UNANG CRONICA
5 Ang mga anak ni Japet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal,+ Mesec,+ at Tiras.+
6 Ang mga anak ni Gomer ay sina Askenaz, Ripat, at Togarma.+
7 Ang mga anak ni Javan ay sina Elisa, Tarsis, Kitim, at Rodanim.
8 Ang mga anak ni Ham ay sina Cus,+ Mizraim, Put, at Canaan.+
9 Ang mga anak ni Cus ay sina Seba,+ Havila, Sabta, Raama,+ at Sabteca.
Ang mga anak ni Raama ay sina Sheba at Dedan.+
10 Naging anak ni Cus si Nimrod.+ Siya ang unang tao na naging makapangyarihan sa lupa.
11 Naging anak ni Mizraim sina Ludim,+ Anamim, Lehabim, Naptuhim,+ 12 Patrusim,+ Casluhim (ang ninuno ng mga Filisteo),+ at Captorim.+
13 Naging anak ni Canaan si Sidon,+ na panganay niya, at si Het;+ 14 siya rin ang ninuno ng mga Jebusita,+ Amorita,+ Girgasita,+ 15 Hivita,+ Arkeo, Sinita, 16 Arvadita,+ Zemarita, at Hamateo.
18 Naging anak ni Arpacsad si Shela,+ at naging anak ni Shela si Eber.
19 Nagkaroon si Eber ng dalawang anak na lalaki. Ang pangalan ng isa ay Peleg,*+ dahil nagkabaha-bahagi ang lupa* noong panahon niya. Ang pangalan ng isa pa ay Joktan.
20 Naging anak ni Joktan sina Almodad, Selep, Hazarmavet, Jera,+ 21 Hadoram, Uzal, Dikla, 22 Obal, Abimael, Sheba, 23 Opir,+ Havila,+ at Jobab; silang lahat ang anak na lalaki ni Joktan.
28 Ang mga anak ni Abraham ay sina Isaac+ at Ismael.+
29 Ito ang mga inapo nila: ang panganay ni Ismael ay si Nebaiot,+ at sumunod sina Kedar,+ Adbeel, Mibsam,+ 30 Misma, Duma, Masa, Hadad, Tema, 31 Jetur, Napis, at Kedema. Ito ang mga anak ni Ismael.
32 Ang mga anak ni Ketura,+ na pangalawahing asawa ni Abraham, ay sina Zimran, Joksan, Medan, Midian,+ Isbak, at Shuah.+
Ang mga anak ni Joksan ay sina Sheba at Dedan.+
33 Ang mga anak ni Midian ay sina Epa,+ Eper, Hanok, Abida, at Eldaa.
Ang lahat ng ito ang mga anak ni Ketura.
34 Naging anak ni Abraham si Isaac.+ Ang mga anak ni Isaac ay sina Esau+ at Israel.+
35 Ang mga anak ni Esau ay sina Elipaz, Reuel, Jeus, Jalam, at Kora.+
36 Ang mga anak ni Elipaz ay sina Teman,+ Omar, Zepo, Gatam, Kenaz, Timna, at Amalek.+
37 Ang mga anak ni Reuel ay sina Nahat, Zera, Shamah, at Miza.+
38 Ang mga anak ni Seir+ ay sina Lotan, Sobal, Zibeon, Anah, Dison, Ezer, at Disan.+
39 Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Homam. Ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.+
40 Ang mga anak ni Sobal ay sina Alvan, Manahat, Ebal, Sepo, at Onam.
Ang mga anak ni Zibeon ay sina Aias at Anah.+
41 Ang anak* ni Anah ay si Dison.
Ang mga anak ni Dison ay sina Hemdan, Esban, Itran, at Keran.+
42 Ang mga anak ni Ezer+ ay sina Bilhan, Zaavan, at Akan.
Ang mga anak ni Disan ay sina Uz at Aran.+
43 Ito ang mga haring namahala sa lupain ng Edom+ bago nagkaroon ng hari ang mga Israelita:+ si Bela na anak ni Beor; ang pangalan ng lunsod niya ay Dinhaba. 44 Nang mamatay si Bela, si Jobab na anak ni Zera na mula sa Bozra+ ang namahala kapalit niya. 45 Nang mamatay si Jobab, si Husam na mula sa lupain ng mga Temanita ang namahala kapalit niya. 46 Nang mamatay si Husam, ang anak ni Bedad na si Hadad, na tumalo sa Midian sa teritoryo ng Moab, ang namahala kapalit niya. Ang pangalan ng lunsod niya ay Avit. 47 Nang mamatay si Hadad, si Samla na mula sa Masreka ang namahala kapalit niya. 48 Nang mamatay si Samla, si Shaul na mula sa Rehobot na nasa tabi ng Ilog ang namahala kapalit niya. 49 Nang mamatay si Shaul, si Baal-hanan na anak ni Acbor ang namahala kapalit niya. 50 Nang mamatay si Baal-hanan, si Hadad ang namahala kapalit niya. Ang pangalan ng lunsod niya ay Pau, at ang asawa niya ay si Mehetabel na anak na babae ni Matred na anak na babae ni Mezahab. 51 Pagkatapos, namatay si Hadad.
Ang mga shik* ng Edom ay sina Shik Timna, Shik Alva, Shik Jetet,+ 52 Shik Oholibama, Shik Elah, Shik Pinon, 53 Shik Kenaz, Shik Teman, Shik Mibzar, 54 Shik Magdiel, Shik Iram. Ito ang mga shik ng Edom.
2 Ito ang mga anak ni Israel:+ sina Ruben,+ Simeon,+ Levi,+ Juda,+ Isacar,+ Zebulon,+ 2 Dan,+ Jose,+ Benjamin,+ Neptali,+ Gad,+ at Aser.+
3 Ang mga anak ni Juda ay sina Er, Onan, at Shela. Ang tatlong ito ay anak niya sa Canaanita, na anak na babae ni Shua.+ Pero si Er, na panganay ni Juda, ay gumawa ng masama sa paningin ni Jehova, kaya pinatay Niya siya.+ 4 Naging anak ni Juda kay Tamar,+ na manugang niya, sina Perez+ at Zera. Lima lahat ang anak ni Juda.
5 Ang mga anak ni Perez ay sina Hezron at Hamul.+
6 Ang mga anak ni Zera ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol, at Dara. Lima silang lahat.
7 Ang anak* ni Carmi ay si Acar,* na nagdala ng kapahamakan sa Israel+ at hindi naging tapat may kinalaman sa mga bagay na dapat wasakin.+
8 Ang anak* ni Etan ay si Azarias.
9 Ang mga anak ni Hezron ay sina Jerameel,+ Ram,+ at Kelubai.*
10 Naging anak ni Ram si Aminadab.+ Naging anak ni Aminadab si Nason+ na pinuno ng mga inapo ni Juda. 11 Naging anak ni Nason si Salma.+ Naging anak ni Salma si Boaz.+ 12 Naging anak ni Boaz si Obed. Naging anak ni Obed si Jesse.+ 13 Naging anak ni Jesse si Eliab, ang panganay; si Abinadab,+ ang ikalawa; si Simea, ang ikatlo;+ 14 si Netanel, ang ikaapat; si Radai, ang ikalima; 15 si Ozem, ang ikaanim; at si David,+ ang ikapito. 16 Ang mga kapatid nilang babae ay sina Zeruias at Abigail.+ Ang mga anak ni Zeruias ay sina Abisai,+ Joab,+ at Asahel,+ tatlo. 17 Isinilang ni Abigail si Amasa,+ at ang ama ni Amasa ay si Jeter na Ismaelita.
18 Si Caleb* na anak ni Hezron ay nagkaanak sa asawa niyang si Azuba at kay Jeriot; at ito ang mga anak niya: sina Jeser, Sobab, at Ardon. 19 Nang mamatay si Azuba, naging asawa ni Caleb si Eprat,+ at isinilang nito si Hur.+ 20 Naging anak ni Hur si Uri. Naging anak ni Uri si Bezalel.+
21 Pagkatapos, sumiping si Hezron sa anak na babae ni Makir+ na ama ni Gilead.+ Naging asawa niya ito nang siya ay 60 taóng gulang, at isinilang nito si Segub. 22 Naging anak ni Segub si Jair,+ na nagkaroon ng 23 lunsod sa Gilead.+ 23 Nang maglaon, ang Havot-jair+ ay kinuha sa kanila ng Gesur+ at Sirya,+ pati ang Kenat+ at ang katabing mga nayon nito,* 60 lunsod. Ang lahat ng ito ang mga inapo ni Makir na ama ni Gilead.
24 Pagkamatay ni Hezron+ sa Caleb-eprata, isinilang ni Abias na asawa ni Hezron ang anak nilang si Ashur,+ ang ama ng Tekoa.+
25 Ang mga anak ni Jerameel na panganay ni Hezron ay si Ram, ang panganay, at sina Buna, Oren, Ozem, at Ahias. 26 Si Jerameel ay may isa pang asawa, na ang pangalan ay Atara. Siya ang ina ni Onam. 27 Ang mga anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay sina Maaz, Jamin, at Eker. 28 Ang mga anak ni Onam ay sina Samai at Jada. Ang mga anak ni Samai ay sina Nadab at Abisur. 29 Ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail, at isinilang nito sina Aban at Molid. 30 Ang mga anak ni Nadab ay sina Seled at Apaim. Pero namatay si Seled nang walang anak. 31 Ang anak* ni Apaim ay si Isi. At ang anak* ni Isi ay si Sesan; at ang anak* ni Sesan ay si Alai. 32 Ang mga anak ni Jada na kapatid ni Samai ay sina Jeter at Jonatan. Pero namatay si Jeter nang walang anak. 33 Ang mga anak ni Jonatan ay sina Peleth at Zaza. Ito ang mga inapo ni Jerameel.
34 Walang anak na lalaki si Sesan, mga babae lang. Si Sesan ay may lingkod na Ehipsiyo na ang pangalan ay Jarha. 35 Ibinigay ni Sesan ang anak niyang babae sa lingkod niyang si Jarha bilang asawa, at isinilang nito si Atai. 36 Naging anak ni Atai si Natan. Naging anak ni Natan si Zabad. 37 Naging anak ni Zabad si Eplal. Naging anak ni Eplal si Obed. 38 Naging anak ni Obed si Jehu. Naging anak ni Jehu si Azarias. 39 Naging anak ni Azarias si Helez. Naging anak ni Helez si Eleasa. 40 Naging anak ni Eleasa si Sismai. Naging anak ni Sismai si Salum. 41 Naging anak ni Salum si Jekamias. Naging anak ni Jekamias si Elisama.
42 Ang mga anak ni Caleb*+ na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na kaniyang panganay, na ama ng Zip, at ang mga anak ni Maresa na ama ni Hebron. 43 Ang mga anak ni Hebron ay sina Kora, Tapua, Rekem, at Sema. 44 Naging anak ni Sema si Raham na ama ng Jorkeam. Naging anak ni Rekem si Samai. 45 Ang anak ni Samai ay si Maon. Si Maon ang ama ng* Bet-zur.+ 46 Isinilang ni Epa, pangalawahing asawa ni Caleb, sina Haran, Mosa, at Gazez. Naging anak ni Haran si Gazez. 47 Ang mga anak ni Jahdai ay sina Regem, Jotam, Gesan, Pelet, Epa, at Saap. 48 Isinilang ni Maaca, pangalawahing asawa ni Caleb, sina Seber at Tirhana. 49 Nang maglaon, isinilang din niya si Saap na ama ng* Madmana+ at si Seva na ama ng* Macbena at Gibea.+ Ang anak na babae ni Caleb+ ay si Acsa.+ 50 Ito ang mga inapo ni Caleb.
Ang mga anak ni Hur+ na panganay ni Eprata+ ay si Sobal na ama ng Kiriat-jearim,+ 51 si Salma na ama ng Betlehem,+ at si Harep na ama ng Bet-gader. 52 Si Sobal na ama ng Kiriat-jearim ay nagkaroon ng mga anak: si Haroe at ang kalahati ng mga Menuhot. 53 Ang mga pamilya sa Kiriat-jearim ay ang mga Itrita,+ Puteo, Sumateo, at ang mga Misraita. Sa kanila nagmula ang mga Zoratita+ at ang mga Estaolita.+ 54 Ang mga anak ni Salma ay ang Betlehem,+ ang mga Netopatita, ang Atrot-bet-joab, kalahati ng mga Manahatita, at ang mga Zorita. 55 Ang mga pamilya ng mga eskriba na nakatira sa Jabez ay ang mga Tirateo, Simeateo, at Sucateo. Ito ang mga Kenita+ na nagmula kay Hammat na ama ng sambahayan ni Recab.+
3 Ito ang mga naging anak ni David sa Hebron:+ ang panganay na si Amnon,+ na anak niya kay Ahinoam+ ng Jezreel; ang ikalawa, si Daniel, na anak niya kay Abigail+ na Carmelita; 2 ang ikatlo, si Absalom+ na anak ni Maaca na anak ni Talmai na hari ng Gesur; ang ikaapat, si Adonias+ na anak ni Hagit; 3 ang ikalima, si Sepatias, na anak niya kay Abital; ang ikaanim, si Itream, na anak ni David sa asawa niyang si Egla. 4 Ang anim na ito ang mga naging anak niya sa Hebron; namahala siya roon nang 7 taon at 6 na buwan, at namahala siya sa Jerusalem nang 33 taon.+
5 Ito ang mga naging anak niya sa Jerusalem:+ sina Simea, Sobab, Natan,+ at Solomon;+ ang ina ng apat na ito ay si Bat-sheba+ na anak ni Amiel. 6 At ang siyam na iba pang anak ay sina Ibhar, Elisama, Elipelet, 7 Noga, Nepeg, Japia, 8 Elisama, Eliada, at Elipelet. 9 Ang lahat ng ito ang mga anak ni David, bukod pa sa mga anak ng kaniyang mga pangalawahing asawa, at si Tamar+ ay kapatid nilang babae.
10 Ang anak ni Solomon ay si Rehoboam;+ anak nito si Abias,+ na ama ni Asa,+ na ama ni Jehosapat,+ 11 na ama ni Jehoram,+ na ama ni Ahazias,+ na ama ni Jehoas,+ 12 na ama ni Amazias,+ na ama ni Azarias,+ na ama ni Jotam,+ 13 na ama ni Ahaz,+ na ama ni Hezekias,+ na ama ni Manases,+ 14 na ama ni Amon,+ na ama ni Josias.+ 15 Ang mga anak ni Josias ay si Johanan, ang panganay; si Jehoiakim,+ ang ikalawa; si Zedekias,+ ang ikatlo; at si Salum, ang ikaapat. 16 Ang anak ni Jehoiakim ay si Jeconias,+ na ama ni Zedekias. 17 Ang mga naging anak ni Jeconias noong bilanggo siya ay sina Sealtiel, 18 Malkiram, Pedaias, Senazar, Jekamias, Hosama, at Nedabias. 19 Ang mga anak ni Pedaias ay sina Zerubabel+ at Simei; at ang mga anak ni Zerubabel ay sina Mesulam at Hananias (at si Selomit ay kapatid nilang babae); 20 at ang limang iba pang anak ay sina Hasuba, Ohel, Berekias, Hasadias, at Jusab-hesed. 21 At ang mga anak ni Hananias ay sina Pelatias at Jesaias; ang anak* ni Jesaias ay si Repaias; ang anak* ni Repaias ay si Arnan; ang anak* ni Arnan ay si Obadias; ang anak* ni Obadias ay si Secanias; 22 at ang mga anak ni Secanias ay si Semaias at ang mga anak ni Semaias: sina Hatus, Igal, Barias, Nearias, at Sapat—anim lahat. 23 At ang mga anak ni Nearias ay sina Elioenai, Hizkias, at Azrikam, tatlo. 24 At ang mga anak ni Elioenai ay sina Hodavias, Eliasib, Pelaias, Akub, Johanan, Delaias, at Anani, pito.
4 Ang mga anak ni Juda ay sina Perez,+ Hezron,+ Carmi, Hur,+ at Sobal.+ 2 Naging anak ni Reaias, na anak ni Sobal, si Jahat; naging anak ni Jahat sina Ahumai at Lahad. Ito ang mga pamilya ng mga Zoratita.+ 3 Ito ang mga anak ng ama ng Etam:+ sina Jezreel, Isma, at Idbas (at ang pangalan ng kapatid nilang babae ay Hazelelponi), 4 at si Penuel ang ama ni* Gedor, at si Ezer ang ama ni* Husa. Ito ang mga anak ni Hur,+ na panganay ni Eprata at ama ng Betlehem.+ 5 Si Ashur+ na ama ng Tekoa+ ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara. 6 Naging anak niya kay Naara sina Ahuzam, Heper, Temeni, at Haahastari. Ito ang mga anak ni Naara. 7 At ang mga anak ni Hela ay sina Zeret, Izhar, at Etnan. 8 Naging anak ni Koz sina Anub at Zobeba, at siya rin ang ninuno ng mga pamilya ni Aharhel na anak ni Harum.
9 Mas marangal si Jabez kaysa sa mga kapatid niya; Jabez* ang ipinangalan sa kaniya ng kaniyang ina dahil sinabi nito: “Isinilang ko siya nang may kirot.” 10 Tumawag si Jabez sa Diyos ng Israel: “Pagpalain mo nawa ako at palakihin mo ang aking teritoryo at tulungan mo ako at iligtas sa kapahamakan para walang mangyaring masama sa akin!” At ibinigay ng Diyos ang hiling niya.
11 Naging anak ni Kelub, na kapatid ni Suha, si Mehir, na ama ni Eston. 12 Naging anak ni Eston sina Bet-rapa,* Pasea, at Tehina, na ama ng Ir-nahas. Ito ang mga lalaki ng Reca. 13 At ang mga anak ni Kenaz ay sina Otniel+ at Seraias, at ang anak* ni Otniel ay si Hatat. 14 Naging anak ni Meonotai si Opra. Naging anak ni Seraias si Joab, na ama ng Ge-harasim;* ito ang tinawag dito dahil mga bihasang manggagawa ang naroon.
15 Ang mga anak ni Caleb+ na anak ni Jepune ay sina Iru, Elah, at Naam; at ang anak* ni Elah ay si Kenaz. 16 Ang mga anak ni Jehalelel ay sina Zip, Zipa, Tiria, at Asarel. 17 Ang mga anak ni Ezrah ay sina Jeter, Mered, Eper, at Jalon; isinilang ng asawa* niya sina Miriam, Samai, at Isba na ama ni* Estemoa. 18 (At isinilang ng asawa niyang Judio si Jered na ama ni Gedor, si Heber na ama ni* Soco, at si Jekutiel na ama ng Zanoa.) Ito ang mga anak ni Bitias na anak na babae ng Paraon, na napangasawa ni Mered.
19 Ito ang mga anak ni Hodias sa asawa niya na kapatid ni Naham: ang ama ni* Keila na Garmita at ang ama ni* Estemoa na Maacateo. 20 At ang mga anak ni Shimon ay sina Amnon, Rina, Ben-hanan, at Tilon. At ang mga anak ni Isi ay sina Zohet at Ben-zohet.
21 Ito ang mga anak ni Shela+ na anak ni Juda: si Er na ama ni* Leca, si Laada na ama ni Maresa, ang mga pamilya ng mga manggagawa ng magandang klase ng tela sa sambahayan ni Asbea, 22 si Jokim, ang mga lalaki ng Cozeba, si Joas, at si Sarap, na nagsipag-asawa ng mga babaeng Moabita, at si Jasubi-lehem. Ang talaang ito ay mula pa noong unang panahon.* 23 Sila ay mga magpapalayok na nakatira sa Netaim at Gedera. Nanirahan sila roon at nagtrabaho para sa hari.
24 Ang mga anak ni Simeon+ ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera, at Shaul.+ 25 Naging anak ni Shaul si Salum, na ama ni Mibsam, na ama ni Misma. 26 Ito ang angkan* ni Misma: ang anak niyang si Hamuel, na ama ni Zacur, na ama ni Simei. 27 At si Simei ay nagkaroon ng 16 na anak na lalaki at 6 na anak na babae; pero ang mga kapatid niya ay hindi nagkaroon ng maraming anak, at walang sinuman sa pamilya nila ang nagkaroon ng mga anak na sindami ng mga anak ni Juda.+ 28 Tumira sila sa Beer-sheba,+ Molada,+ Hazar-sual,+ 29 Bilha, Ezem,+ Tolad, 30 Betuel,+ Horma,+ Ziklag,+ 31 Bet-marcabot, Hazar-susim,+ Bet-biri, at Saaraim. Ito ang mga lunsod nila hanggang sa maghari si David.
