyong mata sa kaniya,

At isinama mo siya* para mahatulan.*+

 4 Sinong marumi ang makapagsisilang ng malinis?+

Wala!

 5 Kung napagpasiyahan na ang mga araw niya,

Nasa kamay mo ang bilang ng mga buwan niya;

Nagtakda ka ng limitasyon para hindi siya lumampas dito.+

 6 Alisin mo ang tingin mo sa kaniya para makapagpahinga siya,

Hanggang sa matapos niya ang araw niya, gaya ng upahang trabahador.+

 7 Dahil may pag-asa kahit ang isang puno.

Kung putulin ito, tutubo itong muli

At sisibol ang mga sanga nito.

 8 Kung ang ugat nito ay tumanda na sa lupa

At matuyo ang tuod nito,

 9 Tutubo ito kapag nakaamoy ng tubig;

At sisibol ang mga sanga nito, gaya sa batang halaman.

10 Pero ang tao ay namamatay at nawawalan na ng lakas;

Kapag namatay ang tao, nasaan na siya?+

11 Naglalaho ang tubig sa dagat,

At nauubos ang tubig sa ilog at natutuyo.

12 Ganiyan din ang tao; humihiga siya at hindi na bumabangon.+

Hangga’t may langit, hindi siya gigising,

At walang makagigising sa kaniya mula sa pagkatulog.+

13 O itago mo nawa ako sa Libingan;*+

Itago mo ako hanggang sa mawala ang galit mo;

Magtakda ka nawa ng panahon at alalahanin mo ako!+

14 Kung mamatay ang isang tao, mabubuhay pa ba siyang muli?+

Sa lahat ng araw ng aking sapilitang pagtatrabaho, maghihintay ako

Hanggang sa dumating ang kaginhawahan ko.+

15 Tatawag ka, at sasagot ako.+

Mananabik ka sa* gawa ng iyong mga kamay.

16 Pero sa ngayon, lagi mong binibilang ang mga hakbang ko;

Kasalanan ko lang ang binabantayan mo.

17 Ang pagsuway ko ay nakalagay sa isang selyadong sisidlan,

At nilalagyan mo ng pandikit ang sisidlan ng pagkakamali ko.

18 Kung paanong gumuguho ang bundok

At naaalis ang malaking bato sa kinalalagyan nito,

19 Kung paanong nasisira ng tubig ang mga bato,

At ang lupa ay natatangay ng agos nito,

Gayon mo inaalis ang pag-asa ng taong mortal.

20 Dinaraig mo siya hanggang sa pumanaw siya;+

Binabago mo ang hitsura niya at pinaaalis siya.

21 Pinararangalan ang mga anak niya, pero hindi niya iyon nakikita;

Binabale-wala sila, pero hindi niya iyon nalalaman.+

22 Nakadarama lang siya ng kirot

At nagdadalamhati habang buháy pa siya.”

15 Sinabi ni Elipaz+ na Temanita:

 2 “Walang-saysay na argumento* ba ang isasagot ng matalino,

O pupunuin ba niya ang puso niya ng nakasasakit na kaisipan?*

 3 Kung puro salita ang pagsaway, wala itong silbi;

Wala ring pakinabang ang pagsasalita ng walang kabuluhan.

 4 Dahil sa iyo, hindi na natatakot sa Diyos ang mga tao,

At nawawalan sila ng interes sa Diyos.

 5 Ganiyan ka magsalita dahil sa kasalanan mo,*

At mapandaya ang pananalita mo.

 6 Sarili mong bibig ang humahatol sa iyo, hindi ako;

Sarili mong mga labi ang tumetestigo laban sa iyo.+

 7 Ikaw ba ang kauna-unahang tao na ipinanganak,

O nauna ka pa ba sa mga burol?

 8 Naririnig mo ba kapag sinasabi ng Diyos ang mga sekreto niya,

O ikaw lang ba ang matalino?

 9 Ano ang alam mo na hindi namin alam?+

Ano ang nauunawaan mo na hindi namin nauunawaan?

10 Matatanda na kami at puti na ang buhok.+

Mas matanda pa kami kaysa sa iyong ama.

11 Hindi pa ba sapat sa iyo ang pang-aaliw ng Diyos

O ang malumanay na pakikipag-usap sa iyo?

12 Bakit ka nagpapadala sa damdamin* mo,

At bakit nanlilisik sa galit ang mga mata mo?

13 Dahil nagagalit ka sa Diyos,

At hinahayaan mong lumabas ang ganiyang pananalita sa bibig mo.

14 Puwede bang maging malinis ang taong mortal?

Puwede bang maging matuwid ang ipinanganak ng babae?+

15 Tingnan mo! Wala siyang tiwala sa mga anghel* niya,

At kahit ang langit ay hindi malinis sa paningin niya.+

16 Ano pa kaya kung ang tao ay kasuklam-suklam at masama,+

Isang taong umiinom ng kasamaan na gaya lang ng tubig!

17 May sasabihin ako sa iyo; makinig ka!

Sasabihin ko kung ano ang nakita ko,

18 Mga bagay na itinuro ng matatalino at hindi nila itinago,

Ang mga natutuhan nila sa kanilang ama.+

19 Sa kanila lang ibinigay ang lupain,

At walang dayuhang dumaan sa kanila.

20 Nagdurusa ang masamang tao sa lahat ng araw niya

At ang mapang-api sa buong buhay niya.

21 Lagi siyang nakaririnig ng nakakatakot na mga tunog;+

Kahit sa panahon ng kapayapaan, sinasalakay siya ng mga mandarambong.

22 Alam niyang hindi siya makatatakas sa kadiliman;+

Tiyak na mamamatay siya sa espada.

23 Nagpapagala-gala siya sa paghahanap ng pagkain* at nagsasabi, ‘Nasaan iyon?’

Alam na alam niyang malapit na ang araw ng kadiliman.

24 Lagi siyang nababalot ng takot at pag-aalala;

Dinaraig siya ng mga iyon na gaya ng haring handang sumalakay.

25 Dahil itinataas niya ang kamay niya para hamunin ang Diyos

At nilalabanan* ang Makapangyarihan-sa-Lahat;

26 Hindi siya mapigil sa pagsugod sa Kaniya

Dala ang makapal at matibay niyang kalasag;*

27 Mataba ang mukha niya,

At malaki ang tiyan niya;*

28 Nakatira siya sa mga lunsod na gigibain,

Sa mga bahay na hindi na titirhan

At magiging bunton ng mga bato.

29 Hindi siya yayaman, at hindi na madaragdagan ang taglay niya;

Hindi rin lalaganap sa lupain ang mga pag-aari niya.

30 Hindi siya makatatakas sa kadiliman;

Tutuyuin ng isang liyab ang sanga* niya,

At mamamatay siya dahil sa pagbuga ng Diyos.*+

31 Huwag niyang dayain ang sarili niya at huwag siyang magtiwala sa mga bagay na walang kabuluhan,

Dahil wala siyang mapapala sa mga iyon;

32 Malapit na niyang maranasan iyan,

At hindi lalago ang mga sanga niya.+

33 Magiging gaya siya ng punong ubas na inilalaglag ang hilaw na mga bunga nito

At ng punong olibo na inilalaglag ang mga bulaklak nito.

34 Dahil baog ang grupo ng mga di-makadiyos,*+

At lalamunin ng apoy ang mga tolda ng nagpapasuhol.

35 Naglilihi sila ng problema at nagsisilang ng kasamaan,

At ang sinapupunan nila ay punô ng panlilinlang.”

16 Sumagot si Job:

2 “Marami na akong narinig na ganiyan.

Imbes na aliwin ako, lalo pa ninyo akong pinahihirapan!+

 3 Hindi ba matatapos ang walang-saysay na* pagsasalita?

Bakit ganiyan ka* sumagot?

 4 Kaya ko ring magsalitang gaya ninyo.

Kung kayo ang nasa kalagayan ko,

Marami rin akong masasabi laban sa inyo,

At iiling ako sa inyo.+

 5 Pero sa halip na gawin iyon, papatibayin ko kayo ng aking mga salita,

At magiginhawahan kayo sa pang-aliw na sasabihin ko.*+

 6 Kapag nagsasalita ako, hindi naiibsan ang nararamdaman kong kirot;+

Kapag nananahimik naman ako, hindi rin nawawala ang kirot.

 7 Pero ngayon ay pinanlupaypay ako ng Diyos;+

Nagpasapit siya ng kapahamakan sa buong sambahayan ko.*

 8 Sinusunggaban mo* rin ako, at nakikita iyon ng iba;

Ang sobrang kapayatan ko ay parang testigo laban sa akin.

 9 Ang galit niya ang lumuluray sa akin, at nagkikimkim siya ng matinding galit sa akin.+

Pinagngangalit niya ang mga ngipin niya dahil sa akin.

Pinanlilisikan ako ng mga mata ng kalaban ko.+

10 Ibinuka nila ang bibig nila para lamunin ako.+

Tinuya nila ako at sinampal;

Marami silang nagtitipon laban sa akin.+

11 Ibinibigay ako ng Diyos sa mga batang lalaki,

At inihahagis niya ako sa kamay ng masasama.+

12 Panatag ako noon, pero sinira niya ang buhay ko;+

Hinawakan niya ako sa batok at isinubsob sa lupa;

At pinuntirya niya ako.

13 Pinapalibutan ako ng kaniyang mga mamamanà;+

Walang awa niyang pinapana ang mga bato ko;+

Ibinubuhos niya sa lupa ang apdo ko.

14 Para akong pader na paulit-ulit niyang binubutas;

Sumusugod siya sa akin na gaya ng mandirigma.

15 Nagtahi ako ng telang-sako at isinuot ito,+

At ibinaon ko na sa lupa ang dangal* ko.+

16 Namumula ang mukha ko dahil sa pag-iyak+

At nangingitim ang* paligid ng mga mata ko

17 Kahit wala naman akong sinaktan

At taimtim ang panalangin ko.

18 O lupa, huwag mong takpan ang dugo ko!+

At hayaan mo itong dumaing para sa akin!

19 Pero ngayon pa lang, may testigo na ako sa langit;

Ang makapagpapatotoo tungkol sa akin ay nasa kaitaasan.

20 Tinutuya ako ng mga kasamahan ko+

Habang umiiyak ako* sa Diyos.+

21 Magkaroon nawa ng tagapamagitan sa tao at sa Diyos,

Kung paanong may tagapamagitan sa dalawang tao.+

22 Dahil ilang taon na lang

At pupunta na ako sa landas na walang balikan.+

17 “Ubos na ang lakas ko, pati ang mga araw ko;

Hinihintay na ako ng libingan.+

 2 Pinapalibutan ako ng mga manlalait,+

At kitang-kita* ko ang pagiging mapaghimagsik nila.

 3 Pakisuyo, tanggapin mo ang panagot ko at itago mo ito.

Sino pa nga ba ang makikipagkamay sa akin at mangangako ng suporta sa akin?+

 4 Dahil ipinagkait mo ang kaunawaan sa puso nila;+

Kaya hindi mo sila itinataas.

 5 Nag-aalok sila sa mga kaibigan nila

Samantalang nanlalabo ang mata ng mga anak nila dahil sa gutom.

 6 Ginawa niya akong tampulan ng panlalait* ng mga bayan,+

At dinuduraan nila ako sa mukha.+

 7 Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa paghihirap,+

At lahat ng biyas ko ay parang anino na lang.

 8 Ang mga matuwid ay napapatitig dito sa pagkamangha,

At ang inosente ay nababagabag dahil sa di-makadiyos.*

 9 Ang matuwid ay patuloy na gumagawa ng tama,+

At ang walang-sala ay lalong lumalakas.+

10 Pero ituloy ninyo ang mga argumento ninyo,

Dahil wala pa akong nakikitang marunong sa inyo.+

11 Tapos na ang mga araw ko;+

Nasira na ang mga plano ko, ang mga naisin ng puso ko.+

12 Lagi nilang ginagawang araw ang gabi,

At sinasabi nila, ‘Malapit nang magliwanag dahil madilim na.’

13 Kaunting paghihintay na lang at magiging tahanan ko na ang Libingan;*+

Ilalatag ko ang higaan ko sa kadiliman.+

14 Sasabihin ko sa hukay,*+ ‘Ikaw ang ama ko!’

Sa uod, ‘Ikaw ang ina at kapatid ko!’

15 Kaya nasaan ang pag-asa ko?+

Sino ang nakakakita ng pag-asa para sa akin?

16 Bababa iyon* sa Libingan*

Kapag magkasama kaming bumalik sa alabok.”+

18 Sinabi ni Bildad+ na Shuhita:

 2 “Hanggang kailan ka magsasalita nang ganiyan?

Magpakita ka naman ng unawa para makapagsalita kami.

 3 Bakit mo kami itinuturing na mga hayop,+

At bakit mangmang* ang tingin mo sa amin?

 4 Kahit pa luray-lurayin mo ang sarili mo dahil sa galit,

Pababayaan ba ang lupa para sa iyo?

O aalisin ba ang malaking bato sa puwesto nito?

 5 Oo, ang ilaw ng masama ay papatayin,

At hindi magliliwanag ang liyab ng kaniyang apoy.+

 6 Magdidilim ang liwanag sa kaniyang tolda,

At ang lampara niya* ay papatayin.

 7 Ang malalaki niyang hakbang ay liliit,

At mabubuwal siya dahil sa sarili niyang plano.+

 8 Dahil aakayin siya ng paa niya sa isang lambat,

At tatapak siya sa ibabaw nito.

 9 Mabibitag siya sa kaniyang sakong;

Isang patibong ang huhuli sa kaniya.+

10 Isang tali ang nakatago sa lupa para sa kaniya,

At isang bitag ang nakaumang sa dadaanan niya.

11 Saanman siya bumaling ay may tumatakot sa kaniya,+

At sinusundan siya nito sa bawat hakbang.

12 Nauubos ang lakas niya,

At susuray-suray* siya dahil sa kasakunaan.+

13 Naaagnas ang balat niya;

Inuubos ng pinakanakamamatay na sakit* ang mga binti at braso niya.

14 Inilalayo siya mula sa proteksiyon ng tolda niya+

At dinadala sa hari ng kakilabutan.*

15 Mga estranghero* ang titira sa tolda niya;

Sasabuyan ng asupre ang tahanan niya.+

16 Ang mga ugat niya ay mamamatay,

At ang mga sanga niya ay matutuyot.

17 Mabubura sa lupa ang alaala tungkol sa kaniya,

At hindi na maaalaala ng mga tao ang pangalan niya.*

18 Itataboy siya mula sa liwanag tungo sa kadiliman

At palalayasin sa mabungang lupain.

19 Hindi siya magkakaroon ng supling o inapo sa gitna ng bayan niya,

At walang isa mang matitira sa sambahayan niya sa lugar na tinitirhan niya.*

20 Kapag dumating ang araw niya, magigitla ang mga tao sa Kanluran

At mababalot ng takot ang mga tao sa Silangan.

