Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • nwt Jeremias 1:1-52:34
  • Jeremias

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Jeremias
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Jeremias

JEREMIAS

1 Ito ang mga salita ni Jeremias* na anak ni Hilkias, isa sa mga saserdote sa Anatot+ sa lupain ng Benjamin. 2 Dumating sa kaniya ang salita ni Jehova noong panahon ng hari ng Juda na si Josias,+ na anak ni Amon,+ nang ika-13 taon ng paghahari nito. 3 Dumating din ito noong panahon ng anak ni Josias na si Jehoiakim,+ na hari ng Juda, hanggang sa pagtatapos ng ika-11 taon ng anak ni Josias na si Zedekias,+ na hari ng Juda, hanggang sa ipatapon ang Jerusalem nang ikalimang buwan.+

4 Dumating sa akin ang salita ni Jehova. Sinabi niya:

 5 “Bago pa kita binuo sa sinapupunan ay kilala* na kita,+

At bago ka pa isilang* ay pinabanal* na kita.+

Ginawa kitang propeta sa mga bansa.”

 6 Pero sinabi ko: “O Kataas-taasang* Panginoong Jehova!

Hindi ako marunong magsalita,+ dahil bata pa ako.”+

 7 At sinabi ni Jehova sa akin:

“Huwag mong sabihing ‘Bata pa ako.’

Dahil magpupunta ka sa lahat ng pagsusuguan ko sa iyo,

At dapat mong sabihin ang lahat ng iuutos ko sa iyo.+

 8 Huwag kang matakot sa kanila,*+

Dahil ‘kasama mo ako at ililigtas kita,’+ ang sabi ni Jehova.”

9 Pagkatapos, iniunat ni Jehova ang kamay niya at hinipo ang bibig ko.+ At sinabi ni Jehova sa akin: “Inilagay ko ang mga salita ko sa bibig mo.+ 10 Tingnan mo, inatasan kita sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, para bumunot at magbagsak, para mangwasak at manggiba, para magtayo at magtanim.”+

11 Ang salita ni Jehova ay muling dumating sa akin. Sinabi niya: “Ano ang nakikita mo, Jeremias?” Sinabi ko: “May nakikita akong sanga ng punong almendras.”*

12 Sinabi ni Jehova sa akin: “Tama ang nakikita mo, dahil nananatili akong gisíng para tuparin ang salita ko.”

13 Ang salita ni Jehova ay dumating sa akin sa ikalawang pagkakataon. Sinabi niya: “Ano ang nakikita mo?” Sinabi ko: “May nakikita akong lutuan* na kumukulo ang laman.* At nakatagilid ang bibig nito palayo sa hilaga.” 14 Pagkatapos ay sinabi ni Jehova sa akin:

“Mula sa hilaga ay darating ang kapahamakan

Laban sa lahat ng nakatira sa lupain.+

15 Dahil ‘tatawagin ko ang lahat ng pamilya ng mga kaharian sa hilaga,’ ang sabi ni Jehova,+

‘At darating sila; ang bawat isa sa kanila ay maglalagay ng kani-kaniyang trono

Sa pasukan ng mga pintuang-daan ng Jerusalem,+

At sasalakayin nila ang lahat ng pader niya sa palibot

At ang lahat ng lunsod ng Juda.+

16 At ihahayag ko ang mga hatol ko sa kanila dahil sa lahat ng kasamaan nila,

Dahil iniwan nila ako,+

At gumagawa sila ng haing usok sa ibang diyos+

At yumuyukod sa mga gawa ng sarili nilang mga kamay.’+

17 Pero ihanda mo ang sarili mo,*

At tumayo ka at sabihin mo sa kanila ang lahat ng iuutos ko sa iyo.

Huwag kang matakot sa kanila,+

Para hindi kita takutin sa harap nila.

18 Dahil ngayon ay ginawa kitang isang napapaderang* lunsod,

Isang haliging bakal, at mga pader na tanso laban sa buong lupain,+

Laban sa mga hari ng Juda at sa kaniyang matataas na opisyal,

Laban sa mga saserdote niya at sa mga tao sa lupain.+

19 At tiyak na makikipaglaban sila sa iyo,

Pero hindi sila mananalo,

Dahil ‘kasama mo ako,’+ ang sabi ni Jehova, ‘at ililigtas kita.’”

2 Ang salita ni Jehova ay dumating sa akin. Sinabi niya: 2 “Pumunta ka sa mga taga-Jerusalem at sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ni Jehova:

“Tandang-tanda ko pa ang debosyon* mo noong kabataan ka,+

Ang pag-ibig na ipinakita mo noong nakatakda kang ikasal,+

Ang pagsunod mo sa akin sa ilang,

Sa isang lupaing hindi hinahasikan ng binhi.+

 3 Ang Israel ay banal kay Jehova,+ ang unang bunga ng kaniyang ani.”’

‘Ang sinumang mananakit sa kaniya ay magkakasala.

Mapapahamak sila,’ ang sabi ni Jehova.”+

 4 Pakinggan ninyo ang salita ni Jehova, O sambahayan ni Jacob,

At lahat kayong mga pamilya sa sambahayan ng Israel.

 5 Ito ang sinabi ni Jehova:

“Anong pagkakamali ang nakita sa akin ng mga ninuno ninyo+

At nagpakalayo-layo sila sa akin?

Sumunod sila sa walang-kabuluhang mga idolo+ at naging mga walang kabuluhan din.+

 6 Hindi sila nagtanong, ‘Nasaan si Jehova,

Ang naglabas sa atin mula sa lupain ng Ehipto,+

Ang pumatnubay sa atin sa paglalakbay sa ilang,

Sa lupain ng mga disyerto+ at hukay,

Sa lupaing tuyot+ at nasa matinding kadiliman,

Sa lupain na hindi dinadaanan

O tinitirhan ng tao?’

 7 Dinala ko kayo sa isang lupain na may mga taniman,

Para kainin ang mga bunga nito at ang mabubuting bagay nito.+

Pero pagpasok ninyo roon ay dinumhan ninyo ang lupain ko;

Ginawa ninyong kasuklam-suklam ang aking pamana.+

 8 Hindi nagtanong ang mga saserdote, ‘Nasaan si Jehova?’+

Hindi ako kilala ng mga humahawak ng Kautusan,

Nagrebelde sa akin ang mga pastol,+

Nanghula ang mga propeta sa ngalan ni Baal,+

At sumunod sila sa mga hindi makapagbibigay ng anumang pakinabang.

 9 ‘Kaya makikipaglaban pa ako sa inyo,’+ ang sabi ni Jehova,

‘At makikipaglaban ako sa mga anak ng inyong mga anak.’

10 ‘Pero tumawid kayo papunta sa mga lupain ng Kitim+ sa tabing-dagat* at magmasid kayo.

Oo, magsugo kayo sa Kedar+ at mag-isip na mabuti;

Tingnan ninyo kung may nangyari nang tulad nito.

11 May bansa na bang ipinagpalit ang kaniyang mga diyos sa hindi naman mga diyos?

Pero ang kaluwalhatian ko ay ipinagpalit ng sarili kong bayan sa walang kabuluhan.+

12 Titigan mo ito at magimbal ka, O langit;

Mangatog ka sa matinding takot,’ ang sabi ni Jehova,

13 ‘Dahil dalawang masasamang bagay ang ginawa ng bayan ko:

Iniwan nila ako, ang bukal ng tubig na nagbibigay-buhay,+

At humukay* sila ng sariling mga imbakan ng tubig,

Mga imbakang sira at hindi malalagyan ng tubig.’

14 ‘Ang Israel ba ay isa lang lingkod o aliping ipinanganak sa sambahayan?

Bakit siya ipinabihag?

15 Umuungal sa kaniya ang mga leon;+

Inilakas nila ang kanilang tinig.

Ginawa nilang nakapangingilabot ang lupain niya.

Sinunog ang mga lunsod niya at wala nang naninirahan sa mga ito.

16 Kinakain ng bayan ng Nop*+ at ng Tapanes+ ang tuktok ng ulo mo.

17 Hindi ba ikaw ang gumawa niyan sa sarili mo

Nang iwan mo si Jehova na iyong Diyos+

Noong pinapatnubayan ka niya sa daan?

18 Ngayon, bakit kayo pupunta sa Ehipto+

Para uminom ng tubig ng Sihor?*

Bakit kayo pupunta sa Asirya+

Para uminom ng tubig ng Ilog?*

19 Dapat kang matuto sa kasamaan mo,

At dapat kang sawayin dahil sa pagtataksil mo.

Dapat mong malaman at maunawaan kung gaano kasama at kapait+

Ang iwan si Jehova na iyong Diyos;

Hindi ka nagpakita ng takot sa akin,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.

20 ‘Winasak ko noong unang panahon ang pamatok mo,+

At nilagot ko ang iyong mga kadena.

Pero sinabi mo: “Hindi ako maglilingkod,”

Dahil sa bawat mataas na burol at sa ilalim ng bawat mayabong na puno+

Ay humihilata ka at ipinagbibili ang iyong sarili.+

21 Itinanim kita bilang magandang klase ng punong ubas na pula,+ mula sa magandang binhi.

Kaya paano ka naging mababang uri ng supang ng isang ligaw na punong ubas?’+

22 ‘Kahit maghugas ka gamit ang sosa* at maraming lihiya,*

Ang kasalanan mo ay mananatiling mantsa sa paningin ko,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.

23 Paano mo masasabi, ‘Hindi ko dinumhan ang sarili ko.

Hindi ako sumunod sa mga Baal’?

Tingnan mo ang ginawa mo sa lambak.

Pag-isipan mo ang ginawa mo.

Para kang isang matulin at batang kamelyong babae,

Na tumatakbong paroo’t parito nang walang patutunguhan,

24 Isang asno na sanay sa ilang

At sumisinghot sa hangin kapag nagnanasa siya.

Sino ang makapipigil sa kaniya kapag naglalandi siya?

Lahat ng naghahanap sa kaniya ay hindi mapapagod sa paghahanap.

Sa kapanahunan* niya ay mahahanap nila siya.

25 Tumigil ka na sa pagtakbo

Bago ka pa magyapak at matuyuan ng lalamunan.

Pero sinabi mo, ‘Hindi! Huli na ang lahat!+

Umiibig na ako sa mga estranghero,*+

At susunod ako sa kanila.’+

26 Gaya ng kahihiyan ng magnanakaw kapag nahuli siya,

Gayon napahiya ang sambahayan ng Israel,

Sila, ang kanilang mga hari at matataas na opisyal,

Ang kanilang mga saserdote at mga propeta.+

27 Sinasabi nila sa puno, ‘Ikaw ang aking ama,’+

At sa bato, ‘Ikaw ang nagsilang sa akin.’

Pero sa akin ay tumalikod sila, at hindi sila bumaling sa akin.+

At sa panahon ng kapahamakan nila ay sasabihin nila,

‘Kumilos ka at iligtas mo kami!’+

28 Nasaan na ngayon ang mga diyos na ginawa mo para sa sarili mo?+

Bumangon sila kung maililigtas ka nila sa panahon ng kapahamakan mo,

Dahil ang mga diyos mo ay naging kasindami ng mga lunsod mo, O Juda.+

29 ‘Bakit patuloy kayong nakikipaglaban sa akin?

Bakit nagrerebelde kayong lahat sa akin?’+ ang sabi ni Jehova.

30 Walang kabuluhan ang pananakit ko sa mga anak ninyo.+

Ayaw nilang tumanggap ng disiplina;+

Ang mga propeta ninyo ay nilamon ng sarili ninyong espada,+

Gaya ng isang umaatakeng leon.

31 Kayong kabilang sa henerasyong ito, pag-isipan ninyo ang salita ni Jehova.

Naging gaya na ba ako ng isang ilang para sa Israel

O isang lupain ng malupit na kadiliman?

Bakit sinabi ng mga ito, ng aking bayan, ‘Malaya kaming gumala-gala.

Hindi na kami pupunta sa iyo’?+

32 Malilimutan ba ng isang dalaga ang mga palamuti niya,

Ng babaeng ikakasal ang kaniyang mga pamigkis sa dibdib?*

Pero ako ay kinalimutan ng sarili kong bayan sa mahabang panahon.+

33 O babae, ang galing mong maghanap ng pag-ibig!

Sinanay mo ang sarili mo sa landas ng kasamaan.+

34 Ang damit mo ay namantsahan ng dugo ng mga dukhang walang-sala,+

Kahit hindi ko sila nakitang nanloloob;

Punô ng mantsa ng dugo ang damit mo.+

35 Pero sinasabi mo, ‘Wala akong kasalanan.

Tiyak na hindi na siya galit sa akin.’

Ngayon ay hahatulan kita

Dahil sinasabi mo, ‘Hindi ako nagkasala.’

36 Bakit hindi ka nababahala sa landasin mong walang kasiguruhan?

Ikahihiya mo rin ang Ehipto,+

Kung paanong ikinahiya mo ang Asirya.+

37 Sa dahilan ding ito ay lalabas kang nakapatong sa ulo mo ang iyong mga kamay,+

Dahil itinakwil ni Jehova ang mga pinagtitiwalaan mo;

Hindi ka nila mabibigyan ng tagumpay.”

3 Itinatanong ng mga tao: “Kung paalisin ng isang lalaki ang asawa niya at umalis ito at maging asawa ng iba, puwede pa ba niya itong balikan?”

Hindi ba narumhan na ang lupaing iyon?+

“Ibinenta mo ang sarili mo sa maraming mangingibig,+

Pagkatapos ay babalik ka ngayon sa akin?” ang sabi ni Jehova.

 2 “Tumingin ka sa tuktok ng mga burol.

Saang lugar ka pa hindi nagagahasa?

Umuupo ka sa tabi ng mga daan para sa kanila,

Gaya ng taong pagala-gala* sa ilang.

Patuloy mong dinurumhan ang lupain

Ng iyong prostitusyon at kasamaan.+

 3 Kaya ang buhos ng ulan ay ipinagkait,+

At walang ulan sa tagsibol.

Para kang lapastangang* asawang babae na nagbebenta ng sarili;

Hindi ka marunong mahiya.+

 4 Pero ngayon ay tumatawag ka sa akin,

‘Ama ko, ikaw ang kaibigan ko noong kabataan ko!+

 5 Tama bang magalit magpakailanman,

O manatiling may hinanakit?’

Iyan ang sinasabi mo,

Pero ginagawa mo pa rin ang lahat ng kasamaang kaya mong gawin.”+

6 Noong panahon ni Haring Josias,+ sinabi ni Jehova sa akin: “‘Nakita mo ba kung ano ang ginawa ng di-tapat na Israel? Pumunta siya sa bawat mataas na bundok at sa ilalim ng bawat mayabong na puno para ibenta ang sarili.+ 7 Kahit ginawa niya ang lahat ng ito, paulit-ulit kong sinabi sa kaniya na bumalik siya sa akin,+ pero hindi siya bumalik; at patuloy na tinitingnan ng Juda ang taksil niyang kapatid.+ 8 Nang makita ko iyon, pinaalis ko ang di-tapat na Israel na may kasulatan ng diborsiyo+ dahil nangalunya siya.+ Pero hindi natakot ang Juda na taksil niyang kapatid; lumabas din ito at ibinenta ang sarili.+ 9 Hindi siya nabahala sa pagbebenta niya ng sarili, at patuloy niyang dinumhan ang lupain at nangalunya siya sa mga bato at mga puno.+ 10 Sa kabila ng lahat ng ito, ang Juda na taksil niyang kapatid ay hindi bumalik sa akin nang buong puso, kundi pakunwari lang,’ ang sabi ni Jehova.”

11 Pagkatapos ay sinabi sa akin ni Jehova: “Mas matuwid pa ang di-tapat na Israel kaysa sa taksil na Juda.+ 12 Pumunta ka sa hilaga at ihayag mo ang mga salitang ito:+

“‘“Manumbalik ka, O suwail na Israel,” ang sabi ni Jehova.’+ ‘“Hindi na ako magagalit sa iyo,+ dahil tapat ako,” ang sabi ni Jehova.’ ‘“Hindi ako maghihinanakit magpakailanman. 13 Pero aminin mo ang kasalanan mo, dahil nagrebelde ka kay Jehova na iyong Diyos. Patuloy kang sumisiping sa mga estranghero* sa ilalim ng bawat mayabong na puno, at hindi ka nakikinig sa tinig ko,” ang sabi ni Jehova.’”

14 “Manumbalik kayo, kayong mga anak na suwail,” ang sabi ni Jehova. “Dahil naging tunay na panginoon* ninyo ako; at kukunin ko kayo, isa mula sa isang lunsod at dalawa mula sa isang pamilya, at dadalhin ko kayo sa Sion.+ 15 At bibigyan ko kayo ng mga pastol na tutupad sa kalooban ko,+ at magbibigay sila sa inyo ng kaalaman at kaunawaan. 16 Darami kayo at mamumunga sa lupain sa panahong iyon,” ang sabi ni Jehova.+ “Hindi na nila sasabihin, ‘Ang kaban ng tipan ni Jehova!’ Hindi na nila iyon maiisip, hindi na nila iyon maaalaala o hahanap-hanapin, at hindi na sila gagawa ng isa pang ganoon. 17 Sa panahong iyon ay tatawagin nila ang Jerusalem na trono ni Jehova;+ at ang lahat ng bansa ay titipunin sa Jerusalem para pumuri sa pangalan ni Jehova,+ at hindi na sila magmamatigas sa pagsunod sa masama nilang puso.”

18 “Sa panahong iyon ay lalakad silang magkasama, ang sambahayan ng Juda at ang sambahayan ng Israel,+ at mula sa lupain ng hilaga ay magkasama silang pupunta sa lupaing ibinigay ko sa mga ninuno ninyo bilang mana.+ 19 Iniisip ko noon, ‘Itinulad kita sa mga anak kong lalaki at ibinigay ko sa iyo ang kanais-nais na lupain, ang pinakamagandang mana sa mga bansa!’*+ Iniisip ko ring tatawag kayo sa akin, ‘Ama ko!’ at hindi ninyo ako tatalikuran. 20 ‘Pero gaya kayo ng taksil na asawang babae na umiwan sa asawa* niya, O sambahayan ng Israel. Pinagtaksilan ninyo ako,’+ ang sabi ni Jehova.”

21 Sa tuktok ng mga burol ay may narinig,

Ang paghagulgol at pagsusumamo ng bayang Israel,

Dahil lumihis sila ng landas;

Nilimot nila si Jehova na kanilang Diyos.+

22 “Manumbalik kayo, kayong mga anak na suwail.

Pagagalingin ko kayo sa inyong pagkasuwail.”+

“Narito kami! Lumapit kami sa iyo,

Dahil ikaw, O Jehova, ang aming Diyos.+

23 Talagang walang saysay ang mga burol at ang pag-iingay sa mga bundok.+

Talagang si Jehova na aming Diyos ang kaligtasan ng Israel.+

24 Pero nilamon na ng kahiya-hiyang bagay* ang pinagpaguran ng mga ninuno namin mula sa aming pagkabata,+

Ang kanilang mga kawan at bakahan,

Ang kanilang mga anak na lalaki at babae.

25 Hayaan kaming humiga sa aming kahihiyan,

At hayaan kaming matakpan ng aming kadustaan,

Dahil nagkasala kami kay Jehova na aming Diyos,+

Kami at ang mga ninuno namin, mula sa aming pagkabata hanggang sa araw na ito,+

At hindi kami nakinig sa tinig ni Jehova na aming Diyos.”

4 “Kung manunumbalik ka, O Israel,” ang sabi ni Jehova,

“Kung manunumbalik ka sa akin

At aalisin mo sa harap ko ang iyong kasuklam-suklam na mga idolo,

Hindi ka magpapagala-gala.+

 2 At kung susumpa ka,

‘Kung paanong buháy si Jehova!’ sa katotohanan, katarungan, at katuwiran,

Ang mga bansa ay magtatamo ng pagpapala sa pamamagitan niya,

At magmamalaki sila dahil sa kaniya.”+

3 Dahil ito ang sinabi ni Jehova sa mga taga-Juda at taga-Jerusalem:

“Mag-araro kayo sa sakahang lupa,

At huwag na kayong maghasik sa mga lupang may matitinik na halaman.+

 4 Magpatuli kayo para kay Jehova,

At alisin ninyo ang mga dulong-balat ng inyong puso,+

Kayong mga taga-Juda at mga taga-Jerusalem.

Kung hindi ay sisiklab ang galit ko gaya ng apoy

Dahil sa masasamang ginagawa ninyo;

Magliliyab ito at walang makapapatay nito.”+

 5 Ibalita ninyo iyon sa Juda, at ipahayag ninyo iyon sa Jerusalem.

Sumigaw kayo at hipan ninyo ang tambuli sa buong lupain.+

Isigaw ninyo: “Magtipon kayo,

At tumakas tayo papunta sa mga napapaderang* lunsod.+

 6 Maglagay kayo ng palatandaan* papunta sa Sion.

Humanap kayo ng makakanlungan, at huwag kayong tumigil,”

Dahil mula sa hilaga ay magdadala ako ng kapahamakan,+ isang malakas na pagbagsak.

 7 Lumabas na siya gaya ng isang leon mula sa kaniyang taguan;*+

Humayo na ang tagapuksa ng mga bansa.+

Umalis na siya mula sa kaniyang lugar para gawing nakapangingilabot ang lupain mo.

Ang mga lunsod mo ay guguho, at wala nang maninirahan doon.+

 8 Kaya magsuot kayo ng telang-sako.+

Magdalamhati kayo* at humagulgol,

Dahil hindi pa nawawala ang nag-aapoy na galit ni Jehova sa atin.

 9 “Sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova, “panghihinaan ng loob ang hari,+

Pati ang matataas na opisyal;

Matatakot ang mga saserdote, at magugulat ang mga propeta.”+

10 Pagkatapos ay sinabi ko: “O Kataas-taasang Panginoong Jehova! Talagang nilinlang mo ang bayang ito+ at ang Jerusalem sa pagsasabing ‘Magkakaroon kayo ng kapayapaan,’+ samantalang ang espada ay nakatutok na sa lalamunan namin.”

11 Sa panahong iyon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem:

“Isang nakapapasong hangin mula sa tuktok ng mga burol sa disyerto

Ang hihihip sa anak na babae ng bayan ko;*

Hindi iyon darating para magtahip o maglinis.

12 Ang malakas na hangin ay dumarating mula sa mga lugar na ito sa utos ko.

Ngayon ay ihahayag ko ang hatol sa kanila.

13 Darating siyang gaya ng maitim na ulap,

At ang mga karwahe* niya na gaya ng malakas na hangin.+

Ang mga kabayo niya ay mas matulin sa mga agila.+

Kaawa-awa tayo, dahil katapusan na natin!

14 Linisin mo ang puso mo mula sa kasamaan, O Jerusalem, para maligtas ka.+

Hanggang kailan ka mag-iisip ng kasamaan?

15 Dahil isang tinig ang nagbabalita mula sa Dan,+

At naghahayag ito ng kapahamakan mula sa kabundukan ng Efraim.

16 Ibalita ninyo ito sa mga bansa;

Ihayag ninyo ito sa Jerusalem.”

“May parating na mga bantay* mula sa isang malayong lupain,

At sisigaw sila laban sa mga lunsod ng Juda.

17 Paliligiran nila siya gaya ng mga bantay sa parang,+

Dahil nagrebelde siya sa akin,”+ ang sabi ni Jehova.

18 “Ang pag-uugali at ginagawa mo ay aanihin mo.+

Napakasaklap ng kapahamakang sasapit sa iyo,

Dahil umabot na ito* sa puso mo!”

19 Hirap na hirap ako!* Hirap na hirap ako!

May matinding kirot sa puso ko.

Kumakabog ang dibdib ko.

Hindi ako matahimik,

Dahil naririnig ko ang tunog ng tambuli,

Ang hudyat ng digmaan.*+

20 Sunod-sunod ang mga kapahamakang ibinabalita,

Dahil winasak ang buong lupain.

Biglang nawasak ang sarili kong mga tolda,

Sa isang iglap, ang aking mga telang pantolda.+

21 Hanggang kailan ko makikita ang palatandaan;*

Hanggang kailan ko maririnig ang tunog ng tambuli?+

22 “Dahil mangmang ang bayan ko;+

Hindi sila nakikinig sa akin.

Sila ay mga anak na hangal, hindi nakauunawa.

Matalino sila sa paggawa ng masama,

Pero wala silang alam sa paggawa ng mabuti.”

23 Nakita ko ang lupain; tiwangwang na at wala nang natira dito.+

Tumingin ako sa langit, at wala na ang liwanag nito.+

24 Nakita ko ang mga bundok; umuuga ang mga ito,

At ang mga burol ay yumayanig.+

25 Tumingin ako, at nakita kong wala nang tao,

At ang lahat ng ibon sa langit ay lumipad na sa malayo.+

26 Tumingin ako, at nakita kong ang taniman ay naging ilang,

At ang lahat ng lunsod nito ay giba na.+

Dahil ito kay Jehova,

Dahil sa kaniyang nag-aapoy na galit.

27 Dahil ito ang sinabi ni Jehova: “Magiging tiwangwang ang buong lupain,+

Pero hindi ko ito lubusang wawasakin.

28 Kaya magdadalamhati ang lupain,+

At magdidilim ang langit.+

Ito ay dahil nagsalita na ako, nagpasiya na ako,

At hindi ako magbabago ng isip.* Hindi ko babawiin ang sinabi ko.+

29 Dahil sa ingay ng mga mangangabayo at mga mamamanà,

Tumatakas ang buong lunsod.+

Sumusuot sila sa mga sukal,

At umaakyat sila sa malalaking bato.+

Ang bawat lunsod ay inabandona,

At wala nang nakatira sa mga ito.”

30 Ngayong ikaw ay wasak, ano ang gagawin mo?

Dati kang nagdadamit ng matingkad na pula,

Nagsusuot ka ng mga gintong palamuti,

At naglalagay ka ng itim na pinta para palakihin ang mga mata mo.

Pero walang saysay ang pagpapaganda mo+

Dahil itinakwil ka na ng mga nagnanasa sa iyo;

Ngayon ay tinatangka nilang patayin ka.+

31 Dahil naririnig ko ang tinig na gaya ng sa babaeng may sakit,

Ang paghihirap na gaya ng sa babaeng nagsisilang ng kaniyang panganay,

Ang tinig ng anak na babae ng Sion na kinakapos ng hininga.

Sinasabi niya habang iniuunat ang kaniyang mga palad:+

“Kaawa-awa ako; pagod na ako dahil sa mga mamamatay-tao!”

5 Lumibot kayo sa mga lansangan ng Jerusalem.

Magmasid kayo at magbigay-pansin.

Suyurin ninyo ang kaniyang mga liwasan* at tingnan ninyo

Kung may makikita kayong taong makatarungan+

At nagsisikap maging tapat,

At patatawarin ko ang lunsod na ito.

 2 Sinasabi nila: “Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova!”

Pero sumusumpa pa rin sila nang may kasinungalingan.+

 3 O Jehova, hindi ba katapatan ang hinahanap mo?+

Sinaktan mo sila, pero wala itong epekto sa kanila.*

Nilipol mo sila, pero hindi pa rin sila natuto.+

Ginawa nilang matigas pa sa bato ang mukha nila,+

At ayaw nilang manumbalik.+

 4 Pero naisip ko: “Malamang na ito ang mga dukha.

Kumikilos sila nang may kamangmangan dahil hindi nila alam ang daan ni Jehova,

Ang hatol ng Diyos nila.

 5 Pupuntahan ko ang mga pinuno at makikipag-usap ako sa kanila;

Tiyak na nagbibigay-pansin sila sa daan ni Jehova,

Sa hatol ng kanilang Diyos.+

Pero binali nilang lahat ang pamatok

At nilagot ang mga panali.”

 6 Kaya isang leon mula sa kagubatan ang sumasalakay sa kanila,

Isang lobo* mula sa mga tigang na kapatagan ang patuloy na lumalapa sa kanila,

Isang leopardo ang laging nakaabang sa mga lunsod nila.

Ang sinumang lumalabas sa mga ito ay nagkakaluray-luray.

Dahil marami silang kasalanan;

Palagi silang nagtataksil.+

 7 Paano kita mapatatawad sa ginawa mo?

Iniwan ako ng mga anak mo,

At nananata sila sa hindi naman Diyos.+

Ibinigay ko ang mga kailangan nila,

Pero patuloy silang nangangalunya,

At dumaragsa sila sa bahay ng babaeng bayaran.

 8 Gaya sila ng mga kabayong sabik at punô ng pagnanasa,

Bawat isa ay humahalinghing sa asawa ng iba.+

 9 “Hindi ba dapat silang managot sa lahat ng ito?” ang sabi ni Jehova.

“Hindi ba dapat kong ipaghiganti ang sarili ko sa ganiyang bansa?”+

10 “Pasukin ninyo ang ubasan niya at sirain iyon,

Pero huwag ninyong wasakin nang lubusan.+

Putulin mo ang kaniyang mga bagong-tubong sanga,

Dahil hindi kay Jehova ang mga iyon.

11 Dahil ang sambahayan ng Israel at ang sambahayan ng Juda

Ay labis na nagtaksil sa akin,” ang sabi ni Jehova.+

12 “Ikinaila nila si Jehova, at lagi nilang sinasabi,

‘Wala siyang gagawin.*+

Walang darating na kapahamakan sa atin;

Hindi tayo makararanas ng digmaan o taggutom.’+

13 Ang sinasabi ng mga propeta ay walang kabuluhan,

At ang salita* ay wala sa kanila.

Sila rin nawa ay maging walang kabuluhan!”

14 Kaya ito ang sinabi ni Jehova, na Diyos ng mga hukbo:

“Dahil ito ang sinasabi ng mga tao,

Gagawin kong apoy ang mga salita ko sa iyong bibig,+

At ang bayang ito ang kahoy,

At tutupukin sila nito.”+

15 “Dadalhin ko sa inyo ang isang bansa mula sa malayo, O sambahayan ng Israel,”+ ang sabi ni Jehova.

“Iyon ay isang matatag na bansa.

Iyon ay isang sinaunang bansa,

Isang bansa na ang wika ay hindi mo alam

At ang pagsasalita ay hindi mo naiintindihan.+

16 Ang lalagyan nila ng mga palaso ay gaya ng bukás na libingan;

Lahat sila ay mandirigma.

17 Lalamunin nila ang iyong ani at tinapay.+

Lalamunin nila ang mga anak mong lalaki at babae.

Lalamunin nila ang iyong mga kawan at bakahan.

Lalamunin nila ang iyong mga puno ng ubas at igos.

Wawasakin nila sa pamamagitan ng espada ang mga napapaderang* lunsod na pinagtitiwalaan mo.”

18 “Pero kahit sa mga araw na iyon,” ang sabi ni Jehova, “hindi ko kayo lubusang lilipulin.+ 19 At kapag nagtanong sila, ‘Bakit ginawa sa atin ni Jehova na ating Diyos ang lahat ng ito?’ sabihin mo sa kanila, ‘Iniwan ninyo ako para maglingkod sa diyos ng mga banyaga sa inyong lupain, kaya maglilingkod kayo sa mga banyaga sa isang lupaing hindi sa inyo.’”+

20 Sabihin ninyo ito sa sambahayan ni Jacob,

At ihayag ninyo ito sa Juda:

21 “Pakinggan ninyo ito, kayong mangmang at hangal na bayan:*+

May mga mata sila pero hindi sila makakita;+

May mga tainga sila pero hindi sila makarinig.+

22 ‘Hindi ba kayo natatakot sa akin,’ ang sabi ni Jehova,

‘Hindi ba dapat kayong manginig sa harap ko?

Ako ang naglagay ng buhanginan bilang hangganan ng dagat,

Isang permanenteng tuntunin para hindi ito lumampas doon.

Humampas man ang mga alon nito, hindi magtatagumpay ang mga ito;

Umugong man ang mga alon, ang mga ito ay hindi pa rin makakalampas doon.+

23 Pero ang puso ng bayang ito ay matigas at rebelyoso;

Lumihis sila at lumakad sa sarili nilang daan.+

24 At hindi nila sinasabi sa puso nila:

“Matakot tayo ngayon kay Jehova na ating Diyos,

Ang nagbibigay ng ulan sa tamang panahon,

Ng ulan sa taglagas at ng ulan sa tagsibol,

Ang tumitiyak na sasapit ang itinakdang mga sanlinggo ng pag-aani.”+

25 Ang sarili ninyong mga pagkakamali ang humadlang sa pagdating ng mga ito;

Ang sarili ninyong mga kasalanan ang nagkait sa inyo ng mabubuting bagay.+

26 Dahil may masasamang tao sa bayan ko.

Lagi silang nakaabang, nakaupo at nakayukong gaya ng manghuhuli ng ibon.

Nag-uumang sila ng nakamamatay na bitag.

Mga tao ang hinuhuli nila.

27 Gaya ng hawla na punô ng ibon,

Ang mga bahay nila ay punô ng panlilinlang.+

Kaya naging makapangyarihan sila at mayaman.

28 Tumaba sila at nabanat ang balat;

Nag-uumapaw sila sa kasamaan.

Hindi nila ipinaglalaban ang kaso ng mga walang ama+

Para mapayaman nila ang kanilang sarili;

At pinagkakaitan nila ng katarungan ang mahihirap.’”+

29 “Hindi ba dapat silang managot sa lahat ng ito?” ang sabi ni Jehova.

“Hindi ba dapat kong ipaghiganti ang sarili ko sa ganiyang bansa?

30 Nakagigimbal at kakila-kilabot ang nangyayari sa lupain:

31 Ang mga propeta ay nanghuhula ng kasinungalingan,+

At ang mga saserdote ay naghahari-harian.

At iyan ang gusto ng sarili kong bayan.+

Pero ano ang gagawin ninyo kapag dumating na ang wakas?”

6 O mga anak ni Benjamin, tumakas kayo mula sa Jerusalem at pumunta sa ligtas na lugar.

Hipan ninyo ang tambuli+ sa Tekoa;+

Sa Bet-hakerem ay magsindi kayo ng apoy bilang hudyat!

Dahil mula sa hilaga ay may paparating na sakuna, isang malaking kapahamakan.+

 2 Ang anak na babae ng Sion ay gaya ng maganda at maselang babae.+

 3 Ang mga pastol at ang mga kawan nila ay darating.

Magtatayo sila ng mga tolda nila sa palibot niya,+

At pakakainin nila ang mga kawan na nasa pangangalaga nila.+

 4 “Maghanda kayo sa* pakikipagdigma sa kaniya!

Tayo na at salakayin natin siya sa katanghaliang-tapat!”

“Kaawa-awa tayo dahil patapos na ang araw,

Dahil ang mga anino sa dapit-hapon ay humahaba na!”

 5 “Maghanda kayo at sumalakay tayo sa gabi.

Gibain natin ang matitibay niyang tore.”+

 6 Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:

“Pumutol kayo ng kahoy at maglagay ng rampang pangubkob laban sa Jerusalem.+

Siya ang lunsod na dapat panagutin;

Walang makikita roon kundi pagmamalupit.+

 7 Kung paanong pinananatiling malamig* ng imbakan ng tubig ang tubig nito,

Gayon niya pinananatiling malamig* ang kaniyang kasamaan.

Karahasan at pagkawasak ang naririnig sa kaniya;+

Sakit at salot ang laging nasa harap ko.

 8 Makinig ka sa babala, O Jerusalem, para hindi kita talikuran at kasuklaman+

At gawing tiwangwang, isang lupaing walang naninirahan.”+

 9 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:

“Sisimutin nila ang natira sa Israel gaya ng pagsimot sa natitirang ubas sa mga sanga.

Iunat mong muli ang kamay mo na parang namimitas ng ubas sa mga sanga.”

10 “Sino ang kakausapin ko at bibigyan ng babala?

Sino ang makikinig?

Sarado* ang mga tainga nila, kaya hindi sila makarinig.+

Hinahamak nila ang salita ni Jehova;+

Hindi sila nalulugod dito.

11 Kaya napuno ako ng poot ni Jehova,

At pagod na ako sa kapipigil.”+

“Ibuhos mo iyon sa batang nasa lansangan,+

Sa grupo ng nagtitipong mga kabataang lalaki.

Lahat sila ay mabibihag, ang lalaki at ang asawa niya,

Ang matatandang lalaki pati ang mga napakatanda na.+

12 Ibibigay sa iba ang mga bahay nila,

Pati na ang mga bukid at asawa nila.+

Dahil iuunat ko ang kamay ko laban sa mga nakatira sa lupain,” ang sabi ni Jehova.

13 “Dahil mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila, bawat isa ay di-tapat at sakim sa pakinabang;+

Mula sa propeta hanggang sa saserdote, bawat isa ay nandaraya.+

14 At sinisikap nilang pagalingin ang sugat* ng bayan ko sa basta pagsasabing

‘May kapayapaan! May kapayapaan!’

Kahit wala namang kapayapaan.+

15 Nahihiya ba sila sa kasuklam-suklam na mga bagay na ginawa nila?

Hindi sila nahihiya!

Hindi nga nila alam kung paano mahiya!+

Kaya babagsak sila gaya ng mga bumagsak na.

Mabubuwal sila kapag pinarusahan ko sila,” ang sabi ni Jehova.

16 Ito ang sinabi ni Jehova:

“Tumayo kayo sa sangandaan at magmasid.

Magtanong kayo kung nasaan ang sinaunang mga landas,

Magtanong kayo kung nasaan ang magandang daan, at lumakad kayo roon,+

At makapagpapahinga kayo.”

Pero sinabi nila: “Hindi kami lalakad doon.”+

17 “At nag-atas ako ng mga bantay+ para sabihin,

‘Magbigay-pansin kayo sa tunog ng tambuli!’”+

Pero sinabi nila: “Hindi kami magbibigay-pansin.”+

18 “Kaya makinig kayo, O mga bansa!

At alamin ninyo, O kapulungan,

Kung ano ang mangyayari sa kanila.

19 Makinig ka, O lupa!

Magdadala ako ng kapahamakan sa bayang ito+

Bilang bunga ng sarili nilang mga pakana,

Dahil hindi sila nagbigay-pansin sa mga sinabi ko

At itinakwil nila ang kautusan* ko.”

20 “Ano ang pakialam ko kung nagdadala ka ng olibano mula sa Sheba

At ng mabangong tambo mula sa isang malayong lupain?

Hindi katanggap-tanggap ang inyong mga buong handog na sinusunog,

At hindi ako nalulugod sa mga hain ninyo.”+

21 Kaya ito ang sinabi ni Jehova:

“Maglalagay ako ng katitisuran para sa bayang ito,

At matitisod sila sa mga iyon,

Ang mga ama, kasama ang mga anak nila,

Ang bawat isa at ang kasama niya,

At lahat sila ay malilipol.”+

22 Ito ang sinabi ni Jehova:

“Isang bayan mula sa lupain sa hilaga ang darating,

At isang malaking bansa mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa ang magigising.+

23 Hahawak sila ng pana at diyabelin.*

Malupit sila at walang awa.

Aalingawngaw ang tinig nila na parang dagat,

At sasakay sila sa mga kabayo.+

Maghahanda sila sa pakikipaglaban sa iyo gaya ng isang lalaking mandirigma, O anak na babae ng Sion.”

24 Narinig namin ang balita tungkol doon.

Nanghina ang mga kamay namin;+

Napuno kami ng takot,

Ng paghihirap,* gaya ng babaeng nanganganak.+

25 Huwag kang lumabas papunta sa parang,

At huwag kang lumakad sa lansangan,

Dahil ang kaaway ay may espada;

Naghahari ang takot sa buong palibot.

26 O anak na babae ng bayan ko,

Magsuot ka ng telang-sako+ at gumulong ka sa abo.

Magdalamhati ka na parang nawalan ng kaisa-isang anak, at humagulgol ka,+

Dahil biglang darating sa atin ang tagapuksa.+

27 “Ginawa kitang* tagasuri ng metal sa gitna ng bayan ko

Na gumagawa ng masinsinang pagsusuri;

Magbigay-pansin ka at suriin mo ang kanilang daan.

28 Silang lahat ang pinakasutil sa mga tao,+

At nagpaparoo’t parito sila para manirang-puri.+

Para silang tanso at bakal;

Lahat sila ay masasama.

29 Ang mga bulusan* ay nasunog.

Tingga ang lumalabas mula sa apoy nila.

