AYON KAY LUCAS
1 Marami ang nagtipon ng detalye at gumawa ng ulat tungkol sa mga bagay na talagang pinaniniwalaan* natin,+ 2 kaayon ng mga bagay na narinig natin mula sa mga nakasaksi+ noong una at mga tagapaghayag* ng mensahe.+ 3 Kaya naman, kagalang-galang na Teofilo,+ nagpasiya rin akong isulat sa iyo ang mga iyon ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod matapos kong maingat na saliksikin ang lahat ng bagay mula sa pasimula at makuha ang tumpak na impormasyon, 4 para matiyak mo kung gaano katotoo ang mga bagay na itinuro* sa iyo.+
5 Noong panahon ni Herodes,*+ na hari ng Judea, may isang saserdote na nagngangalang Zacarias na mula sa grupo ni Abias.+ Ang asawa niya ay si Elisabet, na mula sa pamilya ni Aaron. 6 Pareho silang matuwid sa harap ng Diyos at hindi mapipintasan, dahil sinusunod nila ang lahat ng utos at kahilingan ng batas ni Jehova.* 7 Pero wala silang anak dahil baog si Elisabet at matanda na sila.
8 Noong ang grupo niya+ ang may atas na maglingkod sa templo at nagsisilbi siyang saserdote sa harap ng Diyos, 9 siya ang napiling pumasok sa templo ni Jehova*+ para maghandog ng insenso,+ ayon sa matagal nang kaugalian ng mga saserdote. 10 Nang oras na iyon ng paghahandog ng insenso, nananalangin ang lahat ng tao sa labas. 11 Nagpakita sa kaniya ang anghel ni Jehova,* na nakatayo sa kanan ng altar ng insenso. 12 Nagulat si Zacarias sa nakita niya, at takot na takot siya. 13 Kaya sinabi ng anghel: “Huwag kang matakot, Zacarias, dahil pinakinggan ang pagsusumamo mo, at kayo ng asawa mong si Elisabet ay magkakaanak ng lalaki, at papangalanan mo siyang Juan.+ 14 Magsasaya ka at matutuwa nang husto, at marami ang magagalak sa kaniyang pagsilang+ 15 dahil magiging dakila siya sa paningin ni Jehova.*+ Pero hindi siya kailanman iinom ng alak o anumang inuming de-alkohol,+ at mapupuspos siya ng banal na espiritu kahit hindi pa siya naipanganganak,*+ 16 at marami sa mga anak ni Israel ang tutulungan niyang manumbalik kay Jehova* na kanilang Diyos.+ 17 Gayundin, mauuna siya sa Diyos* taglay ang sigla at lakas ni Elias,+ para ang puso ng mga ama ay gawing tulad ng sa mga anak*+ at para tulungan ang mga masuwayin na maging marunong at gawin ang tama, nang sa gayon ay maihanda ang mga tao para kay Jehova.”*+
18 Sinabi ni Zacarias sa anghel: “Paano mangyayari iyan? Matanda na ako, at matanda na rin ang asawa ko.” 19 Sumagot ang anghel: “Ako si Gabriel,+ na nakatayo malapit sa harap ng Diyos.+ Isinugo ako para sabihin sa iyo ang magandang balitang ito. 20 Pero dahil hindi ka naniwala sa mga sinabi ko, na matutupad sa takdang panahon, hindi ka makapagsasalita hanggang sa araw na mangyari ang mga iyon.” 21 Samantala, hinihintay ng mga tao si Zacarias, at nagtataka sila kung bakit napakatagal niya sa templo. 22 Paglabas niya, hindi na siya makapagsalita, kaya naisip nilang nakakita siya ng isang di-pangkaraniwang pangyayari* sa loob ng templo. Dahil napipi siya, sumesenyas lang siya sa kanila. 23 Nang tapos na ang paglilingkod niya sa templo,* umuwi na siya.
24 Pagkalipas ng ilang araw, nagdalang-tao ang asawa niyang si Elisabet, at hindi ito umalis ng bahay sa loob ng limang buwan, at sinabi nito: 25 “Ginawa ito ni Jehova* alang-alang sa akin. Binigyang-pansin niya ako para alisin ang kahihiyan ko sa paningin ng mga tao.”+
26 Noong ikaanim na buwan na niya, isinugo ng Diyos ang anghel na si Gabriel+ sa Nazaret na isang lunsod sa Galilea, 27 sa isang birhen+ na nakatakdang mapangasawa ni Jose na mula sa pamilya ni David. Maria+ ang pangalan ng birhen. 28 Nagpakita ang anghel kay Maria, at sinabi nito: “Magandang araw sa iyo, lubos na pinagpala. Si Jehova* ay sumasaiyo.” 29 Pero nagulat siya sa pagbating ito at inisip niya kung ano ang ibig sabihin nito. 30 Kaya sinabi ng anghel: “Huwag kang matakot, Maria, dahil nalulugod sa iyo ang Diyos. 31 Magdadalang-tao* ka at magkakaanak ng isang lalaki,+ at papangalanan mo siyang Jesus.+ 32 Siya ay magiging dakila+ at tatawaging Anak ng Kataas-taasan,+ at ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova* ang trono ni David na kaniyang ama,+ 33 at maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailanman, at hindi magkakaroon ng wakas ang kaniyang Kaharian.”+
34 Pero sinabi ni Maria sa anghel: “Paano ito mangyayari? Wala pa akong asawa.”*+ 35 Sumagot ang anghel: “Sasaiyo* ang banal na espiritu,+ at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya ang isisilang mo ay tatawaging banal,+ Anak ng Diyos.+ 36 Nagdadalang-tao rin ang kamag-anak mong si Elisabet. Anim na buwan na niyang ipinagbubuntis ang isang anak na lalaki, kahit matanda na siya at tinatawag na babaeng baog; 37 dahil walang imposible sa Diyos.”*+ 38 Sinabi ni Maria: “Ako ay aliping babae ni Jehova!* Mangyari nawa sa akin ang lahat ng sinabi mo.” At umalis na ang anghel.
39 Pagkatapos, nagmadaling maglakbay si Maria papunta sa isang mabundok na lugar, sa isang lunsod ng Juda, 40 at pumasok siya sa bahay ni Zacarias at binati si Elisabet. 41 Nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, lumukso ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos si Elisabet ng banal na espiritu, 42 at sinabi niya nang malakas: “Pinagpala ka sa lahat ng babae, at pinagpala ang sanggol na isisilang mo! 43 Sino ba ako para mabigyan ng ganitong karangalan, na madalaw ng ina ng aking Panginoon? 44 Dahil nang marinig ko ang pagbati mo, napalukso sa tuwa ang sanggol sa sinapupunan ko. 45 At maligaya ka dahil naniwala ka sa mga sinabi sa iyo, dahil lubusan itong tutuparin ni Jehova.”*
46 Sinabi ni Maria: “Dinadakila* ko si Jehova,*+ 47 at hindi mapigilan ng puso* ko na mag-umapaw sa kagalakan dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas,+ 48 dahil binigyang-pansin niya ang mababang kalagayan ng kaniyang aliping babae.+ Mula ngayon, tatawagin akong maligaya ng lahat ng henerasyon+ 49 dahil ang makapangyarihang Diyos ay gumawa ng dakilang mga bagay para sa akin, at banal ang pangalan niya,+ 50 at sa bawat lumilipas na henerasyon, ang kaniyang awa ay para sa mga natatakot sa kaniya.+ 51 Kumilos siya gamit ang malakas niyang bisig; pinangalat niya ang mga hambog.*+ 52 Ibinaba niya ang makapangyarihang mga tao mula sa kanilang trono,+ at itinaas niya ang mabababa;+ 53 lubusan niyang binusog ng mabubuting bagay ang mga gutom+ at pinaalis nang walang dala ang mayayaman. 54 Sinaklolohan niya ang Israel na kaniyang lingkod para ipakitang naaalaala niya ang pangako niyang magpakita ng awa magpakailanman,+ 55 gaya ng sinabi niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kaniyang mga supling.”*+ 56 Mga tatlong buwang nanatili si Maria kasama ni Elisabet, at saka siya umuwi.
57 Dumating ang panahon na manganganak na si Elisabet, at nagsilang siya ng isang lalaki. 58 Nabalitaan ng mga kapitbahay niya at kamag-anak na nagpakita si Jehova* ng malaking awa sa kaniya, at nakipagsaya sila sa kaniya.+ 59 Noong ikawalong araw, dumating sila para sa pagtutuli ng sanggol,+ at papangalanan sana nila itong Zacarias gaya ng sa tatay nito. 60 Pero sinabi ni Elisabet: “Hindi! Juan ang pangalan niya.” 61 Sinabi nila sa kaniya: “Wala kayong kamag-anak na may ganiyang pangalan.” 62 Kaya tinanong nila ang tatay ng sanggol sa pamamagitan ng mga senyas kung ano ang gusto niyang ipangalan dito. 63 Humingi siya ng isang piraso ng kahoy, at isinulat niya rito: “Juan ang pangalan niya.”+ Kaya namangha silang lahat. 64 Pagkatapos, bigla siyang nakapagsalita+ at pumuri sa Diyos. 65 Manghang-mangha ang lahat ng nakatira sa palibot nila at naging usap-usapan ang lahat ng pangyayaring ito sa buong mabundok na rehiyon ng Judea. 66 Pinag-isipan ito ng lahat ng nakarinig,* at sinabi nila: “Magiging ano kaya ang batang ito paglaki?” Dahil talagang sumasakaniya ang kamay ni Jehova.*
67 Pagkatapos, ang tatay niyang si Zacarias ay napuspos ng banal na espiritu at humula: 68 “Purihin nawa si Jehova,* ang Diyos ng Israel,+ dahil ibinaling niya ang pansin niya sa kaniyang bayan at naglaan siya sa kanila ng kaligtasan.+ 69 At binigyan niya tayo ng isang makapangyarihang tagapagligtas*+ mula sa sambahayan ni David na kaniyang lingkod,+ 70 gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang banal na mga propeta noon.+ 71 Nangako siyang ililigtas niya tayo mula sa mga kaaway natin at sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin.+ 72 Magpapakita siya ng awa sa atin gaya ng ipinangako niya sa ating mga ninuno, at aalalahanin niya ang kaniyang banal na tipan.+ 73 Ito ang binitiwan niyang pangako* sa ating ninunong si Abraham.+ 74 Kapag nailigtas na niya tayo mula sa mga kaaway, ibibigay niya sa atin ang pribilehiyong gumawa ng sagradong paglilingkod sa kaniya nang walang takot 75 at nang may katapatan at katuwiran* sa harap niya sa lahat ng araw natin. 76 Pero ikaw, anak ko, tatawagin kang propeta ng Kataas-taasan, dahil mauuna ka kay Jehova* para ihanda ang kaniyang mga daan,+ 77 para ipaalám sa kaniyang bayan na ililigtas niya sila sa pamamagitan ng pagpapatawad sa mga kasalanan nila,+ 78 dahil sa matinding habag ng ating Diyos. Ang habag na ito mula sa langit ay magiging tulad ng liwanag na sumisinag sa bukang-liwayway, 79 para magbigay ng liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa ilalim ng anino ng kamatayan+ at para patnubayan ang ating mga paa tungo sa daan ng kapayapaan.”
80 At ang bata ay lumaki at naging matatag,* at nanatili siya sa ilang hanggang sa araw na humarap siya sa bayang Israel.
2 Nang panahong iyon, iniutos ni Cesar Augusto na magparehistro ang lahat ng tao sa imperyo.* 2 (Nangyari ang unang pagpaparehistrong ito noong si Quirinio ang gobernador ng Sirya.) 3 At ang lahat ay nagparehistro sa kani-kanilang lunsod. 4 Kaya mula sa lunsod ng Nazaret sa Galilea, pumunta si Jose+ sa Judea, sa lunsod ni David na tinatawag na Betlehem,+ dahil miyembro siya ng sambahayan at angkan ni David. 5 Nagparehistro siya kasama ang asawa niyang si Maria,+ na malapit nang manganak.+ 6 Habang naroon sila, dumating ang araw ng panganganak niya. 7 At isinilang niya ang kaniyang anak na lalaki, ang panganay,+ at binalot niya ito ng tela at inihiga sa isang sabsaban+ dahil wala silang ibang matuluyan.
8 May mga pastol din sa lugar na iyon na naninirahan sa labas at nagbabantay sa gabi sa kanilang mga kawan. 9 Biglang nagpakita sa harap nila ang anghel ni Jehova,* at ang kaluwalhatian ni Jehova* ay suminag sa palibot nila, at takot na takot sila. 10 Pero sinabi ng anghel: “Huwag kayong matakot, dahil ang dala ko ay magandang balita na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. 11 Ipinanganak ngayon sa lunsod ni David+ ang inyong tagapagligtas,+ ang Kristo na Panginoon.+ 12 At ito ang isang tanda para sa inyo: May makikita kayong isang sanggol na nakabalot ng tela at nakahiga sa sabsaban.” 13 Biglang nagpakita ang napakaraming anghel,*+ at pinuri nila ang Diyos kasama ng anghel: 14 “Luwalhatiin nawa ang Diyos sa langit, at sa lupa ay magkaroon ng kapayapaan ang mga taong may pagsang-ayon* niya.”
15 Kaya nang umakyat na muli sa langit ang mga anghel, sinabi ng mga pastol sa isa’t isa: “Pumunta na tayo sa Betlehem para makita ang mga bagay na ipinaalám sa atin ni Jehova.”* 16 Dali-dali silang pumunta at nakita nila si Maria, pati si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. 17 Pagkakita rito, ipinaalám nila ang mensaheng sinabi sa kanila tungkol sa bata. 18 Ang lahat ng nakarinig ay namangha sa mga sinabi sa kanila ng mga pastol, 19 pero tinandaan ni Maria ang lahat ng pananalitang ito, at pinag-isipan niyang mabuti ang kahulugan ng mga ito.*+ 20 Pagkatapos, bumalik ang mga pastol sa kanilang kawan habang niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil sa lahat ng kanilang narinig at nakita, gaya ng sinabi sa kanila.
21 Pagkalipas ng walong araw, nang panahon na para tuliin ang sanggol,+ tinawag siyang Jesus, ang pangalang sinabi ng anghel bago pa siya ipagbuntis.+
22 Gayundin, nang panahon na para sa pagpapabanal sa kanila ayon sa Kautusan ni Moises,+ dinala nila siya* sa Jerusalem para iharap kay Jehova,* 23 gaya ng nakasulat sa Kautusan ni Jehova:* “Ang bawat panganay na lalaki* ay dapat ialay kay Jehova.”*+ 24 At naghain sila ayon sa sinasabi sa Kautusan ni Jehova:* “isang pares ng batubato o dalawang inakáy ng kalapati.”+
25 At may isang lalaki sa Jerusalem na nagngangalang Simeon. Siya ay matuwid at may takot sa Diyos, na naghihintay sa kaaliwan ng Israel,+ at sumasakaniya ang banal na espiritu. 26 Isiniwalat din sa kaniya ng Diyos sa pamamagitan ng banal na espiritu na hindi siya mamamatay nang hindi niya nakikita ang Kristo ni Jehova.* 27 Sa patnubay ng espiritu, pumasok siya ngayon sa templo. At nang dalhin ng mga magulang sa loob ang batang si Jesus para gawin sa kaniya ang ayon sa hinihiling ng Kautusan,+ 28 kinarga ni Simeon ang bata at pinuri ang Diyos at sinabi: 29 “Ngayon, Kataas-taasang Panginoon, maaari nang mamatay nang payapa ang iyong alipin;+ natupad na ang sinabi mo, 30 dahil nakita ko na ang isa na magdadala ng kaligtasan+ 31 na isinugo mo para makita ng lahat ng bansa,+ 32 isang liwanag+ na mag-aalis ng talukbong mula sa mga bansa+ at isang kaluwalhatian sa iyong bayang Israel.” 33 At ang ama at ina ng bata ay nagtataka sa mga bagay na sinasabi tungkol sa bata. 34 Pinagpala rin sila ni Simeon at sinabi kay Maria na ina ng bata: “Ang batang ito ay isinugo ng Diyos para sa pagbagsak+ at sa muling pagbangon ng marami sa Israel+ at para maging isang tanda na tutuligsain+ 35 (oo, isang mahabang espada ang patatagusin sa iyo),+ para malantad ang pangangatuwiran ng maraming puso.”
36 Naroon din ang propetisang si Ana, na anak na babae ni Fanuel, mula sa tribo ni Aser. May-edad na ang babaeng ito. Nag-asawa siya noong kabataan siya,* pero pitong taon lang silang nagkasama ng asawa niya; 37 isa siyang biyuda na 84 na taóng gulang na. Lagi siyang nasa templo, na sumasamba* araw at gabi na may pag-aayuno* at mga pagsusumamo. 38 Nang mismong oras na iyon, lumapit siya, nagpasalamat sa Diyos, at nagsalita tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa pagliligtas sa Jerusalem.+
39 Kaya nang matupad nila ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan ni Jehova,*+ bumalik sila sa Galilea sa kanilang sariling lunsod, sa Nazaret.+ 40 At ang bata ay patuloy na lumalaki, lumalakas, at nagiging marunong, at ang pabor ng Diyos ay patuloy na sumakaniya.+
41 Nakaugalian na ng mga magulang niya na pumunta sa Jerusalem taon-taon para sa kapistahan ng Paskuwa.+ 42 At nang 12 taóng gulang na siya, pumunta sila sa kapistahan+ gaya ng lagi nilang ginagawa. 43 Nang matapos ang mga araw ng kapistahan at pauwi na sila, naiwan sa Jerusalem ang batang si Jesus, at hindi iyon napansin ng mga magulang niya. 44 Inakala nilang kasama siya ng grupong sama-samang naglalakbay pauwi. Kaya isang araw na silang nakapaglakbay nang hanapin nila siya sa kanilang mga kamag-anak at kakilala. 45 Pero nang hindi nila siya makita, bumalik sila sa Jerusalem at hinanap siyang mabuti. 46 Pagkalipas ng tatlong araw, nakita nila siya sa templo. Nakaupo siya sa gitna ng mga guro habang nakikinig at nagtatanong sa kanila. 47 At ang lahat ng nakikinig sa kaniya ay hangang-hanga sa kaniyang unawa at mga sagot.+ 48 Nang makita siya ng mga magulang niya, nagulat sila, at sinabi ng kaniyang ina: “Anak, bakit mo ginawa ito? Alalang-alala kami ng tatay mo sa paghahanap sa iyo.” 49 Pero sumagot siya: “Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?”+ 50 Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya.
51 Pagkatapos, sumama siya sa kanila pabalik sa Nazaret, at patuloy siyang naging masunurin* sa kanila.+ Tinandaan ding mabuti ng kaniyang ina* ang lahat ng pananalitang ito.+ 52 At si Jesus ay patuloy na lumaki, lalong naging marunong, at lalong naging kalugod-lugod sa Diyos at sa mga tao.
3 Noong ika-15 taon ng pamamahala ni Tiberio Cesar, nang si Poncio Pilato ang gobernador ng Judea, si Herodes*+ ang tagapamahala ng distrito* ng Galilea, si Felipe na kapatid niya ang tagapamahala ng distrito ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ang tagapamahala ng distrito ng Abilinia, 2 noong panahon ni Caifas+ at ng punong saserdoteng si Anas, tumanggap ng mensahe mula sa Diyos si Juan+ na anak ni Zacarias habang siya ay nasa ilang.+
3 Kaya pumunta siya sa lahat ng lugar sa palibot ng Jordan para mangaral tungkol sa bautismo bilang sagisag ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan,+ 4 gaya ng nakasulat sa aklat ni propeta Isaias: “May sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang dadaanan ni Jehova!* Patagin ninyo ang lalakaran niya.+ 5 Bawat lambak ay tatambakan, at bawat bundok at burol ay papatagin; ang paliko-likong mga daan ay magiging tuwid, at ang malubak na mga daan ay magiging patag; 6 at makikita ng lahat ng tao* ang pagliligtas ng Diyos.’”*+
7 Kaya sinasabi niya sa mga taong pumupunta sa kaniya para magpabautismo: “Kayong mga anak ng ulupong, sino ang nagsabi sa inyo na makaliligtas kayo sa dumarating na pagpuksa?+ 8 Ipakita muna ninyo na talagang nagsisisi kayo.* Huwag ninyong isipin, ‘Ama namin si Abraham.’ Dahil sinasabi ko sa inyo na kaya ng Diyos na lumikha ng mga anak para kay Abraham mula sa mga batong ito. 9 Sa katunayan, nakalapat na ang palakol sa ugat ng mga puno. At bawat puno na hindi maganda ang bunga ay puputulin at ihahagis sa apoy.”+
10 Kaya tinatanong siya ng mga tao: “Ano ngayon ang dapat naming gawin?” 11 Sumasagot siya: “Ang taong may ekstrang* damit ay magbigay sa taong wala nito, at gayon din ang gawin ng taong may makakain.”+ 12 Pumunta rin sa kaniya ang mga maniningil ng buwis para magpabautismo,+ at sinabi nila: “Guro, ano ang dapat naming gawin?” 13 Sumagot siya: “Huwag kayong mangolekta nang higit sa dapat singiling buwis.”+ 14 Nagtatanong din sa kaniya ang mga naglilingkod sa militar: “Ano ang dapat naming gawin?” At sumasagot siya: “Huwag kayong mangikil o mag-akusa ng di-totoo,+ kundi masiyahan kayo sa inyong suweldo.”*
15 Ang mga tao ay naghihintay sa Kristo, at iniisip* nilang lahat tungkol kay Juan, “Siya kaya ang Kristo?”+ 16 Sinabi ni Juan sa lahat: “Binabautismuhan ko kayo sa tubig, pero dumarating ang isa na mas malakas kaysa sa akin, at hindi ako karapat-dapat na magkalag sa sintas ng sandalyas niya.+ Babautismuhan niya kayo sa pamamagitan ng banal na espiritu at ng apoy.+ 17 Hawak niya ang kaniyang palang pantahip para linising mabuti ang giikan niya at tipunin sa kamalig* niya ang trigo, pero ang ipa ay susunugin niya sa apoy na hindi mapapatay.”
18 Nagbigay rin siya ng maraming iba pang payo at nagpatuloy sa paghahayag ng mabuting balita sa mga tao. 19 Pero si Herodes na tagapamahala ng distrito, na sinaway ni Juan may kinalaman kay Herodias na asawa ng kapatid ni Herodes at may kinalaman sa lahat ng masasamang bagay na ginawa niya, 20 ay gumawa ng isa pang masamang bagay: Ipinakulong niya si Juan.+
21 Matapos mabautismuhan ang lahat ng tao, binautismuhan din si Jesus.+ Habang nananalangin siya, nabuksan ang langit,+ 22 at ang banal na espiritu na tulad ng isang kalapati ay bumaba sa kaniya, at isang tinig ang narinig mula sa langit: “Ikaw ang Anak ko, ang minamahal ko; nalulugod ako sa iyo.”+
23 Nang pasimulan ni Jesus+ ang kaniyang gawain, siya ay mga 30 taóng gulang.+ At gaya nga ng sinasabi ng mga tao, siya ay
anak ni Jose,+
na anak ni Heli,
24 na anak ni Matat,
na anak ni Levi,
na anak ni Melqui,
na anak ni Jannai,
na anak ni Jose,
25 na anak ni Matatias,
na anak ni Amos,
na anak ni Nahum,
na anak ni Esli,
na anak ni Nagai,
26 na anak ni Maat,
na anak ni Matatias,
na anak ni Semein,
na anak ni Josec,
na anak ni Joda,
27 na anak ni Joanan,
na anak ni Resa,
na anak ni Zerubabel,+
na anak ni Sealtiel,+
na anak ni Neri,
28 na anak ni Melqui,
na anak ni Adi,
na anak ni Cosam,
na anak ni Elmadam,
na anak ni Er,
29 na anak ni Jesus,
na anak ni Eliezer,
na anak ni Jorim,
na anak ni Matat,
na anak ni Levi,
30 na anak ni Symeon,
na anak ni Hudas,
na anak ni Jose,
na anak ni Jonam,
na anak ni Eliakim,
31 na anak ni Melea,
na anak ni Mena,
na anak ni Matata,
na anak ni Natan,+
na anak ni David,+
na anak ni Obed,+
na anak ni Boaz,+
na anak ni Salmon,+
na anak ni Nason,+
33 na anak ni Aminadab,
na anak ni Arni,
na anak ni Hezron,
na anak ni Perez,+
na anak ni Juda,+
na anak ni Isaac,+
na anak ni Abraham,+
na anak ni Tera,+
na anak ni Nahor,+
na anak ni Reu,+
na anak ni Peleg,+
na anak ni Eber,+
na anak ni Shela,+
36 na anak ni Cainan,
na anak ni Arpacsad,+
na anak ni Sem,+
na anak ni Noe,+
na anak ni Lamec,+
na anak ni Enoc,
na anak ni Jared,+
na anak ni Mahalaleel,+
na anak ni Cainan,+
na anak ni Set,+
na anak ni Adan,+
na anak ng Diyos.