21 Iyan ang nangyayari sa mga tolda ng gumagawa ng masama

At sa lugar ng taong hindi nakakakilala sa Diyos.”

19 Sumagot si Job:

 2 “Hanggang kailan ninyo ako* iinisin+

At dudurugin ng inyong mga salita?+

 3 Sampung beses na ninyo akong sinasaway;*

Hindi kayo nahihiyang pakitunguhan ako nang walang pakundangan.+

 4 At kung talagang nakagawa ako ng mali,

Ako ang mananagot dito.

 5 Kung ipagpipilitan ninyong nakatataas kayo sa akin

At tama ang bintang ninyo sa akin,

 6 Dapat ninyong malaman na ang Diyos ang nagligaw sa akin,

At hinuli niya ako gamit ang lambat niya sa pangangaso.

 7 Tingnan ninyo! Patuloy akong sumisigaw, ‘Kalupitan!’ pero walang sumasagot;+

Patuloy akong humihingi ng tulong, pero walang katarungan.+

 8 Hinarangan niya ng batong pader ang landas ko kaya hindi ako makadaan;

Binalot niya ng kadiliman ang mga daan ko.+

 9 Inalis niya ang kaluwalhatian ko

At tinanggal ang korona sa ulo ko.

10 Sinisira niya ang buhay ko hanggang sa mamatay ako;

Ang pag-asa ko ay binubunot niyang gaya ng puno.

11 Naglalagablab ang galit niya sa akin,

At itinuturing niya akong kaaway.+

12 Nagtitipon ang hukbo niya para salakayin ako,

At nagkakampo sila sa palibot ng tolda ko.

13 Inilayo niya sa akin ang sarili kong mga kapatid,

At tinalikuran ako ng mga nakakakilala sa akin.+

14 Wala na ang malalapít kong kasamahan,*

At kinalimutan na ako ng mga kaibigan ko.+

15 Itinuturing akong estranghero ng aking mga bisita+ at aliping babae;

Dayuhan ako sa paningin nila.

16 Tinatawag ko ang lingkod ko pero hindi siya sumasagot,

Kahit na nagmamakaawa ako sa kaniya.

17 Pati ang hininga* ko ay naging kasuklam-suklam sa asawa ko,+

At naging mabaho ako sa sarili kong mga kapatid.

18 Ayaw sa akin kahit ng mga bata;

Kapag tumatayo ako, nilalait nila ako.

19 Kinasusuklaman ako ng lahat ng malapít kong kaibigan,+

At tinalikuran ako ng mga minamahal ko.+

20 Naging buto’t balat ako,+

At halos mamatay na ako.

21 Maawa kayo sa akin, mga kasamahan ko, maawa kayo sa akin,

Dahil kamay mismo ng Diyos ang humampas sa akin.+

22 Bakit ninyo ako patuloy na pinahihirapan gaya ng ginagawa ng Diyos+

At walang tigil na sinasalakay?*+

23 Kung maisusulat lang sana ang mga salita ko,

Kung mailalagay lang sana sa aklat ang mga iyon!

24 Kung maiuukit lang sana ang mga iyon sa bato magpakailanman

Gamit ang panulat na bakal at tingga!

25 Dahil alam na alam kong buháy ang manunubos ko;+

Darating siya at tatayo sa lupa.*

26 Pagkatapos na mapinsala nang ganito ang balat ko,

Habang buháy pa ako, makikita ko ang Diyos,

27 Ako mismo ang makakakita sa kaniya,

Sarili kong mga mata ang makakakita sa kaniya, hindi ang sa iba.+

Pero ang totoo, nanlulupaypay ako!*

28 Dahil sinasabi ninyo, ‘Paano ba namin siya pinahihirapan?’+

Na para bang ako ang ugat ng problema.

29 Matakot kayo sa espada,+

Dahil ang espada ay nagpaparusa sa mga gumagawa ng kasalanan;

Tandaan ninyo na may hukom.”+

20 Sinabi ni Zopar+ na Naamatita:

 2 “Hindi ko mapigilang magsalita dahil sa mga gumugulo sa isip ko,

Dahil nababagabag ako.

 3 May narinig akong saway na nakainsulto sa akin;

At gusto kong sumagot dahil sa unawa* ko.

 4 Tiyak na alam mo na ito,

Dahil ganito na ang kalagayan mula nang magkaroon ng tao* sa lupa+

 5 —Sandali lang ang hiyaw ng kagalakan ng masama

At di-nagtatagal ang pagsasaya ng di-makadiyos.*+

 6 Umabot man hanggang sa langit ang kayabangan niya

At hanggang sa ulap ang ulo niya,

 7 Maglalaho siya magpakailanman gaya ng sarili niyang dumi;

Sasabihin ng dating mga nakakakita sa kaniya, ‘Nasaan siya?’

 8 Mawawala siyang gaya ng panaginip, at hindi nila siya makikita;

Maglalaho siyang gaya ng pangitain sa gabi.

 9 Hindi na siya muling makikita ng matang nakakita sa kaniya,

At hindi na siya makikita sa tahanan niya.+

10 Magsisikap ang sarili niyang mga anak na makuha ang pabor ng mahihirap,

At isasauli ng sarili niyang mga kamay ang kayamanan niya.+

11 Ang lakas ng mga buto niya ay gaya ng sa kabataan,

Pero iyon* ay hihigang kasama niya sa alabok.

12 Ang kasamaan ay gaya ng matamis na pagkain sa bibig niya;

Tinutunaw niya ito sa ilalim ng dila niya,

13 Ninanamnam niya ito at ayaw iluwa,

At pinatatagal niya ito sa bibig niya.

14 Pero pagdating nito sa tiyan niya, aasim ito;

Magiging gaya ito ng lason* ng kobra sa loob niya.

15 Lumulon siya ng kayamanan, pero isusuka niya iyon;

Palalabasin iyon ng Diyos mula sa tiyan niya.

16 Sisipsipin niya ang kamandag ng mga kobra;

Mga pangil* ng ulupong ang papatay sa kaniya.

17 Hindi niya kailanman makikita ang mga batis ng tubig,

Ang umaagos na pulot-pukyutan at mantikilya.

18 Isasauli niya ang ari-arian niya nang hindi iyon nagagamit;*

Hindi niya mapapakinabangan ang kayamanang kinita niya sa pagnenegosyo.+

19 Dahil inapi niya at pinabayaan ang mahihirap;

Inagaw niya ang bahay na hindi niya itinayo.

20 Pero hindi siya mapapanatag;

Walang magagawa ang kayamanan niya para makatakas siya.

21 Wala na siyang malalamon;

Kaya hindi magtatagal ang kasaganaan niya.

22 Kapag sobrang yaman na niya, mababalot siya ng pag-aalala;

Patong-patong na problema ang darating sa kaniya.

23 Habang nagpapakabusog siya,

Maglalagablab ang galit ng Diyos* sa kaniya;

Pauulanan siya ng masasamang bagay na aabot sa mga bituka niya.

24 Kapag natakasan niya ang mga sandatang bakal,

Tutuhugin naman siya ng mga palaso mula sa búsog na tanso.

25 Huhugutin niya sa likod ang palaso,

Isang kumikinang na sandata na tumusok sa apdo niya,

At manginginig siya sa takot.+

26 Itatapon sa matinding kadiliman ang kayamanan niya;

Lalamunin siya ng apoy na hindi pinaningas* ng sinuman;

Mapapahamak ang mga natirang buháy sa tolda niya.

27 Ilalantad ng langit ang kasalanan niya;

Ang lupa ay magiging kalaban niya.

28 Tatangayin ng baha ang bahay niya;

Raragasa ang tubig sa araw ng galit ng Diyos.*

29 Ito ang gantimpala ng Diyos sa masama,

Ang manang inilaan ng Diyos para sa kaniya.”

21 Sumagot si Job:

 2 “Makinig kayong mabuti sa sasabihin ko;

Ito na lang ang hihilingin ko sa inyo.

 3 Magtiis muna kayo habang nagsasalita ako;

Pagkatapos, puwede na ninyo akong tuyain.+

 4 Sa tao ba ako nagrereklamo?

Kung oo, nainip na sana ako!

 5 Tumingin kayo sa akin at mamangha;

Takpan ninyo ng kamay ang bibig ninyo.

 6 Kapag iniisip ko ito, nababagabag ako,

At nanginginig ang buong katawan ko.

 7 Bakit patuloy na nabubuhay ang masama,+

Tumatanda, at yumayaman?*+

 8 Lagi nilang kasama ang mga anak nila,

At inaabutan pa nila ang mga apo nila.

 9 Ligtas ang mga bahay nila, malaya sila sa takot,+

At hindi sila pinaparusahan ng Diyos gamit ang pamalo niya.

10 Tuloy-tuloy ang pagdami ng toro nila;

Nanganganak ang mga baka nila at hindi nakukunan.

11 Nagtatakbuhan sa labas ang mga anak nilang lalaki gaya ng isang kawan,

At palukso-lukso ang mga anak nila.

12 Kumakanta sila sa saliw ng tamburin at alpa,

At nasisiyahan sila sa tunog ng plawta.*+

13 Kontento sila sa buong buhay nila,

At bumababa sila sa Libingan* nang payapa.*

14 Pero sinasabi nila sa tunay na Diyos, ‘Huwag mo kaming pakialaman!

Ayaw naming alamin ang mga daan mo.+

15 Sino ba ang Makapangyarihan-sa-Lahat para maglingkod kami sa kaniya?+

Ano ang mapapala namin kung makikilala namin siya?’+

16 Pero alam kong hindi nila kontrolado ang kasaganaan nila.+

Malayo sa kaisipan* ng masama ang kaisipan ko.+

17 Gaano ba kadalas patayin ang lampara ng masasama?+

Gaano ba sila kadalas dumanas ng kapahamakan?

Gaano ba kadalas puksain ng Diyos ang masasama dahil sa galit niya?

18 Nagiging gaya ba sila ng dayami na nililipad ng hangin

At ng ipa na tinatangay ng bagyo?

19 Ang parusa sa isang tao ay ipapataw ng Diyos sa mga anak niya.

Pero pagbayarin din sana siya para maramdaman niya ang galit ng Diyos.+

20 Makita sana ng sarili niyang mga mata ang pagbagsak niya

At siya mismo ang uminom ng pagngangalit ng Makapangyarihan-sa-Lahat.+

21 Dahil maiisip pa ba niya ang mangyayari sa sambahayan niya kapag wala na siya,

Kapag pinaikli ang buhay niya?*+

22 May makapagtuturo ba* sa Diyos,+

Gayong Siya ang humahatol kahit sa mga nakatataas?+

23 May taong namamatay kahit napakalakas pa niya,+

Habang panatag siya at malaya sa álalahanín,+

24 Habang nagtatabaan ang mga hita niya

At malalakas ang mga buto niya.*

25 Pero mayroon namang namamatay habang labis na naghihirap,

Na hindi man lang nakatikim ng mabubuting bagay.

26 Magkasama silang hihiga sa alabok,+

At pareho silang kakainin ng mga uod.+

27 Alam na alam ko ang iniisip ninyo

At ang mga pakana ninyo laban* sa akin.+

28 Dahil sinasabi ninyo, ‘Nasaan ang bahay ng prominenteng tao,

At nasaan ang tolda ng masama?’+

29 Hindi ba kayo nagtanong sa mga manlalakbay?

Hindi ba ninyo pinag-aralang mabuti ang mga obserbasyon* nila,

30 Na ang masama ay hindi namamatay sa araw ng kapahamakan,

At inililigtas siya sa araw ng galit?

31 Sino ang sasaway sa kaniya nang mukhaan dahil sa landasin niya?

At sino ang gaganti sa kaniya dahil sa mga ginawa niya?

32 Kapag dinala na siya sa libingan,

May magbabantay sa puntod niya.

33 Hihimlay siyang payapa sa lupa,*+

At susunod sa kaniya ang buong sangkatauhan,*+

Gaya ng di-mabilang na nauna sa kaniya.

34 Kaya bakit pa ninyo ako inaaliw ng walang-saysay na mga salita?+

Puro panlilinlang ang mga sagot ninyo!”

22 Sinabi ni Elipaz+ na Temanita:

 2 “May silbi ba ang tao sa Diyos?

Mapapakinabangan ba niya ang sinumang may unawa?+

 3 May pakialam* ba ang Makapangyarihan-sa-Lahat kung matuwid ka,

O may pakinabang ba siya sa pananatili mong tapat?+

 4 Paparusahan ka ba niya

At dadalhin sa korte dahil sa paggalang mo sa kaniya?

 5 Hindi ba gagawin niya iyon dahil sa tindi ng kasamaan mo

At dahil wala kang tigil sa paggawa ng kasalanan?+

 6 Dahil kinukunan mo ng panagot ang mga kapatid mo kahit hindi dapat,

At inaalisan mo ng damit ang mga tao kaya nagiging hubad sila.*+

 7 Hindi mo pinaiinom ng tubig ang pagod,

At pinagkakaitan mo ng pagkain ang gutom.+

 8 Ang lupain ay pag-aari ng makapangyarihang lalaki,+

At ang kinalulugdan ang nakatira doon.

 9 Pero pinaaalis mo nang walang dala ang mga biyuda,

At dinudurog mo ang braso ng mga batang walang ama.*

10 Kaya naman napapalibutan ka ng mga patibong,*+

At natatakot ka na biglang may mangyaring masama sa iyo;

11 Kaya naman napakadilim at hindi ka makakita,

At natabunan ka ng tubig.

12 Hindi ba ang Diyos ay nasa kaitaasan ng langit?

Tingnan mo kung gaano kataas ang lahat ng bituin.

13 Pero sinasabi mo: ‘Ano ba ang alam ng Diyos?

Makahahatol ba siya kung may makapal at maitim na ulap?

14 Nahaharangan siya ng mga ulap kaya hindi siya makakita

Habang lumilibot siya sa tuktok ng langit.’

15 Tatahakin mo rin ba ang sinaunang daan

Na nilakaran ng masasama,

16 Ng mga taong namatay habang bata pa,*

Na ang pundasyon ay inanod ng baha?*+

17 Sinasabi nila sa tunay na Diyos: ‘Huwag mo kaming pakialaman!’

At ‘Ano ang magagawa sa amin ng Makapangyarihan-sa-Lahat?’

18 Pero Siya ang nagbigay ng lahat ng mabubuting bagay na nasa bahay nila.

(Malayo sa isip ko ang masamang kaisipang iyan.)

19 Makikita ito ng mga matuwid at magsasaya sila,

At manunuya ang mga walang-sala at sasabihin nila:

20 ‘Nalipol na ang mga kalaban natin,

At lalamunin ng apoy ang natira sa kanila.’

21 Kilalanin mo Siya, at magiging payapa ka;

At darating sa buhay mo ang mabubuting bagay.