Walang saysay ang patuloy at matinding pagdadalisay,+

Dahil ang masasama ay hindi nahihiwalay.+

30 Pilak na itinakwil ang tiyak na itatawag sa kanila ng mga tao,

Dahil itinakwil sila ni Jehova.”+

7 Ito ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova: 2 “Tumayo ka sa pintuang-daan ng bahay ni Jehova, at ihayag mo roon ang mensaheng ito, ‘Pakinggan ninyo ang salita ni Jehova, lahat kayong nasa Juda, na pumapasok sa mga pintuang-daang ito para yumukod kay Jehova. 3 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Baguhin ninyo ang inyong pamumuhay at mga ginagawa, at hahayaan ko kayong patuloy na manirahan sa lugar na ito.+ 4 Huwag kayong magtiwala sa mapandayang mga salita at magsabi, ‘Ito ang* templo ni Jehova, ang templo ni Jehova, ang templo ni Jehova!’+ 5 Kung talagang babaguhin ninyo ang inyong pamumuhay at mga ginagawa; kung talagang itataguyod ninyo ang katarungan sa pagitan ng isang tao at ng kapuwa niya;+ 6 kung hindi ninyo pagmamalupitan ang mga dayuhan, ulila,* at mga biyuda;+ kung hindi kayo papatay ng mga inosente sa lugar na ito; at kung hindi kayo susunod sa ibang diyos sa ikapapahamak ninyo;+ 7 hahayaan ko kayong patuloy na manirahan sa lugar na ito, sa lupaing ibinigay ko sa mga ninuno ninyo para tirhan nila magpakailanman.”’”*

8 “Pero nagtitiwala kayo sa mapandayang mga salita+—wala itong anumang pakinabang. 9 Puwede ba kayong magnakaw,+ pumatay, mangalunya, sumumpa nang may kasinungalingan,+ maghandog* kay Baal,+ at sumunod sa ibang diyos na hindi ninyo kilala, 10 at pagkatapos ay tumayo sa harap ko sa bahay na ito na tinatawag sa pangalan ko at magsabi, ‘Maliligtas kami,’ sa kabila ng paggawa ng lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ito? 11 Ang bahay bang ito na tinatawag sa pangalan ko ay itinuturing na ninyong pugad ng mga magnanakaw?+ Nakita ko mismo ang ginagawa ninyo,” ang sabi ni Jehova.

12 “‘Pero pumunta kayo ngayon sa lugar ko na nasa Shilo,+ ang lugar na pinili ko noong una para sa kaluwalhatian ng pangalan ko,+ at tingnan ninyo kung ano ang ginawa ko roon dahil sa kasamaan ng bayan kong Israel.+ 13 Pero patuloy ninyong ginagawa ang lahat ng ito,’ ang sabi ni Jehova, ‘at kahit nagsasalita ako sa inyo nang paulit-ulit,* hindi kayo nakikinig.+ Patuloy ko kayong tinatawag, pero hindi kayo sumasagot.+ 14 Gagawin ko rin sa bahay na tinatawag sa pangalan ko,+ na pinagtitiwalaan ninyo,+ at sa lugar na ito na ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo, ang gaya ng ginawa ko sa Shilo.+ 15 Palalayasin ko kayo sa harap ko, gaya ng pagpapalayas ko sa lahat ng kapatid ninyo, ang lahat ng inapo ni Efraim.’+

16 “At ikaw, huwag kang mananalangin para sa bayang ito. Huwag kang tumawag o manalangin o magsumamo sa akin para sa kanila,+ dahil hindi kita pakikinggan.+ 17 Hindi mo ba nakikita kung ano ang ginagawa nila sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem? 18 Ang mga anak ay namumulot ng kahoy, ang mga ama ay nagpapaningas ng apoy, at ang mga asawang babae ay nagmamasa ng harina sa paggawa ng mga handog na tinapay para sa Reyna ng Langit,*+ at nagbubuhos sila ng mga handog na inumin para sa ibang mga diyos para galitin ako.+ 19 ‘Pero ako ba ang sinasaktan* nila?’ ang sabi ni Jehova. ‘Hindi ba ang sarili nila mismo, sa ikapapahiya nila?’+ 20 Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘Ang galit at poot ko ay matitikman ng lugar na ito,+ ng tao at ng hayop, ng mga puno sa parang at ng mga bunga ng lupa; lalagablab iyon, at hindi iyon mapapatay.’+

21 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Sige, idagdag ninyo ang inyong mga buong handog na sinusunog sa iba pa ninyong mga handog, at kainin ninyo ang karne.+ 22 Dahil nang araw na ilabas ko ang mga ninuno ninyo sa lupain ng Ehipto, wala akong sinabi o iniutos sa kanila tungkol sa buong handog na sinusunog at hain.+ 23 Ito ang iniutos ko sa kanila: “Makinig kayo sa tinig ko, at ako ay magiging Diyos ninyo, at kayo ay magiging bayan ko.+ Lumakad kayo sa lahat ng daan na iniuutos kong lakaran ninyo para mapabuti kayo.”’+ 24 Pero hindi sila nakinig at nagbigay-pansin;+ sa halip, sumunod sila sa sarili nilang kaisipan.* Matigas ang ulo nila at sumunod sila sa masama nilang puso,+ at naging paurong sila, hindi pasulong, 25 mula nang araw na lumabas ang mga ninuno ninyo sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito.+ Kaya patuloy kong isinusugo sa inyo ang lahat ng lingkod kong propeta, araw-araw, paulit-ulit.*+ 26 Pero ayaw nilang makinig sa akin, at hindi sila nagbigay-pansin.+ Sa halip, nagmatigas sila,* at ang mga ginawa nila ay mas masahol pa sa ginawa ng mga ninuno nila!

27 “Sasabihin mo sa kanila ang lahat ng ito,+ pero hindi sila makikinig sa iyo; tatawag ka sa kanila, pero hindi sila sasagot sa iyo. 28 At sasabihin mo sa kanila, ‘Ito ang bansa na hindi nakinig sa tinig ni Jehova na kanilang Diyos at ayaw tumanggap ng disiplina. Ang katapatan ay naglaho at hindi man lang nila ito binabanggit.’*+

29 “Gupitin mo ang iyong di-nagupitang* buhok at itapon mo iyon, at sa tuktok ng mga burol ay umawit ka ng awit ng pagdadalamhati, dahil itinakwil ni Jehova ang henerasyong ito na gumalit sa kaniya at pababayaan niya ito. 30 ‘Dahil ginawa ng bayan ng Juda ang masama sa paningin ko,’ ang sabi ni Jehova. ‘Inilagay nila ang kanilang kasuklam-suklam na mga idolo sa bahay na tinatawag sa pangalan ko, para dungisan iyon.+ 31 Itinayo nila ang matataas na lugar ng Topet, na nasa Lambak ng Anak ni Hinom,*+ para sunugin ang kanilang mga anak na lalaki at babae,+ isang bagay na hindi ko iniutos at hindi man lang sumagi sa isip ko.’*+

32 “‘Kaya darating ang panahon,’ ang sabi ni Jehova, ‘na hindi na iyon tatawaging Topet o Lambak ng Anak ni Hinom,* kundi Lambak ng Pagpatay. Maglilibing sila sa Topet hanggang sa wala nang lugar na mapaglilibingan.+ 33 At ang mga bangkay ng bayang ito ay magiging pagkain ng mga ibon sa langit at ng mga hayop sa lupa, at walang magtataboy sa mga ito.+ 34 Wawakasan ko ang hiyaw ng pagbubunyi at ang hiyaw ng pagsasaya, ang tinig ng lalaking ikakasal at ang tinig ng babaeng ikakasal,+ sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem, dahil ang lupain ay mawawasak.’”+

8 “Sa panahong iyon,” ang sabi ni Jehova, “ang mga buto ng mga hari ng Juda, ang mga buto ng matataas na opisyal nito, ang mga buto ng mga saserdote, ang mga buto ng mga propeta, at ang mga buto ng mga taga-Jerusalem ay kukunin mula sa libingan nila. 2 Ilalantad ang mga iyon sa araw at sa buwan at sa buong hukbo ng langit na inibig nila at pinaglingkuran at sinundan at hinanap at niyukuran.+ Hindi titipunin ang mga iyon o ililibing man. Ang mga iyon ay magiging gaya ng dumi sa ibabaw ng lupa.”+

3 “At mas gugustuhin pang mamatay kaysa mabuhay ng mga natira sa masamang pamilyang ito na pinangalat ko sa iba’t ibang lugar,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

4 “At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova:

“Mabubuwal ba sila at hindi na muling makababangon?

Kapag may isang nanumbalik, hindi ba uurong din ang isa pa sa gagawin niya?

 5 Bakit ba ang bayang ito, ang Jerusalem, ay palaging nagtataksil sa akin?

Ayaw nilang tumigil sa pandaraya;

Ayaw nilang manumbalik.+

 6 Nagbigay-pansin ako at patuloy na nakinig, pero hindi tama ang sinasabi nila.

Walang isa man ang nagsisi sa kasamaan niya o nagtanong, ‘Ano ba itong nagawa ko?’+

Ang bawat isa ay bumabalik sa landasin ng karamihan, gaya ng kabayong sumusugod sa labanan.

 7 Kahit ang siguana* sa langit ay nakaaalam ng mga panahon* niya;

Sinusunod ng batubato at ng sibad at ng tarat* ang panahon ng kanilang pagbabalik.*

Pero hindi nauunawaan ng sarili kong bayan ang kahatulan ni Jehova.”’+

 8 ‘Paano ninyo masasabi: “Matatalino kami, at nasa amin ang kautusan* ni Jehova”?

Ang totoo, ang sinungaling* na panulat+ ng mga eskriba* ay ginamit lang sa kasinungalingan.

 9 Ang matatalino ay nalagay sa kahihiyan.+

Nasindak sila at mahuhuli sila.

Itinakwil nila ang salita ni Jehova,

Kaya anong karunungan ang mayroon sila?

10 Kaya ibibigay ko ang mga asawa nila sa ibang lalaki,

Ang mga bukid nila sa ibang tao;+

Dahil mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila, bawat isa ay di-tapat at sakim sa pakinabang;+

Mula sa propeta hanggang sa saserdote, bawat isa ay nandaraya.+

11 At sinisikap nilang pagalingin ang sugat* ng bayan ko sa basta pagsasabing

“May kapayapaan! May kapayapaan!”

Kahit wala namang kapayapaan.+

12 Nahihiya ba sila sa kasuklam-suklam na mga bagay na ginawa nila?

Hindi sila nahihiya!

Hindi nga nila alam kung paano mahiya!+

Kaya babagsak sila gaya ng mga bumagsak na.

Mabubuwal sila kapag pinarusahan ko sila,’+ ang sabi ni Jehova.

13 ‘Kapag tinipon ko sila, dadalhin ko sila sa kanilang wakas,’ ang sabi ni Jehova.

‘Walang matitirang ubas sa punong ubas, walang matitirang igos sa puno ng igos, at malalanta ang mga dahon.

At ang mga ibinigay ko sa kanila ay mawawala sa kanila.’”

14 “Bakit tayo nakaupo rito?

Magtipon tayo at pumasok sa mga napapaderang* lunsod+ para doon tayo mamatay.

Dahil pupuksain tayo ni Jehova na ating Diyos,

At binibigyan niya tayo ng tubig na may lason para inumin,+

Dahil nagkasala tayo kay Jehova.

15 Naghintay tayo ng kapayapaan, pero walang dumating na mabuti,

Ng panahon ng pagpapagaling, pero takot ang nararamdaman natin!+

16 Mula sa Dan ay narinig ang pagsinghal ng mga kabayo niya.

Dahil sa halinghing ng kaniyang mga barakong kabayo

Ay yumanig ang buong lupain.

Dumarating sila at nilalamon ang lupain at ang lahat ng naroon,

Ang lunsod at ang mga nakatira doon.”

17 “Dahil magsusugo ako sa inyo ng mga ahas,

Ng makamandag na mga ahas, na hindi mapaaamo ng engkantador,

At tiyak na tutuklawin kayo ng mga ito,” ang sabi ni Jehova.

18 Walang lunas ang kalungkutan ko;

Nanghihina ang puso ko.

19 Mula sa isang malayong lupain ay humihingi ng tulong

Ang anak na babae ng bayan ko:

“Wala ba si Jehova sa Sion?

O wala ba roon ang hari niya?”

“Bakit nila ako ginalit sa pamamagitan ng kanilang mga inukit na imahen,

Ng walang-silbing mga diyos ng mga banyaga?”

20 “Natapos na ang pag-aani, nagwakas na ang tag-araw,

Pero hindi tayo naligtas!”

21 Nanlumo ako sa pagbagsak ng anak na babae ng bayan ko;+

Nalungkot ako.

Nabalot ako ng takot.

22 Wala bang balsamo* sa Gilead?+

O wala bang tagapagpagaling* doon?+

Bakit hindi pa gumagaling ang anak na babae ng bayan ko?+

9 Ang ulo ko sana ay balon ng tubig,

At ang mga mata ko sana ay bukal ng luha!+

Sa gayon ay makakaiyak ako araw at gabi

Para sa mga napatay sa bayan ko.

 2 Kung may matutuluyan lang ako sa ilang,

Iiwan ko ang aking bayan at lalayo ako sa kanila!

Dahil lahat sila ay mangangalunya,+

Isang grupo ng mga taksil.

 3 Binabaluktot nilang gaya ng búsog ang dila nila;

Kasinungalingan, hindi katapatan, ang namamayani sa lupain.+

“Pasamâ sila nang pasamâ,

At hindi sila nakikinig sa akin,”+ ang sabi ni Jehova.

 4 “Mag-ingat kayong lahat sa kapuwa ninyo,

At huwag kayong magtiwala kahit sa kapatid ninyo.

Dahil ang bawat kapatid ay taksil,+

At ang bawat isa sa kapuwa ninyo ay maninirang-puri.+

 5 Bawat isa ay nandaraya sa kapuwa,

At walang nagsasalita ng katotohanan.

Tinuruan nila ang dila nila na magsalita ng kasinungalingan.+

Nagpapakapagod sila sa paggawa ng mali.

 6 Nabubuhay ka sa gitna ng panlilinlang.

Nagsisinungaling sila at ayaw nila akong kilalanin,” ang sabi ni Jehova.

 7 Kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:

“Tutunawin ko silang gaya ng metal at susuriin,+

Dahil ano pa nga ba ang magagawa ko sa anak na babae ng bayan ko?

 8 Ang dila nila ay nakamamatay na palaso at nagsasalita ng kasinungalingan.

Ang isang tao ay nagsasalita nang mapayapa sa kapuwa niya,

Pero sa loob niya ay naghahanda siya ng bitag.”*

 9 “Hindi ba dapat silang managot sa lahat ng ito?” ang sabi ni Jehova.

“Hindi ba dapat kong ipaghiganti ang sarili ko sa ganiyang bansa?+

10 Iiyakan ko at tatangisan ang mga bundok,

At aawit ako ng awit ng pagdadalamhati para sa mga pastulan sa ilang,

Dahil sinunog ang mga iyon at wala nang taong dumadaan doon,

At wala nang maririnig na mga alagang hayop.

Lumipad na sa malayo ang mga ibon sa langit at tumakas na ang mga hayop; wala na ang mga ito.+

11 Ang Jerusalem ay gagawin kong mga bunton ng mga bato,+ tirahan ng mga chakal,+

At ang mga lunsod ng Juda ay gagawin kong tiwangwang; wala nang titira doon.+

12 Sino ang marunong na makauunawa nito?

Sino ang sinabihan ni Jehova tungkol dito at makapaghahayag nito?

Bakit nawasak ang lupain?

Bakit nasunog ito na parang ilang

At wala nang dumadaan dito?”

13 Sumagot si Jehova: “Dahil tinalikuran nila ang kautusan* na ibinigay ko sa kanila, at dahil hindi nila iyon sinunod at hindi nila pinakinggan ang tinig ko. 14 Sa halip, nagmatigas sila sa pagsunod sa sarili nilang puso,+ at sumunod sila sa mga Baal, gaya ng itinuro sa kanila ng mga ama nila.+ 15 Kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Pakakainin ko ng ahenho ang bayang ito, at paiinumin ko sila ng tubig na may lason.+ 16 Pangangalatin ko sila sa mga bansang hindi nila kilala pati ng mga ninuno nila,+ at magsusugo ako ng espada hanggang sa malipol ko sila.’+

17 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo,

‘Kumilos kayo nang may unawa.

Ipatawag ninyo ang mga babaeng umaawit ng awit ng pagdadalamhati;+

Ipatawag ninyo ang mga babaeng bihasa,

18 Para magmadali sila at magdalamhati para sa atin,

Para umagos ang luha sa mga mata natin

At pumatak ito mula sa talukap ng ating mga mata.+

19 Dahil maririnig ang pagdadalamhati mula sa Sion:+

“Napakasaklap ng nangyari sa atin!

Napakalaking kahihiyan nito!

Dahil pinaalis tayo sa lupain, at winasak nila ang mga tahanan natin.”+

20 Kayong mga babae, pakinggan ninyo ang salita ni Jehova.

Makinig kayo sa sinasabi niya.

Ituro ninyo sa mga anak ninyong babae ang awit na ito ng pamimighati;

Ituro ninyo sa isa’t isa ang awit na ito ng pagdadalamhati.+

21 Dahil nakapasok na ang kamatayan sa ating mga bintana;

Nakapasok na ito sa ating matitibay na tore

Para kunin ang mga bata sa mga lansangan

At ang mga lalaki sa mga liwasan.’*+

22 Sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ni Jehova:

“Ang mga bangkay ng mga tao ay babagsak na gaya ng dumi sa parang,

Gaya ng isang hanay ng kapuputol na uhay na iniwan ng manggagapas

At walang kumukuha.”’”+

23 Ito ang sinabi ni Jehova:

“Huwag ipagyabang ng marunong ang karunungan niya;+

Huwag ipagyabang ng malakas ang kalakasan niya;

At huwag ipagyabang ng mayaman ang kayamanan niya.”+

24 “Sa halip, ito ang ipagmalaki ng nagmamalaki:

Na mayroon siyang kaunawaan at kaalaman tungkol sa akin,+

Na ako si Jehova, ang nagpapakita ng tapat na pag-ibig, katarungan, at katuwiran sa lupa,+

Dahil ito ang mga bagay na kinalulugdan ko,”+ ang sabi ni Jehova.

25 “Darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na pananagutin ko ang lahat ng tuli pero di-tuli,+ 26 ang Ehipto+ at ang Juda+ at ang Edom+ at ang mga Ammonita+ at ang Moab+ at ang lahat ng pinutulan ng patilya na naninirahan sa ilang;+ dahil lahat ng bansa ay di-tuli, at ang buong sambahayan ng Israel ay may pusong di-tuli.”+

10 Pakinggan ninyo ang sinabi ni Jehova laban sa inyo, O sambahayan ng Israel. 2 Ito ang sinabi ni Jehova:

“Huwag ninyong tularan ang kaugalian ng mga bansa,+

At huwag kayong matakot sa mga tanda sa langit

Gaya ng mga bansang natatakot sa mga iyon.+

 3 Dahil ang kaugalian ng mga bansa ay walang kabuluhan.

Isa lang itong pinutol na puno sa gubat

At gawa ng bihasang manggagawa gamit ang kasangkapan niya.+

 4 Nilalagyan nila ito ng palamuting pilak at ginto+

At ipinapako para hindi mabuwal.+

 5 Gaya ng panakot ng ibon sa taniman ng pipino, hindi sila makapagsalita;+

Kailangan silang buhatin, dahil hindi sila makalakad.+

Huwag kayong matakot sa kanila, dahil hindi sila makapananakit,

At hindi rin sila makagagawa ng anumang mabuti.”+

 6 Wala kang katulad, O Jehova.+

Ikaw ay dakila, at ang pangalan mo ay dakila at makapangyarihan.

 7 Sino ang hindi matatakot sa iyo, O Hari ng mga bansa?+ Nararapat lang na katakutan ka.

Dahil walang sinumang marunong sa lahat ng kaharian

Ang makapapantay sa iyo.+

 8 Silang lahat ay mangmang at walang unawa.+

Ang tagubilin mula sa isang puno ay walang kabuluhan.+

 9 Ang mga laminang pilak ay inaangkat mula sa Tarsis+ at ang ginto mula sa Upaz,

Gawa ng bihasang manggagawa, ng mga kamay ng platero;

Ang damit ng mga iyon ay asul na sinulid at purpurang* lana.

Lahat ng iyon ay gawa ng mga taong dalubhasa.

10 Pero si Jehova ay tunay na Diyos.

Siya ang Diyos na buháy+ at ang walang-hanggang Hari.+

Sa galit niya ay mayayanig ang lupa,+

At walang bansang makatatagal sa kaniyang poot.

11 * Ito ang sasabihin ninyo sa kanila:

“Ang mga diyos na hindi gumawa ng langit at ng lupa

Ay maglalaho sa lupa at sa silong ng langit.”+

12 Siya ang Maylikha ng lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan niya;

Ginawa niyang matatag ang mabungang lupa gamit ang karunungan niya,+

At inilatag niya ang langit gamit ang kaunawaan niya.+

13 Kapag nagsalita siya,

Naliligalig ang tubig sa langit,+

At nagpapailanlang siya ng mga ulap* mula sa mga dulo ng lupa.+

Gumagawa siya ng kidlat* para sa ulan,

At inilalabas niya ang hangin mula sa mga imbakan niya.+

14 Ang bawat tao ay kumikilos nang di-makatuwiran at walang kaalaman.

Ang bawat platero ay mapapahiya dahil sa inukit na imahen;+

Dahil ang kaniyang metal na imahen ay kasinungalingan,

At walang hininga* ang mga ito.+

15 Walang kabuluhan ang mga ito, isang gawang katawa-tawa.+

Pagdating ng araw ng paghatol sa mga ito, maglalaho ang mga ito.

16 Ang Diyos* ng Jacob ay hindi gaya ng mga bagay na ito,

Dahil siya ang gumawa ng lahat ng bagay,

At ang Israel ang baston ng kaniyang mana.+

Jehova ng mga hukbo ang pangalan niya.+

17 Kunin mo sa lupa ang dala-dalahan mo,

O babaeng napapalibutan ng mga kaaway.

18 Dahil ito ang sinabi ni Jehova:

“Ihahagis* ko sa labas ang mga nakatira sa lupain sa pagkakataong ito,+

At pararanasin ko sila ng hirap.”

19 Kaawa-awa ako dahil sa pagbagsak* ko!+

Hindi na gagaling ang sugat ko.

At sinabi ko: “Sakit ko na ito, at dapat ko itong tiisin.

20 Nawasak ang tolda ko, at naputol ang lahat ng aking panaling pantolda.+

Iniwan ako ng mga anak ko, at wala na sila.+

Wala nang natira para magladlad ng aking mga telang pantolda o magtayo ng tolda ko.

21 Dahil ang mga pastol ay gumawi nang di-makatuwiran,+

At hindi sila sumangguni kay Jehova.+

Kaya hindi sila kumilos nang may unawa,

At nangalat ang lahat ng kanilang kawan.”+

22 Makinig kayo sa balita!

Isang malakas na pagdagundong ang dumating mula sa lupain ng hilaga,+

Para gawing tiwangwang ang mga lunsod ng Juda, tirahan ng mga chakal.+

23 Alam na alam ko, O Jehova, na ang landasin ng isang tao ay hindi sa kaniya.

Hindi para sa taong lumalakad ang ituwid* man lang ang sarili niyang hakbang.+

24 Ituwid mo ako, O Jehova, ayon sa nararapat,

Hindi sa galit mo,+ para hindi mo ako puksain.+

25 Ibuhos mo ang iyong galit sa mga bansang bumabale-wala sa iyo+

At sa mga pamilyang hindi tumatawag sa pangalan mo.

Dahil nilamon nila ang Jacob,+

Oo, nilamon nila siya hanggang sa malipol,+

At ginawa nilang tiwangwang ang lupain niya.+

11 Ito ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova: 2 “Pakinggan ninyo ang sinasabi ng tipang ito, O bayan!

“Ihayag mo* ito sa mga taga-Juda at mga taga-Jerusalem, 3 at sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel: “Sumpain ang taong hindi sumusunod sa mga salita ng tipang ito,+ 4 na iniutos ko sa mga ninuno ninyo nang araw na ilabas ko sila mula sa lupain ng Ehipto,+ mula sa hurnong tunawan ng bakal,+ ‘Makinig kayo sa tinig ko, at sundin ninyo ang mga iniuutos ko sa inyo; at kayo ay magiging bayan ko at ako ay magiging Diyos ninyo,+ 5 para matupad ko ang ipinanata ko sa mga ninuno ninyo, na ibibigay ko sa kanila ang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan,+ gaya ng sa araw na ito.’”’”

At sumagot ako: “Amen,* O Jehova.”

6 Pagkatapos ay sinabi ni Jehova sa akin: “Ihayag mo ang lahat ng salitang ito sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem: ‘Pakinggan ninyo ang mga salita ng tipang ito, at gawin ninyo ang mga ito. 7 Dahil mahigpit kong tinagubilinan ang mga ninuno ninyo mula nang araw na ilabas ko sila sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito; paulit-ulit ko silang sinasabihan:* “Makinig kayo sa tinig ko.”+ 8 Pero hindi sila nakinig o nagbigay-pansin, kundi bawat isa sa kanila ay nagmatigas sa pagsunod sa sarili niyang masamang puso.+ Kaya pinasapit ko sa kanila ang lahat ng salita ng tipang ito, dahil hindi nila sinunod ang iniutos ko sa kanila.’”

9 Pagkatapos ay sinabi ni Jehova sa akin: “May sabuwatan sa mga taga-Juda at mga taga-Jerusalem. 10 Inulit nila ang mga pagkakamali ng mga ninuno nila, na ayaw sumunod sa mga salita ko.+ Sumunod din sila sa ibang mga diyos at naglingkod sa mga iyon.+ Sinira ng sambahayan ng Israel at ng sambahayan ng Juda ang tipan na ipinakipagtipan ko sa mga ninuno nila.+ 11 Kaya ito ang sinabi ni Jehova, ‘Magdadala ako sa kanila ng kapahamakang+ hindi nila matatakasan. Kapag humingi sila ng tulong sa akin, hindi ko sila pakikinggan.+ 12 At ang mga lunsod ng Juda at ang mga taga-Jerusalem ay hihingi ng tulong sa mga diyos na pinaghahandugan nila,*+ pero hindi sila maililigtas ng mga iyon sa panahon ng kanilang kapahamakan. 13 Dahil ang mga diyos mo ay naging kasindami ng mga lunsod mo, O Juda, at para sa kahiya-hiyang bagay* ay nagtayo kayo ng mga altar na kasindami ng mga lansangan sa Jerusalem, mga altar para sa paghahandog kay Baal.’+

14 “At ikaw,* huwag kang manalangin para sa bayang ito. Huwag kang tumawag sa akin alang-alang sa kanila o manalangin para sa kanila;+ hindi ako makikinig kapag tumawag sila sa akin dahil sa kanilang kapahamakan.

15 Ano ang karapatan ng minamahal ko na pumasok sa bahay ko

Gayong napakarami ang gumawa ng masama?

Sa pamamagitan ba ng banal na karne* ay maiiwasan nila ang kapahamakan kapag dumating na ito?

Magsasaya ka* ba sa panahong iyon?

16 Dati ay tinatawag ka ni Jehova na isang mayabong na punong olibo,

Na maganda ang bunga.

Kasabay ng malakas na ingay ay sinilaban niya siya sa apoy,

At binali nila ang mga sanga nito.

17 “Sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang nagtanim sa iyo,+ na isang kapahamakan ang darating sa iyo dahil sa kasamaang ginawa ng sambahayan ng Israel at ng sambahayan ng Juda, na gumalit sa akin sa pamamagitan ng paghahandog kay Baal.”+

18 Sinabi ito sa akin ni Jehova para malaman ko;

Nang panahong iyon, ipinakita mo sa akin ang ginagawa nila.

19 Ako ay tulad ng maamong kordero* na dinadala sa katayan.

Hindi ko alam na may binabalak silang masama sa akin:+

“Sirain natin ang puno, pati ang bunga nito,

At wakasan natin ang buhay niya,

Para ang pangalan niya ay hindi na maalaala pa.”

20 Pero si Jehova ng mga hukbo ay humahatol nang makatarungan;

Sinusuri niya ang kaloob-looban ng isip* at ang puso.+

Ipakita mo sa akin ang paghihiganti mo sa kanila,

Dahil sa iyo ko ipinagkatiwala ang kaso ko.

21 Kaya ito ang sinabi ni Jehova laban sa mga taga-Anatot+ na gustong pumatay sa akin* at nagsasabi: “Huwag kang manghula sa pangalan ni Jehova;+ kung hindi ay papatayin ka namin”; 22 kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Pananagutin ko sila. Ang mga lalaki ay mamamatay sa espada,+ at ang mga anak nilang lalaki at babae ay mamamatay sa taggutom.+ 23 Walang matitira sa kanila kahit isa, dahil magdadala ako ng kapahamakan sa mga taga-Anatot+ sa taon na pananagutin ko sila.”

12 Matuwid ka, O Jehova,+ kapag sinasabi ko sa iyo ang hinaing ko,

Kapag nakikipag-usap ako sa iyo tungkol sa katarungan.

Pero bakit nagtatagumpay ang masasama sa ginagawa nila,+

At bakit hindi nababahala ang mga taksil?

 2 Itinanim mo sila, at nag-ugat sila.

Lumaki sila at namunga.

Ikaw ay nasa mga labi nila, pero malayo sa puso* nila.+

 3 Pero kilalang-kilala mo ako, O Jehova,+ nakikita mo ako;

Sinuri mo ang puso ko at nakita mong kaisa mo ito.+

Ibukod mo sila gaya ng tupang papatayin;

Ihiwalay mo sila para sa araw ng pagpatay.

 4 Hanggang kailan pa matutuyot ang lupain

At malalanta ang mga pananim sa bawat bukid?+

Dahil sa kasamaan ng mga nakatira doon,

Namamatay ang mga hayop at mga ibon.

Dahil sinabi nila: “Hindi niya nakikita ang mangyayari sa atin.”

 5 Kung napapagod kang tumakbo kasama ng mga mananakbo,

Paano ka makikipagkarera sa mga kabayo?+

Kung panatag ka sa lupaing mapayapa,

Paano ka na kapag nasa gitna ka ng makakapal na palumpong* sa kahabaan ng Jordan?

 6 Dahil kahit ang sarili mong mga kapatid, ang sambahayan ng sarili mong ama,

Ay nagtaksil sa iyo.+

Sinisigawan ka nila.

Huwag kang magtiwala sa kanila,

Kahit na nagsasalita sila sa iyo ng mabubuting bagay.

 7 “Iniwan ko ang bahay ko;+ pinabayaan ko ang mana ko;+

Ibinigay ko ang minamahal ko sa kamay ng mga kaaway niya.+

 8 Ang aking mana ay naging parang leon sa kagubatan.

Umuungal siya sa akin.

Kaya napoot ako sa kaniya.

 9 Ang aking mana ay gaya ng ibong maninila na maraming kulay;*

Pinapalibutan ito at sinasalakay ng ibang ibong maninila.+

Halikayo, magtipon kayo, lahat kayong mga hayop sa parang,

Halikayo at kumain.+

10 Sinira ng maraming pastol ang ubasan ko;+

Tinapak-tapakan nila ang lupain ko.+

Ang maganda kong lupain ay ginawa nilang tiwangwang na ilang.

11 Iyon ay wasak na.

Iyon ay natuyot;*

Iyon ay naging tiwangwang sa harap ko.+

Ang buong lupain ay ginawang tiwangwang,

Pero hindi ito pinag-uukulan ng pansin ninuman.+

12 Sa lahat ng dinadaanang landas sa kahabaan ng ilang ay dumating ang mga mangwawasak,

Dahil ang espada ni Jehova ay nanlalamon mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo.+

Walang kapayapaan ang sinuman.*

13 Naghasik sila ng trigo, pero matitinik na halaman ang inani nila.+

Nagpakapagod sila, pero wala itong saysay.

Ikahihiya nila ang kanilang mga bunga

Dahil sa nag-aapoy na galit ni Jehova.”

14 Ito ang sinabi ni Jehova laban sa lahat ng masasamang bayan sa paligid ko, na pumipinsala sa pag-aaring ipinamana ko sa bayan kong Israel:+ “Bubunutin ko sila mula sa kanilang lupain,+ at bubunutin ko ang sambahayan ng Juda sa gitna nila. 15 Pero matapos ko silang bunutin ay kaaawaan ko silang muli at ibabalik ko ang bawat isa sa kanila sa minana niyang pag-aari at sa lupain niya.”

16 “At kung matututuhan nilang mabuti ang mga daan ng aking bayan at mananata sila sa pangalan ko, ‘Kung paanong buháy si Jehova!’ kung paanong tinuruan nila ang bayan ko na manata sa ngalan ni Baal, sila ay mapapabilang sa bayan ko. 17 Pero kung hindi sila susunod, bubunutin ko rin ang bansang iyon; bubunutin ko iyon at lilipulin,” ang sabi ni Jehova.+

13 Ito ang sinabi ni Jehova sa akin: “Bumili ka ng sinturong lino at isuot mo iyon, pero huwag mong ilubog iyon sa tubig.” 2 Kaya bumili ako ng sinturon gaya ng sinabi ni Jehova at isinuot ko iyon. 3 At dumating sa akin ang salita ni Jehova sa ikalawang pagkakataon: 4 “Dalhin mo ang sinturong binili mo at suot mo ngayon, at pumunta ka sa Eufrates. Itago mo iyon sa bitak ng isang malaking bato roon.” 5 Kaya pumunta ako roon at itinago ko iyon sa may Eufrates, gaya ng iniutos ni Jehova sa akin.

6 Pero pagkalipas ng maraming araw, sinabi sa akin ni Jehova: “Pumunta ka sa Eufrates at kunin mo ang sinturon na iniutos kong itago mo roon.” 7 Kaya pumunta ako sa Eufrates at hinukay ko ang sinturon at kinuha ito sa pinagtaguan ko, at nakita kong ang sinturon ay sira na; hindi na iyon mapapakinabangan.

8 Pagkatapos ay dumating sa akin ang salita ni Jehova: 9 “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Ganiyan ko wawakasan ang pagmamalaki ng Juda at ang labis na kahambugan ng Jerusalem.+ 10 Ang masamang bayang ito na ayaw sumunod sa mga salita ko,+ nagmamatigas sa pagsunod sa sarili nilang puso,+ sumusunod sa ibang mga diyos, at naglilingkod at yumuyukod sa mga iyon ay magiging gaya ng sinturong ito na hindi mapapakinabangan.’ 11 ‘Dahil kung paanong ang sinturon ay nakakapit sa baywang ng isang lalaki, gayon ko pinakapit sa akin ang buong sambahayan ng Israel at ang buong sambahayan ng Juda,’ ang sabi ni Jehova, ‘para sila ay maging bayan ko,+ maging kaluwalhatian,+ kapurihan, at karangalan ko. Pero hindi sila sumunod.’+

12 “At sabihin mo rin sa kanila ang mensaheng ito, ‘Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel: “Ang bawat malaking banga ay dapat punuin ng alak.”’ At sasabihin nila sa iyo, ‘Hindi ba alam na namin na ang bawat malaking banga ay dapat punuin ng alak?’ 13 At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Paiinumin ko ng alak ang lahat ng nakatira sa lupaing ito,+ ang mga haring nakaupo sa trono ni David, ang mga saserdote at ang mga propeta, at ang lahat ng taga-Jerusalem, hanggang sa malasing sila. 14 At ihahampas ko sila sa isa’t isa na parang mga banga, ang mga ama at ang mga anak na lalaki,” ang sabi ni Jehova.+ “Hindi ako mahahabag o malulungkot o maaawa sa kanila; walang makapipigil sa akin sa pagpuksa sa kanila.”’+

15 Makinig kayo at magbigay-pansin.

Huwag kayong magmalaki, dahil si Jehova ang nagsalita.

16 Luwalhatiin ninyo si Jehova na inyong Diyos

Bago siya magpasapit ng kadiliman

At bago matisod ang mga paa ninyo sa mga bundok sa dapit-hapon.

Aasa kayo ng liwanag,

Pero magpapasapit siya ng kadiliman;

Gagawin niya itong matinding karimlan.+

17 At kung hindi kayo makikinig,

Iiyak ako nang palihim dahil sa inyong kahambugan.

Iiyak ako nang husto, aagos ang luha sa mga mata ko,+

Dahil ang kawan ni Jehova+ ay dinalang bihag.

18 Sabihin mo sa hari at sa inang reyna,+ ‘Umupo kayo sa mas mababang puwesto,

Dahil ang maganda ninyong korona ay malalaglag mula sa ulo ninyo.’

19 Ang mga lunsod sa timog ay sinarhan* at walang makapagbukas sa mga iyon.

Ang buong Juda ay ipinatapon, ang lahat ng naroon ay ipinatapon.+

20 Tingnan mo ang mga dumarating mula sa hilaga.+

Nasaan ang kawan na ibinigay sa iyo, ang magaganda mong tupa?+

21 Ano ang sasabihin mo kapag dumating na ang parusa sa iyo

Mula sa itinuturing mong matatalik na kaibigan noon pa man?+

Hindi ka ba makadarama ng kirot na gaya ng nararanasan ng babaeng nanganganak?+

22 At sasabihin mo sa sarili, ‘Bakit nangyari sa akin ang mga bagay na ito?’+

Dahil sa malaking pagkakamali mo kaya hinubaran ka+

At sinaktan ang mga sakong mo.

23 “Mababago ba ng isang Cusita* ang balat niya, o ng leopardo ang mga batik nito?+

Kung oo, makagagawa rin kayo ng mabuti,

Kayo na sinanay sa paggawa ng masama.

24 Kaya pangangalatin ko silang gaya ng dayaming tinatangay ng hangin ng disyerto.+

25 Ito ang kahihinatnan mo, ang parteng ibinigay ko sa iyo,” ang sabi ni Jehova,

“Dahil kinalimutan mo ako+ at nagtitiwala ka sa mga kasinungalingan.+

26 Kaya itataas ko ang laylayan ng damit mo hanggang sa iyong mukha,

At makikita ang kahihiyan mo,+

27 Ang pangangalunya mo+ at ang mahalay mong paghalinghing,

Ang kahiya-hiya mong prostitusyon.

Sa mga burol, sa parang,

Nakita ko ang kasuklam-suklam na mga ginagawa mo.+

Kaawa-awa ka, O Jerusalem!

Hanggang kailan ka mananatiling marumi?”+

14 Ito ang salita ni Jehova na dumating kay Jeremias may kinalaman sa mga tagtuyot:+

 2 Ang Juda ay nagdadalamhati,+ at ang mga pintuang-daan nito ay nasira.

Nakalugmok na ang mga ito sa lupa at lumong-lumo.

At may hiyaw na nanggagaling sa Jerusalem.

 3 At isinusugo ng mga panginoon ang mga lingkod nila para umigib ng tubig.

Pumupunta sila sa mga imbakan ng tubig* pero wala silang makitang tubig.

Bumabalik silang walang laman ang mga lalagyan nila.

Nahihiya sila at nalulungkot,

At tinatakpan nila ang ulo nila.

 4 Nagkabitak-bitak ang lupa

Dahil hindi umuulan sa lupain.+

Kaya ang mga magsasaka ay nalulungkot at nagtatakip ng ulo.

 5 Iniiwan kahit ng babaeng usa sa parang ang bagong-silang niya

Dahil walang damo.

 6 Nakatayo ang mga asno sa tuktok ng mga burol.

Humihingal sila na parang mga chakal;

Nanlalabo ang mga mata nila dahil walang pananim.+

 7 Kahit na ang mga pagkakamali namin ay tumetestigo laban sa amin,

O Jehova, kumilos ka alang-alang sa pangalan mo.+

Dahil marami kaming nagawang pagtataksil,+

At sa iyo kami nagkasala.

 8 O pag-asa ng Israel, ang Tagapagligtas niya+ sa panahon ng paghihirap,

Bakit para kang isang dayuhan sa lupain,

Gaya ng manlalakbay na tumitigil lang para magpalipas ng gabi?

 9 Bakit gaya ka ng isang lalaking natitigilan,

Gaya ng isang malakas na lalaki na hindi makapagligtas?

Kasama ka namin, O Jehova,+

At tinatawag kami sa pangalan mo.+

Huwag mo kaming iwan.

10 Ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa bayang ito: “Gustong-gusto nilang magpagala-gala;+ hindi nila pinipigilan ang mga paa nila.+ Kaya hindi nalulugod sa kanila si Jehova.+ Ngayon ay aalalahanin niya ang pagkakamali nila at pananagutin sila sa mga kasalanan nila.”+

11 At sinabi ni Jehova sa akin: “Huwag kang mananalangin na mapabuti ang bayang ito.+ 12 Kapag nag-aayuno* sila, hindi ko pinakikinggan ang mga pakiusap nila,+ at kapag naghahandog sila ng buong handog na sinusunog at ng handog na mga butil, hindi ako nalulugod sa mga iyon;+ sa pamamagitan ng espada, ng taggutom, at ng salot* ay lilipulin ko sila.”+

13 At sinabi ko: “O Kataas-taasang Panginoong Jehova! Sinasabi sa kanila ng mga propeta, ‘Hindi kayo makakakita ng espada, at hindi kayo daranas ng taggutom; sa halip ay bibigyan ko kayo ng tunay na kapayapaan sa lugar na ito.’”+

14 Pagkatapos ay sinabi ni Jehova sa akin: “Ang mga propeta ay humuhula ng mga kasinungalingan sa pangalan ko.+ Hindi ko sila isinugo o inutusan o kinausap.+ Sinungaling na pangitain at walang-saysay na panghuhula at panlilinlang ng sarili nilang puso ang sinasabi nila sa inyo.+ 15 Kaya ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa mga propetang nanghuhula sa pangalan ko, kahit na hindi ko sila isinugo, at nagsasabing walang espada o taggutom na darating sa lupaing ito: ‘Sa pamamagitan ng espada at ng taggutom ay mamamatay ang mga propetang iyon.+ 16 At ang mga taong sinasabihan nila ng hula nila ay itatapon sa mga lansangan ng Jerusalem dahil sa taggutom at sa espada, at walang maglilibing sa kanila+—sa kanila, sa kanilang mga asawa, sa kanilang mga anak na lalaki, o sa kanilang mga anak na babae—dahil magpapasapit ako ng kapahamakang nararapat sa kanila.’+

17 “Sabihin mo ito sa kanila,

‘Umagos nawa ang luha sa mga mata ko araw at gabi, huwag nawa itong tumigil,+

Dahil ang anak na dalaga ng bayan ko ay hinampas nang malakas+

At nasugatan nang malubha.