32 Ang mga pamayanan nila ay sa Etam, Ain, Rimon, Token, at Asan,+ limang lunsod, 33 pati sa palibot ng mga lunsod na ito hanggang sa Baal. Ito ang mga pangalan na nasa mga talaangkanan nila pati na ang mga lugar na tinirhan nila. 34 Sina Mesobab, Jamlec, Josa na anak ni Amazias, 35 Joel, Jehu na anak ni Josibias na anak ni Seraias na anak ni Asiel, 36 at sina Elioenai, Jaakoba, Jesohaias, Asaias, Adiel, Jesimiel, Benaias, 37 at si Ziza, na anak ni Sipi, na anak ni Alon, na anak ni Jedaias, na anak ni Simri, na anak ni Semaias. 38 Ang mga nabanggit ay ang mga pinuno sa mga pamilya nila, at ang sambahayan ng mga ninuno nila ay lumaki. 39 At pumunta sila sa pasukan ng Gedor, sa silangan ng lambak, para maghanap ng pastulan para sa mga kawan nila. 40 At nakakita sila ng madamo at magandang mga pastulan, at ang lupain ay malawak, tahimik, at payapa. Ang dating nakatira doon ay ang mga Hamita.+ 41 Ang mga taong ito na nakatala ay dumating noong panahon ni Haring Hezekias+ ng Juda, at pinabagsak nila ang mga tolda ng mga Hamita at ng mga Meunim na naroon. Pinuksa nila ang mga ito at walang makikitang bakas ng mga ito hanggang ngayon; at sila ang nanirahan doon dahil may mga pastulan doon para sa mga kawan nila.
42 Ang ilan sa mga Simeonita, 500 lalaki, ay pumunta sa Bundok Seir,+ at pinangunahan sila nina Pelatias, Nearias, Repaias, at Uziel, na mga anak ni Isi. 43 At pinatay nila ang mga Amalekita+ na nakatakas, at naninirahan sila roon hanggang ngayon.
5 Ito ang mga anak ni Ruben+ na panganay ni Israel. Siya ang panganay, pero dahil dinungisan* niya ang higaan ng ama niya,+ ang karapatan niya sa pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose+ na anak ni Israel, kaya hindi siya itinala sa talaangkanan para sa karapatan sa pagkapanganay. 2 Kahit na nakahihigit si Juda+ sa mga kapatid niya at sa kaniya nagmula ang magiging lider,+ kay Jose ibinigay ang karapatan sa pagkapanganay. 3 Ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel ay sina Hanok, Palu, Hezron, at Carmi.+ 4 Ito ang angkan* ni Joel: ang anak niyang si Semaias, na ama ni Gog, na ama ni Simei, 5 na ama ni Mikas, na ama ni Reaias, na ama ni Baal, 6 na ama ni Beerah, na ipinatapon ni Haring Tilgat-pilneser+ ng Asirya. Si Beerah ay isang pinuno ng mga Rubenita. 7 Ito ang mga kapatid niya ayon sa talaangkanan ng mga pamilya nila: Si Jeiel na pinuno, si Zacarias, 8 at si Bela, na anak ni Azaz, na anak ni Sema, na anak ni Joel, na tumira sa Aroer+ hanggang sa Nebo at Baal-meon.+ 9 Nanirahan siya sa gawing silangan hanggang sa hangganan ng ilang na umaabot sa Ilog Eufrates,+ dahil dumami ang mga alaga nilang hayop sa Gilead.+ 10 Noong panahon ni Saul, nakipagdigma sila sa mga Hagrita, at natalo nila ang mga ito kaya nanirahan sila sa kanilang mga tolda sa buong teritoryo sa silangan ng Gilead.
11 Ang mga inapo ni Gad ay nanirahang katabi nila sa Basan hanggang sa Saleca.+ 12 Sa Basan, si Joel ang ulo, si Sapam ang ikalawa, at mga pinuno rin sina Janai at Sapat. 13 At ang mga kamag-anak nila ay sina Miguel, Mesulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia, at Eber, pito lahat. 14 Ito ang mga anak ni Abihail, na anak ni Huri, na anak ni Jaroa, na anak ni Gilead, na anak ni Miguel, na anak ni Jesisai, na anak ni Jahdo, na anak ni Buz. 15 Si Ahi na anak ni Abdiel, na anak ni Guni, ang ulo sa angkan* nila. 16 Nanirahan sila sa Gilead,+ sa Basan+ at sa katabing mga nayon nito,* at sa lahat ng pastulan ng Saron hanggang sa dulo ng mga ito. 17 Lahat sila ay itinala sa talaangkanan noong panahon ni Haring Jotam+ ng Juda at noong panahon ni Haring Jeroboam*+ ng Israel.
18 Ang mga Rubenita, Gadita, at ang kalahati ng tribo ni Manases ay may 44,760 malalakas na mandirigma sa hukbo nila. Ang mga ito ay may mga kalasag at espada at may mga pana* at sinanay sa pakikipagdigma. 19 Nakipagdigma sila sa mga Hagrita,+ sa Jetur, sa Napis,+ at sa Nodab. 20 At tinulungan sila sa paglaban sa mga iyon, kaya ang mga Hagrita at ang lahat ng kasama ng mga ito ay naibigay sa kamay nila, dahil tumawag sila sa Diyos para tulungan sila sa digmaan, at sinagot niya ang pakiusap nila dahil nagtiwala sila sa kaniya.+ 21 Nakuha nila ang hayupan ng mga ito—50,000 kamelyo, 250,000 tupa, at 2,000 asno—at nabihag ang 100,000 tao. 22 Marami ang napatay, dahil ang tunay na Diyos ang nakipagdigma.+ At nanirahan sila sa lupain ng mga ito hanggang sa panahon na ipatapon sila.+
23 Ang mga inapo ng kalahati ng tribo ni Manases+ ay tumira sa Basan hanggang sa Baal-hermon at Senir at Bundok Hermon.+ Napakarami nila. 24 Ito ang mga ulo ng mga angkan nila: sina Eper, Isi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias, at Jahdiel; sila ay malalakas na mandirigma, bantog, at mga ulo ng mga angkan nila. 25 Pero hindi sila naging tapat sa Diyos ng mga ninuno nila, at sumamba sila* sa mga diyos ng mga bayan,+ na nilipol ng Diyos sa harap nila. 26 Kaya inudyukan ng Diyos ng Israel si* Haring Pul ng Asirya+ (si Haring Tilgat-pilneser+ ng Asirya) na ipatapon ang mga Rubenita, Gadita, at ang kalahati ng tribo ni Manases at dalhin sila sa Hala, Habor, Hara, at sa ilog ng Gozan,+ at naroon pa rin sila hanggang ngayon.
6 Ang mga anak ni Levi+ ay sina Gerson, Kohat,+ at Merari.+ 2 Ang mga anak ni Kohat ay sina Amram, Izhar,+ Hebron, at Uziel.+ 3 Ang mga anak ni Amram+ ay sina Aaron,+ Moises,+ at Miriam.+ At ang mga anak ni Aaron ay sina Nadab, Abihu,+ Eleazar,+ at Itamar.+ 4 Naging anak ni Eleazar si Pinehas;+ naging anak ni Pinehas si Abisua. 5 Naging anak ni Abisua si Buki; naging anak ni Buki si Uzi. 6 Naging anak ni Uzi si Zerahias; naging anak ni Zerahias si Meraiot. 7 Naging anak ni Meraiot si Amarias; naging anak ni Amarias si Ahitub.+ 8 Naging anak ni Ahitub si Zadok;+ naging anak ni Zadok si Ahimaas.+ 9 Naging anak ni Ahimaas si Azarias; naging anak ni Azarias si Johanan. 10 Naging anak ni Johanan si Azarias. Naglingkod ito bilang saserdote sa bahay na itinayo ni Solomon sa Jerusalem.
11 Naging anak ni Azarias si Amarias; naging anak ni Amarias si Ahitub. 12 Naging anak ni Ahitub si Zadok;+ naging anak ni Zadok si Salum. 13 Naging anak ni Salum si Hilkias;+ naging anak ni Hilkias si Azarias. 14 Naging anak ni Azarias si Seraias;+ naging anak ni Seraias si Jehozadak.+ 15 Isa si Jehozadak sa mga bihag nang ipatapon ni Jehova ang Juda at Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Nabucodonosor.
16 Ang mga anak ni Levi ay sina Gersom,* Kohat, at Merari. 17 Ito ang pangalan ng mga anak ni Gersom: Libni at Simei.+ 18 Ang mga anak ni Kohat ay sina Amram, Izhar, Hebron, at Uziel.+ 19 Ang mga anak ni Merari ay sina Mahali at Musi.
Ito ang mga pamilya ng mga Levita ayon sa kanilang mga ninuno:+ 20 Kay Gersom,+ ang anak niyang si Libni, na ama ni Jahat, na ama ni Zima, 21 na ama ni Joa, na ama ni Ido, na ama ni Zera, na ama ni Jeaterai. 22 Ito ang angkan* ni Kohat: ang anak niyang si Aminadab, na ama ni Kora,+ na ama ni Asir, 23 na ama ni Elkana, na ama ni Ebiasap,+ na ama ni Asir, 24 na ama ni Tahat, na ama ni Uriel, na ama ni Uzias, na ama ni Shaul. 25 Ang mga anak ni Elkana ay sina Amasai at Ahimot. 26 Ito ang angkan ni Elkana: ang anak niyang si Zopai, na ama ni Nahat, 27 na ama ni Eliab, na ama ni Jeroham, na ama ni Elkana.+ 28 Ang mga anak ni Samuel+ ay si Joel, ang panganay, at si Abias, ang ikalawa.+ 29 Ito ang angkan ni Merari: ang anak niyang si Mahali,+ na ama ni Libni, na ama ni Simei, na ama ni Uzah, 30 na ama ni Simea, na ama ni Hagias, na ama ni Asaias.
31 Ito ang mga inatasan ni David na mangasiwa sa pag-awit sa bahay ni Jehova matapos mailagay roon ang Kaban.+ 32 Sila ang nag-asikaso sa pag-awit sa tabernakulo, sa tolda ng pagpupulong, hanggang sa maitayo ni Solomon ang bahay ni Jehova sa Jerusalem,+ at naglingkod sila gaya ng iniatas sa kanila.+ 33 Ito ang mga lalaking naglingkod kasama ang mga anak nila: Sa mga Kohatita, ang mang-aawit na si Heman,+ na anak ni Joel,+ na anak ni Samuel, 34 na anak ni Elkana,+ na anak ni Jeroham, na anak ni Eliel, na anak ni Toa, 35 na anak ni Zup, na anak ni Elkana, na anak ni Mahat, na anak ni Amasai, 36 na anak ni Elkana, na anak ni Joel, na anak ni Azarias, na anak ni Zefanias, 37 na anak ni Tahat, na anak ni Asir, na anak ni Ebiasap, na anak ni Kora, 38 na anak ni Izhar, na anak ni Kohat, na anak ni Levi, na anak ni Israel.
39 Ang kapatid niyang si Asap+ ay nakatayo sa kanan niya; si Asap ay anak ni Berekias, na anak ni Simea, 40 na anak ni Miguel, na anak ni Baaseias, na anak ni Malkias, 41 na anak ni Etni, na anak ni Zera, na anak ni Adaias, 42 na anak ni Etan, na anak ni Zima, na anak ni Simei, 43 na anak ni Jahat, na anak ni Gersom, na anak ni Levi.
44 Ang mga inapo ni Merari+ na mga kapatid nila ay nasa kaliwa; naroon si Etan,+ na anak ni Kisi, na anak ni Abdi, na anak ni Maluc, 45 na anak ni Hasabias, na anak ni Amazias, na anak ni Hilkias, 46 na anak ni Amzi, na anak ni Bani, na anak ni Semer, 47 na anak ni Mahali, na anak ni Musi, na anak ni Merari, na anak ni Levi.
48 Ang mga kapatid nilang Levita ay inatasan* sa lahat ng paglilingkod sa tabernakulo, ang bahay ng tunay na Diyos.+ 49 Si Aaron at ang mga anak niya+ ang gumagawa ng mga haing usok sa altar ng handog na sinusunog+ at sa altar ng insenso,+ bilang pagtupad sa mga atas nila may kinalaman sa mga kabanal-banalang bagay, para magbayad-sala para sa Israel,+ ayon sa lahat ng iniutos ni Moises na lingkod ng tunay na Diyos. 50 Ito ang angkan ni Aaron:+ ang anak niyang si Eleazar,+ na ama ni Pinehas, na ama ni Abisua, 51 na ama ni Buki, na ama ni Uzi, na ama ni Zerahias, 52 na ama ni Meraiot, na ama ni Amarias, na ama ni Ahitub,+ 53 na ama ni Zadok,+ na ama ni Ahimaas.
54 Ito ang mga lugar na pinagtayuan nila ng mga kampo* sa teritoryo nila: para sa mga inapo ni Aaron na kabilang sa pamilya ng mga Kohatita, dahil sila ang unang lumabas sa palabunutan, 55 ibinigay sa kanila ang Hebron+ sa lupain ng Juda, pati na ang mga pastulan sa palibot nito. 56 Pero ang lupain ng lunsod at ang mga pamayanan nito ay ibinigay nila kay Caleb+ na anak ni Jepune. 57 At sa mga inapo ni Aaron ay ibinigay ang mga kanlungang lunsod,*+ ang Hebron,+ pati na ang Libna+ at ang mga pastulan nito, ang Jatir,+ ang Estemoa at ang mga pastulan nito,+ 58 ang Hilen at ang mga pastulan nito, ang Debir+ at ang mga pastulan nito, 59 ang Asan+ at ang mga pastulan nito, at ang Bet-semes+ at ang mga pastulan nito; 60 at mula sa tribo ni Benjamin, ang Geba+ at ang mga pastulan nito, ang Alemet at ang mga pastulan nito, at ang Anatot+ at ang mga pastulan nito. Ang lahat ng lunsod para sa mga pamilya nila ay 13 lunsod.+
61 Ang iba pang Kohatita ay binigyan* ng 10 lunsod, mula sa pamilya ng isang tribo, mula sa kalahati ng tribo, ang kalahati ng Manases.+
62 Ang mga pamilya ng mga Gersomita ay binigyan ng 13 lunsod mula sa tribo ni Isacar, tribo ni Aser, tribo ni Neptali, at tribo ni Manases sa Basan.+
63 Ang mga pamilya ng mga Merarita ay binigyan ng 12 lunsod mula sa tribo ni Ruben, tribo ni Gad, at tribo ni Zebulon sa pamamagitan ng palabunutan.+
64 Sa gayon, ibinigay ng mga Israelita sa mga Levita ang mga lunsod na ito at ang mga pastulan nito.+ 65 Bukod diyan, ibinigay nila sa pamamagitan ng palabunutan ang mga lunsod na ito mula sa tribo ni Juda, tribo ni Simeon, at tribo ni Benjamin, na ang mga pangalan ay binanggit.
66 Ang ilang pamilya ng mga Kohatita ay tumanggap ng mga lunsod mula sa tribo ni Efraim bilang teritoryo nila.+ 67 Ibinigay ng mga ito sa kanila ang mga kanlungang lunsod,* ang Sikem+ at ang mga pastulan nito sa mabundok na rehiyon ng Efraim, ang Gezer+ at ang mga pastulan nito, 68 ang Jokmeam at ang mga pastulan nito, ang Bet-horon+ at ang mga pastulan nito, 69 ang Aijalon+ at ang mga pastulan nito, at ang Gat-rimon+ at ang mga pastulan nito. 70 At ibinigay ng kalahati ng tribo ni Manases sa iba pang pamilya ng mga Kohatita ang Aner at ang mga pastulan nito at ang Bileam at ang mga pastulan nito.
71 Ibinigay sa mga Gersomita ang Golan+ sa Basan at ang mga pastulan nito at ang Astarot at ang mga pastulan nito mula sa pamilya ng kalahati ng tribo ni Manases;+ 72 at mula sa tribo ni Isacar, ang Kedes at ang mga pastulan nito, ang Daberat+ at ang mga pastulan nito,+ 73 ang Ramot at ang mga pastulan nito, at ang Anem at ang mga pastulan nito; 74 at mula sa tribo ni Aser, ang Masal at ang mga pastulan nito, ang Abdon at ang mga pastulan nito,+ 75 ang Hukok at ang mga pastulan nito, at ang Rehob+ at ang mga pastulan nito; 76 at mula sa tribo ni Neptali, ang Kedes+ sa Galilea+ at ang mga pastulan nito, ang Hammon at ang mga pastulan nito, at ang Kiriataim at ang mga pastulan nito.
77 Ibinigay sa iba pang Merarita ang Rimono at ang mga pastulan nito at ang Tabor at ang mga pastulan nito mula sa tribo ni Zebulon;+ 78 at sa rehiyon ng Jordan sa Jerico, sa silangan ng Jordan, mula sa tribo ni Ruben, ibinigay sa kanila ang Bezer sa ilang at ang mga pastulan nito, ang Jahaz+ at ang mga pastulan nito, 79 ang Kedemot+ at ang mga pastulan nito, at ang Mepaat at ang mga pastulan nito; 80 at mula sa tribo ni Gad, ang Ramot sa Gilead at ang mga pastulan nito, ang Mahanaim+ at ang mga pastulan nito, 81 ang Hesbon+ at ang mga pastulan nito, at ang Jazer+ at ang mga pastulan nito.
7 Ang mga anak ni Isacar ay sina Tola, Pua, Jasub, at Simron+—apat. 2 At ang mga anak ni Tola ay sina Uzi, Repaias, Jeriel, Jahmai, Ibsam, at Semuel, ang mga ulo ng mga angkan nila. Ang mga inapo ni Tola ay malalakas na mandirigma, na ang bilang noong panahon ni David ay 22,600. 3 Ito ang mga inapo* ni Uzi: si Izrahias at ang mga anak ni Izrahias na sina Miguel, Obadias, Joel, at Isia—silang lima ay mga pinuno.* 4 Ayon sa talaangkanan ng mga ito, sa mga inapo nila ay may 36,000 sundalo sa hukbo na handa sa digmaan, dahil nagkaroon sila ng maraming asawa at mga anak. 5 At ang mga kapatid nila sa lahat ng pamilya ni Isacar ay malalakas na mandirigma, 87,000 ayon sa talaangkanan.+
6 Ang mga anak ni Benjamin+ ay sina Bela,+ Beker,+ at Jediael+—tatlo. 7 At ang mga anak ni Bela ay sina Ezbon, Uzi, Uziel, Jerimot, at Iri—lima—mga ulo ng mga angkan nila, malalakas na mandirigma, at 22,034 ang nasa talaangkanan nila.+ 8 At ang mga anak ni Beker ay sina Zemira, Joas, Eliezer, Elioenai, Omri, Jeremot, Abias, Anatot, at Alemet—ang lahat ng ito ang mga anak ni Beker. 9 Ayon sa talaangkanan ng mga ulo ng mga angkan, sa mga inapo nila ay may 20,200 malalakas na mandirigma. 10 Ang mga anak ni Jediael+ ay si Bilhan at ang mga anak ni Bilhan: sina Jeus, Benjamin, Ehud, Kenaana, Zetan, Tarsis, at Ahisahar. 11 Ang lahat ng ito ang mga anak ni Jediael na mga ulo ng mga angkan nila. Sa mga angkang ito ay may 17,200 malalakas na mandirigma na handang sumabak sa digmaan.
12 Ang mga Supim at ang mga Hupim ay mga anak ni Ir;+ ang mga Husim ay mga anak ni Aher.
13 Ang mga anak ni Neptali+ ay sina Jahziel, Guni, Jezer, at Salum—mga inapo* ni Bilha.+
14 Ito ang mga anak ni Manases:+ si Asriel, na isinilang ng pangalawahing asawa niya na taga-Sirya. (Isinilang nito si Makir+ na ama ni Gilead. 15 At si Makir ay kumuha ng asawa para kay Hupim at para kay Supim, at ang pangalan ng kapatid niyang babae ay Maaca.) At ang pangalan ng ikalawa ay Zelopehad,+ pero mga babae ang anak ni Zelopehad.+ 16 Si Maaca, na asawa ni Makir, ay nagsilang ng isang anak na lalaki at pinangalanan itong Peres; at ang pangalan ng kapatid nito ay Seres; at ang mga anak niya ay sina Ulam at Rekem. 17 At ang anak* ni Ulam ay si Bedan. Ito ang mga anak ni Gilead, na anak ni Makir, na anak ni Manases. 18 At ang kapatid niyang babae ay si Hamoleket. Isinilang nito sina Isod, Abi-ezer, at Maala. 19 At ang mga anak ni Semida ay sina Ahian, Sikem, Likhi, at Aniam.