22 Tanggapin mo ang kautusan mula sa kaniyang bibig,

At ingatan mo sa iyong puso ang pananalita niya.+

23 Kung manunumbalik ka sa Makapangyarihan-sa-Lahat, babalik ka sa dati mong kalagayan;+

Kung aalisin mo ang kasamaan sa iyong tolda,

24 Kung itatapon mo sa alabok ang ginto* mo

At ang ginto ng Opir+ sa mababatong bangin,*

25 Ang Makapangyarihan-sa-Lahat ang magiging ginto* mo

At pinakamagandang klase ng pilak.

26 At magiging maligaya ka dahil sa Makapangyarihan-sa-Lahat,

At maihaharap mo sa Diyos ang iyong mukha.*

27 Makikiusap ka sa kaniya, at diringgin ka niya;

At tutuparin mo ang iyong mga panata.

28 Magtatagumpay ang anumang gusto mong gawin,

At sisikat ang liwanag sa landas mo.

29 Dahil mapapahiya ka kung magyayabang ka,

Pero sasagipin niya ang mga mapagpakumbaba.*

30 Ililigtas niya ang mga walang-sala;

Kaya kung malinis ang mga kamay mo, siguradong ililigtas ka.”

23 Sinabi ni Job:

 2 “Hanggang sa araw na ito, magmamatigas pa rin ako at magrereklamo;*+

Ubos na ang lakas ko dahil sa pagbubuntonghininga.

 3 Kung alam ko lang sana kung nasaan ang Diyos!+

Pupuntahan ko siya sa tirahan niya.+

 4 Ihaharap ko sa kaniya ang usapin ko,

At sasabihin ko ang lahat ng argumento ko;

 5 Pakikinggan ko ang sagot niya

At pag-iisipan ang sasabihin niya.

 6 Lalabanan ba niya ako gamit ang malakas na kapangyarihan niya?

Hindi, siguradong diringgin niya ako.+

 7 Maaayos ang kaso ng matuwid sa Kaniyang harapan,

At sa wakas ay ipahahayag akong walang-sala ng aking Hukom.

 8 Pero nang pumunta ako sa silangan, wala siya roon;

At nang bumalik ako, hindi ko pa rin siya makita.

 9 Habang gumagawa siya sa kaliwa, hindi ko siya makita;

At pumupunta siya sa kanan, pero hindi ko pa rin siya mahanap.

10 Pero alam niya ang daang tinatahak ko.+

Pagkatapos niya akong subukin, magiging gaya ako ng purong ginto.+

11 Maingat na sinundan ng paa ko ang mga hakbang niya;

Hindi ako lumilihis mula sa daan niya.+

12 Hindi ako humihiwalay sa utos na mula sa bibig niya.

Pinahalagahan ko ang mga pananalita niya+ nang higit pa kaysa sa inaasahan* sa akin.

13 Kapag determinado siya, sino ang makapipigil sa kaniya?+

Kapag may gusto siyang gawin, gagawin niya iyon.+

14 Dahil lubusan niyang isasagawa ang itinakda niya para sa akin,

At marami ang mga iyon.

15 Kaya naman hindi ako mapakali dahil sa kaniya;

Kapag iniisip ko siya, lalo akong natatakot.

16 Pinahina ng Diyos ang loob ko,

At tinakot ako ng Makapangyarihan-sa-Lahat.

17 Pero hindi pa rin ako napatahimik ng kadiliman

Kahit na tumakip ito sa aking mukha.

24 “Bakit ba hindi nagtakda ng oras ang Makapangyarihan-sa-Lahat?+

Bakit hindi nakikita ng mga nakakakilala sa kaniya ang araw ng paghatol niya?

 2 Ang mga tao ay nag-uusod ng muhon;*+

Nagnanakaw sila ng kawan para sa sarili nilang pastulan.

 3 Itinataboy nila ang asno ng mga batang walang ama

At inaagaw ang toro ng biyuda bilang prenda.*+

 4 Pinaaalis nila sa kalsada ang mga dukha;

Kailangan silang taguan ng mga walang kalaban-laban.+

 5 Naghahagilap ng pagkain ang mga dukha, gaya ng maiilap na asno+ sa ilang;

Naghahanap sila ng pagkain sa disyerto para sa mga anak nila.

 6 Kailangan nilang mag-ani sa bukid ng iba*

At mamulot ng tira-tira* sa ubasan ng masasama.

 7 Nagpapalipas sila ng gabi nang walang damit;+

Wala silang maisuot para sa lamig.

 8 Nababasâ sila ng ulan sa kabundukan;

Pilit silang nanganganlong sa malalaking bato dahil wala silang ibang masilungan.

 9 Ang anak ng biyuda ay inaagaw mula sa dibdib niya;+

At kinukuha bilang prenda ang damit ng dukha,+

10 Kaya naman naglalakad sila nang walang suot,

At gutom silang nagbubuhat ng mga tungkos ng butil.

11 Nagtatrabaho sila sa tabi ng mga pader ng ubasan sa kainitan ng araw;*

Nagtatrabaho sila sa pisaan ng ubas, pero nauuhaw sila.+

12 Dumaraing sa lunsod ang mga naghihingalo;

Humihingi ng tulong ang mga nasugatan nang malubha,+

Pero hindi nababahala ang Diyos.*

13 May mga naghihimagsik sa liwanag;+

Hindi nila kinikilala ang mga daan nito,

At hindi nila nilalakaran ang mga landas nito.

14 Maagang bumabangon ang mamamatay-tao;

Pinapatay niya ang walang kalaban-laban at dukha,+

At sa gabi naman ay nagnanakaw siya.

15 Hinihintay ng mata ng mangangalunya ang takipsilim;+

Sinasabi niya, ‘Walang makakakita sa akin!’+

At tinatakpan niya ang kaniyang mukha.

16 Sa dilim ay pinapasok nila ang* mga bahay;

Kung araw ay nagkukulong sila.

Nilalayuan nila ang liwanag.+

17 Dahil ang umaga ay tulad ng matinding kadiliman para sa kanila;

Alam nila ang kinatatakutan ng mga tao sa matinding kadiliman.

18 Pero mabilis silang aanurin ng tubig.*

Susumpain ang kanilang lupain.+

Hindi sila babalik sa ubasan nila.

19 Kung paanong kinukuha ng tagtuyot at init ang natunaw na niyebe,

Kinukuha ng Libingan* ang mga nagkasala!+

20 Kalilimutan siya ng kaniyang ina;* kakainin siya ng mga uod.

Hindi na siya maaalaala pa.+

At ang kasamaan ay ibabagsak na tulad ng puno.

21 Binibiktima niya ang babaeng baog

At minamaltrato ang biyuda.

22 Gagamitin ng Diyos* ang lakas niya para puksain ang mga makapangyarihan;

Umangat man sila, wala pa ring katiyakan ang buhay nila.

23 Hinahayaan ng Diyos* na maging kampante sila at panatag,+

Pero nakatingin siya sa lahat ng ginagawa nila.*+

24 Pansamantala silang nagiging mataas, at pagkatapos ay wala na sila.+

Puputulin sila at titipunin gaya ng mga uhay ng butil;

Babagsak sila+ at mamamatay gaya ng iba.

25 Kaya sino ang magpapatunay na sinungaling ako,

At sino ang tututol sa sinabi ko?”

25 Sinabi ni Bildad+ na Shuhita:

 2 “Sa kaniya ang pamamahala at ang kakila-kilabot na lakas;

Nagtataguyod siya ng kapayapaan sa langit.*

 3 Mabibilang ba ang hukbo niya?

Mayroon bang hindi nasisikatan ng liwanag niya?

 4 Kaya paano magiging matuwid sa harap ng Diyos ang taong mortal,+

O paano magiging walang-sala* ang ipinanganak ng babae?+

 5 Maging ang buwan ay hindi maliwanag

At ang mga bituin ay hindi malinis sa paningin niya.

 6 Gaano pa kaya ang taong mortal, na isang uod lang,

At ang anak ng tao, na isang bulati!”

26 Sinabi ni Job:

 2 “Ang laki ng naitulong mo sa nanghihina!

Talagang iniligtas mo ang may mahihinang bisig!+

 3 Napakaganda naman ng payo mo para sa walang karunungan!+

Talagang ipinakita mo* ang praktikal na karunungan* mo!

 4 Kanino ka ba nakikipag-usap,

At kanino ba galing ang mga sinasabi mo?

 5 Ang mga patay ay nanginginig;

Mas mababa pa sila kaysa sa katubigan at sa mga naninirahan doon.

 6 Ang Libingan* ay hubad sa harap ng Diyos,*+

At nakahantad ang lugar ng pagkapuksa.*

 7 Inilalatag niya ang himpapawid* sa dakong walang laman*+

At ibinibitin ang mundo sa kawalan.

 8 Ibinabalot niya ang tubig sa kaniyang mga ulap,+

Kaya hindi sumasabog ang ulap kahit mabigat ito.

 9 Hinaharangan niya ang kaniyang trono;

Tinatakpan niya ito ng kaniyang ulap.+

10 Minarkahan niya ang hangganan sa pagitan ng langit at tubig;*+

Naglagay siya ng hangganan sa pagitan ng liwanag at dilim.

11 Nayayanig ang mismong mga haligi ng langit;

Natitigilan sila dahil sa kaniyang pagsaway.

12 Pinagngangalit niya ang dagat gamit ang kapangyarihan niya,+

At dinudurog niya ang malaking hayop sa dagat*+ gamit ang kaniyang unawa.

13 Ginagawa niyang maaliwalas ang langit sa pamamagitan ng hininga* niya;

Pinapatay niya ang mailap* na ahas gamit ang kamay niya.

14 Tingnan mo! Mga gilid lang ito ng kaniyang mga daan;+

Mahinang bulong pa lang ang narinig tungkol sa kaniya!

Kaya sino ang makauunawa sa malakas na kulog niya?”+

27 Ipinagpatuloy ni Job ang pagsasalita:*

 2 “Isinusumpa ko, kung paanong buháy ang Diyos, na nagkait sa akin ng hustisya,+

Kung paanong buháy ang Makapangyarihan-sa-Lahat, na nagpapait sa buhay ko,+

 3 Hangga’t humihinga ako,

At nasa butas ng ilong ko ang hininga* mula sa Diyos,+

 4 Hindi bibigkas ng kasamaan ang bibig ko,

At hindi magsasalita ng panlilinlang ang dila ko!

 5 Hindi ko maaatim na sabihing matuwid kayo!

Mananatili akong tapat* hanggang kamatayan!+

 6 Manghahawakan ako sa aking katuwiran* at hindi ko ito bibitiwan;+

Hindi ako hahatulan* ng puso ko habang nabubuhay ako.*

 7 Matulad sana sa masasama ang kaaway ko

At sa di-matuwid ang kumakalaban sa akin.

 8 Dahil ano ang pag-asa ng di-makadiyos* kapag pinuksa siya,+

Kapag tinapos na ng Diyos ang buhay niya?

 9 Pakikinggan ba ng Diyos ang pagdaing niya

Kapag naghihirap na siya?+

10 O magiging maligaya ba siya dahil sa Makapangyarihan-sa-Lahat?

Tatawag ba siya sa Diyos sa lahat ng panahon?

11 Ituturo ko sa inyo ang tungkol sa kapangyarihan ng Diyos;*

Wala akong itatago tungkol sa Makapangyarihan-sa-Lahat.

12 Kung talagang nakakita kayong lahat ng mga pangitain,

Bakit walang kabuluhan ang mga sinasabi ninyo?

13 Ito ang gantimpala ng Diyos sa masama,+

Ang mana ng mga mapang-api mula sa Makapangyarihan-sa-Lahat.

14 Dumami man ang mga anak niya, mamamatay sila sa pamamagitan ng espada,+

At kakapusin sa pagkain ang mga inapo niya.

15 Ang mga natira sa sambahayan niya ay ililibing dahil sa salot,

At hindi sila iiyakan ng mga biyuda nila.

16 Makapag-imbak man siya ng pilak na parang nag-iimbak lang ng alabok,

At makaipon man siya ng magagandang damit na parang nag-iipon lang ng putik,

17 Siya man ang magtipon ng mga iyon,

Ang matuwid ang magsusuot ng mga iyon,+

At ang mga walang-sala ang maghahati-hati sa pilak niya.

18 Ang bahay na itinayo niya ay kasinrupok ng bahay ng insekto*

At gaya lang ng silungan+ na ginawa ng isang bantay.

19 Mayaman siya nang humiga, pero wala siyang aanihin;

Pagmulat niya, wala nang anumang naroon.

20 Ang nakakatakot na mga bagay ay darating na gaya ng baha;

Tatangayin siya ng bagyo sa gabi.+

21 Dadalhin siya ng hanging silangan, at mawawala na siya;

Tatangayin siya nito mula sa tirahan niya.+

22 Walang awa siyang hahampasin nito+

Habang hirap na hirap siyang tumatakas sa bagsik nito.+

23 Papalakpakan siya nito para tuyain

At sisipulan+ siya mula sa puwesto nito.*

28 “May minahan ng pilak

At ng ginto na dinadalisay;+

 2 Ang bakal ay kinukuha sa lupa,

At ang tanso ay kinukuha* mula sa mga bato.+

 3 Dinaraig* ng tao ang dilim;

Pinupuntahan niya maging ang pinakamadilim na lugar

Para maghanap ng mina.*

 4 Humuhukay siya ng madadaanan, malayo sa tinitirhan ng tao,

Sa mga lugar na nalimutan na, malayo sa nilalakaran ng tao;

May mga bumababa gamit ang lubid at nagtatrabaho nang nakabitin.

 5 Sa ibabaw ng lupa tumutubo ang pinagmumulan ng pagkain;

Pero ang ilalim ay wasak, na para bang dinaanan ng apoy.*

 6 Sa mga bato ay may safiro,

At sa alabok ay may ginto.

 7 Hindi alam ng mga ibong maninila ang daang papunta rito;

Hindi pa ito nakikita ng mata ng itim na lawin.

 8 Hindi pa ito nalalakaran ng mababangis na hayop;

Hindi pa ito napupuntahan ng malakas na leon.

 9 Dinudurog ng tao ang matigas na bato;*

Pinababagsak niya ang mga bundok mula sa pundasyon nito.

10 Gumagawa siya ng lagusan ng tubig+ sa bato;

Walang mahalagang bagay na nakakalampas sa mata niya.

11 Hinaharangan niya ang mga pinagmumulan ng ilog

At dinadala sa liwanag ang nakatagong mga bagay.

12 Pero ang karunungan—saan ito makikita,+

At nasaan ang pinagmumulan ng unawa?+

13 Hindi nakikita ng tao ang halaga nito,+

At hindi ito makikita saanman sa mundo.*

14 Sinasabi ng malalim na katubigan, ‘Wala iyon sa akin!’

At sinasabi ng dagat, ‘Wala iyon sa akin!’+

15 Hindi ito mabibili ng purong ginto,

At hindi rin ito matutumbasan ng pilak.+

16 Hindi ito mabibili ng ginto ng Opir+

O ng mamahaling onix at safiro.