18 Kapag pumupunta ako sa parang at nagmamasid,

Nakikita ko ang mga namatay sa espada!+

At kapag pumupunta ako sa lunsod,

Nakikita ko ang mga sakit na dulot ng taggutom!+

Ang propeta at ang saserdote ay pagala-gala sa isang lupain na hindi nila alam.’”+

19 Lubusan mo na bang itinakwil ang Juda o kinamuhian ang Sion?+

Bakit mo kami sinaktan at wala na kami ngayong pag-asang gumaling?+

Naghintay kami ng kapayapaan, pero walang dumating na mabuti,

Ng panahon ng pagpapagaling, pero takot ang nararamdaman namin!+

20 O Jehova, inaamin namin ang kasamaan namin

At ang pagkakamali ng mga ninuno namin,

Dahil nagkasala kami laban sa iyo.+

21 Alang-alang sa pangalan mo, huwag mo kaming itakwil;+

Huwag mong hamakin ang maluwalhati mong trono.

Alalahanin mo ang tipan mo sa amin, at huwag mo itong sirain.+

22 Mayroon bang sinuman sa walang-silbing mga idolo ng mga bansa na makapagpapaulan,

O may sarili bang kakayahan ang langit na magbuhos ng ulan?

Hindi ba ikaw lang, O Jehova na aming Diyos, ang makagagawa nito?+

At umaasa kami sa iyo,

Dahil ikaw lang ang gumagawa ng lahat ng ito.

15 At sinabi ni Jehova sa akin: “Kahit pa nakatayo sina Moises at Samuel sa harap ko,+ hindi ako maaawa sa bayang ito. Palalayasin ko sila sa harap ko. Hayaan mo silang umalis. 2 At kapag sinabi nila sa iyo, ‘Saan kami pupunta?’ sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova:

“Ang sinumang para sa nakamamatay na salot, sa nakamamatay na salot!

Ang sinumang para sa espada, sa espada!+

Ang sinumang para sa taggutom, sa taggutom!

At ang sinumang para sa pagkabihag, sa pagkabihag!”’+

3 “‘At mag-aatas ako sa kanila ng apat na kapahamakan,’*+ ang sabi ni Jehova, ‘ang espada para pumatay, ang mga aso para kumaladkad, at ang mga ibon sa langit at ang mga hayop sa lupa para lumamon at lumipol.+ 4 At gagawin ko silang nakapangingilabot sa paningin ng lahat ng kaharian sa lupa+ dahil sa ginawa sa Jerusalem ng hari ng Juda na si Manases, na anak ni Hezekias.+

 5 Sino ang mahahabag sa iyo, O Jerusalem,

Sino ang makikiramay sa iyo,

At sino ang titigil para magtanong tungkol sa kalagayan mo?’

 6 ‘Iniwan mo ako,’ ang sabi ni Jehova.+

‘Paulit-ulit mo akong tinatalikuran.*+

Kaya iuunat ko ang kamay ko laban sa iyo at pupuksain kita.+

Pagod na akong maawa sa iyo.*

 7 At tatahipin ko sila sa pamamagitan ng tinidor sa mga pintuang-daan ng lupain.

Mamamatay ang mga anak nila.+

Pupuksain ko ang bayan ko,

Dahil ayaw nilang talikuran ang landasin nila.+

 8 Ang mga biyuda nila ay magiging mas marami pa kaysa sa buhangin sa dagat.

Magpapadala ako sa kanila ng tagapuksa sa katanghaliang-tapat, laban sa mga ina at sa mga lalaki.

Biglang darating sa kanila ang takot at kaligaligan.

 9 Ang babaeng nagsilang ng pitong anak ay nanghina;

Kinakapos siya* ng hininga.

Lumubog na ang araw niya kahit na maaga pa,

At labis siyang napahiya.’*

‘At ang iilang natira sa kanila

Ay ibibigay ko sa espada ng mga kaaway nila,’ ang sabi ni Jehova.”+

10 Kaawa-awa ako, O aking ina, dahil isinilang mo ako,+

Isang lalaking laging may kaaway at kalaban sa buong lupain.

Hindi ako nagpapautang o nangungutang;

Pero isinusumpa nila akong lahat.

11 Sinabi ni Jehova: “Tutulungan kita;

Mamamagitan ako para sa iyo sa panahon ng kapahamakan,

Sa panahon ng paghihirap dahil sa kaaway.

12 Mapagpuputol-putol ba ng sinuman ang bakal,

Ang bakal mula sa hilaga, at ang tanso?

13 Ang mga pag-aari at kayamanan mo ay ipasasamsam ko+ nang walang kapalit,

Dahil sa lahat ng kasalanan mo sa lahat ng iyong teritoryo.

14 Ibibigay ko iyon sa mga kaaway mo

Para dalhin sa isang lupaing hindi mo alam.+

Isang apoy ang nagliyab dahil sa galit ko.

At nagniningas ito laban sa inyo.”+

15 Ikaw ang nakaaalam, O Jehova,

Alalahanin mo ako at bigyang-pansin.

Ipaghiganti mo ako sa mga umuusig sa akin.+

Huwag mo akong hayaang mamatay* dahil hindi ka madaling magalit.

Tinitiis ko ang panghahamak na ito alang-alang sa iyo.+

16 Nang matanggap ko ang mga salita mo, kinain ko ang mga iyon;+

At ang iyong salita ay naging kagalakan at kaluguran ng puso ko,

Dahil tinatawag ako sa pangalan mo, O Jehova na Diyos ng mga hukbo.

17 Hindi ako sumasama sa mga nagkakatuwaan at hindi ako nagsasaya.+

Umuupo akong mag-isa dahil ang kamay mo ay nakapatong sa akin

At pinuno mo ako ng galit.*+

18 Bakit hindi nawawala ang kirot ko at hindi naghihilom ang sugat ko?

Ayaw nitong gumaling.

Magiging gaya ka ba ng mapandayang bukal ng tubig

Na hindi maaasahan?

19 Kaya ito ang sinabi ni Jehova:

“Kung manunumbalik ka, ibabalik kita sa dati mong kalagayan,

At tatayo ka sa harap ko.

Kung ihihiwalay mo ang mahalaga sa walang kabuluhan,

Ikaw ang magsisilbing bibig ko.*

Maaaring bumaling sila sa iyo,

Pero hindi ka babaling sa kanila.”

20 “Gagawin kitang isang matibay na tansong pader sa bayang ito.+

Tiyak na makikipaglaban sila sa iyo,

Pero hindi sila mananalo,+

Dahil kasama mo ako, at ililigtas kita,” ang sabi ni Jehova.

21 “At ililigtas kita mula sa kamay ng masasama,

At tutubusin kita mula sa palad ng malulupit.”

16 Ang salita ni Jehova ay muling dumating sa akin: 2 “Huwag kang mag-asawa, at huwag kang magkaroon ng mga anak sa lugar na ito. 3 Dahil ito ang sinabi ni Jehova tungkol sa mga anak na isisilang dito at tungkol sa kanilang mga ama at sa kanilang mga ina na magsisilang sa kanila sa lupaing ito: 4 ‘Mamamatay sila dahil sa mga sakit,+ pero walang magdadalamhati o maglilibing sa kanila; sila ay magiging gaya ng dumi sa ibabaw ng lupa.+ Mamamatay sila sa espada at sa taggutom,+ at ang mga bangkay nila ay kakainin ng mga ibon sa langit at ng mga hayop sa lupa.’

 5 Dahil ito ang sinabi ni Jehova,

‘Huwag kang papasok sa bahay na may handang pagkain para sa mga nagdadalamhati,

At huwag kang iiyak o makikiramay.’+

‘Dahil inalis ko ang kapayapaan ko sa bayang ito,’ ang sabi ni Jehova,

‘Pati ang aking tapat na pag-ibig at awa.+

 6 Ang mga prominente at ang mga hamak ay parehong mamamatay sa lupaing ito.

Hindi sila ililibing,

Walang magdadalamhati para sa kanila,

At walang maghihiwa ng sarili o magpapakalbo para sa kanila.*

 7 Walang magbibigay ng pagkain sa mga nagdadalamhati

Para aliwin sila sa pagkamatay ng mahal nila sa buhay;

At wala ring magbibigay sa kanila ng kopa ng alak

Para aliwin sila sa pagkamatay ng kanilang ama o ina.

 8 At huwag kang papasok sa bahay na may handaan

Para kumain at uminom kasama nila.’

9 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Sa lugar na ito, sa panahon ninyo at sa mismong harap ninyo, wawakasan ko ang mga hiyaw ng pagbubunyi at pagsasaya, ang tinig ng lalaking ikakasal at ang tinig ng babaeng ikakasal.’+

10 “Kapag sinabi mo sa bayang ito ang lahat ng ito, tatanungin ka nila, ‘Bakit sinabi ni Jehova na mangyayari sa amin ang lahat ng kapahamakang ito? Ano bang pagkakamali at kasalanan ang nagawa namin kay Jehova na aming Diyos?’+ 11 Sabihin mo sa kanila, ‘“Dahil iniwan ako ng mga ninuno ninyo,”+ ang sabi ni Jehova, “at patuloy silang sumunod sa ibang mga diyos at naglingkod at yumukod sa mga ito,+ samantalang ako ay iniwan nila, at ang kautusan ko ay hindi nila tinupad.+ 12 Pero mas masahol pa ang ginawa ninyo kaysa sa ginawa ng mga ninuno ninyo,+ at bawat isa sa inyo ay nagmamatigas sa pagsunod sa kaniyang masamang puso sa halip na sumunod sa akin.+ 13 Kaya mula sa lupaing ito ay itatapon ko kayo sa lupaing hindi ninyo alam at hindi alam ng mga ninuno ninyo,+ at doon ay maglilingkod kayo sa ibang diyos araw at gabi,+ dahil hindi ako maaawa sa inyo.”’

14 “‘Pero darating ang panahon,’ ang sabi ni Jehova, ‘na hindi na nila sasabihin: “Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova, na naglabas sa bayang Israel mula sa lupain ng Ehipto!”+ 15 Sa halip, sasabihin nila: “Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova, na naglabas sa bayang Israel mula sa lupain sa hilaga at mula sa lahat ng lupain kung saan niya sila pinangalat!” at ibabalik ko sila sa kanilang lupain, na ibinigay ko sa mga ninuno nila.’+

16 ‘Magpapatawag ako ng maraming mangingisda,’ ang sabi ni Jehova,

‘At hahanapin sila ng mga ito at huhulihin.

Pagkatapos ay magpapatawag ako ng maraming mangangaso,

At hahanapin sila ng mga ito sa bawat bundok at bawat burol

At sa mga bitak ng malalaking bato.

17 Dahil nakikita ko ang lahat ng ginagawa* nila.

Hindi iyon maitatago sa akin,

At hindi rin nila maitatago sa akin ang mga pagkakamali nila.

18 Pagbabayarin ko muna sila nang buo sa pagkakamali at kasalanan nila,+

Dahil nilapastangan nila ang lupain ko ng kanilang kasuklam-suklam at walang-buhay na mga idolo

At pinuno nila ang mana ko ng kanilang karima-rimarim na mga bagay.’”+

19 O Jehova, ang aking lakas at ang aking kanlungan,

Ang takbuhan ko sa araw ng paghihirap,+

Pupunta sa iyo ang mga bansa mula sa mga dulo ng lupa,

At sasabihin nila: “Ang mga ninuno namin ay nagmana ng kasinungalingan,

Mga bagay na walang kabuluhan at walang pakinabang.”+

20 Ang tao ba ay makagagawa ng mga diyos?

Ang nagagawa niya ay hindi totoong mga diyos.+

21 “Kaya ipaaalam ko sa kanila,

Sa pagkakataong ito, ipapakita ko sa kanila ang aking kapangyarihan at kalakasan,

At malalaman nila na ang pangalan ko ay Jehova.”

17 “Ang kasalanan ng Juda ay isinulat sa pamamagitan ng panulat na bakal.

Sa pamamagitan ng matulis na diamante ay iniukit iyon sa tapyas ng puso nila

At sa mga sungay ng mga altar nila,

 2 Habang inaalaala ng mga anak nila ang kanilang mga altar at mga sagradong poste*+

Sa tabi ng mayabong na puno, sa matataas na burol,+

 3 Sa mga bundok sa parang.

Ipasasamsam ko ang mga pag-aari mo, ang lahat ng kayamanan mo+

—Oo, ipasasamsam ko ang iyong matataas na lugar dahil sa kasalanan sa lahat ng teritoryo mo.+

 4 Kusa mong bibitawan ang ipinamana ko sa iyo.+

At gagawin kitang alipin ng mga kaaway mo sa lupain na hindi mo alam,+

Dahil pinagliyab mong gaya ng apoy ang galit ko.*+

Magniningas iyon magpakailanman.”

 5 Ito ang sinabi ni Jehova:

“Sumpain ang sinuman* na sa tao lang nagtitiwala,+

Na umaasa sa lakas ng tao,*+

At na ang puso ay tumatalikod kay Jehova.

 6 Magiging gaya siya ng punong nag-iisa sa disyerto.

Hindi niya makikita ang pagdating ng mabuti,

Kundi titira siya sa tuyot na mga lugar sa ilang,

Sa lupain ng asin na walang makapaninirahan.

 7 Pinagpala ang taong* kay Jehova nagtitiwala

At kay Jehova umaasa.+

 8 Magiging gaya siya ng punong nakatanim sa tabi ng tubig,

Na ang mga ugat ay umaabot sa batis.

Kapag uminit, hindi niya iyon mapapansin;

Sa halip, ang mga dahon niya ay mananatiling malago.+

Sa taon ng tagtuyot ay hindi siya mababahala,

At hindi siya titigil sa pamumunga.

 9 Ang puso ay higit na mapandaya kaysa anupamang bagay at desperado.*+

Sino ang makauunawa rito?

10 Ako, si Jehova, ay sumusuri sa puso,+

Sumusuri sa kaloob-looban ng isip,*

Para ibigay sa bawat isa ang nararapat sa landasin niya,

Ayon sa bunga ng mga ginagawa niya.+

11 Gaya ng perdis* na lumililim sa hindi niya itlog,

Ganoon ang taong nagkakamal ng kayamanan sa pandaraya.*+

Iiwan siya nito sa kalagitnaan ng buhay niya,

At sa bandang huli ay mapatutunayan siyang hangal.”

12 Isang maluwalhating trono, na dakila mula pa sa pasimula,

Ang santuwaryo natin.+

13 O Jehova, ang pag-asa ng Israel,

Lahat ng umiiwan sa iyo ay mapapahiya.

Ang mga nag-aapostata sa iyo* ay mapapasulat sa alabok,+

Dahil iniwan nila si Jehova, ang bukal ng tubig na nagbibigay-buhay.+

14 Pagalingin mo ako, O Jehova, at gagaling ako.

Iligtas mo ako, at maliligtas ako,+

Dahil ikaw ang pinupuri ko.

15 May mga nagsasabi sa akin:

“Nasaan ang salita ni Jehova?+

Mangyari nawa iyon!”

16 Pero ako, hindi ako huminto sa pagsunod sa iyo bilang pastol,

At hindi ko inasam ang araw ng kapahamakan.

Alam na alam mo ang lahat ng salitang lumabas sa bibig ko;

Nangyari ang lahat ng iyon sa harap mo!

17 Huwag mong hayaang makadama ako ng matinding takot.

Ikaw ang kanlungan ko sa araw ng kapahamakan.

18 Mapahiya nawa ang mga umuusig sa akin,+

Pero huwag mo sanang hayaang mapahiya ako.

Matakot nawa sila,

Pero huwag mo sanang hayaang matakot ako.

Pasapitin mo sa kanila ang araw ng kapahamakan,+

At durugin mo sila at lubusang puksain.*

19 Ito ang sinabi sa akin ni Jehova: “Pumunta ka at tumayo sa pintuang-daan ng mga anak ng bayan na pinapasukan at nilalabasan ng mga hari ng Juda, at sa lahat ng pintuang-daan ng Jerusalem.+ 20 Sabihin mo sa kanila, ‘Pakinggan ninyo ang salita ni Jehova, kayong mga hari ng Juda, kayong lahat na taga-Juda, at kayong lahat na nakatira sa Jerusalem, na pumapasok sa mga pintuang-daang ito. 21 Ito ang sinabi ni Jehova: “Mag-ingat kayo, at huwag kayong magbubuhat ng anuman sa araw ng Sabbath at huwag ninyong ipapasok iyon sa mga pintuang-daan ng Jerusalem.+ 22 Huwag kayong maglalabas ng anuman mula sa bahay ninyo sa araw ng Sabbath; at huwag kayong gagawa ng anumang trabaho.+ Panatilihin ninyong banal ang araw ng Sabbath, gaya ng iniutos ko sa mga ninuno ninyo.+ 23 Pero hindi sila nakinig o nagbigay-pansin, at nagmatigas sila* at ayaw nilang sumunod o tumanggap ng disiplina.”’+

24 “‘“Pero kung susunod kayong mabuti sa akin,” ang sabi ni Jehova, “at hindi kayo magpapasok ng anuman sa mga pintuang-daan ng lunsod na ito sa araw ng Sabbath, at pananatilihin ninyong banal ang araw ng Sabbath sa pamamagitan ng hindi pagtatrabaho sa araw na iyon,+ 25 ang mga hari at prinsipe* na nakaupo sa trono ni David+ ay papasok din sa mga pintuang-daan ng lunsod na ito sakay ng karwahe at mga kabayo, sila at ang mga prinsipe* nila, ang mga taga-Juda at ang mga taga-Jerusalem;+ at titirhan ang lunsod na ito magpakailanman. 26 At darating ang mga tao mula sa mga lunsod ng Juda, mula sa palibot ng Jerusalem, mula sa lupain ng Benjamin,+ mula sa mababang lupain,+ mula sa mabundok na rehiyon, at mula sa Negeb,* at magdadala sila ng mga buong handog na sinusunog,+ hain,+ handog na mga butil,+ olibano, at hain ng pasasalamat sa bahay ni Jehova.+

27 “‘“Pero kung hindi ninyo susundin ang utos ko na panatilihing banal ang araw ng Sabbath at na huwag magdala at magpasok ng anuman sa mga pintuang-daan ng Jerusalem sa araw ng Sabbath, sisilaban ko ang mga pintuang-daan niya, at tiyak na lalamunin ng apoy ang matitibay na tore ng Jerusalem+ at hindi ito mapapatay.”’”+

18 Ito ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova: 2 “Pumunta ka sa bahay ng magpapalayok,+ at sasabihin ko sa iyo roon ang mga salita ko.”

3 Kaya pumunta ako sa bahay ng magpapalayok. May ginagawa siya sa paikutan ng luwad. 4 Pero nasira ang sisidlang luwad habang ginagawa ito ng magpapalayok. Kaya ang luwad ay ginawa niyang ibang sisidlan, ayon sa naiisip niyang nararapat gawin.

5 Pagkatapos, dumating sa akin ang salita ni Jehova: 6 “‘Hindi ko ba magagawa sa inyo ang gaya ng ginawa ng magpapalayok na ito, O sambahayan ng Israel?’ ang sabi ni Jehova. ‘Gaya ng luwad sa kamay ng magpapalayok, ganoon kayo sa kamay ko, O sambahayan ng Israel.+ 7 Kapag sinabi kong bubunutin ko, ibababa, at lilipulin ang isang bansa o kaharian,+ 8 at tinalikuran ng bansang iyon ang kasamaan nito na hinatulan ko, magbabago ako ng isip tungkol sa* kapahamakang ipinasiya kong pasapitin doon.+ 9 Pero kapag sinabi kong itatayo ko at patatatagin ang isang bansa o kaharian, 10 at ginawa nito ang masama sa paningin ko at hindi ito nakinig sa tinig ko, magbabago ako ng isip tungkol sa* mabuting bagay na ipinasiya kong gawin para dito.’

11 “Pakisuyo, sabihin mo ngayon sa mga taga-Juda at mga taga-Jerusalem, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “May inihahanda* akong kapahamakan at may iniisip akong gawin laban sa inyo. Pakisuyo, talikuran ninyo ang masama ninyong landasin, at baguhin ninyo ang inyong pamumuhay at gawain.”’”+

12 Pero sinabi nila: “Hindi! Susundin namin kung ano ang naiisip namin, at gagawin namin ang gusto ng mapagmatigas at masama naming puso.”+

13 Kaya ito ang sinabi ni Jehova:

“Pakisuyo, magtanong kayo sa mga bansa.

Sino na ang nakarinig ng ganito?

Ang dalaga ng Israel ay gumawa ng kakila-kilabot na bagay.+

14 Nawawalan ba ng niyebe ang mabatong dalisdis ng Lebanon?

O matutuyo ba ang malamig na tubig na dumadaloy mula sa malayo?

15 Pero kinalimutan ako ng bayan ko.+

Dahil naghahandog sila* sa isang bagay na walang kabuluhan,+

At tinitisod nila ang iba mula sa landas na nilalakaran ng mga ito, ang mga sinaunang daan,+

Para lumakad sa mga daang makitid at hindi patag,*

16 Para gawing nakapangingilabot ang lupain nila+

At isang bagay na sisipulan magpakailanman.+

Ang bawat dumadaan doon ay mapapatitig at mangingilabot at mapapailing.+

17 Gaya ng hanging silangan, pangangalatin ko sila sa harap ng kaaway.

Likod, at hindi mukha, ang ipapakita ko sa kanila sa araw ng kapahamakan nila.”+

18 At sinabi nila: “Halikayo, magpakana tayo laban kay Jeremias,+ dahil hindi mawawala ang kautusan* mula sa mga saserdote natin, o ang payo mula sa marurunong, o ang salita mula sa mga propeta. Halikayo, magsalita tayo ng masama sa kaniya at huwag nating pakinggan ang sinasabi niya.”

19 Bigyang-pansin mo ako, O Jehova,

At pakinggan mo ang sinasabi ng mga kalaban ko.

20 Dapat bang gantihan ng masama ang mabuti?

Humukay sila ng libingan para sa akin.+

Alalahanin mo na humarap ako sa iyo para magsalita ng mabuti tungkol sa kanila,

Para mawala ang galit mo sa kanila.

21 Kaya hayaan mong mamatay sa gutom ang mga anak nila,

At ibigay mo sila sa kapangyarihan ng espada.+

Mawalan nawa ng mga anak ang mga asawa nila at mabiyuda.+

Mamatay nawa sa matinding salot ang kalalakihan nila,

At mapatay nawa ng espada sa labanan ang kanilang mga kabataang lalaki.+

22 May marinig nawang sigaw mula sa mga bahay nila,

Kapag bigla mong dinala sa kanila ang mga mandarambong.

Dahil gumawa sila ng hukay para mahuli ako

At nag-umang ng mga bitag para sa mga paa ko.+

23 Pero alam na alam mo, O Jehova,

Ang lahat ng pakana nila para patayin ako.+

Huwag mong takpan ang pagkakamali nila,

At huwag mong pawiin ang kasalanan nila sa harap mo.

Mabuwal nawa sila sa harap mo+

Kapag kumilos ka laban sa kanila dahil sa galit mo.+

19 Ito ang sinabi ni Jehova: “Bumili ka ng banga sa magpapalayok.+ Magsama ka ng ilan sa matatandang lalaki ng bayan at ng ilan sa nakatatandang mga saserdote, 2 at pumunta ka sa Lambak ng Anak ni Hinom,+ sa pasukan ng Pintuang-Daan ng mga Basag na Palayok. At ihayag mo roon ang mga salitang sasabihin ko sa iyo. 3 Sabihin mo, ‘Pakinggan ninyo ang salita ni Jehova, kayong mga hari ng Juda at mga taga-Jerusalem. Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel:

“‘“Magpapasapit ako ng kapahamakan sa lugar na ito, at mangingilabot ang* sinumang makaririnig ng tungkol dito. 4 Ito ay dahil iniwan nila ako+ at binago nila ang lugar na ito at hindi ko na ito makilala.+ Dito ay naghahandog sila sa ibang diyos, na hindi nila kilala at hindi rin kilala ng mga ninuno nila at ng mga hari ng Juda, at pinadanak nila sa lugar na ito ang dugo ng mga inosente.+ 5 Itinayo nila ang matataas na lugar ni Baal para sunugin ang mga anak nila bilang mga buong handog na sinusunog para kay Baal,+ isang bagay na hindi ko iniutos o sinabi at hindi man lang sumagi sa isip ko.”’*+

6 “‘“Kaya darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na ang lugar na ito ay hindi na tatawaging Topet o Lambak ng Anak ni Hinom, kundi Lambak ng Pagpatay.+ 7 Bibiguin ko ang mga plano ng Juda at ng Jerusalem sa lugar na ito, at pababagsakin ko sila sa espada ng mga kaaway nila at sa kamay ng mga gustong pumatay sa kanila. At ipakakain ko ang mga bangkay nila sa mga ibon sa langit at sa mga hayop sa lupa.+ 8 At gagawin kong nakapangingilabot ang lunsod na ito at sisipulan ito ng mga tao. Ang lahat ng dumadaan dito ay mapapatitig at mangingilabot at mapapasipol dahil sa lahat ng salot nito.+ 9 At ipakakain ko sa kanila ang laman ng mga anak nila, at kakainin ng bawat isa ang laman ng kaniyang kapuwa, dahil sa panggigipit sa kanila at sa kawalang-pag-asa kapag pinalibutan sila ng kanilang mga kaaway at ng mga nagtatangkang pumatay sa kanila.”’+

10 “Pagkatapos ay basagin mo ang banga sa harap ng mga lalaking sasama sa iyo, 11 at sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Wawasakin ko ang bayang ito at ang lunsod na ito, kung paanong binabasag ng isang tao ang banga ng magpapalayok; hindi na ito mabubuong muli; at ililibing nila sa Topet ang mga patay hanggang sa wala nang lugar na mapaglilibingan sa mga ito.”’+

12 “‘Ganiyan ang gagawin ko sa lugar na ito at sa mga nakatira dito,’ ang sabi ni Jehova. ‘Gagawin kong gaya ng Topet ang lunsod na ito. 13 At ang mga bahay sa Jerusalem at ang mga bahay ng mga hari ng Juda ay magiging marumi gaya ng lugar na ito, ng Topet,+ dahil naghandog sila sa bubong ng mga ito para sa buong hukbo ng langit+ at nagbuhos ng mga handog na inumin para sa ibang diyos.’”+

14 Nang makabalik si Jeremias mula sa Topet, kung saan siya isinugo ni Jehova para manghula, tumayo siya sa looban* ng bahay ni Jehova at sinabi sa buong bayan: 15 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Pasasapitin ko sa lunsod na ito at sa lahat ng bayan nito ang lahat ng kapahamakang sinabi ko laban dito, dahil nagmatigas sila* at hindi sumunod sa mga salita ko.’”+

20 Ang anak ni Imer na si Pasur, na isang saserdote at nangungunang opisyal sa bahay ni Jehova, ay nakikinig habang inihuhula ni Jeremias ang mga bagay na ito. 2 At hinampas ni Pasur ang propetang si Jeremias at inilagay sa pangawan+ na nasa Mataas na Pintuang-Daan ng Benjamin, sa bahay ni Jehova. 3 Pero kinabukasan, nang pakawalan ni Pasur si Jeremias mula sa pangawan, sinabi sa kaniya ni Jeremias:

“Hindi na Pasur ang tawag sa iyo ni Jehova, kundi Matinding Takot sa Buong Palibot.+ 4 Dahil ito ang sinabi ni Jehova, ‘Masisindak ka sa iyong sarili pati ang lahat ng kaibigan mo, at mamamatay sila sa espada ng mga kaaway nila habang nakatingin ka;+ at ibibigay ko ang buong Juda sa kamay ng hari ng Babilonya, at ipatatapon niya sila sa Babilonya at papatayin sa pamamagitan ng espada.+ 5 At ang lahat ng kayamanan ng lunsod na ito, ang lahat ng pag-aari nito, ang lahat ng mahahalagang bagay rito, at ang lahat ng kayamanan ng mga hari ng Juda ay ibibigay ko sa kamay ng mga kaaway nila.+ Sasamsamin nila ang mga iyon at dadalhin sa Babilonya.+ 6 At ikaw, Pasur, at ang lahat ng nakatira sa bahay mo, ay bibihagin. Dadalhin ka sa Babilonya at doon ka mamamatay, at ililibing ka roon kasama ng lahat ng kaibigan mo, dahil nanghula ka sa kanila ng mga kasinungalingan.’”+

 7 Nilinlang mo ako, O Jehova, at nalinlang ako.

Ginamit mo ang lakas mo laban sa akin, at nagtagumpay ka.+

Naging katatawanan ako buong araw;

Hinahamak ako ng lahat.+

 8 Dahil sa tuwing magsasalita ako, kailangan kong ihayag,

“Karahasan at pagkawasak!”

Iniinsulto ako at inaalipusta buong araw dahil sa salita ni Jehova.+

 9 Kaya sinabi ko: “Hindi ko na siya babanggitin,

At hindi na ako magsasalita sa pangalan niya.”+

Pero sa puso ko ay naging gaya ito ng nagniningas na apoy na nakakulong sa mga buto ko,

At pagod na ako sa kapipigil;

Hindi ko na ito matiis.+

10 Dahil marami akong naririnig na masamang usap-usapan;

Nakakatakot sa buong palibot.+

“Tuligsain siya; tuligsain natin siya!”

Ang lahat ng nagsasabing magkaroon nawa ako ng kapayapaan ay naghihintay na bumagsak ako:+

“Baka sakaling malinlang siya at makagawa ng mali,

At magtatagumpay tayo at makagaganti sa kaniya.”

11 Pero kasama ko si Jehova na gaya ng nakakatakot na mandirigma.+

Kaya ang mga umuusig sa akin ay mabubuwal at hindi mananaig.+

Malalagay sila sa malaking kahihiyan, dahil hindi sila magtatagumpay.

Ang kahihiyan nila ay hindi malilimutan kailanman.+

12 Pero ikaw, O Jehova ng mga hukbo, ang sumusuri sa matuwid;

Nakikita mo ang kaloob-looban ng isip* at ang puso.+

Ipakita mo sa akin ang paghihiganti mo sa kanila,+

Dahil sa iyo ko ipinagkatiwala ang kaso ko.+

13 Umawit kayo kay Jehova! Purihin ninyo si Jehova!

Dahil iniligtas niya ang dukha mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.

14 Sumpain ang araw na ipinanganak ako!

Huwag nawang pagpalain ang araw na ipinanganak ako ng aking ina!+

15 Sumpain ang tao na nagdala ng magandang balita sa ama ko:

“Nanganak na ang asawa mo, lalaki!”

Na labis na nagpasaya sa kaniya.

16 Ang taong iyon ay maging gaya nawa ng mga lunsod na giniba ni Jehova nang walang pagkalungkot.

Makarinig nawa siya ng hiyaw sa umaga at ng babalang hudyat sa katanghaliang-tapat.

17 Bakit hindi na lang niya ako pinatay sa sinapupunan,

Para ang aking ina ang naging libingan ko

At nanatili na lang siyang nagdadalang-tao?+

18 Bakit ipinanganak pa ako

Para makakita ng hirap at pamimighati

At magwakas ang buhay ko sa kahihiyan?+

21 Dumating kay Jeremias ang salita mula kay Jehova nang isugo sa kaniya ni Haring Zedekias+ si Pasur+ na anak ni Malkias at ang saserdoteng si Zefanias+ na anak ni Maaseias para makiusap: 2 “Pakisuyong sumangguni ka kay Jehova para sa amin, dahil si Haring Nabucodonosor* ng Babilonya ay nakikipagdigma sa amin.+ Baka sakaling gumawa si Jehova ng kamangha-manghang mga bagay alang-alang sa amin, para iwan na niya kami.”+

3 Sinabi ni Jeremias sa kanila: “Ito ang sabihin ninyo kay Zedekias, 4 ‘Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel: “Ibabaling ko sa inyo* ang mga sandatang hawak ninyo, na ipinanlalaban ninyo sa hari ng Babilonya+ at sa mga Caldeo na nasa labas ng pader at nakapalibot sa inyo. At titipunin ko ang mga ito sa gitna ng lunsod na ito. 5 At ako mismo ay makikipaglaban sa inyo+ sa pamamagitan ng malakas* na kamay at makapangyarihang bisig, nang may galit at matinding poot.+ 6 Pupuksain ko ang mga nakatira sa lunsod na ito, kapuwa ang tao at ang hayop. Mamamatay sila sa matinding salot.”’*+

7 “‘“At pagkatapos niyan,” ang sabi ni Jehova, “ibibigay ko si Haring Zedekias ng Juda at ang mga lingkod niya at ang mga tao sa lunsod na ito—ang mga nakaligtas sa salot, sa espada, at sa taggutom—sa kamay ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, sa kamay ng mga kaaway nila, at sa kamay ng mga gustong pumatay sa kanila.+ Pababagsakin niya sila sa pamamagitan ng espada. Hindi siya mahahabag o maaawa sa kanila.”’+

8 “At sabihin mo sa bayang ito, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Inilalagay ko sa harap ninyo ang daan ng buhay at ang daan ng kamatayan. 9 Ang mananatili sa lunsod na ito ay mamamatay sa espada, sa taggutom, at sa salot. Pero ang lalabas at susuko sa mga Caldeo na nakapalibot sa inyo ay mananatiling buháy, at ang buhay niya ang magiging samsam niya.”’*+

10 “‘“Dahil itinakwil ko na ang lunsod na ito at daranas ito ng kapahamakan at hindi ng mabuti,”+ ang sabi ni Jehova. “Ibibigay ito sa kamay ng hari ng Babilonya,+ at susunugin niya ito.”+

11 “‘Sa sambahayan ng hari ng Juda: Pakinggan ninyo ang salita ni Jehova. 12 O sambahayan ni David, ito ang sinabi ni Jehova:

“Itaguyod ninyo ang katarungan bawat umaga,

At iligtas ninyo ang ninanakawan mula sa kamay ng mandaraya,+

Para ang poot ko ay hindi maglagablab+

At magningas na gaya ng apoy na walang sinumang makapapatay

Dahil sa masasama ninyong ginagawa.”’+

13 ‘Ako ay laban sa iyo, O ikaw na nakatira sa lambak,*

O bato sa patag na lupain,’ ang sabi ni Jehova.

‘Kung tungkol sa inyo na nagsasabi: “Sino ang kakalaban sa atin?

At sino ang sasalakay sa mga tirahan natin?”

14 Pananagutin ko kayo

Ayon sa mga ginawa ninyo,’+ ang sabi ni Jehova.

‘At pagliliyabin ko ang kagubatan niya,

At tutupukin ng apoy ang lahat ng nasa palibot niya.’”+

22 Ito ang sinabi ni Jehova: “Pumunta ka sa bahay* ng hari ng Juda, at dalhin mo ang mensaheng ito. 2 Sabihin mo, ‘Pakinggan mo ang salita ni Jehova, O hari ng Juda na nakaupo sa trono ni David, ikaw at ang mga lingkod mo at ang bayan mo, ang mga pumapasok sa mga pintuang-daang ito. 3 Ito ang sinabi ni Jehova: “Itaguyod ninyo ang katarungan at katuwiran. Iligtas ninyo ang ninanakawan mula sa kamay ng mandaraya. Huwag ninyong pagmamalupitan ang dayuhang naninirahang kasama ninyo, at huwag ninyong gagawan ng masama ang batang walang ama* o ang biyuda.+ At huwag kayong magpapadanak ng dugo ng taong inosente sa lugar na ito.+ 4 Dahil kung susundin ninyong mabuti ang salitang ito, ang mga haring nakaupo sa trono ni David+ ay papasok sa mga pintuang-daan ng bahay na ito, sakay ng mga karwahe at mga kabayo, sila at ang mga lingkod nila at ang bayan nila.”’+

5 “‘Pero kung hindi ninyo susundin ang mga salitang ito, ipinanunumpa ko ang sarili ko,’ ang sabi ni Jehova, ‘ang bahay na ito ay magiging isang wasak na lugar.’+

6 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa bahay ng hari ng Juda,

‘Ikaw ay gaya ng Gilead sa akin,

Gaya ng tuktok ng Lebanon.

Pero gagawin kitang ilang;

Walang isa man sa mga lunsod mo ang titirhan.+

 7 At mag-aatas* ako laban sa iyo ng mga tagawasak,

Na ang bawat isa ay may mga sandata.+

Puputulin nila ang pinakamagaganda mong punong sedro

At ibabagsak ang mga iyon sa apoy.+

8 “‘At maraming bansa ang dadaan sa lunsod na ito at magsasabi sa isa’t isa: “Bakit ito ginawa ni Jehova sa dakilang lunsod na ito?”+ 9 At sasabihin nila: “Dahil iniwan nila ang tipan ni Jehova na kanilang Diyos at yumukod sila sa ibang mga diyos at naglingkod sa mga ito.”’+

10 Huwag ninyong iyakan ang patay,

At huwag kayong magdadalamhati para sa kaniya.

Sa halip, humagulgol kayo para sa aalis,

Dahil hindi na siya babalik at hindi na niya makikita ang lupaing sinilangan niya.

11 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova tungkol sa anak ni Josias na si Salum,*+ ang hari ng Juda na namamahala kahalili ng ama niyang si Josias+ at wala na sa lugar na ito: ‘Hindi na siya babalik pa roon. 12 Dahil mamamatay siya sa lugar kung saan siya ipinatapon, at hindi na niya makikita ang lupaing ito.’+

13 Kaawa-awa ang nagtatayo ng bahay nang walang katuwiran

At ng mga silid sa itaas nang walang katarungan.

Pinagtatrabaho niya ang kapuwa niya nang walang kapalit;

Ayaw niyang ibigay ang suweldo nito;+

14 Sinasabi niya, ‘Magtatayo ako para sa sarili ko ng malaking bahay,

Na maraming maluluwang na silid sa itaas.

Lalagyan ko iyon ng mga bintana at ng dingding na sedro,

At pipinturahan ko iyon ng pula.’

15 Patuloy ka bang maghahari dahil mas maraming sedro ang ginagamit mo kaysa sa iba?

Kumain at uminom din ang ama mo,

Pero itinaguyod niya ang katarungan at katuwiran,+

At napabuti siya.

16 Ipinagtanggol niya ang karapatan ng naaapi at ng dukha,

At mabuti ang ibinunga nito.

‘Hindi ba ganiyan ang nakakakilala sa akin?’ ang sabi ni Jehova.

17 ‘Pero ang mga mata at puso mo ay nakatuon sa panlilinlang para makinabang,

Sa pagpapadanak ng dugo ng mga inosente,

At sa pandaraya at pangingikil.’

18 “Kaya ito ang sinabi ni Jehova tungkol sa anak ni Josias na si Jehoiakim,+ na hari ng Juda,

‘Hindi sila magdadalamhati para sa kaniya:

“Kapatid ko! Kapatid ko!”

Hindi sila magdadalamhati para sa kaniya:

“O panginoon ko! O Kamahalan!”

19 Ililibing siyang gaya ng asno,+

Na kinakaladkad at itinatapon

Sa labas ng mga pintuang-daan ng Jerusalem.’+

20 Umakyat ka sa Lebanon at sumigaw,

Ilakas mo ang tinig mo sa Basan,

At sumigaw ka mula sa Abarim,+

Dahil ang lahat ng kalaguyo mo ay nilipol.+

21 Kinausap kita noong tiwasay ka.

Pero sinabi mo, ‘Hindi ako susunod.’+

Ganiyan ka na mula pa noong kabataan ka;

Hindi ka nakikinig sa tinig ko.+

22 Isang hangin ang magpapastol sa lahat ng pastol mo,+

At ang mga kalaguyo mo ay mabibihag.

Pagkatapos ay mapapahiya ka at mawawalan ng dangal dahil sa lahat ng iyong kapahamakan.