20 Ito ang mga anak ni Efraim:+ si Sutela,+ na ama ni Bered, na ama ni Tahat, na ama ni Eleada, na ama ni Tahat, 21 na ama ni Zabad, na ama ni Sutela, si Ezer, at si Elead. Pinatay sila ng mga lalaki ng Gat+ na ipinanganak sa lupain dahil bumaba ang mga ito para kunin ang mga alaga nilang hayop. 22 Nagdalamhati nang maraming araw ang ama nilang si Efraim, at lagi siyang dinadalaw ng mga kapatid niya para pagaanin ang loob niya. 23 Pagkatapos, sumiping siya sa asawa niya, at nagdalang-tao ito at nagsilang ng isang anak na lalaki. Pero pinangalanan niyang Berias* ang bata, dahil nagsilang ang asawa niya noong may trahedya sa sambahayan niya. 24 At ang anak niyang babae ay si Seera, na nagtayo ng Mababa+ at Mataas na Bet-horon+ at ng Uzen-seera. 25 Anak din niya si Repa at si Resep, na ama ni Tela, na ama ni Tahan, 26 na ama ni Ladan, na ama ni Amihud, na ama ni Elisama, 27 na ama ni Nun, na ama ni Josue.*+
28 Ang pag-aari nila at mga lugar na tinirhan ay ang Bethel+ at ang katabing mga nayon nito,* ang Naaran sa silangan, ang Gezer sa kanluran at ang katabing mga nayon nito, at ang Sikem at ang katabing mga nayon nito, hanggang sa Ayyah* at ang katabing mga nayon nito; 29 at ang hangganan ng mga inapo ni Manases, ang Bet-sean+ at ang katabing mga nayon nito, ang Taanac+ at ang katabing mga nayon nito, ang Megido+ at ang katabing mga nayon nito, at ang Dor+ at ang katabing mga nayon nito. Sa mga lugar na ito nanirahan ang mga inapo ni Jose na anak ni Israel.
30 Ang mga anak ni Aser ay sina Imnah, Isva, Isvi, at Berias,+ at si Sera ang kapatid nilang babae.+ 31 Ang mga anak ni Berias ay sina Heber at Malkiel, na ama ni Birzait. 32 Si Heber ang ama nina Japlet, Somer, at Hotam, at ng kapatid nilang babae na si Shua. 33 Ang mga anak ni Japlet ay sina Pasac, Bimhal, at Asvat. Ito ang mga anak ni Japlet. 34 Ang mga anak ni Semer* ay sina Ahi, Roga, Jehuba, at Aram. 35 Ang mga anak ni Helem* na kapatid niya ay sina Zopa, Imna, Seles, at Amal. 36 Ang mga anak ni Zopa ay sina Sua, Harneper, Sual, Beri, Imra, 37 Bezer, Hod, Shamma, Silsa, Itran, at Beera. 38 Ang mga anak ni Jeter ay sina Jepune, Pispa, at Ara. 39 Ang mga anak ni Ula ay sina Arah, Haniel, at Rizia. 40 Ang lahat ng ito ang mga anak ni Aser, mga ulo ng mga angkan nila, mga pili, malalakas na mandirigma, mga ulo ng mga pinuno; at ayon sa talaangkanan,+ mayroon silang 26,000 lalaki+ sa hukbo na handa sa digmaan.
8 Naging anak ni Benjamin+ si Bela,+ ang panganay, si Asbel,+ ang ikalawa, si Ahara, ang ikatlo, 2 si Noha, ang ikaapat, at si Rapa, ang ikalima. 3 Ang mga anak ni Bela ay sina Addar, Gera,+ Abihud, 4 Abisua, Naaman, Ahoa, 5 Gera, Sepupan, at Huram. 6 Ito ang mga anak ni Ehud, ang mga ulo ng mga angkan na nakatira sa Geba,+ na ipinatapon sa Manahat: 7 sina Naaman, Ahias, at Gera—siya ang nanguna nang ipatapon sila, at naging anak niya sina Uza at Ahihud. 8 Nagkaroon ng mga anak si Saharaim sa teritoryo ng Moab pagkatapos niya silang paalisin. Sina Husim at Baara ang mga asawa niya.* 9 Ang mga naging anak niya sa asawa niyang si Hodes ay sina Jobab, Zibias, Mesa, Malcam, 10 Jeuz, Sakia, at Mirma. Ito ang mga anak niya na mga ulo ng mga angkan.
11 Naging anak niya kay Husim sina Abitub at Elpaal. 12 At ang mga anak ni Elpaal ay sina Eber, Misam, Semed (na nagtayo ng Ono+ at Lod+ at ng katabing mga nayon nito*), 13 Berias, at Sema. Sila ang mga ulo ng mga angkan na nakatira sa Aijalon.+ Itinaboy nila ang mga nakatira sa Gat. 14 At sina Ahio, Sasak, Jeremot, 15 Zebadias, Arad, Eder, 16 Miguel, Ispa, at Joha ang mga anak ni Berias; 17 sina Zebadias, Mesulam, Hizki, Heber, 18 Ismerai, Izlias, at Jobab ang mga anak ni Elpaal; 19 sina Jakim, Zicri, Zabdi, 20 Elienai, Ziletai, Eliel, 21 Adaias, Beraias, at Simrat ang mga anak ni Simei; 22 sina Ispan, Eber, Eliel, 23 Abdon, Zicri, Hanan, 24 Hananias, Elam, Antotias, 25 Ipdeias, at Penuel ang mga anak ni Sasak; 26 at sina Samserai, Seharias, Athalia, 27 Jaaresias, Elias, at Zicri ang mga anak ni Jeroham. 28 Sila ang mga ulo ng mga angkan nila ayon sa talaangkanan. Nakatira sa Jerusalem ang mga pinunong ito.
29 Si Jeiel, na ama ng Gibeon, ay tumira sa Gibeon.+ Ang pangalan ng asawa niya ay Maaca.+ 30 Ang panganay niya ay si Abdon, at sinundan ito nina Zur, Kis, Baal, Nadab, 31 Gedor, Ahio, at Zeker. 32 Naging anak ni Miklot si Simeah. Tumira silang lahat malapit sa mga kapatid nila sa Jerusalem, kasama ng iba pa nilang kapatid.
33 Naging anak ni Ner+ si Kis; naging anak ni Kis si Saul;+ naging anak ni Saul sina Jonatan,+ Malki-sua,+ Abinadab,+ at Esbaal.*+ 34 At ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal.*+ Naging anak ni Merib-baal si Mikas.+ 35 At ang mga anak ni Mikas ay sina Piton, Melec, Tarea, at Ahaz. 36 Naging anak ni Ahaz si Jehoada; naging anak ni Jehoada sina Alemet, Azmavet, at Zimri. Naging anak ni Zimri si Mosa. 37 Naging anak ni Mosa si Binea, na ama ni Rapah, na ama ni Eleasa, na ama ni Azel. 38 Si Azel ay nagkaroon ng anim na anak, at ang pangalan ng mga ito ay Azrikam, Bokeru, Ismael, Searias, Obadias, at Hanan. Ang lahat ng ito ang mga anak ni Azel. 39 At ang mga anak ng kapatid niyang si Eshek ay si Ulam, ang panganay; si Jeus, ang ikalawa; at si Elipelet, ang ikatlo. 40 At ang mga anak ni Ulam ay malalakas na mandirigma na bihasa sa paggamit ng pana,* at nagkaroon sila ng maraming anak at apo, 150. Ang lahat ng ito ay mga inapo ni Benjamin.
9 Ang lahat ng Israelita ay nasa talaangkanan at nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Israel. At ang Juda ay ipinatapon sa Babilonya dahil hindi ito naging tapat.+ 2 Ang mga unang bumalik sa mga lunsod na pag-aari nila ay ang ilang Israelita, mga saserdote, mga Levita, at mga lingkod sa templo.*+ 3 At ang ilan sa mga inapo ni Juda,+ ni Benjamin,+ ni Efraim, at ni Manases ay tumira sa Jerusalem: 4 si Utai na anak ni Amihud, na anak ni Omri, na anak ni Imri, na anak ni Bani, na kabilang sa mga inapo ni Perez+ na anak ni Juda. 5 At sa mga Shilonita, si Asaias na panganay at ang mga anak niya. 6 At sa mga anak ni Zera,+ si Jeuel at 690 sa mga kapatid nila.
7 At sa mga inapo ni Benjamin, si Sallu, na anak ni Mesulam, na anak ni Hodavias, na anak ni Hasenua; 8 si Ibneias, na anak ni Jeroham; si Elah, na anak ni Uzi, na anak ni Micri; at si Mesulam, na anak ni Sepatias, na anak ni Reuel, na anak ni Ibnias. 9 At ang mga kapatid nila ayon sa talaangkanan ay 956. Ang lahat ng lalaking ito ay mga ulo ng mga angkan nila.*
10 Kasama sa mga saserdote sina Jedaias, Jehoiarib, Jakin,+ 11 Azarias, na anak ni Hilkias, na anak ni Mesulam, na anak ni Zadok, na anak ni Meraiot, na anak ni Ahitub na iginagalang na lalaki sa bahay* ng tunay na Diyos; 12 si Adaias, na anak ni Jeroham, na anak ni Pasur, na anak ni Malkias; si Maasai, na anak ni Adiel, na anak ni Jahzera, na anak ni Mesulam, na anak ni Mesilemit, na anak ni Imer, 13 at ang mga kapatid nila, mga ulo ng mga angkan, 1,760 lalaking malalakas at may kakayahan at handang maglingkod sa bahay ng tunay na Diyos.
14 At kasama sa mga Levita si Semaias,+ na anak ni Hasub, na anak ni Azrikam, na anak ni Hasabias mula sa mga inapo ni Merari; 15 sina Bakbakar, Heresh, at Galal; si Matanias, na anak ni Mica, na anak ni Zicri, na anak ni Asap; 16 si Obadias, na anak ni Semaias, na anak ni Galal, na anak ni Jedutun; at si Berekias na anak ni Asa, na anak ni Elkana, na nakatira sa mga pamayanan ng mga Netopatita.+
17 Ang mga bantay ng pintuang-daan+ ay sina Salum, Akub, Talmon, at Ahiman; ang kapatid nilang si Salum ang ulo nila, 18 at hanggang noong panahong iyon ay nasa pintuang-daan siya ng hari sa silangan.+ Ito ang mga bantay ng pintuang-daan ng mga kampo ng mga Levita. 19 At si Salum, na anak ni Kore na anak ni Ebiasap na anak ni Kora, at ang mga kapatid niya mula sa kaniyang angkan, ang mga Korahita, ang namamahala sa paglilingkod, mga bantay sa pinto ng tolda; ang mga ninuno nila ang namamahala noon sa kampo ni Jehova bilang mga bantay sa pasukan. 20 Si Pinehas+ na anak ni Eleazar+ ang dati nilang pinuno; sumakaniya si Jehova. 21 Si Zacarias+ na anak ni Meselemias ang bantay ng pintuang-daan sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
22 Lahat ng napili bilang mga bantay ng pintuang-daan ay 212. Sila ay nasa kani-kanilang mga pamayanan ayon sa pagkakarehistro nila sa talaangkanan.+ Ipinagkatiwala sa kanila ni David at ng tagakitang* si Samuel+ ang katungkulang ito. 23 Sila at ang mga anak nila ang namamahala sa pagbabantay sa mga pintuang-daan ng bahay ni Jehova,+ ang bahay ng tolda. 24 Ang mga bantay ng pintuang-daan ay nasa apat na panig—sa silangan, sa kanluran, sa hilaga, at sa timog.+ 25 Sa pana-panahon, ang mga kapatid nila mula sa mga pamayanan ay dumarating para samahan sila sa paglilingkod sa loob ng pitong araw. 26 May apat na Levitang punong-bantay sa pintuang-daan na pinagkatiwalaang mamahala sa mga silid* at sa mga kabang-yaman ng bahay ng tunay na Diyos.+ 27 Magdamag silang nakapuwesto sa buong palibot ng bahay ng tunay na Diyos, dahil sila ang nag-aasikaso sa pagbabantay at sila ang nag-iingat ng susi at nagbubukas ng bahay tuwing umaga.
28 Ang ilan sa kanila ay nag-aasikaso sa mga kagamitan+ sa paglilingkod; binibilang nila ang mga ito kapag ipinapasok at kapag inilalabas. 29 Ang ilan sa kanila ay inatasan sa iba pang kagamitan, sa lahat ng banal na kagamitan,+ at sa magandang klase ng harina,+ sa alak,+ sa langis,+ sa olibano,+ at sa langis ng balsamo.+ 30 Ang ilan sa mga anak ng mga saserdote ay gumagawa ng pabango* na may langis ng balsamo. 31 At ang Levitang si Matitias, na panganay ni Salum na Korahita, ay pinagkatiwalaan sa paggawa ng tinapay.+ 32 Ang ilan sa mga kapatid nilang Kohatita ang nag-aasikaso sa paghahanda ng magkakapatong na tinapay*+ tuwing sabbath.+
33 Ito ang mga mang-aawit, ang mga ulo ng mga angkan ng mga Levita na nasa mga silid,* ang mga hindi na binigyan ng iba pang atas; dahil kailangan nilang gampanan ang atas nila araw at gabi. 34 Ito ang mga ulo ng mga angkan ng mga Levita ayon sa talaangkanan, mga pinuno. Nakatira ang mga ito sa Jerusalem.
35 Si Jeiel, na ama ng Gibeon, ay tumira sa Gibeon.+ Ang pangalan ng asawa niya ay Maaca. 36 Ang panganay niya ay si Abdon, at sinundan ito nina Zur, Kis, Baal, Ner, Nadab, 37 Gedor, Ahio, Zacarias, at Miklot. 38 Naging anak ni Miklot si Simeam. Tumira silang lahat malapit sa mga kapatid nila sa Jerusalem, kasama ng iba pa nilang mga kapatid. 39 Naging anak ni Ner+ si Kis; naging anak ni Kis si Saul;+ naging anak ni Saul sina Jonatan,+ Malki-sua,+ Abinadab,+ at Esbaal. 40 At ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal.+ Naging anak ni Merib-baal si Mikas.+ 41 At ang mga anak ni Mikas ay sina Piton, Melec, Tahrea, at Ahaz. 42 Naging anak ni Ahaz si Jara; naging anak ni Jara sina Alemet, Azmavet, at Zimri. Naging anak ni Zimri si Mosa. 43 Naging anak ni Mosa si Binea, na ama ni Repaias, na ama ni Eleasa, na ama ni Azel. 44 Si Azel ay nagkaroon ng anim na anak, at ang pangalan ng mga ito ay Azrikam, Bokeru, Ismael, Searias, Obadias, at Hanan. Ito ang mga anak ni Azel.
10 Ang mga Filisteo ngayon ay nakikipagdigma sa Israel. At tumakas ang mga mandirigmang Israelita mula sa mga Filisteo, at marami ang namatay sa Bundok Gilboa.+ 2 Pinuntirya ng mga Filisteo si Saul at ang mga anak niya, at napatay ng mga Filisteo sina Jonatan, Abinadab, at Malki-sua,+ na mga anak ni Saul. 3 Napasabak si Saul sa matinding labanan, at nakita siya ng mga mamamanà, at nasugatan siya ng mga ito.+ 4 Kaya sinabi ni Saul sa tagapagdala niya ng sandata: “Hugutin mo ang espada mo at saksakin mo ako, para hindi ako mapahirapan ng mga di-tuling lalaking iyon.”+ Pero ayaw itong gawin ng tagapagdala niya ng sandata, dahil takot na takot ito. Kaya kinuha ni Saul ang espada at sinaksak ang sarili.+ 5 Nang makita ng tagapagdala ng sandata na patay na si Saul, sinaksak din nito ang sarili gamit ang sariling espada at namatay. 6 Kaya namatay si Saul at ang tatlo niyang anak na lalaki, at ang lahat sa sambahayan niya ay pare-parehong namatay.+ 7 Nang malaman ng lahat ng Israelitang nasa lambak* na tumakas na ang lahat at si Saul at ang mga anak niya ay patay na, iniwan nila ang mga lunsod nila at tumakas; pagkatapos, dumating ang mga Filisteo at nanirahan doon.
8 Kinabukasan, nang dumating ang mga Filisteo para hubaran ang mga napatay, nakita nila sa Bundok Gilboa ang bangkay ni Saul at ng mga anak nito.+ 9 Hinubaran nila si Saul, pinugutan ng ulo, at kinuha ang kasuotang pandigma nito, at nagpadala sila ng mensahe sa buong lupain ng mga Filisteo para ibalita sa mga idolo nila+ at sa mga tao ang nangyari. 10 Pagkatapos, inilagay nila ang kaniyang kasuotang pandigma sa bahay* ng diyos nila at ibinitin ang bungo niya sa bahay ni Dagon.+
11 Nang mabalitaan ng lahat ng nasa Jabes+ sa Gilead ang lahat ng ginawa ng mga Filisteo kay Saul,+ 12 kumilos ang lahat ng mandirigma at kinuha ang bangkay ni Saul at ang mga bangkay ng mga anak nito. Dinala nila ang mga iyon sa Jabes at inilibing ang mga buto ng mga ito sa ilalim ng malaking puno sa Jabes,+ at nag-ayuno* sila nang pitong araw.
13 Namatay si Saul dahil hindi siya naging tapat kay Jehova; hindi siya sumunod sa utos ni Jehova+ at sumangguni siya sa isang espiritista+ 14 sa halip na kay Jehova. Kaya pinatay niya si Saul at ibinigay ang paghahari kay David na anak ni Jesse.+
11 Nang maglaon, ang lahat ng Israelita ay pumunta kay David sa Hebron+ at nagsabi: “Kadugo* mo kami.+ 2 Noong si Saul ang hari, ikaw ang nangunguna sa Israel sa mga labanan.*+ At sinabi sa iyo ng Diyos mong si Jehova: ‘Papastulan mo ang bayan kong Israel, at magiging pinuno ka ng bayan kong Israel.’”+ 3 Kaya ang lahat ng matatandang lalaki ng Israel ay pumunta sa hari sa Hebron, at si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron sa harap ni Jehova. Pagkatapos, pinahiran nila ng langis si David bilang hari sa Israel,+ gaya ng sinabi ni Jehova sa pamamagitan ni Samuel.+
4 Nang maglaon, pumunta si David at ang buong Israel sa Jerusalem, sa Jebus,+ kung saan naninirahan ang mga Jebusita.+ 5 Ininsulto si David ng mga nakatira sa Jebus: “Hindi ka makakapasok dito!”+ Pero sinakop ni David ang moog ng Sion,+ na ngayon ay Lunsod ni David.+ 6 Kaya sinabi ni David: “Ang unang sasalakay sa mga Jebusita ay magiging pinuno* at mataas na opisyal.” Si Joab+ na anak ni Zeruias ang unang sumalakay, at siya ang naging pinuno. 7 Pagkatapos, nanirahan si David sa moog. Kaya tinawag nila itong Lunsod ni David. 8 Nagsimula siyang magtayo sa lunsod, sa Gulod* at sa palibot nito, at si Joab ang nagtayong muli sa iba pang bahagi ng lunsod. 9 Kaya lalong naging makapangyarihan si David,+ at si Jehova ng mga hukbo ay sumasakaniya.
10 Ito ang mga pinuno ng malalakas na mandirigma ni David, na lubusang sumuporta sa paghahari niya kasama ng buong Israel, para gawin siyang hari ayon sa sinabi ni Jehova may kinalaman sa Israel.+ 11 Ito ang talaan ng malalakas na mandirigma ni David: Si Jasobeam,+ na anak ng isang Hacmonita at ang pinuno sa tatlo.+ Sa isang pagkakataon, pumatay siya ng 300 gamit ang kaniyang sibat.+ 12 Sumunod sa kaniya si Eleazar+ na anak ni Dodo na Ahohita.+ Kabilang siya sa tatlong malalakas na mandirigma. 13 Kasama siya ni David sa Pas-damim,+ kung saan nagtipon ang mga Filisteo para makipagdigma. May bukid doon na punô ng sebada, at tumakas ang bayan dahil sa mga Filisteo. 14 Pero hindi siya natinag sa gitna ng bukid kundi ipinagtanggol niya iyon at pinabagsak ang mga Filisteo, kaya binigyan sila ni Jehova ng malaking tagumpay.*+
15 Tatlo sa 30 pinuno ang pumunta sa malaking bato, kay David na nasa kuweba ng Adulam,+ habang isang hukbo ng mga Filisteo ang nagkakampo sa Lambak* ng Repaim.+ 16 Si David noon ay nasa kuta, at isang himpilan ng mga Filisteo ang nasa Betlehem. 17 Pagkatapos, sinabi ni David: “Makainom sana ako ng tubig mula sa imbakan ng tubig na nasa pintuang-daan ng Betlehem!”+ 18 Kaya pinasok ng tatlo ang kampo ng mga Filisteo at sumalok sila ng tubig mula sa imbakan na nasa pintuang-daan ng Betlehem at dinala ito kay David; pero ayaw inumin iyon ni David, sa halip, ibinuhos niya iyon para kay Jehova. 19 Sinabi niya: “Hinding-hindi ko magagawang inumin ang dugo ng mga lalaking ito na nagsapanganib ng buhay nila,+ dahil hindi malulugod ang aking Diyos! Isinapanganib nila ang buhay nila nang kunin nila ito.” Kaya hindi niya iyon ininom. Ito ang mga ginawa ng kaniyang tatlong malalakas na mandirigma.