4 Pagkatapos, si Jesus na puspos ng banal na espiritu ay umalis sa Jordan; inakay siya ng espiritu sa ilang+ 2 sa loob ng 40 araw, at tinukso siya roon ng Diyablo.+ Hindi siya kumain, kaya pagkatapos ng mga araw na iyon, nagutom siya. 3 Sinabi sa kaniya ng Diyablo: “Kung ikaw ay anak ng Diyos, utusan mo ang batong ito na maging tinapay.” 4 Pero sumagot si Jesus: “Nasusulat, ‘Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lang.’”+
5 Kaya dinala niya siya sa mataas na lugar, at saglit niyang ipinakita sa kaniya ang lahat ng kaharian sa mundo.+ 6 Pagkatapos, sinabi ng Diyablo: “Ibibigay ko sa iyo ang awtoridad sa lahat ng ito at ang kaluwalhatian ng mga ito, dahil akin ang lahat ng kahariang ito+ at ibibigay ko ito kanino ko man gustuhin. 7 Kaya kung sasambahin mo ako nang kahit isang beses, magiging sa iyo ang lahat ng ito.” 8 Sumagot si Jesus: “Nasusulat, ‘Si Jehova* na iyong Diyos ang dapat mong sambahin, at siya lang ang dapat mong paglingkuran.’”*+
9 Pagkatapos, dinala niya siya sa Jerusalem, sa tuktok ng templo. Sinabi niya: “Kung ikaw ay anak ng Diyos, tumalon ka mula rito,+ 10 dahil nasusulat, ‘Uutusan niya ang mga anghel niya na ingatan ka,’ 11 at, ‘Bubuhatin ka nila para hindi tumama sa bato ang paa mo.’”+ 12 Sumagot si Jesus: “Nasusulat, ‘Huwag mong susubukin si Jehova* na iyong Diyos.’”+ 13 Kaya matapos siyang tuksuhin ng Diyablo, humiwalay ito sa kaniya at naghintay ng ibang pagkakataon.+
14 At bumalik si Jesus sa Galilea+ puspos ng espiritu. At napabalita sa lahat ng nakapalibot na lugar ang magagandang ulat tungkol sa kaniya. 15 Nagsimula rin siyang magturo sa kanilang mga sinagoga,* at iginagalang siya ng lahat.
16 Pagkatapos, pumunta siya sa Nazaret,+ kung saan siya pinalaki, at gaya ng nakagawian niya tuwing araw ng Sabbath, pumasok siya sa sinagoga+ at tumayo para magbasa. 17 Kaya ibinigay sa kaniya ang balumbon ni propeta Isaias, at binuksan niya ang balumbon at nahanap ang pananalitang ito: 18 “Ang espiritu ni Jehova* ay sumasaakin dahil inatasan* niya ako na maghayag ng mabuting balita sa mahihirap. Isinugo niya ako para ihayag ang paglaya ng mga bihag at paggaling ng mga bulag, at para palayain ang mga naaapi,+ 19 para ipangaral ang taon ng kabutihang-loob ni Jehova.”*+ 20 Pagkarolyo sa balumbon, isinauli niya ito sa tagapaglingkod, at umupo siya; nakatingin sa kaniya ang lahat ng nasa sinagoga. 21 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Ang kasulatang ito na karirinig lang ninyo ay natutupad ngayon.”+
22 At nagsimula silang magsabi ng magagandang bagay tungkol sa kaniya at humanga sa nakagiginhawang pananalita na lumalabas sa kaniyang bibig.+ Sinasabi nila: “Hindi ba anak ito ni Jose?”+ 23 Sumagot siya: “Tiyak na ipatutungkol ninyo sa akin ang pananalitang ito, ‘Manggagamot, pagalingin mo ang sarili mo. Gawin mo rin dito sa sarili mong bayan ang mga narinig naming ginawa mo sa Capernaum.’”+ 24 Kaya sinabi niya: “Sinasabi ko sa inyo, walang propetang tinatanggap sa sarili niyang bayan.+ 25 Bilang halimbawa, sinasabi ko sa inyo ang totoo: Maraming biyuda sa Israel noong panahon ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlo at kalahating taon at magkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain.+ 26 Pero hindi isinugo si Elias sa sinuman sa mga babaeng iyon kundi sa isang biyuda sa Zarepat sa lupain ng Sidon.+ 27 Marami ring ketongin sa Israel noong panahon ni propeta Eliseo; pero walang isa man sa kanila ang pinagaling,* si Naaman lang na taga-Sirya.”+ 28 Galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga na nakarinig sa sinabi niya,+ 29 at dinala nila siya sa labas ng lunsod, sa itaas ng bundok kung saan nakatayo ang lunsod, para ihagis siya patiwarik. 30 Pero dumaan siya sa gitna nila at nagpatuloy sa paglalakbay.+
31 Pagkatapos, pumunta siya sa Capernaum, na isang lunsod sa Galilea. Tinuruan niya sila noong Sabbath,+ 32 at hangang-hanga sila sa paraan niya ng pagtuturo+ dahil nagsasalita siya nang may awtoridad. 33 At may isang lalaki sa sinagoga na sinasapian ng demonyo, isang masamang* espiritu, at sumigaw siya:+ 34 “Bakit nandito ka, Jesus na Nazareno?+ Nandito ka ba para puksain kami? Alam ko kung sino ka talaga, ikaw ang isinugo ng Diyos.”*+ 35 Pero sinaway ito ni Jesus: “Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya.” Pagkatapos, itinumba ng demonyo ang lalaki at lumabas ito sa kaniya nang hindi siya sinasaktan. 36 Gulat na gulat silang lahat, at sinabi nila sa isa’t isa: “Talagang may awtoridad at kapangyarihan ang pananalita niya! Kahit ang masasamang* espiritu ay sumusunod sa utos niya at lumalabas!” 37 Kaya ang balita tungkol sa kaniya ay kumalat sa bawat sulok ng nakapalibot na mga lugar.
38 Pagkaalis niya sa sinagoga, pumunta siya sa bahay ni Simon. Mataas ang lagnat ng biyenang babae ni Simon, at hiniling nila sa kaniya na tulungan siya.+ 39 Kaya lumapit si Jesus kung saan siya nakahiga at pinababa* ang lagnat ng babae, at gumaling siya. Agad siyang bumangon at inasikaso sila.
40 Pero nang palubog na ang araw, dinala sa kaniya ng lahat ng tao ang mga kasama nila sa bahay na may sakit.* Pinagaling niya sila+ sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay niya sa bawat isa sa kanila. 41 Lumabas din ang mga demonyo mula sa maraming sinapian nila, at isinisigaw nila: “Ikaw ang Anak ng Diyos.”+ Pero sinasaway niya sila at hindi pinapahintulutang magsalita,+ dahil alam nilang siya ang Kristo.+
42 Nang mag-umaga na, pumunta siya sa isang liblib na lugar.+ Pero hinanap siya ng mga tao at nakarating kung nasaan siya. Pinigilan nila siyang umalis sa lugar nila. 43 Pero sinabi niya sa kanila: “Dapat ko ring ihayag sa ibang lunsod ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos dahil isinugo ako para dito.”+ 44 At nangaral siya sa mga sinagoga ng Judea.
5 Sa isang pagkakataon, sinisiksik ng maraming tao si Jesus habang nakikinig sila sa pagtuturo niya ng salita ng Diyos sa tabi ng lawa ng Genesaret.*+ 2 At may nakita siyang dalawang bangka sa tabi ng lawa, pero nakababa na ang mga mangingisda at naghuhugas ng mga lambat nila.+ 3 Sumakay siya sa bangka na pag-aari ni Simon, at sinabi niya rito na ilayo nang kaunti ang bangka mula sa pampang. Pagkatapos, umupo siya at nagturo sa mga tao mula sa bangka. 4 Nang matapos siyang magsalita, sinabi niya kay Simon: “Pumunta ka sa malalim, at ibaba ninyo ang inyong mga lambat para makahuli.” 5 Sumagot si Simon: “Guro, magdamag kaming nangisda pero wala kaming nahuli.+ Pero dahil sa sinabi mo, ibababa ko ang mga lambat.” 6 Nang gawin nila ito, napakarami nilang nahuling isda. Ang totoo, nagsimulang mapunit ang kanilang mga lambat.+ 7 Kaya sinenyasan nila ang mga kasamahan nila sa isa pang bangka para tulungan sila. Pumunta ang mga ito at napuno nila ang dalawang bangka, kaya nagsimulang lumubog ang mga ito. 8 Nang makita ito ni Simon Pedro, lumuhod siya sa harap ni Jesus at sinabi niya: “Panginoon, lumayo ka sa akin dahil makasalanan ako.” 9 Nasabi niya iyon dahil siya at ang mga kasama niya ay manghang-mangha sa dami ng nahuli nilang isda, 10 gayundin ang mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan,+ na mga kasosyo ni Simon. Pero sinabi ni Jesus kay Simon: “Huwag ka nang matakot. Mula ngayon ay manghuhuli ka ng mga taong buháy.”+ 11 Kaya ibinalik nila sa lupa ang mga bangka at iniwan ang lahat ng bagay at sumunod sa kaniya.+
12 Minsan, habang si Jesus ay nasa isa sa mga lunsod, nakita siya ng isang lalaking punô ng ketong. Sumubsob ito at nagmakaawa: “Panginoon, kung gugustuhin mo lang, mapagagaling* mo ako.”+ 13 Kaya hinipo niya siya at sinabi: “Gusto ko! Gumaling ka.” Nawala agad ang ketong ng lalaki.+ 14 Pagkatapos, inutusan niya ang lalaki na huwag itong sabihin kahit kanino. At sinabi niya: “Humarap ka sa saserdote at maghain para sa paglilinis sa iyo, gaya ng iniutos ni Moises,+ para makita nila* na gumaling ka na.”+ 15 Gayunman, patuloy na kumalat ang balita tungkol sa kaniya, at napakaraming tao ang nagtitipon para makinig sa kaniya at para mapagaling ang mga sakit nila.+ 16 Pero madalas siyang pumunta sa liblib na mga lugar para manalangin.
17 Isang araw habang nagtuturo siya, ang mga Pariseo at mga guro ng Kautusan mula sa bawat nayon ng Galilea at Judea at mula sa Jerusalem ay nakaupo rin doon; at sumakaniya ang kapangyarihan ni Jehova* para makapagpagaling siya.+ 18 At may dumating na mga lalaking buhat ang isang paralitiko na nasa higaan, at sinisikap nilang makapasok at mailapit siya kay Jesus.+ 19 Pero nahihirapan silang maipasok siya dahil sa dami ng tao, kaya umakyat sila sa bubong, inalis ang mga tisa nito, at ibinaba ang higaan ng lalaki sa gitna ng mga tao, sa harap ni Jesus. 20 Nang makita niya ang pananampalataya nila, sinabi niya: “Lalaki, pinatatawad na ang mga kasalanan mo.”+ 21 Kaya nag-usap-usap ang mga eskriba at mga Pariseo. Sinasabi nila: “Sino ang taong ito na namumusong?* Sino ang maaaring magpatawad ng mga kasalanan maliban sa Diyos?”+ 22 Pero dahil alam ni Jesus kung ano ang tumatakbo sa isip nila, sinabi niya: “Bakit kayo nag-iisip ng ganiyan? 23 Alin ba ang mas madali, ang sabihing ‘Pinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing ‘Bumangon ka at lumakad’? 24 Pero para malaman ninyo na ang Anak ng tao ay may awtoridad na magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa—” sinabi niya sa paralitiko: “Bumangon ka, buhatin mo ang higaan mo, at umuwi ka.”+ 25 At bumangon siya sa harap nila, binuhat ang higaan niya, at umuwi na pinupuri ang Diyos. 26 Manghang-mangha ang lahat, at pinuri nila ang Diyos, at sinasabi nila: “Nakakita kami ngayon ng kahanga-hangang mga bagay!”
27 Pagkatapos nito, lumabas siya at nakita ang maniningil ng buwis na si Levi na nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi niya rito: “Maging tagasunod kita.”+ 28 Kaya tumayo si Levi, iniwan ang lahat ng bagay, at sumunod sa kaniya. 29 Pagkatapos, naghanda si Levi ng isang malaking salusalo sa bahay niya para kay Jesus, at maraming maniningil ng buwis at iba pa ang kumakaing* kasama nila.+ 30 Dahil dito, nagbulong-bulungan ang mga Pariseo at mga eskriba nila at sinabi sa mga alagad niya: “Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?”+ 31 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ang malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga maysakit.+ 32 Dumating ako hindi para tawagin ang mga matuwid, kundi para akayin sa pagsisisi ang mga makasalanan.”+
33 Sinabi nila sa kaniya: “Ang mga alagad ni Juan ay madalas mag-ayuno at manalangin nang marubdob,* pati na ang mga alagad ng mga Pariseo, pero ang mga alagad mo ay kumakain at umiinom.”+ 34 Sinabi ni Jesus: “Hindi ninyo mapag-aayuno ang mga kaibigan ng lalaking ikakasal hangga’t kasama nila ang lalaking ikakasal, hindi ba? 35 Pero darating ang panahon na kukunin nga sa kanila ang lalaking ikakasal,+ at sa panahong iyon sila mag-aayuno.”+
36 Nagbigay rin siya ng isang ilustrasyon sa kanila: “Walang sinuman ang gumugupit ng panagpi mula sa isang bagong damit at itinatahi ito sa isang lumang damit. Kung gagawin ito ng isa, matatastas ang panagpi; isa pa, hindi rin ito babagay sa luma.+ 37 Wala ring taong naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Kapag ginawa niya ito, papuputukin ng bagong alak ang sisidlang balat, matatapon ang alak, at masisira ang sisidlang balat. 38 Kaya sa bagong sisidlang balat dapat ilagay ang bagong alak. 39 Kung nakatikim na ng lumang alak* ang isang tao, hindi na niya gugustuhing uminom ng bago, dahil sasabihin niya, ‘Masarap ang luma.’”
6 Isang araw ng Sabbath, habang dumadaan siya sa gitna ng bukid, ang mga alagad niya ay pumipitas ng mga uhay ng butil+ at ikinikiskis ang mga ito sa mga kamay nila para kainin.+ 2 Kaya sinabi ng ilang Pariseo: “Bakit ninyo ginagawa ang ipinagbabawal kapag Sabbath?”+ 3 Pero sinabi ni Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga lalaking kasama niya?+ 4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos, tinanggap ang mga tinapay na panghandog,* kinain ang mga iyon, at binigyan din niya ang mga lalaking kasama niya. Hindi iyon puwedeng kainin ng sinuman dahil para lang iyon sa mga saserdote.”+ 5 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Ang Anak ng tao ay Panginoon ng Sabbath.”+
6 Sa isa pang araw ng Sabbath,+ pumasok siya sa sinagoga at nagturo. At may isang lalaki roon na tuyot* ang kanang kamay.+ 7 Inaabangan ng mga eskriba at mga Pariseo kung magpapagaling si Jesus sa Sabbath para makahanap sila ng maiaakusa sa kaniya. 8 Pero alam niya kung ano ang iniisip nila,+ kaya sinabi niya sa lalaki na may tuyot na* kamay: “Tumayo ka sa gitna.” Tumayo siya at pumunta roon. 9 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila: “Tatanungin ko kayo, Ano ang tamang gawin kapag Sabbath: gumawa ng mabuti o ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?”+ 10 Pagkatingin niya sa lahat ng nakapalibot, sinabi niya sa lalaki: “Iunat mo ang kamay mo.” Gayon nga ang ginawa ng lalaki, at gumaling ang kamay nito. 11 Pero nagalit sila nang husto, at nagsimula silang mag-usap-usap kung ano ang gagawin nila kay Jesus.
12 Nang mga panahong iyon, pumunta siya sa bundok para manalangin,+ at buong gabi siyang nanalangin sa Diyos.+ 13 Nang umaga na, tinawag niya ang mga alagad niya at pumili sa kanila ng 12, at tinawag niya silang mga apostol:+ 14 si Simon na tinawag din niyang Pedro, si Andres na kapatid nito, si Santiago, si Juan, si Felipe,+ si Bartolome, 15 si Mateo, si Tomas,+ si Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na tinatawag na “masigasig,” 16 si Hudas na anak ni Santiago, at si Hudas Iscariote na naging traidor.
17 Pagkatapos, bumaba siya ng bundok kasama nila at tumayo sa isang patag na lugar, at napakaraming alagad niya ang naroon. Napakarami ring tao mula sa buong Judea at Jerusalem at mula sa mga baybayin ng Tiro at Sidon ang pumunta roon para makinig sa kaniya at mapagaling sa kanilang mga sakit. 18 Napagaling din ang mga pinahihirapan ng masasamang* espiritu. 19 At sinisikap ng lahat na mahawakan siya, dahil may lumalabas na kapangyarihan sa kaniya+ at gumagaling silang lahat.
20 At tumingin siya sa kaniyang mga alagad, at sinabi niya:
“Maligaya kayong mahihirap, dahil sa inyo ang Kaharian ng Diyos.+
21 “Maligaya kayo na nagugutom ngayon, dahil bubusugin kayo.+
“Maligaya kayo na umiiyak ngayon, dahil tatawa kayo.+
22 “Maligaya kayo kapag napopoot sa inyo ang mga tao+ at kapag itinatakwil nila kayo+ at nilalait kayo at nilalapastangan ang* inyong pangalan dahil sa Anak ng tao. 23 Magsaya kayo sa araw na iyon at tumalon sa tuwa, dahil malaki ang gantimpala ninyo sa langit, dahil iyon din ang ginawa ng mga ninuno nila sa mga propeta.+
24 “Pero kaawa-awa kayong mayayaman,+ dahil hanggang diyan lang ang tatamasahin ninyong kaginhawahan.+
25 “Kaawa-awa kayo na busog ngayon, dahil magugutom kayo.
“Kaawa-awa kayo na tumatawa ngayon, dahil magdadalamhati kayo at iiyak.+
26 “Kaawa-awa kayo sa tuwing pinupuri kayo ng lahat ng tao,+ dahil ganito rin ang ginawa ng mga ninuno nila sa huwad na mga propeta.
27 “Pero sinasabi ko sa inyo na nakikinig: Patuloy na mahalin ang inyong mga kaaway, gawan ng mabuti ang mga napopoot sa inyo,+ 28 pagpalain ang mga sumusumpa sa inyo, ipanalangin ang mga umiinsulto sa inyo.+ 29 Sa sinumang sumampal sa isa mong pisngi, iharap mo rin ang kabila; at sa sinumang kumuha ng balabal mo, huwag mong ipagkait pati ang damit mo.+ 30 Magbigay sa lahat ng humihingi sa iyo,+ at sa sinumang kumuha ng mga gamit mo, huwag mong bawiin ang mga iyon.
31 “Gayundin, kung ano ang gusto ninyong gawin ng mga tao sa inyo, iyon din ang gawin ninyo sa kanila.+
32 “Kung mahal ninyo ang mga nagmamahal sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Mahal din ng mga makasalanan ang mga nagmamahal sa kanila.+ 33 At kung gumagawa kayo ng mabuti sa mga gumagawa ng mabuti sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Ganiyan din ang ginagawa ng mga makasalanan. 34 Isa pa, kung nagpapahiram* kayo sa mga taong inaasahan ninyong magbabayad, ano ang kahanga-hanga roon?+ Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram sa mga makasalanan dahil inaasahan nilang maibabalik sa kanila ang halagang ipinahiram nila. 35 Sa halip, patuloy na mahalin ang mga kaaway ninyo at gumawa ng mabuti at magpahiram nang hindi umaasa ng anumang kabayaran;+ at magiging malaki ang gantimpala ninyo, at kayo ay magiging mga anak ng Kataas-taasan, dahil mabait siya sa mga walang utang na loob at masasama.+ 36 Patuloy na maging maawain, gaya ng inyong Ama na maawain.+
37 “Isa pa, huwag na kayong humatol, at hinding-hindi kayo hahatulan;+ at huwag na kayong manghusga, at hinding-hindi kayo huhusgahan. Patuloy na magpatawad,* at patatawarin* kayo.+ 38 Maging mapagbigay, at magbibigay ang mga tao sa inyo.+ Napakarami nilang ibubuhos sa tupi* ng inyong damit—siniksik, niliglig, at umaapaw. Dahil kung paano ninyo pinakikitunguhan ang iba, ganoon din nila kayo pakikitunguhan.”*
39 Pagkatapos, nagbigay rin siya sa kanila ng isang ilustrasyon: “Puwede bang akayin ng isang taong bulag ang kapuwa niya bulag? Hindi ba pareho silang mahuhulog sa hukay?+ 40 Ang isang mag-aaral* ay hindi nakahihigit sa guro niya, kundi ang bawat isa na naturuan nang husto ay magiging tulad ng guro niya. 41 Kaya bakit mo tinitingnan ang puwing sa mata ng kapatid mo, pero hindi mo nakikita ang troso* sa sarili mong mata?+ 42 Paano mo masasabi sa kapatid mo, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo,’ samantalang hindi mo nakikita ang troso sa sarili mong mata? Mapagpanggap!* Alisin mo muna ang troso sa sarili mong mata para makita mo nang malinaw kung paano aalisin ang puwing sa mata ng kapatid mo.
43 “Ang isang mainam na puno ay hindi mamumunga ng bulok, at ang isang bulok na puno ay hindi mamumunga ng maganda.+ 44 Dahil ang bawat puno ay nakikilala sa bunga nito.+ Halimbawa, ang mga tao ay hindi umaani ng igos mula sa mga tinik, at hindi rin sila pumipitas ng ubas mula sa matinik na halaman.* 45 Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa mabubuting bagay na nasa kaniyang puso, pero ang masamang tao ay naglalabas ng masama mula sa masasamang bagay na nasa kaniyang puso; dahil lumalabas sa bibig niya kung ano ang laman ng kaniyang puso.*+
46 “Bakit nga ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon! Panginoon!’ pero hindi naman ninyo ginagawa ang mga sinasabi ko?+ 47 Ang bawat isa na lumalapit sa akin at nakikinig sa mga sinasabi ko at sumusunod sa mga iyon, ipapakita ko sa inyo kung sino ang tulad niya:+ 48 Katulad siya ng isang tao na nang magtayo ng bahay ay humukay nang malalim at naglagay ng pundasyon sa bato. Kaya nang dumating ang baha at rumagasa ang tubig sa bahay na iyon, hindi man lang iyon nauga dahil matibay ang pagkakatayo nito.+ 49 Sa kabilang dako, siya na nakikinig sa mga sinasabi ko pero hindi sumusunod sa mga iyon+ ay katulad ng isang tao na nagtayo ng bahay nang walang pundasyon. Nang rumagasa ang tubig, agad itong gumuho at nawasak.”
7 Nang masabi na niya sa mga tao ang lahat ng gusto niyang sabihin, pumasok siya sa Capernaum. 2 At isang opisyal ng hukbo ang may aliping may sakit at malapit nang mamatay.+ Mahal na mahal ito ng opisyal. 3 Kaya nang marinig niya ang tungkol kay Jesus, nagsugo siya ng ilang matatandang lalaki ng mga Judio para hilingin kay Jesus na puntahan ang alipin niya at pagalingin ito. 4 Pumunta sila kay Jesus at nakiusap: “Karapat-dapat mo siyang pagbigyan, 5 dahil mahal niya ang bansa natin at siya mismo ang nagpatayo ng sinagoga rito.” 6 Kaya sumama si Jesus sa kanila. Pero nang malapit na siya sa bahay ng opisyal ng hukbo, may isinugo na itong mga kaibigan para sabihin sa kaniya: “Ginoo, huwag ka nang mag-abala, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan mo sa bahay.+ 7 Hindi ko rin itinuturing ang sarili ko na karapat-dapat na pumunta sa iyo. Pero sabihin mo lang na gumaling siya at gagaling ang lingkod ko. 8 Dahil ako rin ay nasa ilalim ng awtoridad ng iba, at may hawak din akong mga sundalo. Kapag sinabi ko sa isa, ‘Pumunta ka roon!’ nagpupunta siya, at sa isa pa, ‘Halika!’ lumalapit siya, at sa alipin ko, ‘Gawin mo ito!’ ginagawa niya iyon.” 9 Nang marinig ito ni Jesus, namangha siya, at tumingin siya sa mga taong sumusunod sa kaniya at sinabi niya: “Sinasabi ko sa inyo, kahit sa Israel, wala pa akong nakita na may ganito kalaking pananampalataya.”+ 10 Nang makabalik sa bahay ang mga isinugo, nakita nilang magaling na ang alipin.+
11 Di-nagtagal pagkatapos nito, pumunta siya sa lunsod na tinatawag na Nain, at kasama niyang naglakbay ang mga alagad niya at maraming iba pa. 12 Habang papalapit si Jesus sa pintuang-daan ng lunsod, may inilalabas na lalaking patay, ang kaisa-isang anak ng isang babae.+ At biyuda na ang babae. Maraming tao mula sa lunsod ang naglalakad kasama niya. 13 Nang makita ng Panginoon ang biyuda, naawa siya rito+ at sinabi niya: “Huwag ka nang umiyak.”+ 14 Kaya lumapit siya at hinipo ang hinihigaan ng patay, at huminto ang mga tagabuhat nito. Pagkatapos, sinabi niya: “Lalaki, inuutusan kita, bumangon ka!”+ 15 Umupo ang taong patay at nagsalita, at ibinigay siya ni Jesus sa kaniyang ina.+ 16 Manghang-mangha ang mga tao. Niluwalhati nila ang Diyos at sinabi: “Nagkaroon ng isang dakilang propeta sa gitna natin,”+ at, “Binigyang-pansin ng Diyos ang kaniyang bayan.”+ 17 Ang balitang ito tungkol sa kaniya ay nakarating sa buong Judea at sa lahat ng nakapalibot na lugar.