17 Hindi maikukumpara dito ang ginto at salamin,

At hindi ito kayang palitan ng lalagyang yari sa purong* ginto.+

18 Wala sa kalingkingan nito ang korales at kristal,+

Dahil ang isang supot ng karunungan ay nakahihigit sa isang supot ng perlas.

19 Hindi ito matatapatan ng topacio+ ng Cus;

Hindi ito mabibili kahit ng purong ginto.

20 Pero saan ba nanggagaling ang karunungan,

At nasaan ang pinagmumulan ng unawa?+

21 Itinago ito sa paningin ng lahat ng may buhay+

At sa mga ibon sa langit.

22 Sinasabi ng pagkapuksa at kamatayan,

‘Bali-balita lang tungkol doon ang narinig namin.’

23 Alam ng Diyos kung paano ito hanapin;

Siya lang ang nakaaalam kung nasaan ito,+

24 Dahil tumitingin siya hanggang sa pinakadulo ng lupa,

At nakikita niya ang lahat ng nasa ilalim ng langit.+

25 Nang bigyan niya ng lakas* ang hangin+

At timbangin ang lahat ng tubig,+

26 Nang magtakda siya ng tuntunin para sa ulan+

At ng dadaanan ng ulap na may dalang bagyo at kulog,+

27 Nakita niya ang karunungan at ipinaliwanag ito;

Siya ang nagpasimula ng karunungan, at sinubok niya ito.

28 At sinabi niya sa tao:

‘Tingnan mo! Ang pagkatakot kay Jehova—iyan ang karunungan,+

At ang paglayo sa kasamaan—iyan ang unawa.’”+

29 Ipinagpatuloy ni Job ang pagsasalita:*

 2 “Kung maibabalik ko lang ang mga buwang nagdaan,

Noong mga araw na binabantayan ako ng Diyos,

 3 Noong pinasisikat niya ang kaniyang liwanag* sa ibabaw ng ulo ko,

Noong tinatanglawan niya ang paglakad ko sa dilim,+

 4 Noong* nasa kalakasan pa ako,

Noong kaibigan ko pa ang Diyos at siya ay nasa tolda ko,+

 5 Noong sumasaakin pa ang Makapangyarihan-sa-Lahat,

Noong nasa tabi ko lang ang mga anak* ko,

 6 Noong naliligo pa sa mantikilya ang nilalakaran ko

At ang mga bato ay bumubukal ng langis para sa akin.+

 7 Kapag pumupunta ako noon sa pintuang-daan ng lunsod+

At umuupo sa liwasan,*+

 8 Nakikita ako ng mga kabataang lalaki at nagbibigay-daan* sila,

At maging ang matatandang lalaki ay tumitindig at nananatiling nakatayo.+

 9 Hindi nagsasalita ang mga prinsipe;

Tinatakpan nila ng kamay ang bibig nila.

10 Tumatahimik ang mga prominenteng lalaki;

Ang dila nila ay nakadikit sa ngalangala nila.

11 Pinupuri ako ng mga nakaririnig sa akin,

At magagandang bagay ang sinasabi ng* mga nakakakita sa akin.

12 Dahil inililigtas ko ang mahirap na humihingi ng tulong,+

Pati ang batang walang ama at ang sinumang walang katulong.+

13 Pinupuri ako ng naghihirap,*+

At pinasasaya ko ang puso ng biyuda.+

14 Isinusuot ko ang katuwiran;*

Ang katarungan ko ay gaya ng mahabang damit* at turbante.

15 Ako ay naging mata para sa bulag

At paa para sa pilay.

16 Ako ay naging ama para sa mahihirap;+

Iniimbestigahan ko ang kaso ng mga hindi ko kilala para tulungan sila.+

17 Binabasag ko ang panga ng gumagawa ng masama+

At inililigtas ang biktimang kagat-kagat niya.

18 Sinasabi ko noon, ‘Mamamatay ako sa sarili kong tahanan,*+

At ang mga araw ko ay magiging kasindami ng butil ng buhangin.

19 Ang mga ugat ko ay aabot sa katubigan,

At ang hamog ay magdamag na nasa mga sanga ko.

20 Ang parangal sa akin ay hindi kumukupas,

At patuloy akong magpapahilagpos ng pana sa kamay ko.’

21 Sabik na nakikinig ang mga tao,

At tahimik nilang hinihintay ang payo ko.+

22 Pagkatapos kong magsalita, wala na silang masabi;

Ang mga salita ko ay masarap sa pandinig nila.*

23 Hinihintay nila ako na gaya ng ulan;

Ibinubuka nila ang bibig nila para inumin ang mga salita ko na gaya ng ulan sa tagsibol.+

24 Kapag nginingitian ko sila, hindi sila makapaniwala;

Napapanatag sila dahil sa saya ng aking mukha.*

25 Pinapayuhan ko sila bilang ulo nila,

At gaya ako ng hari sa gitna ng hukbo niya,+

Gaya ng umaaliw sa mga nagdadalamhati.+

30 “Ngayon ay pinagtatawanan nila ako+

—Mga lalaking mas bata sa akin,

Na anak ng mga taong

Hindi ko man lang patutulungin sa mga asong nagbabantay sa kawan ko.

 2 Ano ang silbi sa akin ng lakas nila?

Wala na silang sigla.

 3 Nanghihina sila dahil sa kakapusan at gutom;

Ngumunguya sila ng buhangin sa tuyot na lupain

Na wasak na at tiwangwang.

 4 Nangunguha sila ng maalat na dahon* mula sa mga palumpong

At mapapait na ugat ng puno* para makain.

 5 Pinalalayas sila sa komunidad;+

Sinisigawan sila ng mga tao na parang magnanakaw sila.

 6 Nakatira sila sa dalisdis ng mga bangin,*

Sa mga lungga sa lupa at mga uka sa malalaking bato.

 7 Dumaraing sila mula sa mga palumpong

At nagsisiksikan sa mga halamang kulitis.

 8 Dahil anak sila ng mga mangmang at walang kabuluhan,*

Itinataboy sila mula sa* lupain.

 9 Pero ngayon, tinutuya nila ako kahit sa mga kanta nila;+

Naging tampulan ako ng panlalait nila.*+

10 Kinasusuklaman nila ako at nilalayuan;+

Hindi sila nagdadalawang-isip na duraan ako sa mukha.+

11 Dahil ginawa akong walang kalaban-laban ng Diyos* at ibinaba niya ako,

Hindi na sila nagpipigil* sa harap ko.

12 Sama-sama silang sumasalakay mula sa kanan ko;

Pinatakas nila ako,

Pero naglagay naman sila ng mga bitag* sa daan para ipahamak ako.

13 Sinisira nila ang dadaanan ko

At pinalalala ang paghihirap ko;+

Walang pumipigil* sa kanila.

14 Pumapasok sila na parang may malaking butas sa pader;

Sumusugod sila sa kabila ng pagkawasak.

15 Nababalot ako ng takot;

Ang dangal ko ay tinatangay na gaya ng hangin,

At ang kaligtasan ko ay naglalahong gaya ng ulap.

16 Ngayon ay malapit na akong mamatay;+

Hindi ako iniwan ng mga araw ng paghihirap ko.+

17 Tumatagos sa buto ko ang kirot* kapag gabi;+

Ayaw akong tigilan ng sakit.+

18 Napipilipit ang kasuotan ko dahil sa malakas na puwersa;*

Naging gaya ito ng masikip na kuwelyong sumasakal sa akin.

19 Inihagis ako ng Diyos sa putikan;

Naging gaya na lang ako ng alabok at abo.

20 Humihingi ako sa iyo ng tulong, pero hindi ka sumasagot;+

Tumayo ako, pero tiningnan mo lang ako.

21 Naging malupit ka sa akin;+

Ginamit mo ang buong lakas ng kamay mo para saktan ako.

22 Binubuhat mo ako at pinatatangay sa hangin;

Pagkatapos ay inihahagis mo ako sa bagyo.*

23 Dahil alam kong ibababa mo ako sa libingan,*

Sa bahay na pupuntahan ng lahat ng nabubuhay.

24 Pero walang magpapabagsak sa taong walang kalaban-laban*+

Habang humihingi siya ng tulong sa panahon ng paghihirap niya.

25 Hindi ba umiyak ako para sa mga nagdurusa?

Hindi ba nalungkot ako para sa mahihirap?+

26 Kabutihan ang inaasahan ko, pero kasamaan ang dumating;

Liwanag ang hinihintay ko, pero kadiliman ang dumating.

27 Laging balisa ang puso ko;

Sinalubong ako ng mga araw ng paghihirap.

28 Naglalakad ako nang malungkot;+ walang sikat ng araw.

Tumayo ako sa gitna ng mga tao at humingi ng tulong.

29 Naging kapatid ako ng mga chakal

At kasamahan ng mga avestruz.*+

30 Nangitim ang balat ko at nabakbak;+

Nag-iinit* ang mga buto ko.

31 Ang alpa ko ay nagagamit lang para sa pagdadalamhati,

At ang plawta* ko para sa pagtugtog sa mga umiiyak.

31 “Nakipagtipan ako sa mga mata ko.+

Kaya paano ko magagawang tumingin nang may pagnanasa sa isang dalaga?+

 2 Kung gagawin ko iyon, ano ang magiging bahagi ko mula sa Diyos sa itaas?

Ano ang mana ko mula sa Makapangyarihan-sa-Lahat sa kaitaasan?

 3 Hindi ba kapahamakan ang naghihintay sa gumagawa ng masama

At trahedya sa mga gumagawa ng nakasasakit?+

 4 Hindi ba nakikita niya ang mga lakad ko+

At binibilang ang lahat ng hakbang ko?

 5 Lumakad ba ako sa landas ng kasinungalingan?*

Nagmadali ba ang paa ko para manlinlang?+

 6 Timbangin nawa ako ng Diyos sa wastong timbangan;+

Sa gayon, makikita niya ang katapatan ko.+

 7 Kung lumihis sa daan ang aking hakbang+

O kung ang puso ko ay sumunod sa mga mata ko+

O kung nadungisan ang aking mga kamay,

 8 Kainin nawa ng iba ang inihasik ko+

At mabunot nawa ang itinanim* ko.

 9 Kung ang puso ko ay naakit sa isang babae+

At nag-abang ako+ sa pintuan ng kapuwa ko,

10 Maggiling nawa ang asawa ko ng butil para sa ibang lalaki

At sipingan siya ng* ibang mga lalaki.+

11 Dahil kung ginawa ko iyon, iyon ay kahiya-hiyang paggawi,

Isang kasalanang dapat lapatan ng parusa ng mga hukom.+

12 Iyon ay isang apoy na lalamon at pupuksa,*+

At tutupukin nito pati ang ugat ng* lahat ng aking ani.*

13 Kung pinagkaitan ko ng katarungan ang aking aliping lalaki o babae

Noong may reklamo* sila laban sa akin,

14 Ano ang gagawin ko kapag hinarap ako ng* Diyos?

Ano ang isasagot ko kapag tinanong niya ako?+

15 Hindi ba ang lumikha sa akin sa sinapupunan ay ang lumikha rin sa kanila?+

Hindi ba iisa lang ang gumawa sa amin bago kami ipanganak?+

16 Kung ipinagkait ko sa mahihirap ang kahilingan nila+

O pinalungkot* ko ang mga mata ng biyuda;+

17 Kung mag-isa kong inubos ang pagkain ko

At hindi ko binigyan ang mga ulila;+

18 (Dahil mula noong kabataan ko, naging gaya na ako ng ama para sa ulila,*

At bata pa ako,* tinutulungan ko na ang biyuda.*)

19 Kung may nakita akong taong walang damit at mamamatay na sa lamig

O ng dukha na walang maisuot;+

20 Kung hindi niya ako pinasalamatan*+

Habang nagpapainit siya gamit ang balahibo ng tupa ko;

21 Kung pinagbantaan ko ang ulila gamit ang kamao ko+

Noong kailangan niya ang tulong ko* sa pintuang-daan ng lunsod;+

22 Kung gayon, matanggal nawa ang braso* ko mula sa balikat

At mabali nawa ang braso ko sa bandang siko.*

23 Dahil natatakot ako sa kapahamakan mula sa Diyos,

At hindi ako makatatayo sa harap ng kaluwalhatian niya.

24 Kung sa ginto ako nagtiwala

O sinabi ko sa purong ginto, ‘Ikaw ang proteksiyon ko!’+

25 Kung ang malaking kayamanan ko ang nagpapaligaya sa akin+

Dahil marami akong tinataglay;+

26 Kung nakita ko ang araw* na sumisinag

O ang magandang buwan na naglalakbay sa kalangitan;+

27 At lihim na naakit ang puso ko,

At hinalikan ko ang aking kamay para sambahin ang mga ito;+

28 Kung gayon, iyon ay kasalanang dapat lapatan ng parusa ng mga hukom,

Dahil iyon ay pagtalikod sa tunay na Diyos sa itaas.

29 Nagsasaya ba ako kapag napapahamak ang kaaway ko+

O natutuwa dahil may masamang nangyari sa kaniya?

30 Hindi ko pinahintulutang magkasala ang bibig ko

Sa pagsumpa na mamatay na sana siya.+

31 Hindi ba sinabi ng mga taong nasa loob ng tolda ko,

‘Mayroon bang hindi nabubusog sa inihanda niyang pagkain?’*+

32 Walang estranghero* ang nagpapalipas ng gabi sa labas;+

Pinagbubuksan ko ng pinto ang manlalakbay.

33 Pinagtatakpan ko ba ang mga kasalanan ko, gaya ng ginagawa ng iba,+

At itinatago ang pagkakamali ko sa bulsa ng damit ko?

34 Natatakot ba ako sa reaksiyon ng mga tao

O sa panghahamak ng ibang pamilya

At nananahimik na lang at natatakot lumabas?

35 Kung may makikinig lang sana sa akin!+

Lalagyan ko ng lagda ang sinabi ko.*

Sagutin nawa ako ng Makapangyarihan-sa-Lahat!+

Kung isinulat lang sana* ng nag-aakusa sa akin ang mga paratang niya!

36 Papasanin ko ang dokumentong iyon

At ilalagay ko sa ulo ko na gaya ng korona.

37 Iisa-isahin ko sa kaniya ang mga hakbang ko;

Taas-noo akong lalapit sa kaniya gaya ng isang prinsipe.

38 Kung dumaing laban sa akin ang sarili kong lupa

At magkakasamang umiyak ang mga tudling* nito;

39 Kung kinain ko ang bunga nito nang walang bayad,+

O kung pinahirapan ko ang mga may-ari nito;+

40 Matitinik na halaman sana ang tumubo rito imbes na trigo,

At mababahong panirang-damo imbes na sebada.”

Dito nagtatapos ang mga salita ni Job.