20 Si Abisai+ na kapatid ni Joab+ ang naging pinuno sa isa pang tatlo; pumatay siya ng 300 gamit ang kaniyang sibat, at siya ay may reputasyon na gaya ng sa tatlo.+ 21 Sa isa pang tatlo, mas kilala siya kaysa sa dalawa, at siya ang pinuno nila; pero hindi niya napantayan ang unang tatlo.
22 Si Benaias+ na anak ni Jehoiada ay isang matapang na lalaki* na maraming ulit na nagpakita ng kagitingan sa Kabzeel.+ Pinabagsak niya ang dalawang anak ni Ariel ng Moab, at nang isang araw na umuulan ng niyebe, bumaba siya sa isang balon at pumatay ng leon.+ 23 Pinabagsak din niya ang isang lalaking Ehipsiyo na pambihira ang laki—limang siko* ang taas.+ May hawak na sibat ang Ehipsiyo na kasinlaki ng baras ng habihan,+ pero sinugod niya ito hawak ang isang pamalo at inagaw ang sibat sa kamay ng Ehipsiyo at pinatay ito gamit ang sarili nitong sibat.+ 24 Ito ang mga ginawa ni Benaias na anak ni Jehoiada, at may reputasyon siya na gaya ng sa tatlong malalakas na mandirigma. 25 Kahit mas kilala siya kaysa sa tatlumpu, hindi niya napantayan ang tatlo.+ Pero inatasan siya ni David na mamuno sa sarili nitong mga guwardiya.
26 Ito ang malalakas na mandirigma sa hukbo: si Asahel+ na kapatid ni Joab, si Elhanan na anak ni Dodo ng Betlehem,+ 27 si Samot na Harorita, si Helez na Pelonita, 28 si Ira+ na anak ni Ikes na Tekoita, si Abi-ezer+ na Anatotita, 29 si Sibecai+ na Husatita, si Ilai na Ahohita, 30 si Maharai+ na Netopatita, si Heled+ na anak ni Baanah na Netopatita, 31 si Itai na anak ni Ribai ng Gibeah ng mga Benjaminita,+ si Benaias na Piratonita, 32 si Hurai na mula sa mga wadi* ng Gaas,+ si Abiel na Arbatita, 33 si Azmavet na Baharumita, si Eliaba na Saalbonita, 34 ang mga anak ni Hasem na Gizonita, si Jonatan na anak ni Sagee na Hararita, 35 si Ahiam na anak ni Sacar na Hararita, si Elipal na anak ni Ur, 36 si Heper na Mekeratita, si Ahias na Pelonita, 37 si Hezro na Carmelita, si Naarai na anak ni Ezbai, 38 si Joel na kapatid ni Natan, si Mibhar na anak ni Hagri, 39 si Zelek na Ammonita, si Naharai na Berotita, na tagapagdala ng sandata ni Joab na anak ni Zeruias; 40 si Ira na Itrita, si Gareb na Itrita, 41 si Uria+ na Hiteo, si Zabad na anak ni Alai, 42 si Adina na anak ni Siza na Rubenita, isang pinuno ng mga Rubenita, at ang 30 kasama niya; 43 si Hanan na anak ni Maaca, si Josapat na Mitnita, 44 si Uzia na Asteratita, sina Shama at Jeiel, na mga anak ni Hotam na Aroerita; 45 si Jediael na anak ni Simri, at ang kapatid niyang si Joha na Tizita; 46 si Eliel na Mahavita, sina Jeribai at Josavias na mga anak ni Elnaam, at si Itma na Moabita; 47 sina Eliel, Obed, at Jaasiel na Mezobaita.
12 Ito ang mga lalaking pumunta kay David sa Ziklag+ noong nagtatago siya dahil kay Saul+ na anak ni Kis, at kabilang sila sa malalakas na mandirigma na tumulong sa kaniya sa pakikipagdigma.+ 2 May mga pana sila, at nagagamit nila ang kanilang kanan at kaliwang kamay+ sa pagpapahilagpos ng bato+ at pagpana. Mga kapatid sila ni Saul, mula sa Benjamin.+ 3 Si Ahiezer ang pinuno, kasama si Joas, na mga anak ni Semaa na Gibeatita;+ sina Jeziel at Pelet, na mga anak ni Azmavet,+ si Beraca, si Jehu na Anatotita, 4 si Ismaias na Gibeonita,+ isang malakas na mandirigma na kasama sa tatlumpu+ at namumuno sa tatlumpu; kasama rin si Jeremias, si Jahaziel, si Johanan, si Jozabad na Gederatita, 5 si Eluzai, si Jerimot, si Bealias, si Semarias, si Sepatias na Haripita, 6 sina Elkana, Isia, Azarel, Joezer, at Jasobeam, na mga Korahita;+ 7 at sina Joela at Zebadias na mga anak ni Jeroham ng Gedor.
8 Ang ilan sa mga Gadita ay pumunta sa panig ni David sa kuta sa ilang;+ sila ay malalakas na mandirigma, mga sundalong sinanay sa pakikipagdigma, bihasa sa paggamit ng malaking kalasag at sibat, na ang mga mukha ay gaya ng sa mga leon at simbilis ng mga gasela* sa kabundukan. 9 Si Ezer ang nangunguna, si Obadias ang ikalawa, si Eliab ang ikatlo, 10 si Mismana ang ikaapat, si Jeremias ang ikalima, 11 si Atai ang ikaanim, si Eliel ang ikapito, 12 si Johanan ang ikawalo, si Elzabad ang ikasiyam, 13 si Jeremias ang ika-10, si Macbanai ang ika-11. 14 Ang mga ito ay mga Gadita,+ mga pinuno ng hukbo. Ang pinakamahina sa kanila ay katumbas ng 100, at ang pinakamalakas ay katumbas ng 1,000.+ 15 Ito ang mga lalaking tumawid sa Jordan noong unang buwan nang umaapaw ang tubig nito sa pampang, at itinaboy nila ang lahat ng nakatira sa mababang kapatagan, sa silangan at sa kanluran.
16 Ang ilan sa mga lalaki ng Benjamin at Juda ay pumunta rin kay David sa kuta niya.+ 17 Lumabas si David at sinabi sa kanila: “Kung kapayapaan ang dala ninyo at tutulungan ninyo ako, kaisa ninyo ako. Pero kung ibibigay ninyo ako sa mga kaaway ko kahit wala akong ginawang masama, makita nawa ito ng Diyos ng mga ninuno natin at siya ang humatol.”+ 18 Napuspos* ng espiritu si Amasai,+ na pinuno ng tatlumpu, at sinabi niya:
“Mga lingkod mo kami, O David, at kakampi mo kami, O anak ni Jesse.+
Sumaiyo nawa ang kapayapaan, at magkaroon nawa ng kapayapaan ang tumutulong sa iyo,
Dahil tinutulungan ka ng iyong Diyos.”+
Kaya tinanggap sila ni David at ginawa silang pinuno ng mga hukbo.
19 Ang ilan sa Manases ay lumipat sa panig ni David nang sumama siya sa mga Filisteo para makipaglaban kay Saul; pero hindi niya tinulungan ang mga Filisteo, dahil matapos mag-usap-usap ang mga panginoon ng mga Filisteo,+ pinaalis nila siya. Sinasabi nila: “Iiwan tayo niyan at kakampi sa panginoon niyang si Saul, at manganganib ang buhay natin.”+ 20 Nang pumunta siya sa Ziklag,+ ito ang mga lumipat sa panig niya mula sa Manases: sina Adnah, Jozabad, Jediael, Miguel, Jozabad, Elihu, at Ziletai, mga ulo ng libo-libo ng Manases.+ 21 Tinulungan nila si David sa paglaban sa grupo ng mga mandarambong, dahil lahat sila ay malalakas at matatapang na lalaki,+ at naging pinuno sila ng hukbo. 22 Araw-araw, may mga taong pumupunta kay David+ para tulungan siya hanggang sa lumaking gaya ng hukbo ng Diyos ang hukbo niya.+
23 Ito ang bilang ng mga pinuno ng mga nasasandatahan para sa digmaan na pumunta kay David sa Hebron+ para ilipat sa kaniya ang paghahari mula kay Saul ayon sa utos ni Jehova.+ 24 Ang mga lalaki ng Juda na may malaking kalasag at sibat ay 6,800, nasasandatahan para sa digmaan. 25 Sa mga Simeonita, may 7,100 malalakas at matatapang na mandirigma.
26 Sa mga Levita, 4,600. 27 Si Jehoiada+ ang lider ng mga anak ni Aaron,+ at may kasama siyang 3,700; 28 kasama rin niya si Zadok+ na isang malakas at matapang na lalaki, pati na ang 22 pinuno mula sa angkan nito.
29 Sa mga Benjaminita, na mga kapatid ni Saul,+ ay may 3,000, na ang karamihan ay dating tapat na naglilingkod sa sambahayan ni Saul. 30 Sa mga angkan ng mga Efraimita, may 20,800 malalakas, matatapang, at bantog na mga lalaki.
31 Sa kalahati ng tribo ni Manases, may 18,000 pinili at isinugo para gawing hari si David. 32 Sa tribo ni Isacar, na nakauunawa ng panahon at nakaaalam kung ano ang dapat gawin ng Israel, may 200 mula sa mga pinuno nila, at ang lahat ng kapatid nila ay pinamumunuan nila. 33 Sa Zebulon, may 50,000 puwedeng sumama sa hukbo, na handa sa pakikipagdigma at kumpleto sa sandata; at lahat sila ay sumama kay David nang lubos ang katapatan.* 34 Sa Neptali, may 1,000 pinuno, at may kasama silang 37,000 may malaking kalasag at sibat. 35 Sa mga Danita, ang mga handa sa pakikipagdigma ay 28,600. 36 At sa Aser, ang mga makakasama sa hukbo at handa sa pakikipagdigma ay 40,000.
37 Mula sa kabila ng Jordan,+ sa mga Rubenita, Gadita, at sa kalahati ng tribo ni Manases, may 120,000 sundalo na kumpleto sa sandata. 38 Silang lahat ay mga lalaking mandirigma na handa sa pakikipaglaban; pumunta sila sa Hebron na buo ang pasiyang gawing hari si David sa buong Israel, at ang lahat ng iba pa sa Israel ay nagkakaisa* na gawing hari si David.+ 39 At nanatili sila roon kasama ni David nang tatlong araw, kumakain at umiinom, dahil ipinaghanda sila ng mga kapatid nila. 40 At ang mga malapit sa kanila, maging ang mga nasa Isacar, Zebulon, at Neptali, ay nagdadala ng mga pagkaing sakay ng mga asno, kamelyo, mula,* at mga baka—mga pagkaing gawa sa harina, mga kakaning gawa sa piniping igos at mga kakaning pasas, alak, langis, at mga baka at mga tupang pagkarami-rami, dahil nagsasaya ang Israel.
13 Sumangguni si David sa mga pinuno ng libo-libo at ng daan-daan at sa bawat lider.+ 2 Pagkatapos, sinabi ni David sa buong kongregasyon ng Israel: “Kung mabuti sa tingin ninyo at kalugod-lugod kay Jehova na ating Diyos, magpadala tayo ng mensahe sa iba pa nating kapatid sa lahat ng rehiyon ng Israel at sa mga saserdote at mga Levita sa mga lunsod nila+ na may mga pastulan para papuntahin sila rito at makiisa sa atin. 3 At ibalik natin ang Kaban+ ng ating Diyos.” Dahil napabayaan nila ito noong panahon ni Saul.+ 4 Sumang-ayon ang lahat na gawin iyon, dahil sa tingin ng buong bayan, iyon ang tama. 5 Kaya tinipon ni David ang buong Israel, mula sa ilog* ng Ehipto hanggang sa Lebo-hamat,*+ para kunin ang Kaban ng tunay na Diyos mula sa Kiriat-jearim.+
6 Si David at ang buong Israel ay pumunta sa Baala,+ sa Kiriat-jearim, na sakop ng Juda, para kunin doon ang Kaban ng tunay na Diyos na si Jehova, na nakaupo sa trono sa ibabaw* ng mga kerubin,+ na sa harap nito ay tinatawag ang pangalan niya. 7 Pero isinakay nila ang Kaban ng tunay na Diyos sa isang bagong karwahe+ at dinala iyon mula sa bahay ni Abinadab, at sina Uzah at Ahio ang gumagabay sa karwahe.+ 8 Si David at ang buong Israel ay masayang-masayang nagdiwang sa harap ng tunay na Diyos, habang umaawit at nagpapatugtog ng mga alpa at iba pang instrumentong de-kuwerdas, mga tamburin,+ mga simbalo,*+ at mga trumpeta.+ 9 Pero nang makarating sila sa giikan ni Kidon,* biglang iniunat ni Uzah ang kamay niya at hinawakan ang Kaban, dahil muntik na itong maitumba ng mga baka. 10 Dahil dito, lumagablab ang galit ni Jehova kay Uzah, at pinabagsak niya ito dahil sinunggaban nito ang Kaban,+ at namatay ito roon sa harap ng Diyos.+ 11 Pero nagalit* si David dahil sumiklab ang galit ni Jehova kay Uzah; at ang lugar na iyon ay tinatawag na Perez-uzah* hanggang ngayon.
12 Kaya natakot si David sa tunay na Diyos nang araw na iyon at nagsabi: “Paano ko dadalhin sa lugar ko ang Kaban ng tunay na Diyos?”+ 13 Hindi dinala ni David ang Kaban sa lugar niya sa Lunsod ni David. Sa halip, ipinadala niya iyon sa bahay ni Obed-edom na Giteo. 14 Ang Kaban ng tunay na Diyos ay nasa sambahayan ni Obed-edom; nanatili ito sa bahay niya nang tatlong buwan, at patuloy na pinagpala ni Jehova ang sambahayan ni Obed-edom at ang lahat ng pag-aari niya.+
14 Si Haring Hiram+ ng Tiro ay nagpadala ng mga mensahero kay David, pati ng mga trosong sedro, mga mason,* at mga karpintero para ipagtayo siya ng bahay.*+ 2 At nalaman ni David na ginawang matibay ni Jehova ang paghahari niya sa Israel,+ dahil ginawa Niya siyang dakilang hari alang-alang sa Kaniyang bayang Israel.+
3 Si David ay kumuha pa ng mga asawa+ sa Jerusalem, at nagkaroon pa siya ng mga anak na lalaki at babae.+ 4 Ito ang mga pangalan ng mga naging anak niya sa Jerusalem:+ Samua, Sobab, Natan,+ Solomon,+ 5 Ibhar, Elisua, Elpelet, 6 Noga, Nepeg, Japia, 7 Elisama, Beeliada, at Elipelet.
8 Nang marinig ng mga Filisteo na si David ay inatasan* bilang hari sa buong Israel,+ sumugod ang lahat ng Filisteo para hanapin si David.+ Nang marinig iyon ni David, lumabas siya para harapin ang mga ito. 9 Pagkatapos, dumating ang mga Filisteo at paulit-ulit na sumalakay sa Lambak* ng Repaim.+ 10 Nagtanong si David sa Diyos: “Lalaban ba ako sa mga Filisteo? Ibibigay mo ba sila sa kamay ko?” Sinabi ni Jehova sa kaniya: “Lumaban ka, dahil ibibigay ko sila sa kamay mo.”+ 11 Kaya pumunta si David sa Baal-perazim+ at pinabagsak niya sila roon. At sinabi ni David: “Sa pamamagitan ng kamay ko, pinabagsak ng tunay na Diyos ang mga kaaway ko, gaya ng pader na nawasak dahil sa tubig.” Kaya tinawag nila ang lugar na iyon na Baal-perazim.* 12 Iniwan doon ng mga Filisteo ang mga idolo nila. At sinunog ang mga iyon nang ipag-utos ito ni David.+
13 Nang maglaon, sumalakay ulit sa lambak* ang mga Filisteo.+ 14 Muling sumangguni si David sa Diyos, pero sinabi sa kaniya ng tunay na Diyos: “Huwag kang lumusob sa harapan. Sa halip, pumunta ka sa likuran nila, at salakayin mo sila sa harap ng mga halamang* baca.+ 15 At kapag may narinig kang tunog na gaya ng mga yabag sa ibabaw ng mga halamang baca, sumalakay ka na, dahil nauna nang lumabas ang tunay na Diyos para pabagsakin ang hukbo ng mga Filisteo.”+ 16 At ginawa ni David ang iniutos sa kaniya ng tunay na Diyos,+ at pinabagsak nila ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gibeon hanggang sa Gezer.+ 17 At naging kilala si David sa lahat ng lupain, at natakot sa kaniya ang lahat ng bansa dahil kay Jehova.+
15 At patuloy siyang nagtayo ng mga bahay para sa sarili niya sa Lunsod ni David, at naghanda siya ng isang lugar para sa Kaban ng tunay na Diyos at nagtayo ng isang tolda para dito.+ 2 Noon ay sinabi ni David: “Walang sinumang magdadala ng Kaban ng tunay na Diyos kundi ang mga Levita, dahil sila ang pinili ni Jehova para magdala ng Kaban ni Jehova at maglingkod sa kaniya palagi.”+ 3 Pagkatapos, tinipon ni David ang buong Israel sa Jerusalem para dalhin ang Kaban ni Jehova sa lugar na inihanda niya para dito.+
4 Tinipon ni David ang mga inapo ni Aaron+ at ang mga Levita:+ 5 sa mga Kohatita, ang pinunong si Uriel at ang 120 sa mga kapatid niya; 6 sa mga Merarita, ang pinunong si Asaias+ at ang 220 sa mga kapatid niya; 7 sa mga Gersomita, ang pinunong si Joel+ at ang 130 sa mga kapatid niya; 8 sa mga inapo ni Elisapan,+ ang pinunong si Semaias at ang 200 sa mga kapatid niya; 9 sa mga inapo ni Hebron, ang pinunong si Eliel at ang 80 sa mga kapatid niya; 10 sa mga inapo ni Uziel,+ ang pinunong si Aminadab at ang 112 sa mga kapatid niya. 11 Pagkatapos, tinawag ni David ang mga saserdoteng sina Zadok+ at Abiatar+ at ang mga Levitang sina Uriel, Asaias, Joel, Semaias, Eliel, at Aminadab, 12 at sinabi niya sa kanila: “Kayo ang mga ulo ng mga angkan ng mga Levita. Pabanalin ninyo ang inyong sarili, kayo at ang mga kapatid ninyo, at dalhin ninyo ang Kaban ni Jehova na Diyos ng Israel sa lugar na inihanda ko para dito. 13 Noong una itong dalhin, sumiklab ang galit ni Jehova na ating Diyos laban sa atin+ dahil hindi kayo ang nagbuhat nito;+ hindi natin inalam ang tamang pamamaraan.”+ 14 Kaya pinabanal ng mga saserdote at ng mga Levita ang sarili nila para madala nila ang Kaban ni Jehova na Diyos ng Israel.