23 O ikaw na nakatira sa Lebanon,+

Na namumugad sa mga sedro,+

Daraing ka nang husto kapag dumating sa iyo ang paghihirap,

Na gaya ng kirot na nararamdaman ng babaeng nanganganak!”+

24 “‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ni Jehova, ‘kahit ikaw pa, Conias,*+ na anak ni Jehoiakim+ at hari ng Juda, ang singsing na pantatak sa kanang kamay ko, tatanggalin pa rin kita! 25 Ibibigay kita sa kamay ng mga gustong pumatay sa iyo, sa kamay ng mga kinatatakutan mo, sa kamay ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, at sa kamay ng mga Caldeo.+ 26 At ikaw at ang iyong ina na nagsilang sa iyo ay itatapon ko sa ibang lupain, kung saan hindi ka isinilang, at doon kayo mamamatay. 27 At hindi sila kailanman makababalik sa lupaing inaasam nila.+

28 Ang lalaki bang ito na si Conias ay isa lamang hinahamak at basag na palayok,

Isang sisidlang hindi gusto ng sinuman?

Bakit siya itinapon, pati ang mga inapo niya,

Sa isang lupaing hindi nila alam?’+

29 O lupa,* lupa, lupa, pakinggan mo ang salita ni Jehova.

30 Ito ang sinabi ni Jehova:

‘Isulat ninyo na walang anak ang lalaking ito,

Isang taong hindi magtatagumpay habambuhay,*

Dahil wala sa mga inapo niya ang hahalili

Sa pag-upo sa trono ni David at muling mamamahala sa Juda.’”+

23 “Kaawa-awa ang mga pastol na nagpapahamak at nagpapangalat sa mga tupa ng pastulan ko!” ang sabi ni Jehova.+

2 Kaya ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel laban sa mga pastol na nagpapastol sa bayan ko: “Pinangalat ninyo ang mga tupa ko; ipinagtatabuyan ninyo sila at hindi ninyo inaalagaan.”+

“Kaya paparusahan ko kayo dahil sa masasama ninyong ginagawa,” ang sabi ni Jehova.

3 “Pagkatapos ay titipunin ko ang natira sa mga tupa ko mula sa lahat ng lupain kung saan ko sila pinangalat,+ at ibabalik ko sila sa kanilang pastulan,+ at magiging palaanakin sila at darami sila.+ 4 At bibigyan ko sila ng mga pastol na talagang magpapastol sa kanila.+ Hindi na sila matatakot o masisindak, at walang mawawala sa kanila kahit isa,” ang sabi ni Jehova.

5 “Darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na magpapasibol ako mula kay David ng isang matuwid na sibol.*+ At isang hari ang mamamahala+ nang may unawa at magtataguyod ng katarungan at katuwiran sa lupain.+ 6 Sa panahon niya, ang Juda ay maliligtas,+ at ang Israel ay mamumuhay nang panatag.+ At ito ang itatawag sa kaniya: Si Jehova ang Ating Katuwiran.”+

7 “Pero darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na hindi na nila sasabihin, ‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova, na naglabas sa bayang Israel mula sa lupain ng Ehipto!’+ 8 Sa halip, sasabihin nila, ‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova, na naglabas at nagbalik sa mga inapo ng sambahayan ng Israel mula sa lupain sa hilaga’ at mula sa lahat ng lupain kung saan ko sila pinangalat, at titira sila sa sarili nilang lupain.”+

9 May kinalaman sa mga propeta:

Nadurog ang puso ko.

Ang lahat ng buto ko ay nanginginig.

Para akong isang lalaking lasing,

Isang lalaking lango sa alak,

Dahil kay Jehova at dahil sa kaniyang banal na mga salita.

10 Ang lupain ay punô ng mga mangangalunya;+

Dahil sa sumpa, nagdadalamhati ang lupain+

At natuyo ang mga pastulan sa ilang.+

Napakasama ng pamumuhay nila, at inaabuso nila ang kapangyarihan nila.

11 “Ang propeta at ang saserdote ay parehong marumi.*+

Kahit sa sarili kong bahay ay nakita ko ang kasamaan nila,”+ ang sabi ni Jehova.

12 “Kaya ang daan nila ay magiging madulas at madilim;+

Itutulak sila at babagsak sila.

Dahil magdadala ako ng kapahamakan sa kanila

Sa taon ng pagtutuos,”* ang sabi ni Jehova.

13 “At sa mga propeta ng Samaria+ ay nakakita ako ng kasuklam-suklam na mga bagay.

Nanghuhula sila sa ngalan ni Baal,

At inililigaw nila ang bayan kong Israel.

14 At sa mga propeta ng Jerusalem ay nakakita ako ng kakila-kilabot na mga bagay.

Mga mangangalunya sila+ at sinungaling;+

Pinalalakas nila ang loob* ng mga gumagawa ng masama,

At hindi nila tinatalikuran ang kanilang kasamaan.

Para sa akin, lahat sila ay gaya ng Sodoma,+

At ang mga nakatira sa kaniya ay gaya ng Gomorra.”+

15 Kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo laban sa mga propeta:

“Pakakainin ko sila ng ahenho,

At paiinumin ko sila ng tubig na may lason.+

Dahil pinalaganap ng mga propeta ng Jerusalem ang apostasya sa buong lupain.”

16 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:

“Huwag ninyong pakinggan ang sinasabi ng mga propeta na nanghuhula sa inyo.+

Nililinlang* nila kayo.

Ang pangitaing sinasabi nila ay galing sa sarili nilang puso,+

Hindi sa bibig ni Jehova.+

17 Paulit-ulit nilang sinasabi sa mga lumalapastangan sa akin,

‘Sinabi ni Jehova: “Magkakaroon kayo ng kapayapaan.”’+

At sa lahat ng sumusunod sa sarili nilang mapagmatigas na puso ay sinasabi nila,

‘Hindi kayo mapapahamak.’+

18 Sino ba ang tumayong kasama ng mga taong malapít kay Jehova

Para makita at marinig ang salita niya?

Sino ang nagbigay-pansin sa salita niya para marinig iyon?

19 Ang buhawi ni Jehova ay magngangalit;

Gaya ng malakas na bagyo, iikot iyon sa ulo ng masasama.+

20 Ang galit ni Jehova ay hindi huhupa

Hanggang sa matupad at magawa niya ang nasa puso niya.

Sa huling bahagi ng mga araw ay malinaw ninyo itong mauunawaan.

21 Hindi ko isinugo ang mga propeta, pero tumakbo sila.

Hindi ko sila kinausap, pero nanghula sila.+

22 Pero kung tumayo silang kasama ng mga taong malapít sa akin,

Naihayag sana nila sa bayan ko ang mga salita ko

At naitalikod sana nila ang mga ito sa masamang landasin at sa paggawa ng masama.”+

23 “Ako ba ay Diyos lang sa malapit,” ang sabi ni Jehova, “at hindi Diyos sa malayo?”

24 “May tao bang makapagtatago sa isang lihim na lugar kung saan hindi ko siya makikita?”+ ang sabi ni Jehova.

“May makakalampas ba sa pansin ko sa langit at sa lupa?”+ ang sabi ni Jehova.

25 “Narinig ko ang mga propetang nanghuhula ng kasinungalingan sa pangalan ko. Sinasabi nila, ‘Nanaginip ako! Nanaginip ako!’+ 26 Hanggang kailan manghuhula ng kasinungalingan ang mga propeta? Sila ay mga propetang nagsasalita ng panlilinlang mula sa sarili nilang puso.+ 27 Gusto nilang malimutan ng bayan ko ang pangalan ko sa pamamagitan ng mga panaginip na sinasabi nila sa isa’t isa, kung paanong nalimutan ng mga ninuno nila ang pangalan ko dahil kay Baal.+ 28 Hayaang sabihin ng propetang nanaginip ang panaginip niya, pero ang tumanggap ng salita ko ay dapat maghayag ng salita ko nang may katapatan.”

“Ano ang pagkakatulad ng dayami at ng butil?” ang sabi ni Jehova.

29 “Hindi ba ang salita ko ay gaya ng apoy,”+ ang sabi ni Jehova, “at gaya ng martilyong pampanday na dumudurog sa malaking bato?”+

30 “Kaya ako ay laban sa mga propetang nagnanakaw ng aking mga salita mula sa isa’t isa,” ang sabi ni Jehova.+

31 “Ako ay laban sa mga propeta,” ang sabi ni Jehova, “ang mga gumagamit ng dila nila para sabihin, ‘Inihayag niya!’”+

32 “Ako ay laban sa mga propetang nagpapahayag ng di-totoong mga panaginip,” ang sabi ni Jehova, “sa mga nagsasaysay ng mga iyon at nagliligaw sa bayan ko dahil sa kanilang mga kasinungalingan at pagyayabang.”+

“Pero hindi ko sila isinugo o inutusan. Kaya wala silang anumang maitutulong sa bayang ito,”+ ang sabi ni Jehova.

33 “At kapag ang bayang ito o isang propeta o isang saserdote ay nagtanong sa iyo, ‘Ano ang pabigat* ni Jehova?’ sabihin mo sa kanila, ‘“Kayo ang pabigat! At itatapon ko kayo,”+ ang sabi ni Jehova.’ 34 Tungkol sa propeta o sa saserdote o sa bayan na nagsasabi, ‘Ito ang pabigat* ni Jehova!’ paparusahan ko ang taong iyon at ang sambahayan niya. 35 Patuloy ninyong sinasabi sa kapuwa ninyo at sa kapatid ninyo, ‘Ano ang sagot ni Jehova? Ano ang sinabi ni Jehova?’ 36 Pero huwag na ninyong banggitin ang pabigat* ni Jehova, dahil ang pabigat* ay ang salita ng bawat isa, at binago ninyo ang mga salita ng buháy na Diyos, si Jehova ng mga hukbo, ang Diyos natin.

37 “Ito ang sabihin mo sa propeta, ‘Ano ang isinagot sa iyo ni Jehova? Ano ang sinabi ni Jehova? 38 At kung patuloy ninyong sasabihin, “Ang pabigat* ni Jehova!” ito ang sinabi ni Jehova: “Dahil sinasabi ninyo, ‘Ang salitang ito ang pabigat* ni Jehova,’ matapos kong sabihin, ‘Huwag ninyong sasabihin: “Ang pabigat* ni Jehova!”’ 39 bubuhatin ko kayo at ihahagis mula sa harap ko, kayo at ang lunsod na ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo. 40 At ipapahiya ko kayo at dudustain; hindi iyon malilimutan kailanman.”’”+

24 Pagkatapos, may ipinakita sa akin si Jehova na dalawang basket ng igos na nasa harap ng templo ni Jehova, matapos ipatapon ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya ang anak ni Jehoiakim na si Jeconias,*+ na hari ng Juda, kasama ang matataas na opisyal ng Juda, ang mga bihasang manggagawa, at ang mga panday;* dinala niya sila mula sa Jerusalem papuntang Babilonya.+ 2 Napakaganda ng mga igos sa unang basket, gaya ng mga unang bunga. Pero ang mga igos sa isa pang basket ay napakapangit at hindi makakain.

3 At tinanong ako ni Jehova: “Ano ang nakikita mo, Jeremias?” Kaya sinabi ko: “Mga igos; ang magagandang igos ay napakaganda, pero ang pangit na mga igos ay napakapangit at hindi makakain.”+

4 Pagkatapos ay dumating sa akin ang salita ni Jehova: 5 “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Gaya ng magagandang igos na ito, maganda rin ang magiging pakikitungo ko sa mga taga-Juda na ipinatapon, sa mga pinaalis ko sa lugar na ito papunta sa lupain ng mga Caldeo. 6 Babantayan ko sila para mapabuti sila, at pababalikin ko sila sa lupaing ito.+ Itatayo ko sila, at hindi ko sila pababagsakin; itatanim ko sila, at hindi ko sila bubunutin.+ 7 At bibigyan ko sila ng isang puso na gusto akong makilala, na ako si Jehova.+ Sila ay magiging bayan ko, at ako ang magiging Diyos nila,+ dahil manunumbalik sila sa akin nang buong puso.+

8 “‘Pero tungkol sa pangit na mga igos na napakapangit at hindi makakain,+ ito ang sinabi ni Jehova: “Gayon ko pakikitunguhan si Haring Zedekias+ ng Juda, ang kaniyang matataas na opisyal, ang natira sa mga taga-Jerusalem na naiwan sa lupaing ito, at ang mga nakatira sa lupain ng Ehipto.+ 9 Pasasapitin ko sa kanila ang isang kapahamakan, at mangingilabot sa kanila ang lahat ng kaharian sa lupa.+ Sila ay hahamakin, magiging kasabihan, pagtatawanan, at isusumpa+ sa lahat ng lugar kung saan ko sila pangangalatin.+ 10 At magpapadala ako laban sa kanila ng espada,+ ng taggutom, at ng salot,*+ hanggang sa malipol sila sa lupaing ibinigay ko sa kanila at sa mga ninuno nila.”’”

25 Ang salita na dumating kay Jeremias tungkol sa buong bayan ng Juda noong ikaapat na taon ng anak ni Josias na si Jehoiakim,+ na hari ng Juda, at unang taon ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya. 2 Ito ang sinabi ng propetang si Jeremias tungkol sa* buong bayan ng Juda at sa lahat ng nakatira sa Jerusalem:

3 “Mula nang ika-13 taon ng anak ni Amon na si Josias,+ na hari ng Juda, hanggang sa araw na ito, sa loob ng 23 taon, dumarating sa akin ang salita ni Jehova, at nakikipag-usap ako sa inyo nang paulit-ulit,* pero ayaw ninyong makinig.+ 4 At isinusugo ni Jehova sa inyo ang lahat ng lingkod niyang propeta nang paulit-ulit,* pero ayaw ninyong makinig o magbigay-pansin.+ 5 Sinasabi nila, ‘Pakisuyo, manumbalik kayo at iwan ninyo ang inyong masamang landasin at masasamang ginagawa;+ at patuloy kayong titira nang mahabang panahon sa lupain na ibinigay noon ni Jehova sa inyo at sa mga ninuno ninyo. 6 Huwag kayong sumunod sa ibang mga diyos o maglingkod sa kanila o yumukod sa kanila, at huwag ninyo akong galitin sa pamamagitan ng gawa ng mga kamay ninyo; kung hindi ay magpapasapit ako sa inyo ng kapahamakan.’

7 “‘Pero ayaw ninyong makinig sa akin,’ ang sabi ni Jehova. ‘Sa halip, ginalit ninyo ako sa pamamagitan ng gawa ng mga kamay ninyo, sa ikapapahamak ninyo.’+

8 “Kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘“Dahil ayaw ninyong sumunod sa mga salita ko, 9 tatawagin ko ang lahat ng pamilya sa hilaga,”+ ang sabi ni Jehova, “tatawagin ko si Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, na lingkod ko,+ at isusugo ko sila laban sa lupaing ito+ at laban sa mga nakatira dito at laban sa lahat ng bansang ito sa palibot.+ Pupuksain ko sila at gagawing nakapangingilabot at isang bagay na sisipulan, at magiging wasak ang mga ito magpakailanman. 10 Wawakasan ko ang kanilang hiyaw ng pagbubunyi at hiyaw ng pagsasaya,+ ang tinig ng lalaking ikakasal at ang tinig ng babaeng ikakasal,+ ang ingay ng gilingang pangkamay at ang liwanag ng lampara. 11 At ang buong lupaing ito ay mawawasak at magiging nakapangingilabot, at ang mga bansang ito ay maglilingkod nang 70 taon sa hari ng Babilonya.”’+

12 “‘Pero pagkatapos ng 70 taon+ ay pananagutin* ko ang hari ng Babilonya at ang bansang iyon sa kasalanan nila,’+ ang sabi ni Jehova, ‘at gagawin kong tiwangwang ang lupain ng mga Caldeo magpakailanman.+ 13 Pasasapitin ko sa lupaing iyon ang lahat ng sinabi ko laban doon, ang lahat ng nakasulat sa aklat na ito na inihula ni Jeremias laban sa lahat ng bansa. 14 Dahil maraming bansa at dakilang hari+ ang aalipin sa kanila,+ at pagbabayarin ko sila sa mga ginawa nila at sa gawa ng mga kamay nila.’”+

15 Dahil ito ang sinabi sa akin ni Jehova na Diyos ng Israel: “Kunin mo sa kamay ko ang kopang ito ng alak ng galit, at ipainom mo ito sa lahat ng bansa na pagsusuguan ko sa iyo. 16 At iinom sila at magpapasuray-suray at kikilos na parang baliw dahil sa espadang isusugo ko sa kanila.”+

17 Kaya kinuha ko ang kopa sa kamay ni Jehova at pinainom ko ang lahat ng bansa na pinagsuguan sa akin ni Jehova:+ 18 pasimula sa Jerusalem at sa mga lunsod ng Juda,+ ang mga hari niya at matataas na opisyal, para ipahamak sila at gawing nakapangingilabot, isang bagay na sisipulan at susumpain,+ gaya ng kalagayan nila ngayon; 19 pagkatapos ay ang Paraon na hari ng Ehipto at ang mga lingkod niya, ang kaniyang matataas na opisyal, at ang buong bayan niya,+ 20 at ang lahat ng dayuhang kasama nila; ang lahat ng hari sa lupain ng Uz; ang lahat ng hari sa lupain ng mga Filisteo,+ ng Askelon,+ Gaza, Ekron, at ang mga natira sa Asdod; 21 ang Edom,+ ang Moab,+ at ang mga Ammonita;+ 22 ang lahat ng hari ng Tiro, ang lahat ng hari ng Sidon,+ at ang mga hari sa isla sa karagatan; 23 ang Dedan,+ ang Tema, ang Buz, at ang lahat ng pinutulan ng patilya;+ 24 ang lahat ng hari ng mga Arabe+ at ang lahat ng hari ng mga dayuhang nakatira sa ilang; 25 ang lahat ng hari ng Zimri, ang lahat ng hari ng Elam,+ at ang lahat ng hari ng mga Medo;+ 26 at ang lahat ng hari ng hilaga sa malapit at sa malayo, sunod-sunod, at ang lahat ng iba pang kaharian na nasa ibabaw ng lupa; at ang hari ng Sesac*+ ay iinom pagkatapos nila.

27 “At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Uminom kayo at magpakalasing at sumuka at mabuwal hanggang sa hindi na makabangon,+ dahil sa espadang isusugo ko sa inyo.”’ 28 At kung ayaw nilang kunin ang kopa sa kamay mo para uminom, sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Inumin ninyo ito! 29 Kung ang lunsod na tinatawag sa pangalan ko ay pinarusahan ko,+ kayo ba ay hindi mapaparusahan?”’+

“‘Hindi kayo makaliligtas sa parusa, dahil magsusugo ako ng isang espada laban sa lahat ng nakatira sa lupa,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

30 “At ihula mo sa kanila ang lahat ng salitang ito, at sabihin mo sa kanila,

‘Mula sa kaitaasan ay uungal si Jehova,

At mula sa kaniyang banal na tirahan ay iparirinig niya ang kaniyang tinig.

Uungal siya nang malakas laban sa kaniyang tahanan.

Sisigaw siya na gaya ng mga tumatapak sa pisaan ng ubas

At aawit ng awit ng tagumpay laban sa lahat ng nakatira sa lupa.’

31 ‘Isang ingay ang makakarating sa mga dulo ng lupa,

Dahil si Jehova ay may usapin sa mga bansa.

Siya mismo ang hahatol sa lahat ng tao.*+

At ang masasama ay ibibigay niya sa espada,’ ang sabi ni Jehova.

32 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:

‘Isang kapahamakan ang lumalaganap sa mga bansa,+

At isang malakas na unos ang pakakawalan mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa.+

33 “‘At ang mapapatay ni Jehova sa araw na iyon ay mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa. Hindi sila hahagulgulan o titipunin o ililibing. Magiging gaya sila ng dumi sa ibabaw ng lupa.’

34 Humagulgol kayo at humiyaw, kayong mga pastol!

Gumulong kayo sa alabok, kayong mariringal sa kawan,

Dahil ang oras ng pagpatay sa inyo at ng pagpapangalat sa inyo ay dumating na,

At babagsak kayong gaya ng mamahaling sisidlan!

35 Walang matakasan ang mga pastol,

At walang matakbuhan ang mariringal sa kawan.

36 Makinig kayo! Humihiyaw ang mga pastol,

At humahagulgol ang mariringal sa kawan,

Dahil winawasak ni Jehova ang pastulan nila.

37 At ang mapayapang mga tirahan ay nawalan ng buhay

Dahil sa nag-aapoy na galit ni Jehova.

38 Lumabas siya sa kaniyang lungga na gaya ng leon;+

Ang lupain nila ay naging nakapangingilabot

Dahil sa malupit na espada

At dahil sa kaniyang nag-aapoy na galit.”

26 Sa pasimula ng pamamahala ng hari ng Juda na si Jehoiakim+ na anak ni Josias, ang salitang ito ay dumating mula kay Jehova: 2 “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Tumayo ka sa looban* ng bahay ni Jehova, at magsalita ka tungkol sa* lahat ng nasa mga lunsod ng Juda na pumapasok sa bahay ni Jehova para sumamba.* Sabihin mo sa kanila ang lahat ng iniuutos ko sa iyo; huwag mong babawasan ng kahit isang salita. 3 Baka sakaling makinig sila at lahat sila ay tumalikod sa masama nilang landasin, at hindi ko na itutuloy* ang kapahamakang ipinasiya kong pasapitin sa kanila dahil sa masasama nilang ginagawa.+ 4 Sabihin mo sa kanila: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Kung hindi kayo makikinig sa akin—kung hindi kayo susunod sa kautusan* na ibinigay ko sa inyo 5 at hindi kayo makikinig sa mga salita ng mga lingkod kong propeta, na isinusugo ko sa inyo nang paulit-ulit* pero hindi ninyo pinakikinggan,+ 6 gagawin kong gaya ng Shilo+ ang bahay na ito, at ang lunsod na ito ay babanggitin sa pagsumpa ng lahat ng bansa sa lupa.’”’”+

7 At narinig ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan na sinasabi ni Jeremias ang mga salitang ito sa bahay ni Jehova.+ 8 Kaya pagkatapos sabihin ni Jeremias ang lahat ng iniutos sa kaniya ni Jehova na sabihin sa buong bayan, sinunggaban siya ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan at sinabi nila: “Mamamatay ka! 9 Bakit ka nanghuhula sa pangalan ni Jehova at nagsasabi, ‘Magiging gaya ng Shilo ang bahay na ito, at mawawasak ang lunsod na ito at walang sinumang matitira dito’?” At ang buong bayan ay nagtipon-tipon sa palibot ni Jeremias sa bahay ni Jehova.

10 Nang marinig ng matataas na opisyal ng Juda ang mga salitang ito, lumabas sila sa bahay* ng hari at pumunta sa bahay ni Jehova at umupo sa pasukan ng bagong pintuang-daan ni Jehova.+ 11 Sinabi ng mga saserdote at mga propeta sa matataas na opisyal at sa buong bayan: “Nararapat sa parusang kamatayan ang taong ito,+ dahil humula siya laban sa lunsod na ito gaya ng narinig ninyo mismo.”+

12 Pagkatapos ay sinabi ni Jeremias sa lahat ng matataas na opisyal at sa buong bayan: “Si Jehova ang nagsugo sa akin para ihula laban sa bahay na ito at sa lunsod na ito ang lahat ng salitang narinig ninyo.+ 13 Kaya ngayon ay baguhin ninyo ang inyong landasin at mga ginagawa at makinig kayo sa tinig ni Jehova na inyong Diyos, at hindi na itutuloy* ni Jehova ang kapahamakan na sinabi niyang pasasapitin niya sa inyo.+ 14 Pero ako, ako ay nasa kamay ninyo. Gawin ninyo sa akin ang iniisip ninyong mabuti at tamang gawin. 15 Pero tandaan ninyo na kapag pinatay ninyo ako, kayo at ang lunsod na ito at ang mga nakatira dito ay magkakasala ng pagpatay sa isang taong inosente, dahil ang totoo, isinugo ako sa inyo ni Jehova para sabihin ang lahat ng salitang narinig ninyo.”

16 Pagkatapos, sinabi ng matataas na opisyal at ng buong bayan sa mga saserdote at sa mga propeta: “Hindi nararapat ang hatol na kamatayan sa lalaking ito, dahil nagsalita siya sa atin sa ngalan ni Jehova na ating Diyos.”

17 At ang ilan sa matatandang lalaki sa lupain ay nagsabi sa bayan na nagkakatipon: 18 “Si Mikas+ ng Moreset ay nanghuhula noong panahon ni Haring Hezekias+ ng Juda, at sinabi niya sa buong bayan ng Juda, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:

“Ang Sion ay aararuhing gaya ng isang bukid,

Ang Jerusalem ay magiging mga bunton ng guho,+

At ang bundok ng Bahay* ay magiging gaya ng matataas na lugar sa kagubatan.”’*+

19 “Ipinapatay ba siya ni Haring Hezekias ng Juda at ng buong Juda? Hindi ba natakot ang hari kay Jehova at nakiusap para sa awa ni Jehova,* kaya hindi itinuloy* ni Jehova ang kapahamakang sinabi niyang pasasapitin niya sa kanila?+ Sa gagawin natin, ilalagay natin ang ating sarili sa malaking kapahamakan.

20 “At may isa pang lalaki na nanghuhula sa ngalan ni Jehova, si Urias na anak ni Semaias mula sa Kiriat-jearim.+ Humula siya ng gaya ng mga salita ni Jeremias laban sa lunsod na ito at laban sa lupaing ito. 21 Narinig ni Haring Jehoiakim+ at ng lahat ng malalakas na mandirigma nito at ng lahat ng matataas na opisyal ang mga sinabi niya, at gusto siyang ipapatay ng hari.+ Nang malaman ito ni Urias, natakot siya at tumakas papuntang Ehipto. 22 Pagkatapos, isinugo ni Haring Jehoiakim sa Ehipto si Elnatan+ na anak ni Acbor at ang iba pang lalaki. 23 Kinuha nila si Urias mula sa Ehipto at dinala siya kay Haring Jehoiakim. Pinatay siya ng hari sa pamamagitan ng espada+ at inihagis ang bangkay niya sa libingan ng karaniwang mga tao.”

24 Pero si Jeremias ay tinulungan ng anak ni Sapan+ na si Ahikam,+ kaya hindi siya naibigay sa mga tao para patayin.+

27 Sa pasimula ng pamamahala ng hari ng Juda na si Jehoiakim na anak ni Josias, dumating ang salitang ito kay Jeremias mula kay Jehova: 2 “Ito ang sinabi ni Jehova sa akin, ‘Gumawa ka ng mga panali at mga pamatok, at ilagay mo ang mga iyon sa leeg mo. 3 At ipadala mo ang mga iyon sa hari ng Edom,+ sa hari ng Moab,+ sa hari ng mga Ammonita,+ sa hari ng Tiro,+ at sa hari ng Sidon+ sa pamamagitan ng mga mensahero na pumunta sa Jerusalem, kay Haring Zedekias ng Juda. 4 Sabihin mo sa kanila ang utos na ito para sa mga panginoon nila:

“‘“Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel; ito ang sabihin ninyo sa mga panginoon ninyo, 5 ‘Ako ang gumawa ng lupa, ng sangkatauhan, at ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan at unat na bisig; at ibinibigay ko iyon sa sinumang gusto ko.*+ 6 At ngayon ay ibinibigay ko ang lahat ng lupaing ito sa kamay ng lingkod kong si Haring Nabucodonosor+ ng Babilonya; maging ang mga hayop sa parang ay ibinibigay ko para maglingkod sa kaniya. 7 Ang lahat ng bansa ay maglilingkod sa kaniya, sa anak niya, at sa apo niya hanggang sa dumating ang panahon ng sarili niyang lupain,+ kung kailan maraming bansa at dakilang hari ang mang-aalipin sa kaniya.’+

8 “‘“‘Kung ang isang bansa o kaharian ay tatangging maglingkod kay Haring Nabucodonosor ng Babilonya at hindi magpapasailalim sa pamatok ng hari ng Babilonya, paparusahan ko ang bansang iyon sa pamamagitan ng espada,+ taggutom, at salot,’* ang sabi ni Jehova, ‘hanggang sa malipol ko sila sa pamamagitan ng kamay niya.’

9 “‘“‘Kaya huwag kayong makinig sa inyong mga propeta, manghuhula, mánanaginíp, mahiko, at mga mangkukulam,* na nagsasabi: “Hindi kayo maglilingkod sa hari ng Babilonya.” 10 Dahil nanghuhula sila ng kasinungalingan sa inyo; at kung makikinig kayo sa kanila, kukunin kayo sa inyong lupain at dadalhin sa malayo, at pangangalatin ko kayo at malilipol kayo.

11 “‘“‘Pero ang bansang magpapasailalim sa pamatok ng hari ng Babilonya at maglilingkod sa kaniya ay hahayaan kong manatili* sa lupain nila,’ ang sabi ni Jehova, ‘para sakahin iyon at manirahan doon.’”’”

12 Ganoon din ang sinabi ko kay Haring Zedekias+ ng Juda: “Magpasailalim kayo sa pamatok ng hari ng Babilonya at maglingkod kayo sa kaniya at sa bayan niya, at patuloy kayong mabubuhay.+ 13 Kung hindi, ikaw at ang bayan mo ay mamamatay sa espada,+ sa taggutom,+ at sa salot,+ gaya ng sinabi ni Jehova tungkol sa mga bansang hindi maglilingkod sa hari ng Babilonya. 14 Huwag kayong makinig sa mga propetang nagsasabi sa inyo, ‘Hindi kayo maglilingkod sa hari ng Babilonya,’+ dahil kasinungalingan ang inihuhula nila sa inyo.+

15 “‘Dahil hindi ko sila isinugo,’ ang sabi ni Jehova, ‘pero nanghuhula sila ng kasinungalingan sa pangalan ko, at kung makikinig kayo sa kanila, pangangalatin ko kayo at malilipol kayo, kayo at ang mga propetang nanghuhula sa inyo.’”+

16 At sinabi ko sa mga saserdote at sa buong bayang ito: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Huwag kayong makinig sa sinasabi ng mga propetang nanghuhula sa inyo: “Ang mga kagamitan sa bahay ni Jehova ay malapit nang ibalik mula sa Babilonya!”+ dahil kasinungalingan ang inihuhula nila sa inyo.+ 17 Huwag kayong makinig sa kanila. Maglingkod kayo sa hari ng Babilonya at patuloy kayong mabubuhay.+ Kung hindi, mawawasak ang lunsod na ito. 18 Pero kung sila ay mga propeta at kung ang salita ni Jehova ay nasa kanila, magmakaawa sana sila kay Jehova ng mga hukbo para hindi dalhin sa Babilonya ang natitirang mga kagamitan sa bahay ni Jehova, sa bahay* ng hari ng Juda, at sa Jerusalem.’

19 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo tungkol sa mga haligi,+ sa malaking tipunan ng tubig,*+ sa mga patungang de-gulong,+ at sa natitirang mga kagamitan na naiwan sa lunsod na ito, 20 na hindi kinuha ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya nang ipatapon niya sa Babilonya mula sa Jerusalem ang anak ni Jehoiakim na si Jeconias, na hari ng Juda, kasama ang lahat ng prominente sa Juda at Jerusalem;+ 21 oo, ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, tungkol sa mga kagamitang naiwan sa bahay ni Jehova, sa bahay* ng hari ng Juda, at sa Jerusalem: 22 ‘“Dadalhin sa Babilonya ang mga iyon,+ at mananatili ang mga iyon doon hanggang sa araw na alalahanin ko ang mga iyon,” ang sabi ni Jehova. “At ibabalik ko ang mga iyon at isasauli sa lugar na ito.”’”+

28 Nang taon ding iyon, sa pasimula ng pamamahala ni Haring Zedekias+ ng Juda, sa ikalimang buwan ng ikaapat na taon, ang propetang mula sa Gibeon+ na si Hananias na anak ni Azur ay nagsabi sa akin sa bahay ni Jehova sa harap ng mga saserdote at ng buong bayan: 2 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Babaliin ko ang pamatok ng hari ng Babilonya.+ 3 Sa loob ng dalawang taon* ay ibabalik ko sa lugar na ito ang lahat ng kagamitan ng bahay ni Jehova na kinuha ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya at dinala sa Babilonya.’”+ 4 “‘At ibabalik ko sa lugar na ito ang anak ni Jehoiakim+ na si Jeconias,+ na hari ng Juda, at ang lahat ng taga-Juda na ipinatapon sa Babilonya,’+ ang sabi ni Jehova, ‘dahil babaliin ko ang pamatok ng hari ng Babilonya.’”

5 Pagkatapos, nagsalita ang propetang si Jeremias sa propetang si Hananias sa harap ng mga saserdote at ng buong bayan na nakatayo sa bahay ni Jehova. 6 Sinabi ng propetang si Jeremias: “Amen!* Gayon nawa ang gawin ni Jehova! Tuparin nawa ni Jehova ang mga inihula mo; ibalik nawa niya sa lugar na ito mula sa Babilonya ang mga kagamitan ng bahay ni Jehova at ang lahat ng ipinatapon! 7 Pero pakisuyo, pakinggan mo ang mensaheng ito na sasabihin ko sa iyo at sa buong bayan. 8 Noon pa man ay nanghuhula na ang mga propetang nauna sa akin at sa iyo tungkol sa maraming lupain at dakilang kaharian, tungkol sa digmaan, kapahamakan, at salot.* 9 Kung manghula ang isang propeta na magkakaroon ng kapayapaan at magkatotoo ang salita ng propeta, malalaman ng lahat na talagang isinugo ni Jehova ang propetang iyon.”

10 At kinuha ng propetang si Hananias ang pamatok sa leeg ng propetang si Jeremias at binali ito.+ 11 Pagkatapos ay sinabi ni Hananias sa harap ng buong bayan: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Ganito ko babaliin sa loob ng dalawang taon ang pamatok ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya na nasa leeg ng lahat ng bansa.’”+ At umalis ang propetang si Jeremias.

12 Matapos baliin ng propetang si Hananias ang pamatok na nasa leeg ng propetang si Jeremias, dumating kay Jeremias ang mensaheng ito ni Jehova: 13 “Puntahan mo si Hananias at sabihin mo sa kaniya, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Mga pamatok na kahoy ang binali mo,+ pero kapalit ng mga iyon ay gagawa ka ng mga pamatok na bakal.” 14 Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Maglalagay ako ng pamatok na bakal sa leeg ng lahat ng bansang ito, para maglingkod sila kay Haring Nabucodonosor ng Babilonya, at magiging lingkod niya sila.+ Kahit ang mga hayop sa parang ay ibibigay ko sa kaniya.”’”+

15 At sinabi ng propetang si Jeremias sa propetang si Hananias:+ “Pakisuyo, makinig ka, O Hananias! Hindi ka isinugo ni Jehova, pero pinaniniwala mo ang bayang ito sa isang kasinungalingan.+ 16 Kaya ito ang sinabi ni Jehova, ‘Aalisin kita sa ibabaw ng lupa. Sa taóng ito ay mamamatay ka, dahil tinuturuan mo ang bayan na magrebelde kay Jehova.’”+

17 Kaya namatay ang propetang si Hananias nang taóng iyon, noong ikapitong buwan.

29 Ito ang nilalaman ng liham na ipinadala ng propetang si Jeremias mula sa Jerusalem sa iba pang matatandang lalaki ng ipinatapong bayan, sa mga saserdote, sa mga propeta, at sa buong bayan, na ipinatapon ni Nabucodonosor sa Babilonya mula sa Jerusalem, 2 pagkatapos umalis sa Jerusalem ni Haring Jeconias,+ ng inang reyna,+ ng mga opisyal sa palasyo, ng iba pang matataas na opisyal ng Juda at ng Jerusalem, at ng mga bihasang manggagawa at mga panday.*+ 3 Ipinadala niya ang liham sa pamamagitan ni Elasa na anak ni Sapan+ at ni Gemarias na anak ni Hilkias, na isinugo ni Haring Zedekias+ ng Juda sa Babilonya kay Haring Nabucodonosor ng Babilonya. Ito ang nilalaman ng liham:

4 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, sa lahat ng ipinatapon, ang mga ipinatapon ko sa Babilonya mula sa Jerusalem, 5 ‘Magtayo kayo ng mga bahay at tirhan ninyo ang mga iyon. Gumawa kayo ng mga hardin at kainin ninyo ang bunga ng mga iyon. 6 Mag-asawa kayo at magkaanak; kumuha kayo ng mapapangasawa ng mga anak ninyong lalaki at ibigay ninyo bilang mapapangasawa ang mga anak ninyong babae, para magkaanak din sila. Magpakarami kayo roon, at huwag ninyong hayaang umunti kayo. 7 At itaguyod ninyo ang kapayapaan sa lunsod kung saan ko kayo ipinatapon, at ipanalangin ninyo iyon kay Jehova, dahil kung may kapayapaan doon, magkakaroon din kayo ng kapayapaan.+ 8 Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Huwag kayong magpalinlang sa mga propeta at mga manghuhula sa inyo,+ at huwag kayong makinig sa mga panaginip nila. 9 Dahil ‘nanghuhula sila ng kasinungalingan sa inyo sa pangalan ko. Hindi ko sila isinugo,’+ ang sabi ni Jehova.”’”

10 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova, ‘Kapag natupad ang 70 taon sa Babilonya, aalalahanin ko kayo,+ at tutuparin ko ang pangako kong ibalik kayo sa lugar na ito.’+

11 “‘Dahil alam na alam ko ang gusto kong gawin para sa inyo,’ ang sabi ni Jehova. ‘Bibigyan ko kayo ng kapayapaan, at hindi ng kapahamakan,+ para magkaroon kayo ng magandang kinabukasan at pag-asa.+ 12 At tatawag kayo at lalapit at mananalangin sa akin, at pakikinggan ko kayo.’+

13 “‘Hahanapin ninyo ako at makikita ninyo ako,+ dahil buong puso ninyo akong hahanapin.+ 14 At hahayaan kong makita ninyo ako,’+ ang sabi ni Jehova. ‘At titipunin ko ang mga binihag sa inyo mula sa lahat ng bansa at lugar kung saan ko kayo pinangalat,’+ ang sabi ni Jehova. ‘At ibabalik ko kayo sa lugar na pinagmulan ninyo noong ipatapon ko kayo.’+

15 “Pero sinabi ninyo, ‘Binigyan tayo ni Jehova ng mga propeta sa Babilonya.’

16 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova sa hari na nakaupo sa trono ni David+ at sa buong bayan na naninirahan sa lunsod na ito, ang mga kapatid ninyo na hindi ninyo kasama sa pagkatapon, 17 ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Magpapadala ako laban sa kanila ng espada, taggutom, at salot,*+ at gagawin ko silang gaya ng bulok* na mga igos, na napakapangit at hindi makakain.”’+

18 “‘At hahabulin ko sila ng espada,+ taggutom, at salot, at gagawin ko silang nakapangingilabot sa paningin ng lahat ng kaharian sa lupa,+ isang sumpa, isang bagay na nakakagulat, na sisipulan+ at hahamakin ng lahat ng bansa kung saan ko sila pinangalat,+ 19 dahil hindi sila nakikinig sa mga salita ko na ipinadala ko sa kanila sa pamamagitan ng mga lingkod kong propeta, na isinusugo ko nang paulit-ulit,’* ang sabi ni Jehova.+

“‘Pero hindi kayo nakikinig,’+ ang sabi ni Jehova.

20 “Kaya pakinggan ninyo ang salita ni Jehova, kayong lahat na ipinatapon ko sa Babilonya mula sa Jerusalem. 21 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, tungkol kay Ahab na anak ni Kolaias at kay Zedekias na anak ni Maaseias, na nanghuhula ng kasinungalingan sa inyo sa pangalan ko,+ ‘Ibibigay ko sila sa kamay ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, at pababagsakin niya sila sa harap ninyo. 22 At ang mangyayari sa kanila ay magiging sumpa na gagamitin ng lahat ng ipinatapon sa Babilonya mula sa Juda: “Gawin ka nawa ni Jehova na gaya nina Zedekias at Ahab, na inihaw ng hari ng Babilonya sa apoy!” 23 dahil sa kasuklam-suklam na mga gawain nila sa Israel;+ nangangalunya sila sa asawa ng mga kasamahan nila at nagsasalita ng mga kasinungalingan sa pangalan ko na hindi ko iniutos sa kanila.+

“‘“Ako ang nakaaalam at ang saksi,”+ ang sabi ni Jehova.’”