32 Kaya tumigil na ang tatlong lalaking ito sa pagsagot kay Job, dahil kumbinsido siyang matuwid siya.*+ 2 Pero galit na galit si Elihu na anak ni Barakel na Buzita+ na mula sa pamilya ni Ram. Nagalit siya nang husto kay Job dahil pinatutunayan nito na tama ang sarili niya imbes na ang Diyos.+ 3 Galit na galit din si Elihu sa tatlong kasamahan ni Job dahil hindi sila nakapagbigay ng tamang sagot; sa halip, sinasabi nilang masama ang Diyos.+ 4 Naghihintay si Elihu ng pagkakataong makasagot kay Job, dahil mas matanda sila sa kaniya.+ 5 Nang makita ni Elihu na wala nang maisagot ang tatlong lalaki, lalo pa siyang nagalit. 6 Kaya nagsalita si Elihu na anak ni Barakel na Buzita:

“Bata ako

At kayo ay matatanda na.+

Kaya bilang paggalang ay nagpigil ako,+

At hindi ako nangahas na magsabi ng nalalaman ko.

 7 Inisip ko, ‘Ang matatanda ang dapat magsalita,

At ang nabuhay na nang maraming taon ang dapat maghayag ng karunungan.’

 8 Pero ang espiritu na ibinibigay ng Diyos,

Ang hininga ng Makapangyarihan-sa-Lahat, ang nagbibigay ng unawa sa tao.+

 9 Hindi lang edad* ang nagpaparunong sa tao,

At hindi lang ang matatanda ang nakauunawa ng tama.+

10 Kaya sinasabi ko, ‘Makinig kayo* sa akin;

Sasabihin ko rin ang nalalaman ko.’

11 Hinintay ko ang mga sasabihin ninyo;

Matiyaga akong nakinig sa mga pangangatuwiran ninyo+

Habang naghahagilap kayo ng sasabihin.+

12 Pinakinggan ko kayong mabuti,

Pero walang sinuman sa inyo ang makapagpatunay na mali si* Job

O makasagot sa mga argumento niya.

13 Kaya huwag ninyong sasabihin, ‘Natagpuan namin ang karunungan;

Diyos ang sumasaway sa kaniya, hindi tao.’

14 Hindi laban sa akin ang mga sinabi ni Job,

Kaya hindi ko siya sasagutin gamit ang mga argumento ninyo.

15 Nadismaya sila, wala na silang maisagot;

Wala na silang masabi.

16 Naghintay ako, pero hindi na sila nagsalita;

Nakatayo na lang sila at hindi kumikibo.

17 Kaya sasagot na rin ako;

Sasabihin ko rin ang nalalaman ko,

18 Dahil marami akong sasabihin;

Inuudyukan ako ng espiritu.

19 Para akong* alak na hindi makasingaw,

Parang bagong sisidlang balat na malapit nang pumutok.+

20 Hayaan ninyo akong magsalita para maginhawahan ako!

Ibubuka ko ang bibig ko at sasagot ako.

21 Wala akong kikilingan;+

Hindi rin ako mambobola ng* tao,

22 Dahil hindi ako marunong mambola;

Kung gagawin ko iyon, pababagsakin ako ng aking Maylikha.

33 “Pero ngayon, Job, pakisuyong makinig ka sa akin;

Pakinggan mo ang lahat ng sasabihin ko.

 2 Kailangan kong ibuka ang bibig ko;

Kailangang magsalita ang dila* ko.

 3 Makikita sa mga salita ko na matuwid ang puso ko,+

At buong katapatang sinasabi ng mga labi ko ang nalalaman ko.

 4 Nilikha ako ng mismong espiritu ng Diyos,+

At ang mismong hininga ng Makapangyarihan-sa-Lahat ang nagbigay ng buhay sa akin.+

 5 Kung may maisasagot ka, sabihin mo lang;

Maghanda ka, at iharap mo sa akin ang mga argumento mo.

 6 Tingnan mo! Ako ay gaya mo rin sa harap ng tunay na Diyos;

Hinubog din ako mula sa putik.*+

 7 Kaya huwag kang matakot sa akin;

Hindi ka madudurog dahil sa bigat ng mga salita ko.

 8 Pero narinig kong sinabi mo,

Oo, paulit-ulit ko itong narinig,

 9 ‘Dalisay ako at walang kasalanan;+

Malinis ako at hindi nagkamali.+

10 Pero ang Diyos ay naghahanap ng dahilan para kalabanin ako;

Itinuturing niya akong kaaway.+

11 Inilalagay niya ang mga paa ko sa pangawan;

Sinusuri niyang mabuti ang lahat ng landas na nilalakaran ko.’+

12 Pero mali ang mga sinabi mo, kaya sasagutin kita:

Di-hamak na nakahihigit ang Diyos sa taong mortal.+

13 Bakit ka nagrereklamo laban sa kaniya?+

Dahil ba hindi niya sinagot ang lahat ng sinabi mo?+

14 Ang totoo, nagsasalita ang Diyos at inuulit pa niya ito,

Pero walang nagbibigay-pansin,

15 Sa panaginip, sa pangitain sa gabi,+

Kapag mahimbing na ang tulog ng mga tao

At natutulog na sila sa kanilang higaan.

16 Binubuksan niya ang pandinig nila+

At idiniriin* ang tagubilin niya sa kanila,

17 Para mailayo ang tao sa paggawa ng masama+

At maipagsanggalang mula sa pagmamataas.+

18 Inililigtas ng Diyos ang buhay niya mula sa hukay,*+

Inililigtas siya mula sa espada.*

19 Natututo ang tao kapag nakadarama siya ng kirot sa higaan niya

At kapag laging kumikirot ang mga buto niya,

20 Kaya naman nasusuklam na siya* sa tinapay

At tinatanggihan niya kahit ang masasarap na pagkain.+

21 Pumapayat siya nang husto,

At nakikita* na ang mga buto niya.

22 Palapit siya* nang palapit sa hukay*

At sa nagsasapanganib ng kaniyang buhay.

23 Kung may mensahero* para sa kaniya,

Isang tagasuporta mula sa isang libong mensahero,

Na magsasabi sa tao kung ano ang tama,

24 Kalulugdan siya ng Diyos at sasabihin,

‘Huwag siyang hayaang mapunta sa hukay!*+

Nakakita ako ng pantubos!+

25 Magiging mas sariwa ang laman niya* kaysa noong kabataan siya;+

Babalik ang lakas niya gaya noong bata pa siya.’+

26 Makikiusap siya sa Diyos,+ at tatanggapin Niya siya,

At makikita niya ang Kaniyang mukha at magsasaya siya,

At ibabalik Niya sa taong mortal ang Kaniyang katuwiran.*

27 Sasabihin* niya sa mga tao,

‘Nagkasala ako+ at binaluktot ko ang tama,

Pero hindi ko natanggap ang nararapat sa akin.*

28 Tinubos niya ako kaya hindi ako napunta sa hukay,*+

At ang buhay ko ay makakakita ng liwanag.’

29 Oo, ginagawa ng Diyos ang lahat ng ito,

Dalawa o tatlong beses pa nga para sa tao,

30 Para maiahon siya mula sa hukay*

At masinagan siya ng liwanag ng buhay.+

31 Magbigay-pansin ka, Job! Makinig ka sa akin!

Manatili kang tahimik, at itutuloy ko ang sasabihin ko.

32 Kung may sasabihin ka, sumagot ka lang.

Magsalita ka dahil gusto kong mapatunayang tama ka.

33 Kung wala naman, makinig ka sa akin;

Manatili kang tahimik, at tuturuan kita ng karunungan.”

34 Kaya patuloy na nagsalita si Elihu:

 2 “Makinig kayo sa sasabihin ko, kayong matatalino;

Pakinggan ninyo ako, kayo na maraming alam.

 3 Dahil sinusubok ng tainga ang mga salita,

Kung paanong nilalasahan ng dila* ang pagkain.

 4 Tayo mismo ang sumuri kung ano ang tama;

Tayo mismo ang magpasiya kung ano ang mabuti.

 5 Dahil sinabi ni Job, ‘Ako ang tama,+

Pero ipinagkait sa akin ng Diyos ang katarungan.+

 6 Magsisinungaling ba ako at sasabihing hindi ako karapat-dapat sa matuwid na hatol?

Hindi gumagaling ang sugat ko kahit hindi naman ako nagkasala.’+

 7 Sino ang gaya ni Job,

Na umiinom ng pang-iinsulto na gaya lang ng tubig?

 8 Kasamahan niya ang mga gumagawa ng mali,

At nakikisama siya sa masasamang tao.+

 9 Dahil sinabi niya, ‘Walang pakinabang ang tao

Sa pagsisikap niyang mapasaya ang Diyos.’+

10 Kaya makinig kayo sa akin, kayong marurunong:*

Imposibleng gumawa ng masama ang tunay na Diyos;+

Hinding-hindi gagawa ng mali ang Makapangyarihan-sa-Lahat!+

11 Dahil ginagantimpalaan niya ang tao ayon sa ginagawa nito,+

At ipinararanas niya sa tao ang resulta ng landasin nito.

12 Talagang hindi gumagawa ng masama ang Diyos;+

Hindi binabaluktot ng Makapangyarihan-sa-Lahat ang katarungan.+

13 Sino ang nag-atas sa kaniya na pangalagaan ang lupa

At pangasiwaan ang buong mundo?*

14 Kung itutuon niya sa kanila ang pansin* niya,

Kung babawiin niya ang buhay* at hininga nila,+

15 Mamamatay ang lahat ng tao,*

At ang sangkatauhan ay babalik sa alabok.+

16 Kaya kung may unawa ka, bigyang-pansin mo ito;

Makinig kang mabuti sa sasabihin ko.

17 Puwede bang mamahala ang napopoot sa katarungan?

Ang isa ba na makapangyarihan at matuwid ay hahatulan mo?

18 Sasabihin mo ba sa hari, ‘Wala kang silbi,’

O sa mga tagapamahala, ‘Masasama kayo’?+

19 Ang Diyos ay hindi nagbibigay ng espesyal na pabor sa matataas na opisyal,

At wala siyang kinikilingan sa mayaman at mahirap,*+

Dahil silang lahat ay gawa ng kaniyang mga kamay.+

20 Puwede silang mamatay nang biglaan,+ sa kalaliman ng gabi;+

Nangingisay sila at pumapanaw;

Kahit ang makapangyarihan ay puwedeng alisin, pero hindi sa pamamagitan ng kamay ng tao.+

21 Dahil ang mga mata ng Diyos ay nakatingin sa landasin ng tao,+

At nakikita niya ang lahat ng hakbang nito.

22 Walang kadiliman o napakaitim na anino

Na mapagtataguan ng mga gumagawa ng masama.+

23 Dahil ang Diyos ay hindi nagtakda ng panahon

Kung kailan haharap sa kaniya ang sinumang tao para mahatulan.

24 Inaalis niya ang mga makapangyarihan nang hindi na kailangang mag-imbestiga,

At naglalagay siya ng iba sa puwesto nila.+

25 Dahil alam niya ang ginagawa nila;+

Pinababagsak niya sila sa gabi, at nadudurog sila.+

26 Dahil sa kasamaan nila, sinasaktan niya sila

Sa lugar na makikita ng lahat,+

27 Dahil tumigil sila sa pagsunod sa kaniya+

At binabale-wala nila ang lahat ng daan niya;+

28 Dumaraing sa kaniya ang mahihirap dahil sa kanila,

Kaya dinirinig niya ang daing ng mga walang kalaban-laban.+

29 Kapag nananatiling tahimik ang Diyos, sino ang makahahatol sa kaniya?

Kapag itinatago niya ang kaniyang mukha, sino ang makakakita sa kaniya?

Ginagawa man niya iyon laban sa isang bansa o tao, pareho lang ang resulta:

30 Ang isang di-makadiyos* ay hindi makapamamahala+

O makapaglalagay ng bitag para sa mga tao.

31 May magsasabi ba sa Diyos,

‘Pinarusahan ako kahit wala naman akong ginawang mali;+

32 Sabihin mo sa akin kung ano ang hindi ko nakikita;

Kung may nagawa akong mali, hindi ko na iyon uulitin’?

33 Dapat ka ba niyang gantimpalaan ayon sa gusto mo gayong tinatanggihan mo ang hatol niya?

Ikaw ang magpasiya, hindi ako.

Kaya sabihin mo sa akin kung ano ang alam mo.

34 Sasabihin sa akin ng mga taong may unawa*

—Sinumang matalino na nakaririnig sa akin—

35 ‘Hindi alam ni Job ang sinasabi niya,+

At kulang siya sa unawa.’

36 Masubok nawa* nang sukdulan si Job

Dahil ang mga sagot niya ay gaya ng sa masasama!

37 Dinaragdagan niya ng pagrerebelde ang kasalanan niya;+

May-panunuya siyang pumapalakpak sa harap natin,

At marami siyang sinasabi laban sa tunay na Diyos!”+

35 Patuloy na sumagot si Elihu:

 2 “Talaga bang kumbinsido kang tama ka kaya sinasabi mo,

‘Mas matuwid ako sa Diyos’?+

 3 Sinasabi mo, ‘Ano ang silbi nito sa iyo?*

Mas napabuti pa ba ako dahil hindi ako nagkasala?’+

 4 Sasagot ako sa iyo

At sa mga kasamahan+ mo.

 5 Tumingala ka sa langit at tingnan mo,

Masdan mo ang mga ulap,+ na mas matataas kaysa sa iyo.

 6 Kapag nagkakasala ka, napipinsala mo ba siya?+

Kapag dumarami ang pagsuway mo, ano ang nagagawa mo sa kaniya?+

 7 Kung matuwid ka, ano ang naibibigay mo sa kaniya;

Ano ang natatanggap niya mula sa iyo?+

 8 Ang kasamaan mo ay nakaaapekto lang sa taong gaya mo,

At ang pagiging matuwid mo ay nakaaapekto lang sa isang anak ng tao.

 9 Dumaraing ang mga tao kapag inaapi sila;

Humihingi sila ng tulong dahil sa panggigipit* ng mga makapangyarihan.+

10 Pero walang nagsasabi, ‘Nasaan ang Diyos, na aking Dakilang Maylikha,+

Ang dahilan kung bakit umaawit ang mga tao sa gabi?’+

11 Mas tinuturuan niya tayo+ kaysa sa mga hayop sa lupa,+

At ginagawa niya tayong mas marunong kaysa sa mga ibon sa langit.

12 Dumaraing ang mga tao, pero hindi siya sumasagot,+

Dahil sa pagmamataas ng masasama.+

13 Tiyak na hindi pinakikinggan ng Diyos ang walang-saysay na pag-iyak;*+

Hindi iyon pinapansin ng Makapangyarihan-sa-Lahat.