15 Pagkatapos, binuhat ng mga Levita sa balikat nila ang Kaban ng tunay na Diyos gamit ang mga pingga,*+ gaya ng iniutos ni Moises ayon sa sinabi ni Jehova. 16 Pagkatapos, sinabi ni David sa mga pinuno ng mga Levita na atasan ang mga kapatid nilang mang-aawit na umawit nang masaya, kasabay ng mga instrumentong pangmusika: mga instrumentong de-kuwerdas, alpa,+ at simbalo.*+
17 Kaya inatasan ng mga Levita si Heman+ na anak ni Joel at, mula sa mga kapatid niya, si Asap+ na anak ni Berekias at, mula sa mga Merarita na mga kapatid nila, si Etan+ na anak ni Kusaias. 18 Kasama nila ang mga kapatid nila sa ikalawang pangkat,+ sina Zacarias, Ben, Jaaziel, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Benaias, Maaseias, Matitias, Elipelehu, at Mikneias, at sina Obed-edom at Jeiel na mga bantay ng pintuang-daan. 19 Ang mga mang-aawit na sina Heman,+ Asap,+ at Etan ang tumugtog ng mga tansong simbalo;+ 20 at sina Zacarias, Aziel, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Maaseias, at Benaias ang tumugtog ng mga instrumentong de-kuwerdas na nakatono sa Alamot;*+ 21 at sina Matitias,+ Elipelehu, Mikneias, Obed-edom, Jeiel, at Azazias ang tumugtog ng mga alpa na nakatono sa Seminit*+ at nagsilbing mga direktor. 22 Si Kenanias+ na pinuno ng mga Levita ang nangasiwa sa pagdadala sa Kaban, dahil bihasa siya, 23 at sina Berekias at Elkana ang mga tagapagbantay ng Kaban. 24 Ang mga saserdoteng sina Sebanias, Josapat, Netanel, Amasai, Zacarias, Benaias, at Eliezer ang humihip nang malakas sa mga trumpeta sa harap ng Kaban ng tunay na Diyos,+ at sina Obed-edom at Jehias ay naging mga tagapagbantay rin ng Kaban.
25 Pagkatapos, si David at ang matatandang lalaki ng Israel at ang mga pinuno ng libo-libo ay sumama sa paglalakad para dalhin nang may pagsasaya ang kaban ng tipan ni Jehova mula sa bahay ni Obed-edom.+ 26 Nang tulungan ng tunay na Diyos ang mga Levita na nagdala ng kaban ng tipan ni Jehova, naghain sila ng pitong batang toro* at pitong lalaking tupa.+ 27 Nakasuot si David ng damit na walang manggas na gawa sa magandang klase ng tela, pati na ang lahat ng Levita na nagdadala ng Kaban, ang mga mang-aawit, at si Kenanias na nangangasiwa sa pagdadala ng Kaban at sa mga mang-aawit; nakasuot din si David ng linong epod.*+ 28 Dinala ng lahat ng Israelita ang kaban ng tipan ni Jehova habang nagsisigawan sila sa tuwa,+ humihihip ng tambuli at mga trumpeta,+ nagpapatunog ng mga simbalo, at malakas na tumutugtog ng mga instrumentong de-kuwerdas at mga alpa.+
29 Pero nang makarating ang kaban ng tipan ni Jehova sa Lunsod ni David,+ ang anak ni Saul na si Mical+ ay dumungaw sa bintana at nakita niya si Haring David na naglululukso at nagdiriwang; at hinamak niya ito sa kaniyang puso.+
16 Ipinasok nila ang Kaban ng tunay na Diyos at inilagay iyon sa loob ng tolda na itinayo ni David para dito;+ at nag-alay sila ng mga handog na sinusunog at mga haing pansalo-salo sa harap ng tunay na Diyos.+ 2 Nang matapos ni David ang pag-aalay ng mga handog na sinusunog+ at mga haing pansalo-salo,+ pinagpala niya ang bayan sa ngalan ni Jehova. 3 Bukod diyan, namahagi siya sa lahat ng Israelita, sa bawat lalaki at babae, ng isang bilog na tinapay, isang kakaning datiles, at isang kakaning pasas. 4 Pagkatapos, inatasan niya ang ilang Levita na maglingkod sa harap ng Kaban ni Jehova,+ para parangalan,* pasalamatan, at purihin si Jehova na Diyos ng Israel. 5 Si Asap+ ang lider, at sumunod sa kaniya si Zacarias; at sina Jeiel, Semiramot, Jehiel, Matitias, Eliab, Benaias, Obed-edom, at Jeiel+ ang tumutugtog ng mga instrumentong de-kuwerdas at alpa;+ at si Asap ang tumutugtog ng simbalo,*+ 6 at ang mga saserdoteng sina Benaias at Jahaziel ang palaging humihihip ng trumpeta sa harap ng kaban ng tipan ng tunay na Diyos.
7 Noong araw na iyon unang kumatha si David ng awit ng pasasalamat kay Jehova at ipinaawit niya ito kay Asap+ at sa mga kapatid nito:
8 “Magpasalamat kayo kay Jehova,+ tumawag kayo sa pangalan niya,
Ipaalám ninyo sa mga bansa ang mga ginawa niya!+
9 Umawit kayo sa kaniya, umawit kayo ng mga papuri sa* kaniya,+
Pag-isipan* ninyo ang lahat ng kamangha-mangha niyang gawa.+
10 Ipagmalaki ninyo ang kaniyang banal na pangalan.+
Magsaya nawa ang puso ng mga humahanap kay Jehova.+
11 Hanapin ninyo si Jehova+ at umasa kayo sa lakas niya.
Lagi ninyong hanapin ang kaniyang mukha.*+
12 Alalahanin ninyo ang kamangha-manghang mga bagay na ginawa niya,+
Ang kaniyang mga himala at ang mga hatol na inihayag niya,
13 Kayong mga supling* ng lingkod niyang si Israel,+
Kayong mga anak ni Jacob, na mga pinili niya.+
14 Siya si Jehova na ating Diyos.+
Siya ang humahatol sa buong lupa.+
15 Alalahanin ninyo ang kaniyang tipan magpakailanman,
Ang ipinangako* niya, hanggang sa sanlibong henerasyon,+
16 Ang tipan niya kay Abraham,+
At ang panata niya kay Isaac,+
17 Na pinagtibay niya kay Jacob,+
At ibinigay niya bilang walang-hanggang tipan kay Israel.
18 Sinabi niya, ‘Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan+
Bilang inyong mana.’+
21 Hindi niya hinayaang pagmalupitan sila ng sinuman,+
Kundi alang-alang sa kanila ay sumaway siya ng mga hari:+
22 ‘Huwag ninyong sasaktan ang mga pinili* ko,
At huwag ninyong gagawan ng masama ang mga propeta ko.’+
23 Buong lupa, umawit kayo kay Jehova!
Ihayag ninyo araw-araw ang pagliligtas niya!+
24 Isaysay ninyo sa mga bansa ang kaluwalhatian niya,
Sa lahat ng bayan ang kaniyang kamangha-manghang mga gawa.
25 Dahil si Jehova ay dakila at karapat-dapat sa lahat ng papuri.
Mas dapat siyang katakutan kaysa sa lahat ng iba pang diyos.+
26 Ang lahat ng diyos ng mga bansa ay walang-silbing mga diyos,+
Pero si Jehova ang gumawa ng langit.+
28 Ibigay ninyo kay Jehova ang nararapat sa kaniya, kayong mga pamilya ng mga bayan,
Ibigay ninyo kay Jehova ang nararapat sa kaniya dahil sa kaniyang lakas at kaluwalhatian.+
29 Ibigay ninyo kay Jehova ang kaluwalhatiang nararapat sa pangalan niya;+
Magdala kayo ng kaloob at humarap sa kaniya.+
Yumukod* kayo kay Jehova nang may banal na kasuotan.*+
30 Manginig kayo sa harap niya, buong lupa!
Matibay ang pagkakagawa sa lupa;* hindi ito magagalaw.*+
32 Umugong ang dagat at ang lahat ng naroon;
Magsaya ang mga parang at ang lahat ng naroon.
33 Kasabay nito, ang mga puno sa kagubatan ay humiyaw sa kagalakan sa harap ni Jehova,
Dahil dumarating* siya para hatulan ang lupa.
34 Magpasalamat kayo kay Jehova, dahil siya ay mabuti;+
Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.+
35 At sabihin ninyo, ‘Iligtas mo kami, O Diyos na aming tagapagligtas,+
Tipunin mo kami at sagipin mula sa mga bansa,
Para makapagpasalamat kami sa banal mong pangalan,+
At magalak sa pagpuri sa iyo.+
At sinabi ng buong bayan, “Amen!”* at pinuri nila si Jehova.
37 Pagkatapos, iniwan ni David si Asap+ at ang mga kapatid nito sa harap ng kaban ng tipan ni Jehova para maglingkod sila palagi sa harap ng Kaban,+ at magampanan ang pang-araw-araw na gawain.+ 38 Si Obed-edom at ang mga kapatid niya, na may bilang na 68, at si Obed-edom, na anak ni Jedutun, at si Hosa ang mga bantay ng pintuang-daan; 39 at ang saserdoteng si Zadok+ at ang mga kapuwa niya saserdote ay nasa harap ng tabernakulo ni Jehova sa mataas na lugar sa Gibeon+ 40 para regular na mag-alay kay Jehova ng mga handog na sinusunog sa altar ng handog na sinusunog, sa umaga at sa gabi, at gawin ang lahat ng nakasulat sa Kautusan ni Jehova na ibinigay niya sa Israel.+ 41 Kasama nila sina Heman at Jedutun+ at ang iba pang piling lalaki na tinukoy ayon sa pangalan para magpasalamat kay Jehova,+ dahil “ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan”;+ 42 at kasama nila sina Heman+ at Jedutun para humihip ng mga trumpeta at magpatunog ng mga simbalo at ng mga instrumentong ginagamit sa pagpuri sa* tunay na Diyos; at ang mga anak ni Jedutun+ ay nasa pintuang-daan. 43 Pagkatapos, umuwi na ang buong bayan, at umuwi si David para pagpalain ang sarili niyang sambahayan.
17 Nang tumira si David sa sarili niyang bahay,* sinabi niya sa propetang si Natan:+ “Nakatira ako sa isang bahay na gawa sa mga sedro+ samantalang ang kaban ng tipan ni Jehova ay nasa tolda.”+ 2 Sinabi ni Natan kay David: “Gawin mo kung ano ang nasa puso mo, dahil ang tunay na Diyos ay sumasaiyo.”
3 Nang gabing iyon, dumating kay Natan ang mensaheng ito ng Diyos: 4 “Sabihin mo sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Hindi ikaw ang magtatayo ng bahay na titirhan ko.+ 5 Mula noong ilabas ko ang Israel, hindi pa ako nanirahan sa isang bahay, kundi nagpapalipat-lipat ako ng tolda at ng tabernakulo.*+ 6 Sa buong panahong kasama ako ng Israel, sinabi ko ba sa sinumang hukom ng Israel na inatasan kong magpastol sa bayan ko, ‘Bakit hindi ninyo ako ipinagtayo ng bahay na gawa sa sedro?’”’
7 “Sabihin mo ngayon sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Kinuha kita mula sa mga pastulan, mula sa pag-aalaga ng kawan, para maging pinuno ng bayan kong Israel.+ 8 At ako ay sasaiyo saan ka man magpunta,+ at lilipulin ko sa harap mo ang lahat ng iyong kaaway;+ at gagawin kong kilala ang pangalan mo, gaya ng pangalan ng mga dakilang tao sa daigdig.+ 9 Bibigyan ko ng lupain ang bayan kong Israel at doon ko sila patitirahin, at mamumuhay sila roon at wala nang gagambala sa kanila; at hindi na sila pahihirapan* ng masasamang tao gaya ng ginawa sa kanila noon,+ 10 mula nang araw na mag-atas ako ng mga hukom sa bayan kong Israel.+ At tatalunin ko ang lahat ng kaaway mo.+ Sinasabi ko rin sa iyo, ‘Magtatatag si Jehova ng isang sambahayan* para sa iyo.’
11 “‘“Kapag nagwakas na ang buhay mo gaya ng iyong mga ninuno, gagawin kong hari na kahalili mo ang iyong supling,* ang isa sa mga anak mo,+ at gagawin kong matatag ang paghahari niya.+ 12 Siya ang magtatayo ng bahay para sa akin,+ at gagawin kong matibay ang trono niya magpakailanman.+ 13 Magiging ama niya ako, at magiging anak ko siya.+ Hindi mawawala ang aking tapat na pag-ibig sa kaniya+ kung paanong nawala ito sa isa na nauna sa iyo.+ 14 Aatasan ko siya sa bahay ko at sa kaharian ko magpakailanman,+ at mananatili ang trono niya magpakailanman.”’”+
15 Sinabi ni Natan kay David ang lahat ng salitang ito at ang buong pangitaing ito.
16 Kaya umupo si Haring David sa harap ni Jehova at nagsabi: “Sino ako, O Diyos na Jehova? At ano ang sambahayan ko para gawin mo sa akin ang lahat ng ito?+ 17 At para bang kulang pa ito sa iyo, O Diyos, kaya sinabi mo pa ang mangyayari sa sambahayan ng iyong lingkod hanggang sa malayong hinaharap,+ at tiningnan mo ako na parang isang taong dapat pang parangalan,* O Diyos na Jehova. 18 Ano pa ba ang masasabi sa iyo ng lingkod mong si David sa karangalang ibinigay mo sa akin? Kilalang-kilala mo ang iyong lingkod.+ 19 O Jehova, alang-alang sa iyong lingkod at ayon sa iyong kalooban, ginawa mo ang lahat ng dakilang bagay na ito at isiniwalat ang iyong kadakilaan.+ 20 O Jehova, wala kang katulad,+ at walang Diyos maliban sa iyo;+ pinatutunayan ito ng lahat ng narinig namin. 21 At anong bansa sa lupa ang kagaya ng bayan mong Israel?+ Tinubos sila ng tunay na Diyos bilang kaniyang bayan.+ Gumawa ka ng pangalan para sa iyong sarili sa pamamagitan ng iyong dakila at kamangha-manghang mga gawa.+ Itinaboy mo ang mga bansa sa harap ng iyong bayan,+ na tinubos mo mula sa Ehipto. 22 Ginawa mong sarili mong bayan ang Israel sa habang panahon;+ at ikaw, O Jehova, ang naging Diyos nila.+ 23 Ngayon, O Jehova, maging totoo nawa magpakailanman ang pangako mo may kinalaman sa iyong lingkod at sa sambahayan niya, at gawin mo nawa ang ipinangako mo.+ 24 Manatili* nawa ang pangalan mo at maging dakila+ magpakailanman, para sabihin ng mga tao, ‘Si Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ay Diyos sa Israel,’ at maging matibay nawa ang pagkakatatag ng sambahayan ng lingkod mong si David sa harap mo.+ 25 O aking Diyos, sinabi mo sa iyong lingkod na magtatatag ka ng isang sambahayan* para sa kaniya. Kaya ang lingkod mo ay nagkaroon ng lakas ng loob na bigkasin ang panalanging ito sa iyo. 26 At ngayon, O Jehova, ikaw ang tunay na Diyos, at ipinangako mo ang mabubuting bagay na ito may kinalaman sa iyong lingkod. 27 Pagpalain mo nawa ang sambahayan ng iyong lingkod, at manatili nawa ito magpakailanman sa harap mo, dahil ikaw, O Jehova, ay nagbigay ng pagpapala, at pinagpala ito magpakailanman.”
18 Makalipas ang ilang panahon, nakipaglaban si David sa mga Filisteo at tinalo ang mga ito at kinuha ang Gat+ at ang katabing mga nayon nito* mula sa kamay ng mga Filisteo.+ 2 Pagkatapos, tinalo niya ang Moab,+ at ang mga Moabita ay naging mga lingkod ni David at nagdala sila ng tributo.*+
3 Tinalo ni David si Haring Hadadezer+ ng Zoba+ malapit sa Hamat+ nang papunta ito sa Ilog Eufrates para sakupin iyon.+ 4 Nakakuha si David sa kaniya ng 1,000 karwahe,* 7,000 mangangabayo, at 20,000 sundalo.+ Pagkatapos, pinutulan ni David ng litid sa binti ang lahat ng kabayong pangkarwahe maliban sa 100.+ 5 Nang dumating ang mga Siryano ng Damasco para tulungan si Haring Hadadezer ng Zoba, pinabagsak ni David ang 22,000 sa mga Siryano.+ 6 Pagkatapos, nagtayo si David ng mga himpilan ng mga sundalo sa Sirya ng Damasco, at ang mga Siryano ay naging mga lingkod ni David at nagdala sila ng tributo. Pinagtatagumpay* ni Jehova si David saanman ito pumunta.+ 7 Bukod diyan, kinuha ni David mula sa mga lingkod ni Hadadezer ang bilog na mga kalasag na yari sa ginto at dinala ang mga iyon sa Jerusalem. 8 Kumuha si David ng napakaraming tanso mula sa Tibhat at Cun, na mga lunsod ni Hadadezer. Ginamit iyon ni Solomon sa paggawa ng malaking tipunan ng tubig na yari sa tanso,+ ng mga haligi, at ng mga kagamitang tanso.+
9 Nang marinig ni Haring Tou ng Hamat na tinalo ni David ang buong hukbo ni Haring Hadadezer+ ng Zoba,+ 10 isinugo niya agad kay Haring David ang anak niyang si Hadoram para kumustahin ito at batiin dahil nilabanan nito at tinalo si Hadadezer (dahil madalas makipagdigma si Hadadezer kay Tou). Nagdala si Hadoram ng iba’t ibang kagamitang ginto, pilak, at tanso. 11 Inialay* ni Haring David ang mga ito kay Jehova,+ gaya ng ginawa niya sa mga pilak at gintong nakuha niya sa lahat ng bansa: sa Edom at Moab, sa mga Ammonita,+ Filisteo,+ at Amalekita.+
12 Nagpabagsak si Abisai+ na anak ni Zeruias+ ng 18,000 Edomita sa Lambak ng Asin.+ 13 Nagtayo siya ng mga himpilan ng mga sundalo sa Edom, at ang lahat ng Edomita ay naging mga lingkod ni David.+ Pinagtatagumpay* ni Jehova si David saanman ito pumunta.+ 14 Patuloy na naghari si David sa buong Israel,+ at ang mga ginagawa niya para sa buong bayan niya ay makatarungan at matuwid.+ 15 Si Joab na anak ni Zeruias ang pinuno ng hukbo,+ si Jehosapat+ na anak ni Ahilud ang tagapagtala, 16 si Zadok na anak ni Ahitub at si Ahimelec na anak ni Abiatar ang mga saserdote, at si Savsa ang kalihim. 17 Si Benaias na anak ni Jehoiada ang pinuno ng mga Kereteo+ at Peleteo.+ At ang mga anak ni David ang nasa pinakamatataas na posisyon kasunod ng hari.
19 Nang maglaon, namatay si Nahas na hari ng mga Ammonita, at ang anak niya ang pumalit sa kaniya bilang hari.+ 2 Kaya sinabi ni David: “Magpapakita ako ng tapat na pag-ibig+ kay Hanun na anak ni Nahas, dahil nagpakita ng tapat na pag-ibig sa akin ang kaniyang ama.” Kaya nagsugo si David ng mga mensahero para makiramay sa pagkamatay ng ama nito. Pero pagdating ng mga lingkod ni David sa lupain ng mga Ammonita+ para makiramay kay Hanun, 3 sinabi ng matataas na opisyal ng mga Ammonita kay Hanun: “Sa tingin mo ba, pinararangalan ni David ang iyong ama sa pagsusugo niya ng mga makikiramay sa iyo? Hindi kaya pumunta rito ang mga lingkod niya para mag-espiya sa buong lunsod at ibagsak ito?” 4 Kaya kinuha ni Hanun ang mga lingkod ni David at inahitan sila+ at pinutol hanggang sa pigi ang mga damit nila at pinaalis sila. 5 Nang sabihin kay David ang nangyari sa mga lalaki, nagsugo siya agad ng mga tauhan para salubungin sila, dahil ang mga lalaki ay napahiya nang husto; at sinabi sa kanila ng hari: “Doon muna kayo sa Jerico+ hanggang sa tumubo ulit ang balbas ninyo, saka kayo bumalik.”
6 Nang malaman ng mga Ammonita na galit na galit sa kanila si David, nagpadala si Hanun at ang mga Ammonita ng 1,000 talento* ng pilak para umupa ng mga karwahe at mga mangangabayo mula sa Mesopotamia,* Aram-maaca, at Zoba.+ 7 Umupa sila ng 32,000 karwahe, kasama ang hari ng Maaca at ang bayan niya. Pagkatapos, pumunta sila sa harap ng Medeba+ at nagkampo roon. Nagtipon-tipon ang mga Ammonita mula sa mga lunsod nila at naghanda para makipagdigma.
8 Nang mabalitaan ito ni David, isinugo niya si Joab+ at ang buong hukbo, kasama ang pinakamalalakas niyang mandirigma.+ 9 At ang mga Ammonita ay lumabas at humanay sa pasukan ng pintuang-daan para makipagdigma, samantalang ang mga haring dumating ay magkakasama sa parang.