24 “At sabihin mo kay Semaias+ ng Nehelam, 25 ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Dahil nagpadala ka ng mga liham sa pangalan mo sa buong bayan na nasa Jerusalem, sa saserdoteng si Zefanias+ na anak ni Maaseias, at sa lahat ng saserdote, na nagsasabi, 26 ‘Ginawa kang saserdote ni Jehova kapalit ng saserdoteng si Jehoiada para maging tagapangasiwa ng bahay ni Jehova, para hulihin ang sinumang nababaliw at gumagawing gaya ng isang propeta at ilagay siya sa pangawan at sa pikota;*+ 27 kaya bakit hindi mo sinaway si Jeremias ng Anatot,+ na gumagawing gaya ng propeta sa inyo?+ 28 Nagpadala pa nga siya ng ganitong mensahe sa amin sa Babilonya: “Matatagalan pa! Magtayo kayo ng mga bahay at tirhan ninyo ang mga iyon. Gumawa kayo ng mga hardin at kainin ninyo ang bunga ng mga iyon,+—”’”’”

29 Nang basahin ng saserdoteng si Zefanias+ ang liham na ito sa harap ng propetang si Jeremias, 30 dumating kay Jeremias ang salita ni Jehova: 31 “Magpadala ka ng mensahe sa lahat ng ipinatapon, ‘Ito ang sinabi ni Jehova tungkol kay Semaias ng Nehelam: “Dahil nanghula sa inyo si Semaias kahit na hindi ko siya isinugo, at pinaniniwala niya kayo sa kasinungalingan,+ 32 ito ang sinabi ni Jehova, ‘Paparusahan ko si Semaias ng Nehelam at ang mga inapo niya. Walang isa man sa pamilya niya ang makaliligtas, at hindi niya makikita ang mabuting bagay na gagawin ko para sa bayan ko,’ ang sabi ni Jehova, ‘dahil tinuturuan niya ang bayan na magrebelde kay Jehova.’”’”

30 Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova: 2 “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Isulat mo sa isang aklat ang lahat ng sasabihin ko sa iyo. 3 Dahil “darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na titipunin ko ang mga nabihag sa bayan kong Israel at Juda,”+ ang sabi ni Jehova, “at ibabalik ko sila sa lupaing ibinigay ko sa mga ninuno nila, at iyon ay magiging kanila ulit.”’”+

4 Ito ang mga salitang sinabi ni Jehova sa Israel at sa Juda.

 5 Ito ang sinabi ni Jehova:

“Narinig namin ang sigaw ng mga nasisindak;

Natatakot ang lahat, at walang kapayapaan.

 6 Pakisuyo, itanong mo kung nanganganak ba ang lalaki.

Bakit nakahawak sa tiyan* ang lahat ng malalakas na lalaki

Gaya ng isang babaeng nanganganak?+

Bakit maputla ang mukha ng lahat?

 7 Dahil ang araw na iyon ay kahila-hilakbot.*+

Iyon ay walang katulad.

Isang panahon ng paghihirap para sa Jacob.

Pero maliligtas siya mula roon.”

8 “At sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, “aalisin ko ang pamatok sa leeg mo, at puputulin ko ang mga tali* mo; at hindi na siya* gagawing alipin ng mga estranghero.* 9 Maglilingkod sila sa kanilang Diyos na si Jehova at sa kanilang haring si David, na ibabangon ko para sa kanila.”+

10 “At ikaw, Jacob na lingkod ko, huwag kang matakot,” ang sabi ni Jehova,

“At huwag kang mangilabot, O Israel.+

Dahil ililigtas kita mula sa malayo

At ang mga supling mo mula sa lupain kung saan sila binihag.+

Babalik ang Jacob at magiging panatag at tiwasay,

At walang sinumang tatakot sa kanila.”+

11 “Dahil kasama mo ako,” ang sabi ni Jehova, “at ililigtas kita.

Pero lilipulin ko ang lahat ng bansa kung saan kita pinangalat;+

Gayunman, ikaw ay hindi ko lilipulin.+

Pero didisiplinahin* kita sa tamang antas,

At titiyakin kong mapaparusahan ka.”+

12 Dahil ito ang sinabi ni Jehova:

“Walang lunas ang pagbagsak mo.+

Hindi na gagaling ang sugat mo.

13 Walang magtatanggol ng kaso mo,

Hindi mapagagaling ang sugat mo.

Walang lunas para sa iyo.

14 Nakalimutan ka na ng lahat ng kalaguyo mo.+

Hindi ka na nila hinahanap.

Dahil hinagupit kita ng hagupit ng isang kaaway,+

Gaya ng parusa mula sa taong malupit ang parusa ko sa iyo,

Dahil sa malaking pagkakamali at marami mong kasalanan.+

15 Bakit ka humihiyaw dahil sa pagbagsak mo?

Walang makapagpapagaling sa kirot mo!

Dahil sa malaking pagkakamali at marami mong kasalanan+

Kaya ginawa ko ito sa iyo.

16 Kaya ang lahat ng lumalamon sa iyo ay lalamunin din,+

At ang lahat ng kalaban mo ay mabibihag din.+

Ang mga nananamsam sa iyo ay sasamsaman,

At hahayaan kong manakawan ang lahat ng nagnanakaw sa iyo.”+

17 “Pero pagagalingin kita at paghihilumin ko ang mga sugat mo,”+ ang sabi ni Jehova,

“Kahit na itinatakwil at tinatawag ka nilang

‘Ang Sion, na hindi hinahanap ninuman.’”+

18 Ito ang sinabi ni Jehova:

“Titipunin ko ang mga nabihag mula sa mga tolda ng Jacob,+

At maaawa ako sa mga tabernakulo niya.

Muling itatayo ang lunsod sa burol niya,+

At ang matibay na tore ay ibabalik sa dating kinatatayuan nito.

19 At mula sa kanila ay maririnig ang pasasalamat at ang tawanan.+

Pararamihin ko sila, at hindi sila magiging kaunti;+

Palalakihin ko ang bilang nila,*

At hindi sila hahamakin.+

20 Ang mga anak niya ay magiging gaya ng dati,

At sila ay magiging isang malakas na bayan sa harap ko.+

Ako ang haharap sa lahat ng umaapi sa kaniya.+

21 Ang kaniyang pinuno ay manggagaling sa kaniya,

At mula sa kaniya ay lalabas ang tagapamahala niya.

Palalapitin ko siya, at lalapit siya sa akin.”

“Dahil kung hindi, sino ang maglalakas-loob na* lumapit sa akin?” ang sabi ni Jehova.

22 “At kayo ay magiging bayan ko,+ at ako ang magiging Diyos ninyo.”+

23 Isang buhawi ni Jehova ang magngangalit,+

Isang malakas na bagyo na iikot sa ulo ng masasama.

24 Ang naglalagablab na galit ni Jehova ay hindi huhupa

Hanggang sa matupad at magawa niya ang nasa puso niya.+

Sa huling bahagi ng mga araw ay mauunawaan ninyo ito.+

31 “Sa panahong iyon,” ang sabi ni Jehova, “ako ang magiging Diyos ng lahat ng pamilya ng Israel, at sila ay magiging bayan ko.”+

 2 Ito ang sinabi ni Jehova:

“Ang mga nakaligtas sa espada ay pinagpakitaan ng kabutihan sa ilang

Noong ang Israel ay papunta sa pahingahan niya.”

 3 Mula sa malayo ay nagpakita sa akin si Jehova at nagsabi:

“Minahal kita, at walang hanggan ang pagmamahal ko sa iyo.

Kaya inilapit kita sa akin sa pamamagitan ng tapat na pag-ibig.*+

 4 Muli kitang itatayo at muli kang matatayo.+

O dalaga ng Israel, muli mong kukunin ang mga tamburin mo

At sasayaw ka nang masaya.*+

 5 Muli kang magtatanim ng mga ubas sa mga bundok ng Samaria;+

Ang mga tagapagtanim ay magtatanim at masisiyahan sa kanilang bunga.+

 6 Dahil darating ang araw na sisigaw ang mga tagapagbantay sa mga bundok ng Efraim:

‘Umakyat tayo sa Sion, kay Jehova na ating Diyos!’”+

 7 Dahil ito ang sinabi ni Jehova:

“Humiyaw kayo nang may kagalakan kay Jacob.

Sumigaw kayo nang masaya dahil nakahihigit kayo sa mga bansa.+

Ipahayag ninyo iyon; purihin ninyo ang Diyos at sabihin,

‘O Jehova, iligtas mo ang iyong bayan, ang mga natira sa Israel.’+

 8 Ibabalik ko sila mula sa lupain ng hilaga.+

Titipunin ko sila mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa.+

Kasama nila ang bulag at ang pilay,+

Ang babaeng nagdadalang-tao at ang nanganganak, lahat sila.

Babalik sila rito bilang isang malaking kongregasyon.+

 9 Darating silang umiiyak.+

Gagabayan ko sila habang nagsusumamo sila.

Aakayin ko sila sa mga daluyan ng tubig,*+

Sa isang patag na daan kung saan hindi sila mabubuwal.

Dahil Ama ako ng Israel, at ang Efraim ang panganay ko.”+

10 Pakinggan ninyo ang salita ni Jehova, kayong mga bansa,

At ipahayag ninyo iyon sa malalayong isla:+

“Ang nagpangalat sa Israel ang magtitipon sa kaniya.

Babantayan niya siya gaya ng ginagawa ng pastol sa kawan niya.+

11 Dahil tutubusin ni Jehova ang Jacob+

At ililigtas* niya siya mula sa kamay ng mas malakas sa kaniya.+

12 Darating sila at hihiyaw sa kagalakan sa kaitaasan ng Sion,+

At magniningning sila dahil sa kabutihan ni* Jehova,

Dahil sa butil at bagong alak+ at langis,

At dahil sa mga anak ng mga tupa at ng mga baka.+

Magiging gaya sila ng isang hardin na laging nadidiligan,+

At hindi na sila muling manghihina.”+

13 “Sa panahong iyon, ang dalaga ay masayang sasayaw,

Pati ang mga kabataang lalaki at ang matatandang lalaki nang magkakasama.+

Papalitan ko ng pagsasaya ang pagdadalamhati nila.+

Aaliwin ko sila at papalitan ko ng kaligayahan ang kalungkutan nila.+

14 Bibigyan ko ng saganang pagkain* ang mga saserdote,

At ang bayan ko ay masisiyahan sa kabutihan ko,”+ ang sabi ni Jehova.

15 “Ito ang sinabi ni Jehova:

‘Naririnig sa Rama+ ang paghagulgol at pagtangis:

Iniiyakan ni Raquel ang mga anak niya.+

Hindi siya maaliw sa pagdadalamhati sa mga anak niya,

Dahil wala na sila.’”+

16 Ito ang sinabi ni Jehova:

“‘Pigilan mo ang pagtangis at pagluha mo,

Dahil may gantimpala ang ginagawa mo,’ ang sabi ni Jehova.

‘Babalik sila mula sa lupain ng kaaway.’+

17 ‘At maganda ang magiging kinabukasan mo,’+ ang sabi ni Jehova.

‘Babalik ang mga anak mo sa sarili nilang teritoryo.’”+

18 “Dinig na dinig ko ang pagdaing ng Efraim,

‘Itinuwid mo ako, at naituwid ako,

Gaya ng isang guya* na hindi pa nasasanay.

Panumbalikin mo ako, at agad akong babalik,

Dahil ikaw si Jehova na aking Diyos.

19 Dahil matapos akong manumbalik ay nagsisi ako;+

Nang maipaunawa sa akin ang ginawa ko, hinampas ko ang hita ko sa pagdadalamhati.

Hiyang-hiya ako,+

Dahil sa ginawa ko noong kabataan ko.’”

20 “Hindi ba ang Efraim ay anak kong minamahal at kinagigiliwan?+

Dahil sa tuwing nagsasalita ako laban sa kaniya, naaalaala ko pa rin siya.

Kaya nababagbag ang loob ko* dahil sa kaniya.+

At maaawa ako sa kaniya,” ang sabi ni Jehova.+

21 “Maglagay ka ng mga palatandaan sa daan mo,+

At maglagay ka ng mga posteng pananda.+

Magbigay-pansin ka sa lansangang-bayan, sa dadaanan mo.

Bumalik ka, O dalaga ng Israel, bumalik ka sa mga lunsod mong ito.

22 Hanggang kailan ka mag-aalinlangan, O anak na babaeng taksil?

Dahil lumikha si Jehova ng isang bagong bagay sa lupa:

Hahabulin ng isang babae ang isang lalaki.”

23 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Muli nilang sasabihin ang mga salitang ito sa lupain ng Juda at sa mga lunsod nito kapag tinipon ko ang mga nabihag sa kanila: ‘Pagpalain ka nawa ni Jehova, O matuwid na tirahan,+ O banal na bundok.’+ 24 At doon ay titirang magkakasama ang Juda at ang lahat ng lunsod nito, ang mga magsasaka at ang mga umaakay sa kawan.+ 25 Dahil ibibigay ko ang pangangailangan ng napapagod, at bubusugin ko ang nanghihina sa gutom.”+

26 At nagising ako at iminulat ko ang mga mata ko; masarap ang naging tulog ko.

27 “Darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na hahasikan ko ang sambahayan ng Israel at ang sambahayan ng Juda ng binhi* ng tao at ng binhi ng mga alagang hayop.”+

28 “At kung paanong binantayan ko sila para bunutin, ibagsak, gibain, wasakin, at pinsalain,+ babantayan ko rin sila para itayo at itanim,”+ ang sabi ni Jehova. 29 “Sa panahong iyon, hindi na nila sasabihin, ‘Ang mga ama ang kumain ng maasim na ubas, pero ang ngipin ng mga anak ang nangilo.’*+ 30 Sa halip, ang bawat isa ay mamamatay dahil sa sarili niyang kasalanan. Ang ngipin ng taong kumakain ng maasim na ubas ang mangingilo.”

31 “Darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na makikipagtipan ako ng isang bagong tipan+ sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda. 32 Hindi ito gaya ng tipan ko sa kanilang mga ninuno noong hawakan ko ang kamay nila at akayin sila palabas ng lupain ng Ehipto,+ ‘ang tipan ko na sinira nila,+ kahit ako ang totoong panginoon* nila,’ ang sabi ni Jehova.”

33 “Dahil ito ang ipakikipagtipan ko sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng panahong iyon,” ang sabi ni Jehova. “Ilalagay ko sa loob nila ang kautusan ko,+ at isusulat ko iyon sa puso nila.+ At ako ang magiging Diyos nila, at sila ay magiging bayan ko.”+

34 “At ang bawat isa sa kanila ay hindi na magtuturo sa kapuwa niya at sa kapatid niya at magsasabi, ‘Kilalanin ninyo si Jehova!’+ dahil ako ay makikilala nilang lahat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila,”+ ang sabi ni Jehova. “Dahil patatawarin ko ang pagkakamali nila, at hindi ko na aalalahanin ang kasalanan nila.”+

35 Ito ang sinabi ni Jehova,

Ang nagbibigay ng araw bilang liwanag sa maghapon,

Ng mga batas ng buwan at ng mga bituin bilang liwanag sa gabi,

Ang kumokontrol sa dagat at nagpapalakas ng mga alon nito,

Na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo:+

36 “‘Kung ang mga tuntuning ito ay mabigo,’ ang sabi ni Jehova,

‘Saka lang hindi na magiging bansa sa harap ko ang mga supling ni Israel.’”+

37 Ito ang sinabi ni Jehova: “‘Kung masusukat ang langit sa itaas at masasaliksik ang mga pundasyon ng lupa sa ibaba, saka ko lang maitatakwil ang lahat ng supling ni Israel dahil sa lahat ng ginawa nila,’ ang sabi ni Jehova.”+

38 “Darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na ang lunsod ay itatayo+ para kay Jehova mula sa Tore ni Hananel+ hanggang sa Panulukang Pintuang-Daan.+ 39 At ang pising panukat+ ay aabot sa burol ng Gareb at liliko papuntang Goa. 40 At ang buong lambak* ng mga bangkay at ng mga abo,* at ang lahat ng hagdan-hagdang lupain hanggang sa Lambak ng Kidron,+ hanggang sa panulukan ng Pintuang-Daan ng mga Kabayo+ papunta sa silangan, ay magiging banal kay Jehova.+ Hindi na iyon muling wawasakin o gigibain.”

32 Ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Jehova nang ika-10 taon ni Haring Zedekias ng Juda, noong ika-18 taon ni Nabucodonosor.*+ 2 Kinukubkob noon ng mga hukbo ng hari ng Babilonya ang Jerusalem, at ang propetang si Jeremias ay nakakulong sa Looban ng Bantay+ na nasa bahay* ng hari ng Juda. 3 Ikinulong siya ni Haring Zedekias ng Juda+ at sinabi nito, “Bakit ka nanghuhula nang ganito? Sinasabi mo, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Ibibigay ko ang lunsod na ito sa kamay ng hari ng Babilonya, at bibihagin niya ito,+ 4 at si Haring Zedekias ng Juda ay hindi makatatakas sa mga Caldeo, dahil ibibigay siya sa kamay ng hari ng Babilonya, at makikipag-usap siya rito nang harapan.”’+ 5 ‘Dadalhin niya si Zedekias sa Babilonya, at mananatili siya roon hanggang sa ibaling ko sa kaniya ang pansin ko,’ ang sabi ni Jehova. ‘Kahit patuloy kayong makipaglaban sa mga Caldeo, hindi kayo mananalo.’”+

6 Sinabi ni Jeremias: “Dumating sa akin ang salita ni Jehova, 7 ‘Pupunta sa iyo si Hanamel, anak ni Salum na tiyuhin* mo, at sasabihin niya: “Bilhin mo ang bukid ko na nasa Anatot,+ dahil ikaw ang unang may karapatan na tumubos nito.”’”+

8 Pinuntahan ako ni Hanamel na anak ng tiyuhin ko sa Looban ng Bantay, gaya ng sinabi ni Jehova, at sinabi niya sa akin: “Pakisuyo, bilhin mo ang bukid ko na nasa Anatot, na nasa lupain ng Benjamin, dahil ikaw ang may karapatang tumubos at magmay-ari nito. Bilhin mo iyon.” Sa gayon, nalaman kong iyon ay galing kay Jehova.

9 Kaya binili ko ang bukid na nasa Anatot mula kay Hanamel na anak ng tiyuhin ko. Tinimbang ko ang pera+ at ibinigay ito sa kaniya, 7 siklo* at 10 pirasong pilak. 10 Pagkatapos, itinala ko iyon sa isang kasulatan,+ nilagyan iyon ng tatak, kumuha ako ng mga saksi,+ at tinimbang ko ang pera. 11 Kinuha ko ang kasulatan ng pagkakabili, ang may tatak ayon sa tuntunin at legal na mga kahilingan, pati ang walang tatak, 12 at ibinigay ko ang kasulatan ng pagkakabili kay Baruc+ na anak ni Nerias+ na anak ni Maseias sa harap ni Hanamel na anak ng tiyuhin ko, ng mga saksi na pumirma sa kasulatan ng pagkakabili, at ng lahat ng Judio na nakaupo sa Looban ng Bantay.+

13 Inutusan ko ngayon si Baruc sa harap nila: 14 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Kunin mo ang mga kasulatang ito, ang kasulatang ito ng pagkakabili, ang may tatak at ang isa pang kasulatan na walang tatak, at ilagay mo ang mga iyon sa isang sisidlang luwad, para maingatan iyon nang mahabang panahon.’ 15 Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Ang mga bahay, mga bukid, at mga ubasan ay muling mabibili sa lupaing ito.’”+

16 At nanalangin ako kay Jehova matapos kong ibigay ang kasulatan ng pagkakabili kay Baruc na anak ni Nerias: 17 “O Kataas-taasang Panginoong Jehova, ikaw ang gumawa ng langit at lupa sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan mo+ at ng unat mong bisig. Walang imposible sa iyo. 18 Nagpapakita ka ng tapat na pag-ibig sa libo-libo pero pinagbabayad mo ang mga anak sa pagkakamali ng kanilang mga ama.+ Ikaw ang tunay na Diyos, ang dakila at makapangyarihan, na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo. 19 Dakila ang layunin mo at makapangyarihan ang mga gawa mo,+ ikaw na nagmamasid sa lahat ng landasin ng mga tao,+ para ibigay sa bawat isa ang ayon sa kaniyang landasin at mga ginagawa.+ 20 Gumawa ka ng mga tanda at himala sa lupain ng Ehipto, na naaalaala pa rin hanggang sa ngayon. Sa gayon ay nakagawa ka ng pangalan para sa iyong sarili sa Israel at sa sangkatauhan,+ gaya ngayon. 21 At inilabas mo ang bayan mong Israel mula sa lupain ng Ehipto, sa pamamagitan ng mga tanda, ng mga himala, ng makapangyarihang kamay, ng unat na bisig, at ng nakakatakot na mga gawa.+

22 “Nang maglaon, ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito na ipinangako mo sa mga ninuno nila,+ isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.+ 23 At pumasok sila sa lupain at kinuha iyon, pero hindi sila nakinig sa tinig mo o sumunod sa kautusan mo. Hindi nila sinunod ang anumang iniutos mo sa kanila, kaya pinasapit mo sa kanila ang lahat ng kapahamakang ito.+ 24 May mga lalaking dumating sa lunsod na may mga rampang pangubkob para sakupin ito.+ At dahil sa espada,+ taggutom, at salot,*+ ang lunsod ay tiyak na babagsak sa kamay ng mga Caldeo na nakikipaglaban dito; nagkatotoo ang lahat ng sinabi mo, gaya ng nakikita mo ngayon. 25 Pero sinabi mo sa akin, O Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘Bilhin mo ang bukid at kumuha ka ng mga saksi,’ kahit ibibigay ang lunsod sa kamay ng mga Caldeo.”

26 At dumating kay Jeremias ang salita ni Jehova: 27 “Narito ako, si Jehova, ang Diyos ng buong sangkatauhan.* May imposible ba sa akin? 28 Kaya ito ang sinabi ni Jehova, ‘Ibibigay ko ang lunsod na ito sa mga Caldeo at sa kamay ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, at bibihagin niya ito.+ 29 At ang mga Caldeo na nakikipaglaban sa lunsod na ito ay papasok at susunugin ang lunsod na ito+ pati ang mga bahay kung saan sa mga bubong nito ay naghahandog ang mga tao kay Baal at nagbubuhos ng mga handog na inumin para sa ibang diyos para galitin ako.’+

30 “‘Dahil ang bayan ng Israel at ng Juda ay walang ginawa kundi ang masama sa paningin ko, mula pa noong kabataan nila;+ patuloy akong ginagalit ng bayan ng Israel sa mga ginagawa nila,’ ang sabi ni Jehova. 31 ‘Dahil ang lunsod na ito, mula nang araw na itayo nila ito hanggang ngayon, ay wala nang ginawa kundi galitin ako,+ kung kaya dapat itong alisin sa harap ko,+ 32 dahil sa lahat ng kasamaang ginagawa ng bayan ng Israel at ng Juda para galitin ako—sila, ang kanilang mga hari,+ matataas na opisyal,+ mga saserdote, mga propeta,+ at ang mga taga-Juda at mga taga-Jerusalem. 33 Patuloy nilang inihaharap sa akin ang likod nila at hindi ang mukha;+ kahit tinuturuan ko sila nang paulit-ulit,* walang isa man sa kanila ang nakikinig para tumanggap ng disiplina.+ 34 At inilagay nila ang kasuklam-suklam na mga idolo nila sa bahay na tinatawag sa pangalan ko, para dungisan ito.+ 35 Bukod diyan, itinayo nila ang matataas na lugar ni Baal sa Lambak ng Anak ni Hinom,*+ para sunugin ang mga anak nilang lalaki at babae para kay Molec,+ isang bagay na hindi ko iniutos sa kanila,+ at hindi man lang sumagi sa isip ko* na ipagawa ang gayong kasuklam-suklam na bagay para magkasala ang Juda.’

36 “Kaya ito ang sinabi ni Jehova, ang Diyos ng Israel, tungkol sa lunsod na ito na sinasabi ninyong ibibigay sa kamay ng hari ng Babilonya sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot, 37 ‘Titipunin ko sila mula sa lahat ng lupain kung saan ko sila pinangalat dahil sa aking galit at matinding poot,+ at ibabalik ko sila sa lugar na ito at patitirahin nang panatag.+ 38 At sila ay magiging bayan ko, at ako ang magiging Diyos nila.+ 39 At bibigyan ko sila ng isang puso+ at isang landasin para lagi silang matakot sa akin, para sa ikabubuti nila at ng mga anak nila.+ 40 At makikipagtipan ako sa kanila ng isang walang-hanggang tipan,+ na hindi ako titigil sa paggawa ng mabuti sa kanila;+ at ilalagay ko sa puso nila ang pagkatakot sa akin, para hindi sila tumalikod sa akin.+ 41 Magiging masaya ako sa paggawa ng mabuti sa kanila,+ at itatatag ko sila sa lupaing ito,+ nang aking buong puso at lakas.’”

42 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova, ‘Kung paanong pinasapit ko sa bayang ito ang lahat ng kapahamakang ito, pasasapitin ko rin sa kanila ang lahat ng kabutihan* na ipinapangako ko sa kanila.+ 43 At muling mabibili ang mga bukid sa lupaing ito,+ kahit sinasabi ninyo: “Isa itong tiwangwang na lupain na walang tao at hayop, at ibinigay na ito sa mga Caldeo.”’

44 “‘Bibilhin ang mga bukid, itatala at lalagyan ng tatak ang mga kasulatan ng pagkakabili, at ang mga saksi ay tatawagin sa lupain ng Benjamin,+ sa mga lugar sa palibot ng Jerusalem, sa mga lunsod ng Juda,+ sa mga lunsod ng mabundok na rehiyon, sa mga lunsod ng mababang lupain,+ at sa mga lunsod sa timog, dahil ang mga nabihag sa kanila ay ibabalik ko,’+ ang sabi ni Jehova.”

33 Ang salita ni Jehova ay dumating kay Jeremias sa ikalawang pagkakataon, noong nakakulong pa siya sa Looban ng Bantay:+ 2 “Ito ang sinabi ni Jehova na Maylikha ng lupa, si Jehova na gumawa nito at naglagay sa puwesto nito nang matibay; Jehova ang pangalan niya, 3 ‘Tumawag ka sa akin, at sasagot ako sa iyo at sasabihin ko sa iyo ang mga bagay na dakila at napakalalim at hindi mo pa alam.’”+

4 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova, ang Diyos ng Israel, tungkol sa mga bahay sa lunsod na ito at sa mga bahay ng mga hari ng Juda na nagiba dahil sa mga rampang pangubkob at sa espada,+ 5 at tungkol sa mga dumarating para makipaglaban sa mga Caldeo, na pinupuno ang mga lugar na ito ng mga bangkay ng mga pinabagsak ko dahil sa aking galit at poot, ang mga gumagawa ng masama na naging dahilan kaya itinago ko ang mukha ko mula sa lunsod na ito: 6 ‘Ibabalik ko ang kaniyang lakas at kalusugan,+ at pagagalingin ko sila at bibigyan sila ng saganang kapayapaan at katotohanan.+ 7 At isasauli ko ang mga nabihag mula sa Juda at mula sa Israel,+ at papatibayin ko sila gaya ng ginawa ko noong una.+ 8 At lilinisin ko sila mula sa lahat ng kasalanan nila sa akin,+ at patatawarin ko ang lahat ng kanilang pagkakamali at kasalanan sa akin.+ 9 At siya ay magiging aking karangalan, kagalakan, kapurihan, at kagandahan sa harap ng lahat ng bansa sa lupa na makaririnig sa lahat ng mabubuting bagay na gagawin ko sa kanila.+ At matatakot ang mga bansa at manginginig+ dahil sa lahat ng kabutihan at kapayapaan na ibibigay ko sa kaniya.’”+

10 “Ito ang sinabi ni Jehova: ‘Sa lugar na ito na sasabihin ninyong tiwangwang, na walang tao o alagang hayop, sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem na tiwangwang at walang tao o naninirahan o alagang hayop, ay muling maririnig 11 ang ingay ng kagalakan at ng pagsasaya,+ ang tinig ng lalaking ikakasal at ng babaeng ikakasal, ang tinig ng mga nagsasabi: “Magpasalamat kayo kay Jehova ng mga hukbo, dahil si Jehova ay mabuti;+ ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan!”’+

“‘Magdadala sila ng handog ng pasasalamat sa bahay ni Jehova,+ dahil ibabalik ko ang mga nabihag sa lupain, gaya noong una,’ ang sabi ni Jehova.”

12 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: ‘Sa tiwangwang na lugar na ito, na walang tao o alagang hayop, at sa lahat ng lunsod nito, ay muling magkakaroon ng mga pastulan na mapagpapahingahan ng kawan ng mga pastol.’+

13 “‘Sa mga lunsod ng mabundok na rehiyon, sa mga lunsod ng mababang lupain, sa mga lunsod sa timog, sa lupain ng Benjamin, sa mga lugar sa palibot ng Jerusalem,+ at sa mga lunsod ng Juda,+ muling dadaan ang mga kawan sa ilalim ng mga kamay ng bumibilang sa kanila,’ ang sabi ni Jehova.”

14 “‘Darating ang panahon,’ ang sabi ni Jehova, ‘na tutuparin ko ang magandang pangako na sinabi ko tungkol sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda.+ 15 Sa mga araw na iyon at sa panahong iyon ay pasisibulin ko para kay David ang isang matuwid na sibol,*+ at maglalapat siya ng katarungan at katuwiran sa lupain.+ 16 Sa mga araw na iyon, ang Juda ay maliligtas+ at ang Jerusalem ay maninirahan nang panatag.+ At ito ang itatawag sa kaniya: Si Jehova ang Ating Katuwiran.’”+

17 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova: ‘Sa angkan ni David manggagaling ang lahat ng uupo sa trono ng sambahayan ng Israel.+ 18 At laging may saserdoteng Levita na tatayo sa harap ko para maghandog ng buong handog na sinusunog, magsunog ng handog na mga butil, at maghandog ng mga hain.’”

19 At ang salita ni Jehova ay muling dumating kay Jeremias: 20 “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Kung masisira ninyo ang tipan ko sa araw at ang tipan ko sa gabi, para hadlangan ang pagdating ng araw at gabi sa takdang panahon nito,+ 21 saka lang masisira ang tipan ko sa lingkod kong si David+ at hindi siya magkakaroon ng anak na lalaki na mamamahala bilang hari sa trono niya,+ at ganoon din may kinalaman sa tipan ko sa mga saserdoteng Levita, na mga lingkod ko.+ 22 Kung paanong hindi mabibilang ang hukbo ng langit at ang buhangin sa dagat, gayon ko pararamihin ang mga supling* ng lingkod kong si David at ang mga Levita na naglilingkod sa akin.’”

23 At ang salita ni Jehova ay muling dumating kay Jeremias: 24 “Hindi mo ba narinig ang sinasabi ng bayang ito, ‘Itatakwil ni Jehova ang dalawang pamilya na pinili niya’? At hindi nila iginagalang ang bayan ko, at hindi na nila sila itinuturing na isang bansa.

25 “Ito ang sinabi ni Jehova: ‘Kung paanong gumawa ako ng tipan ko may kinalaman sa araw at sa gabi,+ ng mga batas ng langit at lupa,+ 26 hindi ko rin itatakwil ang mga supling* ni Jacob at ng lingkod kong si David, kaya hindi ko aalisin ang mga supling* niya bilang mga tagapamahala sa mga inapo* nina Abraham, Isaac, at Jacob. Dahil titipunin ko ang mga nabihag sa kanila+ at maaawa ako sa kanila.’”+

34 Ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Jehova, nang si Haring Nabucodonosor* ng Babilonya at ang buong hukbo niya at ang lahat ng kaharian sa lupa na nasa ilalim ng pamumuno niya at ang lahat ng bayan ay nakikipaglaban sa Jerusalem at sa lahat ng lunsod nito:+

2 “Ito ang sinabi ni Jehova, ang Diyos ng Israel, ‘Puntahan mo si Haring Zedekias+ ng Juda at sabihin mo sa kaniya: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Ibibigay ko ang lunsod na ito sa kamay ng hari ng Babilonya, at susunugin niya ito.+ 3 At hindi ka makatatakas mula sa kamay niya, dahil huhulihin ka at ibibigay sa kaniya.+ At makikita mo ang hari ng Babilonya, at kakausapin ka niya nang harapan, at dadalhin ka sa Babilonya.’+ 4 Pero pakinggan mo ang salita ni Jehova, O Haring Zedekias ng Juda, ‘Ito ang sinabi ni Jehova tungkol sa iyo: “Hindi ka mamamatay sa espada. 5 Mamamatay kang payapa,+ at gagawa sila ng seremonya ng pagsusunog para sa iyo gaya ng ginawa nila sa mga ninuno mo, ang mga haring nauna sa iyo, at magdadalamhati sila at magsasabi, ‘O panginoon!’ dahil ‘ako ang nagsabi,’ ang sabi ni Jehova.”’”’”

6 Sinabi ng propetang si Jeremias ang lahat ng salitang ito kay Haring Zedekias ng Juda sa Jerusalem, 7 nang ang mga hukbo ng hari ng Babilonya ay nakikipaglaban sa Jerusalem at sa lahat ng natitirang lunsod ng Juda,+ laban sa Lakis+ at sa Azeka;+ dahil ang mga ito na lang ang napapaderang* lunsod na natitira sa mga lunsod ng Juda.

8 Ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Jehova matapos makipagtipan si Haring Zedekias sa buong bayan na nasa Jerusalem para ihayag ang paglaya nila,+ 9 na dapat palayain ng bawat isa ang mga alipin niyang Hebreo, lalaki at babae, para wala nang Judio ang mang-alipin sa kapuwa niya Judio. 10 Kaya sumunod ang lahat ng matataas na opisyal at ang buong bayan. Nakipagtipan sila na palalayain ng bawat isa ang kaniyang mga aliping lalaki at babae at hindi na aalipinin pa ang mga ito. Sumunod sila at pinalaya ang mga ito. 11 Pero nang maglaon, pinabalik nila ang mga aliping lalaki at babae na pinalaya nila, at muli nilang inalipin ang mga ito. 12 Kaya ang salita ni Jehova ay dumating kay Jeremias mula kay Jehova:

13 “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Nakipagtipan ako sa mga ninuno ninyo+ noong araw na ilabas ko sila mula sa lupain ng Ehipto, kung saan sila inalipin,*+ at sinabi ko: 14 “Sa pagwawakas ng pitong taon, dapat palayain ng bawat isa sa inyo ang kapatid niyang Hebreo na ipinagbili sa inyo at naglingkod sa inyo nang anim na taon; dapat ninyo siyang palayain.”+ Pero hindi nakinig ang mga ninuno ninyo at hindi nila ako sinunod. 15 At nanumbalik kayo ngayon at gumawa ng matuwid sa paningin ko sa pamamagitan ng pagpapalaya sa kapuwa ninyo, at nakipagtipan kayo sa harap ko sa bahay na tinatawag sa pangalan ko. 16 Pero nagbago kayo at nilapastangan ninyo ang pangalan ko+ dahil ang mga alipin ninyong lalaki at babae na pinalaya ninyo ayon sa kagustuhan nila ay pinabalik ninyo at muli ninyong inalipin.’

17 “Kaya ito ang sinabi ni Jehova: ‘Hindi ninyo ako sinunod; hindi pinalaya ng bawat isa sa inyo ang kaniyang kapatid at ang kaniyang kapuwa.+ Kaya bibigyan ko kayo ngayon ng kalayaan,’ ang sabi ni Jehova, ‘sa pamamagitan ng espada, salot,* at taggutom,+ at gagawin ko kayong nakapangingilabot sa paningin ng lahat ng kaharian sa lupa.+ 18 At ito ang mangyayari sa mga taong sumira sa tipan ko dahil hindi nila sinunod ang mga salita ng tipang ginawa nila sa harap ko nang hatiin nila ang guya* at dumaan sila sa pagitan nito,+ 19 ang matataas na opisyal ng Juda, matataas na opisyal ng Jerusalem, mga opisyal ng palasyo, mga saserdote, at ang lahat ng tao sa lupain na dumaan sa pagitan ng hinating guya: 20 Ibibigay ko sila sa mga kaaway nila at sa mga gustong pumatay sa kanila, at ang mga bangkay nila ay magiging pagkain ng mga ibon sa langit at ng mga hayop sa lupa.+ 21 At ibibigay ko si Haring Zedekias ng Juda at ang matataas na opisyal niya sa kamay ng mga kaaway nila at sa kamay ng mga gustong pumatay sa kanila at sa kamay ng mga hukbo ng hari ng Babilonya,+ na umaatras mula sa inyo.’+

22 “‘Magbibigay ako ng utos,’ ang sabi ni Jehova, ‘at pababalikin ko sila sa lunsod na ito, at makikipaglaban sila rito at sasakupin ito at susunugin ito;+ at ang mga lunsod ng Juda ay gagawin kong tiwangwang, na walang nakatira.’”+

35 Ito ang salita ni Jehova na dumating kay Jeremias noong panahon ng hari ng Juda na si Jehoiakim+ na anak ni Josias: 2 “Pumunta ka sa bahay ng mga Recabita+ at kausapin mo sila at dalhin sa bahay ni Jehova, sa isa sa mga silid-kainan;* at alukin mo sila ng alak.”

3 Kaya isinama ko si Jaazanias na anak ni Jeremias na anak ni Habazinias, ang mga kapatid niya, ang lahat ng anak niya, at ang buong sambahayan ng mga Recabita 4 sa bahay ni Jehova. Dinala ko sila sa silid-kainan ng mga anak ni Hanan na anak ni Igdalias, isang lingkod ng tunay na Diyos, na katabi ng silid-kainan ng matataas na opisyal na nasa itaas ng silid-kainan ni Maaseias na anak ni Salum na bantay sa pinto. 5 Pagkatapos ay naglagay ako ng mga kopa na punô ng alak sa harap ng mga lalaki sa sambahayan ng mga Recabita, at sinabi ko sa kanila: “Uminom kayo ng alak.”

6 Pero sinabi nila: “Hindi kami iinom ng alak, dahil iniutos sa amin ni Jehonadab*+ na anak ng ninuno naming si Recab, ‘Huwag kayong iinom ng alak, kayo at ang mga anak ninyo. 7 At huwag kayong magtatayo ng bahay, maghahasik ng binhi, o gagawa o magmamay-ari ng ubasan. Sa halip, sa tolda lang kayo titira, para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing tinitirhan ninyo bilang mga dayuhan.’ 8 Kaya patuloy naming sinusunod ang lahat ng iniutos sa amin ni Jehonadab na anak ng ninuno naming si Recab; hindi kami umiinom ng alak—kami, ang mga asawa namin, at ang mga anak naming lalaki at babae. 9 Hindi rin kami nagtatayo ng mga bahay na matitirhan, at wala kaming mga ubasan o bukid o binhi. 10 Sa mga tolda lang kami tumitira at sinusunod namin ang lahat ng iniutos sa amin ng ninuno naming si Jehonadab.* 11 Pero nang sumalakay sa lupain si Haring Nabucodonosor* ng Babilonya,+ sinabi namin, ‘Halikayo, pumunta tayo sa Jerusalem para makatakas tayo sa hukbo ng mga Caldeo at ng mga Siryano,’ kaya nakatira kami ngayon sa Jerusalem.”

12 At ang salita ni Jehova ay dumating kay Jeremias: 13 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Sabihin mo sa mga taga-Juda at mga taga-Jerusalem: “Hindi ba lagi kayong sinasabihan na sundin ang mga salita ko?”+ ang sabi ni Jehova. 14 “Inutusan ng anak ni Recab na si Jehonadab ang mga inapo niya na huwag uminom ng alak, at hindi nga sila umiinom hanggang ngayon bilang pagsunod sa utos ng ninuno nila.+ Gayunman, sinasabihan ko kayo nang paulit-ulit,* pero hindi ninyo ako sinusunod.+ 15 At patuloy kong isinusugo sa inyo ang lahat ng lingkod kong propeta; isinusugo ko sila nang paulit-ulit*+ para sabihin, ‘Pakisuyo, talikuran ninyo ang inyong masamang landasin,+ at gawin ninyo ang tama! Huwag kayong sumunod sa ibang diyos at maglingkod sa kanila. Sa gayon ay patuloy kayong maninirahan sa lupaing ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.’+ Pero hindi kayo nakinig o sumunod sa akin. 16 Ang mga inapo ni Jehonadab na anak ni Recab ay sumusunod sa utos ng ninuno nila,+ pero ang bayang ito ay hindi nakikinig sa akin.”’”

17 “Kaya ito ang sinabi ni Jehova, ang Diyos ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: ‘Pasasapitin ko sa Juda at sa lahat ng nakatira sa Jerusalem ang lahat ng kapahamakang sinabi kong mangyayari sa kanila,+ dahil sinasabihan ko sila, pero hindi sila nakikinig, at patuloy ko silang tinatawag, pero hindi sila sumasagot.’”+

18 At sinabi ni Jeremias sa sambahayan ng mga Recabita: “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Dahil sinusunod ninyo ang utos ng ninuno ninyong si Jehonadab at patuloy ninyong tinutupad ang lahat ng utos niya, at ginagawa ninyo ito nang gayong-gayon, 19 ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Laging may inapo ni Jehonadab* na anak ni Recab na maglilingkod sa harap ko.”’”