18 Iniulat kay Juan ng mga alagad niya ang lahat ng ito.+ 19 Kaya tinawag ni Juan ang dalawa sa mga alagad niya at isinugo sila sa Panginoon para sabihin: “Ikaw ba ang hinihintay namin,+ o may iba pang darating?” 20 Nang dumating sa kaniya ang mga lalaki, sinabi nila: “Isinugo kami ni Juan Bautista para itanong sa iyo, ‘Ikaw ba ang hinihintay namin, o may iba pang darating?’” 21 Nang oras na iyon, pinagaling niya ang maraming may sakit,+ may malulubhang karamdaman, at sinasapian ng masasamang espiritu, at ibinalik niya ang paningin ng maraming bulag. 22 Sinabi niya sa kanila: “Sabihin ninyo kay Juan ang nakita ninyo at narinig: Ang mga bulag ay nakakakita na,+ ang mga lumpo ay nakalalakad, ang mga ketongin ay gumagaling, ang mga bingi ay nakaririnig,+ ang mga patay ay binubuhay, at ang mahihirap ay pinangangaralan ng mabuting balita.+ 23 Maligaya ang nagtitiwala sa akin.”*+
24 Nang makaalis na ang mga mensahero ni Juan, sinabi ni Jesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ano ang nakita ninyo sa ilang? Isang taong gaya ng tambo na hinahampas-hampas ng hangin? Hindi.+ 25 Kung gayon, ano ang nakita ninyo? Isang taong may malambot na damit?*+ Hindi. Ang mga nagsusuot ng magagandang damit at namumuhay nang marangya ay nasa palasyo ng mga hari. 26 Kung gayon, sino talaga siya? Isang propeta? Oo, at sinasabi ko sa inyo, hindi lang siya basta propeta.+ 27 Siya ang tinutukoy sa Kasulatan: ‘Isinusugo ko ang aking mensahero sa unahan mo, na maghahanda ng iyong dadaanan.’+ 28 Sinasabi ko sa inyo, sa lahat ng taong nabuhay, walang mas dakila kaysa kay Juan, pero ang pinakamababa sa Kaharian ng Diyos ay mas dakila kaysa sa kaniya.”+ 29 (Nang marinig iyon ng lahat ng tao at ng mga maniningil ng buwis, ipinahayag nilang matuwid ang Diyos, dahil nabautismuhan sila ni Juan.+ 30 Pero binale-wala ng mga Pariseo at ng mga eksperto sa Kautusan ang payo* ng Diyos sa kanila,+ dahil hindi sila nabautismuhan ni Juan.)
31 “Kung gayon, kanino ko dapat ihambing ang mga tao ng henerasyong ito, at sino ang katulad nila?+ 32 Tulad sila ng mga bata na nakaupo sa pamilihan at sumisigaw sa isa’t isa: ‘Tinugtugan namin kayo ng plawta, pero hindi kayo sumayaw; humagulgol kami, pero hindi kayo umiyak.’ 33 Sa katulad na paraan, si Juan Bautista ay hindi kumakain ng tinapay o umiinom ng alak,+ pero sinasabi ninyo: ‘Siya ay may demonyo.’ 34 Ang Anak ng tao ay kumakain at umiinom, pero sinasabi ninyo: ‘Matakaw ang taong ito at mahilig uminom ng alak; kaibigan siya ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!’+ 35 Pero ang karunungan ay makikita sa* bunga nito.”*+
36 At isa sa mga Pariseo ang paulit-ulit na nag-iimbita kay Jesus na kumaing kasama niya. Kaya pumasok siya sa bahay ng Pariseo at umupo* sa mesa. 37 At nalaman ng isang babae, na kilalang makasalanan sa lunsod, na kumakain* si Jesus sa bahay ng Pariseo, kaya nagdala siya ng mabangong langis na nasa bote ng alabastro.*+ 38 Pumuwesto siya sa likuran ni Jesus, sa may paa niya; umiyak siya, binasâ ng luha ang mga paa ni Jesus, at pinunasan ang mga iyon ng buhok niya. Hinalikan din niya ang mga paa ni Jesus at binuhusan ng mabangong langis. 39 Nang makita ito ng Pariseong nag-imbita sa kaniya, sinabi nito sa sarili: “Kung talagang propeta ang taong ito, makikilala niya kung sino at kung anong uri ng babae ang humihipo sa kaniyang mga paa, na isa itong makasalanan.”+ 40 Pero sinabi ni Jesus sa kaniya: “Simon, may sasabihin ako sa iyo.” Sinabi niya: “Ano iyon, Guro?”
41 “Dalawang tao ang may utang sa isang nagpapahiram; ang utang ng isa ay 500 denario,* at ang isa naman ay 50. 42 Nang wala silang maibayad, hindi na niya sila pinagbayad.* Sa tingin mo, sino sa kanila ang higit na magmamahal sa nagpahiram?” 43 Sumagot si Simon: “Sa tingin ko, ang isa na mas malaki ang utang.” Sinabi ni Jesus: “Tama ang sagot mo.” 44 Pagkatapos, tumingin siya sa babae at sinabi niya kay Simon: “Nakikita mo ba ang babaeng ito? Pumasok ako sa iyong bahay; hindi mo ako binigyan ng tubig para sa mga paa ko. Pero binasâ ng babaeng ito ng mga luha niya ang mga paa ko at pinunasan ng kaniyang buhok. 45 Hindi mo ako hinalikan, pero mula nang pumasok ako, walang tigil ang babaeng ito sa paghalik sa mga paa ko. 46 Hindi mo binuhusan ng langis ang ulo ko, pero binuhusan ng babaeng ito ng mabangong langis ang mga paa ko. 47 Kaya naman, sinasabi ko sa iyo, kahit marami siyang kasalanan,* pinatatawad na ang mga ito.+ Iyan ang dahilan kaya higit ang pagmamahal niya. Pero siya na pinatatawad nang kaunti ay nagmamahal nang kaunti.” 48 Pagkatapos, sinabi niya sa babae: “Pinatatawad na ang mga kasalanan mo.”+ 49 Dahil dito, ang mga kumakaing* kasama niya ay nagsabi sa isa’t isa: “Sino ang taong ito na nagpapatawad ng mga kasalanan?”+ 50 Pero sinabi niya sa babae: “Iniligtas ka ng pananampalataya mo;+ umuwi ka na at huwag nang mag-alala.”
8 Di-nagtagal pagkatapos nito, naglakbay siya sa mga lunsod at sa mga nayon, na ipinangangaral at ipinahahayag ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos.+ At kasama niya ang 12 apostol, 2 pati ang ilang babae na napalaya mula sa masasamang espiritu at napagaling ang mga sakit: si Maria na tinatawag na Magdalena, na napalaya mula sa pitong demonyo; 3 si Juana+ na asawa ni Cuza, na katiwala sa bahay ni Herodes; si Susana; at marami pang ibang babae. Ginagamit ng mga babaeng ito ang sarili nilang pag-aari para maglingkod sa kanila.+
4 Nang matipon ang isang malaking grupo ng mga tao at ang mga tao mula sa iba’t ibang lunsod na sumama sa kaniya, nagbigay siya ng isang ilustrasyon:+ 5 “Isang magsasaka ang lumabas para maghasik ng binhi. Sa paghahasik niya, ang ilang binhi ay napunta sa tabi ng daan. Natapak-tapakan ang mga ito at inubos ng mga ibon sa langit.+ 6 Ang ilan naman ay nahulog sa bato, kaya nang sumibol, natuyo ang mga ito dahil sa kakulangan ng tubig.+ 7 Ang iba ay napunta sa may matitinik na halaman, at ang mga ito ay sinakal ng matitinik na halaman na tumubong kasama nito.+ 8 Pero ang iba ay napunta sa matabang lupa, kaya nang sumibol, namunga ang mga ito nang 100 ulit.”+ Pagkatapos, sinabi niya nang malakas: “Ang may tainga ay makinig.”+
9 Pero tinanong siya ng mga alagad niya kung ano ang kahulugan ng ilustrasyong ito.+ 10 Sinabi niya: “Pinahintulutan kayong maintindihan ang mga sagradong lihim ng Kaharian ng Diyos, pero para sa iba, mga ilustrasyon lang ito,+ nang sa gayon, kahit tumitingin sila, walang saysay ang pagtingin nila, at kahit nakikinig sila, wala silang maiintindihan.+ 11 Ito ang kahulugan ng ilustrasyon: Ang binhi ay ang salita ng Diyos.+ 12 Ang mga nasa tabi ng daan ay ang mga nakarinig, pero dumating ang Diyablo at kinuha ang salita mula sa puso nila para hindi sila maniwala at maligtas.+ 13 Ang mga nasa ibabaw ng bato ay ang mga nakarinig sa salita at tinanggap ito nang masaya, pero walang ugat ang mga ito. Naniniwala sila sa loob ng sandaling panahon, pero sa panahon ng pagsubok ay tumitigil na sila.+ 14 Ang mga nahulog naman sa matitinik na halaman ay ang mga nakarinig, pero dahil nagpadala sila sa mga kabalisahan, kayamanan,+ at kaluguran sa buhay na ito,+ lubusan silang nasakal at hindi kailanman nagkaroon ng magandang bunga.+ 15 Kung tungkol sa nasa mainam na lupa, sila ang mga may napakabuting puso na nakarinig sa salita;+ tinanggap nila ito at namunga sila habang nagtitiis.*+
16 “Walang sinuman ang nagsisindi ng lampara at tinatakpan ito ng isang basket o inilalagay sa ilalim ng higaan, kundi inilalagay niya ito sa patungan ng lampara para makita ng mga pumapasok sa silid ang liwanag.+ 17 Dahil walang nakatago na hindi magiging hayag, o walang anumang itinagong mabuti na hindi kailanman malalaman at mahahantad.+ 18 Kaya bigyang-pansin ninyo kung paano kayo nakikinig, dahil ang sinumang mayroon ay bibigyan ng higit,+ pero ang sinumang wala, kahit ang inaakala niyang sa kaniya ay kukunin sa kaniya.”+
19 At pinuntahan siya ng ina at mga kapatid niya,+ pero hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao.+ 20 Kaya may nagsabi sa kaniya: “Nakatayo sa labas ang iyong ina at mga kapatid at gusto kang makita.” 21 Sinabi niya sa kanila: “Ito ang aking ina at mga kapatid, ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at sumusunod dito.”+
22 Isang araw, sumakay siya at ang mga alagad niya sa isang bangka, at sinabi niya: “Tumawid tayo sa kabilang panig ng lawa.” Kaya naglayag sila.+ 23 Pero habang naglalayag sila, nakatulog siya. At nagkaroon ng isang malakas na buhawi sa lawa; pinapasok na ng tubig ang kanilang bangka at malapit nang lumubog.+ 24 Kaya nilapitan nila siya para gisingin at sinabi: “Guro, Guro, mamamatay na tayo!” Dahil dito ay bumangon siya at sinaway ang hangin at ang malalakas na alon, at humupa ang mga iyon, at biglang naging kalmado ang paligid.+ 25 Pagkatapos, sinabi niya: “Nasaan ang inyong pananampalataya?” Pero natakot sila nang husto at namangha, at sinabi nila sa isa’t isa: “Sino ba talaga siya? Kahit ang hangin at tubig ay inuutusan niya, at sumusunod ang mga ito.”+
26 At dumaong sila sa lupain ng mga Geraseno,+ na nasa kabilang panig ng Galilea. 27 Nang makababa si Jesus sa lupa, sinalubong siya ng isang lalaki mula sa lunsod na sinasapian ng demonyo. Matagal na itong hindi nagsusuot ng damit, at nakatira ito sa mga libingan* at hindi sa isang bahay.+ 28 Pagkakita kay Jesus, sumigaw siya at sumubsob sa harap niya, at sinabi nang malakas: “Bakit nandito ka, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Parang awa mo na, huwag mo akong pahirapan.”+ 29 (Dahil inuutusan ni Jesus ang masamang* espiritu na lumabas sa taong iyon. Maraming beses na itong sumapi sa kaniya.*+ Paulit-ulit na iginagapos ng kadena ang mga kamay at paa niya, at laging may nagbabantay sa kaniya, pero nilalagot niya ang mga gapos at pumupunta siya sa liblib na mga lugar dahil iyon ang gusto ng demonyo.) 30 Tinanong siya ni Jesus: “Ano ang pangalan mo?” Sinabi niya: “Hukbo,” dahil maraming demonyo ang pumasok sa kaniya. 31 At paulit-ulit silang nagmamakaawa sa kaniya na huwag silang utusang pumunta sa kalaliman.+ 32 At isang malaking kawan ng mga baboy+ ang nanginginain doon sa bundok, kaya nagmakaawa sila sa kaniya na payagan silang pumasok sa mga baboy, at pinayagan niya sila.+ 33 Kaya lumabas sa taong iyon ang mga demonyo at pumasok sa mga baboy, at ang mga baboy ay nagtakbuhan sa bangin, nahulog sa lawa, at nalunod. 34 Nang makita ng mga tagapag-alaga ng baboy kung ano ang nangyari, nagtakbuhan sila at ipinamalita ito sa lunsod at sa kalapít na mga lugar.
35 Kaya lumabas ang mga tao para makita kung ano ang nangyari. Pumunta sila kay Jesus at nakita ang lalaki na dating sinasapian ng mga demonyo, nakadamit at nasa matinong pag-iisip, na nakaupo sa paanan ni Jesus, kaya natakot sila. 36 Ibinalita sa kanila ng mga nakasaksi kung paano napagaling ang lalaking sinasapian ng demonyo. 37 Kaya napakaraming tao mula sa nakapalibot na lupain ng mga Geraseno ang humiling kay Jesus na lumayo sa kanila dahil sa sobrang takot nila. Pagkatapos, sumakay siya sa bangka para umalis. 38 Gayunman, ang lalaking dating sinasapian ng mga demonyo ay paulit-ulit na nakiusap kay Jesus na isama siya, pero hindi pumayag si Jesus at sinabi niya:+ 39 “Umuwi ka, at patuloy mong sabihin sa iba kung ano ang ginawa ng Diyos para sa iyo.” Kaya umalis siya at inihayag sa buong lunsod kung ano ang ginawa ni Jesus para sa kaniya.
40 Nang makabalik si Jesus, malugod siyang tinanggap ng mga tao dahil inaasahan ng lahat ang pagdating niya.+ 41 At dumating ang lalaking si Jairo, isang punong opisyal ng sinagoga. Sumubsob siya sa paanan ni Jesus at nakiusap sa kaniya na pumunta sa bahay niya,+ 42 dahil mamamatay na ang nag-iisa niyang anak na babae,* na mga 12 taóng gulang.
Habang papunta si Jesus, sinisiksik siya ng mga tao. 43 At may isang babae na 12 taon nang dinudugo,+ at walang makapagpagaling sa kaniya.+ 44 Lumapit ang babae sa likuran ni Jesus at hinipo ang palawit ng damit niya,+ at huminto agad ang pagdurugo niya. 45 Kaya sinabi ni Jesus: “Sino ang humipo sa akin?” Nang walang umaamin, sinabi ni Pedro: “Guro, sinisiksik ka ng napakaraming tao.”+ 46 Pero sinabi ni Jesus: “May humipo sa akin dahil alam kong may kapangyarihang+ lumabas sa akin.” 47 Nang makita ng babae na hindi niya maililihim ang ginawa niya, lumapit siyang nanginginig at sumubsob sa paanan ni Jesus at sinabi sa harap ng lahat ng tao kung bakit niya hinipo si Jesus at kung paano siya agad na gumaling. 48 Pero sinabi ni Jesus: “Anak, pinagaling ka ng pananampalataya mo. Umuwi ka na at huwag nang mag-alala.”+
49 Habang nagsasalita pa siya, dumating ang isang kinatawan ng punong opisyal ng sinagoga at sinabi nito: “Namatay na ang anak mo; huwag mo nang abalahin ang Guro.”+ 50 Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: “Huwag kang matakot, manampalataya ka lang, at mabubuhay* siya.”+ 51 Nang makarating siya sa bahay, wala siyang ibang pinahintulutang pumasok kasama niya maliban kina Pedro, Juan, Santiago, at sa ama at ina ng bata. 52 Umiiyak ang lahat at sinusuntok ang dibdib nila sa pamimighati. Kaya sinabi niya: “Huwag na kayong umiyak,+ dahil hindi siya namatay. Natutulog lang siya.”+ 53 Pinagtawanan siya ng mga tao dahil alam nilang patay na ang bata. 54 Pero hinawakan niya ang kamay ng bata at sinabi: “Anak, bumangon ka!”+ 55 At nabuhay siyang muli,*+ at agad siyang bumangon,+ at iniutos ni Jesus na bigyan siya ng pagkain. 56 Samantala, nag-uumapaw sa saya ang mga magulang niya, pero inutusan niya silang huwag sabihin sa iba ang nangyari.+
9 Pagkatapos, tinawag niya ang 12 apostol at binigyan sila ng kapangyarihan at awtoridad na magpalayas ng mga demonyo*+ at magpagaling ng mga sakit.+ 2 At isinugo niya sila para ipangaral ang Kaharian ng Diyos at magpagaling, 3 at sinabi niya: “Huwag kayong magdala ng anuman sa paglalakbay, kahit tungkod, lalagyan ng pagkain, tinapay, pera,* o ekstrang* damit.+ 4 At saanmang bahay kayo patuluyin, manatili kayo roon habang kayo ay nasa lunsod na iyon.+ 5 At saanmang lunsod kayo hindi tanggapin ng mga tao, kapag umalis kayo roon, ipagpag ninyo ang alikabok mula sa inyong mga paa bilang patotoo laban sa kanila.”+ 6 Pagkatapos, pinuntahan nila ang bawat nayon sa teritoryo para ihayag ang mabuting balita at magpagaling ng mga sakit.+
7 At nabalitaan ni Herodes* na tagapamahala ng distrito* ang tungkol sa lahat ng nangyayari, at gulong-gulo ang isip niya dahil may nagsasabi na binuhay-muli si Juan,+ 8 sinasabi naman ng iba na nagpakita si Elias, at ayon sa iba pa, muling nabuhay ang isa sa mga sinaunang propeta.+ 9 Sinabi ni Herodes: “Pinapugutan ko ng ulo si Juan.+ Kaya sino ang taong ito? Marami na akong nababalitaan tungkol sa kaniya.” Kaya gusto niyang makita siya.+
10 Pagbalik ng mga apostol, iniulat nila kay Jesus ang lahat ng ginawa nila.+ At isinama niya sila sa isang lunsod na tinatawag na Betsaida para bumukod sa mga tao.+ 11 Pero nang malaman ito ng mga tao, sinundan nila siya. At malugod niya silang tinanggap at tinuruan tungkol sa Kaharian ng Diyos, at pinagaling niya ang mga maysakit.+ 12 Nang gumagabi na, lumapit sa kaniya ang 12 apostol at sinabi: “Paalisin mo na ang mga tao para makahanap sila ng matutuluyan at makabili ng pagkain sa kalapít na mga nayon at bayan, dahil nasa liblib na lugar tayo.”+ 13 Pero sinabi niya: “Bigyan ninyo sila ng makakain.”+ Sinabi nila: “Limang tinapay lang at dalawang isda ang mayroon tayo, maliban na lang kung aalis kami at bibili ng pagkain para sa lahat.” 14 Sa katunayan, may mga 5,000 lalaki roon. Pero sinabi niya sa mga alagad niya: “Igrupo ninyo sila nang mga lima-limampu at paupuin.” 15 Sumunod sila at pinaupo ang lahat. 16 At kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nanalangin.* Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa mga tao. 17 Kaya kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin nila ang natira, 12 basket ang napuno.+
18 Isang araw, habang mag-isa siyang nananalangin, lumapit ang mga alagad sa kaniya, at tinanong niya sila: “Sino ako ayon sa mga tao?”+ 19 Sumagot sila: “Si Juan Bautista; pero sinasabi ng iba, si Elias; at ang sabi naman ng iba, muling nabuhay ang isa sa mga sinaunang propeta.”+ 20 Sinabi niya: “Pero kayo, sino ako para sa inyo?” Sumagot si Pedro: “Ang Kristo ng Diyos.”+ 21 Pagkatapos, kinausap niya silang mabuti at tinagubilinan na huwag itong sabihin kaninuman,+ 22 at sinabi niya: “Ang Anak ng tao ay kailangang dumanas ng maraming pagdurusa at itakwil ng matatandang lalaki at mga punong saserdote at mga eskriba at patayin,+ at sa ikatlong araw ay buhaying muli.”+
23 Sinabi pa niya sa lahat: “Kung gusto ng isa na sumunod sa akin, dapat niyang itakwil ang kaniyang sarili+ at araw-araw na buhatin ang kaniyang pahirapang tulos* at patuloy akong sundan.+ 24 Dahil ang sinumang gustong magligtas ng buhay niya ay mamamatay,* pero ang sinumang mamatay alang-alang sa akin ay magliligtas sa buhay niya.+ 25 Ano ang saysay na makuha ng isang tao ang buong mundo* kung mapipinsala naman siya o mamamatay?+ 26 Kung ako at ang aking mga salita ay ikahihiya ng sinuman, ang taong iyon ay ikahihiya ng Anak ng tao kapag dumating siya taglay ang kaluwalhatian niya, ng Ama, at ng banal na mga anghel.+ 27 Pero sinasabi ko sa inyo na may ilan sa mga nakatayo rito na hindi mamamatay hanggang sa makita muna nila ang Kaharian ng Diyos.”+
28 Sa katunayan, mga walong araw pagkatapos niyang sabihin ang mga ito, isinama niya sina Pedro, Juan, at Santiago at umakyat siya sa bundok para manalangin.+ 29 Habang nananalangin siya, nagbago ang anyo ng mukha niya at kuminang sa kaputian ang damit niya. 30 At biglang may dalawang lalaking nakikipag-usap sa kaniya, sina Moises at Elias. 31 Ang mga ito ay nagpakita taglay ang kaluwalhatian at nagsalita tungkol sa pag-alis ni Jesus, na malapit nang mangyari* sa Jerusalem.+ 32 Si Pedro at ang dalawa pang alagad ay natutulog, pero nang magising sila, nakita nila ang kaluwalhatian niya+ at ang dalawang lalaki na nakatayong kasama niya. 33 Nang iiwan na ng dalawang lalaking ito si Jesus, sinabi ni Pedro: “Guro, mabuti at narito kami. Puwede ba kaming magtayo ng tatlong tolda, isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias?” Hindi niya alam ang sinasabi niya. 34 Pero habang sinasabi niya ito, nabuo ang isang ulap at lumilim sa kanila. Nang mapaloob sila sa ulap, natakot sila. 35 At isang tinig+ mula sa ulap ang nagsabi: “Ito ang Anak ko, ang isa na pinili.+ Makinig kayo sa kaniya.”+ 36 Habang naririnig nila ang tinig, nakita nilang nag-iisa na si Jesus. Pero nanatili silang tahimik, at sa loob ng ilang panahon ay wala silang pinagsabihan ng mga nakita nila.+
37 Nang bumaba sila ng bundok kinabukasan, sinalubong sila ng napakaraming tao.+ 38 At isang lalaki mula sa karamihan ang sumigaw: “Guro, nakikiusap ako sa iyo, tingnan mo ang anak kong lalaki, dahil nag-iisang anak ko siya.+ 39 Isang espiritu ang sumasapi sa kaniya, at bigla siyang sumisigaw, at pinangingisay siya nito at pinabubula ang bibig niya, at ayaw pa rin nitong umalis kahit nasugatan na siya nito. 40 Nakiusap ako sa mga alagad mo na palayasin ito, pero hindi nila magawa.” 41 Sinabi ni Jesus: “O henerasyong walang pananampalataya at makasalanan,+ hanggang kailan ko kayo pakikisamahan at pagtitiisan? Dalhin mo rito ang anak mo.”+ 42 Palapit pa lang ang bata, isinubsob na siya ng demonyo sa lupa at pinangisay nang matindi. Pero sinaway ni Jesus ang masamang* espiritu at pinagaling ang batang lalaki at dinala sa kaniyang ama. 43 At silang lahat ay namangha sa dakilang kapangyarihan ng Diyos.