10 Nang makita ni Joab na sumasalakay ang mga kalaban sa harapan at likuran niya, pumili siya ng pinakamahuhusay na sundalo sa Israel, at ang mga ito ang iniharap niya para makipaglaban sa mga Siryano.+ 11 Ang iba pang sundalo ay inilagay niya sa pangunguna* ng kapatid niyang si Abisai,+ at humanay sila para makipagdigma sa mga Ammonita. 12 Pagkatapos, sinabi niya: “Kapag natatalo ako ng mga Siryano,+ tulungan mo ako; pero kapag natatalo ka ng mga Ammonita, tutulungan kita. 13 Magpakatatag tayo at lakasan natin ang ating loob+ para sa ating bayan at para sa mga lunsod ng ating Diyos, at gagawin ni Jehova ang mabuti sa paningin niya.”
14 Pagkatapos, umabante si Joab at ang mga tauhan niya para makipagdigma sa mga Siryano, at tumakas ang mga ito mula sa harap niya.+ 15 Nang makita ng mga Ammonita na tumakas ang mga Siryano, tumakas din sila mula sa kapatid niyang si Abisai at pumunta sa lunsod. Pagkatapos, pumunta si Joab sa Jerusalem.
16 Nang makita ng mga Siryano na natalo sila ng Israel, nagsugo sila ng mga mensahero para tawagin ang mga Siryano na nasa rehiyon ng Ilog,*+ at si Sopac na pinuno ng hukbo ni Hadadezer ang nanguna sa mga ito.+
17 Nang ibalita ito kay David, agad niyang tinipon ang buong Israel at tumawid sila ng Jordan at pumunta sa mga Siryano at humanay para makipagdigma sa mga ito. Humanay si David para makipagdigma sa mga Siryano, at nakipaglaban sa kaniya ang mga ito.+ 18 Pero tumakas ang mga Siryano mula sa Israel; at 7,000 tagapagpatakbo ng karwahe at 40,000 sundalong Siryano ang napatay ni David, at pinatay niya si Sopac na pinuno ng hukbo. 19 Nang makita ng mga lingkod ni Hadadezer na natalo sila ng Israel,+ agad silang nakipagpayapaan kay David at naging mga sakop niya;+ at ayaw nang tulungan ng Sirya ang mga Ammonita.
20 Sa pasimula ng taon,* noong nakikipagdigma ang mga hari, nanguna si Joab+ sa isang pakikipagdigma at sinira ang lupain ng mga Ammonita; pumunta siya sa Raba+ at pinalibutan nila ito, pero si David ay nanatili sa Jerusalem.+ Sinalakay ni Joab ang Raba at giniba iyon.+ 2 Pagkatapos, kinuha ni David ang korona ni Malcam mula sa ulo nito, at nalaman niyang isang talento* ng ginto ang bigat nito at ito ay may mamahaling mga bato; at inilagay ito sa ulo ni David. Kumuha rin siya ng napakaraming samsam mula sa lunsod.+ 3 At kinuha niya ang mga tagaroon at pinaglagari sila ng mga bato at pinagtrabaho+ gamit ang matatalas na kasangkapang bakal at mga palakol. Ganito ang ginawa ni David sa lahat ng lunsod ng mga Ammonita. Bandang huli, si David at ang lahat ng sundalo ay bumalik sa Jerusalem.
4 Pagkatapos nito, nakipagdigma sila sa mga Filisteo sa Gezer. Sa labanang iyon, napatay ni Sibecai+ na Husatita si Sipai, na mula sa lahi ng mga Repaim,+ at natalo ang mga ito.
5 At muli silang nakipagdigma sa mga Filisteo, at napatay ni Elhanan na anak ni Jair si Lami na kapatid ni Goliat+ na Giteo, na ang hawakan ng sibat ay kasinlaki ng baras ng habihan.+
6 Muling nagkaroon ng digmaan sa Gat,+ kung saan may isang lalaki na pambihira ang laki+ at may 6 na daliri sa bawat kamay at 6 na daliri sa bawat paa, 24 lahat; at mula rin siya sa lahi ng mga Repaim.+ 7 Wala siyang tigil sa pang-iinsulto+ sa Israel. Kaya pinatay siya ni Jonatan na anak ni Simea,+ na kapatid ni David.
8 Ang mga ito ay mula sa lahi ng mga Repaim+ sa Gat,+ at namatay sila sa kamay ni David at ng mga lingkod niya.
21 Pagkatapos, kumilos si Satanas* laban sa Israel at inudyukan si David na bilangin ang mga Israelita.+ 2 Kaya sinabi ni David kay Joab+ at sa mga pinuno ng bayan: “Bilangin ninyo ang mga Israelita mula sa Beer-sheba hanggang sa Dan;+ pagkatapos, mag-ulat kayo sa akin para malaman ko ang bilang nila.” 3 Pero sinabi ni Joab: “Palakihin nawa ni Jehova ang bilang ng bayan niya nang 100 ulit! Panginoon kong hari, hindi ba lahat sila ay lingkod na ng aking panginoon? Bakit ito gustong gawin ng panginoon ko? Magiging dahilan ka ng pagkakasala ng Israel.”
4 Pero ang sinabi ng hari ang nasunod at hindi ang kay Joab. Kaya umalis si Joab at lumibot sa buong Israel. Pagkatapos nito, pumunta siya sa Jerusalem.+ 5 Ibinigay ngayon ni Joab kay David ang bilang ng mga nairehistro. Ang Israel ay may 1,100,000 lalaki na may espada, at ang Juda, 470,000 lalaki na may espada.+ 6 Pero hindi niya inirehistro ang Levi at Benjamin,+ dahil kasuklam-suklam kay Joab ang utos ng hari.+
7 Napakasama nito sa paningin ng tunay na Diyos, kaya pinarusahan niya ang Israel. 8 Sinabi ni David sa tunay na Diyos: “Malaking kasalanan ang nagawa ko.+ Pakisuyo, patawarin mo ang pagkakamali ng iyong lingkod,+ dahil malaking kamangmangan ang nagawa ko.”+ 9 Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Gad,+ ang lingkod ni David na nakakakita ng pangitain: 10 “Pumunta ka kay David at sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Bibigyan kita ng tatlong mapagpipilian. Pumili ka ng isa na gagawin ko sa iyo.”’” 11 Kaya pumunta si Gad kay David at sinabi rito: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Mamili ka: 12 magkakaroon ng tatlong-taóng taggutom,+ o sa loob ng tatlong buwan ay tatalunin ka ng mga kalaban mo at maaabutan ka ng espada ng mga kaaway mo,+ o tatlong araw na pupuksa ang espada ni Jehova—salot sa lupain+—at pupuksa ang anghel ni Jehova+ sa buong teritoryo ng Israel.’ Pag-isipan mo ang isasagot ko sa nagsugo sa akin.” 13 Sinabi ni David kay Gad: “Hirap na hirap ang loob ko. Pakisuyo, mahulog nawa ako sa kamay ni Jehova, dahil napakamaawain niya.+ Huwag mo akong hayaang mahulog sa kamay ng tao.”+
14 Pagkatapos, nagpadala si Jehova ng salot+ sa Israel, at 70,000 ang namatay sa Israel.+ 15 Bukod diyan, ang tunay na Diyos ay nagsugo ng isang anghel sa Jerusalem para pumuksa; pero nang gagawin na ito ng anghel, nakita iyon ni Jehova at nalungkot siya sa kapahamakan ng bayan,+ at sinabi niya sa anghel na tagapuksa: “Tama na!+ Ibaba mo na ang kamay mo.” Ang anghel ni Jehova ay nakatayo malapit sa giikan ni Ornan+ na Jebusita.+
16 Pagtingala ni David, nakita niya ang anghel ni Jehova na nakatayo sa pagitan ng lupa at ng langit na may hawak na espada+ na nakaturo sa Jerusalem. Si David at ang matatandang lalaki, na nakasuot ng telang-sako,+ ay agad na sumubsob sa lupa.+ 17 Sinabi ni David sa tunay na Diyos: “Hindi ba ako ang nagsabi na bilangin ang mga tao? Ako ang nagkasala. Ako ang nagkamali;+ pero ang mga tupang ito—ano ang nagawa nila? O Jehova na aking Diyos, pakisuyo, ako na lang at ang sambahayan ng aking ama ang parusahan mo; huwag mong pasapitin ang salot na ito sa bayan mo.”+
18 At inutusan ng anghel ni Jehova si Gad+ na sabihin kay David na pumunta sa giikan ni Ornan na Jebusita para magtayo roon ng isang altar para kay Jehova.+ 19 Kaya pumunta roon si David ayon sa sinabi ni Jehova sa pamamagitan ni Gad. 20 Samantala, habang naggigiik ng trigo si Ornan, lumingon siya at nakita niya ang anghel, at ang apat niyang anak na kasama niya ay nagtago. 21 Nang papalapit na si David, nakita siya ni Ornan, at agad itong lumabas ng giikan at sumubsob sa lupa sa harap ni David. 22 Sinabi ni David kay Ornan: “Ipagbili* mo sa akin ang giikan, para makapagtayo ako roon ng isang altar para kay Jehova at matigil ang salot sa bayan. Ipagbili mo iyon sa akin sa buong halaga nito.”+ 23 Pero sinabi ni Ornan kay David: “Sa iyo na iyon, at gawin ng panginoon kong hari kung ano ang gusto* niya. Magbibigay ako ng mga baka para gawing handog na sinusunog at ng panggiik na kareta+ para gawing panggatong at ng trigo para gawing handog na mga butil. Ibibigay ko ang lahat ng iyon.”
24 Pero sinabi ni Haring David kay Ornan: “Hindi, bibilhin ko iyon sa buong halaga nito, dahil hindi ko kukunin ang sa iyo para ibigay kay Jehova at hindi ako maghahandog ng mga haing sinusunog nang wala akong ibinayad.”+ 25 Kaya nagbayad si David kay Ornan ng 600 siklong* ginto para sa lugar na iyon. 26 At nagtayo roon si David ng isang altar+ para kay Jehova at naghandog ng mga haing sinusunog at mga haing pansalo-salo. Pagkatapos, tumawag siya kay Jehova, na sumagot sa kaniya sa pamamagitan ng apoy+ mula sa langit. At natupok ang handog na sinusunog sa ibabaw ng altar. 27 Pagkatapos, inutusan ni Jehova ang anghel+ na ibalik sa lalagyan ang espada niya. 28 Sa pagkakataong iyon, nang makita ni David na sinagot siya ni Jehova sa giikan ni Ornan na Jebusita, nagpatuloy siya sa paghahandog doon. 29 Ang tabernakulo ni Jehova na ginawa ni Moises sa ilang at ang altar ng handog na sinusunog ay nasa mataas na lugar sa Gibeon+ nang panahong iyon. 30 Pero hindi makapunta roon si David para sumangguni sa Diyos, dahil natatakot siya sa espada ng anghel ni Jehova.
22 Pagkatapos, sinabi ni David: “Ito ang bahay ni Jehova na tunay na Diyos, at ito ay isang altar ng handog na sinusunog para sa Israel.”+
2 Nag-utos si David na tipunin ang mga dayuhang naninirahan+ sa Israel, at inatasan niya sila na maging mga tagatabas ng bato para maghanda ng mga batong gagamitin sa pagtatayo ng bahay ng tunay na Diyos.+ 3 Naghanda rin si David ng napakaraming bakal para gawing mga pako sa mga pinto ng mga pintuang-daan at para gawing mga pang-ipit, at ng tanso na hindi na matimbang sa dami,+ 4 pati ng mga kahoy na sedro+ na hindi mabilang, dahil ang mga Sidonio+ at ang mga taga-Tiro+ ay nagdala ng napakaraming kahoy na sedro para kay David. 5 At sinabi ni David: “Ang anak kong si Solomon ay bata pa at walang karanasan,*+ at ang bahay na itatayo para kay Jehova ay napakaringal,+ at magiging bantog ito at mapapabalita sa lahat ng lupain+ ang kagandahan nito.+ Kaya maghahanda ako para sa kaniya.” At naghanda si David ng napakaraming materyales bago siya mamatay.
6 Pagkatapos, ipinatawag niya ang anak niyang si Solomon at tinagubilinan itong magtayo ng isang bahay para kay Jehova na Diyos ng Israel. 7 Sinabi ni David sa anak niyang si Solomon: “Gustong-gusto kong magtayo ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova na aking Diyos.+ 8 Pero sinabi sa akin ni Jehova: ‘Nagpadanak ka ng maraming dugo, at nakipaglaban ka sa malalaking digmaan. Hindi ka magtatayo ng bahay para sa pangalan ko,+ dahil nagpadanak ka ng maraming dugo sa lupa sa harap ko. 9 Magkakaroon ka ng isang anak na lalaki+ na may kapayapaan,* at bibigyan ko siya ng kapahingahan mula sa lahat ng kaaway niya sa palibot.+ Solomon*+ ang magiging pangalan niya, at bibigyan ko ang Israel ng kapayapaan at katahimikan sa panahon niya.+ 10 Siya ang magtatayo ng bahay para sa pangalan ko.+ Magiging anak ko siya, at magiging ama niya ako.+ Gagawin kong matibay ang trono ng kaharian niya sa Israel magpakailanman.’+
11 “Anak ko, sumaiyo nawa si Jehova, at magtagumpay ka nawa sa pagtatayo ng bahay ni Jehova na iyong Diyos, gaya ng sinabi niya may kinalaman sa iyo.+ 12 At kapag binigyan ka ni Jehova ng awtoridad sa Israel, bigyan ka nawa niya ng karunungan at kaunawaan+ para masunod mo ang kautusan ni Jehova na iyong Diyos.+ 13 At magtatagumpay ka kung susundin mong mabuti ang mga tuntunin+ at mga hatol na ibinigay ni Moises sa Israel ayon sa utos ni Jehova.+ Lakasan mo ang loob mo at magpakatatag ka. Huwag kang matakot o masindak.+ 14 Pinagsikapan kong maghanda para sa bahay ni Jehova ng 100,000 talento* ng ginto at ng 1,000,000 talento ng pilak, pati na ng tanso at bakal+ na hindi na matimbang sa dami, at naghanda ako ng mga kahoy at bato;+ pero daragdagan mo pa ito. 15 Marami kang kasamang manggagawa—mga tagatabas ng bato, mason,+ karpintero, at lahat ng klase ng bihasang manggagawa.+ 16 Hindi matimbang sa dami ang ginto, pilak, tanso, at bakal.+ Simulan mo na ang paggawa, at sumaiyo nawa si Jehova.”+
17 Pagkatapos, inutusan ni David ang lahat ng matataas na opisyal ng Israel na tulungan ang anak niyang si Solomon: 18 “Hindi ba sumasainyo si Jehova na inyong Diyos, at hindi ba binigyan niya kayo ng kapahingahan sa buong lupain? Ibinigay niya sa kamay ko ang mga nakatira sa lupain, at ang lupain ay nasakop ni Jehova at ng kaniyang bayan. 19 Hanapin ninyo si Jehova na inyong Diyos nang inyong buong puso at buong kaluluwa,+ at simulan ninyo ang pagtatayo ng santuwaryo ni Jehova na tunay na Diyos,+ para madala ang kaban ng tipan ni Jehova at ang mga banal na kagamitan ng tunay na Diyos+ sa bahay na itinayo para sa pangalan ni Jehova.”+
23 Nang si David ay matanda na at malapit nang mamatay,* ginawa niyang hari sa Israel ang anak niyang si Solomon.+ 2 Pagkatapos, tinipon niya ang lahat ng matataas na opisyal ng Israel, ang mga saserdote,+ at ang mga Levita.+ 3 Binilang ang mga Levita na 30 taóng gulang pataas;+ umabot ang mga ito sa 38,000. 4 Sa mga ito, 24,000 ang naging mga tagapangasiwa sa gawain sa bahay ni Jehova, at may 6,000 opisyal at hukom,+ 5 at may 4,000 bantay ng pintuang-daan,+ at 4,000 ang pumupuri+ kay Jehova gamit ang mga instrumentong tinutukoy ni David nang sabihin niya, “Ginawa ko ang mga ito para sa pagpuri.”
6 Pagkatapos, pinagpangkat-pangkat sila ni David+ ayon sa mga anak ni Levi: sina Gerson, Kohat, at Merari.+ 7 Sa mga Gersonita, sina Ladan at Simei. 8 Ang mga anak ni Ladan ay si Jehiel na pinuno, si Zetam, at si Joel,+ tatlo. 9 Ang mga anak ni Simei ay sina Selomot, Haziel, at Haran, tatlo. Ito ang mga ulo ng mga angkan ni Ladan. 10 At ang mga anak ni Simei ay sina Jahat, Zina, Jeus, at Berias. Ang apat na ito ang mga anak ni Simei. 11 Si Jahat ang pinuno at si Zizah ang pangalawa. Pero dahil kaunti lang ang mga anak na lalaki nina Jeus at Berias, itinuring silang iisang angkan na may iisang pananagutan.
12 Ang mga anak ni Kohat ay sina Amram, Izhar,+ Hebron, at Uziel,+ apat. 13 Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron+ at Moises.+ Pero si Aaron at ang mga anak niya ay permanenteng ibinukod+ para pabanalin ang Kabanal-banalan, maghandog sa harap ni Jehova, maglingkod sa kaniya, at laging pagpalain ang mga tao sa pangalan niya.+ 14 Ang mga anak ni Moises na lingkod ng tunay na Diyos ay ibinilang sa tribo ng mga Levita. 15 Ang mga anak ni Moises ay sina Gersom+ at Eliezer.+ 16 Sa mga anak ni Gersom, si Sebuel+ ang pinuno. 17 Sa angkan* ni Eliezer, si Rehabias+ ang pinuno; hindi nagkaroon si Eliezer ng iba pang anak, pero napakaraming anak ni Rehabias. 18 Sa mga anak ni Izhar,+ si Selomit+ ang pinuno. 19 Sa mga anak ni Hebron, si Jeria ang pinuno, si Amarias ang pangalawa, si Jahaziel ang pangatlo, at si Jekameam+ ang pang-apat. 20 Sa mga anak ni Uziel,+ si Mikas ang pinuno at si Isia ang pangalawa.
21 Ang mga anak ni Merari ay sina Mahali at Musi.+ Ang mga anak ni Mahali ay sina Eleazar at Kis. 22 Namatay si Eleazar, pero puro babae ang mga anak niya. Kaya kinuha sila bilang asawa ng mga anak ni Kis, na mga kamag-anak* nila. 23 Ang mga anak ni Musi ay sina Mahali, Eder, at Jeremot, tatlo.
24 Ito ang mga anak ni Levi ayon sa kanilang mga angkan, ang mga ulo ng mga angkan. Inirehistro sila—binilang at inilista ang mga pangalan nila—at naglingkod sila sa bahay ni Jehova, ang mga lalaking 20 taóng gulang pataas. 25 Dahil sinabi ni David: “Si Jehova na Diyos ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa bayan niya,+ at titira siya sa Jerusalem magpakailanman.+ 26 Hindi na rin kailangang buhatin ng mga Levita ang tabernakulo o ang alinman sa mga kagamitan sa paglilingkod dito.”+ 27 Ayon sa huling tagubilin ni David, binilang ang mga Levita na 20 taóng gulang pataas. 28 Tungkulin nilang tulungan ang mga anak ni Aaron+ sa paglilingkod sa bahay ni Jehova at mangasiwa sa mga looban+ at mga silid-kainan, sa paglilinis ng bawat banal na bagay, at sa iba pang gawain sa bahay ng tunay na Diyos. 29 Tumutulong sila sa paghahanda ng magkakapatong na tinapay,*+ ng magandang klase ng harina para sa handog na mga butil, ng maninipis na tinapay na walang pampaalsa,+ ng mga tinapay na niluto sa malapad na lutuan, at ng masang hinaluan ng langis,+ at sa pagsukat ng tamang dami at laki. 30 Tumatayo sila tuwing umaga+ para magpasalamat at pumuri kay Jehova, at ganoon din sa gabi.+ 31 Tumutulong sila kapag iniaalay ang mga haing sinusunog para kay Jehova tuwing Sabbath,+ bagong buwan,+ at panahon ng kapistahan,+ ayon sa dami na hinihiling ng mga tuntunin tungkol sa mga ito; at ginagawa nila iyon nang regular sa harap ni Jehova. 32 May mga pananagutan din sila sa tolda ng pagpupulong, sa banal na lugar, at sa mga kapatid nila na mga anak ni Aaron para sa paglilingkod sa bahay ni Jehova.