36 Nang ikaapat na taon ng hari ng Juda na si Jehoiakim+ na anak ni Josias, ang salitang ito ni Jehova ay dumating kay Jeremias: 2 “Kumuha ka ng balumbon* at isulat mo roon ang lahat ng sinabi ko sa iyo laban sa Israel at sa Juda+ at sa lahat ng bansa,+ mula nang araw na magsalita ako sa iyo noong panahon ni Josias hanggang sa araw na ito.+ 3 Baka sakaling kapag narinig ng mga nasa sambahayan ng Juda ang lahat ng kapahamakang iniisip kong pasapitin sa kanila, talikuran nila ang masama nilang landasin at mapatawad ko sila sa kanilang pagkakamali at kasalanan.”+

4 At tinawag ni Jeremias si Baruc+ na anak ni Nerias; idinikta ni Jeremias kay Baruc ang lahat ng sinabi ni Jehova sa kaniya, at isinulat iyon ni Baruc sa balumbon.*+ 5 Pagkatapos, inutusan ni Jeremias si Baruc: “Pinagbabawalan akong pumasok sa bahay ni Jehova. 6 Kaya ikaw ang pumasok doon, at basahin mo nang malakas ang mga salita ni Jehova mula sa balumbon, ang mga salitang idinikta ko sa iyo para isulat mo. Basahin mo iyon sa harap ng bayan sa bahay ni Jehova sa araw ng pag-aayuno; sa gayon ay mababasa mo iyon sa lahat ng taga-Juda na darating mula sa mga lunsod nila. 7 Baka sakaling makarating kay Jehova ang pagsusumamo nila, at talikuran ng bawat isa sa kanila ang masama niyang landasin, dahil matindi ang galit at poot na ipinahayag ni Jehova laban sa bayang ito.”

8 Kaya ginawa ni Baruc na anak ni Nerias ang lahat ng iniutos sa kaniya ng propetang si Jeremias; binasa niya nang malakas mula sa balumbon* ang mga salita ni Jehova sa bahay ni Jehova.+

9 Nang ikalimang taon ng hari ng Juda na si Jehoiakim+ na anak ni Josias, noong ikasiyam na buwan, nag-ayuno sa harap ni Jehova ang buong bayan+ na nasa Jerusalem at ang buong bayan na dumating sa Jerusalem mula sa mga lunsod ng Juda. 10 At binasa ni Baruc nang malakas mula sa balumbon* ang mga salita ni Jeremias sa bahay ni Jehova, sa silid* ni Gemarias+ na anak ng tagakopyang* si Sapan,+ sa mataas na looban, sa may pasukan ng bagong pintuang-daan ng bahay ni Jehova,+ sa harap ng buong bayan.

11 Nang marinig ni Micaias na anak ni Gemarias na anak ni Sapan ang lahat ng salita ni Jehova sa balumbon,* 12 pumunta siya sa bahay* ng hari, sa silid ng kalihim. Nakaupo roon ang lahat ng matataas na opisyal: ang kalihim na si Elisama,+ si Delaias na anak ni Semaias, si Elnatan+ na anak ni Acbor,+ si Gemarias na anak ni Sapan, si Zedekias na anak ni Hananias, at ang lahat ng iba pang matataas na opisyal. 13 Sinabi ni Micaias sa kanila ang lahat ng salitang narinig niya nang basahin ni Baruc sa bayan ang laman ng balumbon.*

14 Pagkatapos, pinapunta kay Baruc ng lahat ng matataas na opisyal si Jehudi na anak ni Netanias na anak ni Selemias na anak ni Cusi para sabihin: “Pumunta ka rito at dalhin mo ang balumbon na binasa mo sa bayan.” Kinuha ni Baruc na anak ni Nerias ang balumbon at pumunta siya sa kanila. 15 Sinabi nila sa kaniya: “Pakisuyo, umupo ka at basahin mo iyan sa amin nang malakas.” Kaya binasa iyon ni Baruc sa kanila.

16 Nang marinig nila ang lahat ng salita, nagkatinginan sila sa takot, at sinabi nila kay Baruc: “Dapat naming sabihin sa hari ang lahat ng salitang ito.” 17 At tinanong nila si Baruc: “Pakisuyo, sabihin mo sa amin kung paano mo naisulat ang lahat ng salitang ito. Idinikta ba niya sa iyo?” 18 Sumagot si Baruc: “Idinikta niya sa akin ang lahat ng salitang ito, at isinulat ko ang mga ito sa balumbon* gamit ang tinta.” 19 Sinabi ng matataas na opisyal kay Baruc: “Magtago kayo ni Jeremias, at huwag ninyong sabihin kahit kanino kung nasaan kayo.”+

20 Pagkatapos ay pumunta sila sa hari, sa looban, at inilagay nila ang balumbon sa silid ng kalihim na si Elisama, at sinabi nila sa hari ang lahat ng narinig nila.

21 Kaya ipinakuha ng hari kay Jehudi+ ang balumbon, at kinuha nito ang balumbon sa silid ng kalihim na si Elisama. Binasa iyon ni Jehudi sa hari at sa lahat ng matataas na opisyal na nakatayo sa tabi ng hari. 22 Nakaupo ang hari sa bahay na pantaglamig, nang ikasiyam na buwan,* at may apuyan* na nagniningas sa harap niya. 23 Sa tuwing makakatapos bumasa si Jehudi ng tatlo o apat na hanay, pinipilas ng hari ang bahaging iyon gamit ang kutsilyo ng kalihim at inihahagis sa apuyan, hanggang sa ang buong balumbon ay matupok sa apoy. 24 Hindi sila nakadama ng takot; hindi pinunit ng hari at ng lahat ng lingkod niya na nakarinig sa mga salitang ito ang damit nila. 25 Kahit nakiusap sa hari sina Elnatan,+ Delaias,+ at Gemarias+ na huwag sunugin ang balumbon, hindi siya nakinig sa kanila. 26 Bukod diyan, inutusan ng hari si Jerameel na anak ng hari, si Seraias na anak ni Azriel, at si Selemias na anak ni Abdeel na hulihin ang kalihim na si Baruc at ang propetang si Jeremias, pero itinago sila ni Jehova.+

27 At ang salita ni Jehova ay muling dumating kay Jeremias matapos sunugin ng hari ang balumbon na naglalaman ng mga salitang idinikta ni Jeremias at isinulat ni Baruc:+ 28 “Kumuha ka ng isa pang balumbon at isulat mo roon ang lahat ng salitang nasa unang balumbon, na sinunog ni Haring Jehoiakim ng Juda.+ 29 At sabihin mo kay Haring Jehoiakim ng Juda, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Sinunog mo ang balumbong ito at sinabi, ‘Bakit mo isinulat doon: “Darating ang hari ng Babilonya at wawasakin ang lupaing ito at walang tao at hayop na matitira dito”?’+ 30 Kaya ito ang sinabi ni Jehova laban kay Haring Jehoiakim ng Juda, ‘Walang sinuman sa angkan niya ang uupo sa trono ni David,+ at ang bangkay niya ay iiwang nakahantad sa init ng araw at sa lamig ng gabi.+ 31 Pananagutin ko siya at ang mga inapo* niya at ang mga lingkod niya sa kasalanan nila, at pasasapitin ko sa kanila at sa mga taga-Jerusalem at mga taga-Juda ang lahat ng kapahamakang sinabi kong mangyayari sa kanila+ pero hindi nila pinakinggan.’”’”+

32 At kumuha si Jeremias ng isa pang balumbon at ibinigay iyon sa kalihim na si Baruc na anak ni Nerias,+ at habang idinidikta ni Jeremias, isinulat ni Baruc ang lahat ng salitang nasa balumbon* na sinunog ni Haring Jehoiakim ng Juda.+ At dinagdagan pa iyon ng maraming salitang gaya nito.

37 At si Haring Zedekias+ na anak ni Josias ay nagsimulang mamahala kapalit ni Conias*+ na anak ni Jehoiakim, dahil inilagay siya ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya bilang hari sa lupain ng Juda.+ 2 Pero siya at ang mga lingkod niya at ang mga tao sa lupain ay hindi nakinig sa mga sinabi ni Jehova sa pamamagitan ng propetang si Jeremias.

3 At isinugo ni Haring Zedekias si Jehucal+ na anak ni Selemias at si Zefanias+ na anak ng saserdoteng si Maaseias sa propetang si Jeremias para sabihin: “Pakisuyong manalangin ka para sa atin kay Jehova na ating Diyos.” 4 Malayang nakalilibot sa bayan si Jeremias, dahil hindi pa nila siya ikinukulong.+ 5 Lumabas ang hukbo ng Paraon mula sa Ehipto,+ at nabalitaan ito ng mga Caldeo na nakapalibot noon sa Jerusalem. Kaya umatras ang mga ito mula sa Jerusalem.+ 6 At dumating ang salita ni Jehova sa propetang si Jeremias: 7 “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Ito ang sabihin ninyo sa hari ng Juda, na nagsugo sa inyo para sumangguni sa akin: “Ang hukbo ng Paraon na parating para tulungan kayo ay babalik sa lupain nito, sa Ehipto.+ 8 At babalik ang mga Caldeo at makikipaglaban sa lunsod na ito at sasakupin ito at susunugin.”+ 9 Ito ang sinabi ni Jehova, “Huwag ninyong dayain ang sarili ninyo at sabihing ‘Siguradong titigilan na tayo ng mga Caldeo,’ dahil hindi nila kayo lulubayan. 10 Kahit mapabagsak ninyo ang buong hukbo ng mga Caldeo na lumalaban sa inyo at mga lalaking sugatán lang ang matira, babangon pa rin sila sa mga tolda nila at susunugin ang lunsod na ito.”’”+

11 Nang umatras ang hukbo ng mga Caldeo mula sa Jerusalem dahil sa hukbo ng Paraon,+ 12 umalis si Jeremias sa Jerusalem at pumunta sa lupain ng Benjamin+ para kunin doon ang parte niya mula sa kaniyang angkan. 13 Pero nang makarating ang propetang si Jeremias sa Pintuang-Daan ng Benjamin, sinunggaban siya ng opisyal na nangangasiwa sa mga bantay, si Irias na anak ni Selemias na anak ni Hananias, at sinabi nito: “Kumakampi ka sa mga Caldeo!” 14 Pero sinabi ni Jeremias: “Hindi totoo iyan! Hindi ako kumakampi sa mga Caldeo.” Pero hindi siya pinakinggan nito. Kaya inaresto ni Irias si Jeremias at dinala siya sa matataas na opisyal. 15 Galit na galit kay Jeremias ang matataas na opisyal,+ at binugbog nila siya at ikinulong+ sa bahay ng kalihim na si Jehonatan, na ginagamit nang bilangguan noon. 16 Inilagay si Jeremias sa isa sa mga kulungan sa ilalim ng lupa,* at nanatili siya roon nang maraming araw.

17 At ipinakuha siya ni Haring Zedekias, at palihim siyang tinanong ng hari sa bahay* nito,+ “May mensahe ba mula kay Jehova?” Sumagot si Jeremias, “Mayroon!” at sinabi pa niya, “Ibibigay ka sa kamay ng hari ng Babilonya!”+

18 Sinabi rin ni Jeremias kay Haring Zedekias: “Ano ang kasalanan ko sa iyo at sa mga lingkod mo at sa bayang ito para ikulong ninyo ako? 19 Nasaan na ngayon ang mga propeta ninyo na nanghula sa inyo, ‘Hindi sasalakay ang hari ng Babilonya sa inyo at sa lupaing ito’?+ 20 Ngayon ay makinig ka, pakisuyo, O panginoon kong hari. Pakisuyong pagbigyan mo ang kahilingan ko. Huwag mo akong ibalik sa bahay ng kalihim na si Jehonatan,+ dahil mamamatay ako roon.”+ 21 Kaya iniutos ni Haring Zedekias na ilagay si Jeremias sa Looban ng Bantay,+ at dinadalhan siya araw-araw ng isang bilog na tinapay mula sa lansangan ng mga panadero,+ hanggang sa maubos na ang tinapay sa lunsod.+ At nanatili si Jeremias sa Looban ng Bantay.

38 Narinig ngayon ni Sepatias na anak ni Mattan, ni Gedalias na anak ni Pasur, ni Jucal+ na anak ni Selemias, at ni Pasur+ na anak ni Malkias ang sinasabi ni Jeremias sa buong bayan: 2 “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Ang mananatili sa lunsod na ito ay mamamatay sa espada, sa taggutom, at sa salot.*+ Pero ang susuko* sa mga Caldeo ay patuloy na mabubuhay; ang buhay niya ang magiging samsam niya* at mabubuhay siya.’+ 3 Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Ang lunsod na ito ay ibibigay sa kamay ng hukbo ng hari ng Babilonya, at sasakupin niya ito.’”+

4 Sinabi ng matataas na opisyal sa hari: “Pakisuyo, ipapatay mo ang lalaking ito.+ Dahil sa mga sinasabi niya, pinahihina niya ang loob* ng mga mandirigmang natitira sa lunsod na ito, pati ng buong bayan. Dahil gusto ng lalaking ito ng kapahamakan, hindi ng kapayapaan, para sa bayang ito.” 5 Sumagot si Haring Zedekias: “Kayo na ang bahala sa kaniya, dahil hindi kayo mapigilan ng hari.”

6 Kaya kinuha nila si Jeremias at inihulog sa imbakan ng tubig ni Malkias na anak ng hari, na nasa Looban ng Bantay.+ Ibinaba nila si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. Walang tubig sa imbakan ng tubig, kundi puro putik, at si Jeremias ay nagsimulang lumubog sa putik.

7 Nalaman ng Etiope na si Ebed-melec,+ isang opisyal* sa bahay* ng hari, na inilagay nila si Jeremias sa imbakan ng tubig. Ang hari ay nakaupo noon sa Pintuang-Daan ng Benjamin,+ 8 kaya lumabas si Ebed-melec sa bahay* ng hari, at sinabi niya sa hari: 9 “O panginoon kong hari, napakasama ng ginawa ng mga lalaking ito sa propetang si Jeremias! Inihulog nila siya sa imbakan ng tubig, at mamamatay siya roon sa gutom, dahil wala nang tinapay sa lunsod.”+

10 Inutusan ng hari ang Etiope na si Ebed-melec: “Magsama ka ng 30 lalaki mula rito, at iahon mo ang propetang si Jeremias mula sa imbakan ng tubig bago siya mamatay.” 11 Kaya isinama ni Ebed-melec ang mga lalaki at pumunta sila sa bahay* ng hari, sa ilalim ng kabang-yaman,+ at kumuha sila roon ng sira-sirang mga basahan at sira-sirang mga piraso ng tela at inilagay sa lubid, at ibinaba nila ito kay Jeremias na nasa imbakan ng tubig. 12 Pagkatapos ay sinabi ng Etiope na si Ebed-melec kay Jeremias: “Pakisuyo, ilagay mo ang mga basahan at ang mga piraso ng tela sa pagitan ng kilikili mo at ng lubid.” Ginawa iyon ni Jeremias, 13 at iniahon nila si Jeremias mula sa imbakan ng tubig gamit ang lubid. At nanatili si Jeremias sa Looban ng Bantay.+

14 Ipinatawag ni Haring Zedekias ang propetang si Jeremias para magkita sila sa ikatlong pasukan, na nasa bahay ni Jehova, at sinabi ng hari kay Jeremias: “May itatanong ako sa iyo. Huwag kang maglihim sa akin ng anuman.” 15 Sinabi ni Jeremias kay Zedekias: “Kung sasabihin ko sa iyo, siguradong ipapapatay mo ako. At kung papayuhan kita, hindi ka naman makikinig.” 16 Kaya palihim na sumumpa si Haring Zedekias kay Jeremias: “Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova, na nagbigay sa atin ng buhay, hindi kita ipapapatay, at hindi kita ibibigay sa kamay ng mga lalaking gustong pumatay sa iyo.”

17 At sinabi ni Jeremias kay Zedekias: “Ito ang sinabi ni Jehova, ang Diyos ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Kung susuko* ka sa matataas na opisyal ng hari ng Babilonya, hindi ka papatayin, at hindi susunugin ang lunsod na ito, at ikaw at ang sambahayan mo ay makaliligtas.+ 18 Pero kung hindi ka susuko* sa matataas na opisyal ng hari ng Babilonya, ibibigay ang lunsod na ito sa kamay ng mga Caldeo, at susunugin nila ito,+ at hindi ka makatatakas mula sa kamay nila.’”+

19 At sinabi ni Haring Zedekias kay Jeremias: “Natatakot ako sa mga Judio na kumampi sa mga Caldeo, dahil kapag ibinigay ako sa kanila, baka pahirapan nila ako.” 20 Pero sinabi ni Jeremias: “Hindi ka ibibigay sa kanila. Pakisuyo, makinig ka sa tinig ni Jehova, sa mga sinasabi ko sa iyo, at mapapabuti ka at patuloy na mabubuhay. 21 Pero kung hindi ka susuko,* ito ang ipinakita sa akin ni Jehova sa pangitain: 22 Ang lahat ng babae na natira sa bahay* ng hari ng Juda ay dinadala sa matataas na opisyal ng hari ng Babilonya,+ at sinasabi nila,

‘Nilinlang ka ng mga lalaking pinagkatiwalaan mo, at nanaig sila sa iyo.+

Pinalubog nila sa putik ang paa mo.

Iniwan ka na nila ngayon.’

23 At ang lahat ng asawa at anak mo ay ibinibigay nila sa mga Caldeo, at hindi ka makatatakas mula sa kamay nila, kundi huhulihin ka ng hari ng Babilonya,+ at dahil sa iyo ay susunugin ang lunsod na ito.”+

24 At sinabi ni Zedekias kay Jeremias: “Huwag mong sasabihin kahit kanino ang tungkol sa mga bagay na ito, para hindi ka mamatay. 25 Sakaling malaman ng matataas na opisyal na kinausap kita at pumunta sila sa iyo at magsabi, ‘Pakisuyo, sabihin mo sa amin ang sinabi mo sa hari. Huwag kang maglihim sa amin ng anuman, at hindi ka namin papatayin.+ Ano ang sinabi sa iyo ng hari?’ 26 sabihin mo sa kanila, ‘Hiniling ko sa hari na huwag na akong ibalik sa bahay ni Jehonatan dahil mamamatay ako roon.’”+

27 Nang maglaon, pinuntahan ng lahat ng matataas na opisyal si Jeremias at pinagtatanong siya. Sinabi niya sa kanila ang lahat ng iniutos ng hari na sabihin niya. Kaya tumahimik na sila, dahil walang nakarinig sa pag-uusap nila. 28 Hanggang noong masakop ang Jerusalem, nanatili si Jeremias sa Looban ng Bantay;+ naroon pa rin siya nang masakop ang Jerusalem.+

39 Noong ikasiyam na taon ni Haring Zedekias ng Juda, nang ika-10 buwan, dumating sa Jerusalem si Haring Nabucodonosor* ng Babilonya at ang buong hukbo niya, at pinalibutan nila ito.+

2 Noong ika-11 taon ni Zedekias, nang ikasiyam na araw ng ikaapat na buwan, nabutas at napasok nila ang pader ng lunsod.+ 3 At ang lahat ng matataas na opisyal ng hari ng Babilonya ay pumasok at umupo sa Gitnang Pintuang-Daan+—sina Nergal-sarezer na Samgar, Nebo-Sarsekim na Rabsaris,* Nergal-sarezer na Rabmag,* at ang lahat ng iba pang matataas na opisyal ng hari ng Babilonya.

4 Nang makita ni Haring Zedekias ng Juda at ng lahat ng sundalo ang mga Caldeo, tumakas sila,+ at lumabas sila ng lunsod pagsapit ng gabi. Dumaan sila sa hardin ng hari, sa pintuang-daan sa pagitan ng dalawang pader, at nagpatuloy sila sa daan ng Araba.+ 5 Pero hinabol sila ng hukbo ng mga Caldeo, at naabutan ng mga ito si Zedekias sa mga tigang na kapatagan ng Jerico.+ Nahuli siya ng mga ito at dinala kay Haring Nabucodonosor* ng Babilonya sa Ribla,+ sa lupain ng Hamat,+ kung saan siya hinatulan nito. 6 Ipinapatay ng hari ng Babilonya sa Ribla ang mga anak ni Zedekias sa harap niya, at ipinapatay ng hari ng Babilonya ang lahat ng prominenteng tao ng Juda.+ 7 Pagkatapos ay binulag niya ang mga mata ni Zedekias, at iginapos niya ito ng kadenang tanso para dalhin sa Babilonya.+

8 Sinunog ng mga Caldeo ang bahay* ng hari at ang mga bahay ng mga tao,+ at giniba nila ang mga pader ng Jerusalem.+ 9 Ipinatapon sa Babilonya ni Nebuzaradan+ na pinuno ng mga bantay ang lahat ng natira sa lunsod, ang mga kumampi sa kaniya, at ang lahat ng iba pang naiwan.

10 Pero iniwan ni Nebuzaradan, na pinuno ng mga bantay, sa lupain ng Juda ang ilan sa pinakamahihirap na tao, ang mga walang anumang pag-aari. Nang araw na iyon, binigyan niya rin sila ng mga ubasan at mga bukid na sasakahin.*+

11 Ganito ang iniutos ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya kay Nebuzaradan na pinuno ng mga bantay may kinalaman kay Jeremias: 12 “Kunin mo siya at huwag mo siyang pababayaan; huwag mo siyang sasaktan, at ibigay mo sa kaniya ang anumang hilingin niya sa iyo.”+

13 Kaya nagsugo si Nebuzaradan na pinuno ng mga bantay, si Nebusazban na Rabsaris,* si Nergal-sarezer na Rabmag,* at ang lahat ng pangunahing lingkod ng hari ng Babilonya 14 at ipinakuha si Jeremias sa Looban ng Bantay+ at ibinigay kay Gedalias+ na anak ni Ahikam+ na anak ni Sapan+ para dalhin sa bahay nito. Kaya tumira siya kasama ng bayan.

15 Habang nakakulong si Jeremias sa Looban ng Bantay,+ dumating sa kaniya ang salita ni Jehova: 16 “Sabihin mo sa Etiope na si Ebed-melec,+ ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Tutuparin ko ang mga sinabi kong kapahamakan, at hindi kabutihan, sa lunsod na ito, at sa araw na iyon ay makikita mong mangyayari ito.”’

17 “‘Pero ililigtas kita sa araw na iyon,’ ang sabi ni Jehova, ‘at hindi ka ibibigay sa mga lalaking kinatatakutan mo.’

18 “‘Dahil tutulungan kitang makatakas, at hindi ka mamamatay sa espada. Ang buhay mo ang magiging samsam mo,*+ dahil nagtiwala ka sa akin,’+ ang sabi ni Jehova.”

40 Ang salita ni Jehova na dumating kay Jeremias matapos siyang palayain mula sa Rama+ ni Nebuzaradan+ na pinuno ng mga bantay. Kinuha siya nito nang nakaposas, at kasama siya sa mga bihag mula sa Jerusalem at sa Juda na ipatatapon sa Babilonya. 2 At kinuha si Jeremias ng pinuno ng mga bantay at sinabi nito sa kaniya: “Si Jehova na Diyos mo ang humula ng kapahamakang ito laban sa lugar na ito, 3 at pinasapit ito ni Jehova gaya ng sinabi niya, dahil nagkasala kayo kay Jehova at hindi kayo nakinig sa tinig niya. Iyan ang dahilan kung bakit nangyari ito sa inyo.+ 4 Aalisin ko na ang mga posas sa mga kamay mo. Kung gusto mong sumama sa akin sa Babilonya, sumama ka, at hindi kita pababayaan. Pero kung ayaw mong sumama sa akin sa Babilonya, huwag kang sumama. Tingnan mo! Nasa harap mo ang buong lupain. Pumunta ka kung saan mo gusto.”+

5 Hindi pa nakaaalis si Jeremias nang sabihin ni Nebuzaradan: “Bumalik ka kay Gedalias+ na anak ni Ahikam+ na anak ni Sapan,+ na inatasan ng hari ng Babilonya sa mga lunsod ng Juda, at tumira kang kasama niya at ng bayan; o pumunta ka kung saan mo gusto.”

Pagkatapos, binigyan siya ng pinuno ng mga bantay ng pagkain at regalo at hinayaan na siyang umalis. 6 Kaya pumunta si Jeremias sa Mizpa,+ kay Gedalias na anak ni Ahikam, at tumira siyang kasama nito at ng mga taong naiwan sa lupain.

7 Nang maglaon, narinig ng lahat ng pinuno ng hukbo na nasa parang at ng mga tauhan nila na si Gedalias na anak ni Ahikam ay inatasan ng hari ng Babilonya na mangasiwa sa lupain at sa mga lalaki, mga babae, at mga bata mula sa mahihirap na tao sa lupain na hindi ipinatapon sa Babilonya.+ 8 Kaya pumunta sila kay Gedalias sa Mizpa.+ Ang mga iyon ay si Ismael+ na anak ni Netanias, sina Johanan+ at Jonatan, na mga anak ni Karea, si Seraias na anak ni Tanhumet, ang mga anak ni Epai na Netopatita, at si Jezanias+ na anak ng Maacateo, kasama ang mga tauhan nila. 9 Sumumpa sa kanila at sa mga tauhan nila si Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Sapan: “Huwag kayong matakot na maglingkod sa mga Caldeo. Tumira kayo sa lupain at maglingkod sa hari ng Babilonya, at mapapabuti kayo.+ 10 Ako naman, titira ako sa Mizpa para maging kinatawan ninyo sa* mga Caldeo na pumupunta rito. Pero magtipon kayo ng alak, mga prutas na pantag-araw, at ng langis, at ilagay ninyo iyon sa mga sisidlan ninyo at tumira kayo sa mga lunsod na nasakop ninyo.”+

11 At nabalitaan din ng lahat ng Judio na nasa Moab, Ammon, at Edom, pati ng mga nasa iba pang lupain, na hinayaan ng hari ng Babilonya na may matira sa Juda at na inatasan niyang mangasiwa sa mga ito si Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Sapan. 12 Kaya bumalik ang lahat ng Judio mula sa lahat ng lugar kung saan sila pinangalat, at pumunta sila sa lupain ng Juda, kay Gedalias sa Mizpa. Pagkatapos ay nagtipon sila ng napakaraming alak at prutas na pantag-araw.

13 Pumunta kay Gedalias sa Mizpa si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng pinuno ng mga hukbo na nasa parang. 14 Sinabi nila sa kaniya: “Hindi mo ba alam na inutusan ni Baalis, na hari ng mga Ammonita,+ si Ismael na anak ni Netanias para patayin ka?”+ Pero hindi naniwala sa kanila si Gedalias na anak ni Ahikam.

15 Pagkatapos ay palihim na sinabi ni Johanan na anak ni Karea kay Gedalias sa Mizpa: “Hayaan mong patayin ko si Ismael na anak ni Netanias, at walang makaaalam. Bakit ka niya papatayin, at bakit kailangang mangalat ang lahat ng taga-Juda na sumama sa iyo at malipol ang mga natira sa Juda?” 16 Pero sinabi ni Gedalias+ na anak ni Ahikam kay Johanan na anak ni Karea: “Huwag mong gawin iyan, dahil hindi totoo ang sinasabi mo tungkol kay Ismael.”

41 Nang ikapitong buwan, si Ismael+ na anak ni Netanias na anak ni Elisama, na mula sa angkan ng hari* at isa sa mga pangunahing lingkod ng hari, ay pumunta kay Gedalias na anak ni Ahikam sa Mizpa+ kasama ang 10 lalaki. Habang kumakain silang magkakasama sa Mizpa, 2 pinatay ni Ismael na anak ni Netanias at ng 10 lalaking kasama niya si Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Sapan sa pamamagitan ng espada. Gayon niya pinatay ang inatasan ng hari ng Babilonya na mangasiwa sa lupain. 3 Pinatay rin ni Ismael ang lahat ng Judio na kasama ni Gedalias sa Mizpa, pati ang mga sundalong Caldeo na naroon.

4 Nang ikalawang araw matapos patayin si Gedalias, bago ito malaman ninuman, 5 may dumating na 80 lalaki mula sa Sikem,+ Shilo,+ at Samaria.+ Ahít ang balbas nila, punít ang damit nila, naghiwa sila ng sarili,+ at may dala silang handog na mga butil at olibano+ para sa bahay ni Jehova. 6 Kaya lumabas si Ismael na anak ni Netanias mula sa Mizpa para salubungin sila, at umiiyak siya habang naglalakad. Nang masalubong na niya sila, sinabi niya sa kanila: “Pumunta tayo kay Gedalias na anak ni Ahikam.” 7 Pero nang makarating sila sa lunsod, pinatay sila ni Ismael na anak ni Netanias at ng mga lalaking kasama niya at inihagis sila sa imbakan ng tubig.

8 Pero may 10 lalaki sa kanila na nagsabi kay Ismael: “Huwag mo kaming patayin, dahil may itinago kaming trigo, sebada, langis, at pulot-pukyutan sa bukid.” Kaya hindi niya sila pinatay gaya ng mga kapatid nila. 9 At itinapon ni Ismael ang lahat ng bangkay ng mga lalaking pinatay niya sa isang malaking imbakan ng tubig, na ginawa ni Haring Asa dahil kay Haring Baasa ng Israel.+ Ito ang imbakan ng tubig na pinuno ni Ismael na anak ni Netanias ng mga napatay.

10 Binihag ni Ismael ang lahat ng natira sa Mizpa,+ kasama ang mga anak na babae ng hari at ang lahat ng tao na natira sa Mizpa, na inilagay ni Nebuzaradan na pinuno ng mga bantay sa pangangalaga ni Gedalias+ na anak ni Ahikam. Binihag sila ni Ismael na anak ni Netanias at pumunta siya sa mga Ammonita.+

11 Nang mabalitaan ni Johanan+ na anak ni Karea at ng lahat ng pinuno ng hukbong kasama niya ang lahat ng kasamaang ginawa ni Ismael na anak ni Netanias, 12 isinama nila ang lahat ng lalaki para makipaglaban kay Ismael na anak ni Netanias, at natagpuan nila siya sa tabi ng saganang tubig* sa Gibeon.

13 Natuwa ang lahat ng kasama ni Ismael nang makita nila si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng pinuno ng hukbong kasama niya. 14 At ang lahat ng binihag ni Ismael mula sa Mizpa+ ay bumalik at sumama kay Johanan na anak ni Karea. 15 Pero si Ismael na anak ni Netanias at ang walong tauhan niya ay tumakas mula kay Johanan at pumunta sa mga Ammonita.

16 Kinuha ni Johanan na anak ni Karea at ng lahat ng pinuno ng hukbong kasama niya ang lahat ng natira mula sa Mizpa, ang mga nailigtas nila mula kay Ismael na anak ni Netanias matapos nitong patayin si Gedalias+ na anak ni Ahikam. Dinala nila mula sa Gibeon ang mga lalaki, mga sundalo, mga babae, mga bata, at ang mga opisyal ng palasyo. 17 Kaya umalis sila at tumuloy sa tuluyan ni Kimham na malapit sa Betlehem,+ at iniisip nilang magpunta sa Ehipto+ 18 dahil sa mga Caldeo. Natatakot sila sa mga ito dahil pinatay ni Ismael na anak ni Netanias si Gedalias na anak ni Ahikam, na inatasan ng hari ng Babilonya na mangasiwa sa lupain.+

42 At ang lahat ng pinuno ng mga hukbo, si Johanan+ na anak ni Karea, si Jezanias na anak ni Hosaias, at ang buong bayan, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila, ay lumapit 2 at nagsabi sa propetang si Jeremias: “Pakisuyo, pakinggan mo ang pakiusap namin, at manalangin ka kay Jehova na iyong Diyos para sa amin, para sa lahat ng natirang ito, dahil kaunti na lang kaming natitira,+ gaya ng nakikita mo. 3 Sabihin nawa sa amin ni Jehova na iyong Diyos ang daan na dapat naming lakaran at ang dapat naming gawin.”

4 Sinabi sa kanila ng propetang si Jeremias: “Sige, mananalangin ako kay Jehova na inyong Diyos gaya ng hinihiling ninyo; at ang lahat ng isasagot ni Jehova ay sasabihin ko sa inyo. Wala akong hindi sasabihin sa inyo.”

5 Sinabi nila kay Jeremias: “Si Jehova nawa ay maging totoo at tapat na saksi laban sa amin kung hindi namin gagawin ang eksaktong sinabi ni Jehova na iyong Diyos sa pamamagitan mo. 6 Mabuti man o masama, susundin namin ang sasabihin ni Jehova na aming Diyos na pinagsusuguan namin sa iyo, para mapabuti kami dahil sinusunod namin si Jehova na aming Diyos.”

7 Pagkalipas ng 10 araw, dumating kay Jeremias ang salita ni Jehova. 8 Kaya ipinatawag niya si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng pinuno ng mga hukbong kasama niya at ang buong bayan, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila.+ 9 Sinabi niya sa kanila: “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, na pinagsuguan ninyo sa akin para sabihin ang kahilingan ninyo sa kaniya: 10 ‘Kung talagang mananatili kayo sa lupaing ito, itatayo ko kayo at hindi gigibain, at itatanim ko kayo at hindi bubunutin, dahil ikalulungkot ko ang kapahamakang pinasapit ko sa inyo.+ 11 Huwag kayong matakot dahil sa hari ng Babilonya, na kinatatakutan ninyo.’+

“‘Huwag kayong matakot dahil sa kaniya,’ ang sabi ni Jehova, ‘dahil kasama ninyo ako, para iligtas kayo at sagipin sa kamay niya. 12 At maaawa ako sa inyo,+ at maaawa siya sa inyo at ibabalik niya kayo sa sarili ninyong lupain.

13 “‘Pero kung sasabihin ninyo, “Hindi, hindi kami mananatili sa lupaing ito!” at susuwayin ninyo si Jehova na inyong Diyos 14 at sasabihin, “Hindi, pupunta kami sa lupain ng Ehipto,+ kung saan hindi kami makakakita ng digmaan o makaririnig ng tunog ng tambuli o magugutom sa tinapay; doon kami titira,” 15 pakinggan ninyo ang salita ni Jehova, O mga natira sa Juda. Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Kung determinado kayong pumunta sa Ehipto at magpunta nga kayo roon para doon tumira,* 16 aabutan kayo sa lupain ng Ehipto ng mismong espada na kinatatakutan ninyo, at susundan kayo sa Ehipto ng mismong taggutom na pinangangambahan ninyo, at doon kayo mamamatay.+ 17 At ang lahat ng determinadong pumunta sa Ehipto para tumira doon ay mamamatay sa espada, sa taggutom, at sa salot.* Walang isa man sa kanila ang makaliligtas o makatatakas sa kapahamakang pasasapitin ko sa kanila.”’

18 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: ‘Kung paanong ibinuhos ko ang aking galit at poot sa mga taga-Jerusalem,+ ibubuhos ko rin sa inyo ang poot ko kung pupunta kayo sa Ehipto, at kayo ay magiging isang sumpa, isang bagay na nakapangingilabot, at isang kahihiyan,+ at hindi na ninyo makikita pa ang lugar na ito.’

19 “Nagsalita si Jehova laban sa inyo, O mga natira sa Juda. Huwag kayong pumunta sa Ehipto. Tandaan ninyo na binababalaan ko kayo ngayon 20 na mamamatay kayo dahil sa pagkakamali ninyo. Dahil isinugo ninyo ako kay Jehova na inyong Diyos, at sinabi ninyo, ‘Manalangin ka kay Jehova na aming Diyos para sa amin, at sabihin mo sa amin ang lahat ng sasabihin ni Jehova na aming Diyos, at gagawin namin iyon.’+ 21 At sinabi ko sa inyo ngayon, pero hindi ninyo susundin si Jehova na inyong Diyos at hindi ninyo gagawin ang alinman sa sinabi niya sa akin na sabihin sa inyo.+ 22 Kaya tandaan ninyo na mamamatay kayo sa espada, sa taggutom, at sa salot sa lugar na gusto ninyong puntahan at tirhan.”+

43 Matapos sabihin ni Jeremias sa buong bayan ang lahat ng salitang ito mula kay Jehova na Diyos nila, ang bawat salita na iniutos sa kaniya ng kanilang Diyos na si Jehova na sabihin sa kanila, 2 si Azarias na anak ni Hosaias, si Johanan+ na anak ni Karea, at ang lahat ng pangahas na lalaki ay nagsabi kay Jeremias: “Hindi totoo ang sinasabi mo! Hindi ka isinugo ni Jehova na aming Diyos para sabihin, ‘Huwag kayong pumunta sa Ehipto para tumira doon.’ 3 Sinusulsulan ka lang ni Baruc+ na anak ni Nerias na sabihin iyan sa amin para bumagsak kami sa mga Caldeo, para patayin kami o ipatapon sa Babilonya.”+

4 Kaya si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng pinuno ng mga hukbo at ang buong bayan ay hindi sumunod sa sinabi ni Jehova na manatili sila sa lupain ng Juda. 5 Sa halip, isinama ni Johanan na anak ni Karea at ng lahat ng pinuno ng mga hukbo ang lahat ng natira sa Juda na bumalik sa lupain ng Juda galing sa lahat ng bansa kung saan sila pinangalat.+ 6 Isinama nila ang mga lalaki, babae, bata, ang mga anak na babae ng hari, at ang lahat ng iniwan ni Nebuzaradan,+ na pinuno ng mga bantay, kay Gedalias+ na anak ni Ahikam+ na anak ni Sapan,+ pati ang propetang si Jeremias at si Baruc na anak ni Nerias. 7 At pumunta sila sa lupain ng Ehipto, dahil hindi sila sumunod sa sinabi ni Jehova, at nakarating sila hanggang sa Tapanhes.+

8 At ang salita ni Jehova ay dumating kay Jeremias sa Tapanhes: 9 “Magdala ka ng malalaking bato, at itago mo ang mga iyon sa hagdan-hagdang laryo* na nasa pasukan ng bahay ng Paraon sa Tapanhes, at takpan mo iyon ng argamasa,* habang nakatingin ang mga lalaking Judio. 10 Pagkatapos, sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Ipapatawag ko si Nabucodonosor* na hari ng Babilonya, na lingkod ko,+ at ilalagay ko ang trono niya sa ibabaw ng mga batong ito na itinago ko, at ilalatag niya ang kaniyang maringal na tolda sa ibabaw ng mga iyon.+ 11 At darating siya at sasalakayin ang lupain ng Ehipto.+ Ang sinumang nararapat sa nakamamatay na salot ay ibibigay sa nakamamatay na salot, at ang sinumang nararapat sa pagkabihag ay bibihagin, at ang sinumang nararapat sa espada ay ibibigay sa espada.+ 12 At susunugin ko ang mga bahay* ng mga diyos ng Ehipto,+ at tutupukin niya ang mga ito at dadalhin niya silang bihag. Ibabalot niya ang lupain ng Ehipto sa kaniyang sarili kung paanong ibinabalot ng pastol ang kasuotan sa sarili niya, at payapa siyang aalis doon.* 13 At pagdudurog-durugin niya ang mga haligi* ng Bet-semes* sa lupain ng Ehipto, at susunugin niya ang mga bahay* ng mga diyos ng Ehipto.”’”

44 Ito ang salita na dumating kay Jeremias para sa lahat ng Judio na nakatira sa lupain ng Ehipto,+ sa mga nakatira sa Migdol,+ Tapanhes,+ Nop,*+ at sa lupain ng Patros:+ 2 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Nakita ninyo ang lahat ng kapahamakang pinasapit ko sa Jerusalem+ at sa lahat ng lunsod ng Juda, at ngayon ay wasak na ang mga iyon at wala nang nakatira.+ 3 Dahil ito sa masasamang bagay na ginawa nila para galitin ako; naghahandog sila+ at naglilingkod sa ibang diyos, na hindi nila kilala at ng mga ninuno nila.+ 4 Isinusugo ko sa inyo nang paulit-ulit* ang lahat ng lingkod kong propeta para sabihin: “Pakisuyo, huwag ninyong gawin ang kasuklam-suklam na bagay na ito na kinapopootan ko.”+ 5 Pero hindi sila nakinig o nagbigay-pansin; hindi nila tinalikuran ang kasamaan nila at patuloy silang naghandog sa ibang diyos.+ 6 Kaya ibinuhos ko ang poot at galit ko at lumagablab ito sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem, at ang mga iyon ay nawasak at naging tiwangwang, gaya ng sa araw na ito.’+

7 “At ngayon ay ito ang sinabi ni Jehova, ang Diyos ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Bakit ninyo ipinapahamak ang sarili ninyo? Dahil sa ginagawa ninyo, malilipol ang bawat lalaki, babae, bata, at sanggol sa Juda, at walang matitira sa inyo. 8 Bakit ninyo ako ginagalit sa mga ginagawa ninyo? Bakit kayo naghahandog sa ibang diyos sa lupain ng Ehipto, kung saan kayo pumunta para manirahan? Malilipol kayo at susumpain at hahamakin ng lahat ng bansa sa lupa.+ 9 Nalimutan na ba ninyo ang masasamang ginawa ng mga ninuno ninyo, ang masasamang ginawa ng mga hari ng Juda+ at ng mga asawa nila,+ at ang masasamang ginawa ninyo at ng mga asawa ninyo+ sa lupain ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem? 10 Hanggang ngayon ay hindi sila nagpapakumbaba,* hindi sila natatakot,+ at hindi sila sumusunod sa kautusan at mga batas na ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.’+

11 “Kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Nagpasiya na akong magpasapit sa inyo ng kapahamakan, para lipulin ang buong Juda. 12 At kukunin ko ang mga natira sa Juda na nagpasiyang pumunta sa lupain ng Ehipto para manirahan doon, at silang lahat ay malilipol sa lupain ng Ehipto.+ Babagsak sila dahil sa espada at malilipol dahil sa taggutom; mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila, mamamatay sila sa espada at sa taggutom. Sila ay magiging bagay na nakapangingilabot, susumpain, at hahamakin.+ 13 Paparusahan ko ang mga nakatira sa lupain ng Ehipto, gaya ng pagpaparusa ko sa Jerusalem sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot.*+ 14 At ang mga natira sa Juda na pumunta sa lupain ng Ehipto para manirahan doon ay hindi makatatakas o makaliligtas at hindi makababalik sa lupain ng Juda. Aasamin nilang bumalik at manirahan doon, pero hindi sila makababalik, maliban sa ilang takas.’”