Habang namamangha sila sa lahat ng ginagawa niya, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: 44 “Makinig kayong mabuti at tandaan ang mga salitang ito: Ang Anak ng tao ay ibibigay sa kamay ng mga kaaway.”+ 45 Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya, dahil naging lihim ito sa kanila, at natakot silang tanungin siya tungkol dito.
46 Pagkatapos, nagtalo-talo ang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila.*+ 47 Dahil alam ni Jesus ang laman ng puso nila, pinatayo niya sa tabi niya ang isang bata 48 at sinabi sa kanila: “Ang sinumang tumatanggap sa batang ito alang-alang sa akin ay tumatanggap din sa akin; at ang sinumang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa nagsugo sa akin.+ Dahil ang gumagawing gaya ng isang nakabababa sa gitna ninyong lahat ang talagang dakila.”+
49 Sinabi ni Juan: “Guro, nakita namin ang isang tao na nagpapalayas ng mga demonyo gamit ang pangalan mo, at pinipigilan namin siya dahil hindi siya sumusunod na kasama namin.”+ 50 Pero sinabi ni Jesus sa kaniya: “Huwag ninyo siyang pigilan, dahil sinumang hindi laban sa inyo ay nasa panig ninyo.”
51 Noong malapit nang dumating ang panahon ng pag-akyat niya,+ determinado siyang makapunta sa Jerusalem. 52 Kaya nagsugo muna siya ng mga mensahero. Pumunta sila sa isang nayon ng mga Samaritano para ihanda ang mga kailangan niya sa pagdating niya. 53 Pero hindi nila siya tinanggap,+ dahil determinado siyang pumunta sa Jerusalem. 54 Nang makita ito ng mga alagad na sina Santiago at Juan,+ sinabi nila: “Panginoon, gusto mo bang magpababa kami ng apoy mula sa langit para mamatay silang lahat?”+ 55 Pero lumingon siya sa kanila at sinaway sila. 56 Kaya pumunta sila sa ibang nayon.
57 Habang nasa daan sila, may nagsabi sa kaniya: “Susunod ako sa iyo saan ka man pumunta.” 58 Pero sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ang mga asong-gubat* ay may lungga at ang mga ibon sa langit ay may pugad, pero ang Anak ng tao ay walang sariling bahay na matulugan.”*+ 59 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa isa pa: “Maging tagasunod kita.” Sinabi nito: “Panginoon, puwede bang umuwi muna ako at ilibing ang aking ama?”+ 60 Pero sinabi niya: “Hayaan mong ilibing ng mga patay+ ang kanilang mga patay, at ihayag mo saanman ang Kaharian ng Diyos.”+ 61 Sinabi ng isa pa: “Susunod ako sa iyo, Panginoon, pero pahintulutan mo muna akong magpaalam sa mga kasama ko sa bahay.” 62 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ang sinumang tumitingin sa mga bagay na nasa likuran habang nag-aararo+ ay hindi karapat-dapat sa Kaharian ng Diyos.”+
10 Pagkatapos nito, nag-atas ang Panginoon ng 70 iba pa at isinugo sila nang dala-dalawa+ para mauna sa kaniya sa bawat lunsod at nayon na pupuntahan niya. 2 Pagkatapos, sinabi niya: “Talagang marami ang aanihin, pero kakaunti ang mga manggagawa. Kaya makiusap kayo sa Panginoon ng pag-aani na magpadala ng mga manggagawa sa pag-aani niya.+ 3 Humayo kayo! Isinusugo ko kayong gaya ng mga kordero* sa gitna ng mga lobo.*+ 4 Huwag kayong magdala ng pera,* lalagyan ng pagkain, o sandalyas,+ at huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan.* 5 Saanmang bahay kayo pumasok, sabihin muna: ‘Magkaroon nawa ng kapayapaan sa bahay na ito.’+ 6 At kung may isang kaibigan ng kapayapaan na naroon, mapapasakaniya ang inyong kapayapaan. Pero kung wala, babalik ito sa inyo. 7 Kaya manatili kayo sa bahay na iyon,+ at kainin ninyo at inumin ang ibinibigay nila,+ dahil ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang kabayaran.+ Huwag kayong magpalipat-lipat ng bahay.
8 “Gayundin, saanmang lunsod kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kainin ninyo ang inihahain nila sa inyo, 9 pagalingin ang mga maysakit doon, at sabihin sa kanila: ‘Ang Kaharian ng Diyos ay malapit na.’+ 10 Pero kapag hindi kayo tinanggap sa isang lunsod, lumabas kayo sa malalapad na daan nito at sabihin ninyo: 11 ‘Pinupunasan namin maging ang alikabok na dumikit sa mga paa namin mula sa inyong lunsod bilang patotoo laban sa inyo.+ Pero tandaan ninyo, ang Kaharian ng Diyos ay malapit na.’ 12 Sinasabi ko sa inyo na sa araw na iyon, mas magaan pa ang magiging parusa sa Sodoma kaysa sa lunsod na iyon.+
13 “Kaawa-awa ka, Corazin! Kaawa-awa ka, Betsaida! dahil kung nakita ng mga lunsod ng Tiro at Sidon ang makapangyarihang mga gawa na nakita ninyo, matagal na sana silang nagsisi, na nakasuot ng telang-sako at nakaupo sa abo.+ 14 Dahil dito, mas magaan pa ang magiging parusa sa Tiro at Sidon sa paghuhukom kaysa sa inyo. 15 At ikaw, Capernaum, itataas ka kaya sa langit? Sa Libingan* ka ibababa!
16 “Ang sinumang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa akin.+ At sinumang hindi tumatanggap sa inyo ay hindi rin tumatanggap sa akin. Isa pa, sinumang hindi tumatanggap sa akin ay hindi rin tumatanggap sa nagsugo sa akin.”+
17 Pagkatapos, masayang bumalik ang 70 at sinabi nila: “Panginoon, maging ang mga demonyo ay napapasunod namin sa pamamagitan ng pangalan mo.”+ 18 Sinabi niya: “Nakikita ko nang nahulog si Satanas+ na tulad ng kidlat mula sa langit. 19 Ibinigay ko na sa inyo ang awtoridad na tapak-tapakan ang mga ahas* at mga alakdan, gayundin ang lakas para talunin ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway,+ at walang anumang makapananakit sa inyo. 20 Pero huwag kayong magsaya dahil napapasunod ninyo ang mga espiritu, kundi magsaya kayo dahil ang inyong mga pangalan ay nakasulat na sa langit.”+ 21 Nang mismong oras na iyon ay nag-umapaw siya sa kagalakan dahil sa banal na espiritu at sinabi niya: “Sa harap ng mga tao ay pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil maingat mong itinago ang mga bagay na ito mula sa marurunong at matatalino+ at isiniwalat ang mga ito sa mga bata. Oo, dahil ito ang kalooban mo, O Ama.+ 22 Ang lahat ng bagay ay ibinigay na sa akin ng aking Ama, at walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak+ at ang sinumang gustong turuan ng Anak tungkol sa Ama.”+
23 Pagkatapos, tumingin siya sa mga alagad at sinabi niya: “Maligaya ang mga nakakakita ng mga bagay na nakikita ninyo.+ 24 Dahil sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at hari ang naghangad na makita ang mga nakikita ninyo pero hindi nila nakita ang mga iyon,+ at marinig ang mga naririnig ninyo pero hindi nila narinig ang mga iyon.”
25 At isang lalaki na eksperto sa Kautusan ang tumayo para subukin siya at nagsabi: “Guro, ano ang kailangan kong gawin para magmana ako ng buhay na walang hanggan?”+ 26 Sinabi niya sa lalaki: “Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang naintindihan mo sa nabasa mo?” 27 Sumagot ito: “‘Dapat mong ibigin si Jehova* na iyong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa* mo at nang buong lakas mo at nang buong pag-iisip mo’+ at ‘ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.’”+ 28 Sinabi niya rito: “Tama ang sagot mo; patuloy mong gawin ito at magkakaroon ka ng buhay.”+
29 Pero dahil gusto ng lalaki na patunayang matuwid siya,+ sinabi niya kay Jesus: “Sino ba talaga ang kapuwa ko?” 30 Sinabi ni Jesus: “Isang lalaki na galing* sa Jerusalem ang papuntang Jerico at nabiktima ng mga magnanakaw. Hinubaran siya ng mga ito, binugbog, at iniwang halos patay na. 31 Nagkataon naman, isang saserdote ang dumaan doon,* pero nang makita niya ang lalaki, lumipat siya sa kabilang panig ng daan. 32 Dumaan din ang isang Levita; nang makita niya ang lalaki, lumipat din siya sa kabilang panig ng daan. 33 Pero nang makita ng isang Samaritanong+ naglalakbay sa daang iyon ang lalaki, naawa siya rito. 34 Kaya nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat nito, at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ito sa kaniyang hayop, dinala sa isang bahay-tuluyan, at inalagaan. 35 Kinabukasan, nagbigay siya ng dalawang denario* sa may-ari ng bahay-tuluyan at sinabi niya: ‘Alagaan mo siya, at kung mas malaki pa rito ang magagastos mo, babayaran kita pagbalik ko.’ 36 Sa tingin mo, sino sa tatlong ito ang naging kapuwa+ sa lalaking nabiktima ng mga magnanakaw?” 37 Sinabi niya: “Ang nagpakita ng awa sa kaniya.”+ Sinabi ni Jesus: “Kung gayon, ganoon din ang gawin mo.”+
38 Nagpatuloy sila sa paglalakbay at pumasok sa isang nayon. At isang babae na nagngangalang Marta+ ang tumanggap kay Jesus sa bahay niya. 39 May kapatid itong babae, si Maria, na nakaupo sa paanan ng Panginoon at patuloy na nakikinig sa itinuturo* niya. 40 Samantala, abalang-abala si Marta sa dami ng inaasikaso niya. Kaya lumapit siya kay Jesus, at sinabi niya: “Panginoon, hahayaan mo na lang ba na hindi ako tinutulungan ng kapatid ko sa paghahanda? Sabihin mo naman sa kaniya na tulungan ako.” 41 Sumagot ang Panginoon: “Marta, Marta, masyado kang nag-aalala sa maraming bagay. 42 Iilang bagay lang ang kailangan o kahit isa lang. Pinili ni Maria ang mabuting* bahagi+ at hindi ito kukunin sa kaniya.”
11 Minsan, pagkatapos niyang manalangin, sinabi sa kaniya ng isa sa mga alagad niya: “Panginoon, turuan mo kaming manalangin gaya ng ginawa ni Juan sa mga alagad niya.”
2 Kaya sinabi niya sa kanila: “Kapag nananalangin kayo, sabihin ninyo: ‘Ama, pakabanalin nawa* ang pangalan mo.+ Dumating nawa ang Kaharian mo.+ 3 Bigyan mo kami ng pagkain* sa bawat araw ayon sa kailangan namin.+ 4 At patawarin mo kami sa mga kasalanan namin,+ dahil pinatatawad din namin ang lahat ng nagkasala* sa amin;+ at huwag mo kaming hayaang mahulog sa tukso.’”*+
5 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Ipagpalagay nang isa sa inyo ang may kaibigan, at pinuntahan ninyo siya nang hatinggabi at sinabi sa kaniya, ‘Kaibigan, pahingi naman ng tatlong tinapay. 6 May dumating kasi akong kaibigan na galing sa paglalakbay at wala akong maipakain sa kaniya.’ 7 Pero sumagot ito mula sa loob ng bahay: ‘Huwag mo na akong istorbohin. Nakakandado na ang pinto, at natutulog na kami ng mga anak ko.* Hindi na ako puwedeng bumangon para bigyan ka ng anuman.’ 8 Sinasabi ko sa inyo, babangon ang kaibigan niya at ibibigay ang kailangan niya, hindi dahil sa magkaibigan sila, kundi dahil sa mapilit siya.+ 9 Kaya sinasabi ko sa inyo, patuloy na humingi+ at bibigyan kayo, patuloy na maghanap at makakakita kayo, patuloy na kumatok at pagbubuksan kayo;+ 10 dahil bawat isa na humihingi ay tumatanggap,+ at bawat isa na naghahanap ay nakakakita, at bawat isa na kumakatok ay pinagbubuksan. 11 Sino ngang ama ang magbibigay ng ahas sa kaniyang anak kung humihingi ito ng isda?+ 12 O magbibigay ng alakdan kung humihingi ito ng itlog? 13 Kaya kung kayo na makasalanan ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa mga anak ninyo, lalo pa nga ang Ama sa langit! Magbibigay siya ng banal na espiritu sa mga humihingi sa kaniya.”+
14 Pagkatapos, nagpalayas siya ng isang piping demonyo.+ Pagkalabas ng demonyo, nakapagsalita na ang lalaking sinapian nito. Kaya namangha ang mga tao.+ 15 Pero sinabi ng ilan sa kanila: “Nagpapalayas siya ng demonyo sa tulong ni Beelzebub,* ang pinuno ng mga demonyo.”+ 16 May mga nanghingi rin sa kaniya ng tanda+ mula sa langit para subukin siya. 17 Alam ni Jesus ang iniisip nila,+ kaya sinabi niya sa kanila: “Bawat kaharian na nababahagi ay babagsak, at ang isang pamilyang nababahagi ay mawawasak. 18 Ngayon, kung kinakalaban ni Satanas ang sarili niya, paano tatayo ang kaharian niya? Dahil sinasabi ninyo na nagpapalayas ako ng demonyo sa tulong ni Beelzebub. 19 Kung nagpapalayas ako ng demonyo sa tulong ni Beelzebub, sino ang tumutulong sa mga tagasunod ninyo para mapalayas sila? Kaya ang mga tagasunod ninyo ang magpapatunay na mali kayo.* 20 Pero kung pinalalayas ko ang mga demonyo sa tulong ng daliri* ng Diyos,+ dumating na ang Kaharian ng Diyos nang hindi ninyo namamalayan.+ 21 Kung malakas at maraming sandata ang taong nagbabantay sa sarili niyang palasyo, ligtas ang mga pag-aari niya. 22 Pero kapag sinalakay siya at natalo ng isa na mas malakas sa kaniya, kukunin nito ang lahat ng kaniyang sandata na iniisip niyang magsasanggalang sa mga pag-aari niya, at ipamamahagi nito ang mga bagay na kinuha sa kaniya. 23 Sinumang wala sa panig ko ay laban sa akin, at sinumang hindi nakikipagtulungan sa akin sa pagtitipon ay nagtataboy ng mga tao palayo sa akin.+
24 “Kapag ang isang masamang* espiritu ay lumabas sa isang tao, dumadaan siya sa tigang na mga lugar para maghanap ng mapagpapahingahan, at kapag wala siyang nakita, sinasabi niya, ‘Babalik ako sa bahay na inalisan ko.’+ 25 At pagdating doon, nadaratnan niya itong nawalisan at may dekorasyon. 26 Kaya bumabalik siya at nagsasama ng pitong iba pang espiritu na mas masama kaysa sa kaniya, at pagkapasok sa loob, naninirahan na sila roon. Kaya lalong lumalala ang kalagayan ng taong iyon.”
27 Habang sinasabi niya ito, isang babae mula sa karamihan ang sumigaw: “Maligaya ang ina na nagdala sa iyo sa sinapupunan niya at nag-aruga* sa iyo!”+ 28 Pero sinabi niya: “Hindi. Maligaya ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”+
29 Nang matipon ang maraming tao, sinabi niya: “Napakasama ng henerasyong ito; naghahanap sila ng tanda, pero walang tandang ibibigay sa kanila maliban sa tanda ni Jonas.+ 30 Dahil kung paanong si Jonas+ ay naging tanda sa mga Ninevita, magiging gayon din ang Anak ng tao sa henerasyong ito. 31 Ang reyna ng timog+ ay bubuhaying muli sa paghuhukom kasama ng mga tao sa henerasyong ito at hahatulan niya sila, dahil naglakbay siya nang napakalayo para pakinggan ang karunungan ni Solomon. Pero higit pa kay Solomon ang narito.+ 32 Ang mga taga-Nineve ay bubuhaying muli sa paghuhukom kasama ng henerasyong ito at hahatulan nila ito, dahil nagsisi sila nang mangaral si Jonas.+ Pero higit pa kay Jonas ang narito. 33 Pagkasindi ng isang tao sa lampara, hindi niya ito itinatago o tinatakpan ng basket,* kundi inilalagay ito sa patungan ng lampara+ para makita ng mga pumapasok sa silid ang liwanag. 34 Ang mata ang lampara ng iyong katawan. Kung nakapokus* ang mata mo, magiging maliwanag* ang buong katawan mo; pero kung mainggitin* ito, magiging madilim ang katawan mo.+ 35 Kaya maging alerto, dahil baka ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman. 36 Kung maliwanag ang buong katawan mo at walang bahaging madilim, magliliwanag ito na gaya ng isang lampara na nagbibigay sa iyo ng liwanag.”
37 Pagkasabi nito, inimbitahan siya ng isang Pariseo na kumain. Kaya pumasok siya sa bahay nito at umupo* sa mesa. 38 Pero nagulat ang Pariseo nang makita niyang hindi siya naghugas ng kamay* bago mananghalian.+ 39 Kaya sinabi ng Panginoon sa kaniya: “Kayong mga Pariseo, nililinis ninyo ang labas ng kopa at pinggan, pero ang puso* ninyo ay punô ng kasakiman* at kasamaan.+ 40 Mga di-makatuwiran! Hindi ba ang gumawa ng nasa labas ang siya ring gumawa ng nasa loob? 41 Kaya gumawa kayo ng mabuti sa mahihirap* mula sa inyong puso, at kung gagawin ninyo ito, magiging lubos kayong malinis. 42 Pero kaawa-awa kayong mga Pariseo, dahil ibinibigay ninyo ang ikasampu ng yerbabuena, ruda, at lahat ng iba pang gulay,+ pero binabale-wala ninyo ang katarungan at pag-ibig sa Diyos! Obligado kayong gawin ang mga iyon, pero hindi ninyo dapat bale-walain ang iba pang bagay.*+ 43 Kaawa-awa kayong mga Pariseo, dahil gustong-gusto ninyo na umupo sa pinakamagagandang puwesto sa* mga sinagoga at na binabati kayo ng mga tao sa mga pamilihan!+ 44 Kaawa-awa kayo, dahil gaya kayo ng mga libingang* walang tanda,*+ na natatapakan ng mga tao nang hindi nila alam!”
45 Sinabi ng isa sa mga eksperto sa Kautusan: “Guro, naiinsulto rin kami sa mga sinasabi mo.” 46 Kaya sinabi niya: “Kaawa-awa rin kayong mga eksperto sa Kautusan, dahil ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mga pasan na mahirap dalhin, pero ayaw man lang ninyong galawin ang mga iyon ng kahit isang daliri ninyo!+
47 “Kaawa-awa kayo, dahil iginagawa ninyo ng libingan* ang mga propeta, pero ang mga ninuno naman ninyo ang pumatay sa kanila!+ 48 Alam na alam ninyo ang ginawa ng inyong mga ninuno pero kinunsinti ninyo sila, dahil pinatay nila ang mga propeta+ pero iginagawa ninyo ng libingan ang mga ito. 49 Kaya naman, dahil sa karunungan ng Diyos, sinabi niya: ‘Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at apostol, at pag-uusigin nila at papatayin ang ilan sa mga ito, 50 kaya puwedeng singilin sa henerasyong ito ang dugo ng lahat ng propetang pinatay mula nang itatag ang sanlibutan,+ 51 mula sa dugo ni Abel+ hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng altar at ng templo.’+ Oo, sinasabi ko sa inyo, sisingilin iyon sa henerasyong ito.
52 “Kaawa-awa kayong mga eksperto sa Kautusan, dahil inilayo ninyo sa iba ang susi ng kaalaman. Kayo mismo ay hindi pumasok, at pinipigilan din ninyo ang mga gustong pumasok!”+
53 Pagkalabas niya roon, pinaulanan siya ng tanong ng mga eskriba at mga Pariseo at kinontra siya. 54 Nag-aabang sila ng anumang sasabihin niya na puwede nilang gamitin laban sa kaniya.+
12 Samantala, natipon ang libo-libong tao at nagkakatapakan na sila. Sinabi muna ni Jesus sa mga alagad niya: “Mag-ingat kayo sa lebadura* ng mga Pariseo, sa pagkukunwari nila.+ 2 Pero walang anumang itinagong mabuti na hindi malalantad, at walang lihim na hindi malalaman.+ 3 Kaya naman, anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag, at anumang ibulong ninyo sa loob ng isang silid ay ipangangaral mula sa mga bubungan ng bahay. 4 Isa pa, sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan ko,+ huwag kayong matakot sa mga makapapatay sa katawan pero wala nang iba pang magagawa maliban dito.+ 5 Sasabihin ko sa inyo kung kanino kayo dapat matakot: Matakot kayo sa kaniya na pagkatapos pumatay ay may awtoridad na maghagis sa Gehenna.*+ Oo, sinasabi ko sa inyo, matakot kayo sa kaniya.+ 6 Hindi ba ang limang maya ay ipinagbibili sa dalawang barya na maliit ang halaga?* Pero walang isa man sa mga ito ang nalilimutan* ng Diyos.+ 7 At kayo, biláng niya kahit ang mga buhok ninyo sa ulo.+ Huwag kayong matakot; mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.+
8 “Sinasabi ko sa inyo, bawat isa na kumikilala sa akin sa harap ng mga tao+ ay kikilalanin din ng Anak ng tao sa harap ng mga anghel ng Diyos.+ 9 Pero kung ikinakaila ako ng sinuman sa harap ng mga tao, ikakaila ko rin siya sa harap ng mga anghel ng Diyos.+ 10 At ang lahat ng nagsasalita laban sa Anak ng tao ay mapatatawad, pero ang sinumang namumusong* laban sa banal na espiritu ay hindi mapatatawad.+ 11 Kapag dinala nila kayo sa harap ng nagkakatipong mga tao,* mga opisyal ng gobyerno, at mga awtoridad, huwag kayong mag-alala kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili ninyo at kung ano ang sasabihin ninyo,+ 12 dahil ituturo sa inyo ng banal na espiritu sa mismong oras na iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin.”+
13 Pagkatapos, may isa mula sa karamihan na nagsabi: “Guro, sabihin mo sa kapatid ko na hatian ako sa mana.” 14 Sinabi niya: “Lalaki, sino ang nag-atas sa akin bilang hukom o tagapamagitan ninyong dalawa?” 15 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Mag-ingat kayo at magbantay laban sa bawat uri ng kasakiman,*+ dahil kahit sagana ang isang tao, ang mga ari-arian niya ay hindi makapagbibigay sa kaniya ng buhay.”+ 16 Kaya nagbigay siya sa kanila ng ilustrasyon: “Sagana ang ani sa lupain ng isang taong mayaman. 17 Kaya sinabi niya sa sarili niya: ‘Ano ang gagawin ko? Wala na akong mapaglagyan ng mga ani ko.’ 18 Pagkatapos, sinabi niya, ‘Ito ang gagawin ko:+ Gigibain ko ang mga imbakan ko at magtatayo ako ng mas malalaki, at doon ko ilalagay ang lahat ng ani ko at iba pang bagay, 19 at sasabihin ko sa sarili ko: “Marami kang mabubuting bagay na nakaimbak para sa maraming taon; magpasarap ka na lang sa buhay, kumain, uminom, at magpakasaya.”’ 20 Pero sinabi ng Diyos sa kaniya, ‘Ikaw na di-makatuwiran, mamamatay ka* ngayong gabi. Kanino ngayon mapupunta ang mga bagay na inimbak mo?’+ 21 Ganiyan ang nangyayari sa taong nag-iimbak ng kayamanan para sa sarili niya pero hindi mayaman sa Diyos.”+
22 Pagkatapos, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Kaya naman sinasabi ko sa inyo, huwag na kayong mag-alala kung ano ang kakainin o isusuot ninyo,+ 23 dahil mas mahalaga ang buhay* kaysa sa pagkain at ang katawan kaysa sa damit. 24 Tingnan ninyo ang mga uwak: Hindi sila nagtatanim o umaani; wala silang imbakan ng pagkain; pero pinakakain sila ng Diyos.+ Di-hamak na mas mahalaga kayo kaysa sa mga ibon, hindi ba?+ 25 Sino sa inyo ang makapagpapahaba nang kahit kaunti* sa buhay niya dahil sa pag-aalala? 26 Kaya kung hindi ninyo magawa kahit ang maliit na bagay na iyon, bakit kayo mag-aalala tungkol sa iba pang bagay?+ 27 Tingnan ninyo kung paano tumutubo ang mga liryo:* Hindi sila nagtatrabaho o nananahi; pero sinasabi ko sa inyo na kahit si Solomon, sa kabila ng karangyaan niya, ay hindi nakapagdamit na gaya ng isa sa mga ito.+ 28 Kung ganito dinaramtan ng Diyos ang pananim, na nasa parang ngayon at bukas ay ihahagis sa pugon, tiyak na mas daramtan niya kayo, kayo na may maliit na pananampalataya! 29 Kaya huwag na kayong maghanap ng kakainin at iinumin ninyo, at huwag na kayong masyadong mag-alala;+ 30 dahil ang lahat ng ito ang pinagkakaabalahan ng mga tao sa mundo,* pero alam ng inyong Ama na kailangan ninyo ang mga ito.+ 31 Sa halip, patuloy na hanapin ang kaniyang Kaharian, at ibibigay* niya sa inyo ang mga ito.+
32 “Huwag kayong matakot, munting kawan,+ dahil ibinigay sa inyo ng inyong Ama ang Kaharian.+ 33 Ipagbili ninyo ang inyong mga pag-aari at magbigay kayo sa mahihirap.*+ Gumawa kayo ng mga lalagyan ng pera na hindi nasisira, isang di-nauubos na kayamanan sa langit,+ kung saan hindi nakalalapit ang mga magnanakaw at hindi nakapaninira ang mga insekto.* 34 Dahil kung nasaan ang kayamanan ninyo, naroon din ang puso ninyo.