14 Gaano pa kaya kung nagrereklamo kang hindi ka niya pinapansin!+

Naiharap na sa kaniya ang kaso mo, kaya dapat mo siyang hintayin.+

15 Dahil hindi nagalit ang Diyos, at hindi ka niya pinarusahan;

Masyado kang naging padalos-dalos, pero hindi niya iyon binigyang-pansin.+

16 Walang saysay ang lumalabas sa bibig ni Job;

Salita siya nang salita pero hindi niya naiintindihan ang sinasabi niya.”+

36 Sinabi pa ni Elihu:

 2 “Pagtiisan mo pa ako nang kaunti habang nagpapaliwanag ako,

Dahil may sasabihin pa ako sa ngalan ng Diyos.

 3 Detalyado kong sasabihin ang lahat ng nalalaman ko,

At ihahayag ko ang pagiging matuwid ng aking Maylikha.+

 4 Totoo ang mga sasabihin ko;

Mula ito sa Isa na nakaaalam ng lahat ng bagay.+

 5 Oo, makapangyarihan ang Diyos+ at wala siyang itinatakwil;

Napakalalim ng kaniyang unawa.*

 6 Ang masasama ay hindi niya pananatilihing buháy,+

Pero ang mga nagdurusa ay binibigyan niya ng katarungan.+

 7 Hindi niya inaalis ang mga mata niya sa mga matuwid;+

Iniluluklok niya sila bilang hari,*+ at dadakilain sila magpakailanman.

 8 Pero kapag naigapos sila ng kadena

At nabihag ng mga lubid ng pagdurusa,

 9 Ipinaaalam niya sa kanila kung ano ang nagawa nila,

Ang mga kasalanang bunga ng pagmamataas nila.

10 Binubuksan niya ang mga tainga nila para makinig sa pagtutuwid

At sinasabing tumalikod sila sa paggawa ng masama.+

11 Kung susunod sila at maglilingkod sa kaniya,

Mapapabuti sila habambuhay,

At magiging payapa ang mga taon nila.+

12 Pero kung hindi sila susunod, mamamatay sila sa espada*+

At papanaw nang walang kaalaman.

13 Ang mga di-makadiyos* ay nagkikimkim ng galit.

Hindi sila humihingi ng tulong kahit iginapos niya sila.

14 Maaga silang namamatay;+

Ginugugol nila ang* buhay nila kasama ng mga lalaking bayaran sa templo.+

15 Pero inililigtas ng Diyos* ang mga naaapi sa panahong nagdurusa sila;

Binubuksan niya ang pandinig nila kapag pinahihirapan sila.

16 Inilalayo ka niya mula sa paghihirap+

At dinadala sa malawak na lugar, kung saan magiging malaya ka,+

At ang iyong mesa ay pinupuno ng masasarap na pagkain para masiyahan ka.+

17 At ikatutuwa mo ang hatol sa masasama,+

Kapag nailapat ang hatol at naitaguyod ang katarungan.

18 Pero mag-ingat ka para hindi ka makasakit* dahil sa galit,+

At huwag mong hayaang iligaw ka ng malaking suhol.

19 Hindi ka na ba maghihirap kung hihingi ka ng tulong

O kung magsisikap ka nang husto?+

20 Huwag mong panabikan ang gabi,

Kung kailan naglalaho ang mga tao sa kinaroroonan nila.

21 Huwag mong piliing gumawa ng masama

Para lang makaiwas sa paghihirap.+

22 Tingnan mo! Ang Diyos ay naluluwalhati dahil sa kapangyarihan niya;

Sino ang tagapagturong gaya niya?

23 May umaakay ba sa kaniya?*+

O may nagsasabi ba sa kaniya, ‘Mali ang ginawa mo’?+

24 Huwag mong kalimutang dakilain ang mga gawa niya,+

Na laman ng awitin ng mga tao.+

25 Nakita iyon ng buong sangkatauhan;

Nakikita iyon ng taong mortal mula sa malayo.

26 Oo, ang Diyos ay mas dakila kaysa sa kaya nating alamin;+

Ang dami ng mga taon niya ay hindi abót ng isip natin.*+

27 Tinitipon niya paitaas ang mga patak ng tubig;+

Namumuo ang manipis na ulap para maging ulan;

28 Ibinabagsak iyon ng mga ulap+

At bumubuhos sa sangkatauhan.

29 May makapagpapaliwanag ba ng pagkalat ng ulap

At ng pagkulog mula sa tolda* niya?+

30 Tingnan mo kung paano siya nagpapakidlat*+ sa ibabaw nito

At kung paano niya tinatakpan ang kalaliman* ng dagat.

31 Sinusustinihan niya ang* mga bayan sa pamamagitan ng mga ito;

Binibigyan niya sila ng saganang pagkain.+

32 Tinatakpan niya ng mga kamay niya ang kidlat

At pinatatama ito sa puntirya nito.+

33 Inihahayag ng kulog ang pagdating niya;

Sinasabi maging ng mga hayop kung sino* ang darating.

37 “Kaya kumakabog ang dibdib* ko,

At mabilis ang tibok ng puso ko.

 2 Pakinggan ninyong mabuti ang dagundong ng tinig niya

At ang kulog na lumalabas sa bibig niya.

 3 Inilalabas niya ito sa silong ng buong langit,

At nagpapakidlat siya+ hanggang sa mga dulo ng lupa.

 4 Pagkatapos, may maririnig na dumadagundong na tunog;

Ang kamangha-mangha niyang tinig ay parang kulog,+

At tuloy-tuloy pa rin ang pagkidlat habang nagsasalita siya.

 5 Kamangha-mangha ang pagdagundong ng tinig ng Diyos;+

Gumagawa siya ng kahanga-hangang mga bagay na hindi abót ng isip natin.+

 6 Dahil sinasabi niya sa niyebe, ‘Mahulog ka sa lupa,’+

At sa ulan, ‘Bumuhos ka nang malakas.’+

 7 Pinatitigil ng Diyos ang lahat ng gawain ng tao*

Para malaman ng bawat taong mortal ang gawa Niya.

 8 Pumapasok sa lungga ang mababangis na hayop

At nananatili roon.

 9 Humihihip ang hangin ng bagyo mula sa silid nito,+

At ang hanging hilaga ay nagdadala ng lamig.+

10 Nabubuo ang yelo sa pamamagitan ng hininga ng Diyos+

At nagiging yelo ang malawak na katubigan.+

11 Oo, pinabibigat niya ng mga patak ng tubig ang mga ulap;

Ikinakalat niya sa mga ulap ang kaniyang kidlat;+

12 Nagpapaikot-ikot ang mga ito saanman niya papuntahin;

Sinusunod ng mga ito anuman ang iutos niya+ sa ibabaw* ng lupa.

13 Sa ganitong paraan, nakapagpaparusa siya,+ nadidiligan ang lupain,

At nakapagpapakita siya ng tapat na pag-ibig.+

14 Pakinggan mo ito, Job;

Huminto ka sandali at pag-isipan mong mabuti ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos.+

15 Alam mo ba kung paano kinokontrol* ng Diyos ang mga ulap

At kung paano siya nagpapakidlat mula sa kaniyang ulap?

16 Alam mo ba kung paano lumulutang ang mga ulap?+

Ito ang kamangha-manghang mga gawa ng Isa na nakaaalam ng lahat ng bagay.+

17 Bakit umiinit ang damit mo

Kapag ang lupa ay tahimik dahil sa hangin mula sa timog?+

18 Inilatag* ng Diyos ang langit+ na kasintibay ng metal na salamin.

Kaya mo rin bang gawin iyon?

19 Sabihin mo sa amin ang dapat naming sabihin sa kaniya;

Hindi kami makasagot dahil nasa dilim kami.

20 Dapat bang sabihin sa kaniya na may gusto akong ipaalám sa kaniya?

O may sinabi ba ang sinuman na dapat pang iparating sa kaniya?+

21 Hindi man lang nila makita ang liwanag*

Kahit pa maaliwalas ang langit,

Maliban kung may dumaang hangin at hawiin ang mga ulap.

22 Sa hilaga nagmumula ang gintong sinag;

Ang kaluwalhatian ng Diyos+ ay kamangha-mangha.

23 Hindi natin kayang unawain ang lahat ng bagay tungkol sa Makapangyarihan-sa-Lahat;+

Napakalakas ng kapangyarihan niya,+

At hinding-hindi niya lalabagin ang kaniyang katarungan+ at saganang katuwiran.*+

24 Kaya dapat matakot sa kaniya ang mga tao.+

Dahil hindi siya nalulugod sa mga nag-iisip na matalino* sila.”+

38 At sinagot ni Jehova si Job mula sa buhawi:+

 2 “Sino ba itong nagpapalabo ng payo ko

At nagsasalita nang walang kaalaman?+

 3 Ihanda mo ang sarili mo, pakisuyo, gaya ng isang lalaki;

Tatanungin kita, at sagutin mo ako.

 4 Nasaan ka nang ilagay ko ang pundasyon ng lupa?+

Magsalita ka kung talagang may alam ka.

 5 Baka alam mo kung sino ang nagtakda ng mga sukat nito

O kung sino ang sumukat nito sa pamamagitan ng pisi.

 6 Saan ibinaon ang mga tuntungan nito,

O sino ang naglagay ng batong-panulok nito,+

 7 Nang magkakasamang humiyaw nang may kagalakan ang mga bituing pang-umaga+

At nang sumigaw ng papuri ang lahat ng anak ng Diyos?*+

 8 At sino ang nagharang ng mga pinto sa dagat+

Nang rumagasa ito mula sa pinanggalingan* nito,

 9 Nang damtan ko ito ng mga ulap

At balutin ng makapal at maitim na ulap,

10 Nang lagyan ko ito ng hangganan

At ng mga halang at pinto,+

11 At nang sabihin ko, ‘Hanggang dito ka lang; hindi ka puwedeng lumampas;

Ito ang hangganan ng iyong naglalakihang mga alon’?+

12 Nautusan mo na ba ang umaga

O naipaalám sa bukang-liwayway ang lugar nito?+

13 Nautusan mo ba ito na puntahan ang mga dulo ng lupa

At palayasin dito ang masasama?+

14 Ang lupa ay nagiging gaya ng putik* sa ilalim ng pantatak,

At malinaw na nakikita ang disenyo nito, gaya ng sa damit.

15 Pero ipinagkakait sa masasama ang liwanag nila,

At hindi na sila makapananakit ng mga tao.*

16 Nakapunta ka na ba sa mga bukal ng dagat,

O nagalugad mo na ba ang malalim na katubigan?+

17 Naipakita na ba sa iyo ang mga pinto ng kamatayan,+

O nakita mo na ba ang mga pinto ng matinding kadiliman?*+

18 Alam mo ba kung gaano kalawak ang lupa?+

Sumagot ka kung alam mo ang lahat ng ito.

19 Saan ba talaga naninirahan ang liwanag,+

At nasaan ang lugar ng kadiliman?

20 Maibabalik mo ba ito sa teritoryo nito,

At alam mo ba ang daan papunta sa tahanan nito?

21 Naipanganak ka na ba noon

At matagal nang nabubuhay* kaya alam mo ito?

22 Nakapasok ka na ba sa mga imbakan ng niyebe,+

O nakita mo na ba ang mga imbakan ng graniso,*+

23 Na inirereserba ko para sa panahon ng kapighatian,

Para sa araw ng labanan at digmaan?+

24 Paano kumakalat ang liwanag,*

At saan nanggagaling ang hanging silangan na humihihip sa lupa?+

25 Sino ang gumawa ng dadaanan ng baha

At ng ulap na may dalang bagyo at kulog,+

26 Para umulan sa mga lugar na walang nakatira,

Sa ilang kung saan walang tao,+

27 Para madiligan ang tigang at tiwangwang na mga lupain

At tumubo ang damo?+

28 May ama ba ang ulan?+

Sino ang ama ng hamog?+

29 Kaninong sinapupunan lumabas ang yelo,

At sino ang nagsilang ng niyebe na nasa langit+

30 Nang ang ibabaw ng mga tubig ay tumigas na parang bato

Dahil nagyelo ang ibabaw ng malalim na katubigan?+

31 Maitatali mo ba ang mga lubid ng konstelasyon ng Kima*

O makakalag ang mga panali ng konstelasyon ng Kesil?*+

32 Mapalalabas mo ba ang isang konstelasyon* sa panahon nito

O maaakay ang konstelasyon ng Ash* pati ang mga anak nito?

33 Alam mo ba ang mga batas ng langit,+

O maipatutupad mo ba sa lupa ang mga ito?*

34 Mapaaabot mo ba sa mga ulap ang boses mo

Para magbuhos ito sa iyo ng malakas na ulan?+

35 Maisusugo mo ba ang mga kidlat?

Pupunta ba sila sa iyo at magsasabi, ‘Narito kami!’

36 Sino ang nagbigay ng karunungan sa mga ulap*+

O ang nagbigay ng unawa sa langit?*+

37 Sino ang ganoon karunong para mabilang ang mga ulap,

O sino ang makapagtatagilid ng mga banga ng tubig sa langit+

38 Para maging putik ang alabok

At magkadikit-dikit ang mga limpak ng lupa?

39 Makapanghuhuli ka ba ng pagkain para sa leon

O mabubusog mo ba ang mga batang leon+

40 Kapag nag-aabang sila sa mga lungga nila

O naghihintay para sumalakay?

41 Sino ang naghahanda ng pagkain para sa uwak+

Kapag ang mga inakáy nito ay humihingi ng tulong sa Diyos

At gumagala-gala dahil walang makain?

39 “Alam mo ba kung kailan nanganganak ang mga kambing-bundok?+

Nakita mo na bang isinisilang ng usa ang anak nito?+

 2 Binibilang mo ba kung ilang buwan sa sinapupunan ang anak nila?

Alam mo ba kung kailan sila nanganganak?

 3 Lumuluhod sila kapag isinisilang ang mga anak nila,

At nawawala ang nararamdaman nilang kirot.

 4 Lumalakas ang mga anak nila at lumalaki sa parang;

Umaalis ang mga ito at hindi na bumabalik sa kanila.

 5 Sino ang nagpalaya sa mailap na asno,+

At sino ang nagkalag ng mga tali nito?

 6 Ginawa kong tahanan nito ang tigang na kapatagan,

At ginawa kong tirahan nito ang lupain ng asin.

 7 Hinahamak nito ang kaguluhan sa bayan;

Hindi nito naririnig ang mga sigaw ng nagpapatrabaho sa mga hayop.

 8 Gumagala ito sa mga burol at naghahanap ng damuhan;

Hinahanap nito ang bawat berdeng halaman.

 9 Gugustuhin ba ng torong-gubat na maglingkod sa iyo?+

Magpapalipas ba ito ng gabi sa iyong kuwadra?*

10 Tatalian mo ba ng lubid ang torong-gubat para igawa ka ng mga tudling,*

O susunod ba ito sa iyo at mag-aararo sa lambak?

11 Magtitiwala ka ba rito dahil napakalakas nito

At ipagagawa rito ang mabigat na trabaho mo?