24 Ito ang mga pangkat ng angkan ni Aaron: Ang mga anak ni Aaron ay sina Nadab, Abihu,+ Eleazar, at Itamar.+ 2 Pero sina Nadab at Abihu ay naunang mamatay sa ama nila,+ at hindi sila nagkaroon ng mga anak na lalaki; pero sina Eleazar+ at Itamar ay patuloy na naglingkod bilang mga saserdote. 3 Si David, si Zadok+ na mula sa mga anak ni Eleazar, at si Ahimelec na mula sa mga anak ni Itamar ang nagpangkat-pangkat sa kanila, ayon sa kanilang mga katungkulan. 4 Dahil mas maraming pinuno sa mga anak ni Eleazar kaysa sa mga anak ni Itamar, ganito ang naging pagpapangkat-pangkat: Ang mga anak ni Eleazar ay nagkaroon ng 16 na ulo ng angkan, at ang mga anak ni Itamar ay nagkaroon ng 8 ulo ng angkan.
5 Bukod diyan, pinagpangkat-pangkat nila ang mga ito sa pamamagitan ng palabunutan,+ ang isang grupo kasama ng iba pa, dahil may mga pinuno ng banal na lugar at mga pinuno ng tunay na Diyos mula sa mga anak ni Eleazar at mula sa mga anak ni Itamar. 6 Pagkatapos, isinulat ni Semaias, na anak ni Netanel at kalihim ng mga Levita, ang mga pangalan nila sa harap ng hari, ng matataas na opisyal, ni Zadok+ na saserdote, ni Ahimelec+ na anak ni Abiatar,+ at ng mga ulo ng mga angkan ng mga saserdote at ng mga Levita; pipili ng isang angkan mula kay Eleazar, pagkatapos ay isang angkan mula kay Itamar.
7 Ang unang lumabas sa palabunutan ay si Jehoiarib; si Jedaias ang ikalawa, 8 si Harim ang ikatlo, si Seorim ang ikaapat, 9 si Malkias ang ikalima, si Mijamin ang ikaanim, 10 si Hakoz ang ikapito, si Abias+ ang ikawalo, 11 si Jesua ang ikasiyam, si Secanias ang ika-10, 12 si Eliasib ang ika-11, si Jakim ang ika-12, 13 si Hupa ang ika-13, si Jesebeab ang ika-14, 14 si Bilga ang ika-15, si Imer ang ika-16, 15 si Hezir ang ika-17, si Hapizez ang ika-18, 16 si Petahias ang ika-19, si Jehezkel ang ika-20, 17 si Jakin ang ika-21, si Gamul ang ika-22, 18 si Delaias ang ika-23, si Maazias ang ika-24.
19 Ito ang kaayusan nila sa kanilang paglilingkod+ kapag pumapasok sila sa bahay ni Jehova ayon sa pamamaraang itinakda ng ninuno nilang si Aaron, gaya ng iniutos sa kaniya ni Jehova na Diyos ng Israel.
20 At sa iba pang Levita: sa mga anak ni Amram+ ay si Subael;+ sa mga anak ni Subael, si Jedeias; 21 kay Rehabias:+ sa mga anak ni Rehabias, si Isia na pinuno; 22 sa mga Izharita, si Selomot;+ sa mga anak ni Selomot, si Jahat; 23 at sa mga anak ni Hebron, si Jeria+ ang pinuno, si Amarias ang pangalawa, si Jahaziel ang pangatlo, si Jekameam ang pang-apat; 24 sa mga anak ni Uziel, si Mikas; sa mga anak ni Mikas, si Samir. 25 Ang kapatid ni Mikas ay si Isia; sa mga anak ni Isia, si Zacarias.
26 Ang mga anak ni Merari+ ay sina Mahali at Musi; sa mga anak ni Jaazias, si Beno. 27 Sa mga inapo ni Merari: kay Jaazias, sina Beno, Soham, Zacur, at Ibri; 28 kay Mahali, si Eleazar, na hindi nagkaroon ng anak na lalaki;+ 29 kay Kis: sa mga anak ni Kis, si Jerameel; 30 at ang mga anak ni Musi ay sina Mahali, Eder, at Jerimot.
Ito ang mga anak ni Levi ayon sa kanilang mga angkan. 31 At gaya ng ginawa ng mga kapatid nila na mga anak ni Aaron, nagpalabunutan din sila+ sa harap nina Haring David, Zadok, Ahimelec, at ng mga ulo ng mga angkan ng mga saserdote at ng mga Levita. May kinalaman sa mga angkan, ang ulo ay gaya rin ng nakababatang kapatid nito.
25 Gayundin, ibinukod ni David at ng mga pinuno ng mga grupo para sa paglilingkod ang ilan sa mga anak nina Asap, Heman, at Jedutun+ para maglingkod sa pamamagitan ng panghuhula habang tumutugtog ng mga alpa, instrumentong de-kuwerdas,+ at simbalo.*+ Ang sumusunod ay ang mga lalaking may ganitong atas. 2 Sa mga anak ni Asap: sina Zacur, Jose, Netanias, at Asarela, ang mga anak ni Asap na nasa pangangasiwa ni Asap, na nanghuhula sa ilalim ng pangangasiwa ng hari. 3 Kay Jedutun,+ ang mga anak ni Jedutun: sina Gedalias, Zeri, Jesaias, Simei, Hasabias, at Matitias,+ anim, na nasa pangangasiwa ng kanilang amang si Jedutun, na nanghuhula habang tumutugtog ng alpa at nagpapasalamat at pumupuri kay Jehova.+ 4 Kay Heman,+ ang mga anak ni Heman: sina Bukias, Matanias, Uziel, Sebuel, Jerimot, Hananias, Hanani, Eliata, Gidalti, Romamti-ezer, Josbekasa, Maloti, Hotir, at Mahaziot. 5 Ang lahat ng ito ay anak ni Heman, lingkod ng hari na nakakakita ng pangitain may kinalaman sa tunay na Diyos para sa ikaluluwalhati niya;* kaya si Heman ay binigyan ng tunay na Diyos ng 14 na anak na lalaki at 3 anak na babae. 6 Ang lahat ng ito ay nasa pangangasiwa ng kanilang ama sa pag-awit sa bahay ni Jehova, habang tumutugtog ng mga simbalo, instrumentong de-kuwerdas, at alpa+ para sa paglilingkod sa bahay ng tunay na Diyos.
Nasa pangangasiwa ng hari sina Asap, Jedutun, at Heman.
7 Sila at ang mga kapatid nila na sinanay sa pag-awit kay Jehova, na lahat ay bihasa, ay may bilang na 288. 8 Kaya nagpalabunutan sila+ para sa mga atas nila, ang nakabababa at ang nakatataas, ang bihasa kasama ng nag-aaral.
9 Ang unang lumabas sa palabunutan ay ang anak ni Asap na si Jose,+ ang ikalawa ay si Gedalias+ (siya at ang mga kapatid at anak niya ay 12); 10 ang ikatlo ay si Zacur,+ ang mga anak at kapatid niya, 12; 11 ang ikaapat ay si Izri, ang mga anak at kapatid niya, 12; 12 ang ikalima ay si Netanias,+ ang mga anak at kapatid niya, 12; 13 ang ikaanim ay si Bukias, ang mga anak at kapatid niya, 12; 14 ang ikapito ay si Jesarela, ang mga anak at kapatid niya, 12; 15 ang ikawalo ay si Jesaias, ang mga anak at kapatid niya, 12; 16 ang ikasiyam ay si Matanias, ang mga anak at kapatid niya, 12; 17 ang ika-10 ay si Simei, ang mga anak at kapatid niya, 12; 18 ang ika-11 ay si Azarel, ang mga anak at kapatid niya, 12; 19 ang ika-12 ay si Hasabias, ang mga anak at kapatid niya, 12; 20 ang ika-13, si Subael,+ ang mga anak at kapatid niya, 12; 21 ang ika-14, si Matitias, ang mga anak at kapatid niya, 12; 22 ang ika-15, si Jeremot, ang mga anak at kapatid niya, 12; 23 ang ika-16, si Hananias, ang mga anak at kapatid niya, 12; 24 ang ika-17, si Josbekasa, ang mga anak at kapatid niya, 12; 25 ang ika-18, si Hanani, ang mga anak at kapatid niya, 12; 26 ang ika-19, si Maloti, ang mga anak at kapatid niya, 12; 27 ang ika-20, si Eliata, ang mga anak at kapatid niya, 12; 28 ang ika-21, si Hotir, ang mga anak at kapatid niya, 12; 29 ang ika-22, si Gidalti,+ ang mga anak at kapatid niya, 12; 30 ang ika-23, si Mahaziot,+ ang mga anak at kapatid niya, 12; 31 ang ika-24, si Romamti-ezer,+ ang mga anak at kapatid niya, 12.
26 Ang mga pangkat ng mga bantay ng pintuang-daan+ ay ang mga sumusunod: sa mga Korahita, si Meselemias+ na anak ni Kore, na isa sa mga anak ni Asap. 2 At si Meselemias ay nagkaroon ng mga anak: si Zacarias ang panganay, si Jediael ang ikalawa, si Zebadias ang ikatlo, si Jatniel ang ikaapat, 3 si Elam ang ikalima, si Jehohanan ang ikaanim, si Elieho-enai ang ikapito. 4 At si Obed-edom ay nagkaroon ng mga anak: si Semaias ang panganay, si Jehozabad ang ikalawa, si Joa ang ikatlo, si Sacar ang ikaapat, si Netanel ang ikalima, 5 si Amiel ang ikaanim, si Isacar ang ikapito, at si Peuletai ang ikawalo; dahil pinagpala siya ng Diyos.
6 At ang anak niyang si Semaias ay nagkaroon ng mga anak na naging tagapamahala sa kanilang angkan, dahil sila ay mga lalaking malalakas at may kakayahan. 7 Ang mga anak ni Semaias: sina Otni, Repael, Obed, at Elzabad; at ang mga kapatid niyang sina Elihu at Semakias ay mga lalaking may kakayahan din. 8 Ang lahat ng ito ay mga anak ni Obed-edom; sila at ang mga anak at mga kapatid nila ay mga lalaking may kakayahan at kuwalipikado sa paglilingkod, 62 mula sa angkan ni Obed-edom. 9 At si Meselemias+ ay nagkaroon ng mga anak at mga kapatid, 18 lalaking may kakayahan. 10 At si Hosa na isa sa mga anak ni Merari ay nagkaroon ng mga anak. Si Simri ang pinuno, dahil kahit hindi siya ang panganay, siya ang inatasan ng kaniyang ama na maging pinuno, 11 si Hilkias ang pangalawa, si Tebalias ang pangatlo, si Zacarias ang pang-apat. Ang lahat ng anak at kapatid ni Hosa ay 13.
12 Sa mga pangkat na ito ng mga bantay ng pintuang-daan, ang mga pinuno ay may mga tungkuling gaya rin ng sa mga kapatid nila sa paglilingkod sa bahay ni Jehova. 13 Kaya nagpalabunutan sila,+ ang nakabababa at ang nakatataas ayon sa kanilang mga angkan, para sa bawat pintuang-daan. 14 Sa palabunutan, ang silangan ay napunta kay Selemias. Nagpalabunutan sila para kay Zacarias na anak niya, isang matalinong tagapayo, at napunta rito ang hilaga. 15 Napunta ang timog kay Obed-edom, at iniatas sa mga anak niya+ ang mga imbakan. 16 Kina Supim at Hosa+ napunta ang kanluran, malapit sa Pintuang-Daang Saleket sa may lansangang-bayan na paahon, isang grupo ng mga bantay na katabi ng isa pang grupo; 17 may anim na Levita sa silangan; sa hilaga, apat bawat araw, at sa timog, apat bawat araw; at sa mga imbakan,+ dala-dalawa; 18 para sa portiko sa kanluran, may apat sa lansangang-bayan+ at dalawa sa portiko. 19 Ito ang mga pangkat ng mga bantay ng pintuang-daan mula sa mga anak ng mga Korahita at ng mga Merarita.
20 Sa mga Levita, si Ahias ang namamahala sa mga kabang-yaman ng bahay ng tunay na Diyos at sa mga kabang-yaman ng mga bagay na pinabanal.*+ 21 Ang mga anak ni Ladan: ang mga anak ng Gersonita mula sa pamilya ni Ladan, ang mga ulo ng mga angkan ni Ladan na Gersonita, si Jehieli+ 22 at ang mga anak ni Jehieli, si Zetam at ang kapatid nitong si Joel. Sila ang namamahala sa mga kabang-yaman ng bahay ni Jehova.+ 23 Mula sa mga Amramita, Izharita, Hebronita, at Uzielita,+ 24 si Sebuel na anak ni Gersom na anak ni Moises ay lider na nangangasiwa sa mga imbakan. 25 Ang mga kapatid niya, na mula sa angkan ni Eliezer,+ ay sina Rehabias,+ Jesaias, Joram, Zicri, at Selomot. 26 Ang Selomot na ito at ang mga kapatid niya ang namamahala sa lahat ng kabang-yaman ng mga bagay na pinabanal,+ na pinabanal ni Haring David,+ ng mga ulo ng mga angkan,+ ng mga pinuno ng libo-libo at ng daan-daan, at ng mga pinuno ng hukbo. 27 Ang ilan sa mga bagay na nakuha nila+ sa digmaan+ ay pinabanal nila para sa pangangalaga* sa bahay ni Jehova; 28 pati na ang lahat ng pinabanal ni Samuel na tagakita,*+ ni Saul na anak ni Kis, ni Abner+ na anak ni Ner, at ni Joab+ na anak ni Zeruias.+ Ang lahat ng bagay na pinabanal ay inilagay sa pangangalaga ni Selomit at ng mga kapatid niya.
29 Sa mga Izharita,+ si Kenanias at ang mga anak niya ay binigyan ng mga tungkulin sa labas ng bahay ng Diyos; ginawa silang mga opisyal at mga hukom+ sa Israel.
30 Sa mga Hebronita,+ si Hasabias at ang mga kapatid niya, 1,700 lalaking may kakayahan, ang nangangasiwa sa Israel sa rehiyon sa kanluran ng Jordan para sa lahat ng gawain ni Jehova at para sa paglilingkod sa hari. 31 Sa mga inapo ng angkan ni Hebron, si Jerias+ ang pinuno. Nang ika-40 taon ng paghahari ni David,+ humanap mula sa kanila ng mga lalaking malalakas at may kakayahan, at may nakitang gayong mga lalaki sa Jazer+ sa Gilead. 32 At ang mga kapatid niya ay 2,700 lalaking may kakayahan, mga ulo ng mga angkan. Kaya inatasan sila ni Haring David na manguna sa mga Rubenita, Gadita, at sa kalahati ng tribo ng mga Manasita para sa mga bagay na may kinalaman sa tunay na Diyos at sa hari.
27 Ito ang bilang ng mga Israelita, ang mga ulo ng mga angkan, ang mga pinuno ng libo-libo at ng daan-daan,+ at ang mga opisyal nila na naglilingkod sa hari+ may kaugnayan sa mga pangkat nila na naghahalinhinan* bawat buwan sa buong taon; may 24,000 sa bawat pangkat.
2 Ang namamahala sa unang pangkat para sa unang buwan ay si Jasobeam+ na anak ni Zabdiel, at 24,000 ang nasa pangkat niya. 3 Sa mga inapo ni Perez,+ siya ang ulo ng lahat ng pinuno ng mga grupo na inatasang maglingkod sa unang buwan. 4 Ang namamahala sa pangkat para sa ikalawang buwan ay si Dodai+ na Ahohita,+ at si Miklot ang lider, at 24,000 ang nasa pangkat niya. 5 Ang pinuno ng ikatlong grupo na inatasang maglingkod para sa ikatlong buwan ay si Benaias+ na anak ni Jehoiada+ na punong saserdote, at 24,000 ang nasa pangkat niya. 6 Ang Benaias na ito ay isang malakas na mandirigma mula sa tatlumpu at pinuno ng tatlumpu, at ang namamahala sa pangkat niya ay ang anak niyang si Amizabad. 7 Ang ikaapat para sa ikaapat na buwan ay si Asahel,+ na kapatid ni Joab,+ at ang anak niyang si Zebadias ang sumunod sa kaniya, at 24,000 ang nasa pangkat niya. 8 Ang ikalimang pinuno para sa ikalimang buwan ay si Samhut na Izrahita, at 24,000 ang nasa pangkat niya. 9 Ang ikaanim para sa ikaanim na buwan ay si Ira+ na anak ni Ikes na Tekoita,+ at 24,000 ang nasa pangkat niya. 10 Ang ikapito para sa ikapitong buwan ay si Helez+ na Pelonita ng mga Efraimita, at 24,000 ang nasa pangkat niya. 11 Ang ikawalo para sa ikawalong buwan ay si Sibecai+ na Husatita ng mga Zerahita,+ at 24,000 ang nasa pangkat niya. 12 Ang ikasiyam para sa ikasiyam na buwan ay si Abi-ezer+ na Anatotita+ ng mga Benjaminita, at 24,000 ang nasa pangkat niya. 13 Ang ika-10 para sa ika-10 buwan ay si Maharai+ na Netopatita ng mga Zerahita,+ at 24,000 ang nasa pangkat niya. 14 Ang ika-11 para sa ika-11 buwan ay si Benaias+ na Piratonita ng mga Efraimita, at 24,000 ang nasa pangkat niya. 15 Ang ika-12 para sa ika-12 buwan ay si Heldai na Netopatita, inapo ni Otniel, at 24,000 ang nasa pangkat niya.
16 Ito ang mga pinuno ng mga tribo ng Israel: Sa mga Rubenita, si Eliezer na anak ni Zicri; sa mga Simeonita, si Sepatias na anak ni Maaca; 17 sa mga Levita, si Hasabias na anak ni Kemuel; sa mga inapo ni Aaron, si Zadok; 18 sa Juda, si Elihu,+ na isa sa mga kapatid ni David; sa Isacar, si Omri na anak ni Miguel; 19 sa Zebulon, si Ismaias na anak ni Obadias; sa Neptali, si Jerimot na anak ni Azriel; 20 sa mga Efraimita, si Hosea na anak ni Azazias; sa kalahati ng tribo ni Manases, si Joel na anak ni Pedaias; 21 sa kalahati ng tribo ni Manases sa Gilead, si Ido na anak ni Zacarias; sa Benjamin, si Jaasiel na anak ni Abner;+ 22 sa Dan, si Azarel na anak ni Jeroham. Ito ang matataas na opisyal ng mga tribo ng Israel.
23 Hindi binilang ni David ang mga 20 taóng gulang pababa, dahil nangako si Jehova na pararamihin niya ang Israel na gaya ng mga bituin sa langit.+ 24 Sinimulan ni Joab na anak ni Zeruias ang pagbilang, pero hindi niya tinapos; at nagalit ang Diyos sa Israel dahil dito,+ at ang bilang ay hindi itinala sa ulat ng kasaysayan ni Haring David.
25 Ang namamahala sa mga kabang-yaman ng hari+ ay si Azmavet na anak ni Adiel. Si Jonatan na anak ni Uzias ang namamahala sa mga imbakan* sa mga bukid, lunsod, nayon, at tore. 26 Ang namamahala sa mga magsasaka ay si Ezri na anak ni Kelub. 27 Si Simei na Ramatita ang namamahala sa mga ubasan; ang namamahala sa ani ng mga ubasan para sa suplay ng alak ay si Zabdi na Sipmita. 28 Ang namamahala sa mga taniman ng olibo at sa mga puno ng sikomoro+ sa Sepela+ ay si Baal-hanan na Gederita; si Joas ang namamahala sa suplay ng langis. 29 Ang namamahala sa mga kawan na nanginginain sa Saron+ ay si Sitrai na Saronita, at si Sapat na anak ni Adlai ang namamahala sa mga kawan sa lambak.* 30 Ang namamahala sa mga kamelyo ay si Obil na Ismaelita; ang namamahala sa mga asno* ay si Jedeias na Meronotita. 31 Ang namamahala sa mga kawan ay si Jaziz na Hagrita. Ang lahat ng ito ang namamahala sa mga pag-aari ni Haring David.
32 Si Jonatan,+ na pamangkin ni David, ay isang tagapayo, isang lalaking may kaunawaan at isang kalihim, at si Jehiel na anak ni Hacmoni ang nag-aasikaso sa mga anak ng hari.+ 33 Si Ahitopel+ ay tagapayo ng hari, at si Husai+ na Arkita ay kaibigan* ng hari. 34 Ang pumalit kay Ahitopel ay si Jehoiada na anak ni Benaias+ at si Abiatar;+ at si Joab+ ang pinuno ng hukbo ng hari.