35 “Magbihis kayo at maging handa,*+ at sindihan ninyo ang inyong mga lampara,+ 36 at dapat kayong maging tulad ng mga taong naghihintay sa pagbalik ng kanilang panginoon+ mula sa kasalan,+ para kapag dumating siya at kumatok, agad nila siyang mapagbubuksan. 37 Maligaya ang mga aliping iyon na inabutan ng panginoon na nagbabantay! Sinasabi ko sa inyo, magbibihis* siya para maglingkod sa kanila at pauupuin* niya sila sa mesa at pagsisilbihan sila. 38 At kung dumating siya sa ikalawang pagbabantay,* kahit pa sa ikatlo,* at maabutan niya silang handa, maligaya sila! 39 Pero isipin ninyo ito, kung nalaman lang ng may-bahay kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya sana hinayaang mapasok ang bahay niya.+ 40 Manatili rin kayong handa, dahil sa oras na hindi ninyo inaasahan, darating ang Anak ng tao.”+
41 Pagkatapos, sinabi ni Pedro: “Panginoon, para sa amin lang ba ang ilustrasyong ito o para sa lahat?” 42 Sinabi ng Panginoon: “Sino talaga ang tapat na katiwala,* ang matalino, na aatasan ng panginoon niya sa grupo ng mga tagapaglingkod* nito para patuloy na magbigay sa kanila ng kinakailangang pagkain sa tamang panahon?+ 43 Maligaya ang aliping iyon, kung sa pagdating ng panginoon niya ay madatnan siyang gayon ang ginagawa! 44 Sinasabi ko sa inyo, aatasan siya ng panginoon sa lahat ng pag-aari nito. 45 Pero kung sabihin ng aliping iyon sa sarili niya, ‘Hindi pa darating ang panginoon ko,’ at binugbog niya ang mga lingkod na lalaki at babae, at kumain siya at uminom at nagpakalasing,+ 46 ang panginoon ng aliping iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam, at paparusahan siya nang napakatindi at itatapon kasama ng mga di-tapat. 47 Pagkatapos, ang aliping iyon na nakaunawa ng kalooban ng panginoon niya pero hindi naghanda o hindi ginawa ang iniutos* nito ay hahampasin nang maraming ulit.+ 48 Pero kung ang isa ay gumawa ng mga bagay na karapat-dapat sa mga hampas dahil wala siyang alam, hahampasin siya nang kaunti. Oo, bawat isa na binigyan ng marami, marami rin ang hihingin sa kaniya, at ang isa na inatasan sa marami, higit kaysa karaniwan ang aasahan sa kaniya.+
49 “Dumating ako para magpasimula ng apoy sa lupa, at ano pa ang mahihiling ko kung nasindihan na ito? 50 Pero mayroon pa akong bautismo na dapat kong maranasan, at mababagabag ako hangga’t hindi ito natatapos!+ 51 Iniisip ba ninyong dumating ako para magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo, hindi kapayapaan kundi pagkakabaha-bahagi.+ 52 Dahil mula ngayon, ang lima sa isang bahay ay mababahagi, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. 53 Magkakabaha-bahagi sila, ama laban sa anak na lalaki at anak na lalaki laban sa ama, ina laban sa anak na babae at anak na babae laban sa ina, biyenang babae laban sa manugang na babae at manugang na babae laban sa biyenang babae.”+
54 Sinabi pa niya sa mga tao: “Kapag nakakita kayo ng namumuong ulap sa kanluran, agad ninyong sinasabi, ‘May darating na bagyo,’ at nangyayari iyon. 55 At kapag nakita ninyo na humihihip ang hangin mula sa timog, sinasabi ninyo, ‘Magiging napakainit,’* at nangyayari iyon. 56 Mga mapagpanggap, nabibigyang-kahulugan ninyo ang mga palatandaan sa lupa at langit, pero bakit hindi ninyo mabigyang-kahulugan ang nangyayari sa panahong ito?+ 57 Bakit hindi kayo magpasiya para sa sarili ninyo kung ano ang matuwid? 58 Halimbawa, habang papunta ka sa isang tagapamahala kasama ang taong may reklamo sa iyo, sikapin mong makipag-ayos sa kaniya para hindi ka na niya iharap sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa opisyal ng hukuman, at ikulong ka ng opisyal ng hukuman.+ 59 Sinasabi ko sa iyo, hindi ka makalalaya hanggang sa mabayaran mo ang kahuli-hulihang sentimo* na dapat mong bayaran.”
13 Nang panahong iyon, may ilang naroon na nagsabi kay Jesus tungkol sa mga taga-Galilea na pinatay ni Pilato habang naghahain ang mga ito. 2 Sumagot siya: “Iniisip ba ninyo na mas makasalanan ang mga taga-Galileang iyon kaysa sa lahat ng iba pa sa Galilea dahil sa dinanas nila? 3 Sinasabi ko sa inyo, hindi. Pero kung hindi kayo magsisisi, mamamatay kayong lahat tulad nila.+ 4 O ang 18 nabagsakan ng tore sa Siloam at namatay—iniisip ba ninyo na mas makasalanan sila kaysa sa lahat ng iba pang taga-Jerusalem? 5 Sinasabi ko sa inyo, hindi. Pero kung hindi kayo magsisisi, mamamatay kayong lahat tulad nila.”
6 Pagkatapos, ibinigay niya ang ilustrasyong ito: “Isang tao ang may puno ng igos na nakatanim sa ubasan niya; pinuntahan niya ang puno para maghanap ng bunga roon, pero wala siyang nakita.+ 7 Kaya sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, ‘Tatlong taon na akong naghahanap ng bunga sa punong ito, pero wala akong makita. Putulin mo na ito! Bakit masasayang ang lupa dahil sa punong ito?’ 8 Sumagot siya, ‘Panginoon, maghintay pa tayo nang isang taon. Huhukay ako sa palibot nito at maglalagay ng pataba. 9 Kung mamunga ito, mabuti; pero kung hindi, ipaputol mo na ito.’”+
10 Isang Sabbath, habang nagtuturo siya sa isa sa mga sinagoga, 11 naroon ang isang babae na 18 taon nang may kapansanan dahil sa isang demonyo; hukot na hukot ito at hindi makatayo nang tuwid. 12 Nang makita ni Jesus ang babae, tinawag niya ito at sinabi: “Mawawala na ang kapansanan mo.”*+ 13 Hinawakan niya ang* babae, at agad itong nakatayo nang tuwid at niluwalhati ang Diyos. 14 Pero nagalit ang punong opisyal ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus nang Sabbath, at sinabi nito sa mga tao: “May anim na araw para gawin ang mga dapat gawin;+ kaya pumunta kayo rito sa mga araw na iyon para mapagaling, pero huwag sa araw ng Sabbath.”+ 15 Gayunman, sumagot ang Panginoon: “Mga mapagpanggap,+ hindi ba kinakalagan ninyo kapag Sabbath ang inyong toro o asno mula sa kuwadra at inilalabas ito para painumin?+ 16 Ang babaeng ito ay isang anak ni Abraham at iginapos* ni Satanas nang 18 taon. Hindi ba nararapat lang na mapagaling* siya sa araw ng Sabbath?” 17 Nang sabihin niya ito, napahiya ang mga kumakalaban sa kaniya, pero nagsaya ang lahat ng iba pa dahil sa lahat ng kahanga-hangang bagay na ginawa niya.+
18 Sinabi pa niya: “Ano ang katulad ng Kaharian ng Diyos, at saan ko ito maihahambing? 19 Gaya ito ng binhi ng mustasa, na kinuha ng isang tao at itinanim sa kaniyang hardin, at tumubo ito at naging isang puno, at ang mga ibon sa langit ay namugad sa mga sanga nito.”+
20 At sinabi niya ulit: “Saan ko maihahambing ang Kaharian ng Diyos? 21 Gaya ito ng pampaalsa,* na kinuha ng isang babae at inihalo sa tatlong malalaking takal* ng harina kaya umalsa ang buong masa.”+
22 Habang papunta sa Jerusalem, dumaan siya sa mga lunsod at nayon at nagturo sa mga tao. 23 May nagsabi sa kaniya: “Panginoon, kaunti lang ba ang maliligtas?” Sinabi niya sa kanila: 24 “Magsikap kayo nang husto na makapasok sa makipot na pinto,+ dahil sinasabi ko sa inyo, marami ang magsisikap na pumasok pero hindi ito magagawa. 25 Dahil kapag tumayo na ang may-bahay at ikinandado ang pinto, tatayo kayo sa labas at kakatok, at sasabihin ninyo, ‘Panginoon, pagbuksan mo kami.’+ Pero sasagot siya: ‘Hindi ko kayo kilala.’ 26 Kaya sasabihin ninyo, ‘Kumain kami at uminom kasama mo, at nagturo ka sa malalapad na daan namin.’+ 27 Pero sasabihin niya, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na gumagawa ng masama!’ 28 Iiyak kayo at magngangalit ang mga ngipin ninyo kapag nakita ninyo sa Kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac, Jacob, at ang lahat ng propeta, samantalang kayo ay nasa labas.+ 29 Bukod diyan, may mga taong darating mula sa silangan, kanluran, hilaga, at timog, at uupo* sila sa mesa sa Kaharian ng Diyos. 30 At may mga huli na mauuna, at may mga una na mahuhuli.”+
31 Nang mismong oras na iyon, lumapit ang ilang Pariseo at sinabi nila sa kaniya: “Umalis ka sa lugar na ito, dahil gusto kang patayin ni Herodes.” 32 Sinabi niya: “Sabihin ninyo sa asong-gubat* na iyon, ‘Magpapalayas ako ng mga demonyo at magpapagaling ng mga tao ngayon at bukas, at matatapos ako sa ikatlong araw.’ 33 Pero anuman ang mangyari, itutuloy ko pa rin ang dapat kong gawin ngayon, bukas, at sa susunod na araw, dahil hindi puwedeng* patayin ang isang propeta sa labas ng Jerusalem.+ 34 Jerusalem, Jerusalem, ang pumapatay ng mga propeta at bumabato sa mga isinugo sa kaniya+—ilang ulit kong sinikap na tipunin ang mga anak mo, kung paanong tinitipon ng inahing manok ang mga sisiw niya sa ilalim ng kaniyang mga pakpak! Pero ayaw ninyo.+ 35 Kaya pababayaan ng Diyos ang bahay* ninyo.+ Sinasabi ko sa inyo, hindi ninyo ako makikita hanggang sa sabihin ninyo: ‘Pinagpala ang isa na dumarating sa pangalan ni Jehova!’”*+
14 Sa isa pang pagkakataon, noong araw ng Sabbath, pumunta siya sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Pariseo para kumain, at binabantayan nila siyang mabuti. 2 Naroon sa harap niya ang isang taong minamanas. 3 Kaya tinanong ni Jesus ang mga eksperto sa Kautusan at mga Pariseo: “Puwede bang magpagaling kapag Sabbath o hindi?”+ 4 Pero hindi sila sumagot. Kaya hinawakan niya ang lalaki, pinagaling ito, at pinauwi. 5 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Kung mahulog sa balon ang inyong anak o toro+ sa araw ng Sabbath, sino sa inyo ang hindi kikilos agad para iahon ito?”+ 6 Hindi sila nakasagot.
7 Napansin niya na pinipili ng mga inimbitahan ang mga upuan para sa importanteng mga bisita,+ kaya nagbigay siya ng isang ilustrasyon: 8 “Kapag may nag-imbita sa iyo sa isang handaan sa kasal, huwag mong piliin ang mga upuan para sa importanteng mga bisita.+ Baka may inimbitahan siya na mas prominente kaysa sa iyo. 9 Kaya lalapitan ka ng nag-imbita sa iyo at sasabihin niya, ‘Ibigay mo sa taong ito ang upuan mo.’ At mapapahiya ka at lilipat sa pinakapangit na puwesto.* 10 Kaya kapag inimbitahan ka, umupo ka sa pinakapangit na puwesto. At lalapitan ka ng nag-imbita sa iyo at sasabihin niya, ‘Kaibigan, pumunta ka sa mas magandang puwesto.’ Sa gayon, mapararangalan ka sa harap ng lahat ng bisita.+ 11 Dahil ang bawat isa na nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa, at sinumang nagbababa ng kaniyang sarili ay itataas.”+
12 Pagkatapos, sinabi rin niya sa nag-imbita sa kaniya: “Kapag naghanda ka ng tanghalian o hapunan, huwag mong tawagin ang iyong mga kaibigan, kapatid, kamag-anak, o mayayamang kapitbahay. Dahil baka imbitahan ka rin nila, at masusuklian na ang ginawa mo. 13 Sa halip, kapag naghanda ka, imbitahan mo ang mahihirap, mga pilay, mga bulag, at iba pang may kapansanan;+ 14 at magiging maligaya ka, dahil wala silang maisusukli sa iyo. Susuklian ka sa pagkabuhay-muli+ ng mga matuwid.”
15 Nang marinig ito ng isa sa mga bisita, sinabi niya kay Jesus: “Maligaya siya na kumakain* sa Kaharian ng Diyos.”
16 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “May isang tao na naghanda ng isang engrandeng hapunan,+ at marami siyang inimbitahan. 17 Nang oras na ng hapunan, isinugo niya ang kaniyang alipin para sabihin sa mga inimbitahan, ‘Halikayo, dahil nakahanda na ang lahat.’ 18 Pero nagdahilan silang lahat.+ Sinabi ng isa, ‘Bumili ako ng bukid at kailangan kong puntahan iyon para tingnan; pasensiya ka na, hindi ako makakapunta.’ 19 At sinabi ng isa pa, ‘Bumili ako ng limang pares ng baka* at kailangan kong tingnan* ang mga iyon; pasensiya ka na, hindi ako makakapunta.’+ 20 Sinabi naman ng isa, ‘Bagong kasal ako kaya hindi ako makakapunta.’ 21 Kaya bumalik ang alipin at sinabi ang mga ito sa panginoon niya. Nagalit ang panginoon at sinabi sa alipin, ‘Dali, pumunta ka sa malalapad na daan at mga kalye ng lunsod, at isama mo rito ang mahihirap, mga bulag, mga pilay, at iba pang may kapansanan.’ 22 Pagkabalik ng alipin, sinabi niya, ‘Panginoon, nagawa na ang iniutos mo, pero may lugar pa.’ 23 Kaya sinabi ng panginoon sa alipin, ‘Pumunta ka sa mga lansangan at mga daan, at pilitin mo silang pumasok sa bahay ko para mapuno ito.+ 24 Dahil sinasabi ko sa inyo, walang isa man sa mga inimbitahan ko ang makakatikim ng inihanda kong hapunan.’”+
25 At marami ang naglalakbay kasama niya, at lumingon siya sa kanila at sinabi niya: 26 “Kung ang sinuman ay lumalapit sa akin at hindi napopoot sa* kaniyang ama, ina, asawang babae, mga anak, mga kapatid na lalaki at babae, oo, kahit sa sarili niyang buhay,*+ hindi siya puwedeng maging alagad ko.+ 27 Ang sinumang hindi nagpapasan sa kaniyang pahirapang tulos* at hindi sumusunod sa akin ay hindi puwedeng maging alagad ko.+ 28 Halimbawa, sino sa inyo na gustong magtayo ng bahay* ang hindi muna uupo at kukuwentahin ang gastusin para malaman kung sapat ang pera niya para matapos iyon? 29 Dahil baka mailagay niya ang pundasyon nito pero hindi niya matapos ang pagtatayo, at pagtatawanan siya ng lahat ng nakakakita, 30 at sasabihin nila: ‘Nagsimulang magtayo ang taong ito pero hindi naman pala kayang tapusin.’ 31 O sinong hari na makikipagdigma sa isa pang hari ang hindi muna uupo at hihingi ng payo kung matatalo ng kaniyang 10,000 sundalo ang 20,000 sundalo ng kalaban? 32 At kung hindi nga niya kaya, magsusugo siya ng isang grupo ng mga embahador at makikipagpayapaan habang malayo pa ang kalaban. 33 Sa katulad na paraan, walang isa man sa inyo ang puwede kong maging alagad kung hindi ninyo iiwan ang* lahat ng pag-aari ninyo.+
34 “Kapaki-pakinabang ang asin. Pero kung mawala ang alat nito, paano maibabalik ang lasa nito?+ 35 Hindi na ito magagamit sa lupa o maihahalo sa pataba. Itinatapon na lang ito ng mga tao. Ang may tainga ay makinig.”+
15 Ang lahat ng maniningil ng buwis at makasalanan ay laging lumalapit sa kaniya para makinig.+ 2 At nagbubulong-bulungan ang mga Pariseo at mga eskriba: “Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan, at kumakain siyang kasama nila.” 3 Kaya sinabi niya sa kanila ang ilustrasyong ito: 4 “Kung ang isang tao ay may 100 tupa at mawala ang isa, hindi ba niya iiwan ang 99 sa ilang at hahanapin ang isang nawawala hanggang sa makita niya ito?+ 5 At kapag nakita na niya, papasanin niya ito sa mga balikat niya at magsasaya siya. 6 Pag-uwi niya, tatawagin niya ang mga kaibigan niya at kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin dahil nahanap ko na ang nawawala kong tupa.’+ 7 Sinasabi ko sa inyo, mas magsasaya rin sa langit dahil sa isang makasalanan na nagsisisi+ kaysa sa 99 na matuwid na hindi kailangang magsisi.
8 “O kung ang isang babae ay may 10 baryang drakma* at mawala ang isa, hindi ba siya magsisindi ng lampara, magwawalis sa bahay niya, at maghahanap na mabuti hanggang sa makita niya ito? 9 At kapag nakita na niya, tatawagin niya ang mga kaibigan niya* at kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang baryang drakma* na naiwala ko.’ 10 Sinasabi ko sa inyo, nagsasaya rin ang mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanan na nagsisisi.”+
11 Pagkatapos, sinabi niya: “Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. 12 Sinabi ng nakababatang anak sa kaniyang ama, ‘Ama, ibigay mo na sa akin ang parte ko sa mana.’ Kaya hinati niya ang kaniyang mga pag-aari sa dalawa niyang anak. 13 Pagkalipas ng ilang araw, tinipon ng nakababatang anak ang lahat ng pag-aari niya, pumunta sa isang malayong lupain, at nilustay ang mga pag-aari niya sa masamang pamumuhay. 14 Nang maubos na niya ang lahat ng pera niya, nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupaing iyon, at wala na siyang makain. 15 Namasukan pa nga siya sa isang tagaroon at pinapunta siya sa mga bukid nito para mag-alaga ng mga baboy.+ 16 At gusto na niyang kumain ng pagkain* ng baboy, pero wala man lang nagbibigay sa kaniya ng anumang makakain.
17 “Nang makapag-isip-isip siya, sinabi niya sa sarili, ‘Maraming pagkain ang mga trabahador ng aking ama, samantalang namamatay ako rito sa gutom! 18 Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko: “Ama, nagkasala ako laban sa langit at laban sa iyo. 19 Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo na lang akong trabahador mo.”’ 20 Kaya naglakbay siya pabalik sa kaniyang ama. Malayo pa, natanaw na siya ng kaniyang ama at naawa ito sa kaniya; tumakbo ito at niyakap* at hinalikan siya. 21 Sinabi ng anak sa ama, ‘Ama, nagkasala ako laban sa langit at laban sa iyo.+ Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.’ 22 Pero sinabi ng ama sa mga alipin niya, ‘Dali! Maglabas kayo ng mahabang damit, ang pinakamaganda, at isuot ninyo iyon sa kaniya. Suotan din ninyo siya ng singsing at sandalyas. 23 At kumuha kayo ng pinatabang guya,* patayin ninyo iyon, at kumain tayo at magdiwang, 24 dahil ang anak kong ito ay patay na pero muling nabuhay;+ siya ay nawala at natagpuan.’ At nagsimula silang magsaya.
25 “Nasa bukid noon ang nakatatandang anak. Nang umuwi siya at malapit na sa bahay, nakarinig siya ng musika at sayawan. 26 Kaya tinawag niya ang isa sa mga lingkod at tinanong ito kung ano ang nangyayari. 27 Sinabi nito, ‘Dumating ang kapatid mo, at pinatay ng iyong ama ang pinatabang guya dahil ligtas* na nakabalik sa kaniya ang kapatid mo.’ 28 Pero nagalit siya at ayaw pumasok sa bahay. Kaya pinuntahan siya ng kaniyang ama at pinakiusapan. 29 Sinabi niya sa kaniyang ama, ‘Napakaraming taon na akong nagtatrabaho sa iyo, at sinunod ko ang lahat ng utos mo, pero kahit kailan ay hindi mo ako binigyan ng batang kambing para pagsaluhan namin ng mga kaibigan ko. 30 Pero pagdating na pagdating ng anak mong ito na lumustay* ng kayamanan mo sa mga babaeng bayaran, pinatay mo ang pinatabang guya para sa kaniya.’ 31 Kaya sinabi ng ama, ‘Anak, lagi na kitang kasama, at lahat ng sa akin ay sa iyo. 32 Pero dapat tayong magdiwang at magsaya, dahil ang kapatid mo ay patay na pero nabuhay; siya ay nawala at natagpuan.’”
16 Pagkatapos, sinabi rin niya sa mga alagad: “Isang taong mayaman ang may katiwala* na inakusahang sinasayang ang kayamanan niya. 2 Kaya tinawag niya ito at sinabi, ‘Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ibigay mo sa akin ang ulat kung paano mo ginamit ang pera ko, dahil hindi ka na puwedeng magtrabaho sa akin.’* 3 Sinabi ng katiwala sa sarili niya, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng panginoon ko bilang katiwala. Hindi naman ako ganoon kalakas para maghukay, at nahihiya akong mamalimos. 4 A! Alam ko na ang gagawin ko, para kapag inalis ako sa pagiging katiwala, patutuluyin ako ng mga tao sa bahay nila.’ 5 Kaya isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa panginoon niya. Sinabi niya sa una, ‘Magkano ang utang mo sa panginoon ko?’ 6 Sumagot ito, ‘Sandaang takal* ng langis ng olibo.’ Sinabi ng katiwala, ‘Kunin mo ang iyong nasusulat na kasunduan, umupo ka, at isulat mo agad na 50.’ 7 Sinabi niya sa isa pa, ‘Ikaw naman, magkano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Sandaang malalaking takal* ng trigo.’ Sinabi niya, ‘Kunin mo ang iyong nasusulat na kasunduan at isulat mo na 80.’ 8 At pinapurihan ng kaniyang panginoon ang katiwala, dahil kahit di-matuwid ay naging marunong siya sa praktikal na paraan;* dahil ang mga anak ng sistemang* ito ay mas marunong sa praktikal na paraan kaysa sa mga anak ng liwanag.+
9 “Sinasabi ko rin sa inyo: Makipagkaibigan kayo gamit ang di-matuwid na mga kayamanan,+ para kapag wala na ang mga ito, tanggapin nila kayo sa walang-hanggang mga tirahan.+ 10 Ang taong tapat sa pinakamaliit na* bagay ay tapat din sa maraming bagay, at ang taong di-matuwid sa pinakamaliit na* bagay ay hindi rin matuwid sa maraming bagay. 11 Kaya kung hindi ninyo napatunayang tapat kayo pagdating sa di-matuwid na mga kayamanan, paano ipagkakatiwala sa inyo ang tunay na kayamanan? 12 At kung hindi ninyo napatunayang tapat kayo pagdating sa pag-aari ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng gantimpala na para talaga sa inyo?+ 13 Walang lingkod na puwedeng maging alipin ng dalawang panginoon, dahil alinman sa kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo puwedeng maging alipin ng Diyos at ng Kayamanan.”+
14 At ang mga Pariseo, na maibigin sa pera, ay nakikinig sa lahat ng sinasabi niya, at kitang-kita sa mukha nila na hindi sila natutuwa.+ 15 Kaya sinabi niya: “Ipinapakita ninyo sa harap ng mga tao na matuwid kayo,+ pero alam ng Diyos ang laman ng puso ninyo.+ Dahil ang mahalaga sa paningin ng tao ay walang-saysay sa paningin ng Diyos.+
16 “Ang Kautusan at mga Propeta* ay ipinahayag hanggang sa dumating si Juan. Mula noon, ang Kaharian ng Diyos ay ipinahahayag bilang mabuting balita, at bawat uri ng tao ay nagsisikap nang husto na makapasok doon.+ 17 Oo, mas posible pang mawala ang langit at lupa kaysa mawala ang kahit isang letra sa Kautusan nang hindi natutupad.+
18 “Ang sinumang nakikipagdiborsiyo sa kaniyang asawang babae at nag-aasawa ng iba ay nangangalunya, at ang sinumang nag-aasawa ng babaeng diniborsiyo ng asawa nito ay nangangalunya.+
19 “May isang taong mayaman na nagsusuot ng damit na purpura* at lino, at araw-araw siyang nagpapakasasa sa karangyaan. 20 Pero may isang pulubi na nagngangalang Lazaro na laging dinadala noon sa pintuang-daan niya; punô ito ng sugat 21 at gusto nitong kainin ang mga nahuhulog mula sa mesa ng taong mayaman. May mga aso pa nga na lumalapit sa pulubi at hinihimod ang mga sugat niya. 22 Paglipas ng panahon, namatay ang pulubi at dinala siya ng mga anghel sa tabi* ni Abraham.