12 Iaasa mo ba rito ang pagdadala ng iyong ani,*

At titipunin ba nito ang mga iyon sa giikan mo?

13 Masayang ipinapagaspas ng avestruz* ang mga pakpak niya,

Pero ang mga bagwis at balahibo niya ay walang sinabi sa siguana.*+

14 Iniiwan niya sa lupa ang kaniyang mga itlog

At pinananatiling mainit sa alabok.

15 Hindi niya naiisip na baka madurog ang mga iyon ng mga taong naglalakad

O baka matapakan ng mabangis na hayop.

16 Wala siyang malasakit sa mga anak niya, na para bang hindi sa kaniya ang mga ito;+

Hindi siya nanghihinayang na mabale-wala ang paghihirap niya.

17 Dahil pinagkaitan siya ng Diyos ng* karunungan

At hindi siya binigyan ng unawa.

18 Pero kapag ipinagaspas niya ang mga pakpak niya at tumakbo siya,

Pinagtatawanan niya ang kabayo at ang sakay nito.

19 Ikaw ba ang nagbibigay ng lakas sa kabayo?+

Nilagyan mo ba ito ng malagong buhok?

20 Mapalulukso mo ba ito na gaya ng balang?

Nakakatakot ang malakas na pagsinghal nito.+

21 Pumapadyak ito sa lambak at dumadamba;+

Sumusugod ito sa digmaan.*+

22 Pinagtatawanan nito ang pagkasindak, at wala itong kinatatakutan.+

Hindi ito umaatras sa espada.

23 Nag-iingay* ang lalagyan ng palaso kapag tumatama ito sa kabayo,

At kumikinang ang sibat at diyabelin.*

24 Hindi ito mapakali dahil sa pananabik, kaya sumusugod na ito;*

Hindi na ito mapigilan* kapag narinig nito ang tambuli.

25 Kapag humihip ang tambuli, sinasabi nito, ‘Aha!’

Naaamoy nito ang labanan mula sa malayo

At naririnig ang hiyaw ng mga kumandante at sigaw ng pakikipagdigma.+

26 Dahil ba sa iyong unawa kaya nakalilipad ang halkon*

At iniuunat nito ang mga pakpak nito papuntang timog?

27 O dahil ba sa utos mo kaya lumilipad paitaas ang agila+

At gumagawa ng pugad sa mataas na lugar,+

28 Nagpapalipas ng gabi sa isang dalisdis,

At nanganganlong sa malaking bato?*

29 Mula roon ay naghahanap ito ng pagkain;+

Nakatingin sa malayo ang mga mata nito.

30 Sumisipsip ng dugo ang mga inakáy nito;

At kung nasaan ang bangkay, naroon ito.”+

40 Ipinagpatuloy ni Jehova ang pagsagot kay Job:

 2 “Dapat bang makipagtalo sa Makapangyarihan-sa-Lahat ang mapaghanap ng mali?+

Sagutin iyon ng gustong sumaway sa Diyos.”+

 3 Sumagot si Job kay Jehova:

 4 “Hindi ako karapat-dapat.+

Ano ang isasagot ko sa iyo?

Tinakpan ko ng kamay ang bibig ko.+

 5 Paulit-ulit akong nagsalita, pero hindi na ako sasagot;

Wala na akong idaragdag.”

 6 At sinagot ni Jehova si Job mula sa buhawi:+

 7 “Ihanda mo ang sarili mo, pakisuyo, gaya ng isang lalaki;

Tatanungin kita, at sagutin mo ako.+

 8 Kukuwestiyunin* mo ba ang katarungan ko?

Sasabihin mo bang mali ako para ikaw ang maging tama?+

 9 May bisig ka ba na kasinlakas ng sa tunay na Diyos,+

O mapadadagundong mo ba ang boses mo na gaya ng sa kaniya?+

10 Pakisuyo, gayakan mo ang sarili mo ng kaluwalhatian at karingalan;

Damtan mo ang sarili mo ng dangal at karilagan.

11 Ilabas mo ang iyong matinding galit;

Tingnan mo ang bawat isa na nagmamataas, at ibaba mo siya.

12 Tingnan mo ang bawat isa na nagmamataas, at pabagsakin mo siya,

At tapakan mo ang masasama sa kinatatayuan nila.

13 Ibaon mo silang lahat sa lupa;

Itali mo sila* sa tagong lugar,

14 At maniniwala ako*

Na maililigtas ka ng kanang kamay mo.

15 Tingnan mo ang Behemot,* na nilikha ko gaya mo rin.

Kumakain ito ng damo gaya ng toro.

16 Tingnan mo kung gaano kalakas ang balakang nito

At kalamnan sa tiyan!

17 Napapatigas nito ang buntot nito na parang sedro;

Parang nakatirintas ang mga litid sa mga hita nito.

18 Gaya ng tanso ang mga buto nito;

Gaya ng bakal ang mga binti nito.

19 Ito ang nangunguna sa* mga gawa ng Diyos;

Ang Maylikha lang nito ang makalalapit dito dala ang kaniyang espada.

20 Ang mga bundok kung saan naglalaro ang lahat ng mababangis na hayop

Ang nagbibigay rito ng pagkain.

21 Humihiga ito sa ilalim ng mga punong lotus

At nanganganlong sa mga tambo sa latian.

22 Nilililiman ito ng mga punong lotus

At pinapalibutan ng mga punong alamo sa lambak.*

23 Hindi ito natataranta kapag lumalakas ang agos ng ilog.

Panatag ito kahit rumaragasa sa bibig nito ang Jordan.+

24 May makahuhuli ba rito habang nakatingin ito,

O may makapaglalagay ba ng kawit* sa ilong nito?

41 “Mahuhuli mo ba ang Leviatan*+ gamit ang kawil,

O mapipigilan mo ba ng lubid ang dila niya?

 2 Makapagsusuot ka ba ng lubid* sa mga butas ng ilong niya,

O malalagyan mo ba ng kawit* ang mga panga niya?

 3 Paulit-ulit ba siyang makikiusap sa iyo,

O malumanay ka ba niyang kakausapin?

 4 Makikipagtipan ba siya sa iyo

Para maging alipin mo habambuhay?

 5 Lalaruin mo ba siyang gaya ng ibon,

O tatalian mo ba siya para sa maliliit mong anak na babae?

 6 Makikipagtawaran ba ang mga mangangalakal para sa kaniya?

Hahati-hatiin ba nila siya sa mga negosyante?

 7 Pauulanan mo ba ng salapáng*+ ang balat niya

O ng sibat na pangisda ang ulo niya?

 8 Subukan mong hawakan siya;

Matatanim sa isip mo ang labanan at hindi mo na iyon uulitin!

 9 Wala kang pag-asang manalo sa kaniya.

Makita mo pa lang siya, matatakot* ka na.

10 Walang nangangahas na galitin siya.

Kaya sino ang makatatayo sa harap ko?+

11 Mayroon bang mas naunang magbigay sa akin at dapat kong bayaran iyon sa kaniya?+

Akin ang lahat ng nasa ibabaw ng lupa.*+

12 Magsasalita ako tungkol sa mga binti niya,

Tungkol sa lakas niya at katawan na maganda ang pagkakahubog.

13 Sino ang nakapag-alis ng makapal na balat niya?

Sino ang papasok sa mga panga niya?

14 Sino ang makapagbubukas ng bibig* niya?

Nakakatakot ang mga ngipin niya.

15 Ang likod niya ay may mga kaliskis*

Na masinsin ang pagkakahanay-hanay.

16 Sa sobrang sinsin nito,

Kahit hangin ay hindi makakapasok sa pagitan ng mga kaliskis.

17 Magkakadikit ang mga ito,

Kabit-kabit at hindi mapaghihiwalay.

18 Kapag bumabahing siya, may kumikislap na ilaw,

At ang mga mata niya ay gaya ng liwanag ng bukang-liwayway.

19 May lumalabas na kidlat sa bibig niya

At mga tilamsik ng apoy.

20 Umuusok ang mga butas ng ilong niya,

Gaya ng hurno na pinagniningas ng mga damo.

21 Nagliliyab ang uling dahil sa hininga niya,

At may lumalabas na apoy sa bibig niya.

22 Napakalakas ng leeg niya,

At takot na takot ang nakakaharap niya.

23 Matibay ang mga suson ng balat niya;

Para itong tinunaw na metal sa kaniyang tiyan na hindi matatanggal.

24 Ang puso niya ay kasintigas ng bato,

Oo, kasintigas ng pang-ilalim na bato ng gilingan.

25 Kapag tumatayo siya, kahit ang malalakas ay natatakot;

Kapag nagwala ito, natitigilan sila.

26 Hindi siya tatablan ng espada,

Kahit ng sibat, palaso, o iba pang sandata.+

27 Parang dayami lang sa kaniya ang bakal

At bulok na kahoy ang tanso.

28 Hindi siya naitataboy ng pana;

Ang mga batong panghilagpos ay gaya lang ng pinaggapasan sa kaniya.

29 Parang pinaggapasan lang sa kaniya ang pamalo,

At pinagtatawanan niya ang pagkalampag ng diyabelin.*

30 Ang tiyan niya ay parang may matatalas na piraso ng palayok;

Parang dinaanan ng panggiik na kareta+ ang bakas na iniiwan niya sa putikan.

31 Pinakukulo niya ang kalaliman na parang nasa lutuan;

Pinabubula niya ang katubigan na gaya ng kumukulong pabango.

32 May naiiwang kislap sa dinadaanan niya,

Na para bang ang katubigan ay may puting buhok.

33 Wala siyang katulad sa lupa,

Sadyang nilalang* na walang kinatatakutan.

34 Tinitingnan niya nang masama ang lahat ng nagmamataas.

Siya ang hari ng lahat ng kakila-kilabot na mababangis na hayop.”

42 Sumagot si Job kay Jehova:

 2 “Alam ko na ngayon na kaya mong gawin ang lahat ng bagay,

At lahat ng naiisip mong gawin ay hindi imposible para sa iyo.+

 3 Sinabi mo, ‘Sino ba itong nagpapalabo ng payo ko nang walang alam?’+

Totoo, nagsalita ako kahit wala akong alam

Tungkol sa mga bagay na masyadong kamangha-mangha para sa akin, na hindi ko naiintindihan.+

 4 Sinabi mo, ‘Makinig ka, pakisuyo, at magsasalita ako.

Tatanungin kita, at sagutin mo ako.’+

 5 Narinig ng mga tainga ko ang tungkol sa iyo,

Pero ngayon ay nakikita ka na ng aking mga mata.

 6 Kaya binabawi ko na ang sinabi ko,+

At uupo ako sa alabok at abo para ipakita ang pagsisisi ko.”+

7 Matapos makipag-usap si Jehova kay Job, sinabi ni Jehova kay Elipaz na Temanita:

“Galit na galit ako sa iyo at sa dalawa mong kasama,+ dahil hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin,+ di-gaya ng ginawa ng lingkod kong si Job. 8 Kaya kumuha kayo ng pitong toro at pitong lalaking tupa at puntahan ninyo ang lingkod kong si Job, at maghandog kayo ng haing sinusunog para sa sarili ninyo. Ipapanalangin kayo ng lingkod kong si Job.+ Tatanggapin ko ang hiling niya na* huwag kayong hiyain dahil sa kamangmangan ninyo, dahil hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin, di-gaya ng ginawa ng lingkod kong si Job.”

9 Kaya umalis sina Elipaz na Temanita, Bildad na Shuhita, at Zopar na Naamatita, at ginawa nila ang iniutos ni Jehova. At tinanggap ni Jehova ang panalangin ni Job.

10 Matapos ipanalangin ni Job ang mga kasamahan niya,+ inalis ni Jehova ang kapighatian niya+ at ibinalik ang kasaganaan niya.* Dinoble ni Jehova ang pag-aari ni Job noon.+ 11 Nagpuntahan sa kaniya ang lahat ng kapatid niyang lalaki at babae at lahat ng dati pa niyang kaibigan,+ at magkakasama silang kumain sa bahay niya. Dinamayan nila siya at inaliw dahil sa lahat ng kapahamakang ipinahintulot ni Jehova na danasin niya. Bawat isa sa kanila ay nagregalo sa kaniya ng pera at isang gintong singsing.

12 Kaya mas pinagpala ni Jehova ang huling bahagi ng buhay ni Job kaysa sa pasimula,+ at nagkaroon si Job ng 14,000 tupa, 6,000 kamelyo, 1,000 pares ng baka, at 1,000 babaeng asno.+ 13 Nagkaroon din siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.+ 14 Pinangalanan niyang Jemaima ang panganay na babae, Kezia ang ikalawa, at Keren-hapuc ang ikatlo. 15 Sa buong lupain, walang kasingganda ang mga anak na babae ni Job, at binigyan sila ng mana ng kanilang ama gaya ng mga kapatid nilang lalaki.

16 Pagkatapos, nabuhay pa si Job ng 140 taon, at nakita niya ang kaniyang mga anak at apo—apat na henerasyon. 17 Nang bandang huli, namatay si Job, matapos masiyahan sa mahabang buhay.*

Posibleng ang ibig sabihin ay “Tudlaan ng Pagkapoot.”

O “at walang kapintasan.”

Lit., “500 pares ng baka.”

Lit., “asnong babae.”

O “pinakamayaman.”

O “May kani-kaniyang araw.”

Idyoma sa Hebreo na tumutukoy sa mga anghel.

Lit., “Itinuon mo ba ang puso mo sa.”

O “at walang kapintasan.”

O “kontrol.”

Lit., “mukha.”

O posibleng “May kidlat.”

O “sa apat na kanto ng bahay.”

O “inakusahan ng masama.”

Idyoma sa Hebreo na tumutukoy sa mga anghel.

Lit., “Itinuon mo ba ang puso mo sa.”

O “at walang kapintasan.”

Lit., “lamunin.”

O “kontrol.”

Lit., “mukha.”

O “ng malalang mga sugat.”

Lit., “hindi siya nagkasala sa kaniyang mga labi.”

O “kakilala.”

Lit., “ang araw niya.”

O “ng kadiliman at anino ng kamatayan.”

Ipinapalagay na tumutukoy sa buwaya o sa isang hayop sa tubig na malaki at malakas.

O “binakuran.”

Lit., “mahihinang kamay.”

Lit., “nanghihina ka.”

O “nagplano.”

O “mensahero.”

O “tangà,” isang insekto na kumakain ng tela.

O “isinumpa.”

O “sinisiil.”

O “tusong pakana.”

Lit., “tutubusin.”

O “Dahil makikipagtipan (makikipagkasundo) sa iyo ang.”

Lit., “payapa.”

O “di-nawawalang.”

O “kaibigan.”

O “ng naglalakbay na pangkat ng mga Sabeano.”

O “O nagpatubos ba ako mula sa mga umaapi sa akin?”

O “ipagpapalit; ibabarter.”

O “matuwid.”

O “at pabiling-biling ako.”