28 Tinipon ni David sa Jerusalem ang lahat ng matataas na opisyal ng Israel: ang matataas na opisyal ng mga tribo, ang mga pinuno ng mga pangkat+ na naglilingkod sa hari, ang mga pinuno ng libo-libo at ang mga pinuno ng daan-daan,+ ang mga namamahala sa lahat ng pag-aari at hayupan ng hari+ at ng mga anak niya,+ kasama na ang mga opisyal ng palasyo at ang bawat lalaking malakas at may kakayahan.+ 2 Pagkatapos, tumayo si Haring David at nagsabi:
“Pakinggan ninyo ako, mga kapatid at kababayan ko. Gustong-gusto kong magtayo ng bahay para maging permanenteng lugar para sa kaban ng tipan ni Jehova at maging tuntungan ng ating Diyos,+ at naghanda ako para sa pagtatayo nito.+ 3 Pero sinabi sa akin ng tunay na Diyos, ‘Hindi ka magtatayo ng bahay para sa pangalan ko+ dahil isa kang mandirigma, at nagpadanak ka ng dugo.’+ 4 Pero pinili ako ni Jehova na Diyos ng Israel mula sa buong sambahayan ng aking ama para maging hari sa Israel magpakailanman,+ dahil pinili niya ang Juda bilang lider+ at mula sa sambahayan ng Juda, ang sambahayan ng aking ama,+ at mula sa mga anak ng aking ama, ako ang kinalugdan niyang gawing hari sa buong Israel.+ 5 At sa lahat ng anak ko—dahil binigyan ako ni Jehova ng maraming anak+—pinili niya ang anak kong si Solomon+ para umupo sa trono ng paghahari ni Jehova sa Israel.+
6 “Sinabi niya sa akin, ‘Ang anak mong si Solomon ang magtatayo ng aking bahay at ng aking mga looban, dahil pinili ko siya bilang anak ko, at ako ang magiging ama niya.+ 7 Gagawin kong matibay ang paghahari niya magpakailanman+ kung buong puso niyang susundin ang mga utos ko at hudisyal na pasiya,+ gaya ng ginagawa niya ngayon.’ 8 Kaya sinasabi ko sa harap ng buong Israel, na kongregasyon ni Jehova, at sa harap ng ating Diyos: Sundin ninyong mabuti at saliksikin ang lahat ng utos ni Jehova na inyong Diyos, para manatili kayo sa magandang lupain+ at maibigay ninyo ito bilang permanenteng mana sa mga anak ninyo.
9 “At ikaw, anak kong Solomon, kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama at maglingkod ka sa kaniya nang buong puso+ at may kagalakan,* dahil sinusuri ni Jehova ang lahat ng puso,+ at nalalaman niya ang takbo ng pag-iisip ng bawat isa.+ Kung hahanapin mo siya, hahayaan niyang makita mo siya,+ pero kung iiwan mo siya, itatakwil ka niya magpakailanman.+ 10 Tandaan mo, pinili ka ni Jehova para magtayo ng bahay bilang santuwaryo. Lakasan mo ang loob mo at simulan mo ang gawain.”
11 Pagkatapos, ibinigay ni David sa anak niyang si Solomon ang plano+ ng beranda+ at ng mga silid, ng mga imbakan, ng mga silid sa bubungan, ng mga silid sa loob, at ng bahay ng katubusan.*+ 12 Ibinigay niya rito ang plano ng lahat ng bagay na isiniwalat sa kaniya sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos para sa mga looban*+ ng bahay ni Jehova, para sa lahat ng silid-kainan sa palibot nito, para sa mga kabang-yaman ng bahay ng tunay na Diyos, at para sa mga kabang-yaman ng mga bagay na pinabanal.*+ 13 Ibinigay rin niya ang mga tagubilin may kinalaman sa mga pangkat ng mga saserdote+ at ng mga Levita, sa lahat ng atas sa paglilingkod sa bahay ni Jehova, at sa lahat ng kagamitan sa paglilingkod sa bahay ni Jehova; 14 pati sa timbang ng ginto, sa ginto para sa lahat ng kagamitan na gagamitin sa iba’t ibang paglilingkod, sa timbang ng lahat ng kagamitang pilak, at sa lahat ng kagamitan para sa iba’t ibang paglilingkod; 15 pati sa timbang ng mga gintong kandelero+ at sa mga gintong ilawan ng mga ito, sa timbang ng iba’t ibang kandelero at ng mga ilawan ng mga ito, at sa timbang ng mga pilak na kandelero, para sa bawat kandelero at sa mga ilawan nito ayon sa gamit ng mga ito; 16 at sa timbang ng ginto para sa mga mesa ng magkakapatong na tinapay,*+ para sa bawat mesa, at sa pilak para sa mga mesang pilak, 17 at sa mga tinidor, sa mga mangkok, sa mga pitsel na purong ginto, at sa timbang ng maliliit na mangkok na ginto,+ para sa bawat maliit na mangkok, at sa timbang ng maliliit na mangkok na pilak, para sa bawat maliit na mangkok. 18 Ibinigay rin niya ang timbang ng dinalisay na ginto para sa altar ng insenso+ at para sa sumisimbolo sa karwahe,+ ang mga kerubing+ ginto, na nakabuka ang mga pakpak at nakalukob sa kaban ng tipan ni Jehova. 19 Sinabi ni David: “Pinatnubayan ako ni Jehova,* at binigyan niya ako ng kaunawaan para maisulat ang lahat ng detalye ng plano.”+
20 Pagkatapos, sinabi ni David sa anak niyang si Solomon: “Lakasan mo ang loob mo at magpakatatag ka at simulan mo ang gawain. Huwag kang matakot o masindak, dahil sumasaiyo ang Diyos na Jehova, na aking Diyos.+ Hindi ka niya pababayaan o iiwan.+ Siya ay sasaiyo hanggang sa matapos ang lahat ng gawain sa bahay ni Jehova. 21 Handa na ang mga pangkat ng mga saserdote+ at ng mga Levita+ para sa lahat ng paglilingkod sa bahay ng tunay na Diyos. Kasama mo ang mga dalubhasang manggagawa na handa sa bawat uri ng paglilingkod,+ pati ang matataas na opisyal+ at ang buong bayan na susunod sa lahat ng tagubilin mo.”
29 Pagkatapos, sinabi ni Haring David sa buong kongregasyon: “Ang anak kong si Solomon, na pinili ng Diyos,+ ay bata pa at walang karanasan,*+ at napakalaki ng gawain, dahil hindi ito templo* para sa tao kundi para sa Diyos na Jehova.+ 2 Ginawa ko ang lahat ng magagawa ko para maihanda ang mga kailangan sa pagtatayo ng bahay ng aking Diyos. Naghanda ako ng ginto, pilak, tanso, bakal,+ tabla,+ mga batong onix, mga batong ikakabit sa pamamagitan ng argamasa,* maliliit na batong mosayko, bawat uri ng mamahaling bato, at napakaraming batong alabastro. 3 At dahil sa pagmamahal ko sa bahay ng aking Diyos,+ ibibigay ko rin ang sarili kong kayamanan,+ ginto at pilak, bilang dagdag sa lahat ng inihanda ko para sa banal na bahay, 4 kasama na ang 3,000 talento* ng ginto mula sa Opir+ at 7,000 talento ng dinalisay na pilak, para ipantakip sa dingding ng mga silid, 5 ang ginto para sa mga bagay na ginto at ang pilak para sa mga bagay na pilak, at para sa lahat ng gagawin ng mga bihasang manggagawa. Ngayon, sino ang gustong magbigay ng kaloob kay Jehova?”+
6 Kaya ang matataas na opisyal ng mga angkan, ang matataas na opisyal ng mga tribo ng Israel, ang mga pinuno ng libo-libo at ng daan-daan,+ at ang mga pinuno sa gawain ng hari+ ay kusang-loob na lumapit. 7 At nagbigay sila para sa bahay ng tunay na Diyos: 5,000 talento ng ginto, 10,000 darik,* 10,000 talento ng pilak, 18,000 talento ng tanso, at 100,000 talento ng bakal. 8 Ang sinumang may mamahaling bato ay nagbigay nito para sa kabang-yaman ng bahay ni Jehova, na nasa pangangasiwa ni Jehiel+ na Gersonita.+ 9 Nagsaya ang bayan sa pagbibigay nila ng ganitong kusang-loob na mga handog, dahil ibinigay nila ang mga ito kay Jehova nang buong puso,+ at nagsaya rin si Haring David.
10 Pagkatapos, pinuri ni David si Jehova sa harap ng buong kongregasyon. Sinabi ni David: “Purihin ka nawa, O Jehova na Diyos ng Israel na aming ama, magpakailanman.* 11 Sa iyo, O Jehova, ang kadakilaan+ at ang kalakasan+ at ang kagandahan at ang kaluwalhatian at ang karingalan,*+ dahil ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa ay sa iyo.+ Sa iyo ang kaharian, O Jehova.+ Ikaw ang nagtataas ng iyong sarili bilang ulo ng lahat. 12 Mula sa iyo ang kayamanan at ang kaluwalhatian,+ at namamahala ka sa lahat ng bagay,+ at sa iyong kamay ay may kapangyarihan+ at kalakasan,+ at kaya mong gawing dakila+ at bigyan ng lakas ang lahat.+ 13 At ngayon, O aming Diyos, nagpapasalamat kami sa iyo at pinupuri namin ang iyong magandang pangalan.
14 “At sino ako at ang bayan ko para makapagbigay ng kusang-loob na mga handog na gaya nito? Dahil galing sa iyo ang lahat ng bagay, at ibinigay namin sa iyo ang galing sa sarili mong kamay. 15 Dahil sa harap mo, kami ay mga dayuhan lang na naninirahan sa lupaing ito, gaya ng lahat ng ninuno namin.+ Ang aming mga araw sa ibabaw ng lupa ay gaya ng anino+—walang pag-asa. 16 O Jehova na aming Diyos, ang lahat ng kayamanang ito na inihanda namin para ipagtayo ka ng bahay para sa iyong banal na pangalan ay galing sa iyong kamay, at sa iyo ang lahat ng ito. 17 Alam na alam ko, O aking Diyos, na sinusuri mo ang puso+ at nalulugod ka sa katapatan.*+ Taos-puso* kong inihahandog ang lahat ng ito, at masayang-masaya akong makita ang bayan mo na narito ngayon na kusang-loob na naghahandog sa iyo. 18 O Jehova, na Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, na aming mga ninuno, tulungan mo ang bayang ito na mapanatili ang ganitong kaisipan at saloobin sa kanilang puso magpakailanman at paglingkuran ka nang buong puso.+ 19 At tulungan mo ang anak kong si Solomon na sundin nang buong puso+ ang iyong mga utos,+ paalaala, at tuntunin at gawin ang lahat ng ito at itayo ang templo* na pinaghandaan ko.”+
20 Pagkatapos, sinabi ni David sa buong kongregasyon: “Purihin ninyo ngayon si Jehova na inyong Diyos.” At pinuri ng buong kongregasyon si Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno at yumukod sila at sumubsob sa harap ni Jehova at ng hari. 21 Kinabukasan, nagpatuloy sila sa paghahandog kay Jehova at pag-aalay+ kay Jehova ng mga handog na sinusunog, 1,000 batang toro,* 1,000 lalaking tupa, 1,000 lalaking kordero,* at mga handog na inumin;+ napakarami nilang inihandog para sa buong Israel.+ 22 Nagpatuloy sila sa pagkain at pag-inom sa harap ni Jehova nang araw na iyon nang nagsasaya;+ at sa ikalawang pagkakataon, ginawa nilang hari si Solomon na anak ni David at pinahiran siya ng langis sa harap ni Jehova para gawing pinuno,+ at si Zadok para gawing saserdote.+ 23 At si Solomon ay umupo sa trono ni Jehova+ bilang hari kapalit ng ama niyang si David, at naging matagumpay siya, at sumusunod sa kaniya ang lahat ng Israelita. 24 Ang lahat ng matataas na opisyal,+ malalakas na mandirigma,+ pati ang lahat ng anak ni Haring David+ ay nagpasakop sa haring si Solomon. 25 At si Solomon ay ginawang napakadakila ni Jehova sa harap ng buong Israel, at binigyan niya ito ng karangalan na hindi pa naranasan ng sinumang hari sa Israel.+
26 Si David na anak ni Jesse ay naghari sa buong Israel, 27 at naghari siya sa Israel nang 40 taon. Naghari siya nang 7 taon sa Hebron+ at 33 taon naman sa Jerusalem.+ 28 At siya ay namatay matapos masiyahan sa mahabang buhay,+ kayamanan, at kaluwalhatian; at ang anak niyang si Solomon ang naging hari kapalit niya.+ 29 Ang kasaysayan ni Haring David, mula sa umpisa hanggang sa katapusan, ay nasa ulat ni Samuel na tagakita,* ni Natan+ na propeta, at ni Gad+ na nakakakita ng pangitain, 30 kasama ang paghahari niya, ang kagitingan niya, at mga pangyayaring may kaugnayan sa kaniya at sa Israel at sa lahat ng kahariang nasa palibot nila.
Ang sumusunod ay mga anak ni Aram. Tingnan ang Gen 10:23.
Ibig sabihin, “Pagkakabaha-bahagi.”
O “mga tao sa lupa.”
Lit., “mga anak.”
Pinuno ng tribo.
Lit., “mga anak.”
Ibig sabihin, “Tagapagdala ng Kapahamakan.” Sa Jos 7:1, tinatawag ding Acan.
Lit., “mga anak.”
Tinatawag ding Caleb sa tal. 18, 19, 42.
Tinatawag ding Kelubai sa tal. 9.
O “ang mga nayong nakadepende rito.”
Lit., “mga anak.”
Lit., “mga anak.”
Lit., “mga anak.”
Tinatawag ding Kelubai sa tal. 9.
O posibleng “ama ni.”
O posibleng “ama ni.”
O posibleng “ama nina.”
Lit., “mga anak.”
Lit., “mga anak.”
Lit., “mga anak.”
Lit., “mga anak.”
O posibleng “ama ng.”
O posibleng “ama ng.”
Ang pangalang Jabez ay maaaring nauugnay sa salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay “kirot.”
O posibleng “Si Eston ang ama ng Bet-rapa.”
Lit., “mga anak.”
Ibig sabihin, “Lambak ng mga Bihasang Manggagawa.”
Lit., “mga anak.”
Posibleng tumutukoy kay Bitias sa tal. 18.
O posibleng “ama ng.”
O posibleng “ama ng.”
O posibleng “ama ng.”
O posibleng “ama ng.”
O posibleng “ama ng.”
O “Ang mga pananalita ay mula sa matandang tradisyon.”
Lit., “mga anak.”
O “nilapastangan.”
Lit., “mga anak.”
O “angkan ng ama.”
O “sa mga nayong nakadepende rito.”
Si Jeroboam II.
Lit., “at tumatapak ng búsog.”
O “nagsagawa sila ng prostitusyon.”
Lit., “pinukaw ng Diyos ng Israel ang espiritu ni.”
Tinatawag ding Gerson sa tal. 1.
Lit., “mga anak.”
Lit., “ang mga ibinigay.”
O “napapaderang kampo.”
O posibleng “ang kanlungang lunsod,” kaayon ng Jos 21:13.
O “binigyan sa pamamagitan ng palabunutan.”
O posibleng “ang kanlungang lunsod,” kaayon ng Jos 21:21.
Lit., “anak.”
Lit., “ulo.”
Lit., “anak.”
Lit., “mga anak.”
Ibig sabihin, “May Trahedya.”
O “Jehosua,” ibig sabihin, “Si Jehova ay Kaligtasan.”
O “ang mga nayong nakadepende rito.”
O posibleng “Gaza,” pero hindi ang Gaza sa Filistia.
Tinatawag ding Somer sa tal. 32.
Malamang na si “Hotam” sa tal. 32.
O posibleng “pagkatapos niyang paalisin ang mga asawa niyang sina Husim at Baara.”
O “ng mga nayong nakadepende rito.”
Tinatawag ding Is-boset.
Tinatawag ding Mepiboset.
Lit., “na tumatapak ng búsog.”
O “mga Netineo.” Lit., “mga ibinigay.”
Lit., “mga ulo ng mga ama para sa sambahayan ng mga ama nila.”
O “templo.”
Tingnan sa Glosari.
O “silid-kainan.”
O “nagtitimpla ng ungguento.”
Tinapay na pantanghal.
O “silid-kainan.”
O “mababang kapatagan.”
O “templo.”
Tingnan sa Glosari, “Pag-aayuno.”
O “Buto at laman.”
Lit., “ang naglalabas at ang nagpapasok sa Israel.”
Lit., “ulo.”
O “Milo.” Salitang Hebreo na nangangahulugang “panambak.”
O “kaligtasan.”
O “Mababang Kapatagan.”
Lit., “ay anak ng magiting na lalaki.”
Ang taas niya ay mga 2.23 m (7.3 ft). Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan sa Glosari.
Isang uri ng hayop na parang usa.
Lit., “Nadamtan.”
O “at ang lahat ng sumama kay David ay hindi salawahan.”
Lit., “iisa ang puso.”
Anak ng kabayo at asno.
O “Sihor.”
O “pasukan ng Hamat.”
O posibleng “pagitan.”
O “pompiyang.”
O posibleng “ng Kidon.”
O “nadismaya.”
Ibig sabihin, “Pagsiklab ng Galit kay Uzah.”
O “tagapagtayo ng pader.”
O “palasyo.”
Lit., “pinahiran.” Tingnan sa Glosari, “Pahiran.”
O “Mababang Kapatagan.”
Ibig sabihin, “Panginoon ng Pagwasak.”
O “mababang kapatagan.”
O “palumpong na.”
Mahabang kahoy.
O “pompiyang.”
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
O “lalaking baka.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “alalahanin.”
O “pompiyang.”
O “umawit kayo at tumugtog para sa.”
O posibleng “Isalaysay.”
O “presensiya.”
O “inapo.” Lit., “Kayong binhi.”
Lit., “salitang iniutos.”
Lit., “pinahiran.”
O “Sumamba.”
O posibleng “dahil sa karilagan ng kabanalan niya.”
O “mabungang lupain.”
O “mayayanig.”
O “dumating na.”
O “Mula sa panahong walang pasimula hanggang sa panahong walang wakas.”
O “Mangyari nawa!”
O “mga instrumento ng awit ng.”
O “palasyo.”
Posibleng ang ibig sabihin ay “nagpapalipat-lipat ng puwesto ng tolda at ng lugar na matitirhan.”
Lit., “pahihinain.”
O “dinastiya.”
Lit., “binhi.”
O “taong may mataas na katayuan.”
O “Maging tapat.”
O “dinastiya.”
O “ang mga nayong nakadepende rito.”
Tingnan sa Glosari.
O “karo.”
O “Inililigtas.”
Lit., “Pinabanal.”
O “Inililigtas.”
Ang isang talento ay 34.2 kg. Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “Aram-naharaim.”
Lit., “sa kamay.”
Eufrates.
Tagsibol.
Ang isang talento ay 34.2 kg. Tingnan ang Ap. B14.
O posibleng “ang isang kaaway.”
Lit., “Ibigay.”
Lit., “ang mabuti sa paningin.”
Ang isang siklo ay 11.4 g. Tingnan ang Ap. B14.
O “at mahina.”
Lit., “kapahingahan.”
Mula sa salitang Hebreo na nangangahulugang “Kapayapaan.”
Ang isang talento ay 34.2 kg. Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “at puspos ng mga araw.”
Lit., “mga anak.”
Lit., “kapatid.”
Tinapay na pantanghal.
O “pompiyang.”
Lit., “para itaas ang tambuli niya.”
O “inialay.”
O “pagmamantini.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “na pumapasok at lumalabas.”
O “kabang-yaman.”
O “mababang kapatagan.”
Lit., “asnong babae.”
O “napagsasabihan ng niloloob.”
O “at bukal sa loob.”
Lit., “bahay ng panakip na pampalubag-loob.”
O “bakuran.”
O “inialay.”
Tinapay na pantanghal.
O “Sumaakin ang kamay ni Jehova.”
O “at mahina.”
O “moog; palasyo.”
Inilalagay sa pagitan ng mga laryo o mga bato para magdikit ang mga ito o ginagamit na pampalitada.
Ang isang talento ay 34.2 kg. Tingnan ang Ap. B14.
Ang darik ay isang baryang ginto ng Persia noon. Tingnan ang Ap. B14.
O “mula sa panahong walang pasimula hanggang sa panahong walang wakas.”
O “karangalan.”
O “pagiging matuwid.”
O “May matuwid na puso.”
O “moog; palasyo.”
O “lalaking baka.”
O “batang tupa.”
Tingnan sa Glosari.