“Ang taong mayaman ay namatay rin at inilibing. 23 Tumingala siya mula sa Libingan* habang hirap na hirap siya, at mula sa malayo ay nakita niya si Abraham at si Lazaro sa tabi* nito. 24 Kaya sumigaw siya, ‘Amang Abraham, maawa ka sa akin. Isugo mo si Lazaro para isawsaw sa tubig ang dulo ng daliri niya at palamigin ang dila ko, dahil hirap na hirap na ako sa naglalagablab na apoy na ito.’ 25 Pero sinabi ni Abraham, ‘Anak, alalahanin mo na puro magagandang bagay ang tinamasa mo sa buong buhay mo, at masasama naman ang dinanas ni Lazaro. Pero ngayon, pinagiginhawa siya rito at ikaw ay nahihirapan. 26 Bukod diyan, isang malaking agwat ang inilagay sa pagitan namin at ninyo, para ang mga narito na gustong pumunta sa inyo ay hindi makatawid, at ang mga tao mula riyan ay hindi makatawid sa amin.’ 27 Kaya sinabi niya, ‘Kung gayon, pakisuyo, ama, isugo mo siya sa bahay ng aking ama, 28 dahil may lima akong kapatid na kailangan niyang mababalaan para hindi rin sila mapunta sa lugar na ito ng paghihirap.’ 29 Pero sinabi ni Abraham, ‘Nasa kanila si Moises at ang mga Propeta; pakinggan nila ang mga iyon.’+ 30 Kaya sinabi niya, ‘Hindi, amang Abraham, pero kung isang mula sa mga patay ang pupunta sa kanila, magsisisi sila.’ 31 Pero sinabi ni Abraham, ‘Kung hindi sila nakikinig kay Moises+ at sa mga Propeta, hindi rin sila mahihikayat kung may isang bumangon mula sa mga patay.’”
17 Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad niya: “Darating talaga ang mga bagay na nagiging dahilan ng pagkatisod.* Pero kaawa-awa ang taong nagiging dahilan para matisod ang iba! 2 Mas mabuti pang ibitin sa leeg niya ang isang gilingang-bato at ihulog siya sa dagat kaysa sa maging dahilan siya ng pagkatisod* ng isa sa maliliit na ito.+ 3 Bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili. Kung magkasala ang kapatid mo, sawayin mo siya,+ at kung magsisi siya, patawarin mo siya.+ 4 Kahit pitong beses siyang magkasala sa iyo sa isang araw at pitong beses siyang lumapit at magsabi, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo siyang patawarin.”+
5 Sinabi ng mga apostol sa Panginoon: “Palakasin mo ang pananampalataya namin.”+ 6 Kaya sinabi ng Panginoon: “Kung may pananampalataya kayo na kasinliit ng binhi ng mustasa, sasabihin ninyo sa punong ito ng itim na mulberi, ‘Mabunot ka at lumipat ka sa dagat!’ at susundin kayo nito.+
7 “Ipagpalagay nang may alipin kayo na umuwi mula sa pag-aararo o pagpapastol sa bukid. Sasabihin ba ninyo sa alipin, ‘Halika, kumain ka’? 8 Hindi. Sa halip, sasabihin ninyo, ‘Magbihis ka. Ipaghanda mo ako ng hapunan at pagsilbihan hanggang sa makakain ako at makainom; pagkatapos, puwede ka nang kumain at uminom.’ 9 Hindi kayo makadarama ng utang na loob sa alipin dahil ginawa lang niya ang mga atas niya, hindi ba? 10 Kaya kayo rin, kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniatas sa inyo, sabihin ninyo: ‘Kami ay hamak na* mga alipin lang. Ginawa lang namin ang dapat naming gawin.’”+
11 Habang papunta siya sa Jerusalem, dumaan siya sa pagitan ng Samaria at Galilea. 12 Pagpasok niya sa isang nayon, sinalubong siya ng 10 lalaking ketongin, pero tumayo lang sila sa malayo.+ 13 Sumigaw sila: “Jesus, Guro, maawa ka sa amin!” 14 Nang makita niya sila, sinabi niya: “Magpakita kayo sa mga saserdote.”+ At gumaling* sila+ habang papunta roon. 15 Nang makita ng isa sa kanila na gumaling na siya, bumalik siya habang sumisigaw ng papuri sa Diyos. 16 Sumubsob siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat sa kaniya. Sa katunayan, isa siyang Samaritano.+ 17 Sinabi ni Jesus: “Hindi ba 10 ang napagaling?* Nasaan ang 9 na iba pa? 18 Wala na bang ibang bumalik para pumuri sa Diyos bukod sa taong ito na iba ang lahi?” 19 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniya: “Tumayo ka at tumuloy na sa pupuntahan mo; pinagaling ka ng pananampalataya mo.”+
20 Nang tanungin siya ng mga Pariseo kung kailan darating ang Kaharian ng Diyos,+ sumagot siya: “Hindi magiging kapansin-pansin ang pagdating ng Kaharian ng Diyos; 21 hindi rin sasabihin ng mga tao, ‘Tingnan ninyo, narito!’ o, ‘Tingnan ninyo, naroon!’ Dahil ang Kaharian ng Diyos ay nasa gitna ninyo.”+
22 Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad: “Darating ang panahon na gugustuhin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng tao, pero hindi ninyo iyon makikita. 23 At sasabihin sa inyo ng mga tao, ‘Tingnan ninyo roon!’ o, ‘Tingnan ninyo rito!’ Huwag kayong lumabas o sumunod sa kanila.+ 24 Dahil kung paanong ang kidlat ay nagliliwanag mula sa isang bahagi ng langit hanggang sa kabilang bahagi nito, magiging gayon din ang Anak ng tao+ sa araw na iyon.*+ 25 Pero dapat muna siyang dumanas ng maraming pagdurusa at itakwil ng henerasyong ito.+ 26 Isa pa, ang mga araw ng Anak ng tao ay magiging gaya noong panahon ni Noe:+ 27 kumakain sila at umiinom at ang mga lalaki at babae ay nag-aasawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa arka,+ at dumating ang Baha at pinuksa silang lahat.+ 28 Magiging gaya rin ito noong panahon ni Lot:+ sila ay kumakain, umiinom, bumibili, nagtitinda, nagtatanim, at nagtatayo. 29 Pero nang araw na lumabas si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre* mula sa langit at pinuksa silang lahat.+ 30 Gayon din ang mangyayari sa araw na iyon kapag ang Anak ng tao ay isiniwalat.+
31 “Sa araw na iyon, kung nasa bubungan ang isang tao at nasa loob ng bahay ang mga pag-aari niya, huwag na siyang bumaba para kunin ang mga iyon, at huwag na ring balikan ng nasa bukid ang mga bagay na naiwan niya. 32 Alalahanin ang asawa ni Lot.+ 33 Ang sinumang gustong magligtas ng buhay niya ay mamamatay,* pero ang sinumang mamatay ay magliligtas sa buhay niya.+ 34 Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, dalawang tao ang hihiga sa isang higaan; isasama ang isa, pero iiwan ang isa.+ 35 May dalawang babae na magkasamang maggigiling ng trigo; isasama ang isa, pero iiwan ang isa.” 36 *—— 37 Sinabi nila: “Saan, Panginoon?” Sumagot siya: “Kung nasaan ang katawan, doon magpupuntahan ang mga agila.”+
18 Pagkatapos, nagbigay siya sa kanila ng isang ilustrasyon para ituro na kailangan nilang manalangin lagi at huwag sumuko.+ 2 Sinabi niya: “Sa isang lunsod, may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang galang sa iba. 3 May isang biyuda rin sa lunsod na iyon at paulit-ulit siyang pinupuntahan nito, na sinasabi, ‘Siguraduhin mong mabibigyan ako ng katarungan mula sa kalaban ko sa batas.’ 4 Sa umpisa, ayaw ng hukom, pero pagkalipas ng ilang panahon, sinabi rin niya sa sarili niya, ‘Wala akong takot sa Diyos at wala rin akong galang sa mga tao, 5 pero dahil paulit-ulit akong ginugulo ng biyudang ito, sisiguraduhin kong mabigyan siya ng katarungan para hindi na siya magpabalik-balik at kulitin ako hanggang sa hindi ko na iyon matagalan.’”*+ 6 Kaya sinabi ng Panginoon: “Napansin ba ninyo ang sinabi ng hukom kahit hindi siya matuwid? 7 Kung gayon, hindi ba sisiguraduhin din ng Diyos na mabigyan ng katarungan ang mga pinili niya na dumaraing sa kaniya araw at gabi,+ habang patuloy siyang nagiging matiisin sa kanila?+ 8 Sinasabi ko sa inyo, kikilos siya agad para mabigyan sila ng katarungan. Gayunman, kapag dumating ang Anak ng tao, talaga kayang makikita niya ang ganitong pananampalataya* sa lupa?”
9 Ibinigay rin niya ang ilustrasyong ito para sa ilan na nag-iisip na matuwid sila at mababa ang tingin sa iba: 10 “Dalawang tao ang pumunta sa templo para manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa naman ay maniningil ng buwis. 11 Tumayo ang Pariseo at tahimik na nanalangin, ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo na hindi ako gaya ng ibang mga tao—mangingikil, di-matuwid, mangangalunya—o gaya rin ng maniningil ng buwis na ito. 12 Dalawang beses akong nag-aayuno linggo-linggo; ibinibigay ko ang ikasampu ng lahat ng bagay na mayroon ako.’+ 13 Pero ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay ayaw man lang tumingala sa langit, kundi patuloy niyang sinusuntok ang dibdib niya at sinasabi, ‘O Diyos, maawa* ka sa akin na isang makasalanan.’+ 14 Sinasabi ko sa inyo, umuwi ang taong ito at napatunayang mas matuwid kaysa sa Pariseong iyon.+ Dahil ang bawat isa na nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa, pero ang sinumang nagbababa ng kaniyang sarili ay itataas.”+
15 Dinadala rin sa kaniya ng mga tao ang kanilang maliliit na anak* para mahawakan niya; pagkakita rito, pinagalitan sila ng mga alagad.+ 16 Pero tinawag ni Jesus ang mga bata at sinabi: “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang pigilan, dahil ang Kaharian ng Diyos ay para sa mga gaya nila.+ 17 Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang hindi tumatanggap sa Kaharian ng Diyos na gaya ng isang bata ay hindi makakapasok dito.”+
18 At isang tagapamahala ang nagtanong sa kaniya: “Mabuting Guro, ano ang dapat kong gawin para tumanggap* ng buhay na walang hanggan?”+ 19 Sinabi ni Jesus: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Isa lang ang mabuti, ang Diyos.+ 20 Alam mo ang mga utos: ‘Huwag kang mangangalunya,+ huwag kang papatay,+ huwag kang magnanakaw,+ huwag kang tetestigo nang may kasinungalingan,+ parangalan* mo ang iyong ama at ina.’”+ 21 Sinabi niya: “Sinusunod ko ang lahat ng iyan mula pa sa pagkabata.” 22 Pagkarinig nito, sinabi ni Jesus, “May isa ka pang kailangang gawin: Ipagbili mo ang lahat ng pag-aari mo at ibigay mo sa mahihirap ang napagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit; pagkatapos, sumama ka sa akin, at maging tagasunod kita.”+ 23 Nang marinig ito ng tagapamahala, lungkot na lungkot siya, dahil napakayaman niya.+
24 Tumingin si Jesus sa tagapamahala, at sinabi niya: “Napakahirap para sa mayayaman na makapasok sa Kaharian ng Diyos!+ 25 Sa katunayan, mas madali pang makakapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa makapasok ang isang mayaman sa Kaharian ng Diyos.”+ 26 Ang mga nakarinig nito ay nagsabi: “Kung gayon, sino pa ang makaliligtas?”+ 27 Sinabi niya: “Ang mga bagay na imposible sa mga tao ay posible sa Diyos.”+ 28 Pero sinabi ni Pedro: “Iniwan na namin ang mga pag-aari namin at sumunod kami sa iyo.”+ 29 Sinabi niya sa kanila: “Sinasabi ko sa inyo, ang lahat ng umiwan sa kanilang bahay, asawang babae, mga kapatid, mga magulang, o mga anak alang-alang sa Kaharian ng Diyos+ 30 ay tatanggap ng mas marami pa sa panahong ito, at sa darating na sistema* ay ng buhay na walang hanggan.”+
31 Pagkatapos, ibinukod niya ang 12 apostol at sinabi: “Makinig kayo. Pupunta* tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng isinulat sa pamamagitan ng mga propeta tungkol sa Anak ng tao ay matutupad.+ 32 Halimbawa, ibibigay siya sa mga tao ng ibang mga bansa,+ tutuyain,+ iinsultuhin, at duduraan.+ 33 Pagkatapos siyang hagupitin, papatayin nila siya,+ pero sa ikatlong araw ay mabubuhay siyang muli.”+ 34 Pero hindi nila naintindihan ang alinman sa mga ito, dahil itinago mula sa kanila ang ibig sabihin ng mga salitang ito.
35 Habang papalapit si Jesus sa Jerico, may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos.+ 36 Dahil narinig niyang maraming tao ang dumadaan, nagtanong siya kung ano ang nangyayari. 37 Sinabi nila sa kaniya: “Dumadaan si Jesus na Nazareno!” 38 Kaya sumigaw siya: “Jesus, Anak ni David, maawa ka sa akin!” 39 Sinasaway siya ng mga nasa unahan at sinasabing tumahimik siya, pero lalo lang niyang isinigaw: “Anak ni David, maawa ka sa akin!” 40 Kaya huminto si Jesus at iniutos na ilapit sa kaniya ang lalaki. Nang makalapit ito, itinanong ni Jesus: 41 “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” Sinabi niya: “Panginoon, gusto kong makakita uli.” 42 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya: “Makakakita ka nang muli; pinagaling ka ng pananampalataya mo.”+ 43 Agad siyang nakakita, at nagsimula siyang sumunod sa kaniya,+ na niluluwalhati ang Diyos. Gayundin, nang makita ito ng mga tao, lahat sila ay pumuri sa Diyos.+
19 Pagkatapos, nakarating siya sa Jerico at dumaan doon. 2 Naroon ang lalaking si Zaqueo; isa siyang pinuno ng mga maniningil ng buwis, at mayaman siya. 3 Sinikap niyang makita kung sino ang Jesus na ito, pero sa dami ng tao, hindi niya iyon magawa dahil maliit siya. 4 Kaya tumakbo siya para unahan ang mga tao at umakyat sa puno ng sikomoro* para makita niya si Jesus, na malapit nang dumaan doon. 5 Pagdating doon ni Jesus, tumingala siya at sinabi niya: “Zaqueo, bumaba ka agad, dahil kailangan kong tumuloy ngayon sa bahay mo.” 6 Kaya nagmadali siyang bumaba, at malugod niyang tinanggap si Jesus sa bahay niya. 7 Nang makita nila ito, nagbulong-bulungan sila: “Tumuloy siya sa bahay ng isang taong makasalanan.”+ 8 Pero tumayo si Zaqueo, at sinabi niya sa Panginoon: “Panginoon, ibibigay ko sa mahihirap ang kalahati ng mga pag-aari ko, at ibabalik ko sa mga tao nang apat na beses ang halagang kinikil ko* sa kanila.”+ 9 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya: “Dumating ngayon ang kaligtasan sa pamilyang ito, dahil ang taong ito ay anak din ni Abraham. 10 Dahil dumating ang Anak ng tao para hanapin at iligtas ang nawala.”+
11 Habang nakikinig sila, nagbigay siya ng isa pang ilustrasyon, dahil malapit na siya sa Jerusalem at inaakala nilang agad nilang makikita ang Kaharian ng Diyos.+ 12 Kaya sinabi niya: “Isang taong ipinanganak na maharlika ang pumunta sa isang malayong lupain+ para makakuha ng kapangyarihan bilang hari, at pagkatapos ay babalik siya. 13 Bago umalis, tinawag niya ang 10 sa mga alipin niya at binigyan sila ng 10 mina* at sinabi, ‘Gamitin ninyo sa negosyo ang mga ito hanggang sa dumating ako.’+ 14 Pero ayaw sa kaniya ng mga kababayan niya, at nagsugo sila ng isang grupo ng mga embahador para sabihin sa kaniya, ‘Ayaw naming maghari ka sa amin.’
15 “Nang makabalik siya matapos na makuha ang kapangyarihan bilang hari,* ipinatawag niya ang mga aliping binigyan niya ng pera* para alamin kung magkano ang kinita nila sa pagnenegosyo.+ 16 Kaya lumapit ang una at nagsabi, ‘Panginoon, ang iyong mina ay tumubo ng 10 mina.’+ 17 Sinabi ng panginoon, ‘Mahusay, mabuting alipin! Dahil pinatunayan mong tapat ka sa napakaliit na bagay, bibigyan kita ng awtoridad sa 10 lunsod.’+ 18 Dumating ang ikalawa at nagsabi, ‘Panginoon, ang iyong mina ay tumubo ng limang mina.’+ 19 Sinabi naman niya sa isang ito, ‘Bibigyan kita ng awtoridad sa limang lunsod.’ 20 Pero may isa pang dumating at nagsabi, ‘Panginoon, narito ang iyong mina, na ibinalot ko sa tela at itinago. 21 Natatakot kasi ako sa iyo dahil mabagsik ka; kinukuha mo ang hindi mo idineposito, at inaani mo ang hindi mo itinanim.’+ 22 Sinabi ng panginoon, ‘Gagamitin ko ang sarili mong salita para hatulan ka, masamang alipin. Alam mo palang mabagsik ako at kinukuha ko ang hindi ko idineposito at inaani ang hindi ko itinanim.+ 23 Kaya bakit hindi mo inilagay sa bangko ang pera* ko? May nakuha sana akong interes pagdating ko.’
24 “Kaya sinabi niya sa mga nakatayo sa malapit, ‘Kunin ninyo sa kaniya ang mina at ibigay ito sa may 10 mina.’+ 25 Pero sinabi nila, ‘Panginoon, 10 na ang mina niya!’— 26 ‘Sinasabi ko sa inyo, ang bawat isa na mayroon ay bibigyan pa, pero ang sinumang wala, kahit ang nasa kaniya ay kukunin.+ 27 Isa pa, dalhin ninyo rito ang mga kaaway kong ayaw na maghari ako sa kanila, at patayin ninyo sila sa harap ko.’”
28 Pagkasabi nito, nagpatuloy siya sa paglalakbay papuntang* Jerusalem. 29 Nang malapit na siya sa Betfage at Betania sa bundok na tinatawag na Bundok ng mga Olibo,+ isinugo niya ang dalawa sa mga alagad niya+ 30 at sinabi: “Pumunta kayo sa nayon na abot-tanaw ninyo, at pagdating ninyo roon, may makikita kayong isang bisiro* na nakatali at hindi pa nasasakyan ng sinuman. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 31 Pero kung may magtanong sa inyo, ‘Bakit ninyo kinakalagan iyan?’ sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon.’” 32 Kaya umalis ang mga isinugo at nakita nila ito gaya ng sinabi niya sa kanila.+ 33 Pero habang kinakalagan nila ang bisiro, sinabi sa kanila ng mga may-ari nito: “Bakit ninyo kinakalagan ang bisiro?” 34 Sinabi nila: “Kailangan ito ng Panginoon.” 35 At dinala nila iyon kay Jesus, at ipinatong nila sa bisiro ang mga balabal nila at pinasakay si Jesus.+
36 Habang dumadaan siya, inilalatag ng mga tao ang mga balabal nila sa daan.+ 37 Nang malapit na siya sa daan pababa sa Bundok ng mga Olibo, nagsaya ang lahat ng alagad niya at sumigaw ng papuri sa Diyos dahil sa lahat ng makapangyarihang gawa na nakita nila. 38 Sinasabi nila: “Pinagpala siya na dumarating bilang Hari sa pangalan ni Jehova!* Kapayapaan sa langit, at kaluwalhatian sa mga kaitaasan!”+ 39 Pero sinabi ng ilan sa mga Pariseo na naroon: “Guro, sawayin mo ang mga alagad mo.”+ 40 Pero sumagot siya: “Sinasabi ko sa inyo, kung mananahimik sila, ang mga bato ang sisigaw.”
41 Nang malapit na siya sa lunsod, tinanaw niya ito at iniyakan.+ 42 Sinabi niya: “Kung naunawaan mo lang sana ang mga bagay na nagdudulot ng kapayapaan—pero itinago na ang mga iyon mula sa iyong paningin.+ 43 Dahil darating ang araw na ang mga kaaway mo ay magtatayo sa paligid mo ng kutang may matutulis na tulos, at papalibutan ka nila at lulusubin* mula sa lahat ng panig.+ 44 Ikaw at ang mga naninirahan* sa loob mo ay dudurugin,+ at wala silang ititira sa iyo na magkapatong na bato,+ dahil hindi ka nagbigay-pansin sa panahon ng pagsisiyasat sa iyo.”
45 Pumasok siya sa templo at pinalayas ang mga nagtitinda.+ 46 Sinabi niya: “Nasusulat, ‘Ang bahay ko ay tatawaging bahay-panalanginan,’+ pero ginawa ninyo itong pugad ng mga magnanakaw.”+
47 Patuloy siyang nagturo sa templo araw-araw. Pero naghahanap ng pagkakataon ang mga punong saserdote, mga eskriba, at mga pinuno ng bayan para patayin siya;+ 48 gayunman, wala silang makitang pagkakataon, dahil laging nakasunod sa kaniya ang buong bayan para makinig.+
20 Minsan, habang tinuturuan niya ang mga tao sa templo at inihahayag ang mabuting balita, lumapit ang mga punong saserdote at mga eskriba kasama ang matatandang lalaki 2 at nagsabi: “Sabihin mo sa amin, ano ang karapatan mong gawin ang mga ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng ganiyang awtoridad?”+ 3 Sumagot siya: “May itatanong din ako sa inyo; sagutin ninyo ako: 4 Ang awtoridad ba ni Juan na magbautismo ay galing sa langit o sa mga tao?” 5 Kaya nag-usap-usap sila: “Kung sasabihin natin, ‘Sa langit,’ sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala sa kaniya?’ 6 Pero kung sasabihin naman natin, ‘Sa mga tao,’ babatuhin tayo ng lahat ng tao dahil naniniwala silang propeta si Juan.”+ 7 Kaya sinabi nilang hindi nila alam. 8 Sinabi ni Jesus: “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sino ang nagbigay sa akin ng awtoridad na gawin ang mga ito.”
9 Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao ang ilustrasyong ito: “Isang tao ang nagtanim ng ubas sa kaniyang bukid+ at pinaupahan ito sa mga magsasaka, at naglakbay siya sa ibang lupain nang mahaba-habang panahon.+ 10 Pagdating ng anihan, pinapunta niya ang alipin niya sa mga magsasaka para maibigay nila rito ang parte niya sa inaning ubas. Pero binugbog ito ng mga magsasaka at pinauwing walang dala.+ 11 Nagpapunta siya ng isa pang alipin. Binugbog din nila at ipinahiya* ang isang iyon at pinauwing walang dala. 12 Nagsugo siya ng ikatlo; binugbog din nila ito at itinaboy. 13 Kaya sinabi ng may-ari ng ubasan, ‘Ano ang gagawin ko? Isusugo ko ang mahal kong anak.+ Malamang na igagalang nila siya.’ 14 Nang makita siya ng mga magsasaka, nagsabuwatan sila at sinabi nila sa isa’t isa, ‘Siya ang tagapagmana. Patayin natin siya para sa atin mapunta ang mana.’ 15 Kaya kinaladkad nila siya palabas ng ubasan at pinatay.+ Kung gayon, ano ang gagawin sa kanila ng may-ari ng ubasan? 16 Pupuntahan niya at papatayin ang mga magsasakang iyon at ibibigay ang ubasan sa iba.”