O “hangin.”

Lit., “kabutihan.”

Lit., “Ang bumababa sa Sheol.” Tingnan sa Glosari.

Lit., “espiritu.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Lit., “kaysa sa mga buto ko.”

Lit., “puso.”

Lit., “Ibinigay niya sila sa kamay ng pagrerebelde nila.”

O “Kikilos siya para sa iyo.”

O “sa kalagayang nararapat sa iyo.”

O “At sasabihin ang nasa puso nila?”

Lit., “Gayon din ang landasin ng.”

O “apostata.”

Lit., “bahay.”

O “Nakatingin siya sa bahay na bato.”

O “nilulon.”

O “Ganiyan matatapos ang landasin niya.”

O “mga walang kapintasan.”

Lit., “hahawakan ang kamay ng.”

O “gustong makaharap Siya sa korte.”

Lit., “Mayroon siyang pusong marunong.”

O “Inaalis.”

Posibleng ang konstelasyong Great Bear (Ursa Major).

Posibleng ang konstelasyong Orion.

Posibleng ang mga bituin ng Pleiades sa konstelasyong Taurus.

Lit., “At ang mga loobang silid.”

Posibleng isang napakalaking hayop sa dagat.

O posibleng “sa kalaban ko sa batas.”

Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”

Lit., “ang magpapatawag sa akin?”

O “Kahit na wala akong sala.”

Lit., “buktot.”

O “Kahit na wala akong sala.”

O “Itinatakwil ko ang; Ayoko sa.”

O “ang nananatiling tapat.”

Lit., “mukha.”

Lit., “masama.”

O “gamitan ko ng abong panlinis.”

O “magpasiya sa pagitan namin.”

Lit., “Na puwedeng magpatong ng kamay sa aming dalawa.”

Lit., “Kung aalisin niya sa akin ang pamalo niya.”

O “ipahayag na may-sala.”

O “luwad.”

O “ang hininga ko; ang buhay ko.” Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”

Lit., “At itinago mo ang mga bagay na ito sa iyong puso.”

O “sumaya.”

O “ng kadiliman at anino ng kamatayan.”

O “magiging tama ba ang mayabang?”

O “sinasabi.”

O “Isisiwalat niya sa iyo ang mga lihim ng karunungan.”

O “ang kasukdulan ng.”

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

O “taong mangmang.”

O “Kung ang mailap na asno ay ipanganak na tao.”

Lit., “mukha.”

Lit., “Kayo ang bayan.”

Lit., “puso.”

O “Hinahamak.”

O “nadudulas.”

O posibleng “kausapin.”

Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”

Lit., “ng lahat ng laman ng tao.”

Lit., “ngalangala.”

Lit., “payo.”

O “Kinukuha niya ang lahat ng tinataglay ng.”

Lit., “At pinaluluwag ang sinturon ng.”

Lit., “puso.”

O “Kikilingan ba ninyo siya?”

O “di-malilimot.”

Lit., “Ang mga umbok sa inyong kalasag.”

Lit., “Bakit ko dala-dala ang aking laman sa mga ngipin ko?”

O “inilalagay sa mga kamay ko.”

O “ang mga paraan.”

O “Dahil walang apostata na.”

O posibleng “Kung mayroon, mananahimik ako at mamamatay.”

Lit., “Dalawang bagay lang ang huwag mong gawin sa akin.”

Lit., “Bakit mo itinatago ang iyong mukha.”

Lit., “siya.” Posibleng tumutukoy kay Job.

O “tangà,” isang insekto na kumakain ng tela.

O “kaligaligan.”

O posibleng “pinuputol.”

Lit., “ako.”

O “At dinala mo siya sa korte bilang kalaban mo sa batas.”

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

O “Mimithiin mo ang.”

Lit., “Kaalaman ng hangin.”

O “ng hanging silangan?”

O “Dahil sinasanay ng kasalanan mo ang iyong bibig.”

Lit., “puso.”

Lit., “banal.”

Lit., “tinapay.”

O “At sinusubukang talunin.”

Lit., “ang makakapal na umbok ng kalasag niya.”

Sa tekstong ito, ang katabaan ay sumasagisag sa kaalwanan, pagpapalugod sa sarili, at kayabangan.

Tumutukoy sa anumang pag-asa niyang makabangon.

Lit., “ng bibig niya.”

O “apostata.”

O “walang-patumanggang.”

Si Elipaz.

Lit., “ng mga labi ko.”

O “sa mga nagtitipong kasama ko.”

Tumutukoy sa Diyos.

O “lakas.” Lit., “sungay.”

O “At ang anino ng kamatayan ay nasa.”

O posibleng “Habang napupuyat ako sa paghihintay.”

O “tititigan.”

Lit., “Ginawa niya akong kasabihan.”

O “apostata.”

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

O “libingan.”

Pag-asa.

Lit., “sa mga halang ng Sheol.” Tingnan sa Glosari.

O posibleng “marumi.”

Lit., “lampara sa ibabaw niya.”

O “iika-ika.”

Lit., “ng panganay ng kamatayan.”

O “sa kahindik-hindik na kamatayan.”

Lit., “Isang bagay na hindi kaniya.”

Lit., “At wala siyang pangalan sa lansangan.”

O “lugar kung saan siya pansamantalang naninirahan.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “iniinsulto.”

O “ang mga kamag-anak ko.”

Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”

Lit., “At hindi kayo nasiyahan sa laman ko?”

Lit., “alabok.”

O “Bumigay ang mga bato ko.”

Lit., “espiritu ng kaunawaan.”

O “sangkatauhan; Adan.”

O “apostata.”

Ang lakas niya.

O “apdo.”

Lit., “Dila.”

Lit., “at hindi niya iyon lululunin.”

Lit., “galit Niya.”

O “pinaypayan.”

Lit., “Niya.”

O “nagiging makapangyarihan?”

O “tipano.”

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

O “sa isang sandali,” ibig sabihin, mamamatay nang mabilis at hindi nahihirapan.

O “payo; pakana.”

O “Kapag hinati sa dalawa ang bilang ng mga buwan niya?”

O “May makapagtuturo ba ng kaalaman . . . ?”

O “At sariwa ang utak sa buto niya.”

O posibleng “pakana ninyo na maging marahas.”

Lit., “tanda.”

Lit., “Magiging matamis para sa kaniya ang lupa ng lambak.”

Lit., “At hihilahin niya ang buong sangkatauhan.”

O “Natutuwa.”

Lit., “At inaalisan mo ng damit ang mga hubad.”

O “mga ulila.”

Lit., “bitag sa ibon.”

O “mga taong pinaikli ang buhay.”

Lit., “ilog.”

O “mga piraso ng ginto.”

O “wadi.”

O “mga piraso ng ginto.”

O “At titingala ka sa Diyos.”

O “mga may matang nakatingin sa ibaba.”

O “ang reklamo ko ay mapaghimagsik.”

O “itinakda.”

Tanda ng hangganan.

O “panagot.”

O posibleng “mag-ani ng pagkain ng hayop sa bukid.”

O “At maghimalay.”

O posibleng “Nagpipiga sila ng olibo sa tabi ng pader ng hagdan-hagdang lupain para makuha ang langis nito.”

O posibleng “walang pinananagot ang Diyos.”

Lit., “humuhukay siya papasók sa.”

Lit., “Siya ay matulin sa ibabaw ng tubig.”

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

Lit., “ng sinapupunan.”

Lit., “niya.”

Lit., “niya.”

Lit., “sa mga daan nila.”

Lit., “sa kaitaasan niya.”

O “malinis.”

O “Lubusan mong ipinakita.”

O “ang sentido kumon.”

O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.

Lit., “niya.”

O “ang Abadon.”

Lit., “ang hilaga.”

Lit., “sa kawalan.”

O “Gumuhit siya ng bilog sa ibabaw ng tubig.”

Lit., “si Rahab.”

O “hangin.”

O “umuusad.”

Lit., “kasabihan.”

Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”

O “Hindi ko isusuko ang katapatan ko.”

Tingnan sa Glosari.

O “tutuyain.”

O “sa lahat ng araw ko.”

O “apostata.”

O posibleng “Tuturuan ko kayo sa pamamagitan ng kamay ng Diyos.”

O “tangà,” isang insekto na kumakain ng tela.

O posibleng “Papalakpakan nila siya para tuyain at sisipulan siya mula sa puwesto nila.”

O “tinutunaw.” Lit., “ibinubuhos.”

O “Pinagliliwanag.”

Lit., “bato.”

Malamang na tumutukoy sa nangyayari kapag nagmimina.

O “ang batong pingkian.”

Lit., “sa lupain ng mga buháy.”

O “dinalisay na.”

Lit., “bigat.”

Lit., “kasabihan.”

Lit., “lampara.”

Lit., “Noong mga araw na.”

O “tagapaglingkod.”

O “plaza.”

Lit., “nagtatago.”

O “At nagpapatotoo para sa akin ang.”

O “ng taong halos mamatay na.”

Tingnan sa Glosari.

O “ng damit na walang manggas.”

Lit., “sa pugad ko.”

Lit., “ay tutulo sa kanila.”

O posibleng “Hindi nila pinadilim ang liwanag ng aking mukha.”

O “ng halamang asin.”

O “punong retama.”

O “wadi.”

O “walang pangalan.”

Lit., “Nilalatigo sila palabas ng.”

Lit., “Naging kasabihan ako sa kanila.”

Lit., “Dahil kinalag niya ang bagting ng búsog ko.”

O “Nagtanggal sila ng renda.”

O “harang.”

O posibleng “tumutulong.”

Lit., “Binabarena ang buto ko.”

O posibleng “Nag-iiba ang hitsura ko dahil sa tindi ng paghihirap ko.”

O posibleng “ay pinaglalaho mo ako sa dagundong.”

Lit., “kamatayan.”

Lit., “sa bunton ng guho.”

Sa Ingles, ostrich.

O posibleng “Nag-iinit dahil sa lagnat.”

O “tipano.”

O posibleng “Lumakad ba ako kasama ng mga sinungaling?”

O “ang mga inapo.”

Lit., “At paluhurin sa ibabaw niya ang.”

Lit., “lalamon hanggang sa pagkapuksa.”

O “At bubunutin nito ang.”

O “pinaghirapan.”

O “kaso.”

Lit., “kapag tumayo ang.”

Lit., “pinalabo.”

Lit., “kaniya.”

Lit., “At nasa sinapupunan pa ako ng aking ina.”

Lit., “siya.”

Lit., “Kung hindi ako pinagpala ng balakang niya.”

O posibleng “Noong makita kong may kakampi ako.”

O “paypay.”

O “mula sa dugtungan nito; mula sa itaas na bahagi ng braso.”

Lit., “liwanag.”

Lit., “karne.”

O “dayuhang naninirahan sa lupain.”

O “Heto ang pirma ko.”

O “isinulat lang sana sa isang dokumento.”

Makitid na hukay sa inararong lupa.

O “dahil matuwid siya sa sarili niyang paningin.”

O “maraming araw.”

Lit., “ka.”

O “ang makasaway kay.”

Lit., “Ang tiyan ko ay parang.”

O “maggagawad ng titulong pandangal sa.”

Lit., “dila at ngalangala.”

O “luwad.”

Lit., “tinatatakan.”

O “libingan.”

O “sandata (suligi).”

Lit., “ang buhay niya.”

O “nakausli.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O “libingan.”

O “anghel.”

O “libingan.”

O “mas malusog siya.”

O “At ibabalik Niya ang matuwid na katayuan ng taong mortal sa harap Niya.”

Lit., “Aawitin.”

O posibleng “At hindi ako nakinabang dito.”

O “libingan.”

O “libingan.”

Lit., “ngalangala.”

Lit., “mga taong may puso.”

O “tinatahanang lupa.”

Lit., “puso.”

Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”

Lit., “laman.”

O “sa prominente at mababa.”

O “apostata.”

Lit., “puso.”

O posibleng “Ama ko, hayaan mong masubok.”

Malamang na tumutukoy sa Diyos.

Lit., “bisig.”

O “ang isang kasinungalingan.”

Lit., “puso.”

O posibleng “Nagluluklok siya ng mga hari.”

O “sandata (suligi).”

O “apostata.”

O posibleng “Nagwawakas ang.”

Lit., “niya.”

O “pumalakpak nang may panunuya.”

O posibleng “May pumupuna ba sa mga daan niya?; Pinananagot ba siya ng sinuman?”

O “hindi maarok.”

Lit., “kubol.”

Lit., “nagpapakalat ng liwanag.”

Lit., “ang mga ugat.”

O posibleng “Ipinagtatanggol niya ang mga usapin ng.”

O posibleng “ano.”

Lit., “puso.”

Lit., “Tinatatakan niya ang kamay ng bawat tao.”

O “sa ibabaw ng mabungang lupain.”

O “inuutusan.”

O “Pinukpok.”

Liwanag ng araw.

Tingnan sa Glosari.

Lit., “na may pusong marunong.”

Idyoma sa Hebreo na tumutukoy sa mga anghel.

Lit., “sinapupunan.”

O “luwad.”

Lit., “At binabali ang nakataas na mga bisig nila.”

O “ng anino ng kamatayan?”

Lit., “At marami na ang mga araw mo.”

Mga tipak ng yelo.

O posibleng “kidlat.”

Posibleng ang mga bituin ng Pleiades sa konstelasyong Taurus.

Posibleng ang konstelasyong Orion.

Lit., “Mazarot.”

Posibleng ang konstelasyong Great Bear (Ursa Major).

O posibleng “ang awtoridad Niya?”

O posibleng “sa tao.”

O “sa kababalaghan sa langit?” O posibleng “sa isip?”

O “sabsaban.”

Makitid na hukay sa inararong lupa.

Lit., “binhi.”

Sa Ingles, ostrich.

Sa Ingles, stork.

Lit., “Dahil ipinalimot ng Diyos sa kaniya ang.”

Lit., “baluti.”

O “Kumakalansing.”

Maikling sibat.

Lit., “kaya nilalamon nito ang lupa.”

O posibleng “Hindi ito naniniwala.”

Sa Ingles, falcon.

Lit., “sa ngipin ng malaking bato?”

O “Ipawawalang-bisa.”

Lit., “ang mga mukha nila.”

O “pupurihin kita.”

Posibleng hipopotamus.

Lit., “Ito ang pasimula ng.”

O “wadi.”

Lit., “silo.”

Posibleng buwaya.

Lit., “hungko.”

Lit., “tinik.”

Parang sibat na may mga pangawit.

O “babagsak.”

Lit., “nasa silong ng langit.”

Lit., “ng mga pinto ng mukha.”

O posibleng “Ang mga kaliskis niya ang ipinagyayabang niya.”

Maikling sibat.

O “nilikha.”

Lit., “Tiyak na itataas ko ang mukha niya para.”

Lit., “binaligtad ni Jehova ang pagkakabihag ni Job.”

Lit., “matanda na at puspos ng mga araw.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share