15 Ang lahat ng lalaking nakaaalam na ang mga asawa nila ay naghahandog sa ibang diyos at ang lahat ng asawang babae na nakatayo roon, na isang malaking grupo, at ang buong bayan na nakatira sa lupain ng Ehipto,+ sa Patros,+ ay sumagot kay Jeremias: 16 “Hindi kami makikinig sa sinabi mo sa amin sa pangalan ni Jehova. 17 Gagawin namin ang bawat salitang sinabi namin, ang maghandog sa Reyna ng Langit* at magbuhos ng mga handog na inumin para sa kaniya,+ gaya ng ginawa namin, ng aming mga ninuno, ng aming mga hari, at ng aming matataas na opisyal sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem noong sagana kami at nabubusog sa tinapay, noong wala kaming nakikitang anumang kapahamakan. 18 Mula nang tumigil kami sa paghahandog sa Reyna ng Langit* at sa pagbubuhos ng mga handog na inumin para sa kaniya, lagi na kaming kinakapos at marami sa amin ang namamatay sa espada at sa taggutom.”

19 Idinagdag ng mga babae: “At kapag naghahandog kami para sa Reyna ng Langit* at nagbubuhos ng mga handog na inumin para sa kaniya, hindi ba ginagawa namin iyon dahil pinayagan kami ng mga asawa namin na gumawa ng mga handog na tinapay na hinulma ayon sa hitsura niya at magbuhos ng mga handog na inumin para sa kaniya?”

20 Sinabi naman ni Jeremias sa buong bayan, sa mga lalaki at sa mga asawa nila at sa lahat ng nakikipag-usap sa kaniya: 21 “Naaalaala ni Jehova ang paghahandog ninyo sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem,+ ang paghahandog ninyo, ng inyong mga ninuno, ng inyong mga hari, ng inyong matataas na opisyal, at ng mga nakatira sa lupain! 22 Hindi na natagalan ni Jehova ang kasamaan ninyo at ang kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa ninyo, kaya ang lupain ninyo ay nawasak, naging isang bagay na nakapangingilabot at isinusumpa, walang nakatira, gaya ng sa araw na ito.+ 23 Dahil sa paghahandog ninyo at dahil nagkasala kayo kay Jehova at hindi kayo nakinig sa tinig ni Jehova at sumunod sa kaniyang kautusan, mga batas, at mga paalaala kaya nangyari sa inyo ang kapahamakang ito, gaya ng sa araw na ito.”+

24 At sinabi pa ni Jeremias sa buong bayan at sa lahat ng babae: “Pakinggan ninyo ang salita ni Jehova, kayong lahat na taga-Juda na nasa lupain ng Ehipto. 25 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Kung ano ang sinabi ninyo at ng inyong mga asawang babae, ganoon ang ginawa ninyo, dahil sinabi ninyo: “Talagang tutuparin namin ang panata naming maghandog sa Reyna ng Langit* at magbuhos ng mga handog na inumin para sa kaniya.”+ Talagang tutuparin ninyong mga babae ang mga panata ninyo, at gagawin ninyo ang mga iyon.’

26 “Kaya pakinggan ninyo ang salita ni Jehova, kayong lahat na taga-Juda na nakatira sa lupain ng Ehipto: ‘“Sumusumpa ako sa sarili kong dakilang pangalan,” ang sabi ni Jehova, “na ang pangalan ko ay hindi na babanggitin sa panata ng sinumang taga-Juda+ sa buong lupain ng Ehipto na nagsasabi, ‘Kung paanong buháy ang Kataas-taasang Panginoong Jehova!’+ 27 Babantayan ko sila para dalhan ng kapahamakan at hindi ng kabutihan;+ ang lahat ng taga-Juda na nasa lupain ng Ehipto ay mamamatay sa espada at sa taggutom, hanggang sa maglaho sila.+ 28 Kaunti lang ang makaliligtas sa espada at makababalik sa lupain ng Juda mula sa lupain ng Ehipto.+ At malalaman ng lahat ng natira sa Juda na pumunta sa lupain ng Ehipto para manirahan doon kung kaninong salita ang nagkatotoo, ang sa akin o ang sa kanila!”’”

29 “‘At ito ang tanda para sa inyo,’ ang sabi ni Jehova, ‘na paparusahan ko kayo sa lugar na ito, para malaman ninyo na ang mga sinabi kong mangyayaring kapahamakan sa inyo ay magkakatotoo. 30 Ito ang sinabi ni Jehova: “Ibibigay ko si Paraon Hopra, na hari ng Ehipto, sa kamay ng mga kaaway niya at ng mga gustong pumatay sa kaniya, kung paanong ibinigay ko si Haring Zedekias ng Juda sa kamay ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, na kaaway niya at gustong pumatay sa kaniya.”’”+

45 Ito ang sinabi ng propetang si Jeremias kay Baruc+ na anak ni Nerias nang isulat nito sa isang aklat ang mga salitang ito na idinikta ni Jeremias+ noong ikaapat na taon ng hari ng Juda na si Jehoiakim+ na anak ni Josias:

2 “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel tungkol sa iyo, Baruc, 3 ‘Sinabi mo: “Kaawa-awa ako, dahil dinagdagan ni Jehova ng kalungkutan ang paghihirap ko! Napapagod na ako sa pagdaing, at wala akong kapayapaan.”’*

4 “Sabihin mo sa kaniya, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Ang itinayo ko ay gigibain ko, at ang itinanim ko ay bubunutin ko—ang buong lupain.+ 5 Pero naghahanap* ka ng dakilang mga bagay para sa sarili mo. Huwag ka nang maghanap ng ganoong mga bagay.”’

“‘Dahil magpapasapit ako ng kapahamakan sa lahat ng tao,’*+ ang sabi ni Jehova, ‘at saan ka man pumunta, ibibigay ko sa iyo ang buhay mo bilang samsam.’”*+

46 Ito ang salita ni Jehova na dumating sa propetang si Jeremias tungkol sa mga bansa:+ 2 Para sa Ehipto,+ may kinalaman sa hukbo ni Paraon Neco+ na hari ng Ehipto, na nasa kahabaan ng Ilog Eufrates sa Carkemis at natalo ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya nang ikaapat na taon ng hari ng Juda na si Jehoiakim+ na anak ni Josias:

 3 “Maghanda kayo ng mga pansalag* at malalaking kalasag,

At sumugod kayo sa labanan.

 4 Ihanda ninyo ang mga kabayo at sumakay kayo, kayong mga mangangabayo.

Pumuwesto kayo at isuot ang inyong mga helmet.

Pakintabin ninyo ang mga sibat at isuot ang inyong mga kutamaya.*

 5 ‘Bakit ko sila nakikitang takot na takot?

Umuurong sila, natalo ang mga mandirigma nila.

Nagsitakas sila, hindi lumilingon ang mga mandirigma nila.

Nababalot ng takot ang buong palibot,’ ang sabi ni Jehova.

 6 ‘Ang matulin ay hindi makalalayo, at ang mga mandirigma ay hindi makatatakas.

Sa hilaga, sa may pampang ng Ilog Eufrates,

Natisod sila at nabuwal.’+

 7 Sino itong dumarating na parang Ilog Nilo,

Gaya ng mga ilog na dumadaluyong?

 8 Ang Ehipto ay dumarating na parang Ilog Nilo,+

Gaya ng mga ilog na dumadaluyong,

At sinasabi nito, ‘Babangon ako at aapawan ang lupa.

Wawasakin ko ang lunsod at lilipulin ang mga nakatira doon.’

 9 Sugod, mga kabayo!

Humagibis kayo, mga karwahe!

Lumusob kayong mga mandirigma,

Ang Cus at ang Put, na humahawak ng kalasag,+

At ang Ludim,+ na humahawak at nagbabaluktot* ng búsog.+

10 “Ang araw na iyon ay sa Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, ang araw ng paghihiganti sa mga kalaban niya. At ang espada ay manlalamon at masisiyahan at mapupuno ng dugo nila, dahil ang Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, ay may hain* sa lupain ng hilaga sa may Ilog Eufrates.+

11 Pumunta ka sa Gilead para kumuha ng balsamo,+

O anak na dalaga ng Ehipto.

Bale-wala ang marami mong gamot,

Dahil walang makapagpapagaling sa iyo.+

12 Narinig ng mga bansa ang iyong kasiraang-puri,+

At naririnig ang hiyaw mo sa buong lupain.

Nabubuwal ang isang mandirigma dahil sa kapuwa niya mandirigma,

At pareho silang bumabagsak.”

13 Ito ang sinabi ni Jehova sa propetang si Jeremias tungkol sa pagdating ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya para pabagsakin ang Ehipto:+

14 “Sabihin ninyo iyon sa Ehipto, ipahayag ninyo iyon sa Migdol.+

Ipahayag ninyo iyon sa Nop* at sa Tapanhes.+

Sabihin ninyo, ‘Pumuwesto kayo at ihanda ang inyong sarili,

Dahil isang espada ang lalamon sa buong palibot mo.

15 Bakit natangay ang malalakas mong lalaki?

Hindi sila nakatagal,

Dahil ibinagsak sila ni Jehova.

16 Marami sa kanila ang nabubuwal, nagbabagsakan sila.

Sinasabi nila sa isa’t isa:

“Bumangon ka! Bumalik tayo sa bayan natin at sa sarili nating lupain

Dahil malupit ang espada.”’

17 Inihayag nila roon,

‘Ang Paraon na hari ng Ehipto ay isa lang walang-kabuluhang ingay

Na nagpalampas ng pagkakataon.’*+

18 ‘Tinitiyak ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Hari, na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo,

‘Darating siyang* gaya ng Tabor+ sa gitna ng mga bundok

At gaya ng Carmel+ sa tabi ng dagat.

19 Ihanda mo ang mga dadalhin mo sa pagkatapon,

O anak na babaeng nakatira sa Ehipto.

Dahil ang Nop* ay magiging nakapangingilabot;

Susunugin* iyon at mawawalan ng nakatira.+

20 Ang Ehipto ay gaya ng isang magandang dumalagang baka,

Pero sasalakayin siya ng mga bangaw mula sa hilaga.

21 Maging ang mga upahang sundalo niya ay gaya ng mga pinatabang guya,*

Pero sila rin ay umurong at tumakas nang sama-sama.

Hindi sila nakatagal,+

Dahil dumating ang araw ng kapahamakan nila,

Ang panahon ng pagtutuos.’

22 ‘Ang tinig niya ay gaya ng sagitsit ng tumatakas na ahas,

Dahil maraming sumasalakay sa kaniya, at may mga palakol sila,

Gaya ng mga lalaking namumutol ng puno.*

23 Kakalbuhin nila ang kagubatan niya,’ ang sabi ni Jehova, ‘kahit parang hindi ito mapapasok.

Dahil mas marami sila sa mga balang, at hindi sila mabilang.

24 Ang anak na babae ng Ehipto ay mapapahiya.

Ibibigay siya sa bayan sa hilaga.’+

25 “Sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: ‘Babalingan ko si Amon+ na mula sa No,*+ ang Paraon, ang Ehipto, ang mga diyos niya,+ at ang mga hari niya—oo, ang Paraon at ang lahat ng nagtitiwala sa kaniya.’+

26 “‘At ibibigay ko sila sa mga gustong pumatay sa kanila, kay Haring Nabucodonosor* ng Babilonya+ at sa mga lingkod niya. Pero pagkatapos ay titirhan siya gaya noong una,’ ang sabi ni Jehova.+

27 ‘At ikaw, O Jacob na lingkod ko, huwag kang matakot,

At huwag kang masindak, O Israel.+

Dahil ililigtas kita mula sa malayo

At ang mga supling* mo mula sa lupain kung saan sila binihag.+

Babalik ang Jacob at magiging panatag at payapa,

At walang sinumang tatakot sa kanila.+

28 Kaya huwag kang matakot, O Jacob na lingkod ko,’ ang sabi ni Jehova, ‘dahil kasama mo ako.

Lilipulin ko ang lahat ng bansa kung saan kita pinangalat,+

Pero ikaw ay hindi ko lilipulin.+

Gayunman, didisiplinahin* kita sa tamang antas,+

At titiyakin kong mapaparusahan ka.’”

47 Ito ang sinabi ni Jehova sa propetang si Jeremias tungkol sa mga Filisteo,+ bago pabagsakin ng Paraon ang Gaza. 2 Ito ang sinabi ni Jehova:

“May dumarating na tubig mula sa hilaga.

Raragasa ito.

At babahain nito ang lupain at ang lahat ng naroon,

Ang lunsod at ang mga nakatira doon.

Hihiyaw ang mga lalaki,

At hahagulgol ang lahat ng nakatira sa lupain.

 3 Sa ingay ng yabag ng kaniyang mga barakong kabayo,

Sa pagkalampag ng kaniyang mga karwaheng pandigma

At sa dagundong ng kaniyang mga gulong,

Hindi man lang babalikan ng mga ama ang mga anak nila,

Dahil manghihina ang mga kamay nila,

 4 Dahil pupuksain ng dumarating na araw ang lahat ng Filisteo;+

Lilipulin nito ang bawat natitirang kakampi ng Tiro+ at Sidon.+

Dahil pupuksain ni Jehova ang mga Filisteo,

Ang mga natira mula sa isla ng Captor.*+

 5 Makakalbo* ang Gaza.

Pinatahimik ang Askelon.+

O kayong natira sa kanilang lambak,*

Hanggang kailan kayo maghihiwa sa inyong sarili?+

 6 O espada ni Jehova!+

Gaano pa katagal bago ka manahimik?

Bumalik ka sa iyong lalagyan.

Magpahinga ka at manahimik.

 7 Paano iyon mananahimik

Kung inutusan iyon ni Jehova?

Inatasan niya ito

Laban sa Askelon at sa baybaying dagat.”+

48 Para sa Moab,+ ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel:

“Kaawa-awa ang Nebo,+ dahil siya ay nawasak!

Ang Kiriataim+ ay napahiya at nabihag.

Ang ligtas na kanlungan* ay napahiya at nawasak.+

 2 Hindi na nila pinupuri ang Moab.

Sa Hesbon+ ay pinagplanuhan nila ang kapahamakan niya:

‘Halikayo, pabagsakin natin siya para hindi na siya maging isang bansa.’

Ikaw rin, O Madmen, dapat kang manahimik,

Dahil sinusundan ka ng espada.

 3 May ingay ng paghiyaw mula sa Horonaim,+

Ng pagkawasak at matinding pagbagsak.

 4 Ang Moab ay nawasak.

Umiiyak ang kaniyang maliliit na bata.

 5 Iyak sila nang iyak habang umaakyat papuntang Luhit.

At habang bumababa mula sa Horonaim ay maririnig ang mga pagdaing dahil sa kapahamakan.+

 6 Tumakas kayo, iligtas ninyo ang sarili ninyo!

Maging gaya kayo ng puno ng enebro sa ilang.

 7 Dahil nagtitiwala ka sa iyong mga gawa at kayamanan,

Bibihagin ka rin.

At si Kemos+ ay ipatatapon,

Kasama ang kaniyang mga saserdote at matataas na opisyal.

 8 Ang tagapuksa ay papasok sa bawat lunsod,

At walang lunsod na makatatakas.+

Ang lambak* ay maglalaho,

At ang patag na lupain* ay wawasakin, gaya ng sinabi ni Jehova.

 9 Maglagay kayo ng palatandaan para sa Moab,

Dahil sa pagbagsak niya ay tatakas siya,

At ang mga lunsod niya ay magiging nakapangingilabot,

Na walang sinumang nakatira.+

10 Sumpain ang nagpapabaya sa paggawa ng atas mula kay Jehova!

Sumpain ang nagpipigil sa paggamit ng espada para pumuksa!

11 Ang mga Moabita ay panatag mula pagkabata,

Gaya ng alak na tumining.

Hindi pa sila naisalin-salin sa iba’t ibang sisidlan,

At hindi pa sila ipinatapon.

Kaya ganoon pa rin ang lasa nila,

At walang pagbabago sa amoy nila.

12 “‘Kaya darating ang panahon,’ ang sabi ni Jehova, ‘na magpapadala ako ng mga lalaking magpapataob sa kanila. Itataob sila ng mga ito hanggang sa maubos ang laman ng sisidlan nila, at dudurugin ng mga ito ang malalaking banga nila. 13 At ikahihiya ng mga Moabita si Kemos, kung paanong ikinahiya ng sambahayan ng Israel ang Bethel, na pinagtitiwalaan nila noon.+

14 Ang lakas ng loob ninyong sabihing “Kami ay malalakas na mandirigmang handa sa labanan”!’+

15 ‘Ang Moab ay nawasak,

Ang mga lunsod niya ay napasok,+

At ang kanilang pinakamagigiting na lalaki ay napatay,’+

Ang sabi ng Hari, na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo.+

16 Malapit na ang kapahamakan ng mga Moabita,

At mabilis na dumarating ang pagbagsak nila.+

17 Ang lahat ng nasa palibot nila ay makikiramay sa kanila,

Ang lahat ng nakaaalam ng pangalan nila.

Sabihin ninyo sa kanila: ‘Nabali ang matibay na tungkod, ang baston ng kagandahan!’

18 Bumaba ka mula sa kaluwalhatian mo,

At umupo kang uhaw,* O anak na babae na naninirahan sa Dibon,+

Dahil sasalakayin ka ng tagapuksa ng Moab,

At wawasakin niya ang mga tanggulan mo.+

19 Tumayo ka sa tabi ng daan at mag-abang ka, ikaw na naninirahan sa Aroer.+

Tanungin mo ang lalaking tumatakbo at ang babaeng tumatakas, ‘Ano ang nangyari?’

20 Ang Moab ay napahiya at nangilabot.

Humagulgol ka at humiyaw.

Ipahayag ninyo sa Arnon+ na ang Moab ay nawasak.

21 “Dumating ang hatol sa patag na lupain,*+ laban sa Holon, Jahaz,+ at Mepaat;+ 22 laban sa Dibon,+ Nebo,+ at Bet-diblataim; 23 laban sa Kiriataim,+ Bet-gamul, at Bet-meon;+ 24 laban sa Keriot+ at Bozra; at laban sa lahat ng lunsod ng lupain ng Moab, ang malalayo at ang malalapit.

25 ‘Ang lakas* ng Moab ay pinutol;

Ang bisig niya ay binali,’ ang sabi ni Jehova.

26 ‘Lasingin ninyo siya,+ dahil nagmataas siya laban kay Jehova.+

Ang Moab ay nagpagulong-gulong sa kaniyang suka,

At hinamak siya.

27 Hindi ba hinamak mo ang Israel?+

Nahuli ba siyang kasama ng mga magnanakaw

Kaya umiiling ka at nagsasalita laban sa kaniya?

28 Umalis kayo sa mga lunsod at manirahan kayo sa malaking bato, kayong mga nakatira sa Moab,

At maging gaya kayo ng kalapati na namumugad sa gilid ng bangin.’”

29 “Narinig namin ang tungkol sa pagmamataas ng Moab—napakayabang niya—

Ang tungkol sa kaniyang kahambugan, pagmamataas, pagmamayabang, at sa pagmamalaki ng puso niya.”+

30 “‘Alam kong galit siya,’ ang sabi ni Jehova,

‘Pero ang mga sinasabi niyang walang saysay ay mauuwi sa wala.

Walang magagawa ang mga iyon.

31 Kaya hahagulgulan ko ang Moab,

Iiyakan ko ang buong Moab

At magdadalamhati ako para sa mga nakatira sa Kir-heres.+

32 O punong ubas ng Sibma,+ hahagulgulan kita

Nang higit pa sa paghagulgol para sa Jazer.+

Ang iyong lumalagong mga supang ay tumawid ng dagat.

Hanggang sa dagat, hanggang sa Jazer, nakaabot ang mga iyon.

Sa iyong mga prutas na pantag-araw at mga aning ubas

Ay sumalakay ang tagapuksa.+

33 Ang pagsasaya at kagalakan ay inalis sa taniman

At sa lupain ng Moab.+

Pinahinto ko ang pagdaloy ng alak sa pisaan ng ubas.

Wala nang pipisa* ng ubas nang may hiyaw ng kagalakan.

Ang hiyawan ay hindi na dahil sa kagalakan.’”+

34 “‘May sigaw sa Hesbon+ na maririnig hanggang sa Eleale.+

Maririnig ang sigaw nila hanggang sa Jahaz,+

Mula sa Zoar hanggang sa Horonaim+ hanggang sa Eglat-selisiya.

Kahit ang tubig ng Nimrim ay matutuyo.+

35 Paglalahuin ko mula sa Moab,’ ang sabi ni Jehova,

‘Ang nagdadala ng handog sa mataas na lugar

At ang naghahandog sa diyos niya.

36 Kaya naman daraing* ang puso ko para sa Moab gaya ng plawta,*+

At daraing* ang puso ko para sa mga nakatira sa Kir-heres gaya ng plawta.*

Dahil ang kayamanang naipon niya ay maglalaho.

37 Dahil ang bawat ulo ay kalbo,+

At ang bawat balbas ay inahit.

May hiwa ang bawat kamay,+

At may telang-sako ang balakang nila!’”+

38 “‘Sa lahat ng bubong ng Moab

At sa lahat ng liwasan* niya,

Puro paghagulgol ang maririnig.

Dahil binasag ko ang Moab

Gaya ng isang walang-silbing banga,’ ang sabi ni Jehova.

39 ‘Takot na takot siya! Humagulgol kayo!

Tumalikod ang Moab dahil sa kahihiyan!

Ang Moab ay hinahamak,

Isang bagay na nakapangingilabot para sa lahat ng nasa palibot niya.’”

40 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova:

‘Gaya ng agila na nandaragit,+

Ibubuka niya ang mga pakpak niya sa ibabaw ng Moab.+

41 Ang mga bayan ay sasakupin,

At ang mga tanggulan niya ay bibihagin.

Sa araw na iyon, ang puso ng mga mandirigma ng Moab

Ay magiging gaya ng puso ng babaeng nanganganak.’”

42 “‘At ang Moab ay lilipulin at hindi na magiging isang bansa,+

Dahil laban kay Jehova siya nagmataas.+

43 Ang takot at ang hukay at ang bitag ay nasa harap mo,

Ikaw na nakatira sa Moab,’ ang sabi ni Jehova.

44 ‘Ang sinumang tumatakas dahil sa takot ay mahuhulog sa hukay,

At ang sinumang umaahon mula sa hukay ay mahuhuli sa bitag.’

‘Dahil pasasapitin ko sa Moab ang taon ng pagpaparusa sa kanila,’ ang sabi ni Jehova.

45 ‘Sa lilim ng Hesbon, ang mga tumatakas ay nakatayong walang lakas.

Dahil isang apoy ang lalabas mula sa Hesbon

At isang liyab mula sa Sihon.+

Tutupukin nito ang noo ng Moab

At ang bungo ng mga anak ng kaguluhan.’+

46 ‘Kaawa-awa ka, O Moab!

Ang bayan ni Kemos+ ay nalipol.

Dahil ang mga anak mong lalaki ay binihag,

At ang mga anak mong babae ay ipinatapon.+

47 Pero titipunin ko ang mga binihag mula sa Moab sa huling bahagi ng mga araw,’ ang sabi ni Jehova.

‘Dito natatapos ang kahatulan sa Moab.’”+

49 Para sa mga Ammonita,+ ito ang sinabi ni Jehova:

“Wala bang mga anak ang Israel?

Wala ba siyang tagapagmana?

Bakit inagaw ni Malcam+ ang Gad?+

At bakit nakatira ang bayan niya sa mga lunsod ng Israel?”

 2 “‘Kaya darating ang panahon,’ ang sabi ni Jehova,

‘Na magpapatunog ako ng hudyat ng digmaan* laban sa Raba+ ng mga Ammonita.+

Siya ay magiging tiwangwang na kaguhuan,

At ang katabing mga nayon niya* ay susunugin.’

‘At sasakupin ng Israel ang mga sumakop sa lupain niya,’+ ang sabi ni Jehova.

 3 ‘Humagulgol ka, O Hesbon, dahil ang Ai ay winasak!

Humiyaw kayo, O katabing mga nayon ng Raba.

Magsuot kayo ng telang-sako.

Humagulgol kayo at magparoo’t parito sa gitna ng mga batong kural,*

Dahil si Malcam ay ipatatapon,

Kasama ang kaniyang mga saserdote at matataas na opisyal.+

 4 Bakit mo ipinagyayabang ang mga lambak,*

Ang mabunga* mong kapatagan, O anak na babaeng di-tapat,

Na nagtitiwala sa mga kayamanan niya

At nagsasabi: “Sino ang sasalakay sa akin?”’”

 5 “‘Pasasapitin ko sa iyo ang isang nakapangingilabot na bagay,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,

‘Mula sa lahat ng nasa palibot mo.

Pangangalatin kayo kung saan-saan,

At walang magtitipon sa mga tumatakas.’”

 6 “‘Pero pagkatapos nito, titipunin ko ang mga bihag na Ammonita,’ ang sabi ni Jehova.”

7 Para sa Edom, ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:

“Wala na bang karunungan sa Teman?+

Wala na bang mabuting payo ang mga may unawa?

Nabulok na ba ang karunungan nila?

 8 Tumakas kayo! Umatras kayo!

Magtago kayo sa kalaliman, kayong mga taga-Dedan!+

Dahil magpapasapit ako ng kapahamakan sa Esau

Kapag panahon na para ibaling ko sa kaniya ang aking pansin.

 9 Kung puntahan ka ng mga tagapitas ng ubas,

Hindi ba magtitira sila?

Kung ang mga magnanakaw ay dumating sa gabi,

Maninira lang sila hanggang sa masiyahan sila.+

10 Pero huhubaran ko ang Esau.

Ilalantad ko ang mga taguan niya,

Para hindi siya makapagtago.

Ang kaniyang mga anak at mga kapatid at mga kapitbahay ay malilipol,+

At siya ay mawawala na.+

11 Ipaubaya mo sa akin ang iyong mga batang walang ama,

At iingatan ko silang buháy,

At ang iyong mga biyuda ay magtitiwala sa akin.”

12 Dahil ito ang sinabi ni Jehova: “Kung ang mga hindi hinatulang uminom sa kopa ay iinom nito, ikaw ba ay hahayaang hindi napaparusahan? Hindi ka makaliligtas sa parusa, dahil iinumin mo iyon.”+

13 “Dahil ipinanunumpa ko ang sarili ko,” ang sabi ni Jehova, “na ang Bozra ay magiging isang bagay na nakapangingilabot,+ hinahamak, wasak, at isinumpa; at ang lahat ng lunsod niya ay magiging wasak magpakailanman.”+

14 May narinig akong ulat mula kay Jehova,

Isang mensahero ang ipinadala sa mga bansa para sabihin:

“Magtipon kayo, at salakayin ninyo siya;

Maghanda kayo sa pakikipaglaban.”+

15 “Dahil ginawa kitang mahina sa gitna ng mga bansa,

Hinahamak ng mga tao.+

16 Dinaya ka ng pangangatog na idinulot mo,

Ng kayabangan ng puso mo,

Ikaw na protektado ng malalaking bato,

Na nakatira sa pinakamataas na burol.

Kahit gumawa ka ng pugad sa mataas na lugar gaya ng agila,

Ibabagsak kita mula roon,” ang sabi ni Jehova.

17 “At ang Edom ay magiging isang bagay na nakapangingilabot.+ Ang lahat ng dumadaan sa kaniya ay mapapatitig at mangingilabot at mapapasipol dahil sa lahat ng salot na dumating sa kaniya. 18 Gaya noong mawasak ang Sodoma at ang Gomorra at ang kalapít na mga bayan nito,”+ ang sabi ni Jehova, “walang titira doon; wala nang maninirahan doon.+

19 “Sa ligtas na mga pastulan ay may sasalakay na parang leon+ mula sa makakapal na palumpong* sa kahabaan ng Jordan, pero bigla ko silang patatakasin mula sa lupain nila. At aatasan kong mamahala rito ang pinili ko. Dahil sino ang gaya ko, at sino ang hahamon sa akin? Sinong pastol ang makatatayo sa harap ko?+ 20 Kaya pakinggan ninyo ang pasiya* ni Jehova laban sa Edom at ang iniisip niya laban sa mga nakatira sa Teman:+

Tiyak na kakaladkarin ang maliliit sa kawan.

Gagawin niyang tiwangwang ang tinitirhan nila dahil sa kanila.+

21 Sa ingay ng pagbagsak nila ay nayanig ang lupa.

May hiyawan!

Narinig ito hanggang sa Dagat na Pula.+

22 Gaya ng agila ay lilipad siya at mandaragit,+

At ibubuka niya ang mga pakpak niya sa ibabaw ng Bozra.+

Sa araw na iyon, ang puso ng mga mandirigma ng Edom

Ay magiging gaya ng puso ng babaeng nanganganak.”

23 Para sa Damasco:+

“Ang Hamat+ at ang Arpad ay napahiya,

Dahil may narinig silang masamang balita.

Natunaw ang puso nila sa takot.

Maligalig ang dagat at hindi ito mapakalma.

24 Ang Damasco ay nawalan ng lakas ng loob.

Tatakas na siya, pero nadaig siya ng takot.

Napuno siya ng paghihirap at kirot

Gaya ng babaeng nanganganak.

25 Bakit hindi pa iniiwan ang maluwalhating lunsod,

Ang lunsod na punô ng pagsasaya?

26 Dahil ang kalalakihan niya ay mabubuwal sa mga liwasan* niya,

At ang lahat ng sundalo ay mamamatay sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

27 “Sisilaban ko ang pader ng Damasco,

At matutupok ang matitibay na tore ni Ben-hadad.”+

28 Para sa Kedar+ at sa mga kaharian ng Hazor, na pinabagsak ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, ito ang sinabi ni Jehova:

“Pumunta kayo sa Kedar,

At puksain ninyo ang mga anak ng Silangan.

29 Ang mga tolda at kawan nila ay kukunin,

Ang kanilang mga telang pantolda at ang lahat ng gamit nila.

Ang mga kamelyo nila ay tatangayin,

At sisigaw sila sa kanila, ‘Nakakatakot sa buong palibot!’”

30 “Tumakas kayo! Lumayo kayo!

Magtago kayo sa kalaliman, kayong mga taga-Hazor,” ang sabi ni Jehova.

“Dahil si Haring Nabucodonosor* ng Babilonya ay may pakana laban sa inyo,

At may plano siya laban sa inyo.”

31 “Salakayin ninyo ang bansang payapa,

Na namumuhay nang panatag!” ang sabi ni Jehova.

“Wala itong mga pinto at halang; namumuhay sila nang nakabukod.

32 Ang mga kamelyo nila ay nanakawin,

At ang marami nilang alagang hayop ay sasamsamin.

Pangangalatin ko sila sa lahat ng direksiyon,*

Sila na ang mga buhok sa sentido ay ginupit,+

At pasasapitan ko sila ng kapahamakan mula sa lahat ng direksiyon,” ang sabi ni Jehova.

33 “At ang Hazor ay magiging tirahan ng mga chakal,

Isang tiwangwang na lugar magpakailanman.

Walang titira doon;

Wala nang maninirahan sa kaniya.”

34 Ito ang salita ni Jehova na dumating sa propetang si Jeremias tungkol sa Elam+ sa pasimula ng pamamahala ni Haring Zedekias+ ng Juda: 35 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Babaliin ko ang pana ng Elam,+ ang pinagmumulan* ng lakas nila. 36 Dadalhin ko sa Elam ang apat na hangin mula sa apat na dulo ng langit, at pangangalatin ko sila sa lahat ng direksiyon ng hanging ito. Walang bansa na hindi mararating ng mga nangalat mula sa Elam.’”

37 “Dudurugin ko ang mga Elamita sa harap ng mga kaaway nila at sa harap ng mga gustong pumatay sa kanila; at magpapasapit ako sa kanila ng kapahamakan, ang nag-aapoy kong galit,” ang sabi ni Jehova. “At magsusugo ako ng espada sa kanila hanggang sa malipol ko sila.”

38 “At ilalagay ko sa Elam ang aking trono,+ at pupuksain ko mula roon ang hari at ang matataas na opisyal,” ang sabi ni Jehova.

39 “Pero sa huling bahagi ng mga araw, titipunin ko ang mga binihag mula sa Elam,” ang sabi ni Jehova.

50 Ang salita na sinabi ni Jehova tungkol sa Babilonya,+ tungkol sa lupain ng mga Caldeo, sa pamamagitan ng propetang si Jeremias:

 2 “Sabihin ninyo iyon sa gitna ng mga bansa at ipahayag ninyo.

Maglagay kayo ng isang palatandaan* at ipahayag ninyo iyon.

Huwag kayong maglihim ng anuman!

Sabihin ninyo, ‘Ang Babilonya ay nabihag.+

Si Bel ay napahiya.+

Si Merodac ay natakot.

Napahiya ang mga imahen niya.

Ang kasuklam-suklam na mga idolo* niya ay natakot.’

 3 Dahil isang bansa mula sa hilaga ang sumalakay sa kaniya.+

Ginawa nitong nakapangingilabot ang lupain niya;

Walang naninirahan sa kaniya.

Tumakas ang tao at ang hayop;

Wala na sila.”

4 “Sa mga araw na iyon at sa panahong iyon,” ang sabi ni Jehova, “ang bayan ng Israel at ang bayan ng Juda ay magsasama-sama.+ Maglalakad silang umiiyak,+ at sama-sama nilang hahanapin si Jehova na kanilang Diyos.+ 5 Itatanong nila ang daan papunta sa Sion habang nakaharap sa direksiyong iyon,+ at sasabihin nila, ‘Halikayo, makipagkasundo tayo kay Jehova sa isang walang-hanggang tipan na hindi malilimutan.’+ 6 Ang bayan ko ay naging isang kawan ng nawawalang mga tupa.+ Iniligaw sila ng sarili nilang mga pastol.+ Dinala sila ng mga iyon sa mga bundok, at nagpagala-gala sila sa mga bundok at burol. Nalimutan na nila ang kanilang pahingahan. 7 Nilalapa sila ng lahat ng nakakakita sa kanila,+ at sinabi ng mga kalaban nila, ‘Wala kaming kasalanan, dahil nagkasala sila kay Jehova, sa tahanan ng katuwiran at sa pag-asa ng mga ninuno nila, si Jehova.’”

 8 “Tumakas kayo mula sa Babilonya,

Umalis kayo sa lupain ng mga Caldeo,+

At maging gaya kayo ng mga hayop na nangunguna sa kawan.

 9 Dahil laban sa Babilonya ay magbabangon ako

Ng nagsama-samang dakilang mga bansa mula sa lupain ng hilaga.+

Hahanay sila para makipagdigma sa kaniya;

Mula roon ay bibihagin siya.

Ang mga pana nila ay gaya ng mga pana ng mandirigma

Na pumapatay ng mga anak;+

Hindi bumabalik ang mga iyon nang walang resulta.

10 Ang Caldea ay magiging samsam.+

Lahat ng nananamsam sa kaniya ay masisiyahan,”+ ang sabi ni Jehova.

11 “Dahil patuloy kayong nagsasaya,+ patuloy kayong nagbubunyi

Habang sinasamsaman ang aking mana.+

Dahil patuloy kayong dumadamba gaya ng dumalagang baka sa damuhan,

At patuloy kayong humahalinghing gaya ng mga barakong kabayo.

12 Ang inyong ina ay napahiya.+

Ang nagsilang sa inyo ay nabigo.

Siya ang pinakamaliit sa mga bansa,

Isang ilang na walang tubig at isang disyerto.+

13 Dahil sa galit ni Jehova, hindi siya titirhan;+

Lubusan siyang magiging tiwangwang.+

Ang sinumang dadaan sa Babilonya ay mapapatitig at mangingilabot

At mapapasipol dahil sa lahat ng salot na dumating sa kaniya.+

14 Sa bawat panig ay humanay kayo para sa pakikipagdigma sa Babilonya,

Lahat kayong nagbabaluktot* ng búsog.

Panain ninyo siya, ubusin ninyo ang mga palaso,+

Dahil kay Jehova siya nagkasala.+

15 Sa bawat panig ay humiyaw kayo para sa pakikipagdigma sa kaniya.

Sumuko na siya.*

Bumagsak na ang mga haligi niya, nagiba ang mga pader niya,+

Dahil iyon ang paghihiganti ni Jehova.+

Maghiganti kayo sa kaniya.

Gawin ninyo sa kaniya kung ano ang ginawa niya.+

16 Tanggalin ninyo ang manghahasik mula sa Babilonya

At ang humahawak ng karit sa panahon ng pag-aani.+

Dahil sa malupit na espada, ang bawat isa ay babalik sa sarili niyang bayan,

Ang bawat isa ay tatakas papunta sa sarili niyang lupain.+

17 “Ang bayang Israel ay nangalat na mga tupa.+ Pinangalat sila ng mga leon.+ Una, nilapa sila ng hari ng Asirya;+ pagkatapos, nginatngat ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya ang mga buto nila.+ 18 Kaya ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: ‘Paparusahan ko ang hari ng Babilonya at ang lupain niya gaya ng pagpaparusa ko sa hari ng Asirya.+ 19 At ibabalik ko ang Israel sa pastulan niya,+ at manginginain siya sa Carmel at sa Basan,+ at mabubusog siya sa mga bundok ng Efraim+ at ng Gilead.’”+

20 “Sa mga araw na iyon at sa panahong iyon,” ang sabi ni Jehova,

“Hahanapan ng kasalanan ang Israel,

Pero wala nang makikita,

At hindi na makikita ang mga kasalanan ng Juda,

Dahil patatawarin ko ang mga hinayaan kong mabuhay.”+

21 “Salakayin mo ang lupain ng Merataim at ang mga nakatira sa Pekod.+

Hayaan mo silang mapatay at malipol,”* ang sabi ni Jehova.

“Gawin mo ang lahat ng iniutos ko sa iyo.

22 May ingay ng digmaan sa lupain,

Isang malaking kapahamakan.

23 Naputol at nabali ang martilyong pampanday ng buong lupa!+

Ang Babilonya ay naging nakapangingilabot sa mga bansa!+

24 Naglagay ako ng bitag para sa iyo, at nahuli ka, O Babilonya,

At hindi mo alam iyon.

Nahuli ka at nabihag,+

Dahil si Jehova ang kinalaban mo.

25 Binuksan ni Jehova ang imbakan niya,

At inilalabas niya ang mga sandata ng galit niya.+

Dahil ang Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo, ay may gagawin

Sa lupain ng mga Caldeo.

26 Salakayin ninyo siya mula sa malalayong lugar.+

Buksan ninyo ang mga imbakan niya.+

Ibunton mo siyang gaya ng mga bunton ng butil.

Lubusan mo siyang wasakin.*+

Wala sanang matira sa kaniya.

27 Patayin ninyo ang lahat ng kaniyang batang toro;+

Dalhin ninyo sila sa katayan.

Kaawa-awa sila, dahil dumating na ang araw nila,

Ang panahon ng pagpaparusa sa kanila!

28 Maririnig ang ingay ng mga tumatakas,

Ng mga tumatakas mula sa lupain ng Babilonya,

Para ihayag sa Sion ang paghihiganti ni Jehova na ating Diyos,

Ang paghihiganti para sa kaniyang templo.+

29 Tumawag kayo ng mga mamamanà laban sa Babilonya,

Ang lahat ng nagbabaluktot* ng búsog.+

Magkampo kayo sa palibot niya; huwag ninyong hayaang may makatakas.

Gantihan ninyo siya ayon sa ginawa niya.+

Gawin ninyo sa kaniya kung ano ang ginawa niya.+

Dahil nagmataas siya kay Jehova,

Laban sa Banal ng Israel.+

30 Kaya ang kalalakihan niya ay mabubuwal sa mga liwasan* niya,+

At ang lahat ng sundalo niya ay mamamatay* sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova.