Nang marinig nila ito, sinabi nila: “Huwag naman sanang mangyari iyan!” 17 Pero tiningnan niya sila at sinabi: “Kung gayon, ano ang kahulugan ng sinasabi sa Kasulatan: ‘Ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo ang naging pangunahing batong-panulok’?*+ 18 Ang lahat ng babagsak sa batong ito ay magkakaluray-luray.+ Ang sinumang mababagsakan nito ay madudurog.”
19 Nahalata ng mga eskriba at mga punong saserdote na sila ang nasa isip ni Jesus nang sabihin niya ang ilustrasyong ito, kaya gusto nila siyang dakpin nang mismong oras na iyon; pero natatakot sila sa mga tao.+ 20 At pagkatapos na maobserbahan siyang mabuti, palihim silang umupa ng mga taong magkukunwaring matuwid para hulihin siya sa pananalita niya+ at maibigay sa pamahalaan at sa gobernador.* 21 Tinanong nila siya at sinabi: “Guro, alam naming tama ang sinasabi at itinuturo mo at hindi ka nagtatangi, at itinuturo mo ang katotohanan tungkol sa Diyos: 22 Tama bang magbayad ng buwis kay Cesar o hindi?” 23 Pero nahalata niya ang masamang balak nila, kaya sinabi niya: 24 “Ipakita ninyo sa akin ang isang denario.* Kaninong larawan at pangalan ang narito?” Sinabi nila: “Kay Cesar.” 25 Sinabi niya: “Kung gayon nga, ibayad ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar,+ pero sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.”+ 26 Kaya hindi nila siya nahuli sa kaniyang pananalita sa harap ng mga tao. Sa halip, humanga sila sa sagot niya kaya napatahimik sila.
27 Pero ang ilan sa mga Saduceo, na nagsasabing walang pagkabuhay-muli,+ ay lumapit sa kaniya at nagtanong:+ 28 “Guro, isinulat ni Moises, ‘Kung mamatay ang isang lalaki nang walang anak, ang asawa niya ay pakakasalan ng kapatid niyang lalaki para magkaroon ng anak ang namatay na kapatid.’+ 29 Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki. Ang una ay nag-asawa pero namatay nang walang anak. 30 Kaya ang babae ay pinakasalan ng ikalawa 31 at ng ikatlo, hanggang sa naging asawa niya ang pitong magkakapatid; namatay silang lahat nang walang anak. 32 Pagkatapos, namatay rin ang babae. 33 Kung gayon, dahil napangasawa niya ang pitong magkakapatid, sino sa kanila ang magiging asawa niya kapag binuhay silang muli?”
34 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ang mga tao sa sistemang* ito ay nag-aasawa, 35 pero ang mga itinuturing na karapat-dapat makapasok sa darating na sistema at karapat-dapat buhaying muli ay hindi mag-aasawa.+ 36 Sa katunayan, hindi na rin sila mamamatay dahil magiging gaya sila ng mga anghel, at dahil bubuhayin silang muli, magiging anak sila ng Diyos. 37 Sa ulat tungkol sa matinik na halaman,* may binanggit si Moises tungkol sa pagbuhay-muli sa mga patay. Tinawag niya si Jehova* na ‘Diyos ni Abraham at Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’+ 38 Siya ay Diyos, hindi ng mga patay, kundi ng mga buháy, dahil silang lahat ay buháy sa kaniya.”*+ 39 Kaya sinabi ng ilan sa mga eskriba: “Guro, tama ang sinabi mo.” 40 Dahil wala na silang lakas ng loob na magtanong pa sa kaniya.
41 Siya naman ang nagtanong sa kanila: “Bakit sinasabi ng mga tao na ang Kristo ay anak ni David?+ 42 gayong sinabi mismo ni David sa aklat ng mga Awit, ‘Sinabi ni Jehova* sa Panginoon ko: “Umupo ka sa kanan ko 43 hanggang sa ang mga kaaway mo ay gawin kong tuntungan ng mga paa mo.”’+ 44 Tinawag siya ni David na Panginoon, kaya paano siya naging anak ni David?”
45 Pagkatapos, habang nakikinig ang lahat ng tao, sinabi niya sa mga alagad niya: 46 “Mag-ingat kayo sa mga eskriba na gustong magpalakad-lakad na nakasuot ng mahahabang damit. Gusto nilang binabati sila ng mga tao sa mga pamilihan, at gusto rin nilang umupo sa pinakamagagandang puwesto sa* mga sinagoga at sa mga upuan para sa importanteng mga bisita sa mga handaan.*+ 47 Kinakamkam nila ang mga pag-aari* ng mga biyuda at nananalangin nang mahaba para pahangain ang iba. Tatanggap sila ng mas mabigat na hatol.”
21 Nang tumingin si Jesus, nakita niya ang mayayaman na naghuhulog ng abuloy nila sa mga kabang-yaman.*+ 2 Pagkatapos, nakita niya ang isang mahirap na biyuda na naghulog ng dalawang maliliit na barya na napakaliit ng halaga.*+ 3 Sinabi niya: “Sinasabi ko sa inyo, mas malaki ang inihulog ng mahirap na biyudang ito kaysa sa lahat ng iba pa.+ 4 Dahil nag-abuloy silang lahat mula sa kanilang sobra, pero siya, kahit na kapos,* ay naghulog ng buong ikabubuhay niya.”+
5 Pagkatapos nito, habang may ilang tao na nag-uusap tungkol sa templo, kung gaano kagaganda ang ginamit na mga bato at ang inihandog na mga bagay na naroon,+ 6 sinabi ni Jesus: “Kung tungkol sa mga nakikita ninyo ngayon, darating ang panahon na walang matitirang magkapatong na bato rito. Lahat ay ibabagsak.”+ 7 Kaya tinanong nila siya: “Guro, kailan ba talaga mangyayari ang mga ito, at ano ang magiging tanda kapag magaganap na ang mga ito?”+ 8 Sinabi niya: “Mag-ingat kayo para hindi kayo mailigaw,+ dahil marami ang gagamit sa pangalan ko at magsasabi, ‘Ako siya,’ at, ‘Malapit na ang takdang panahon.’ Huwag kayong sumunod sa kanila.+ 9 Bukod diyan, kapag nakarinig kayo ng mga ulat ng digmaan at kaguluhan,* huwag kayong matakot. Dahil kailangan munang mangyari ang mga ito, pero hindi pa darating agad ang wakas.”+
10 Sinabi pa niya sa kanila: “Maglalabanan ang mga bansa+ at mga kaharian.+ 11 Magkakaroon ng malalakas na lindol, gayundin ng mga epidemya*+ at taggutom sa iba’t ibang lugar. Makakakita ang mga tao ng nakakatakot na mga bagay, at magkakaroon ng mga tanda na kitang-kita sa langit.
12 “Pero bago mangyari ang lahat ng ito, aarestuhin kayo ng mga tao at pag-uusigin kayo;+ dadalhin nila kayo sa mga sinagoga at bilangguan. Dadalhin nila kayo sa harap ng mga hari at mga gobernador dahil sa pangalan ko.+ 13 Sa ganitong paraan, makapagpapatotoo kayo sa mga tao. 14 Kaya huwag ninyong pag-isipan* nang patiuna kung paano kayo sasagot,+ 15 dahil bibigyan ko kayo ng karunungan at ipaaalam ko sa inyo ang sasabihin ninyo, na hindi malalabanan o matututulan ng lahat ng kumokontra sa inyo.+ 16 Isa pa, ipaaaresto* kayo maging ng inyong mga magulang, kapatid, kamag-anak, at mga kaibigan, at papatayin ang ilan sa inyo,+ 17 at kapopootan kayo ng lahat ng tao dahil sa pangalan ko.+ 18 Pero walang isa mang buhok ang malalagas sa inyong ulo.+ 19 Dahil sa inyong pagtitiis* ay maililigtas ninyo ang inyong buhay.+
20 “Kapag nakita ninyong napaliligiran ang Jerusalem ng nagkakampong mga hukbo,+ kung gayon, makakatiyak kayong malapit na ang pagtitiwangwang sa kaniya.+ 21 Kaya ang mga nasa Judea ay tumakas na papunta sa mga kabundukan,+ ang mga nasa loob ng Jerusalem ay lumabas na, at ang mga nasa kalapít na mga lugar ay huwag nang pumasok sa kaniya, 22 dahil ito ay mga araw para sa paglalapat ng katarungan,* para matupad ang lahat ng nakasulat. 23 Kaawa-awa ang mga nagdadalang-tao at nagpapasuso ng sanggol sa mga araw na iyon!+ Dahil magkakaroon ng matinding paghihirap sa lupain, at paparusahan ang bayang ito. 24 At papatayin sila sa pamamagitan ng espada at dadalhing bihag sa lahat ng bansa;+ at ang Jerusalem ay tatapak-tapakan ng mga bansa* hanggang sa matapos* ang mga takdang panahon ng mga bansa.*+
25 “Gayundin, magkakaroon ng mga tanda sa araw, buwan, at mga bituin.+ At sa lupa, magdurusa ang mga bansa, na hindi malaman ang gagawin dahil sa pag-ugong at pagngangalit ng dagat. 26 Ang mga tao ay mahihimatay sa takot at sa paghihintay sa mga bagay na mangyayari sa lupa, dahil ang mga kapangyarihan ng langit ay mayayanig. 27 Pagkatapos, makikita nila ang Anak ng tao+ na dumarating na nasa ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.+ 28 Pero kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, tumayo kayo nang tuwid at itaas ang inyong mga ulo,* dahil nalalapit na ang kaligtasan ninyo.”
29 Kaya sinabi niya sa kanila ang ilustrasyong ito: “Pansinin ninyo ang puno ng igos at lahat ng iba pang puno.+ 30 Kapag nakita ninyong may usbong na ang mga ito, alam ninyo na malapit na ang tag-araw. 31 Sa katulad na paraan, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, makakatiyak kayong malapit na ang Kaharian ng Diyos. 32 Sinasabi ko sa inyo na ang henerasyong ito ay hindi lilipas hanggang sa mangyari ang lahat ng ito.+ 33 Ang langit at lupa ay maglalaho, pero ang mga salita ko ay hindi maglalaho.+
34 “Pero bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili para hindi mapabigatan ang inyong puso ng sobrang pagkain, sobrang pag-inom,+ at mga álalahanín sa buhay,+ at bigla na lang dumating ang araw na iyon na gaya ng bitag+ at ikagulat ninyo. 35 Dahil darating ito sa lahat ng naninirahan sa buong lupa. 36 Kaya manatili kayong gisíng,+ na nagsusumamo sa lahat ng panahon+ para makaligtas kayo* mula sa lahat ng ito na kailangang maganap at makatayo kayo sa harap ng Anak ng tao.”+
37 Kaya sa araw ay nagtuturo siya sa templo, pero sa gabi ay umaalis siya sa lunsod at nananatili sa Bundok ng mga Olibo. 38 At lahat ng tao ay maagang pumupunta sa templo para makinig sa kaniya.
22 Malapit na ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang tinatawag na Paskuwa.+ 2 Pinag-iisipang mabuti ng mga punong saserdote at mga eskriba kung paano siya maipapapatay,+ dahil natatakot sila sa mga tao.+ 3 Pagkatapos, pumasok si Satanas kay Hudas, ang tinatawag na Iscariote, isa sa 12 apostol,+ 4 at pinuntahan niya ang mga punong saserdote at mga kapitan ng mga bantay sa templo para sabihin kung paano niya ibibigay sa kanila si Jesus.+ 5 Nagustuhan nila ito, at nagkasundo silang bigyan siya ng perang pilak.+ 6 Kaya pumayag siya at naghanap ng magandang pagkakataon para maibigay siya sa kaaway nang hindi nakikita ng mga tao.
7 At dumating ang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa, kung kailan ihahandog ang haing pampaskuwa;+ 8 kaya isinugo ni Jesus sina Pedro at Juan at sinabi: “Ihanda na ninyo ang hapunan para sa Paskuwa.”+ 9 Sinabi nila: “Saan mo kami gustong maghanda nito?” 10 Sinabi niya: “Kapag pumasok kayo sa lunsod, sasalubungin kayo ng isang taong may dalang banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na papasukan niya.+ 11 Sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapasabi ng Guro: “Nasaan ang silid para sa bisita kung saan puwede akong kumain ng hapunan para sa Paskuwa kasama ang mga alagad ko?”’ 12 At ipapakita niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nakaayos na. Doon ninyo iyon ihanda.” 13 Kaya umalis sila, at nangyari ang lahat ng sinabi niya sa kanila, at naghanda sila para sa Paskuwa.
14 Kaya nang dumating na ang oras, umupo* siya sa mesa kasama ang mga apostol.+ 15 Sinabi niya: “Inaasam-asam ko ang sandaling ito na makasalo kayo sa hapunan para sa Paskuwa bago ako magdusa; 16 dahil sinasabi ko sa inyo, hindi ko ito kakaining muli hanggang sa matupad ang lahat ng bagay sa Kaharian ng Diyos.” 17 At pagkaabot sa kopa, nagpasalamat siya sa Diyos at nagsabi: “Kunin ninyo ito at ipasa sa lahat, 18 dahil sinasabi ko sa inyo, mula ngayon, hindi na ako muling iinom ng alak hanggang sa dumating ang Kaharian ng Diyos.”
19 Kumuha rin siya ng tinapay,+ nagpasalamat sa Diyos, pinagpira-piraso ito, ibinigay sa kanila, at sinabi: “Sumasagisag ito sa aking katawan+ na ibibigay ko alang-alang sa inyo.+ Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”+ 20 Gayon din ang ginawa niya sa kopa pagkatapos nilang maghapunan. Sinabi niya: “Ang kopang ito ay sumasagisag sa bagong tipan+ na magkakabisa sa pamamagitan ng aking dugo,+ na ibubuhos alang-alang sa inyo.+
21 “Pero kasama ko sa mesa ang magtatraidor sa akin.+ 22 Totoo, kailangang mamatay ang Anak ng tao ayon sa inihula;+ gayunman, kaawa-awa ang taong iyon na magtatraidor sa kaniya!”+ 23 Kaya tinanong nila ang isa’t isa kung sino sa kanila ang makagagawa nito.+
24 Gayunman, nagkaroon ng matinding pagtatalo-talo sa gitna nila kung sino sa kanila ang pinakadakila.*+ 25 Pero sinabi niya: “Ang mga hari ng mga bansa ay nag-aastang panginoon sa mga nasasakupan nila, at ang mga may awtoridad sa mga tao ay tinatawag na mga Pilantropo.*+ 26 Pero hindi kayo dapat maging gayon,+ kundi ang pinakadakila sa inyo ay dapat na maging gaya ng pinakabata,+ at ang nangunguna ay dapat na maging gaya ng naglilingkod. 27 Dahil sino ang mas dakila, ang kumakain* o ang nagsisilbi?* Hindi ba ang kumakain?* Pero ako ay nagsisilbi* sa inyo.+
28 “Gayunman, kayo ang mga nanatiling kasama ko+ sa aking mga pagsubok;+ 29 at nakikipagtipan ako sa inyo para sa isang kaharian, kung paanong nakipagtipan sa akin ang aking Ama,+ 30 para makakain kayo at makainom sa aking mesa sa Kaharian ko+ at makaupo sa mga trono+ para humatol sa 12 tribo ng Israel.+
31 “Simon, Simon, hinihingi kayo ni Satanas para masala niya kayong lahat na gaya ng trigo.+ 32 Pero nagsumamo na ako para sa iyo na huwag sanang manghina ang pananampalataya mo;+ at kapag nakabalik ka na, palakasin mo ang iyong mga kapatid.”+ 33 Sinabi ni Pedro: “Panginoon, handa akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan.”+ 34 Pero sinabi niya: “Sinasabi ko sa iyo, Pedro, hindi titilaok ang isang tandang sa araw na ito hanggang sa tatlong ulit mong maikaila na kilala mo ako.”+
35 Sinabi rin niya sa kanila: “Nang isugo ko kayo na walang dalang pera,* lalagyan ng pagkain, at sandalyas,+ hindi kayo kinapos ng anuman, hindi ba?” Sumagot sila: “Hindi!” 36 Pagkatapos, sinabi niya: “Pero ngayon, kung kayo ay may pera* o lalagyan ng pagkain, dalhin ninyo iyon, at kung wala kayong espada, ipagbili ninyo ang inyong damit at bumili ng espada. 37 Dahil sinasabi ko sa inyo, kailangang matupad sa akin kung ano ang nakasulat, ‘Itinuring siyang kriminal.’+ Ang nasusulat tungkol sa akin ay natutupad na.”+ 38 Pagkatapos, sinabi nila: “Panginoon, may dalawang espada rito.” Sinabi niya: “Sapat na iyan.”
39 Umalis si Jesus at pumunta sa Bundok ng mga Olibo gaya ng nakaugalian niya, at sumunod din ang mga alagad sa kaniya.+ 40 Pagdating doon, sinabi niya: “Patuloy kayong manalangin para hindi kayo mahulog sa tukso.”+ 41 At lumayo siya sa kanila,* at lumuhod siya at nanalangin: 42 “Ama, kung gusto mo, alisin mo sa akin ang kopang ito. Pero mangyari nawa, hindi ang kalooban ko, kundi ang sa iyo.”+ 43 Pagkatapos, nagpakita sa kaniya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas siya.+ 44 Pero dahil sa sobrang paghihirap ng kalooban, nanalangin pa siya nang mas marubdob;+ at ang pawis niya ay naging parang dugo na pumapatak sa lupa. 45 Pagkatapos manalangin, pinuntahan niya ang mga alagad at nakita silang natutulog, pagod dahil sa pamimighati.+ 46 Sinabi niya: “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at patuloy na manalangin para hindi kayo mahulog sa tukso.”+
47 Habang nagsasalita pa siya, maraming tao ang dumating at pinangungunahan sila ng lalaking tinatawag na Hudas, na isa sa 12 apostol, at nilapitan nito si Jesus para halikan.+ 48 Pero sinabi ni Jesus: “Hudas, tinatraidor mo ba ang Anak ng tao sa pamamagitan ng isang halik?” 49 Nang maisip ng mga nasa paligid niya kung ano ang mangyayari, sinabi nila: “Panginoon, gagamitin na ba namin ang espada?” 50 Tinaga pa nga ng isa sa kanila ang alipin ng mataas na saserdote, at natagpas ang kanang tainga nito.+ 51 Pero sinabi ni Jesus: “Tumigil kayo!” Hinipo niya ang tainga nito at pinagaling. 52 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga punong saserdote, sa mga kapitan ng mga bantay sa templo, at sa matatandang lalaki na pumunta roon para hulihin siya: “Magnanakaw ba ako at may dala pa kayong mga espada at pamalo?+ 53 Nakikita ninyo ako sa templo araw-araw,+ at hindi ninyo ako hinuhuli.+ Pero ito na ang pagkakataon* ninyo at oras na para manaig ang kadiliman.”+
54 Kaya inaresto nila siya at dinala+ sa bahay ng mataas na saserdote; pero sinusundan sila ni Pedro sa malayo.+ 55 Nagpaningas sila ng apoy sa gitna ng looban at umupong magkakasama; si Pedro ay nakaupo ring kasama nila.+ 56 Pero nang makita ng isang alilang babae si Pedro na nakaupo sa tabi ng apoy, tiningnan niya itong mabuti at sinabi: “Kasama rin niya ang taong ito.” 57 Pero nagkaila si Pedro: “Hindi ko siya kilala.” 58 Mayamaya lang, may isa pang nakakita sa kaniya at nagsabi: “Kasama ka rin nila.” Pero sinabi ni Pedro: “Hindi!”+ 59 Pagkalipas ng mga isang oras, ipinilit ng isa pang lalaki: “Siguradong kasama rin niya ang lalaking ito dahil taga-Galilea siya!” 60 Pero sinabi ni Pedro: “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” At agad na tumilaok ang tandang habang nagsasalita pa siya. 61 Nang pagkakataong iyon, lumingon ang Panginoon at tumitig kay Pedro, at naalaala ni Pedro ang sinabi sa kaniya ng Panginoon: “Bago tumilaok ang tandang sa araw na ito, ikakaila mo ako nang tatlong ulit.”+ 62 At lumabas siya at humagulgol.
63 At si Jesus ay ginawang katatawanan+ at pinaghahampas+ ng mga lalaking nagbabantay sa kaniya; 64 at pagkatapos takpan ang mukha niya, sinasabi nila: “Hulaan mo kung sino ang nanakit sa iyo!” 65 At marami pa silang sinasabing mapamusong* na mga bagay tungkol sa kaniya.
66 Nang mag-umaga na, nagtipon ang matatandang lalaki ng bayan—ang mga punong saserdote at mga eskriba+—at dinala nila siya sa bulwagan ng Sanedrin at sinabi: 67 “Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin.”+ Pero sinabi niya: “Kahit sabihin ko sa inyo, hindi kayo maniniwala. 68 At kung tatanungin ko kayo, hindi rin naman kayo sasagot. 69 Pero mula ngayon, ang Anak ng tao+ ay uupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos.”+ 70 Kaya sinabi nilang lahat: “Kung gayon, ikaw ba ang Anak ng Diyos?” Sinabi niya: “Kayo mismo ang nagsasabi niyan.” 71 Sinabi nila: “Bakit kakailanganin pa natin ng mga testigo? Narinig na natin mismo mula sa bibig niya!”+
23 Kaya tumayo silang lahat at dinala siya kay Pilato.+ 2 Pagkatapos, inakusahan nila siya:+ “Inililigaw ng taong ito ang mga kababayan namin, ipinagbabawal ang pagbabayad ng buwis kay Cesar,+ at sinasabing siya ang Kristo na hari.”+ 3 Kaya tinanong siya ni Pilato: “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot siya: “Ikaw mismo ang nagsasabi.”+ 4 Sinabi ni Pilato sa mga punong saserdote at sa mga tao: “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.”+ 5 Pero ipinipilit nila: “Sinusulsulan niya ang mga tao sa pamamagitan ng pagtuturo sa buong Judea; nagsimula siya sa Galilea at nakaabot dito.” 6 Nang marinig ito, tinanong ni Pilato kung taga-Galilea ang taong ito. 7 Pagkatapos matiyak na galing siya sa lugar na sakop ni Herodes,+ ipinadala niya si Jesus kay Herodes, na nasa Jerusalem din nang panahong iyon.
8 Nang makita ni Herodes si Jesus, tuwang-tuwa siya. Matagal na niyang gustong makita si Jesus dahil sa dami ng nababalitaan niya tungkol dito,+ at gusto niyang makitang gumawa ng himala si Jesus. 9 Kaya pinagtatanong niya si Jesus, pero hindi ito sumasagot.+ 10 Samantala, paulit-ulit na tumatayo ang mga punong saserdote at mga eskriba at galit na galit siyang inaakusahan. 11 At hinamak siya+ ni Herodes pati ng mga sundalo nito at sinuotan siya ng magarbong damit para gawin siyang katatawanan+ at saka siya ibinalik kay Pilato. 12 Nang mismong araw na iyon, ang dating magkaaway na sina Herodes at Pilato ay naging magkaibigan.
13 Pagkatapos, ipinatawag ni Pilato ang mga punong saserdote, mga tagapamahala, at iba pa, 14 at sinabi: “Dinala ninyo sa akin ang taong ito at sinasabi ninyong sinusulsulan niya ang mga tao na maghimagsik. Pero sinuri ko siya sa harap ninyo at wala akong makitang dahilan para hatulan ang taong ito ayon sa mga paratang ninyo sa kaniya.+ 15 Sa katunayan, wala ring nakitang kasalanan si Herodes sa kaniya, dahil ibinalik niya siya sa atin, at wala siyang anumang ginawa na karapat-dapat sa kamatayan. 16 Kaya paparusahan ko siya+ at palalayain.” 17 *—— 18 Pero sumigaw ang lahat: “Patayin ang taong iyan,* at palayain si Barabas!”+ 19 (Ang lalaking ito ay nabilanggo dahil sa pagpatay at sa sedisyong naganap sa lunsod.) 20 Nagsalitang muli si Pilato sa harap nila dahil gusto niyang palayain si Jesus.+ 21 Pero sumigaw sila: “Ibayubay* siya sa tulos! Ibayubay siya sa tulos!”+ 22 Sinabi niya sa kanila sa ikatlong pagkakataon: “Bakit? Ano ba ang ginawang masama ng taong ito? Wala akong makita sa kaniya na karapat-dapat sa kamatayan; kaya paparusahan ko siya at palalayain.” 23 Dahil dito, lalo pa silang naging mapilit at isinisigaw nilang patayin siya,* at nangibabaw ang boses nila.+ 24 Kaya nagpasiya si Pilato na ibigay ang hinihiling nila. 25 Pinalaya niya ang lalaking gusto nilang palayain, na ibinilanggo dahil sa sedisyon at pagpatay, pero ibinigay niya sa kanila si Jesus para gawin ang gusto nila.
26 Nang dalhin nila siya, pinahinto nila si Simon na taga-Cirene, na naglalakbay mula sa lalawigan, at ipinasan nila sa kaniya ang pahirapang tulos* para buhatin ito habang naglalakad kasunod ni Jesus.+ 27 Sinusundan siya ng maraming tao, kasama ang mga babae na humahagulgol habang sinusuntok ang dibdib nila sa pagdadalamhati. 28 Lumingon si Jesus sa mga babae, at sinabi niya: “Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag na kayong umiyak para sa akin. Umiyak kayo para sa inyong sarili at sa inyong mga anak;+ 29 dahil darating ang panahon kung kailan sasabihin ng mga tao, ‘Maligaya ang mga babaeng baog, ang mga sinapupunang hindi nanganak at ang mga dibdib na hindi nagpasuso!’+ 30 At sasabihin nila sa mga bundok, ‘Itago ninyo kami!’ at sa mga burol, ‘Takpan ninyo kami!’+ 31 Kung ito ang nangyayari habang buháy pa ang puno, ano na lang ang mangyayari kung tuyot na ito?”
32 Dinala rin ang dalawa pang lalaki, na mga kriminal, para pataying kasama niya.+ 33 Nang makarating sila sa lugar na tinatawag na Bungo,+ ipinako nila siya sa tulos kasama ang mga kriminal, isa sa kanan niya at isa sa kaliwa.+ 34 Pero sinabi ni Jesus: “Ama, patawarin mo sila, dahil hindi nila alam ang ginagawa nila.” Nagpalabunutan din sila para paghati-hatian ang damit niya.+ 35 Ang mga tao naman ay nakatayo roon at nanonood. Pero nangungutya ang mga tagapamahala at sinasabi nila: “Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ang sarili niya kung siya nga ang Kristo ng Diyos, ang Pinili.”+ 36 Ginawa rin siyang katatawanan kahit ng mga sundalo; nilapitan siya ng mga ito, inalok ng maasim na alak,+ 37 at sinabi: “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang sarili mo.” 38 May nakasulat din sa ulunan niya: “Ito ang Hari ng mga Judio.”+
39 At ininsulto siya ng isa sa nakabayubay na mga kriminal+ at sinabi: “Ikaw ang Kristo, hindi ba? Iligtas mo ang sarili mo, pati kami!” 40 Sinaway ito ng isa pang kriminal at sinabi: “Wala ka na ba talagang takot sa Diyos? Hinatulan ka ring mamatay tulad niya. 41 Nararapat lang na magdusa tayo dahil sa mga ginawa natin, pero ang taong ito ay walang ginawang masama.” 42 Pagkatapos, sinabi niya: “Jesus, alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong Kaharian.”+ 43 Sumagot si Jesus: “Sinasabi ko sa iyo ngayon, makakasama kita sa Paraiso.”+
44 Noon ay mga ikaanim na oras* na, pero nagdilim sa buong lupain hanggang sa ikasiyam na oras,*+ 45 dahil naglaho ang liwanag ng araw; at ang kurtina ng templo+ ay nahati sa gitna.+ 46 At sumigaw si Jesus: “Ama, ipinagkakatiwala ko na ang buhay* ko sa mga kamay mo.”+ Pagkasabi nito, namatay siya.*+ 47 Nang makita ng opisyal ng hukbo ang nangyari, niluwalhati niya ang Diyos at sinabi: “Talaga ngang matuwid ang taong ito.”+ 48 Pagkakita sa nangyari, ang lahat ng nagtipon doon ay umuwi habang sinusuntok ang dibdib nila. 49 At nakatayo sa malayo ang lahat ng nakakakilala sa kaniya. Naroon din ang mga babae na sumama sa kaniya mula sa Galilea, at nakita nila ang mga bagay na ito.+
50 At naroon ang lalaking si Jose, na miyembro ng Sanggunian.* Isa siyang mabuti at matuwid na tao.+ 51 (Hindi siya pumayag* sa pakana nila at hindi niya sila sinuportahan.) Mula siya sa Arimatea, isang lunsod ng mga Judeano, at hinihintay niya ang Kaharian ng Diyos. 52 Pumunta siya kay Pilato at hiningi ang katawan ni Jesus. 53 Ibinaba niya ito mula sa tulos,+ binalot sa magandang klase ng lino, at inilagay sa isang libingan* na inuka sa bato,+ na hindi pa napaglilibingan ng sinuman. 54 Noon ay araw ng Paghahanda,+ at malapit nang magsimula ang Sabbath.+ 55 Pero pumunta rin ang mga babae na sumama kay Jesus mula sa Galilea, at tiningnan nila ang libingan* at nakita kung paano inilagay ang katawan niya,+ 56 at umuwi sila para maghanda ng mabangong langis at iba pang mababangong sangkap.* Pero nagpahinga sila nang Sabbath+ ayon sa utos.
24 Pero maagang-maaga noong unang araw ng linggo, pumunta sila sa libingan,* dala ang mababangong sangkap* na inihanda nila.+ 2 Gayunman, nakita nilang naalis na* ang bato sa libingan,*+ 3 at nang pumasok sila, hindi nila nakita ang katawan ng Panginoong Jesus.+ 4 Habang naguguluhan pa sila sa nangyari, dalawang lalaki na may nagniningning na damit ang nakita nilang nakatayo sa tabi nila. 5 Natakot ang mga babae at yumuko, kaya sinabi ng mga lalaki: “Bakit ninyo hinahanap ang buháy sa lugar ng mga patay?+ 6 Wala siya rito dahil binuhay na siyang muli. Alalahanin ninyo nang makipag-usap siya sa inyo noong nasa Galilea pa siya. 7 Sinabi niyang ang Anak ng tao ay kailangang maibigay sa kamay ng mga makasalanan at ibayubay sa tulos at buhaying muli sa ikatlong araw.”+ 8 Kaya naalaala nila ang mga sinabi niya,+ 9 at umalis sila sa libingan* para ibalita sa 11 apostol at sa iba pang alagad ang lahat ng ito.+ 10 Sina Maria Magdalena, Juana, at Maria na ina ni Santiago, gayundin ang iba pang babae na kasama ng mga ito, ang nagbalita sa mga apostol. 11 Pero iniisip nilang imahinasyon lang ang sinabi ng mga babae, at hindi sila naniwala sa mga ito.
12 Pero tumayo si Pedro at tumakbo papunta sa libingan.* Yumuko siya para sumilip, at mga telang lino lang ang nakita niya. Kaya umalis siya na nagtataka sa nangyari.
13 Pero nang mismong araw na iyon, may dalawang alagad na naglalakbay papunta sa isang nayon na tinatawag na Emaus, mga 11 kilometro* mula sa Jerusalem, 14 at pinag-uusapan nila ang lahat ng nangyari.
15 Habang nag-uusap sila at nagtatalo tungkol dito, si Jesus mismo ay lumapit at lumakad kasabay nila, 16 pero hindi nila siya nakilala.+ 17 Sinabi niya: “Ano ba ang pinagtatalunan ninyo habang naglalakad?” At tumigil sila sa paglalakad, na nalulungkot. 18 Sumagot ang isa sa kanila na si Cleopas: “Dayuhan ka ba sa Jerusalem at walang nakakausap? Bakit hindi mo alam ang mga nangyari doon nitong nakaraan?”* 19 Nagtanong siya: “Ano?” Sinabi nila: “Ang mga nangyari kay Jesus na Nazareno.+ Isa siyang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, sa harap ng Diyos at ng lahat ng tao.+ 20 Ibinigay siya ng aming mga punong saserdote at mga tagapamahala para mahatulan ng kamatayan,+ at ipinako nila siya sa tulos. 21 Pero inaasahan namin na ang taong ito ang magliligtas sa Israel.+ At ito na ang ikatlong araw mula nang mangyari ang mga iyon. 22 Isa pa, nagulat din kami sa sinabi ng ilan sa mga babaeng alagad. Maaga silang pumunta sa libingan,*+ 23 at nang hindi nila nakita ang katawan niya, pinuntahan nila kami at sinabing may nagpakita sa kanilang mga anghel na nagsabing buháy si Jesus. 24 Kaya ang ilan sa mga kasama namin ay pumunta sa libingan,*+ at nakita nilang totoo ang sinabi ng mga babae, pero hindi nila nakita si Jesus.”
25 Kaya sinabi niya sa kanila: “Mga di-makaunawa at mabagal ang puso sa pagtanggap sa lahat ng sinabi ng mga propeta! 26 Hindi ba kailangang danasin ng Kristo ang mga ito+ para matanggap niya ang kaluwalhatiang nararapat sa kaniya?”+ 27 At pasimula kay Moises at sa lahat ng Propeta,*+ ipinaliwanag niya sa kanila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kaniya.
28 Nang malapit na sila sa nayong pupuntahan ng mga alagad, nagkunwari siyang mas malayo pa ang lalakbayin niya. 29 Pero pinigilan nila siyang umalis at sinabi: “Sumama ka muna sa amin, dahil lumulubog na ang araw at malapit nang dumilim.” Kaya tumuloy siya sa bahay at nanatiling kasama nila. 30 Habang nakaupo* siya sa mesa kasama nila, kumuha siya ng tinapay, nanalangin, pinagpira-piraso ito, at ibinigay sa kanila.+ 31 Nang pagkakataong iyon, nabuksan ang mga mata nila at nakilala nila siya; pero bigla siyang nawala.+ 32 Sinabi nila sa isa’t isa: “Hindi ba nagniningas ang puso natin habang kinakausap niya tayo sa daan, habang malinaw niyang ipinapaliwanag* sa atin ang Kasulatan?” 33 Nang mismong oras na iyon ay tumayo sila at bumalik sa Jerusalem, at nakita nila ang 11 apostol at ang iba pang nagtitipong kasama ng mga ito, 34 na nagsabi: “Talaga ngang binuhay-muli ang Panginoon at nagpakita siya kay Simon!”+ 35 Ikinuwento naman nila ang mga nangyari sa daan at kung paano nila siya nakilala nang pagpira-pirasuhin niya ang tinapay.+
36 Habang pinag-uusapan nila ang mga ito, tumayo si Jesus sa gitna nila at sinabi niya: “Sumainyo nawa ang kapayapaan.”+ 37 Pero nagulat sila at natakot dahil akala nila, isang espiritu ang nakikita nila. 38 Kaya sinabi niya: “Bakit kayo naguguluhan, at bakit nagkaroon ng mga pag-aalinlangan sa puso ninyo? 39 Tingnan ninyo ang mga kamay at paa ko para malaman ninyo na ako nga ito; hawakan ninyo ako at tingnan, dahil ang isang espiritu ay walang laman at buto, hindi gaya ng nakikita ninyo sa akin.” 40 Nang sabihin niya ito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at paa. 41 Pero habang hindi pa sila makapaniwala dahil sa sobrang saya at pagkamangha, sinabi niya: “Mayroon ba kayong pagkain?” 42 Kaya binigyan nila siya ng inihaw na isda, 43 at kinuha niya ito at kinain sa harap nila.
44 Pagkatapos, sinabi niya: “Ito ang sinasabi ko sa inyo noong kasama pa ninyo ako,+ na kailangang matupad ang lahat ng bagay tungkol sa akin na nakasulat sa Kautusan ni Moises at sa mga Propeta at sa mga Awit.”+ 45 At binuksan niya ang isip nila para lubusan nilang maintindihan ang kahulugan ng Kasulatan,+ 46 at sinabi niya, “Ito ang nakasulat: Ang Kristo ay magdurusa at mabubuhay-muli sa ikatlong araw,+ 47 at sa ngalan niya ay ipangangaral ang mensahe ng pagsisisi at kapatawaran ng kasalanan+ sa lahat ng bansa,+ pasimula sa Jerusalem.+ 48 Kayo ay magpapatotoo* tungkol sa mga ito.+ 49 At ipadadala ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama. Pero manatili muna kayo sa lunsod hanggang sa matanggap ninyo ang* kapangyarihan mula sa kaitaasan.”+
50 Pagkatapos, isinama niya sila sa labas ng lunsod hanggang sa Betania, at itinaas niya ang mga kamay niya at pinagpala sila. 51 Habang pinagpapala niya sila, nahiwalay siya sa kanila at umakyat sa langit.+ 52 Yumukod sila sa kaniya at bumalik sa Jerusalem na masayang-masaya.+ 53 At palagi silang nasa templo, na pumupuri sa Diyos.+
O “mapananaligan.”
Lit., “tagapaglingkod.”
O “itinuro nang bibigan.”
Tingnan sa Glosari.
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
O “kahit nasa tiyan pa lang siya ng kaniyang ina.”
Tingnan ang Ap. A5.
O “mauuna siyang isugo ng Diyos.”
O “para panumbalikin ang puso ng mga ama gaya ng sa mga anak.”
Tingnan ang Ap. A5.
O “isang pangitain.”
O “paglilingkod niya sa publiko.”
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
O “Maglilihi.”
Tingnan ang Ap. A5.
O “Hindi pa ako nakipagtalik sa isang lalaki.”
O “Darating sa iyo.”
O “walang sinabi ang Diyos na hindi niya kayang gawin.”
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
O “Dinadakila ng buong pagkatao.”
Tingnan ang Ap. A5.
Lit., “espiritu.”
O “may mapagmataas na puso.”
Lit., “kaniyang binhi.”
Tingnan ang Ap. A5.
O “Inilagay ito ng lahat ng nakarinig sa puso nila.”
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
Lit., “isang sungay ng kaligtasan.” Tingnan sa Glosari, “Sungay.”
O “sumpa.”
Tingnan sa Glosari.
Tingnan ang Ap. A5.
Lit., “malakas sa espiritu.”
O “mundo.”
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
Lit., “ang marami sa makalangit na hukbo.”
O “kabutihang-loob.”
Tingnan ang Ap. A5.
O “at bumuo siya ng mga palagay sa puso niya.”
O “isinama nila siya paakyat.”
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
Lit., “bawat lalaking nagbubukas ng sinapupunan.”
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
Lit., “mula sa kaniyang pagiging birhen.”
O “na nag-uukol ng sagradong paglilingkod.”
Tingnan sa Glosari.
Tingnan ang Ap. A5.
O “patuloy siyang nagpasakop.”
O “Iningatan ding mabuti ng kaniyang ina sa puso niya.”
Si Herodes Antipas. Tingnan sa Glosari.
Lit., “ang tetrarka.”
Tingnan ang Ap. A5.
Lit., “laman.”
O “ang paraan ng pagliligtas ng Diyos.”
Lit., “Magluwal kayo ng mga bungang angkop sa pagsisisi.”
Lit., “dalawang.”
O “sa probisyon sa inyo.”
O “nangangatuwiran sa puso.”
O “imbakan.”
Tingnan ang Ap. A5.
O “dapat mong pag-ukulan ng sagradong paglilingkod.”
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan sa Glosari.
Tingnan ang Ap. A5.
Lit., “pinahiran.” Tingnan sa Glosari, “Pahiran.”
Tingnan ang Ap. A5.
O “nilinis.”
Lit., “maruming.”
Lit., “ang Banal ng Diyos.”
Lit., “maruruming.”
Lit., “sinaway.”
O “may iba’t ibang sakit.”
Ang Lawa ng Galilea.
O “mapalilinis.”
Malamang na tumutukoy sa mga saserdote.
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan sa Glosari, “Pamumusong.”
O “ang nakahilig sa mesa.”
O “at magsumamo.”
Alak na matagal nang inimbak.
O “pantanghal.”
O “paralisado.”
O “paralisadong.”
Lit., “maruruming.”
O “at itinuturing nilang napakasama ng.”
Nang walang interes.
O “magpalaya.”
O “palalayain.”
Nagsisilbing bulsa sa bandang dibdib.
Lit., “Dahil sa panukat na ipinanunukat ninyo, susukatin nila kayo.”
O “alagad.”
O “biga.”
O “Mapagpaimbabaw!”
O “palumpong.”
Lit., “dahil mula sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig.”
O “ang hindi nakakakita sa akin ng ikatitisod.”
O “may mamahaling damit?”
O “kalooban.”
Lit., “pinatutunayang matuwid ng.”
Lit., “sa lahat ng anak nito.”
Lit., “humilig.”
O “na nakahilig sa mesa.”
Maliit na sisidlang gawa sa batong makukuha sa isang lugar na malapit sa Alabastron, Ehipto.
Tingnan ang Ap. B14.
O “lubusan niya silang pinatawad.”
O “kahit malubha ang mga kasalanan niya.”
O “mga nakahilig sa mesa.”
O “nagbabata.”
O “alaalang libingan.”
Lit., “maruming.”
O posibleng “Matagal na siyang kinokontrol nito.”
O “ang kaisa-isa niyang anak.”
Lit., “maliligtas.”
O “At bumalik ang kaniyang puwersa ng buhay.” Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
Lit., “awtoridad sa lahat ng demonyo.”
Lit., “pilak.”
Lit., “dalawang.”
Si Herodes Antipas. Tingnan sa Glosari.
Lit., “na tetrarka.”
Lit., “pinagpala ang mga ito.”
Tingnan sa Glosari.
O “mawawalan ng buhay.”
O “sanlibutan.”
Lit., “na malapit na niyang tuparin.”
Lit., “maruming.”
O “pinakaimportante.”
Sa Ingles, fox.
Lit., “walang mahigan ng kaniyang ulo.”
O “batang tupa.”
O “ng mababangis na aso.”
O “lalagyan ng pera.”
O “yakapin ang sinuman sa daan bilang pagbati.”
O “Hades.” Tingnan sa Glosari.
O “serpiyente.”
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “bumaba mula.”
Lit., “ang bumaba sa daang iyon.”
Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “salita.”
O “pinakamabuting.”
O “ituring nawang sagrado o banal.”
Lit., “tinapay.”
Lit., “may utang.”
Lit., “huwag mo kaming dalhin sa tukso.”
Lit., “at katabi ko na sa higaan ang maliliit na anak ko.”
Si Satanas.
Lit., “ang magiging hukom ninyo.”
O “espiritu.”
Lit., “maruming.”
O “nagpasuso.”
O “basket na panukat.”
O “malinaw.” Lit., “simple.”
O “mapupuno ng liwanag.”
Lit., “masama.”
Lit., “humilig.”
Paglilinis sa seremonyal na paraan.
Lit., “loob.”
O “pandarambong.”
Lit., “magbigay kayo ng kaloob ng awa.” Tingnan sa Glosari, “Kaloob udyok ng awa.”
Ang katarungan at pag-ibig sa Diyos.
Lit., “sa mga upuan sa unahan ng.”
O “alaalang libingang.”
O “libingang hindi madaling mapansin.”
O “alaalang libingan.”
O “pampaalsa.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “dalawang assarion.” Tingnan ang Ap. B14.
O “napapabayaan.”
Tingnan sa Glosari, “Pamumusong.”
O posibleng “sa harap ng mga sinagoga.”
O “kaimbutan.”
O “kukunin nila ang buhay mo.” Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “isang siko.” Tingnan ang Ap. B14.
Isang uri ng bulaklak.
O “mga bansa sa sanlibutan.”
O “idaragdag.”
Lit., “magbigay kayo ng kaloob ng awa.” Tingnan sa Glosari, “Kaloob udyok ng awa.”
O “tangà,” isang insekto na kumakain ng tela.
Lit., “Bigkisan ninyo ang inyong balakang.”
O “magbibigkis.”
O “pahihiligin.”
Mga 9:00 n.g. hanggang hatinggabi.
Hatinggabi hanggang mga 3:00 n.u.
O “tagapamahala sa sambahayan.”
O “mga lingkod ng sambahayan.”
O “ang ayon sa kalooban.”
O “Magkakaroon ng bugso ng matinding init.”
Lit., “lepton.” Tingnan ang Ap. B14.
O “Malaya ka na sa kapansanan mo.”
O “Ipinatong niya ang kamay niya sa.”
O “pinahirapan.”
O “mapalaya.”
O “lebadura.”
Lit., “tatlong seah.” Ang isang seah ay 7.33 L. Tingnan ang Ap. B14.
O “hihilig.”
Sa Ingles, fox.
O “dahil imposibleng.”
Templo.
Tingnan ang Ap. A5.
O “sa pinakahuling upuan.”
Lit., “kumakain ng tinapay.”
O “limang magkakatuwang na baka.”
O “masubukan.”
O “at mas mahal niya ang.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “tore.”
O “kung hindi kayo magpapaalam sa.”
Tingnan ang Ap. B14.
O “kaibigan niyang babae.”
Tingnan ang Ap. B14.
Bunga ng algarroba.
Lit., “sumubsob sa leeg niya.”
O “batang baka.”
O “malusog.”
Lit., “lumapa.”
O “may tagapamahala sa sambahayan.”
O “mamahala sa bahay ko.”
O “takal na bat.” Ang isang bat ay 22 L (5.81 gal). Tingnan ang Ap. B14.
O “100 takal na kor.” Ang isang kor ay 220 L. Tingnan ang Ap. B14.
O “kumilos siya nang may karunungan; kumilos siya nang maingat.”
O “panahong.” Tingnan sa Glosari, “Sistema.”
O “pinakakaunting.”
O “pinakakaunting.”
Tingnan ang tlb. sa Mat 7:12.
O “kulay-ube.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “dibdib.”
O “Hades.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “dibdib.”
O “paghina ng pananampalataya; pagkakasala.”
O “paghina ng pananampalataya; pagkakasala.”
O “walang-halagang.”
Lit., “luminis.”
Lit., “luminis.”
Lit., “sa araw niya.”
Dito, ang salitang “asupre” ay tumutukoy sa isang uri ng bato na nag-aapoy.
O “mawawalan ng buhay.”
Tingnan ang Ap. A3.
O “at pahirapan ako nang lubusan.”
Lit., “ang pananampalataya.”
O “magmagandang-loob.”
Lit., “mga sanggol.”
Lit., “magmana.”
O “igalang.”
O “panahon.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “Aakyat.”
O “igos-mulberi.”
O “kinikil ko sa pamamagitan ng di-totoong akusasyon.”
Ang isang Griegong mina ay 340 g at tinatayang katumbas ng 100 drakma. Tingnan ang Ap. B14.
O “ang kaharian.”
Lit., “pilak.”
Lit., “pilak.”
Lit., “paakyat ng.”
O “anak ng asno.”
Tingnan ang Ap. A5.
O “pipighatiin.”
Lit., “mga anak.”
O “winalang-dangal.”
Lit., “naging ulo ng kanto.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “sa awtoridad ng gobernador.”
Tingnan ang Ap. B14.
O “panahong.” Tingnan sa Glosari, “Sistema.”
O “palumpong.”
Tingnan ang Ap. A5.
O “buháy para sa kaniya.”
Tingnan ang Ap. A5.
Lit., “sa mga upuan sa unahan ng.”
O “hapunan.”
Lit., “Nilalamon nila ang mga bahay.”
O “hulugan ng kontribusyon.”
Lit., “ng dalawang lepton.” Tingnan ang Ap. B14.
O “mahirap.”
O “pag-aaklas.”
O “salot.”
O “Kaya ipasiya ninyo sa inyong mga puso na huwag magsanay.”
O “tatraidurin.”
O “pagbabata.”
O “mga araw ng paghihiganti.”
O “Gentil.”
O “matupad.”
O “Gentil.”
O “lakasan ninyo ang inyong loob at magpakatibay.”
O “para magtagumpay kayo sa pagtakas.”
O “humilig.”
O “pinakaimportante.”
Ang tawag sa mga taong nagkakawanggawa.
O “nakahilig sa mesa.”
O “naglilingkod.”
O “nakahilig sa mesa.”
O “naglilingkod.”
O “lalagyan ng pera.”
O “lalagyan ng pera.”
O “lumayo siya sa kanila sa layong isang pukol ng bato.”
Lit., “oras.”
Tingnan sa Glosari, “Pamumusong.”
Tingnan ang Ap. A3.
Lit., “Alisin ang isang ito.”
O “Ibitin.”
O “ibayubay siya sa tulos.”
Tingnan sa Glosari.
Mga 12:00 n.t.
Mga 3:00 n.h.
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
O “hinugot niya ang kaniyang huling hininga.”
O “Sanedrin.”
O “Hindi siya bumoto pabor.”
O “alaalang libingan.”
O “alaalang libingan.”
Dahon o iba pa na ginagamit sa paghahanda ng katawan para sa paglilibing.
O “alaalang libingan.”
Dahon o iba pa na ginagamit sa paghahanda ng katawan para sa paglilibing.
O “naigulong na palayo.”
O “alaalang libingan.”
O “alaalang libingan.”
O “alaalang libingan.”
Mga 7 mi. Lit., “60 estadyo.” Ang isang estadyo ay 185 m (606.95 ft). Tingnan ang Ap. B14.
O posibleng “Ikaw lang ba ang bisita sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga nangyari doon nitong nakaraan?”
O “alaalang libingan.”
O “alaalang libingan.”
O “pasimula sa isinulat ni Moises at ng mga propeta.”
O “nakahilig.”
O “habang lubusan niyang binubuksan.”
O “magiging saksi.”
Lit., “madamtan kayo ng.”