31 “Ako ay laban sa iyo,+ ikaw na pangahas,”+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,

“Dahil darating ang araw mo, ang panahon na pananagutin kita.

32 Ikaw na pangahas, matitisod ka at mabubuwal;

Walang magbabangon sa iyo.+

Sisilaban ko ang mga lunsod mo,

At lalamunin ng apoy ang lahat ng nasa palibot mo.”

33 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:

“Ang bayan ng Israel at Juda ay inaapi,

At hinawakan silang mahigpit ng lahat ng bumihag sa kanila.+

Ayaw silang palayain ng mga ito.+

34 Pero ang Manunubos nila ay malakas.+

Jehova ng mga hukbo ang pangalan niya.+

Tiyak na ipaglalaban niya ang kaso nila,+

Para bigyan ng kapahingahan ang lupain+

At magpasapit ng kaguluhan sa mga taga-Babilonya.”+

35 “May espada laban sa mga Caldeo,” ang sabi ni Jehova,

“Laban sa mga nakatira sa Babilonya at laban sa kaniyang matataas na opisyal at marurunong na tao.+

36 May espada laban sa mga nagsasalita ng walang katuturan,* at kikilos sila nang may kamangmangan.

May espada laban sa mga mandirigma niya, at sila ay matatakot.+

37 May espada laban sa kanilang mga kabayo at karwaheng pandigma

At laban sa lahat ng dayuhang kasama nila,

At magiging gaya sila ng mga babae.+

May espada laban sa mga kayamanan niya, at sasamsamin ang mga iyon.+

38 Masisira ang palibot ng kaniyang katubigan, at matutuyo ito.+

Dahil iyon ay lupain ng mga inukit na imahen,+

At dahil sa nakakatakot na mga pangitain nila ay kumikilos silang parang baliw.

39 Kaya ang mga hayop sa disyerto ay maninirahang kasama ng umaalulong na mga hayop,

At sa kaniya maninirahan ang mga avestruz.*+

Hindi na siya paninirahan kailanman,

At hindi na siya titirhan ng lahat ng henerasyon.”+

40 “Gaya noong wasakin ng Diyos ang Sodoma at ang Gomorra+ at ang kalapít na mga bayan nito,”+ ang sabi ni Jehova, “walang titira doon; wala nang maninirahan doon.+

41 Isang bayan ang darating mula sa hilaga;

Babangon ang isang malaking bansa at ang mga dakilang hari+

Mula sa pinakamalalayong bahagi ng lupa.+

42 Pana at diyabelin* ang gamit nila.+

Malupit sila at hindi sila maaawa.+

Ang ingay nila ay gaya ng dagat na dumadaluyong,+

Habang nakasakay sila sa mga kabayo nila.

Hahanay silang parang iisang lalaki para makipagdigma sa iyo, O anak na babae ng Babilonya.+

43 Nabalitaan ng hari ng Babilonya ang tungkol sa kanila,+

At nanghina ang mga kamay niya.+

Napuno siya ng takot,

Ng kirot na gaya ng sa babaeng nanganganak.

44 “Sa ligtas na mga pastulan ay may sasalakay na parang leon mula sa makakapal na palumpong* sa kahabaan ng Jordan, pero bigla ko silang patatakasin mula sa lupain nila. At aatasan kong mamahala rito ang pinili ko.+ Dahil sino ang gaya ko, at sino ang hahamon sa akin? Sinong pastol ang makatatayo sa harap ko?+ 45 Kaya pakinggan ninyo ang pasiya* ni Jehova laban sa Babilonya+ at ang iniisip niya laban sa lupain ng mga Caldeo.

Tiyak na kakaladkarin ang maliliit sa kawan.

Gagawin niyang tiwangwang ang tinitirhan nila dahil sa kanila.+

46 Sa ingay ng pagbagsak ng Babilonya ay mayayanig ang lupa,

At isang hiyaw ang maririnig sa gitna ng mga bansa.”+

51 Ito ang sinabi ni Jehova:

“Magpapadala ako ng mapaminsalang hangin

Laban sa Babilonya+ at sa mga nakatira sa Leb-kamai.*

 2 Magsusugo ako sa Babilonya ng mga mananahip,

At tatahipin nila siya at uubusin ang laman ng lupain niya;

Sasalakayin nila siya sa lahat ng panig sa araw ng kapahamakan.+

 3 Huwag ninyong hayaang baluktutin* ng mamamanà ang búsog niya.

At huwag ninyong hayaang tumayo ang sinuman suot ang kutamaya* niya.

Huwag kayong maawa sa kalalakihan niya.+

Lipulin ninyo ang kaniyang buong hukbo.

 4 At mamamatay sila sa lupain ng mga Caldeo,

Sinaksak sa mga lansangan niya.+

 5 Dahil ang Israel at ang Juda ay hindi nabiyuda sa kanilang Diyos, kay Jehova ng mga hukbo.+

Pero ang lupain* nila ay punô ng kasalanan sa paningin ng Banal ng Israel.

 6 Tumakas kayo mula sa Babilonya,

At iligtas ninyo ang buhay ninyo.+

Huwag ninyong hayaang mamatay kayo dahil sa kasalanan niya.

Dahil panahon ito ng paghihiganti ni Jehova.

Pagbabayarin Niya siya sa ginawa niya.+

 7 Ang Babilonya ay naging isang gintong kopa sa kamay ni Jehova;

Nilasing niya ang buong lupa.

Nalasing sa alak niya ang mga bansa,+

Kaya nahibang ang mga bansa.+

 8 Biglang bumagsak ang Babilonya at nawasak.+

Hagulgulan ninyo siya!+

Kumuha kayo ng balsamo para sa kirot niya; baka sakaling gumaling siya.”

 9 “Sinubukan naming pagalingin ang Babilonya, pero hindi siya mapagaling.

Iwan ninyo siya at pumunta na tayo sa sarili nating lupain.+

Dahil ang hatol sa kaniya ay umabot na sa langit;

Kasintaas na ito ng mga ulap.+

10 Binigyan tayo ni Jehova ng katarungan.+

Halikayo, ihayag natin sa Sion ang ginawa ni Jehova na ating Diyos.”+

11 “Pakintabin ninyo ang mga palaso;+ kunin ninyo ang bilog na mga kalasag.*

Inudyukan ni Jehova ang mga hari ng mga Medo,+

Dahil gusto niyang wasakin ang Babilonya.

Dahil ito ang paghihiganti ni Jehova, ang paghihiganti para sa templo niya.

12 Maglagay kayo ng palatandaan*+ laban sa mga pader ng Babilonya.

Higpitan ninyo ang pagbabantay, maglagay kayo ng mga bantay.

Ihanda ninyo ang mga tatambang.

Dahil bumuo si Jehova ng estratehiya,

At tutuparin niya ang ipinangako niya laban sa mga nakatira sa Babilonya.”+

13 “O babaeng nakatira sa maraming tubig,+

Na sagana sa kayamanan,+

Dumating na ang katapusan mo, ang hangganan* ng pagtitipon mo ng pakinabang.+

14 Si Jehova ng mga hukbo ay nanumpa sa ngalan niya,

‘Pupunuin kita ng mga tao, na kasindami ng balang,

At hihiyaw sila sa tagumpay laban sa iyo.’+

15 Siya ang Maylikha ng lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan niya;

Ginawa niyang matatag ang mabungang lupa gamit ang karunungan niya,+

At inilatag niya ang langit gamit ang kaunawaan niya.+

16 Kapag ipinaririnig niya ang kaniyang tinig,

Ang tubig sa langit ay naliligalig,

At nagpapailanlang siya ng mga ulap* mula sa mga dulo ng lupa.

Gumagawa siya ng kidlat* para sa ulan,

At inilalabas niya ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan.+

17 Ang bawat tao ay kumikilos nang di-makatuwiran at walang kaalaman.

Ang bawat platero ay mapapahiya dahil sa inukit na imahen;+

Dahil ang kaniyang metal na imahen ay kasinungalingan,

At walang hininga* ang mga ito.+

18 Walang kabuluhan ang mga ito,+ isang gawang katawa-tawa.

Pagdating ng araw ng paghatol sa mga ito, maglalaho ang mga ito.

19 Ang Diyos* ng Jacob ay hindi gaya ng mga bagay na ito,

Dahil siya ang gumawa ng lahat ng bagay

At siya ang baston ng kaniyang mana.*+

Jehova ng mga hukbo ang pangalan niya.”+

20 “Ikaw ang pamalo ko, ang sandata ko sa pakikipagdigma,

Dahil sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang mga bansa.

Sa pamamagitan mo ay ibabagsak ko ang mga kaharian.

21 Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang kabayo at ang sakay nito.

Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang karwaheng pandigma at ang sakay nito.

22 Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang lalaki at ang babae.

Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang matandang lalaki at ang batang lalaki.

Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang binata at ang dalaga.

23 Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang pastol at ang kawan niya.

Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang magsasaka at ang mga hayop na ginagamit niya sa pagsasaka.

Sa pamamagitan mo ay dudurugin ko ang mga gobernador at ang mga kinatawang opisyal.

24 At pagbabayarin ko ang Babilonya at ang lahat ng nakatira sa Caldea

Sa lahat ng kasamaang ginawa nila sa Sion sa inyong paningin,”+ ang sabi ni Jehova.

25 “Ako ay laban sa iyo,+ O bundok na mapangwasak,” ang sabi ni Jehova,

“Ikaw na tagawasak ng buong lupa.+

Iuunat ko ang kamay ko laban sa iyo at pagugulungin kita mula sa malalaking bato,

At gagawin kitang sunóg na bundok.”

26 “Ang mga tao ay hindi kukuha sa iyo ng batong-panulok o ng batong pundasyon,

Dahil magiging tiwangwang ka magpakailanman,”+ ang sabi ni Jehova.

27 “Maglagay kayo ng palatandaan* sa lupain.+

Hipan ninyo ang tambuli sa gitna ng mga bansa.

Atasan* ninyo ang mga bansa laban sa kaniya.

Ipatawag ninyo laban sa kaniya ang mga kaharian ng Ararat,+ Mini, at Askenaz.+

Mag-atas kayo laban sa kaniya ng tagapangalap ng sundalo.

Magsugo kayo ng mga kabayo na gaya ng mabalahibong mga balang.

28 Atasan* ninyo laban sa kaniya ang mga bansa,

Ang mga hari ng Media,+ ang mga gobernador nito at ang lahat ng kinatawang opisyal nito

At ang lahat ng lupaing pinamumunuan nila.

29 At ang lupa ay uuga at yayanig,

Dahil gagawin ni Jehova ang mga iniisip niya laban sa Babilonya

Para ang lupain ng Babilonya ay maging nakapangingilabot at hindi na panirahan.+

30 Ang mga mandirigma ng Babilonya ay tumigil sa pakikipaglaban.

Nakaupo sila sa mga tanggulan nila.

Wala na silang lakas.+

Naging gaya sila ng mga babae.+

Sinilaban ang mga bahay niya.

Winasak ang mga halang niya.+

31 Ang tagapagbalita ay tumatakbo para salubungin ang isa pang tagapagbalita,

At ang mensahero para salubungin ang isa pang mensahero,

Para ibalita sa hari ng Babilonya na ang lunsod niya ay nasakop na sa bawat panig,+

32 Ang mga tawiran ay naagaw,+

Ang mga bangkang papiro ay sinunog,

At ang mga sundalo ay takot na takot.”

33 Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel:

“Ang anak na babae ng Babilonya ay gaya ng isang giikan.

Panahon na para tapakan siya hanggang sa mapikpik.

Malapit nang dumating ang panahon ng pag-aani sa kaniya.”

34 “Nilamon ako ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya;+

Nilito niya ako.

Ginawa niya akong gaya ng sisidlang walang laman.

Gaya ng malaking ahas ay nilulon niya ako;+

Pinuno niya ang tiyan niya ng magaganda kong pag-aari.

Itinapon niya ako.*

35 ‘Mangyari nawa sa Babilonya ang karahasang ginawa sa akin at sa katawan ko!’ ang sabi ng nakatira sa Sion.+

‘At managot nawa sa dugo ko ang mga nakatira sa Caldea!’ ang sabi ng Jerusalem.”

36 Kaya ito ang sinabi ni Jehova:

“Ipaglalaban ko ang kaso mo,+

At ipaghihiganti kita.+

Tutuyuin ko ang kaniyang ilog at mga balon.+

37 At ang Babilonya ay magiging mga bunton ng mga bato,+

Tirahan ng mga chakal,+

Isang bagay na nakapangingilabot at sinisipulan,

At walang nakatira.+

38 Magkakasama silang uungal na gaya ng leon.

Uungol silang gaya ng mga anak ng leon.”

39 “Kapag nag-iinit ang damdamin nila, maghahanda ako ng piging para sa kanila at lalasingin ko sila,

Para magsaya sila;+

Pagkatapos, matutulog sila nang walang hanggan

At hindi na magigising,”+ ang sabi ni Jehova.

40 “Pupuksain ko silang gaya ng mga korderong* kakatayin,

Gaya ng mga barakong tupa kasama ng mga kambing.”

41 “Nabihag ang Sesac,*+

At nasakop ang lunsod na pinupuri* ng buong lupa!+

Ang Babilonya ay naging nakapangingilabot sa gitna ng mga bansa!

42 Naapawan ng dagat ang Babilonya.

Natakpan siya sa dami ng alon nito.

43 Ang mga lunsod niya ay naging nakapangingilabot, isang lupaing walang tubig at isang disyerto.

Isang lupaing hindi titirhan at hindi dadaanan ninuman.+

44 Babalingan ko si Bel+ sa Babilonya,

At dudukutin ko sa bibig niya ang nilulon niya.+

Hindi na huhugos sa kaniya ang mga bansa,

At ang pader ng Babilonya ay babagsak.+

45 Lumabas kayo sa kaniya, bayan ko!+

Iligtas ninyo ang buhay ninyo+ mula sa nag-aapoy na galit ni Jehova!+

46 Huwag kayong panghinaan ng loob o matakot dahil sa ulat na maririnig sa lupain.

Sa isang taon ay darating ang ulat,

At sa kasunod na taon ay isa pang ulat,

Tungkol sa karahasan sa lupain at sa tagapamahala na laban sa isa pang tagapamahala.

47 Kaya darating ang panahon

Na babalingan ko ang mga inukit na imahen ng Babilonya.

Ang buong lupain niya ay mapapahiya,

At ang lahat ng napatay sa kaniya ay babagsak sa gitna niya.+

48 Ang langit at ang lupa at ang lahat ng naroon

Ay hihiyaw sa kagalakan dahil sa Babilonya,+

Dahil ang mga tagapuksa mula sa hilaga ay darating sa kaniya,”+ ang sabi ni Jehova.

49 “Hindi lang ang mga Israelita ang pinabagsak ng Babilonya;+

Ang lahat ng tagaibang bansa ay pinabagsak din sa Babilonya.

50 Kayong mga nakatakas sa espada, patuloy kayong tumakas, huwag kayong tumigil!+

Alalahanin ninyo si Jehova mula sa malayo,

At maalaala nawa ninyo ang Jerusalem.”+

51 “Napahiya kami, dahil nakarinig kami ng panunuya.

Napuno ng kahihiyan ang aming mga mukha,

Dahil sinalakay ng mga dayuhan* ang mga banal na lugar sa bahay ni Jehova.”+

52 “Kaya darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova,

“Na babalingan ko ang kaniyang mga inukit na imahen,

At sa buong lupain niya ay daraing ang mga nasugatan.”+

53 “Kahit umakyat pa sa langit ang Babilonya,+

Kahit pa patibayin niya ang matataas niyang tanggulan,

Sasalakayin siya ng mga tagapuksa na galing sa akin,”+ ang sabi ni Jehova.

54 “Makinig kayo! May humihiyaw mula sa Babilonya,+

Ang ingay ng malaking kapahamakan mula sa lupain ng mga Caldeo,+

55 Dahil winawasak ni Jehova ang Babilonya,

Patatahimikin niya ang malakas na tinig nito,

At ang mga alon nila ay huhugong na gaya ng maraming tubig.

Maririnig ang tinig nila.

56 Dahil darating sa Babilonya ang tagapuksa;+

Ang mga mandirigma niya ay mabibihag,+

Masisira ang mga pana nila,

Dahil si Jehova ay Diyos ng paghihiganti.+

Siguradong pagbabayarin niya sila.+

57 Lalasingin ko ang kaniyang matataas na opisyal at marurunong na tao,+

Ang kaniyang mga gobernador at mga kinatawang opisyal at mga mandirigma,

At matutulog sila nang walang hanggan

At hindi na magigising,”+ ang sabi ng Hari, na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo.

58 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:

“Ang pader ng Babilonya, kahit na malapad ito, ay gigibain,+

At ang mga pintuang-daan niya, kahit na matataas, ay susunugin.

Mawawalan ng saysay ang pagsisikap ng mga bayan;

Ang pinagpapaguran ng mga bansa ay mauuwi lang sa apoy.”+

59 Ito ang salita na iniutos ng propetang si Jeremias kay Seraias na anak ni Nerias+ na anak ni Maseias noong pumunta ito sa Babilonya kasama ni Haring Zedekias ng Juda nang ikaapat na taon ng paghahari niya; si Seraias ang pinunong tagapangasiwa. 60 Isinulat ni Jeremias sa isang aklat ang lahat ng kapahamakang darating sa Babilonya, ang lahat ng salitang ito laban sa Babilonya. 61 Bukod diyan, sinabi ni Jeremias kay Seraias: “Pagdating mo sa Babilonya at makita mo siya, basahin mo nang malakas ang lahat ng salitang ito. 62 At sabihin mo, ‘O Jehova, sinabi mo laban sa lugar na ito na lilipulin ito at hindi na titirhan ng tao o ng hayop at na magiging tiwangwang siya magpakailanman.’+ 63 At pagkatapos mong basahin ang aklat na ito, magtali ka rito ng isang bato at ihagis mo ito sa gitna ng Eufrates. 64 At sabihin mo, ‘Ganiyan lulubog ang Babilonya at hindi na muling lilitaw+ dahil sa kapahamakang pasasapitin ko sa kaniya; at sila ay mapapagod.’”+

Dito natatapos ang mga salita ni Jeremias.

52 Si Zedekias+ ay 21 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya nang 11 taon sa Jerusalem. Ang kaniyang ina ay si Hamutal+ na anak ni Jeremias ng Libna. 2 Patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova; tinularan niya ang lahat ng ginawa ni Jehoiakim.+ 3 Dahil sa galit, hinayaan ni Jehova na mangyari sa Jerusalem at sa Juda ang mga bagay na ito hanggang sa mapalayas niya sila sa harapan niya.+ At si Zedekias ay naghimagsik sa hari ng Babilonya.+ 4 Nang ikasiyam na taon ng paghahari ni Zedekias, noong ika-10 araw ng ika-10 buwan, lumusob sa Jerusalem si Haring Nabucodonosor* ng Babilonya kasama ang kaniyang buong hukbo. Nagkampo sila at nagtayo ng pader na pangubkob sa palibot nito.+ 5 Pinalibutan nila ang lunsod hanggang sa ika-11 taon ni Haring Zedekias.

6 Noong ikasiyam na araw ng ikaapat na buwan,+ matindi na ang taggutom sa lunsod, at wala nang makain ang mga tao.+ 7 Di-nagtagal, nabutas at napasok ang pader ng lunsod, at tumakas ang lahat ng sundalo mula sa lunsod noong gabi; dumaan sila sa pintuang-daan sa pagitan ng dalawang pader malapit sa hardin ng hari habang ang mga Caldeo ay nakapalibot sa lunsod; at nagpatuloy sila sa daan ng Araba.+ 8 Pero ang hari ay hinabol ng hukbo ng mga Caldeo, at naabutan nila si Zedekias+ sa mga tigang na kapatagan ng Jerico. Nahiwalay siya sa hukbo niya at nagkawatak-watak ang mga ito. 9 Hinuli nila ang hari at dinala siya sa hari ng Babilonya sa Ribla, sa lupain ng Hamat, at hinatulan siya nito. 10 At pinatay ng hari ng Babilonya ang mga anak ni Zedekias sa harap niya, at pinatay rin nito sa Ribla ang lahat ng matataas na opisyal ng Juda. 11 Pagkatapos, binulag ng hari ng Babilonya si Zedekias,+ iginapos siya ng kadenang tanso, dinala sa Babilonya, at ikinulong hanggang sa araw na mamatay siya.

12 Noong ika-10 araw ng ikalimang buwan, nang ika-19 na taon ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, pumasok sa Jerusalem si Nebuzaradan na pinuno ng mga bantay at isang lingkod ng hari ng Babilonya.+ 13 Sinunog niya ang bahay ni Jehova,+ ang bahay* ng hari, at ang lahat ng bahay sa Jerusalem; sinunog din niya ang lahat ng malalaking bahay. 14 At ang mga pader sa palibot ng Jerusalem ay giniba ng buong hukbo ng mga Caldeo na kasama ng pinuno ng mga bantay.+

15 Ipinatapon ni Nebuzaradan na pinuno ng mga bantay ang ilan sa mga hamak sa bayan at ang lahat ng natira sa lunsod. Kinuha rin niya ang mga kumampi sa hari ng Babilonya pati ang lahat ng bihasang manggagawa.+ 16 Pero iniwan ni Nebuzaradan na pinuno ng mga bantay ang ilan sa pinakamahihirap sa lupain para maging mga tagapag-alaga ng ubasan at sapilitang trabahador.+

17 At pinagputol-putol ng mga Caldeo ang mga haliging tanso+ sa bahay ni Jehova at ang mga patungang de-gulong+ at ang malaking tipunan ng tubig na yari sa tanso+ na nasa bahay ni Jehova, at dinala nila sa Babilonya ang lahat ng tanso.+ 18 Kinuha rin nila ang mga lalagyan ng abo, mga pala, mga pamatay ng apoy, mga mangkok,+ mga kopa,+ at ang lahat ng kagamitang tanso na ginagamit sa paglilingkod sa templo. 19 Kinuha ng pinuno ng mga bantay ang mga tipunan ng tubig,+ mga lalagyan ng baga, mga mangkok, mga lalagyan ng abo, mga kandelero,+ mga kopa, at mga mangkok na yari sa tunay na ginto at pilak.+ 20 Hindi matimbang sa dami ang tanso mula sa dalawang haligi, sa malaking tipunan ng tubig at 12 tansong toro+ sa ilalim nito, at sa mga patungang de-gulong na ginawa ni Solomon para sa bahay ni Jehova.

21 Tungkol sa mga haligi, ang bawat isa ay 18 siko* ang taas, at mapaiikutan ito ng isang pisi na 12 siko ang haba;+ ang kapal nito ay apat na sinlapad-ng-daliri,* at walang laman ang loob nito. 22 At yari sa tanso ang kapital na nasa ibabaw nito; limang siko ang taas ng isang kapital,+ at gawa sa tanso ang lambat at mga palamuting granada* sa palibot ng kapital. Ganiyan din ang ikalawang haligi at ang mga palamuti nitong granada. 23 May 96 na granada sa palibot nito; lahat-lahat ay may 100 granada sa palibot ng lambat.+

24 Kinuha rin ng pinuno ng mga bantay ang punong saserdote na si Seraias,+ ang pangalawang saserdote na si Zefanias,+ at ang tatlong bantay sa pinto.+ 25 At kinuha niya sa lunsod ang isang opisyal ng palasyo na namamahala sa mga sundalo, ang pitong tagapayong malapít sa hari na nakita sa lunsod, pati ang kalihim ng pinuno ng hukbo, na tagatipon sa mga tao, at ang 60 karaniwang tao na nasa lunsod pa. 26 Kinuha sila ni Nebuzaradan na pinuno ng mga bantay at dinala sila sa hari ng Babilonya sa Ribla. 27 Pinatay sila ng hari ng Babilonya sa Ribla+ sa lupain ng Hamat. Sa gayon, napalayas ang mga taga-Juda mula sa lupain nila at naipatapon.+

28 Ito ang mga ipinatapon ni Nabucodonosor:* noong ikapitong taon, 3,023 Judio.+

29 Noong ika-18 taon ni Nabucodonosor,*+ 832 tao ang kinuha sa Jerusalem.

30 Noong ika-23 taon ni Nabucodonosor,* ipinatapon ni Nebuzaradan na pinuno ng mga bantay ang 745 Judio.+

Lahat-lahat, 4,600 tao ang ipinatapon.

31 At nang ika-37 taon ng pagkatapon ni Haring Jehoiakin+ ng Juda, noong ika-25 araw ng ika-12 buwan, si Haring Jehoiakin ng Juda ay pinalaya ni Haring Evil-merodac ng Babilonya noong taóng maging hari ito at inilabas siya nito sa bilangguan.+ 32 Naging mabait ito sa kaniya at ginawa nitong mas mataas ang trono niya kaysa sa mga trono ng iba pang mga hari na kasama niya sa Babilonya. 33 Kaya hinubad ni Jehoiakin ang damit niyang pambilanggo, at lagi na siyang kasalo ng hari sa pagkain habang nabubuhay siya. 34 Regular siyang binibigyan ng pagkain ng hari ng Babilonya, araw-araw, habang nabubuhay siya, hanggang sa araw na mamatay siya.

Posibleng ang ibig sabihin ay “Nagtataas si Jehova.”

O “pinili.”

Lit., “lumabas sa sinapupunan.”

O “ibinukod.”

O “Soberanong.”

Lit., “mukha nila.”

Lit., “ng gumigising.”

O “lutuan na maluwang ang bibig.”

Lit., “lutuan na hinihipan,” na nagpapahiwatig na hinihipan ang apoy sa ilalim nito.

Lit., “bigkisan mo ang balakang mo.”

O “nakukutaang.”

O “tapat na pag-ibig.”

O “mga isla ng Kitim.”

O “umuka,” malamang na sa bato.

O “Memfis.”

Sanga ng Ilog Nilo.

Eufrates.

Sa Ingles, alkali.

O “sabon.”

Lit., “buwan.”

O “diyos ng mga banyaga.”

O “kaniyang pahang pangkasal?”

Lit., “ng Arabe.”

Lit., “Mayroon kang noo ng.”

O “diyos ng mga banyaga.”

O posibleng “naging asawa.”

Lit., “mana ng mga hukbo ng mga bansa.”

Lit., “kasama.”

O “diyos.”

O “nakukutaang.”

O “posteng pananda.”

O “palumpong.”

O “Suntukin ninyo ang dibdib ninyo.”

Ang “anak na babae ng bayan ko” ay makatang pananalita na malamang na nagpapahayag ng awa o simpatiya.

O “karo.”

Mga nagbabantay sa lunsod para malaman kung kailan sasalakay.

Ang pagrerebelde.

Lit., “Mga bituka ko!”

O posibleng “sigaw ng pakikipagdigma.”

O “posteng pananda.”

O “hindi ko ito ikalulungkot.”

O “plaza.”

Lit., “hindi sila nanghina.”

O “mabangis na aso.”

O posibleng “Hindi siya umiiral.”

Ang salita ng Diyos.

O “nakukutaang.”

Lit., “kayong bayan na mangmang at walang puso.”

Lit., “Magpabanal kayo ng.”

O “sariwa.”

O “sariwa.”

Lit., “Di-tuli.”

O “bali.”

O “tagubilin.”

Maikling sibat.

Lit., “hapdi.”

Si Jeremias.

Mekanismong panghihip ng hangin na ginagamit ng tagapagdalisay ng metal para patuloy na mag-alab ang baga.

Lit., “Ito ang mga,” na tumutukoy sa lahat ng gusali sa bakuran ng templo.

O “batang walang ama.”

O “mula sa panahong walang pasimula hanggang sa panahong walang wakas.”

O “gumawa ng haing usok.”

Lit., “na bumabangon nang maaga at nagsasalita.”

Tawag sa isang diyosa na sinasamba ng apostatang mga Israelita; posibleng isang diyosa ng pag-aanak.

O “ginagalit.”

O “panukala.”

Lit., “na bumabangon nang maaga araw-araw at nagsusugo.”

Lit., “pinatigas nila ang leeg nila.”

Lit., “at pinutol mula sa bibig nila.”

O “inialay na.”

Tingnan sa Glosari, “Gehenna.”

O “hindi man lang pumasok sa puso ko.”

Tingnan sa Glosari, “Gehenna.”

Sa Ingles, stork.

O “takdang panahon.”

O posibleng “tagak,” na sa Ingles ay crane.

O “paglalakbay.”

O “tagubilin.”

O “huwad.”

O “kalihim.”

O “bali.”

O “nakukutaang.”

O “nakagiginhawang pamahid.”

O “manggagamot.”

Lit., “pagtambang.”

O “tagubilin.”

O “plaza.”

O “kulay-ubeng.” Tingnan sa Glosari.

Ang tal. 11 ay unang isinulat sa wikang Aramaiko.

O “singaw.”

O posibleng “agusan.”

Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”

Lit., “Bahagi.”

O “Patatalsikin.”

O “bali.”

O “gabayan; kontrolin.”

Malamang na si Jeremias.

O “Mangyari nawa.”

Lit., “bumabangon ako nang maaga at sinasabihan sila.”

O “ginagawan nila ng mga haing usok.”

O “diyos.”

Si Jeremias.

Mga handog sa templo.

Ang Juda.

O “batang tupa.”

O “ang kaibuturan ng damdamin.” Lit., “ang mga bato.”

Lit., “iyo.”

Lit., “sa mga bato,” sa kaloob-looban ng isip at puso.

Mga halaman at maliliit na puno.

O “na batik-batik.”

O posibleng “nagdadalamhati.”

Lit., “anumang laman.”

O “pinalibutan ng mga kaaway.”

O “Etiope.”

O “mga hukay.”

Tingnan sa Glosari, “Pag-aayuno.”

O “sakit.”

O posibleng “apat na uri ng hatol.” Lit., “apat na pamilya.”

O posibleng “Patuloy kang lumalakad nang paatras.”

O “malungkot.”

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

O posibleng “Ang araw niya ay labis na napahiya.”

Lit., “Huwag mo akong kunin.”

O “mensahe ng pagtuligsa.”

O “magiging tagapagsalita ko.”

Paganong kaugalian ng pagdadalamhati na malamang na ginagawa ng apostatang Israel.

Lit., “landasin.”

Tingnan sa Glosari.

O posibleng “Dahil nagliyab kayong gaya ng apoy dahil sa galit ko.”

O “malakas na lalaki.”

Lit., “Na laman ang ginagawang bisig.”

O “malakas na lalaking.”

O “mapanganib.” O posibleng “walang lunas.”

O “sa kaibuturan ng damdamin.” Lit., “sa mga bato.”

Ibon na parang manok.

O “nang hindi makatarungan.”

Lit., “sa akin,” na malamang na tumutukoy kay Jehova.

O “puksain nang dalawang beses.”

Lit., “at pinatigas nila ang leeg nila.”

O “pinuno.”

O “pinuno.”

O “timog.”

O “ikalulungkot ko ang.”

O “ikalulungkot ko ang.”

Lit., “binubuo.”

O “gumagawa sila ng mga haing usok.”

O “hindi pa nagagawa.”

O “tagubilin.”

Lit., “mangingilabot ang mga tainga ng.”

O “hindi man lang pumasok sa puso ko.”

O “bakuran.”

Lit., “pinatigas nila ang mga leeg nila.”

O “ang kaibuturan ng damdamin.” Lit., “ang mga bato.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “Babaligtarin ko.”

Lit., “unat.”

O “sakit.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “at makatatakas siya nang buháy.”

O “mababang kapatagan.”

O “palasyo.”

O “ang ulila.”

Lit., “magpapabanal.”

Tinatawag ding Jehoahaz.

Tinatawag ding Jehoiakin at Jeconias.

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “lupain.”

Lit., “sa mga araw niya.”

O “tagapagmana.”

O “apostata.”

O “pagpaparusa.”

Lit., “kamay.”

O “Pinaaasa lang.”

O “mabigat na mensahe.” Ang salitang Hebreo ay may dalawang kahulugan: “mabigat na kapahayagan mula sa Diyos” o “isang bagay na pabigat.”

O “mabigat na mensahe.”

O “mabigat na mensahe.”

O “mabigat na mensahe.”

O “mabigat na mensahe.”

O “mabigat na mensahe.”

O “mabigat na mensahe.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

Tinatawag ding Jehoiakin at Conias.

O posibleng “tagapagtayo ng mga balwarte.”

O “sakit.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “sinabi ng propetang si Jeremias sa.”

Lit., “na bumabangon nang maaga at nagsasalita.”

Lit., “na bumabangon nang maaga at nagsusugo.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “paparusahan.”

Lumilitaw na isa itong lihim na katawagan para sa Babel (Babilonya).

Lit., “laman.”

O “bakuran.”

O “at magsalita ka sa.”

O “yumukod.”

O “at ikalulungkot ko.”

O “tagubilin.”

Lit., “at bumabangon ako nang maaga at nagsusugo.”

O “palasyo.”

O “at ikalulungkot.”

O “templo.”

O “gaya ng magubat na bundok.”

Lit., “at pinalambot niya ang mukha ni Jehova.”

O “kaya ikinalungkot.”

Lit., “sa sinumang tama sa paningin ko.”

O “sakit.”

O “manggagaway.” Tingnan sa Glosari, “Panggagaway.”

Lit., “magpahinga.”

O “palasyo.”

Malaking tipunan ng tubig na yari sa tanso at nasa templo.

O “palasyo.”

Lit., “taon ng mga araw.”

O “Mangyari nawa!”

O “sakit.”

O posibleng “tagapagtayo ng mga balwarte.”

O “sakit.”

O posibleng “pumutok.”

Lit., “bumabangon ako nang maaga at nagsusugo.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “bakal na ipitan ng leeg.”

O “balakang.”

Lit., “dakila.”

Lit., “gapos.”

O “sila.”

O “banyaga.”

O “itutuwid.”

O posibleng “Gagawin ko silang kagalang-galang.”

Lit., “ang magbibigay ng puso niya bilang panagot para.”

O “Kaya patuloy akong nagpakita sa iyo ng tapat na pag-ibig.”

O “makikisayaw ka sa mga nagkakasayahan.”

O “sa mga wadi.”

O “babawiin.”

O “sa mabubuting bagay mula kay.”

Lit., “ng katabaan.”

O “batang baka.”

Lit., “naliligalig ang bituka ko.”

O “supling.”

Lit., “pumurol.”

O posibleng “ang asawa.”

O “mababang kapatagan.”

Abo na nahaluan ng nagmantikang taba ng mga handog.

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “palasyo.”

Tiyuhin sa ama.

Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.

O “sakit.”

Lit., “ng lahat ng laman.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

Lit., “na bumabangon nang maaga at nagtuturo.”

Tingnan sa Glosari, “Gehenna.”

O “hindi man lang pumasok sa puso ko.”

O “mabubuting bagay.”

O “tagapagmana.”

Lit., “ang binhi.”

Lit., “ang binhi.”

Lit., “ang binhi.”

Lit., “sa binhi.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “nakukutaang.”

Lit., “sa bahay ng mga alipin.”

O “sakit.”

O “batang baka.”

O “silid.”

Lit., “Jonadab,” pinaikling Jehonadab.

Lit., “Jonadab,” pinaikling Jehonadab.

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

Lit., “na bumabangon nang maaga at nagsasalita.”

Lit., “na bumabangon nang maaga at isinusugo sila.”

Lit., “Jonadab,” pinaikling Jehonadab.

Lit., “balumbon ng aklat.”

Lit., “balumbon ng aklat.”

O “aklat.”

O “aklat.”

O “silid-kainan.”

O “eskribang.”

O “aklat.”

O “palasyo.”

O “aklat.”

O “aklat.”

Kalagitnaan ng Nobyembre hanggang kalagitnaan ng Disyembre. Tingnan ang Ap. B15.

O “brasero.”

Lit., “ang binhi.”

O “aklat.”

Tinatawag ding Jehoiakin at Jeconias.

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

Lit., “sa bahay ng imbakan ng tubig.”

O “palasyo.”

O “sakit.”

Lit., “lalabas.”

O “makatatakas siya nang buháy.”

Lit., “mga kamay.”

Lit., “bating.” Tingnan sa Glosari.

O “palasyo.”

O “palasyo.”

O “palasyo.”

Lit., “lalabas.”

Lit., “lalabas.”

Lit., “lalabas.”

O “palasyo.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “Nergal-sarezer, Samgar-nebo, Sarsekim, Rabsaris,” ayon sa ibang hati ng mga salita sa Hebreo.

O “punong mahiko (astrologo).”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “palasyo.”

O posibleng “at sapilitang pinagtrabaho.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “punong opisyal ng palasyo.”

O “punong mahiko (astrologo).”

O “Makatatakas ka nang buháy.”

Lit., “para tumayo sa harap ng.”

Lit., “sa binhi ng kaharian.”

O posibleng “ng malaking imbakan ng tubig.”

O “pansamantalang manirahan.”

O “sakit.”

Bloke na ginagamit sa pagtatayo; gawa sa pinatigas na putik.

Inilalagay sa pagitan ng mga laryo o mga bato para magdikit ang mga ito o ginagamit na pampalitada.

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “templo.”

O “at aalis siya roon nang walang pinsala.”

O “obelisko.”

O “Bahay (Templo) ng Araw,” ang Heliopolis.

O “templo.”

O “Memfis.”

Lit., “na bumabangon nang maaga at nagsusugo.”

O “nababagbag.”

O “sakit.”

Tawag sa isang diyosa na sinasamba ng apostatang mga Israelita; posibleng isang diyosa ng pag-aanak.

Tawag sa isang diyosa na sinasamba ng apostatang mga Israelita; posibleng isang diyosa ng pag-aanak.

Tawag sa isang diyosa na sinasamba ng apostatang mga Israelita; posibleng isang diyosa ng pag-aanak.

Tawag sa isang diyosa na sinasamba ng apostatang mga Israelita; posibleng isang diyosa ng pag-aanak.

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

Lit., “wala akong makitang pahingahan.”

O “umaasa.”

Lit., “laman.”

O “patatakasin kita nang buháy.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

Maliit na kalasag na karaniwang dala ng mga mamamanà.

Kasuotang pandigma na pamprotekta sa dibdib at likod.

Lit., “tumatapak.”

O “ay manlilipol.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “Memfis.”

Lit., “takdang panahon.”

Ang sasakop sa Ehipto.

O “Memfis.”

O posibleng “Magiging tiwangwang.”

O “batang baka.”

O “nangunguha ng kahoy.”

Thebes.

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

Lit., “ang binhi.”

O “itutuwid.”

Creta.

Aahitan nila ang ulo nila dahil sa pagdadalamhati at kahihiyan.

O “mababang kapatagan.”

O “Ang mataas at ligtas na lugar.”

O “mababang kapatagan.”

O “ang talampas.”

O posibleng “umupo ka sa tuyong lupa.”

O “sa talampas.”

Lit., “sungay.”

O “tatapak.”

O “mag-iingay.”

Plawtang pinatutugtog sa pagdadalamhati sa libing.

O “mag-iingay.”

Plawtang pinatutugtog sa pagdadalamhati sa libing.

O “plaza.”

O posibleng “ng sigaw ng pakikipagdigma.”

O “ang mga nayong nakadepende sa kaniya.”

O “mga kural ng tupa.”

O “mababang kapatagan.”

Lit., “inaagusan.”

Mga halaman at maliliit na puno.

O “kalooban.”

O “plaza.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

Lit., “hangin.”

Lit., “pasimula.”

O “posteng pananda.”

Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.

Lit., “tumatapak.”

Lit., “Ibinigay na niya ang kamay niya.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “italaga mo sila sa pagkapuksa.”

O “Italaga mo siya sa pagkapuksa.”

Lit., “tumatapak.”

O “plaza.”

Lit., “patatahimikin.”

O “sa huwad na mga propeta.”

Sa Ingles, ostrich.

Maikling sibat.

Mga halaman at maliliit na puno.

O “kalooban.”

Lumilitaw na isa itong lihim na katawagan para sa Caldea.

Lit., “tapakan.”

Kasuotang pandigma na pamprotekta sa dibdib at likod.

Lupain ng mga Caldeo.

O posibleng “punuin ninyo ang mga lalagyan ng palaso.”

O “posteng pananda.”

Lit., “sukat.”

O “singaw.”

O posibleng “agusan.”

Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”

Lit., “Bahagi.”

O posibleng “Ang gumawa maging ng baston ng mana niya.”

O “posteng pananda.”

Lit., “Pabanalin.”

Lit., “Pabanalin.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “Inalis niya ako sa pamamagitan ng tubig.”

O “batang tupang.”

Lumilitaw na isa itong lihim na katawagan para sa Babel (Babilonya).

Lit., “ang Kapurihan.”

O “estranghero.”

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

O “palasyo.”

Ang isang siko ay 44.5 cm (17.5 in). Tingnan ang Ap. B14.

Ang isang sinlapad-ng-daliri ay 1.85 cm (0.73 in). Tingnan ang Ap. B14.

Tingnan sa Glosari.

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share